32
B 3 Ella Gualvez 1 Day 1: Monday. 1:05 p.m. Dapat maisama sa Guinness World Records si Alexis Concepcion. Record-breaking ang dami ng beses na mali ang solution nito sa isang Math problem. “Uhm… so forty-five minus negative eight is, ah…” Tumiim-labi ang binata sa harapan ni Vivian at tumitig mabuti sa linear equation sa papel nito. “Uhm…” Nagtaas ito ng tingin sa kanya, may pag-aalinlangan sa malilinaw na brown nitong mata. “Uhm… paano nga ulit?” No wonder all their classmates had a crush on him, isip ni Vivian habang nakatitig kay Alex. He was tall, fair, and gorgeous. Hindi pa uso ang tall, dark and handsome sa age bracket nila. Para sa mga teenagers na kagaya niya na nabubuhay sa era ng K-pop at anime, mas mabenta ang mga kagaya ni Alex na parang naggo-glow in the dark sa kinis at puti. Tingin niya, pati si Julia Barretto ay mai-insecure sa kinis ng balat nito. “Uhm…?” Nag-aalangang ngumiti si Alex at bahagyang tumabing ang ilang strands ng brown hair nito sa brownish nitong mga mata. “Vivian?” He had gorgeous hair, but he needed a haircut. Bakit hindi ito sinisita ng mga teachers nila? Ah, yes, isip niya

Day 1: Monday. 1:05 p.m. - ebookware.ph fileB 3 ualvez 1 Day 1: Monday. 1:05 p.m. Dapat maisama sa Guinness World Records si Alexis Concepcion. Record-breaking ang dami ng beses na

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

B3 Ella Gualvez

1Day 1: Monday. 1:05 p.m.

Dapat maisama sa Guinness World Records si Alexis Concepcion. Record-breaking ang dami ng beses na mali ang solution nito sa isang Math problem.

“Uhm… so forty-five minus negative eight is, ah…” Tumiim-labi ang binata sa harapan ni Vivian at tumitig mabuti sa linear equation sa papel nito. “Uhm…” Nagtaas ito ng tingin sa kanya, may pag-aalinlangan sa malilinaw na brown nitong mata. “Uhm… paano nga ulit?”

No wonder all their classmates had a crush on him, isip ni Vivian habang nakatitig kay Alex. He was tall, fair, and gorgeous. Hindi pa uso ang tall, dark and handsome sa age bracket nila. Para sa mga teenagers na kagaya niya na nabubuhay sa era ng K-pop at anime, mas mabenta ang mga kagaya ni Alex na parang naggo-glow in the dark sa kinis at puti. Tingin niya, pati si Julia Barretto ay mai-insecure sa kinis ng balat nito.

“Uhm…?” Nag-aalangang ngumiti si Alex at bahagyang tumabing ang ilang strands ng brown hair nito sa brownish nitong mga mata. “Vivian?”

He had gorgeous hair, but he needed a haircut. Bakit hindi ito sinisita ng mga teachers nila? Ah, yes, isip niya

B4Five Days to Fall in Love

habang nakatitig sa ngiti ng kaharap. It’s because of that smile, that boyishly cute smile he’s giving her right now. She supposed that was a perfect real life illustration of relativistic perspective of deviance. Mas maluwag ang rules sa mga taong magaganda at guwapo.

Sinulat ni Vivian ang rules ng adding and subtracting integers at inilahad sa katabi. “Rule of addition: like sign, you add. Different sign, you subtract. You keep the sign of the number with the larger absolute value. Rule of subtraction: reverse the sign of your subtrahend. That’s the second number in a subtraction equation. Then, proceed to addition.”

“Ah…” Alanganin pa rin ang ngiti, ibinalik ni Alex ang titig sa Math problem. “You’re really good at this. Pasensya na kung medyo slow ako.”

Tumitig siya sa pagsasalubong ng mga kilay ng kaklase habang nag-a-add ng integer. Medyo slow was an understatement of the year. She wondered, kung isasailalim sa CAT scan ang ulo ng binata habang nagso-solve ng Math problem, gaano kalaking parte ng utak nito ang iilaw? Baka wala. Mukhang hindi nito alam kung paano gamitin ang utak nito. Maybe she should tell him that?

“So ang mangyayari dito…” kunot-noong patuloy ng binata na para bang applications of the definite integral ang sino-solve nito at hindi isang simpleng linear equation. “Forty-five plus eight, ang answer dito ay… fifty-three, right?”

“Yes, it’s fifty-three,” sagot ni Vivian. “Do you need a calculator?”

B5 Ella Gualvez

Kumurap ang binata at tumitig sa kanya. “Huh?”“Calculator, ‘yung small, portable electronic device

used to perform both basic and complex arithmetic operations. It looks like you need one.”

Kumurap ulit ito, nanatiling nakatitig sa kanya na para bang nakasulat sa mukha niya ang sagot sa Pollock octahedral numbers conjecture. But that was stupid. Sigurado siyang ni hindi nito kilala si Sir Frederick Pollock, much less malaman ang precepts ng additive number theory na iyon. He probably didn’t even know what ‘conjecture’ meant.

“Ah…” Tumawa ito nang bahaw. “Sorry, uhm… no, it’s okay. Bawal ang calculator sa quiz and exams, di ba?”

“Yes.”“So uhm… Parang ang tanga ko naman kung

kailangan ko pa ng calculator para sa pag-add ng ganito kababang numbers, di ba?”

“You’re right.”Kumurap ulit ito. “Huh?”“You’re right. It’s dumb. You’re pretty dumb.”“Ah….” Sandali lang itong napanganga, parang hindi

alam ang sasabihin sa kanya. Hmm… bakit? Napakunot-noo si Vivian. Hindi ba

nito na-gets ang ibig niyang sabihin? Well, sa tatlong buwan na naging kaklase niya ito, naging malinaw sa dalaga na hindi lang sa Math mahina si Alex. He seemed to have problems with other subjects as well. Siguro may problema rin ito sa pag-process ng verbal communication?

