52
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS COLLEGE OF NURSING Isang aral kaso sa kalinisan ng mga palikuran sa Unibersidad ng Santo Tomas, Gusali ng San Martin De Porres at ang epekto nito sa kalusugan Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Nursing, Unibersidad ng Santo Tomas. Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 1, Pagbasa at Pagsulat

BSN1-11-Pamanahong Papel

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ito ay isang aral kaso mula sa BSN 1-11 ng Unibersidad ng Santo Tomas taong 2009-2010

Citation preview

Page 1: BSN1-11-Pamanahong Papel

UNIVERSITY OF SANTO TOMASCOLLEGE OF NURSING

Isang aral kaso sa kalinisan ng mga palikuran sa Unibersidad ng Santo Tomas, Gusali ng San Martin De Porres at ang epekto nito sa kalusugan

Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ngFilipino, Kolehiyo ng Nursing, Unibersidad ng Santo Tomas.

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan ngAsignaturang Filipino 1, Pagbasa at Pagsulat

NgBSN 1-11 Pangkat 8

Pebrero 2010

Page 2: BSN1-11-Pamanahong Papel

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 1, Pagbasa at Pagsulat, ang pamanahong papel na ito na pinamagatan na Isang aral kaso sa kalinisan ng mga palikuran sa Unibersidad ng Santo Tomas, gusali ng San Martin De Porres at ang epekto nito sa kalusugan ay inihanda at iniharap ng

pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSN1-11 pangkat 8 na binubuo nina:

Leano, Gemeile Lim, Aubrey Nicole

Lumanglas, Kim Faiza Malabuyoc, Zara

Mancolintas, Rodrigo

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Nursing, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 1,

Pagbasa at Pagsulat.

Ms. Aissa Abegail JimenezPropesor

Page 3: BSN1-11-Pamanahong Papel

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran 1

1. Introduksyon 1

2. Layunin ng Pag-aaral 2

3. Kahalagahan ng Pag-aaral 3

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 4

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya 5

6.

Kabanata II: Mga Kaugnay ng Pag-aaral at Literatura 7

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 10

1. Disenyo ng Pananaliksik 10

2. Mga Respondent eng sarbe 10

3. Instrumentong Pampananaliksik 10

4. Tritment ng mga Datos 11

Kabanata IV: Presentason at Interpretason ng mga Datos 12

Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon 27

Listahan ng mga Sanggunian 30

Appendiks

A. Sarbey-Kwestyoneyr 31

B. Pormularyo sa Pagieebalweyt ng Pamanahong-Papel 34

Page 4: BSN1-11-Pamanahong Papel

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

A. Grap 1: Unang opinyon ng mga respondente ukol sa kalinisan ng San Martin De Porres. 12

B. Grap 2: Unang Impresyon ng mga respondente sa mga palikuran ng San Martin De Porres. 13

C. Grap 3: Presentasyon ng palikuran para sa mga Repondente 14

D. Grap 4: Bilang ng paggamit ng mga palikuran 15

E. Grap 5: Dahilan ng mga respondent sa paggamit ngmga palikuran 16

F. Grap 6: Pag gamit ng mga respondente sa mga inidoro 17

G. Grap 7: Pagsunod sa mga paalala sa loob ng palikuran 18

H. Grap 8: Dalas ng pag lilinis sa mga palikuran 19

I. Grap 9: Pananaw ng mga respondent ukol sa kasapatan ng pag lilinis sa mga palikuran ng San Martin De Porres. 20

J. Grap 10: Komportabilidad ng mga palikuran 21

K. Grap 11: Pananaw ng mga respondente sa nagdudulotng epekto sa kalinisan ng mga palikuran 22

L. Grap 12: Relasyon ng kalinisan ng palikuran at kalinisanng tao 23

M. Grap 13: Pananaw ng mga respondente sa pagpapahalaga sa kalusugan sa pamamagitanng mga palikuran 24

N. Grap 14: Kredibilidad at katotohanan sa mga adhikainng Unibersidad, sa loob ng mga kolehiyo sa San Martin De Porres. 25

O. Grap 15: Pananaw sa kasiguriduhan o protesksyonsa kalusugan ng mga Respondente. 26

Page 5: BSN1-11-Pamanahong Papel

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon

Bukod sa pagkain, tubig, damit at tahanan ang sanitasyon ay isa sa mga

pangunahing pangangailangan ng isang tao upang mapanatili ang maayos at

malusog na buhay. Ngunit sa kabila ng modernong panahon natin ngayon malaking

bahagdan sa buong mundo ang patuloy pa ring namumuhay sa mundo ng

sinaunang panahon sa antas ng sanitasyon, partikular na sa mga palikuran. Hind

nalalayo sa 2.6 bilyong tao ang naninirahan na walang mga pangunahing

pangangailangan, napepwersang dumumi sa kalsada o di kaya naman ay

magbayad upang makagamit ng pampublikong mga palikuran. ( The Truth about

Toilets, Manila Bulletin, 2008)

Ang maayos na sanitasyon ay isa sa may pinaka malaking kontribusyon

upang maagapan ang cholera at ibang sakit tulad ng diarrheal disease. (Isang

conclusion na binigyang pansin sa Millennium Development Goals.) Ayon naman

kay ginoong David Douglas, president ng Water Advocates, “Each day 4,500

children die around the world due to mostl preventable water and sanitation-related

diseases.” At ayon din sa isang manunulat na si Asha Krishnakumar “The absence

of toilets is devastating for women. It severely affects their dignity, health, safety and

sense of privacy and indirectly their literacy and productivity,”

Mula sa mga datos at pahayag ng marami nararapat lamang na bigyang

pansin at ipag bigay alam ng Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas ang

Page 6: BSN1-11-Pamanahong Papel

kalinisan ng mga palikuran sapagkat ito ay maaraing makadulot ng peligro mula sa

kalusugan at kasiguraduhan ng mga estudyante, guro, staff, maging ng mga bisita.

