12
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 38 BILANG 1 ENERO 2018 E D I T O R Y A L Walang pagdadalawang-isip at pursigido si Duterte na kagyat na amyendahan ang reaksyunaryong saligang batas ng 1987 upang ganap na maitatag nito ang pasistang diktadurang mala-Marcos na mahigpit na nututulan ng mamamayan. Layunin ni Duterte sa isinusulong na charter change at ang pagtangkilik sa sistemang pederalismo ang pagpapatatag ng paghahari ng mga pampulikang dinasya sa mga rehiyon at probinsya, higit na pagkonsentra ng kapangyarihan ng reaksyunaryong gubyerno laban sa mamamayan at walang-limitasyong pandarambong ng mga imperyalista at dayuhang kapangyarihan sa bansa. Purong buladas lamang ang mga pahayag ng tusong si Duterte na kagyat itong bababa sa pwesto kapag naitatag na ang pederalismo sa bansa. Sa katunayan, sa isinusulong na pederalismo parkular sa mga transitory provisions nito ay palalawigin ang kanyang termino, maging ang kasalukuyang mga nakaupo sa reaksyunaryong gubyerno. Hindi lamang mapapalawig kundi makokonsentra din ang kapangyarihan kay Duterte. Magiging parehong Pangulo at Prime Minister si Duterte kaya’t nasa kanya ang kapangyarihan ng lehislatura at ehekubo ng aabot sa 10 taon mula sa rapikasyon ng panukalang saligang batas ng PDP-Laban hanggang sa panahon ng transisyon patungong pagbabago ng pederal na sistema ng reaksyunaryong gubyerno. Ibibigay rin sa kanya ang kapangyarihan ng pangangasiwa sa buong gubyerno, kabilang ang hudikatura na lalong magpapatatag ng kanyang diktadura. Tulad ng ginawa ng diktadurang Marcos, bibigyan ni Duterte ang kanyang sarili ng labis na kapangyarihan upang mapanali ang pasistang paghahari nito sa bansa. Kasabay ng pamamayani ng pasistang paghahari ni Duterte sa buong bansa sa pamamagitan ng itatayong sentral na pederal na gubyerno, bibigyan din nya ng labis na kapangyarihan ang mga lokal na warlord at pampulikang dinasya sa mga itatatag na panrehiyong estado. Sa ganitong balangkas, mas madaling kontrolin ng mga makapangyarihang Biguin ang pakanang pederalismo ng rehimeng US-Duterte S a simula ng taong 2018, umaarangkada na ang panukalang charter change (cha cha) ng rehimeng US-Duterte at mga kaalyado nito sa kongreso at senado. Nakasentro ang pagbabago sa sistemang pampulika ni Duterte sa paglipat tungo sa anyong parlamentaryo ng gubyerno at ang pagtatag ng pederal na istruktura ng republika. Ang pederalismong ito sa esensya’y isang istruktura ng gubyerno na may pederal na gubyerno sa antas pambansa at rehiyunal na mga estado.

Biguin ang pakanang pederalismo ng rehimeng US-Duterte S · Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan. Inaanyayahan

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 38 BILANG 1 ENERO 2018

E D I T O R Y A L

Walang pagdadalawang-isip at pursigido si Duterte na kagyat na amyendahan ang reaksyunaryong saligang batas ng 1987 upang ganap na maitatag nito ang pasistang diktadurang mala-Marcos na mahigpit na tinututulan ng mamamayan. Layunin ni Duterte sa isinusulong na charter change at ang pagtangkilik sa sistemang pederalismo ang pagpapatatag ng paghahari ng mga pampulitikang dinastiya sa mga rehiyon at probinsya, higit na pagkonsentra ng kapangyarihan ng reaksyunaryong gubyerno laban sa mamamayan at walang-limitasyong pandarambong ng mga imperyalista at dayuhang kapangyarihan sa bansa.

Purong buladas lamang ang mga pahayag ng tusong si Duterte na kagyat itong bababa sa pwesto kapag naitatag na ang pederalismo sa bansa. Sa katunayan, sa isinusulong na pederalismo partikular sa mga transitory provisions nito ay palalawigin ang kanyang termino, maging ang kasalukuyang mga nakaupo sa reaksyunaryong gubyerno. Hindi lamang mapapalawig kundi makokonsentra din ang kapangyarihan kay Duterte. Magiging parehong

Pangulo at Prime Minister si Duterte kaya’t nasa kanya ang kapangyarihan ng lehislatura at ehekutibo ng aabot sa 10 taon mula sa ratipikasyon ng panukalang saligang batas ng PDP-Laban hanggang sa panahon ng transisyon patungong pagbabago ng pederal na sistema ng reaksyunaryong gubyerno. Ibibigay rin sa kanya ang kapangyarihan ng pangangasiwa sa buong gubyerno, kabilang ang hudikatura na lalong magpapatatag ng kanyang diktadura. Tulad ng ginawa ng diktadurang Marcos, bibigyan ni Duterte ang kanyang sarili ng labis na kapangyarihan upang mapanatili ang pasistang paghahari nito sa bansa.

Kasabay ng pamamayani ng pasistang paghahari ni Duterte sa buong bansa sa pamamagitan ng itatayong sentral na pederal na gubyerno, bibigyan din nya ng labis na kapangyarihan ang mga lokal na warlord at pampulitikang dinastiya sa mga itatatag na panrehiyong estado. Sa ganitong balangkas, mas madaling kontrolin ng mga makapangyarihang

Biguin ang pakanang pederalismo ng rehimeng US-Duterte

Sa simula ng taong 2018, umaarangkada na ang panukalang charter change (cha cha) ng rehimeng US-Duterte at mga kaalyado nito sa kongreso at senado. Nakasentro ang pagbabago sa sistemang

pampulitika ni Duterte sa paglipat tungo sa anyong parlamentaryo ng gubyerno at ang pagtatag ng pederal na istruktura ng republika. Ang pederalismong ito sa esensya’y isang istruktura ng gubyerno na may pederal na gubyerno sa antas pambansa at rehiyunal na mga estado.