“Well, yeah, uhm…” Maikling tumawa si Alex at

B6Five Days to Fall in Love

nagpunas ng pawis sa noo. “Wow, pinagpawisan ako d’on, ah. So uhm… eto na ‘yung sagot. This is really hard and—”

“Alex, ano na?” Sumalampak sa upuan sa tabi ng binata ang isa pa nilang lalaking kaklase.

Si Mark iyon, ang class clown at self-proclaimed best friend ng campus heartthrob na si Alex. In other words, ang dakilang sidekick, ang comic relief sa guwapong bida. Ang Ron Weasley ni Harry Potter, ang Robin ni Batman, ang Dencio Padilla ni Fernando Poe Jr., ang Jose Manalo ni Vic Sotto, ang—

“Mamaya na ‘yan!” putol ni Mark sa inner monologue ni Vivian. “Laro muna tayo ng basketball habang wala pa si Ma’am!”

“Uhm…” Tumitig sa kanya si Alex na para bang siya ang wicked stepmother nito at ito ang lalaking version ni Cinderella na inaapi niya.

“Okay lang ‘yan, di ba, Vivian?” Kumindat sa kanya si Mark.

Natigilan siya. Wait. Bakit ito kumindat sa kanya? Close ba sila? Isa ba iyong secret code ng mga teenagers? For what? Wait, wait, wait. Alam niya ito. Nabasa niya ang ganito sa mga manga.

“May crush ka ba sa ‘kin?” seryosong tanong niya.Sabay na napapitlag ang dalawang lalaki.“Uhm… what?” Umurong si Mark sa kanya. “Kinindatan mo ‘ko. May crush ka ba sa ‘kin?”Lalo itong napaatras, at may takot sa mga matang

napatitig sa kaibigan nito. “God, totoo nga. May sayad nga ang isang ‘to–”

B7 Ella Gualvez

Siniko ito ni Alex at napaubo si Mark.“Hey!” angal ng dakilang sidekick.Maliit na ngumiti sa kanya ang tutee niya habang

sinisiko ulit ang kaibigan. He was really good-looking. “Uhm… ano, Vivian–”

“Tara na, Alex! Whatever, okay?” Hinila ito ng kaibigan nito. “Come on. Sige na, Vivian, ‘una na kami. Come on, dude. Lagi ka namang nagpapa-tutor tuwing umaga at tuwing break, di ba? Hindi na magagalit si Ma’am n’yan. Makakabawi ka na rin sa exam, ‘lika na! Nagamit n’yo na naman halos ‘yung buong period, p’wede na ‘yan. All work and no play makes Alex a cranky stud!” Bumunghalit ng tawa si Mark sa sariling joke at malakas na hinampas sa balikat ang binata.

Humalukipkip siya. Dapat ba siyang tumawa sa joke nito? Would it be considered rude if she didn’t?

“Ahahahaha!” fake niyang tawa.Umiwas ang dalawa sa kanya na para bang may

venereal disease siya.“Ah…” Napahawak sa batok nito si Alex. “Uhm,

thanks, Vivian.”Tumatawang hinila ito ni Mark palabas ng

classroom. “Shit, pare, ano’ng tinira n’yan?”“Shut up.” Lumingon sa kanya si Alex. “Bukas na

lang ulit. Thanks again!”“Ayan! Game na! Woohoot!” sigaw ng isa sa mga

kaklase nila mula sa labas ng classroom.Kumunot-noo ang dalaga. Well, that went well,

right? Napatitig siya sa labas ng bintana. Tanaw ang

B8Five Days to Fall in Love

basketball court mula sa building nila, at kita niya si Alex na tumatakbo papunta sa court. His reddish brown hair glinted in the afternoon sun. Totoong hair color nito iyon, sa palagay ni Vivian. He was probably half-Spanish.

Ipinasa dito ng isa sa mga kaklase nila ang bola at walang hirap na nasalo iyon ng binata. Humarang dito ang isa nilang kaklase, pero umikot si Alex habang nagdi-dribble ng bola.

Hinilig niya ang ulo habang nakatitig sa lalaki. He moved with such fluid grace it looked as if he was dancing. Nalusutan nito ang tatlo pang humarang dito. Pumuwesto ito sa three-point field goal, tumalon at pinakawalan ang bola.

Sinundan ng mga mata ni Vivian ang trajectory ng bola, ang perpektong arko na paglipad papunta sa goal. Parang gusto niyang gawan iyon ng equation.

Sigawan ang mga kaklase nang pumasok ang bola sa net.

Maluwang siyang ngumiti at napabuntong-hininga. I know, right? gusto niyang sabihin sa mga ito. Sigurado siyang nae-excite din ang mga ito na gawan ng equation ang parabolic trajectory ng pag-shoot ni Alex.

“Shit! Ang galing niya!” impit na tili ng isang kaklase nila sa loob ng classroom.

Tumangu-tango siya. Agree siya. “Parang siya si Craig sa Lost Without You, ano?” sabi

ng isa pa.She perked up when she heard that. Medyo napalapit

siya sa mga ito para marinig pa lalo ang sinasabi ng mga kaklase.

B9 Ella Gualvez

“True! Siyang-siya ‘yon! Ang galing ng writer n’on, ano? Sinabi na ba kung kailan lalabas ‘yung pangalawang book?”

“Next month ‘ata.”Kuminang ang mga mata ni Vivian, at malawak ang

ngiti sa mga labi na dinukot sa bag ang isang libro.Lost Without You.She grinned.Hah. Sabi na nga ba niya at tama ang desisyong

bilhin ito sa bookstore noong isang araw. In ito sa mga teenagers. Sigurado siyang naroon ang sagot sa lahat ng katanungan sa teenage life.

Binuksan ni Vivian ang libro at sinimulang basahin ang bible ng mga kabataan ngayon.

Absent din ang teacher nila para sa sumunod na period, kaya nagpatuloy sa paglalaro ng basketball ang ilang mga kaklase nila sa labas. Pero nag-time out na si Alex at bumalik ng room. Kinantiyawan ito ng mga kaklase nila pero nakangiting umiling lang ang binata. Umupo ito sa desk nito, ipinatong ang ulo sa mga nakatuping mga braso, at pumikit. Five minutes later, nasa dream land na ito.