Ang mga kolehiyo sa loob ng gusali ng San Martin De Porres ay nag papahalaga sa

kalusugan ng bawat indibidwal marapat lamang na mag simula ito sa kapaligiran ng

gusali lalu na sa mga palikuran rito.

2. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nag nanais na malaman ang kasiguraduhan ng

kalinisan ng mga palikuran sa gusaling San Martin De Porres sa Unibersidad ng Sto.

Tomas. At ang epekto nito sa ating kalusugan. Naglalayon din itong matugunan ang

mga sumusunod na katanungan:

Sapat ba ang kaalaman ng lahat ukol sa kahalagahan ng tamang

sanitisasyon sa palikuran at ang maaring idulot nito sa ating

kalusugan?

Anu-ano ang posibleng sakit na maidudulo’t ng maduming palikuran?

Sapat ba ang hakbang ng unibersidad upang mapanatili ang kalinisan

kaayusan, at kaligtasan ng mga palikuran?

Ano ang feedback ng mga estudyante ukol dito?

Anu-ano ang solusyon ng Unibersidad sa isyung ito?

 

 At ang kasagutan sa tanong ng marami na: Tayo ay nasa Kolehiyo ng

kalusugan ngunit bakit ang mga pasilidad, unang-una na ang palikuran, ay hindi

malinis?

Page 7: BSN1-11-Pamanahong Papel

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang aming pangkat ay naniniwala sa kahalagahan at sa magandang

maidudulot ng pag-aaral na ito. Unang una na rito ang pagbibigay impormasyon at

dagdag kaalaman para sa nakararami ukol sa kahalagahan ng sanitasyon sa ating

kalusugan. At ang mga sakit na kaakibat nito na maaring makasama sa kalusugan.

Ito rin ay makakatulong sa mga mag-aaral na nais pang gumawa ng

masinsirang pag-aaral tungkol sa isyu ng sanitasyon ng mga palikuran. Ito rin ay

isang gabay para sa mga tao ukol sa kahalagahan ng malinis na palikuran sa

kanilang pamamahay.

Hindi lamang ito limitado sa paaralan, sapagkat ito ay maari ring maging

isang basahin upang matiyak ang kalinisan ng iba pang imprastraktura.

At ang huling pangunahing kahalagahan ay ang pag gising at pag bibigay

pansin para sa departamento ng kalinisan ng gusaling San Martin De Porres sa

Unibersidad ng Santo Tomas upang aksyunan ang lumalalang kalagayan ng mga

palikuran rito. Maging ang kasiguraduhan ng kaligtasan sa kalusugan ng mga guro,

estudyante, staff at mga tao na pumapasok sa loob nito.

Sa pamamagitan ng pag aaral na ito masusulusyunan at mabibigyang pansin

ang aspeto ng sanitasyon alinsunod sa adhikain ng kurso na ipatupad ang kalinisan,

kalusugan at kasiguraduhan ng bawat indibidwal.

Page 8: BSN1-11-Pamanahong Papel

4. Saklaw at Limitasyong ng Pag-aaral

Ang aming pag aaral ay nakatuon sa pag aaral ng kalinisan ng mga palikuran

sa Unibersidad ng Santo Tomas, gusali ng San Martin De Porres at ang epekto nito

sa kalusugan. Ang aming mga respundente ay mula sa mag-aaral ng unang taon ng

Rehabilitation Science (RS), at Nursing ng akademikong taon na 2009-2010. Kami

rin ay hihingi ng mga datos mula sa kagawaran ng kalinisan ng unibersidad, gusali

ng San Martin De Porres.

Saklaw nito ang lahat ng aspeto ukol sa kalinisan ng mga palikuran dito

maging ang mga pangunahing epekto na dulat nito sa kalusugan.

Ang pag aaral na ito ay limitado lamang sa 50 istudyante ng unang taon ng

Unibersidad ng Santo Tomas sa mga kursong nabanggit. Sila ang aming napili

sapagkat ito ang unang taon na sila ay nag aral sa kolehiyo at unibersidad na ito.

Sila rin ang kadalasang nakakapuna sa mga maliliit na kapintasan at kagandahan

nito.

Naniniwala ang mananaliksik na dapat na itong maagapan at masulusyunan

upang matugunan ang pangunahing pangangailangan at maiwasan ang maaring

negatibong epekto nito na maging siyang dahilan upang mabahiran ng

panghuhusga ang mga kolehiyo at unibersidad.

Page 9: BSN1-11-Pamanahong Papel

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Minarapat naming ilahad ang ilang termino upang mag bigay linaw sa mga

terminolohiya na maari ninyong mabasa. Ito ay mag bibigay daan para sa mas

mabilis na pag unawa at pag babasa. Ang mga ito ay alinsunod kung paano ginamit

ang mga salita sa pag-aaral na ito.