NILALAMAN

ENERO 20182 KALATAS

ENERO 2017Tomo 38 Bilang 1

1 Editoryal

3 Chacha at pederalismo para sa pagpapatatagng burukrata-kapitalismo

4 Ang panukalang pederalismo ni Duterte

5 Kongreso: instrumento sa pagpapatawng pasistang paghahari ni Duterte

7 Sitwasyong militar sa TK sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

9 Mga pagkilos ng mamamayan ng TK laban sa pasistang rehimeng US-Duterte

10 Bantay Karapatan

Pakikibakang magsasaka sa rehiyon, higit na sumigla

11 Balitang TO

12 Kultura

pamilya sa bansa ang yamang lilikhain ng mga itatayong panrehiyong estado.

Sa Timog Katagalugan, tiyak na lalong mapapasakamay ng mga malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa ang malalawak na lupang agrikultural sa rehiyon upang ikumbert tungong gamit industriyal, komersyal, residensyal at ekoturismo. Kabilang din sa mga makokopo ng mayayamang pamilya sa bansa ang mga batayang serbisyo tulad ng kuryente at tubig at mga industriya ng enerhiya, pagmimina at mga lokal na produktong pangkonsumo at pang-eksport. Lalo lamang ilalayo ni Duterte sa mamamayan ang kanilang mga batayang karapatan at pangangailangan.

Habang walang patumangga namang isinantabi hanggang sa tuluyan nang tinapos ng rehimeng US-Duterte ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines na naggigiit sa pagtugon sa kahirapan ng mamamayan na syang ugat ng armadong tunggalian sa bansa. Nakapaloob ito sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic

Reforms (CASER) at Comprehensive Agreement on Constitutional and Political Reforms (CACPR) na siyang nakalatag na agenda nang makaisang panig na tinapos ni Duterte ang usapang pangkapayapaan. Sa pederalismong isinusulong ni Duterte, sinasagasaan ang mga batayang karapatan ng mamamayan at ang kanilang mga pakikibaka para sa hustisyang panlipunan kasabay ng lalo pang pagkakait sa kanila ng kanilang kahilingan para sa repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon.

Walang puknat ding tinatarget ni Duterte ang kanyang mga kritiko at katunggali sa pulitika ng kanyang pasista at mapanupil na mga atake. Kamakailan lamang naging pokus ng mga atake ang mga mamamahayag na nagsisiwalat ng kanyang mga kabulukan at ginagawang korapsyon sa reaksyunaryong gubyerno. Tiyak na hindi matatapos at iigting pa ang ganitong gawi ng rehimeng US-Duterte habang nananatili ito sa estado poder at walang ibang idudulot ang pederalismo at chacha ni Duterte kundi labis na kahirapan at kaapihan ng sambayanan. Habang nananatili ang paghahari ng tuta at pasistang rehimeng US-Duterte, nakatitiyak ang mamamayang hindi matutugunan ang kanilang mga batayang karapatan at karaingan.

Kailangang puspusang labanan ng sambayanang Pilipino ang pakanang chacha at pederalismo ng rehimeng US-Duterte upang pigilan ang pagpapalawig ng pasistang paghahari nito. Hindi ang pederalismo ni Duterte ang sagot sa kahirapang nararanasan ng mamamayan. Hanggat nananatiling malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino na patuloy na pinaghaharian ng mga malalaking burgesyakumprador at panginoong maylupa, walang makabuluhang panlipunang pagbabago ang magaganap.

Susi sa paglaban kay Duterte ang puspusang pagtataguyod sa armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng pakikibaka. Pakilusin ang pinakamalawak na hanay ng mamamayan upang kagyat na pabagsakin ang rehimeng US-Duterte at tuluyan itong ilibing sa basurahan ng kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagsusulong ng digmang bayan ng pinag-isang lakas ng mamamayan, mapapabagsak ang rehimeng tuta at pasista at ganap na matatatag ang isang lipunang tunay na demokratiko at malaya.

ENERO 2018 3 KALATAS

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected] balikwastk.wordpress.com

PANGUNAHING LATHALAIN

Kumikilos ngayon ang “supermayorya” ni Duterte sa kongreso upang itulak ang resolusyong magsasanib sa kongreso at senado bilang isang constituent assembly o con-ass para sa charter change o ang pagbabago ng reaksyunaryong saligang batas ng 1987. Mula pa Disyembre 2017, minamadali na ng mga kaalyado ni Duterte na itatag ang con-ass para sa layuning pederalismo ng rehimen. Sa pamamagitan ng con-ass, aamyendahan ng pinagsanib na kongreso at senado ang reaksyunaryong konstitusyon sa loob lamang ng apat na buwan na isasalang para sa ratipikasyon kasabay ang eleksyong pambarangay ngayong Mayo 2018. Sa pag-aamyenda ng reaksyunaryong konstitusyon, layuning isama ni Duterte ang mga probisyon sa pagtatatag ng pederalismo nito.

Tinatarget ni Duterte ang kagyat na pagbabago sa reaksyunaryong konstitusyong 1987 upang ipako ang kanyang sarili sa kapangyarihan para higit na makontrol at madambong ang kabang yaman ng bansa kasabay ng sagadsaring pagpapakatuta sa imperyalistang among US.