Isinara ni Vivian ang binabasang libro at kunot-noong tinitigan ang kaklase.

Sleeping again? May sakit ba ito?Umiling siya sa sarili. Silly her. May sakit talaga? Sa

Korean drama lang uso iyon.Tatlong buwan nang ganito ang kaklase. Sigurado

siyang may mas mundane na dahilan kaya lagi itong natutulog sa klase. Siguro nagpupuyat lang ito sa

B10Five Days to Fall in Love

paglalaro ng DotA buong gabi.After thirty minutes and fifteen seconds, dumating

ang Physics teacher nila. “Okay, class, take your seats.” Umupo si Mrs.

Andrada sa desk nito at binuksan ang librong dala nito.“Alex,” pasimpleng bulong ni Mark at siniko ang

natutulog na binata. “Uy, gising na, ‘and’yan na si Ma’am.”

“Hmm…five more minutes.”“Ano ka ba? Gising na–”Parang laser beam na sumentro ang tingin ng teacher

nila sa dalawa. “Mr. Concepcion, natutulog ka na naman sa klase ko? Alexis!”

Bumalikwas ng tayo ang binata. “Shit! Shit! Nasusunog na ‘yung tocino!”

Nagtawanan ang mga kaklase nila.Pa-joke na siniko ito ni Mark. “Ano ka ba, dude?

Gising na!”Malalaking matang napatitig si Alex sa paligid, at

gumapang ang kulay sa mga pisngi nito.Nag-alala si Vivian. Sobrang pula ng lalaki, baka may

pumutok na itong blood vessels. “Uhm…” Alanganing ngumiti ang binata, at parang

narinig niya ang pag-‘Awww!’ pati ng teacher nila. Hindi niya masisi ang mga ito. Parang siya ay gusto ring mapabuntong-hininga sa cuteness ng kaklase. Para itong tuta na nanghihingi ng pagkain. “Uhm…sorry po, Ma’am. I was… uhm…”

Tumikhim ang teacher nila at inayos ang salamin nito. Hmm… nagba-blush din ba si Ma’am? “Sige na,

B11 Ella Gualvez

take your seat.”Umupo ang binata at muli itong siniko ni Mark. May

ibinulong dito ang lalaki at napangiwi si Alex. Bromance, isip ni Vivian. Sa pagkakaalam niya, iyon

ang tawag sa relasyon ng dalawa. Kaunti pa at may chance nang maging Shounen-Ai.

Bumuntong-hininga si Vivian at tumingin na sa board.

Mabuti na lang hindi siya kasing-puti ni Alex.Nakakahiyang mag-blush nang ganoon kapula.

B12Five Days to Fall in Love

2I’m home!” tawag ni Vivian pagkapasok ng bahay.Kagaya nitong nakaraang tatlong buwan tuwing umuuwi siya mula sa school, katahimikan ang

bumati sa kanya.That’s not true, isip niya habang tinatanggal ang

sapatos sa tapat ng may pintuan. Hindi lang nitong nakaraang tatlong buwan na katahimikan ang bumabati sa kanya. It had been like this for as long as she could remember.

Dumerecho siya sa kuwarto niya at ibinaba ang bag sa kama. Narito ang lahat ng gamit niya. Mas madali kasing ligpitin ang mga iyon kapag nasa isang lugar lang. After all, walang ibang magliligpit noon kundi siya.

Pagkatapos magpalit ng damit pambahay, umupo siya sa kama. At kagaya ng routine niya magmula noong grade three siya, kinuha niya ang phone at tinawagan ang isang numero.

“Hi!” bati niya nang may sumagot sa kabilang linya. “Miss Joan, p’wede kay Papa—”

“Your father’s still at work. Alam mo na ‘yon, di ba?” “Puwedeng pakisabi, tawagan niya ‘ko pag-uwi

niya–”“Your father’s busy. When are you going to stop

this? You’re a big girl already, Vivian. You understand,

"

B13 Ella Gualvez

right? Stop calling him.” At binabaan siya nito ng phone.Kunot-noo niyang tinitigan ang phone. Well, that was rude. Menopausal na siguro si Miss

Joan.Bumaba siya para magmerienda. Kailangan niya

ng fuel. Hindi siya makapag-aral nang hindi kumakain. Binuksan niya ang refrigerator para kunin ang natira niyang triple chocolate fudge cake noong isang araw. Gagawa na lang siya ng banana caramel smoothie at–

“No!” bulalas ni Vivian nang makitang hindi na sapat ang fresh milk sa karton.

She knew it. Sabi na nga ba niya at dapat ay tatlong karton na ang binili niya noong isang linggo. Ngayon mababawasan pa ang oras niya sa pag-aaral at pagbabasa ng mga mangas dahil kailangan niyang pumunta sa convenience store.

Grumbling to herself, lumabas siya ng bahay.Malapit ang convenience store sa bahay nila. The

house used to be her aunt’s house, pero nag-migrate na ito sa U.S. Her mother had always been busy since she was a kid. Pati pagbili ng bahay ay nakalimutan nitong gawin. Nang umalis ang auntie niya noong isang buwan, minabuti ng mama niya na lumipat sila para mapakinabangan ang bahay na naiwan ng kapatid nito.

Pagdating sa store, kumuha siya ng tatlong karton ng fresh milk sa shelf at dumerecho sa cashier. Tinawag siya ng mga bags ng Kisses sa may malapit na shelf at mabilis siyang pumikit. She would not be tempted! Hindi maganda ang chocolates para sa kanya! Nagka-crash ang energy niya kapag kain siya nang kain ng matamis. Hindi

B14Five Days to Fall in Love

siya bibigay, hindi siya bibigay, hindi siya bibigay… Humablot siya ng dalawang bags.“Darn,” mahina niyang mura.Napatitig si Vivian sa labas at nakitang madilim ang

langit. Hindi siya Girl Scout, pero lagi siyang handa at may dala laging payong.