Ang Diarrhea o Pagtatae ay madalas na pagdumi, pagdami ng dumi, o

pagiging matubig ng dumi. Ang mga mikrobyo tulad ng bacteria, parasites, fungi o

virus ay maaring maging dahilan ng impeksyong mauuwi sa pagtatae. (ACAS,

2001&2003)

Ang Gallbladder o Apdo ay kahugis ng prutas na peras ang organong apdo

na nasa loob ng puson. Ito ang panginahing tumutulong sa gawaing panunaw o

proseso ng dihestiyon.

Ang Sanitasyon ay isang pangkalinisang gawain o pamamaraan na ang

layunin ay iwasang magkaroon ng kontak ang mga tao at ang mga sanhi ng sakit

mula sa kapaligiran upang mapanatili ang kalusugan. Ang sanhi ng mga sakit ay

maaaring pisikal, kemikal, mga mikrobyo, at iba pa na maaaring makuha sa mga

basura, maduming tubig at hangin, at mga ingay.

Page 10: BSN1-11-Pamanahong Papel

Ang Urinary Tract Infection ay isang baktiryal na impeksyon na maaring

makaapekto sa lahat o sa isang parte sa urinary tract. Maaring maapektuhan ang

Bladder, Kidneys, Ureters, o Urethra.

Ang Water Testing ay isang paraan upang masukat ang kalidad at kalinisan

ng tubig na ginagamit. Ito rin ay isang paraan upang maiwasan ang mga posibleng

mikrobyo at sakit na maaaring idulot nito sa mga gagamit.

KABANATA II

Page 11: BSN1-11-Pamanahong Papel

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Hindi maipagkakaila na marami na ang naisagawang pananaliksik at

paglilimbag patungkol sa sanitasyon. Ilan sa mga ito ay ang sanitasyon sa pagkain,

tubig, paaralan, at mga imprastraktura. Matatandaan na aming isinaad na ang

sanitasyon ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao. Patunay na

lamang dito ang isang arikulo mula sa Manila Bulletin (2008) na nag saad na:

“Nearly 2.6 billion people live without basic services…”

Sa kabila ng mga naisagawang pag-aaral hindi pa rin nagging tiyak ang pag-

aaral ukol sa sanitasyon. Isa na rito ang pag-aaral ukol sa kalinisan ng mga

pampublikong palikuran at ang epekto nito sa kalusugan ng mga tao. Iilan pa

lamang ang naisasagawa at naiilathalang pag-aaral ditto local man o hindi. Ngunit

sa kabila nito maraming pag-aaral ang maaring mag bigay tulong upang mapag-

aralan ito. ilan na lamang dito ay ang water quality test, mga batas kaugnay sa

basihan ng malinis at maayos na palikuran, ang desenyo at ang mga material na

ginamit, maging ang opinion ng mga tao at iskedyul ng pag liliis sa palikuran.

Hanggo sa artikulong The truth about toilets (2008) “Proper sanitation plays a

major role in preventing cholera and other diarrheal diseases.” Binigyan pansin sa

artikulong ito ang patuloy na pag lala ng kalagayan ng mga palikuran sa kabila ng

pagiging modern n gating panahon. Ipinag bigay pansin din nila ang epekto at

halaga nito sa kalusugan particular na ang malaking epekto nito sa mga

kababaihan. Hindi lamang ito sa kalinisan at kalusugan ito rin ay tungkol sa dignidad

ng mga kababaihan.

Page 12: BSN1-11-Pamanahong Papel

Mula sa panulat ni Margaux C. Ortiz (2007) Report: Many Pinoys lack

sanitary facilities at home. Naitala na humigit kumulang 20 milyong Pilipino ang

walang sariling palikuran sa kanilang tahanan. At 15.2 milyong Pilipino ang

gumagamit ng pampublikong palikuran; ang bilang na ito ay ayon sa pananaliksi

noong taong 2007 ng Water and Sanitation Program of the World Bank. Ipinakita

mula sa artikulong ito ang kakulangan ng sanitasyon maging ng mga palikuran

mismo sa mga tahanan ng karamihang bansa mula sa East Asian countries kabilang

na ang Pilipinas.

Ayon sa WSP East Asia and the Pacific (EAP) regional leaders Almud Weitz:

“The economic, health and environmental costs of poor sanitation are often not

directly visible and are swept under carpet.” Ito ang nagbigay paliwanag na ang

bansa mula sa East Asian countries (Phil., Vietnam, Cambodia, Laos, Burma, China

& Indonesia) na hindi maganda ang takbo sa usapanag sanitasyon ay nalugi ng

halos $40 bilyon kada taon. Ito rin ang syang nagbigay suporta sa artikulong

nilathala ni Margaux C. Ortiz.

Alinsunod sa Water Supply Provisions (National Building Code) Excerpts from

the national building code (PD 1096-Signed by President Ferdinand E. Marcos, 19

February 1977) Sec. 902. Water Supply System. Kinakailangan dumaan at sumunod

sa tamang pamamaraan ang bawat supply ng tubig. Ito ay pagpapakita ng

importansya ng malinis na supply ng tubig upang mapanatili ang kalinisan at

kasiguraduhan ng mga palikuran.

Ngunit sa kabila nito walang tiyak na pag-aaral ukol sa sanitasyon ng mga

palikuran sa paaralan o unibersidad at ang kaugnayan nito sa kalusugan ng mga

Page 13: BSN1-11-Pamanahong Papel

gumagamit nito. Hindi parin napag tutuunan ng sapat na pansin ang kahalagahan ng

pag bibigay impormasyon sa mga tao ukol sa mga posibleng sakit na maari nilang

makuha mula sa mga palikuran. At ito rin ay isang aral upang malaman ang tamang

sanitasyon para sa mga palikuran sa paaralan o unibersidad. Ilan lamang ito sa mga

bagay na aming nais pagtuunan ng pansin partikular na sa sanitasyon ng palikuran

ng gusaling San Martin De Porres sa Unibersidad ng Santo Tomas.