Sa panukalang pederalismo, pangunahing nakasaad ang pagpapahaba ng kanyang termino at lahat ng kasalukuyang nakaupo sa reaksyunaryong gubyerno. Hindi bago si Duterte sa ganitong kalakaran. Bilang haligi ng pamilyang naghahari sa Davao City sa loob ng higit 21 taon, ginamit ng dinastiyang Duterte ang kanilang impluwensya at kapangyarihan upang nakawin ang pondong nakalaan para sa mamamayan

Kasabay ng pagtutulak ng pederalismo, gagamitin ng rehimeng US-Duterte ang chacha upang lalong akitin ang pamumuhunan sa bansa ng mga imperyalista at dayuhang kumpanya sa kapakinabangan ni Duterte at mga kaalyado niya. Tulad ng mga nagdaang rehimen, tiyak na malaki ang kikitain ni Duterte sa bawat kontratang papasukin ng reaksyunaryong gubyerno habang sinasaid ang kabangyaman at lakas-paggawa ng mamamayang Pilipino.

Madali ring susuportahan ng mga burukrata-kapitalista ang pederalismo ni Duterte dahil magbubukas ito ng mas maraming upuan sa

Chacha at pederalismo para sa pagpapatatagng burukrata-kapitalismo

Upang patatagin ang burukrata-kapitalistang sistema ng rehimeng US-Duterte sa kanyang paghahari, inaapura na ngayon ni Duterte at mga kaalyado nito ang kagyat na pagbabago

ng reaksyunaryong konstitusyon ng 1987 o charter change. Tulad ng mga nagdaang rehimen nina Ramos, Arroyo at BS-Aquino, tinatangkang pahabain ni Duterte ang kanyang termino upang lalo pang magkamal ng malaking ganansya sa reaksyunaryong gubyeno. Inilalako ni Duterte ang kanyang pederalismo sa imperyalismong amo at mga kaalyado upang makapanatili sa estado poder nang matagal na panahon.

4 KALATAS ENERO 2018

lehislatura. Sa panukala ng PDP-Laban o ng “supermayorya” sa kongreso, mula sa 250 kinatawan ay lalaki ng hanggang 400 kinatawan ang maksimum na maaaring umupo sa Federal Assembly, ang magiging pambansang lehislatibong departamento. Habang ang mga itatayong estado ay magbubukas para sa paglakas ng mga lokal na politikal na dinastiya at kaakibat na pandarambong nila sa mamamayan. Sa ganitong balangkas, lalaki pa ang mga kaalyado at kroni ni Duterte sa reaksyunaryong gubyerno na siyang pangunahing magtutulak ng kanyang mga anti-mamamayan at makaimperyalistang patakaran.

Bibigyang-daan ng pederalismo ni Duterte ang walang kapantay na pagsasamantala at pang-aapi sa lipunang Pilipino na hihigit pa sa naganap noong panahon ng diktadurang Marcos. Kaya, tulad ng batas militar ni Marcos, ang paghaharing Duterte din ang magtutulak sa mamamayan upang mag-alsa at higit na pag-ibayuhin ang kanilang pakikibaka.

Ang pederalismo ni Duterte ang isa sa magmumulat sa mamamayan na hindi si Duterte ang magdudulot ng tunay na panlipunang pagbabago sa bansa kundi higit na pagdurusa. Ang pagpapabagsak sa malakolonyal at malapyudal na sistema ng lipunan at pagtatatag ng sosyalistang kapangyarihan ang siyang tutugon sa karaingan ng mamamayan at magtatatag ng isang gubyernong maglilingkod sa kanilang interes.

Ang panukalang pederalismo ni Duterte

May dalawang anyo ang panukalang pederalismo ng rehimeng US-Duterte, ang parlamentaryong

porma ng gubyerno at ang pederal na istruktura ng republika. Sa parlamentrayong porma ng gubyerno, bubuin ang Parlamento, ang pamumuno ng isang Pangulo at ng isang Punong Ministro at ang kanyang gabinete.

Ang Parlamento o Parliament of the Federal Republic of the Philippines ay bubuin ng dalawang kamara, ang Federal Assembly bilang pambansang lehislatibong departamento at ang Senado, bilang lehislatibong kumakatawan sa mga panrehiyong estado.

Ang Pangulo ang magiging pinuno ng estado na direktang ihahalal ng taumbayan sa limang-taong termino na may isang beses maaring muling mahalal bilang pangulo. May kapangyarihan sya sa lahat ng sangay ng gubyerno, ehekutibo, lehislatura at hudikatura; tatayong Commander-in-Chief ng AFP at iba pang kapangyarihan na pinahihintulutan ng babaguhing saligang batas.

Samantala, ang Punong Ministro at kanyang gabinete ang bumubuo sa gubyerno at tumatangan sa kapangyarihang ehekutibo. Ihahalal ang Punong Ministro mula sa Parlamento. Ang Punong Ministro ang maghahanda ng programa ng gubyerno, ng taunang badyet ng Pederal na Republika at iba pang kapangyarihang ehekutibo.

Sa pederal na istruktura ng republika itatatag ang sistemang pederal na gubyerno, kung saan nahahati ang kapangyarihan sa pamamahala sa pagitan ng isang sentral na pederal na gubyerno na syang mangangasiwa sa depensa, pagbubuwis, usaping panlabas, at iba pa. Samantala, ang mga panrehiyong estado ang siyang mangangasiwa sa halalan, panlipunang hustisya at serbisyo at mga programa sa iba’t ibang larangan.

Tungkulin naman ng namamayaning pederal na gubyerno at mga panrehiyong estado ang pagpapatupad ng mga programa at batas ng Pederal na Republika. Ipinapanukala sa pederalismo ni Duterte na hatiin ang teritoryo ng Pederal na Republika sa limang estado na may sariling Konstitusyon, bandila, sagisag, at iba pa.