Nagsimula nang umambon nang lumabas siya ng convenience store. Bumukas ang glass doors ng isang computer shop sa kabilang kalsada, at narinig niya ang ingay ng mga naglalaro sa loob.

Nahagilap ng mga mata niya ang uniform nila at napabuntong-hininga siya. What were they thinking? Kung nabubuhay lang si Gat Jose Rizal, ano’ng sasabihin nito sa mga pag-asa ng bayan?

‘Mag-aral kayo, mga gago!’ Iyon marahil. Ay, no. Umiling siya sa sarili. ‘Do your assignments, dude!’ siguro. Kasi conyo si Rizal. Kung nabuhay si Rizal sa panahong ito, malamang pa-Starbucks-Starbucks iyon habang nagta-type sa MacBook Pro nito sa tapat ng Ateneo. Sosyal.

Tumalon si Vivian palampas sa puddle ng tubig.Alex was probably inside the computer shop with

his friends. It must be nice to be so carefree. Mukhang walang inaalala ang mga ito. They probably played computer games right after school. Hindi kaya iniisip ng mga ito ang college? Iyon ba ang in? Iyon ba ang normal? Ang maging iresponsible at pabaya at—

“Thank you, Mrs. Lopez!”Napatigil siya sa paglalakad at napatitig sa lalaking

lumabas ng isang bakeshop. Hindi kagaya niya, wala itong dalang payong. Hindi na ito nakasuot ng school

B15 Ella Gualvez

uniform nila, at may baseball cap na nakasuot sa ulo nito at bahagyang natatakpan ang upper face.

But she recognized him, alright. The strong breadth of his shoulders, the toned arms and legs, that tall athletic built, that glow in the dark, pinkish skin—it was none other than Alexis Concepcion.

Tumingin-tingin ang lalaki sa paligid habang hawak sa dibdib ang paper bag ng Lopez Bakeshop.

Tumaas ang kilay niya. Hmm…. Suspicious. Instinctively, napatabi si Vivian sa lamppost para

hindi nito makita. Mabilis na naglakad ang binata. Nasabi na ba niyang mahilig siya sa mga spy novels?

Well, hindi naman masyado. Pero fan siya ni Detective Conan. She thought Shun Oguri was awesome in the movie version. At gusto niyang maging James Bond si Henry Cavill.

Anyway, feeling ninja sa bayan ng Konoha, patagu-tago niyang sinundan si Alex. Naningkit ang mga mata niya nang lumiko ito sa kaliwa sa dulo ng kalye. Saan ito pupunta sa parteng ‘yon ng….

Napasinghap siya at natutop ang bibig.My gawd, ano ang gagawin nito doon? May malapit

na gay bar sa parteng iyon!Napahawak si Vivian sa dibdib. This couldn’t be!

Dancer kaya ito sa club? Iyon ba ang dahilan kaya lagi itong puyat?

Na-imagine niya ang kaklase sa isang mausok na stage, kumikislap ang mga ilaw, makintab ang katawan dahil sa body oil, matigas ang six-pack abs habang gumigiling ang balakang sa tune ng:

B16Five Days to Fall in Love

I’m never gonna dance againGuilty feet have got no rhythm Though it’s easy to pretendI know you’re not a fool…*cue instrumental* Ten-tenenen-ten-tenenen….Repeat until fade.Napasinghap ulit si Vivian. Oh, no, dapat ba siyang

humingi ng tulong? Tumawag ng pulis at mag-file ng report sa DSWD at–

Wait. ‘Asan na si Alex? Shit. Hindi na niya makita ang classmate. Umiling siya sa sarili at nilakihan ang hakbang.

Nakita niya ito palapit nang palapit sa gay bar.Mabilis na pumintig ang puso niya. She had to

save him, right? Responsibilidad niya iyon bilang mamamayang Pilipino at bilang kaklase at math tutor nito! Kailangan niya itong hilahin pabalik sa liwanag! Kung may humila lang kay Darth Vader, baka hindi ito napunta sa dark side. She had to help him! Mahirap ang buhay, alam niyang hindi ito matalino, pero maraming paraan at hindi tama ang magbenta ng laman at–

Lumagpas si Alex sa gay bar. Bumagsak ang mga balikat ni Vivian. What, hindi ito

macho dancer? Hindi siya disappointed. Not at all.Nagpatuloy siya sa pagsunod dito, at natigilan ulit

nang pumasok ito sa isang eskinita.Ohemgee.Nahawakan niya ang noo. Mas malala iyon kaysa sa

B17 Ella Gualvez

gay bar. Kilala ang eskinita na iyon sa dami ng mga drug

pushers at gangsters doon. Gangster ang kaklase niya? Like ‘yung sa mga movies? Iyon ba ang dahilan kaya minsan may pasa-pasa ito? Drugs ba ang laman ng bakeshop bag nito? My gawd, tinatago nila ang drugs sa mga pan de coco at cheese bread?!? Siguro may kalaban itong gang at madalas ay nagsusuntukan ang mga ito tuwing gabi. Gang war! Nagbabatuhan din siguro ang mga ito ng bote kagaya sa news. He’s probably the leader. Yep, definitely the leader. Ano’ng gang name nito?

Red Dragon? No, no, no. Umiling siya sa sarili. Si Hannibal Lecter

iyon. Cannibal. Omnivore si Alex, sigurado siya roon.Black Scorpion? Parang pang-BDSM porn naman. At

babae si Black Scorpion.White Ranger? Red One? Pink Five? Ay mali, Power

Rangers at Bioman na pala ‘yung mga iyon. Hmm… Kamen Rider na lang siguro?He was probably shirtless when fighting. And there

would be blood and sweat and–Lumabas na ito ng eskinita.Sumimangot si Vivian.The hell. Humalukipkip din siya.Hindi rin ito gangster? What the hell was he? Bakit

ito pumasok sa eskinita na iyon kung hindi ito gangster? Nagbibigay ito ng wrong impressions! Misleading! Why was he giving her all these ideas only to shoot them down? What the hell was wrong with him? Nananadya

B18Five Days to Fall in Love

ba ito?Nakasimangot na sinundan niya ulit ang kaklase.Tumingin-tingin siya sa paligid.Nasa respetadong area na sila. Saan ba ito pupunta? Ooohhh. Tama. Tumango siya sa sarili. Sa susunod na

street, may bilyaran! Malamang doon ito tatambay at– “Alex! Ikaw bata ka! Sabi ko sa ‘yo, magdala ka ng

payong!”Napalipad ang tingin niya sa matandang babaeng

lumabas mula sa isang maliit na yellow gate. Ubanin na ito, at mukhang long lost sister ni Luz Valdez.