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK

Page 14: BSN1-11-Pamanahong Papel

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na aming isinagawa para sa pag-aaral na ito ay

ang paraang deskriptib-analitik na uri ng pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin

mula sa pag-aaral na ito ang kaalaman, pananaw, at saloobin ng mga respondent

ukol sa sanitasyon ng mga palikuran.

2. Respondente

Ang mga mananaliksik ay pipili lamang ng 50 respondente, 25 babae at 25

lalake mula sa unang baiting sa kolehiyo ng RS at Narsing ng Unibersidad ng Santo

Tomas. Ito ay random na pipipiliin mula sa iba’t-ibang pangkat.

Pinili ang mga respondante mula sa unang taon upang mabilis na matugunan

at makakalap ng impormasyon para sa pangangailang ng aral-kaso na ito. Binigyan

lamang ang pananaliksik na ito ng takdang haba ng panahon kaya’t nararapat

lamang na madaling makakalap ng impormasyon o accessible ang mga

respondente.

3. Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng punong impormasyon

mula sa mga sarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey na nag nanais

na makakalap ng impormasyon, kaalaman, saloobin at suggestion ukol sa kalinisan

ng palikuran ng gusaling San Martin De Porres sa UST.

Page 15: BSN1-11-Pamanahong Papel

Kumalap din ang mga mananaliksik ng impormasyon mula sa pananaliksik sa

iba’t-ibang haguan sa aklatan, partikular na sa Pambangsang Aklatan at sa Aklatan

ng UST, katulad ng mga aklat, artikulo, tisis, proposal, mga aklat ng batas at mga

pamanahong papel. Kumalap rin ng mga datos mula sa pamunuan ng kalinisan sa

gusali. Ang mga mananaliksik ay kumuha rin ng ilang impormasyon mula sa

internet.

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papael na ito ay hindi nag nanainis ng tiyak, mataas

at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Ang bilang o dami lamang ng mga

pumili sa bawat pagpipiliin ng bawat aytem sa kwestyoner ang binigyang pansin ng

mga mananaliksik. Ito ay naka porsenyto at nasa paraang pag-tatally lamang. Ito rin

ay para maisagawa ang pananaliksik at pag iinterpreta ng detalye sa loob ng

takdang panahon.

Ang pamanahong-papael na ito ay isa lamang din panumulang pag-aaral na

hindi nangangailangan upang matamo ang isang digri katulad na lamang ng tisis at

disertasyon.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Page 16: BSN1-11-Pamanahong Papel

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at

impormasyon:

Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian.

Singkwenta (50%) sa kanila ay babae at gayun din para sa mga kalalakihan.

Narito ang mga resulta ng nasabing sarbey:

86%

14%

Sa unang pagkakataon na ikaw ay pumasok sa gusal-ing San Martin De Porres, naitanong mo ba sa iyong

sarili na malinis ang kolehiyong ito dahil kinaroroonan ito ng mga Health Providers?

Oo Hindi

Grap 1

Ayon sa naunang katanungan, lumalabas sa grap na walongpu’t anim

na porsyento (86%) ng respondente ang sumang-ayon sa unang tanong. Ang

labingapa’t na porsyento (14%) ay hindi naman sumang-ayon rito. Makikita na

maraming nag iisip ng naturang ideya ukol sa sanitasyon ng mga palikuran ng San

Martin De Porres dahil na rin sa mga kurso sa loob ng gusaling ito. Ibilang mo pa

ang ospital na nasaloob din ng lawak ng gusali.

Page 17: BSN1-11-Pamanahong Papel

Maayos Malinis Maganda Magulo Madumi Pangit

20%

5%

10%

15%

40%

10%

Ano ang iyong unang impresyon sa pagpasok mo sa palikuran ng gusaling San Martin De Porres?

Grap 2

Sa ikalawang katanungan, dito dinidiin ang imahe ng palikuran. Ang

pinakamataas na porsyento ay sa pagiging madumi na may apatnapu’t porsyento

(40%), sumunod ay dalawatpu’t porsyento (20%), ikatlo ay ang pagiging magulo na

may labinlimang porsyento (15%) at nagpapantay ang pagiging maganda at pangit

na may sampung porsyento (10%), huli sa lahat ay ang pagiging malinis na may

limang porsyente (5%). Ito ay malaking kabaligtaran ng unang resulta mula sa

unang katanungan. Makikita na sa kabila ng mga Health related na mga kurso at

pasilidad hindi napanatili ang unang impresyon ng mga tao. Sa mga resultang ito,

naitatala lamang na kadalasang madumi at magulo ang palikuran sa San Martin De

Porres.

Page 18: BSN1-11-Pamanahong Papel

10%

40%

50%

Presentable ba ang palikuran para sa inyo?

Oo Hindi Tama lang

Grap 3

Limangpung Porsyento (50%) ang nagsasabi na tama lamang ang pagiging

presentable ng palikuran. Samantala, apatnapung porsyento (40%) ang

nagsasabing hindi ito presentable, at ang natitirang sampung porsyento (10%) ang

sumang ayon na presentable ito.

Page 19: BSN1-11-Pamanahong Papel

Pansinin ang ugnayan ng Grap 4 at 5:

1-2 beses 3-4 beses 5-6 beses Hindi gumagamit

42%

34%

18%

6%

Ilang beses ka gumagamit ng palikuran?