ENERO 2018 5 KALATAS

Kapal mukha at walang anumang bahid ng pagpapanggap ang kasalukuyang reaksyunaryong kongreso sa pagyukod hanggang sa paghalik sa paa ni Rodrigo Duterte at amo nitong

imperyalismong US. Walang gatol ni anumang pagtutol ang supermayoryang nilikha kapwa sa senado at kongreso sa mga anti-mamamayang patakaran at panukalang batas laluna yaong mga umaayon sa kagustuhan ni Duterte.

Kongreso: instrumento sa pagpapataw ng pasistang paghahari ni Duterte

Sa unang taon ni Duterte, nilikha nya ang supermayorya sa kongreso na kinabibilangan ng dating mga kagawad ng PDP-Laban at higit na maraming mga burukratang nagtalunan sa bangka ng dominanteng paksyon sa pulitika mula Partido Liberal, Nacionalista, LAKAS-KAMPI-CMD kabilang si Gloria Macapagal-Arroyo. Mula sa orihinal na tatlong miyembro, lumaki hanggang mahigit 200 na ang kasapian ng PDP-Laban sa kongreso at patuloy pang nadaragdagan. Sa Timog Katagalugan, kabilang sa mga naging bahagi ng supermayorya sina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, Abraham Tolentino at Roy Loyola ng Cavite, Marlyn Alonte Naguiat ng Biñan, Laguna at Roberto Puno ng Antipolo, Rizal.

Kung tutuusin, hindi na bago ang garapalang pakikipag-koro kapwa ng senado at mababang kapulungan ng kongreso kay Duterte sa anumang naisin nito. Kapalit ito ng naglalakihang halaga ng Pork Barrel sa anyo ng infrastructure funding na sinimulang ipamudmod ni Duterte kamakailan lamang matapos aprubahan ang RA 10963 o General Appropriations Act (GAA) ng 2018. Kabilang sa P3.767 trilyong pambansang pondo ng 2018 ang P637.86 bilyon

para sa Department of Public Works & Highways (DPWH) ang pakikinabangan ng mga kongresista sa ilalim ng programang “Build, Build, Build”.

Hindi man lamang natinag ang kongreso sa malawakang pagkundena ng mamamayan sa pasista at mapanupil na mga hakbangin at patakaran ng rehimeng US-Duterte. Mas masahol pa rito ang naging husga ng mga senate hearing/inquiry na walang-pananagutan ang punong ehekutibo maging ang malalapit niyang kamag-anak sa nagkakailang krimeng kinasangkutan nila. Kabilang sa mga ito ang serye ng summary executions na kumitil sa buhay ng mahigit 14,000 mahihirap na mamamayan sa

kanyang gyera kontra-droga, panunuhol sa Bureau of Immigration, at ang pagkasangkot ng sariling anak at manugang sa iligal na pagpupuslit ng droga kasabwat ang Bureau of Customs. Hindi malayong ganito rin ang abutin

ng senate inquiry sa P15.7 bilyon frigate deal sa AFP na nagsasangkot sa pinakamalapit na utusan ni Duterte na si Bong Go.

Kapalit ang pangakong pondo sa imprastruktura, napakadali ring inayunan ng kongreso sa pamamagitan ng kanyang supermayorya ang pagpapatupad at paglelegalisa sa pagpapalawig

ENERO 20186 KALATAS

ng Martial Law sa Mindanao. Ipinagwalang-bahala nila ang hinaing at pagtutol ng mamamayan ng Marawi at buong Mindanao sa Martial Law at pinahintulutan ang walang-patumanggang pambobomba, pamamaril na sumalanta sa buhay, ari-arian at karapatan ng mamamayan. Minadali rin at walang kahirap-hirap na ipinasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), ang bagong pabigat na pasaning buwis sa mamamayan. Palibhasa’y malaki ang ganansya ng malalaking burgesya-kumprador at panginoong maylupa sa hanay ng mga reaksyunaryong kongresista sa repormang ito sa pagbubuwis.

Hindi pa nasiyahan rito, inaapura ngayon ng kongreso na maisulong ang pagpapalit ng porma ng gubyerno sa anyo ng inilalakong pederalismo ni Duterte upang bigyang-daan ang pagtatatag ng pasistang paghahari nito sa bansa. Sa pagiging maamo at sunud-sunuran ng lehislatura, naging napakadali para sa rehimeng US-Duterteng maiporma ang pagbabago sa reaksyunaryong saligang batas laluna ang mga probisyong pampulitika at pang-ekonomya na hindi nagawa ng mga nagdaang rehimen mula kay Corazon Aquino. Nagkaroon lamang ng moro-morong di pagkakasundo sa pagitan ng senado at kongreso ngunit sa huli’y nagkaisa ring ilunsad ang charter change.

Sa ganitong takbo, higit na nalalantad ang kalikasan ng isang malakolonyal at malapyudal na lipunan, kung saan ang estadong namamayani ay yaong mula sa hanay ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesyang kumprador. Ang mga sangay sa ilalim nito ang ginagamit na instrumento ng mga naghaharing uri upang itaguyod ang mapang-api at mapagsamantalang sistema. Sa halip na umakto bilang co-equal branch ng reaksyunaryong gubyerno at maging kritikal sa mga anti-mamamayang patakaran ng punong ehekutibo, nagiging sunud-sunuran lamang

ang mayorya sa sangay ng lehislatura sa mga patakarang ito. Ganito rin ang pagpapahinuhod ng kongreso sa planong pagbabago sa tanging mga probisyon sa konstitusyong 1987 na nagtataguyod sa karapatan ng mamamayan.

Mataas ang paghahangad ni Duterte na pahigpitin ang kontrol nito sa kongreso maging sa sangay ng hudikatura, at iba pang institusyong tulad ng Ombudsman. Walang puknat ang pagmaniobra ni Duterte upang mapatalsik sina Maria Lourdes Sereno bilang punong hukom ng Korte Suprema, Ombudsman Conchita Carpio Morales at ang pinakahuli ang pagsuspindi kay Ombudsman Deputy General Arthur Carandang dahil sa pag-iimbestiga sa tagong yaman ng kanyang pamilya. Lahat nang ito’y walang ibang layunin kundi patahimikin ang anumang pagtutol at oposisyon, at magkonsentra ng kapangyarihan sa kanyang mga kasapakat at alipures.