Napahawak sa batok si Alex. “Ah, oo nga po. Pero hindi rin naman malakas ang ulan.”

Kinuha ng matanda ang paperbag sa binata. “Kahit na, dapat–”

“Kuya Leeeex!”Bumangga sa mga binti ni Alex ang isang furr ball.Well, hindi ito talaga furr ball. Bata iyon. Mga three

years old siguro. Pero magulo ang makapal nitong buhok na parang magulong balahibo ng pusa.

“David, I told you not to run and–”“Kuyaaa!” Isa pang bata ang bumangga sa kaklase

niya, at napaurong na ito sa gate. “Kuya! Dave… he… he teasing me! He… he… my Barbie!” Nagpapadyak ang batang babaeng may curly brownish hair.

Umiling si Alex at hinimas ang ulo ng dalawang toddler. “Yes, yes. Come on, umuulan. Doon tayo sa loob.” And with the same fluid grace he used when dodging an opponent in basketball, he swooped down and carried the two toddlers in his arms.

B19 Ella Gualvez

“P’asok na, David, Dana,” untag ng matandang babae na naka-yellow apron saka sinara ang yellow gate. “Hindi nabasa ‘yung tinapay? Nag-aalboroto na ‘yang mga bata, gutom na.”

“Hindi po nabasa. Makapal ‘yung paper bag.”“O, sige, p’asok na.”Nanatili lamang si Vivian na nakatayo roon sa

kabilang side ng kalye, nakakatitig sa binatang may karga ng dalawang bata.

Nakapulupot ang chubby na mga braso ng batang lalaki kay Alex, habang nakasubsob naman ang mukha ng batang babae sa leeg ng binata. They had the same reddish brown hair as her classmate, the same silky smooth skin. Kung mas lalapit pa siya, sigurado siyang pareho rin ang kulay ng mata ng mga ito.

Bumukas ang pinto ng bahay at lumabas ang ingay ng mga batang tumatawa. She was sure she heard a baby cry, too.

Awang ang mga labi, napatitig si Vivian sa itaas ng bahay, sa may parteng bubong, sa bright yellow signboard na may bright green na mga letters.

Obviously, hindi iyon gay bar. Hindi rin drug den.It was…Tender Hands Day Care Center.She frowned. Day care center. Huh. Who would have

thought?Bumaba ang titig niya sa pinto. At saktong dumapo

ang titig niya sa pares ng malilinaw na brown na mga mata.

Alex stood frozen in the doorway, his clear brown

B20Five Days to Fall in Love

eyes wide with shock as he stared back at her.Well… Innocent until proven guilty, right? It’s not like she was stalking him or anything, right? RIGHT?Right. Iyon ang excuse niya at paninindigan niya

iyon.Inayos ni Vivian ang ekspresyon at kumaway sa

lalaki.

B21 Ella Gualvez

3I wanna marry pwi… Pwince Charming when I grow up.”

Humilig ang ulo ni Dana sa kandungan ni Vivian at magkasalubong ang mga kilay na tinitigan ang picture sa libro.

Tama ang hinala niya, pareho nga ng kulay ng mga mata ni Alex at ng kambal na sina Dana at David.

Umiling si Vivian. “No. No. Don’t marry Prince Charming. He’s not nice.”

“But why, Ate Vivian? He has castle!”“You can have a castle, too. You should just study

hard and become a businesswoman and become really rich. Or better yet, take up IT or Computer Science, mag-imbento ka ng kung anong electronic commerce company or computer program. That’s the fastest way to become filthy rich in this day and age. Then, you could go into real estate and build your own castle. Hindi mo kailangan si Prince Charming. He’s a douchebag.”

Lumalim ang kunot-noo ng three-year-old. “Doosh… doosh bag? What’s a doosh bag?”

“Douchebag, tawag ‘yon sa mga–”“Hey!” Malawak ang ngiting tumabi sa kanila si Alex

sa sahig.Ginantihan niya iyon. Naka-yellow apron din ito

gaya ni Mrs. Kristel, at puro mantsa na iyon ng juice

"

B22Five Days to Fall in Love

at water colors. Pero para pa rin itong matinee idol sa kaguwapuhan. He had such a nice smile.

“Narinig mo ba ang mga sinabi ko sa kapatid mo, Alex?” Hinimas niya ang kulot na buhok ni Dana. “Tell your sister not to believe in stupid fairy tales and–”

Tumawa ang kaklase at malakas siyang tinapik sa balikat. “You’re so funny, Vivian. Uhm… Dana, sandali lang, ha?”

Malawak pa rin ang ngiti, hinila siya ni Alex patayo at palabas ng day care center.

“Bakit?” kunot-noong tanong ni Vivian nang nasa labas na sila. “Tingin mo ba hindi tama ang advice ko na magtayo siya ng isang electronic commerce company? Ayaw mong mag-take up siya ng IT o ComSci? Why? Halos lahat ng mga self-made billionaires under forty, iyon ang dahilan kaya yumaman agad. Si Mark Zuckerberg, et al., Drew Houston, Robert Pera, et cetera. May iba ka bang alam na paraan na hindi ko alam?”

Kagat-kagat ang pang-ibabang labi, tinitigan siya ni Alex.

Tumigil na ang ulan, at sumisilip ang panghapong araw sa mga ulap. The soft golden sunlight bathed his reddish brown hair and silky skin, and for a moment, Vivian could do nothing but stare in awe. His eyes looked golden in the sun, too. Like melted gold dipped in honey.

“Uhm… Vivian, medyo ingat lang sa mga salita sa mga bata. Curse words, bawal ‘yon dito.”