Grap 4

Sa naibigay na katanungan, Naipakita ng grap na apatnapu’t dalawang

porsyento (42%) ang gumagamit lamang palikuran ng 1-2 beses sa isang araw.

Sinundan ito ng tatlotpu’t apat na porsyento (34%) na may 3-4 na beses na

gumagamit ng palikuran. Labingwalong porsyento (18%) na 5-6 beses nagamit ng

palikuran at anim na porsyento (6%) ang hindi gumagamit ng palikuran sa San

Martin De Porres.

Page 20: BSN1-11-Pamanahong Papel

Para umihi Mag-ayos Mag-bihis Maghilamos at Magsipilyo

43%38%

10% 10%

Alinsunod sa tanong bilang 4 ano ang iyong dahilan sa pag-gamit ng palikuran?

Grap 5

Maraming mag-aaral ang nagsasabi na ito’y dahil sa pag-ihi na may

apatnapu’t tatlong porsyento (43%) sinundan ng tatlopu’t pitong porsyento (37%) sa

pag-aayos. Walang pinagkaiba sa porsyento na may sampung porsyento (10%) ang

gumagamit ng palikuran para sa pagbihis, paghihilamos at pagsipilyo.

Makikita na ang pangunahing dahilan ng mga gumagamit ng palikuran ay

para sagutin ang tawag ng kalikasan na isang pangangailangan ng tao. Makikitang

10% lamang ang gumagamit nito upang mag hilamos o magsipilyo. Isang dahilan na

ang maduming tubig kung kaya’t ilan lamang ang gumagawa nito.

Page 21: BSN1-11-Pamanahong Papel

86%

14%

Sa tuwing gagamit ka ng palikuran umuupo ka ba sa toilet seat?

Oo Hindi

Grap 6

Siyamnapung porsyento (60%) ang hindi umuupon sa toilet seat sa tuwing

gumagamit ng palikuran. Samantalang sampung porsyento (10%) ang gumagamit

ng nito.

Page 22: BSN1-11-Pamanahong Papel

74%

12%14%

Sagutin ng buong katotohanan. Sinusunod mo ba ang mga paalala gaya ng “FLUSH THE TOILET AFTER

USE” o “THROW YOUR SANITARY NAPKINS AT THE TRASH BIN”?

Oo Hindi Minsan

Grap 7

Sa naipresentang Grap, ipinapakita na pitongpu’t apat na porsyento (74%)

ang sumusunod sa patakaran. Sinundan ng Labingapat na porsyento (14%) na

nagsasabing paminsan-minsan lamang. At labingdalawang porsyento (12%) ang

hindi sumusunod.

Page 23: BSN1-11-Pamanahong Papel

Pansinin ang Grap 8 at 9 na may kauganayan sa pag papanatili ng kalinisan

ng mga palikuran:

58%

42%

Madalas mo bang naabutang sarado ang palikuran dahil sa “CLEANING TIME?

Oo Hindi

Grap 8

Limatpu’t walong porsyento (58%) ang nagsasabi na madalas nilang

naaubutan na sarado ang palikuran, mapababae man o lalaki. Samantalag,

apatnapu’t dalawang porsyentong (42%) respondente ang nagsasabing hindi.

Page 24: BSN1-11-Pamanahong Papel

48%52%

Sa tingin mo ba na ang “CLEANING TIME” nila ay sapat at may naitutulong sa pagpapanatili ng kalinisan

ng kaayusan ng palikuran?

Oo Hindi

Grap 9

Apatnapu’t walong porsyento (48%) ang sumasang ayon na ang “CLEANING

TIME” ay nakakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kaayusan ng palikuran,

limangpu’t dalawang porsyento (52%) ang hindi sumasang ayon na ang “CLEANING

TIME” nakakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng palikuran.

Ang Grap 8 at 9 ay isang indikasyon na sa kabila ng lagging paglilinis nito o

“Cleaning Time” hindi pa rin napapanatili o nagagawang malinis ang mga palikuran.

Isang indikasyon na maraming pagkukulang ang kailngan punan.

Page 25: BSN1-11-Pamanahong Papel

Tignan ang ugnayan ng susunod na mga grap (10 at 11):

38%

62%

Kumportable ka ba sa paggamit ng palikuran sa gusali ng San Martin De Porres?

Oo Hindi

Grap 10

Tatlongpu’t walong porsyento (38%) ang nagsasabi na kumportable sila sa

palikuran at animnapu’t dalawang porsyento (62%) ang nagsasabi na hindi sila

kumportable sa paggamit ng mga palikuran.

Page 26: BSN1-11-Pamanahong Papel

Pasilidad Mga taong gumagamit

Maintenance Suplay ng Tubig

Unibersidad at Kinauukulan

20%

10%

25%

10%

35%

Pagsunud-sunurin mula sa higit na nakakaapekto sa kalinisan ng palikuran at konti ang epekto.

Grap 11

Ayon sa respondente ang Unibersidad ang pangunahing nakakaapekto sa

kalinisan ng palikuran ng gusaling San Martin De Porres na mayroon tatlongpu’t

limang porsyento (35%). Sinundan naman ito ng Maintenance na mayroong

dalawampu’t limang porsyento (25%), pangatlo ang Pasilidad na mayroon

dalawampung porsyento (20%) at ang huling nakaka apekto sa kalinisan ay ang

mga taong gumagamit at suplay ng tubig na may tig sampung porsyento (10%).