Sa gitna ng higit na pagkakalantad ng tunay na kulay ni Duterte at maging ng mga alipures nya sa senado at kongreso, batid ng mamamayang wala na silang ibang masusulingan kundi ang sarili nilang lakas at pagkakaisa. Sa iba’t ibang bahagi ng bansa at rehiyon ay nagbibigkis ang malaking bilang ng mamamayan upang tutulan at labanan ang pasismo at anti-mamamayang patakaran ng rehimeng US-Duterte. Katuwang ang mga yunit ng Hukbong Bayan at mga lokal na sangay ng Partido, inihahanda na ng mamamayan sa kanayunan ang pagtatatag ng sarili nilang gubyernong magbibigay-garantiyang tatamasahin nila ang kanilang batayang interes at kahilingan. Kasabay nito ay buong-pusong sinusuportahan nila ang papaigting na digmang bayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagpapasapi ng pinakamahuhusay nilang anak sa Hukbong Bayan.

Umiigting na sitwasyong militar sa TK sa ilalim ng rehimeng US-Duterte

Ang mga pwersang ito ang ginagamit ng estado upang supilin ang paglaban ng mamamayan sa rehiyon sa ilalim ng kontrainsurhensyang programang Oplan Kapayapaan at layuning “kalahatiin” ang bilang ng NPA sa pagtatapos ng 2018.

Matapos ang pagwasak ng rehimeng US-Duterte sa Marawi sa balangkas ng “gyera kontra terorismo” at ang pataksil na pagtalikod ni Duterte sa nagaganap na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GPH at CPP/NPA/NDF, nag-uumapaw sa kagalakan ang mga pangunahing ahente ng imperyalismong US sa bansa sa pangunguna nina Delfin Lorenzana ng DND, Gen. Eduardo Año ng DILG at ang National Security Adviser na si Gen. Hermogenes Esperon at ipinapatupad ang kontrainsurhensyang kampanya sa bansa batay sa disenyo ng amo nilang imperyalista. Nakatutok ngayon ang buong makinarya ng estado sa pagpapatupad ng terorismo at pasismo laban sa buong rebolusyonaryong kilusan.

Kung kaya’t sa kabila ng may limang panagupang batalyon ng AFP ang nabawas sa nakadeploy sa buong rehiyon simula noong 2012 nang konsentrahan ng AFP ang pagdurog sa BHB at pakikibakang Moro sa Mindanao, nananatiling militarisado ang buong rehiyon. Matapos ang gyera sa Marawi noong Nobyembre 2017, agad na ibinalik sa rehiyon ang 1st IBPA at sa pagpasok ng 2018 ay muli itong ipinakat sa Infanta, Quezon. Sa katapusan ng taong 2017, tinukoy ng AFP na maliban sa Mindanao, magiging pokus din ang rehiyong TK sa

bahaging Luzon.

Pokus ng atake ng mga yunit ng AFP sa rehiyon ang Timog Quezon-Bondoc Peninsula, Timog Mindoro, Kanlurang Batangas at Timog ng Palawan, habang pinipigilan ang paglakas sa iba pang bahagi ng rehiyon. Sa mga pokus na erya, ginagamit ng mga pwersang militar ang kumbinasyon ng tatlong tipo ng operasyong kombat, paniktik at CMO at pinaghuhusay ang elemento ng psywar at conversion sa hanay ng baseng masa. Itinatayo din ang mga bago at karagdagang mga kampo militar sa mga barangay sa interyor na tinukoy ng AFP na impluwensyado ng rebolusyonaryong kilusan. Babad rin ang mga PDT operations sa malaking bilang ng mga baryong saklaw ng mga ito at nitong huli’y ang pagpapakita at pangangalandakan ng kanilang malaking pwersa (show of force) at mga kagamitang pandigma (mga trak, tangke, howitzer, helicopter at iba pang bagong kagamitan) upang lumikha ng takot sa hukbong bayan at mamamayan

Sa mga eryang pinipigilan ang paglakas, pokus ng pagpwesto at operasyong militar ang mga lugar na may proyekto ang reaksyunaryong gubyerno at/o pwesto ng mga negosyo ng MBK, PML at dayuhan. Kabilang dito ang pagbabantay sa mga ginagawang hydroelectric dam at iba pang renewable energy projects, mga kalsada, mina, mga linya ng komunikasyon at iba pang negosyo. Kasabay nito ay mga presisong strike operation sa mga natutunugang presensya ng BHB na istilong dumog. Iilang baryo lamang ang sinasaklaw ng PDT

ENERO 2018 7 KALATAS

Sa kabila ng malaking pokus at ang pagpapalawig ng Martial Law ng rehimeng US-Duterte sa isla ng Mindanao, umaabot pa rin sa kabuuang 17 panagupang batalyon ng AFP ang nakadeploy

sa rehiyong TK. Ang mga ito ay ang 85th IBPA ng 201st Bde sa South Quezon at Bondoc Peninsula; 80th IBPA ng 202nd Bde sa Laguna, North Quezon at Rizal; 4thIB at 76th IBPA ng 203rd Bde sa Mindoro at Romblon; 730th Combat Group ng 710th SPOW ng PAF sa Batangas; 4th at 12th MBLT ng 3rd MBde sa ilalim ng Westcom sa Palawan; tatlong kumpanya ng Division Reconnaissance Company (DRC) ng 2nd ID; CMO Batallion; 59th IBPA (CAFGU Cadre Batallion); MIB; 514th Engineering and Construction Batallion; isang kumpanya ng Special Forces; dalawang PNP Public Safety Batallion ng PNP Regional Command sa IV-A at IV-B; isang RSAF-PNP; isang SAF-RDB; at mga SWAT at PSMC sa bawat distrito sa rehiyon.