“Oh.” Kumurap siya. “You mean, hindi ko dapat ginamit ang filthy rich?”

“Ah… no, ‘yung douchebag.”

B23 Ella Gualvez

Napatango siya. “Ah, okay. Ba’t di mo sinabi agad? Madali naman akong kausap.”

Alanganing ngumiti ang lalaki at napatango rin.You may be wondering, ano ang nangyari at bakit

napunta dito ang eksena?Mag-flashback tayo sa two hours and thirty eight

minutes earlier….Malalaking matang nakatitig lang sa kanya si Alex

habang nakatayo sa may pintuan ng day care center.Nag-wave ulit siya rito; mukha kasing naging estatwa

na ito.Kunot-noong siniko ng may-edad na babae ang binata.

“O, Alex, pasok na, ano pa’ng–”Sinundan ng matandang babae ang tinitingnan ng

kaklase at nakita siya.“Oh!” Malapad na ngumiti ang matandang babae. She never had a grandmother, pero mukhang perfect

example ng isang mabait na lola ang tingin niya sa matandang babae.

“Hi! Magbo-volunteer ka rin ba dito sa day care? Pasok!”

Lumabas ito ng gate, tinawid ang kalye at inabot ang kamay niya.

“Naku! Mabuti naman at may magbo-volunteer na ulit. Kami lang dalawa dito ni Alex. Anong oras ang schedule mo? Paano mo nalaman ang tungkol dito sa day care? Ang ganda mong bata, mukha kang artista. I’m Mrs. Kristel Flores. Ako ang may-ari ng day care. Mrs. Kristel na lang ang itawag mo sa ‘kin.”

At hinila siya nito papunta sa gate.Sinubukan niyang mag-resist, pero deceiving ang hitsura

B24Five Days to Fall in Love

ng matanda. Mukha itong lola sa Little Red Riding Hood, pero mala-Big Bad Wolf ang lakas nito.

“Magsisimula ka na ngayon, di ba? That’s good! Bibigyan na kita ng apron!”

“Ahm…ano po–”“‘Wag kang mag-alala, malinis ang apron na ibibigay

ko sa ‘yo. Anong oras ka pupunta dito araw-araw? After school? That’s great! Ano’ng cell number mo? Give me your phone.”

“Uhm… teka po!”Pero dinukot na ni Mrs. Kristel ang phone niya sa bulsa.

“O, ‘yan! ‘And’yan na rin ang number ko. Saang school ka nag-aaral? I-fill-out mo ‘yung form, okay?”

“Mrs. Kristel–”“Ano ‘yon?” Parang ngiti ni Master Tsunade sa Naruto

ang ngiti nito sa kanya.Gusto niyang umurong pero hindi niya magawa.

“Uhm… wala po.”“Good! Sige na, pumasok ka na. This is Alex. Fourth

year, ah hindi, grade twelve na siya. Kung anu-ano’ng ginagawa ng mga pulitiko na ‘yan, mamaya, pati pangalan ng day care ko, papapalitan na nila. Siya ang makakasama mo dito. Come, itu-tour kita sa center.”

At dahil ayaw siyang bitawan ni Master Tsunade, este, Mrs. Kristel, wala siyang nagawa kundi sumunod na lang dito. She swore may ninjutsu na ginamit ang matanda.

At iyon ang dahilan kaya narito siya ngayon, nakatayo sa labas ng day care at nakikipag-usap kay Alex.

“So, uhm…” Humugot ng hangin ang lalaki at napahawak sa batok nito. “Ingat lang sa mga salita. B’alik na tayo sa loob.”

B25 Ella Gualvez

At pumasok na ulit ito sa center.“Padating na si Mrs. Lilibeth,” bungad sa kanila ni

Mrs. Kristel pagkapasok ulit nila. “Sige na, umuwi na rin kayo ni Alex, Vivian. Ako na ang magbabantay dito kay Franco.”

“Pewo… pewo…” Nanginig ang mga labi ng matabang bata na nabanggit. Ito na lang at ang kambal na kapatid ni Alex ang natitira sa center.

“Ganito talaga dito minsan,” paliwanag ni Mrs. Kristel. “‘Yung mga nanay, nale-late sa pagsundo sa mga anak nila. Working mothers halos lahat ng nanay ng mga bata dito at walang mapag-iiwanan.”

Ngumiti si Alex at umupo sa tabi ng toddler. “Okay lang, Mrs. Kristel, hintayin na rin namin ‘yung mama ni Franco para sabay-sabay na kaming aalis.”

“O, sige, bahala ka. Vivian, p’wede ka nang umuwi.”“Nooo!” Kumapit sa binti niya si Dana at ngumuso.

“Don’t go! Braid my hair, Ate!” “Dana!” Matalas ang boses ni Alex. “Stop it. Let Ate

Vivian go home now.”Nanginig ang mga labi ng batang babae. “But…

but…”“Okay lang.” Umupo siya sa sahig at agad

pumulupot sa leeg niya ang chubby na mga braso ng kapatid ni Alex. Pinilit niyang huminga. “Sige, i-braid na natin.”

Umiling ang kaklase niya. “It’s okay, Vivian, hindi mo kailangang–”

“No, okay lang.”Lumapit sa kanya si David at umupo din sa tabi niya.

“Kisses?”

B26Five Days to Fall in Love

Lumapad ang ngiti niya pero nagtaas siya ng tingin kay Alex. Wala siyang masyadong alam sa high school social order at interpersonal relationship, pero tingin niya ay kailangan niya munang tanungin si Alex tungkol sa pagbigay ng chocolate sa kapatid nito. Nakaka-hyper ang masyadong madaming asukal. That’s simple chemistry, at isa iyong bagay na alam niya.

“Is it okay?” tanong niya.Maliit na tumango ang kaklase. “Isa lang, kung

okay lang sa ‘yo. Baka mawalan na siya ng appetite for dinner.”

Tumango si Vivian at binalingan ang bata. “Heard that? Isa na lang. Baka hindi ka na makakain ng dinner.”

Agad tumango ang kakambal ni Dana at kumuha siya ng chocolate candy sa bag at ibinigay dito.