Patunay lamang na ang may malalaking pananagutan sa kalinisan ng

palikuran ay ang Unibersidad. Ang Unibersidad maging ang kinauukulan ang siya

ring nasa mataas na posison upang gumawa ng aksyon ukol dito. Kung kaya’t

makikita sa Grap 10 na maraming hindi kumportable sa paggamit ng palikuran dahil

kulang ang aksyon at hakbang upang gawin itong maayos at malinis.

Page 27: BSN1-11-Pamanahong Papel

Samantalang ang grap 12 hanggang 14 ay nagpapakita ng aplikasyon ng

sanitasyon at kalinisan base sa kaalaman na natututunan ng mga estudyante. Dito

rin naitatala ang pag papahalagang pang kalusugan:

90%

10%

Naniniwala ka bang makikita sa kalinisan ng palikuran ang kalinisan sa katawan ng isang tao?

Oo Hindi

Grap12

Sampung porsyento (10%) ang nagsasabi na hindi makikita sa kalinisan ng

palikuran ang kalinisan ng katawan ng isang tao, samantalng siyamnapung

porsyento (90%) ng mga tao ang sumasangayon dito.

Page 28: BSN1-11-Pamanahong Papel

10%

90%

Naniniwala ka rin ba na isang batayan ang kalinisan ng palikuran upang mapakita ang pagpapahalaga sa

kalusugan ng mga gumagamit nito?

Oo Hindi

Grap 13

Sampung porsyento (10%) lamang ng respondente ang nagsasabi na hindi

sila naniniwala na ang kalinisan ng palikuran ay nakikita sa pagpapahalaga ng mga

gumagamit nito. Samantala siyamnapung porsyento (90%) ang naniniwala dito.

Patunay lamang na isang matibay na basihan ang sanitasyon ng palikuran upang

ipakita ang pagpapahalaga ng gusali sa mga tao sa loob nito.

Page 29: BSN1-11-Pamanahong Papel

22%

78%

Mula sa inyong mga kasagutan: Naisasagawa ba ng Unibersidad ng Santo Tomas, San Martin De Porres ang kanilang adhikain na “Sanitation” – Florence

Nightingale at Health Promotion?

Oo Hindi

Grap 14

Makikita mula sa resulta ang pagtutol o hindi pag sang ayon ng mga

respondent sa nasabing katanungan. Nagtala ng pitongpu’t walong porsyento (78%)

ang nag sasabing hindi na isasagawa ng Unibersidadgusali ng San Martin De

Porres ang kanilang adhikain. Samantalang ang natitirang dalawangpu’t dalawa ay

naniniwala na naisasagawa ito.

Mula sa relasyon ng 3 nasaad nag rap, 12-14, makikita na hindi

naisasakatuparan o na isasabuhay ng unibersidad partikular sa gusali ng San Martin

De Porres ang kanilang adhikain. Sa kabila ng ibayong pag tuturo hindi naman ito

naisasakatuparan. Kung kaya’t naging isang batayan ang sanitasyon ng palikuran

upang maisaaad ng mga respondente na ang pagpapahalaga sa kalusugan ay

nagsisimula sa palikuran. Dahilan na rin sa matagal na panahon ng batayan ng

kalinisan para sa nakararami ang kasabihan na: “Makikita ang kalinisan ng isang tao

Page 30: BSN1-11-Pamanahong Papel

mula sa kalinisan ng palikuran” Ito ang nagbigay impak upang mabigyang ugnayan

ang sanitasyon ng palikuran sa pagpapahala sa kalusugan at pagsasakatupad ng

adhikain.

42%

58%

Naniniwala ka ba na protektado at ligtas ang iyong kalusugan sa mga palikuran ng San Martin De Porres?

Oo Hindi

Grap 15

Malaking porsyento, limangpu’t siyam (58%), ang hindi naniniwalang ang

kanilang kalusugan ay protektado at ligtas pagdating sa palikuran. Mula rito makikita

na itinuturing ng mga respondentena isang banta para kanilang kalusugan ang pag

gamit ng mga palikuran sa San Martin De Porres. At ang banta ay isang indikasyon

ng hindi malusog at ligtas na sitwasyon para sa mga tao na maaring maging dahilan

ng sakit o di kaya naman kamatayan. Ang banta rin ay isang sukatan upang

malaman na ma kaalaman ng mga tao ukol sa kanilang kalusugan ngunit ito ay hindi

sapata kung kaya’t hindi nito matiyak ang maaring maging bunga sa hinaharap.

Page 31: BSN1-11-Pamanahong Papel

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nag nanais na malaman ang kasiguraduhan ng

kalinisan ng mga palikuran sa gusaling San Martin De Porres ng Unibersidad ng

Sto. Tomas at ang epekto nito sa kalusugan. At mabigyan ng kaagapay na

kaalaman ang mga tao ukol sa sanitasyon.

Mula sa diesnyo ng pag-aaral na deskriptib-analitikal, ang mananaliksik ay

gumawa ng isang sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa limampung respondent

(50) na nag mula sa mga estudyante ng unang taon sa kolehiyo ng Rehabilitation

Science at Nursing. 25 mula rito ay babae at ang natitita ay 25 na kalalakihan. Ito ay

sa isinagawa sa paraang Random.

2. Kongklusyon

Batay sa mga nailahad na datos, humantong ito sa mga sumusunod na

kongklusyon na siyang nagbigay kasagutan sa mga nagging katanungan:

 

Katamtaman lamang ang kaalaman ng mga estudyante ukol ditto

sapagkat hindi nila alam ang kaagapay nab anta nito sa kalusugan.