ENERO 20188 KALATAS

operations sa mga lugar na ito.

Katangian ng operasyon, mga taktika at teknikang ginagamit laban sa BHB at mamamayan

Stakeholders Approach:

Pagkuha ng suporta ng lahat: lokal na gubyerno, malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupang may pag-aari na at/o nais mamuhunan ng malalaking negosyo at proyekto sa lugar. Sa mga stakeholders nagmumula ang suportang pinansya, lohistika, pasilidad, at mga high-tech na kagamitan para sa kanilang kampanyang supresyon. Tampok na halimbawa rito ang pagtustos ni Henry Sy at iba pang MBK sa lalawigan ng Batangas para subaybayan at lunsaran ng presisong operasyon ang yunit ng BHB sa Kanlurang Batangas. Maging si Gov. Jose Alvarez ay nagbigay din ng malaking pondo para tustusan ang mga operasyon ng JTGSouth sa isla ng Palawan.

Intelligence-driven Operations:

Upang epektibong magamit ang relatibong lumiit na pwersang militar sa rehiyon laban sa mga yunit ng BHB, ginagamit nito ang lahat ng mga pasilidad at lambat-paniktik na kakayanin nitong gamitin upang tukuyin ang pwesto ng mga yunit ng BHB sa kanyang saklaw at gamitin ang mga impormasyong ito upang isagawa ang mataas na kalidad ng strike operation laban sa mga yunit ng BHB. Kabilang sa mga ito ang paggamit ng signal intelligence, human intelligence at drone surveillance.

IP-centric Approach:

Pokus ang mga komunidad ng pambansang minorya sa proseso ng conversion at sapilitang rekrutment para sa CAFGU at iba pang grupong paramilitar tulad ng Filipino Alliance Movement Security Group o FAM-SG sa Palawan. Pangunahing anyo nito ang pag-aalok at/o pagbibigay-katugunan diumano sa mga batayang pangangailangan ng komunidad tulad ng patubig, ilaw, eskwelahan,

pagkain at kabuhayan sa pamamagitan ng mga CMO at kapalit ng pagiging ahenteng paniktik ng militar. May pagdidiin sa mga lugar na may nagaganap na pagtutol at paglaban ang mga pambansang minorya sa mga pangangamkam ng mga lupaing ninuno sa pamamagitan ng mga minahan, proyektong pang-enerhiya at mga programang pangreporestasyon tulad ng National Greening Program (NGP). Tampok rin sa rehiyon ang paggamit sa NCIP (National Commission on Indigenous People) upang linlangin ang mga minorya, hatiin ang kanilang hanay, supilin ang kanilang paglaban at pigilan sila sa pagsalig at pagsuporta sa BHB.

Sa ilalim ng rehimeng US-Duterte, hindi naglubay ang mga pwersa ng AFP at PNP na nakapakat sa rehiyon sa paglulunsad ng mga operasyong militar laban sa mga yunit ng BHB at puminsala sa mamamayan, kanilang komunidad at kabuhayan. Higit na umigting ang mga operasyong ito matapos ang magkasunod na Presidential Proclamation 360 at 374 ng rehimeng Duterte. Mula huling linggo ng Disyembre hanggang sa kasalukuyan, higit na umigting ang mga operasyong militar na inilulunsad ng mga pwersa ng AFP sa rehiyon kakumbina ang maramihang rekrutment sa CAFGU at Masa Masid. Tampok din ang paggamit ng pwersa ng PNP sa mga operasyong militar sa Quezon at mga pwersa ng 514th Engineering Battallion sa Mindoro.

Ngunit tulad ng mga Oplan ng mga nakaraang rehimen, paghahandaan, haharapin at bibiguin ito ng rebolusyonaryong mamamayan. Kailangang buuin ang isang malakas na nagkakaisang prente laban sa pasismo at panunupil. Kailangang palahukin ang pinakamalawak na masa sa digmang bayan at ibayong palakasin ang hukbong bayan at armadong pakikibaka kaakibat ng pagtatayo ng masa at rebolusyong agraryo. Tanging sa pamamagitan ng kumprehensibong planong pulitiko- militar natin mahaharap ang anumang kampanya ng kaaway na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan.

ENERO 2018 9 KALATAS

BALITA

Mga pagkilos ng mamamayan ng TK laban sa pasistang rehimeng US- DuterteProtesta kontra-TRAIN, inilunsad

Nagprotesta ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-ST laban sa TRAIN Law sa Barangay Pulo, Cabuyao, Laguna noong Enero 16. Tinuligsa nila ang dagdag na pasanin ng mamamayang idudulot ng pagsasabatas ng TRAIN. Ayon sa BAYAN-ST, 60% o 13.7 milyong pamilya sa rehiyon ang lalong malulugmok sa kahirapan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Mendiola Massacre, ginunitaSa Batangas, ginunita ng mamamayan sa

pangunguna ng BAYAN-Batangas ang ika-29 anibersaryo ng Mendiola Massacre simula Enero 18 hanggang 22. Sinimulan nila ang pagkilos sa Batangas Provincial Police Office at sa kapitolyo ng Batangas sa Batangas City upang ipanawagan ang hustisya para sa 13 magsasakang pinaslang ng rehimeng US-Cory Aquino. Tinuligsa din nila ang nagpapatuloy na militarisasyon sa Batangas at iba pang probinsya sa TK.

Sinundan ang pagkilos ng vigil sa labas ng kapitolyo. Bago pa ang nasabing pagkilos, dumalo ang mga nagprotesta sa press conference at preliminaryong imbestigasyon sa pagkakapaslang ng Nasugbu 14 noong alas-10 ng umaga upang igiit ang mga naging paglabag ng AFP sa karapatang tao ng mga namartir.