“Wow!” Namilog ang mga mata ng batang si David nang magsimula niyang ayusin ang buhok ng kakambal nito. “Ka... Katniss!”

“I know, right!” Proud siyang ngumiti. “This is a Dutch braid. Okay ‘to sa mga kulot ang buhok kagaya ni Dana para makopya ‘yung hairdo ni Katniss. Mas may texture kasi ng kulot na buhok. Cool, di ba?”

“Yeah. Ako rin!”“Pahaba ka muna ng buhok.”“Okay.”“You can’t!” singit ni Dana. “You’re a boy!”“Okay lang ‘yon,” sabat ni Vivian. “We should not let

gender restrict our hairstyle.”“Uhm…” nag-aalangang singit ni Alex.“Hmm?” Itinaas niya ang tingin dito. “What?”Napangiwi ang lalaki. “Ah, wala.”

B27 Ella Gualvez

4umukas ang pinto ng center at tumalon si Franco

mula sa kandungan ni Alex. “Mommy!” Tumakbo ito sa bagong dating.

Parang isang taong hindi nakita ng bata ang nanay nito kung makayakap ito. She supposed ganoon talaga ang pakiramdam ng mga bata. For kids, an hour seemed like an eternity when waiting for the people they loved.

Iniwas niya ang tingin dito at nagpaalam sila kay Mrs. Kristel na uuwi na rin siya kasabay nina Alex. Naglakad sila palabas ng gate.

“Uhm… so…” Ngumiti si Alex sa kanya, pero pilit iyon. He still looked good, though. “Bukas na lang?”

“Kuya, am sweepy…” Papikit-pikit ang mga mata, sumandal sa binti ni Alex si Dana.

“Hey, ‘wag kang matulog dito.”“Kuya, me too. Sweepy…” Naupo naman sa paanan

ng binata si David.“Wait… wait!” Dahil may dala itong bag ng mga bata

sa isang braso, at isa pang bag ng tingin niya ay grocery, hindi nito magawang buhatin nang sabay ang kambal. “Dana, Dave, come on, don’t sleep here!”

“Sweeeep…” sabay na angal ng dalawa.“This is what you get for not taking a nap this

afternoon! F*ck.”“Bad words,” paalala ni Vivian.

B

B28Five Days to Fall in Love

Alex cringed. “Yeah, sorry.”“Ako na’ng magdadala ng bag mo.”“What?”Sometimes, she really felt sorry for Alex. Ang slow

kasi nito. Binagalan niya ang pagsasalita. “Ako na ang

magdadala ng bag mo. You know? ‘Yang dala mo? ‘Yang paperbag at pink and purple na–”

“Yeah, alam ko kung ano’ng dala ko,” matabang nitong sagot.

“Saan ba kayo nakatira?”“Bakit?”Kumunot-noo siya sa kaklase. Alam niyang slow ito,

pero ganito ba talaga ito ka-slow? Sayang talaga, ang guwapo pa naman.

“Stop looking at me like that.” Matabang pa rin ang tono ni Alex.

“Like what?”“Like I’m stupid and you need to repeat everything

to make me understand.”“Well…”Maikling tumawa ang binata at humugot ng hangin.

“F*ck–I mean fudge. Fine, here.” Inabot nito sa kanya ang baby bag at ang paperbag ng grocery, saka binuhat ang kambal sa magkabilang braso. “Malapit lang dito ‘yung bahay namin.” Nauna itong maglakad sa kanya.

Nakapikit ang mga mata, suminghot si Dana at isinubsob ang mukha sa leeg ni Alex. “Mommy…”

Nakita niyang nanigas ang kaklase, at pumintig ang isang muscle sa panga nito.

“So, babalik ka bukas?” tanong nito sa kanya.

B29 Ella Gualvez

Mabagal siyang tumango. “Yes.”“Good.”Hindi ulit ito umimik pagkatapos noon. Fine by her,

she was not good at small talk anyway.Hindi nagsinungaling si Alex, malapit lang sa center

ang bahay nito. She counted the steps. One hundred fifty-eight regular steps lang.

Mas malaki ang bahay ng auntie ni Vivian kaysa sa bahay nina Alex. Luma ang style niyon, pero maayos pa rin. May garden at may malaking garahe din sa gilid. Pero walang kotse.

Nagawa nitong buksan ang pinto habang karga ang kambal.

Nice. Talent iyon para sa kanya. “Pasok.” Dumerecho ito sa isang silid at iniwang

nakabukas ang pinto niyon.Ibinaba niya ang mga bags sa coffee table. Siguro

prejudiced siya, pero hindi ito ang inaasahan niyang loob ng bahay ng isang Alexis Concepcion—campus heartthrob, cool, and great in sports. Akala niya ay mala-mansion sa Alabang na may Olympic-size swimming pool ang bahay nito.

Kasalanan siguro iyon ng mga TV shows at libro. Ganoon ang mga bahay ng mga cool guys sa mga kuwento.

The house was the opposite. Luma ang TV, ‘yung tipong nakikita niyang binebenta sa mga ukay-ukay. Luma rin ang ref, mukhang antique na. Single burner gas stove lang ang lutuan nito. Walang paintings o kahit anong may significant market value na nakabitin sa mga dingding.

B30Five Days to Fall in Love

Kung ilalarawan niya ang bahay, she would say it was bare. Stripped to the bone. Wala siyang nakitang computer, pero siguro nasa loob iyon ng mga kuwarto. But still, it felt as if even the essentials were lacking.

Lumabas si Alex sa silid at isinara ang pinto niyon. Tumitig ito sa kanya, nakatiim-bagang. She had always thought he was cute. Handsome, even. But right in those moments as he stood there in the middle of the crappy old house with the shadows and grayish lights playing across his hard jaw and chiseled cheek bones, he looked older.

Mature. Beautiful.Nagsalubong ang mga kilay ni Vivian.“Don’t tell anyone about this.” Mababa ang boses ng

lalaki.Tumango siya at inayos ang strap ng bag sa balikat.