Ilan sa mga sakit na maaring makuha mula sa maduming palikuran ay:

cholera, diarrheal disease, herpes, skin irritations, sakit sa bato at

maging virus transmission.

Page 32: BSN1-11-Pamanahong Papel

Napatunayan na sa kabila ng paglilinis ng mga palikuran lubos na

hindi ito sapat upang masabing ito ay malinis, maayos at ligtas.

Maraming nagsasabi na ito ay madumi, hindi presentable, at hindi ito

ligtas bagkus isang banta sa kalusugan.

Sa kasalukuyan, walang pinapakitang mas ibayong solusyon ukol sa

isyu ng sanitasyon. Nananatiling “Cleaning Time” ang kanilang

solusyon.

Nasa aksyon at pagpapanatili ng mga nasa mataas na posisyon ang

pagpapanatili ng kalinisan ng mga pasilidad ng palikuran. Sila ang higit

na may kakayahan upang hikayatin ang mga gumagamit nito na

ingatan ang pasilidad sa pamamagitan ng pagbibigay rin ng sapat na

dahilan sa mga tao upang ito ay pangalagaan.Dapat lamang na hindi

puro salita at turo ang isinasagawa kundi pati pagsasakatuparan at

pagsasabuhay nito.

3. Rekomendasyon

Mula sa naging kongklusyon, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod para na rin sa ikabubuti ng nakararami:

Para sa Unibersidad ng Santo Tomas dapat magsagawa ng ibayong

pag-aaral ukol sa sanitasyon ng mga palikuran at bigyang pansin ang

pag papaayos ng mga palikuran. Aksyon ang pangunahing soluson

para dito. Hindi lamang ito para sa gusali ng San Martin De Porres

ngunit maging sa iba pang gusali sa loob ng Unibersidad.

Page 33: BSN1-11-Pamanahong Papel

Para sa mataas na pamunuan ng gusaling San Martin De Porres dapat

pangalagaan at kilatisin mabuti ang sanitasyon ng mga palikuran. Dapat

itong itugon sa Pamunuan ng Unibersidad at bigyang aksyon ito sa lalong

madaling panahon.

Para sa namumuno ng ahensya ng kalinisan ng San Martin De Porres

kaakibat ang Unibersidad ng Santo Tomas ay dapat mag sagawa ng

seminar na dadaluhan ng mga manggawa at mga empleyado na siyang

magbibigay pansin sa tamang proses ng pagpapanatili ng sanitasyon at

ang maidudulo’t nito sa kalusugan.

Para sa mga Propesor dapat bigyang edukasyon ang mga estudyante

ukol sa sanitasyon at epekto nito sa kalusugan upang mapangalagaan at

maprotektahan ang kanilang kalusugan.

Para sa mag-aaral, dapat mas palawigin ang inyong kaalaman ukol sa

sanitayson. Wag mahiyang ipag bigay alam ang inyong saloobin ukol sa

karapatang pangkalinisan sa mataas na pamunuan. Ito ay isang

karapatan na siya ring huhubog upang maging epektibong propesyunal sa

hinaharap.

Para sa ibang mananaliksik ipagpatuloy at palawigin pa ang pag-aaral

ukol sa sanitasyon ng mga palikuran. Ito ay magsisilbing isang maganda

at malaking tulong sa larangan ng kalusugan.

Para sa pangkalahatan, ibayong kaalaman ang kailangan. At kaagipay

nito ang pagsasagawa ng mga natutunang kaalaman.

Page 34: BSN1-11-Pamanahong Papel

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

May Pinoy lack sanitary facilities at home? (2007, December 02). Philippines daily inquirer, pp.6.

Filipino dies daily due to poor sanitation. (2008, February 18). Manila Times, pp.23.

The truth about toilets. (2008, May 08). The truth about toilets. Manila Bulletin, pp.14.

Code on sanitation of the Philippines presidential decree no.856-1976. (1976). pp.26. Philippines: Department of Health.

Damdamin, pananaw, at kaalaman ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong narsing sa unibersidad ng makati hinggil sa meningcococcemia (2005, Marso).

Page 35: BSN1-11-Pamanahong Papel

APENDIKS A

Pangalan(opsyunal):Kurso at Seksyon:Kasarian:

Magandang Araw!Ang sarbey na ito ay patungkol sa isyu ng sanitasyon ng palikuran sa gusali ng San Martin De

Porres. Nais lamang po naming na humingi ng ilang impormasyon at kasagutan na makakatulong sa aming isinasagawang aral kaso. Ito ay may titulong: Isang aral kaso sa kalinisan ng mga palikuran sa Unibersidad ng Santo Tomas, gusali ng San Martin De Porres ng at ang epekto nito sa kalusugan. Makaka asa kayo sa pagpapanatiling pribado ng mga impormasyon.

Lagyan ng tsek ang napiling tamang sagot. Maari lamang po ay sagutin ito ng buong katotohanan.