Noong Enero 19, umikot at nagprograma ang mga delegado sa palengke ng Batangas City at Batangas Provincial Jail at nag-caravan papunta sa Lipa City. Mula rito, nagmartsa sila papunta sa Fernando Air Base, nag-caravan papuntang bayan ng Taal at dito’y naglunsad ng programa. Ipinagpatuloy ang caravan tungong Lemery at nag-vigil sa simbahan.

Kinabukasan, umikot at nagprograma ang mga delegado sa mga barangay ng Sambal, Malinis, Nunong Castro at Mataas na Bayan gayundin sa simbahan ng Calaca at Quizumbing. Sinundan ito

ng caravan papuntang Balayan at Brgy. Kaylaway, Nasugbu.

Tumungo naman sa Camp Razon sa Sitio Palico, Brgy. Bilaran noong Enero 21 ang mga delegado at dumeretso ng Brgy. Patungan at Bacoor para sa maikling programa. Kinabukasan, nag-caravan sila mula Baclaran tungong opisina ng DND at lumundo sa Mendiola.

Sa Quezon, naglunsad ng kampuhan ang mga magsasaka ng Sityo Centro, Barangay Tuhian, Catanauan mula Enero 24-27. Ang kampuhan ay itinayo sa pagtutulungan ng PIGLAS-Quezon, CLAIM (Coco Levy Funds, Ibalik sa Amin) at Anakpawis. Sa huling araw ng kampuhan, nag-ikot ang mga magsasaka sa mga karatig na barangay upang ipanawagan ang pagbuwag sa mga asyenda at libreng pamamahagi ng lupa.

Samantala, nagkaroon ng hiwalay na kilos-protesta at dayalogo ang mga mamamayan ng Hilaga, Gitnang Quezon, at South Quezon-Bondoc Peninsula sa Lucena City noong Enero 18.

Unity prayer, inilunsad para ipanawagan ang kagyat na pagpapatalsik kay Duterte

Inilunsad ng iba’t ibang relihiyoso at progresibong organisasyon ang unity prayer noong Enero 18 upang ipanawagan ang kagyat na pagpapatalsik sa rehimeng US-Duterte.

Sinimulan ang aktibidad sa pag-awit ng All Men Are Brothers at sinundan ng church dialogue, mga porum at doxology. Matapos ito, inilunsad ang asembliya ng STREAM at ecumenical worship ng NCCP sa temang “unity prayer, unity against tyranny”.

Bukod dito, ipinakilala rin ang iba’t ibang bagong organisasyon tulad ng STORM (Southern Tagalog Ouster Movement) Duterte, Tinig at Lakas ng Kanayunan Laban kay Duterte at EndDU30 sa mga manggagawa.

10 KALATAS ENERO 2018

Militarisasyon at pandarahas sa Quezon

Hinarang at dinahas ng mga elemento ng 85th IB noong Enero

17 ang fact-finding mission ng KARAPATAN-ST sa Brgy. Jongo, Lopez. Layunin ng fact-finding mission na imbestigahan ang militarisasyong lumigalig sa mga residente ng Jongo at mga karatig-baryo noong Enero 15 matapos ang labanan.

Binantaan naman ng mga gawa-gawang kaso ng 59th IB si Andres Dela Cruz, 54, residente ng Brgy Pacabit, Catanauan, Quezon. Si Dela Cruz ay lider-magsasaka at tagapangulo ng Pinagkaisang Lakas ng Magbubukid sa Quezon (PIGLAS-Quezon).Nagpapatuloy na pamamaslang at pananakot sa Batangas

Binaril ng isang myembro ng CAFGU si Moises Hernandez, isang lider-magsasaka sa Brgy. Quisumbing, Calaca noong Disyembre 23, 2017. Noong Enero 25, pinasok ng mga elemento ng

730th Philippine Air Force ang komunidad ng mga mangingisda at magsasaka sa parehong barangay. Lumikha ito ng takot at ligalig sa mga residente.

Nagdulot din ng matinding takot sa mga residente ang inilunsad na mga operasyong militar ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force at Public Safety Company ng PNP sa Sityo Sales, Brgy. Pooc sa Balayan, at mga barangay ng Kalantas at Coral ni Lopez sa Calaca noong Enero 13. Pagdukot at panununog sa Occidental Mindoro

Dinukot si Jun Estrella at isa pa nitong kasamahan sa pagitan ng mga bayan ng Rizal at San Jose noong Enero 26. Si Estrella ay staff ng NAPC sa Occidental Mindoro, isang parateacher sa paaralan ng mga Buhid sa San Jose at lider ng BAYANIMO. Hanggang ngayon ay hindi pa sila natatagpuan.

Iligal na inaresto nitong Disyembre 21 sina Dolores Solangon at Jun Carandang, mga residente ng Abra de Ilog.

BANTAY KARAPATAN

Higit na sumigla at lumawak ang militanteng pakikibakang magsasaka sa rehiyong TK sa

paglulunsad ng mga bungkalan at okupasyon sa mga lupang kinakamkam at pinagpapasasaan ng malalaking debeloper at panginoong maylupa.

Sinaklaw ng 17 pakikibakang magsasaka ang aabot sa 2,775 ektaryang lupain sa Quezon, Cavite, Occidental Mindoro, Laguna at Batangas. Labing-apat dito ay inilunsad sa mga malalaking asyenda, dalawa para sa tirikan ng bahay sa panabihang dagat at ilog at isang pabahay na pinasok ng mga walang tirahan. Tinatayang pinakikinabangan ng may 3000 pamilyang magsasaka ang tagumpay ng kanilang determinado, militante at kolektibong lakas.