“Okay.” Tumalikod siya at tinungo ang pinto. “’Bye.”“What the hell were you doing there?”Kunot-noo niyang nilingon ito. Frustration hardened

his features, erasing his boyish cuteness, transforming them into the strong angles and lines of a man.

“Wala lang.” Kasinungalingan iyon, pero tingin ng dalaga ay hindi maa-appreciate ng kausap kapag sinabi niyang sinundan niya ito.

A muscle ticked in his jaw. “Hindi ka ba magtatanong?”

“No.”Tumiim ang mga labi nito.Well, she supposed that was it. Tumalikod siya at

inabot ang seradura ng pinto. “’Bye.”“Iniwan kami ng mga magulang namin.”

B31 Ella Gualvez

Natigilan si Vivian, napatitig sa mga daliring nakapalupot sa doorknob. Narinig niyang humugot ng hangin si Alex, at matigas sa emosyon ang boses nito nang muling magsalita.

“Nasangkot sila sa isang pyramid scam. Pati mga kamag-anak namin, nakuhaan nila ng pera. Hinahanap sila ng mga pulis. Nagtatago sila dahil doon.”

Humarap siya at tinitigan ang expression sa mukha ng kausap. Angry. Defiant. He looked like a fallen angel who had just slain a thousand mortals and was daring her to judge him.

“Okay,” sagot niya.He swallowed, clenched his jaw and looked away

from her. “They took everything valuable in this house—LED TV, ref, computers, kotse. Mga kamag-anak naming nakuhaan ng pera nina Mom and Dad ang kumuha ng mga ‘yon. Iniiwan ko sina Dave kay Mrs. Kristel habang nasa school ako. Nangyari lahat ‘to nung bakasyon. Walang nakakaalam sa school.”

“Iyon ba ang dahilan kaya lagi kang inaantok sa klase at lagi kang walang assignments?”

Nagsalubong ang mga kilay nito at napatingin sa kanya. “What?”

“Sleepy. Inaantok. Lutang. You’re always like that in class.”

“Ah, that.” Hinilot ni Alex ang noo. “Yes, I guess.”“Good. Akala ko bobo ka lang talaga.”Nasamid ito at napaubo. “Excuse me?”“Dumb. I thought you were just dumb kaya hindi

mo ma-gets ‘yung mga itinuturo ko. Nag-aalala na nga ako at baka ako ang may problema. But that’s absurd.

B32Five Days to Fall in Love

I’m smart, ikaw ang may problema. And I was right. Now, I know why. Malaki ang negative effects ng sleep deprivation sa cognitive performance. I tried it once. Sinubukan kong magpuyat nang one week at nahirapan akong intindihin ang madadaling thermochemistry problems.” Nanatili itong nakatitig sa kanya kaya napakunot-noo si Vivian. “Why are you always looking at me like that?”

“Like what?”“Like I have the solution to global warming written

on my face.”He kept staring at her, pagkatapos ay napahawak ito

sa batok. “Well… uh…”“May problem ka ba sa verbal communication?”Nagulat si Alex. “What?”“Lagi ka kasing nauutal.”“Excuse me?”“Ayan. Ang slow mo ring umintindi.”Gumapang ang kulay sa mga pisngi nito, pero

kumibot ang mga labi ng binata. Naningkit ang mga mata ni Vivian. Tinatawanan ba

siya nito?“Well…” he said, still forcing himself not to smile.

“God, you’re so freaking weird.”Well, duh? Pareho ba ang dami ng neutron sa

Carbon 12 at Carbon 13? Inikot niya ang mga mata. “Everybody’s weird.”

He grinned, and it seemed like the crappy house lit up with him. “Well, that’s true.”

“You’re weird, too.”“Ah, talaga?”

B33 Ella Gualvez

“Yes. Sige, uuwi na ‘ko.” Pinihit ni Vivian ang doorknob.

“Hey, wait.” Sumabay sa kanyang lumabas si Alex at hinatid siya nito sa gate.

Medyo malapit ito sa kanya, at dinala ng hangin ang amoy ng binata sa kanyang ilong. Antibacterial soap with a hint of rain and fresh leaves. How come he still smelled fresh? Hindi ba ito pinagpawisan nung naglaro ito ng basketball? Siguro dapat niyang itanong kung ano ang gamit nitong sabon.

Panay ang sulyap ni Alex sa kanya na para bang bagong specie siya ng yellow algae. Gusto niyang iikot ang mga mata. Akala ba nito hindi niya napansin ang pagtingin-tingin nito?

Silly, silly, silly.“May crush ka ba sa ‘kin?” seryosong tanong ni

Vivian.Nasamid ulit ang binata at napaubo. “Excuse me?”Understanding na tinapik niya ang likod nito. Poor

guy. Inaantok na siguro talaga ito. “Kailangan mo na talagang matulog nang tama. Ang bagal mag-process ng utak mo. You need water?”

“No, I’m okay.” Umatras nang tatlong hakbang si Alex sa kanya at umiling. “So, uh, bukas na lang.”

“Okay.” Lumabas siya ng gate, pero wala pang tatlong hakbang ay nagsalita ulit ang kaklase.

“Vivian,” tawag nito sa kanya.Lumingon siya. He looked wary, na para bang may

nakita itong mushroom at hindi ito sigurado kung poisonous ba iyon o hindi. Pero ngumiti ito, at hindi iyon fake.

B34Five Days to Fall in Love

Naalala niya ang pagtili ng mga kaklase nila.“Salamat,” he said, the small smile still on his lips.Tumango siya at naglakad palayo. Yes, naiintindihan

na niya talaga kung bakit maraming may crush kay Alexis Concepcion.

Bukod sa flawless skin at mala-Korean at anime vibe nito, winner ang bone structure ng binata. Kung susukatin niya ang mga features ng mukha ni Alex, sigurado siyang sakto iyon sa Golden Ratio.

Mula kay Brad Pitt to Tom Cruise, hanggang sa galaxy spirals at logarithmic structure, naroon ang Golden Ratio. It was nature’s definition of harmony and beauty.

Vivian therefore concluded na guwapo talaga si Alexis Concepcion. Fashion trends come and go, but numbers never lie, after all.