1. Sa unang pagkakataon na ikaw ay pumasok sa gusaling San Martin De Porres, naitanong mo ba sa iyong sarili na malinis ang kolehiyong ito dahil kinaroroonan ito ng mga Health Providers?____OO____HINDI

2. Ano ang iyong unang impresyon sa pagpasok mo sa palikuran ng gusaling San Martin De Porres?____MAAYOS ____MAGULO____MALINIS ____MADUMI____MAGANDA ____PANGET

3. Presentable ba ang palikuran para sainyo?____OO____HINDI____TAMA LANG

4. Ilang beses ka gumagamit ng palikuran sa gusaling ito?____1-2 BESES____3-4 BESES____5-6 BESES____HINDI AKO GUMAGAMIT

5. Alinsunod sa tanong bilang 4 ano ang iyong dahilan sa pag gamit ng palikuran? (Maaring pumili ng higit sa isa)____PARA UMIHI____MAGAYOS____MAGBIHIS____MAGHILAMOS AT MAGSIPILYO____IBANG DAHILAN:____________________________

Page 36: BSN1-11-Pamanahong Papel

6. Sa tuwing gagamit ka ng palikuran umuupo ka ba sa toilet seat?____OO____HINDI

7. Sagutin ng buong katotohanan. Sinusunod mo ba ang mga paalala gaya ng “FLUSH THE TOILET AFTER USE” o “THROW YOUR SANITARY NAPKINS AT THE TRASH BIN”?____OO____HINDI____MINSAN

8. Madalas mo bang naabutang sarado ang palikuran dahil sa “CLEANING TIME” ?____OO____HINDI

9. Sa tingin mo ba na ang “CLEANING TIME” nila ay sapat at may naitutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kaayusan ng palikuran?____OO____HINDI

10. Kumportable ka ba sa paggamit ng palikuran sa gusali ng San Martin De Porres?____OO____HINDI

11. Pagsunud-sunurin mula sa higit na nakakaapekto sa kalinisan ng palikuran at konti ang epekto. (1-higit na nakakaapekto, 5-konti ang epekto)____PASILIDAD____MGA TAING GUMAGAMIT____MGA NAGPAPANATILI NITO (maintenance)____SUPLAY NG TUBIG____ANG UNIBERSIDAD AT KINAUUKULAN

12. Naniniwala ka bang makikita sa kalinisan ng palikuran ang kalinisan sa katawan ng isang tao?____OO____HINDI

13. Naniniwala ka rin ba na isang batayan ang kalinisan ng palikuran upang mapakita ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga gumagamit nito?____OO____HINDI

14. Mula sa inyong mga kasagutan: Naisasagawa ba ng Unibersidad ng Santo Tomas, San Martin De Porres ang kanilang adhikain na “Sanitation” – Florence Nightingale at Health Promotion?____OO____HINDI

Page 37: BSN1-11-Pamanahong Papel

15) Naniniwala ka ba na protektado at ligtas ang iyong kalusugan sa mga palikuran ng San Martin De Porres?____OO____HINDI

Kayo po ay aming hinihikayat na magbahagi ng komento at mungkahi ukol sa sanitasyon ng palikuran sa gusali ng San Martin De Porres.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

MARAMING SALAMAT SA PAGBABAHAGI NG INYONG ORAS AT KASAGUTAN!

-Pangkat VI ng BSN 1-11

Page 38: BSN1-11-Pamanahong Papel

APENDIKS B

PORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG-PAPEL

Pamagat : ______________________________________________

_______________________________________________

Mananaliksik : ______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

Taon at Pangkat :__________ Semestre:______Taong Akademiko:______

Sistema ng Pagmamarka:

Apat (4) na puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaring mag ng puntos na may decimal (halimbawa: 1.7, 2.3, 3.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub-total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

A. Paksa at Suliranin

1) Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? _______

2) Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? _______

3) Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksaupang makalikha ng mga valid na paglalahat? _______

4) Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral? _______

5) Malinaw, ispesipik at sapat ba ang mga tiyak na layuninng pag-aaral? _______

6) Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyanng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino? _______

Page 39: BSN1-11-Pamanahong Papel

Sub-total: _______B. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

1) Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturangtinalakay? _______

2) Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaralat literaturang iyon? _______

3) Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaralAt iba pang hanguang ginamit? _______

Sub-total: _______

C. Disenyo ng Pag-aaral

1) Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamitsa pananaliksik? _______

2) Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naayon ba iyon sa sayantipik na metodo ng pananaliksik? _______

3) Sapat at angkop ba ang mga respondeng napili sa paksang pananaliksik? _______

4) Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentongginamit sa pangangalap ng mga datos? _______

Sub-total: _______

D. Presentasyon ng mga Datos

Page 40: BSN1-11-Pamanahong Papel

1) Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? _______

2) Maingat bang nasuri at nalapatan ba ng wastong istatistikal tritment ang mga datos? _______

3) Wasto at sapat ba ang nagiging interpretasyon ng mga datos? _______

4) Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at tabular/grapikal na presentasyon ng mga datos? _______

Sub-total: _______

E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1) Mabisa at sapat ba ang pagkakalagom sa mga datos? _______

2) Lohikal at valid ba ang mga kongklusyon? Nakabatay baiyon sa mga datos na nakalap? _______

3) Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan sa layunin ng pag-aaral? _______

4) Lohikal, pisibol, praktikal at ateynabol ba ang mga inilahad na rekomendasyon? Natutugunan ba ngmga iyon ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral? _______

5) Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mgaLagom, kongklusyon at rekomendasyon? _______

Sub-total: _______

F. Mekaniks at Pormat

1) Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong- papel? Nasunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? _______

Page 41: BSN1-11-Pamanahong Papel

2) Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong-papel? _______

3) Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkakaedit sa teksto ng pamanahong-papel? _______

Sub-total: _______

Kabuuan/Katumbas na Marka (100): _______

Ebalweytor:_________________________________

Petsa:______________________________________