Ilan sa mga tampok na pakikibakang magbubukid sa rehiyon ang pagtatayo ng kampuhan at matagumpay na pagbabalik-saka ng mga magsasaka sa Hacienda Santiago Gancayco sa Catanauan, Quezon sa kabila ng pananakot at

panghaharas sa kanila.

Matagumpay namang pinasok ng mga magsasaka ang 155 ektaryang Lupaing Kapdula sa Dasmarinas, Cavite na pagmamay-ari ng pamilyang Enrile, isa sa malaking burgesya kumprador sa bansa.

Sa Mamburao, Occidental Mindoro, 150 ektarya sa 320 ektaryang Lupang Almeda ang nabubungkal na ng 125 magsasaka at kanilang pamilya. Dahil dito, binakuran ng mga Almeda ang lupa at pinasunog sa kanilang mga ahente ang may 16 na bahay, kung saan apat ang nasugatan. Ganunman, nagpatuloy ang laban ng mga magsasaka sa nasabing lupain para igiit ang kanilang karapatan sa lupa.

Patuloy naman ang pakikibaka ng mga magsasaka, sa pangunguna ng SAMANA-Buntog, sa Hacienda Yulo sa Calamba, Laguna sa kabila ng mga maniobrang ginagawa ng panginoong maylupa tulad ng pagsusukat ng lupa, pagbabakod at panghaharas sa mga residente. Aabot sa

Pakikibakang magsasaka sa rehiyon, higit na sumigla

ENERO 2018 11 KALATAS

Serye ng mga aksyong militar ng AMC-BHB Quezon, matagumpay na inilunsad

Kasabay ng deklarasyon ng rehimeng US-Duterte at AFP ng todo-largang gera laban sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan,

patuloy ang pagharap at pagbigo rito ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon sa pagsisimula ng taon.

Sa bayan ng Lopez, isang elemento ng Regional Public Safety Batallion na nakahimpil sa Brgy. Bocboc ang nasapul ng isnayper ng AMC noong umaga ng Enero 26. Ang naturang yunit ng pulisya ay matagal nang inirereklamo dahil sa pangongotong sa mga dumaraang byahero sa Maharlika highway. Kinagabihan, hinaras ng isang yunit ng AMC ang kampo ng CAFGU sa Sityo Mataas na Bundok, Brgy. del Rosario.

Samantala, sa Mulanay, binomba ng Pulang hukbo ang Bravo Company Headquarters ng 85th IBPA sa Brgy. Bagupaye noong gabi ng Enero 19. Tinatayang dalawa ang patay at apat ang sugatan

na kaaway nang sumabog ang command detonated explosive malapit sa bantay ng kampo matapos itong maingat na maitanim ng mga Pulang mandirigma, 10 metro ang layo mula sa tarangkahan.

Noong Enero 15, aktibong nilabanan ng mga Pulang mandirigma.ng AMC ang pwersa ng 85th IBPA na umatake sa kanila sa Brgy. Jongo, Lopez. Hindi bababa sa limang sundalo ang namatay sa nasabing labanan habang ligtas na nakaatras ang mga Pulang hukbo. Kinabukasan naman, hinaras ng isang yunit sa ilalim ng AMC ang 59th-IBCAA Detachment sa Sityo Eybol, Brgy. San Francisco A, Lopez.

limang ektarya ng lupain ang ginawang produktibo ng mga magsasaka at patuloy na pinauunlad. Patuloy rin sa pagtindig ang mga magsasaka laban sa napipintong demolisyon at pagpapalayas sa kanila upang pigilang tuluyang gawing pook-turismo ang lugar.

Sa Nasugbu, Batangas, matagumpay ang inilunsad na bungkalan ng mga magsasaka sa Hacienda Roxas. Bago ito, naging masigla ang mga pagkilos kung saan nagtayo sila ng kampuhan na nagsisilbi nilang sentruhan, pook-aralan, pulungan sa higit na pagpapahigpit ng kanilang pagkakaisa. Nakailang bugso na sila ng bungkalang nagawa at hindi sila nagpapatinag kahit na may mga gwardyang nakapalibot sa loob ng hasyenda

at kampo militar.

Hanggat nananatiling malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino, hindi matatapos ang laban sa mga okupasyon at bungkalan sa lupa. Mulat ang uring magsasaka sa tusong galaw at palagiang intensyon ng lokal na naghaharing uri, mga malalaking debeloper, panginoong maylupa at naghaharing pasistang rehimeng US-Duterte na agawin ang tagumpay at wasakin ang rebolusyonaryong lakas at pagsulong ng kilusang magbubukid. Tiyak na hindi papayag ang kilusang magsasaka na bawiin sa kanila ang mga tagumpay na kanilang nakamit, lalo nila itong ipaglalaban at magpapatuloy ang kanilang mga pakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa.

BALITANG TO

12 KALATAS ENERO 2018

KULTURA

Bakit sa lipunang mapang-alipinMagbubukid ay alikabok kung ituring?Sila na sa sambayanan nagpapakainSa sariling hapag walang maihain

Bakit sa lipunan ng mga hariBinubusabos ang kanilang puri?Kanilang dignidad na kakambal ng lupaSa pyudal na pagsasamantala nakakadena

Bakit sa lipunan ng iilanDi matapos ang dagok na pasan-pasan?Nilapastangan kanilang dampa at kuboKanilang tinig at sigaw nalulunod sa siphayo

Magtatanong pa ba tayo kung bakitSila’y napupuyos, nagngingitngitLumalaban, nakikibakaNaghihimagsik, nakikidigma

Magtatanong pa ba tayo kung bakitMay kasunduan ng dugo ang kanilang karitLumalahok tayo sa makauring digmaanDahil malinaw sa atin kung ano ang dahilan

Magtatanong pa ba tayo kung bakit?ni Lire Rosa