3
DISKURSO AT KUMUNIKASYON DISKURSO – isang verbal na pagpapahayag na pasalita o pasulat; isang verbal na palitan; isang konbersasyon; isang formal at mahabang diskusyon/ talakay sa isang particular na sabjek, isang proseso ng verbal na pag-uusap gamit ang pangangatwiran (reasoning). - ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng isang minsahe, ito man ay pagpapahayag, pasulat man o pasalta. - ay functional. Ang pag-aaral ng diskors o diskors analisis ay nakatuon sa pagkilala ng relasyon sa pagitan ng wikaat ng konteksto. (McCarthy 1991) Lumitaw ang pag-aaral ng diskors mula sa mga pag-aaral ng iba’t-ibang disiplina ng linggwistiks, simiotiks, pragmatiks sikolohiya, antropolohiya at sosyolohiya noong 1960-1970. Hatch (1992) -ang diskors ay ang pag-aaral kung paanong ang kumunikasyon ay apropriyet dahil tama ang gramatikal istraktyur at pagiging makabuluhan nito. Witter Merithew (1987) - ang diskors ay isang sistematikong proseso na ating tinitingnan upang sa ating sinasabi madiskubri ang mga bagay-bagay na nakakaimpluwensiya sa ating paniniwala at perspektiba sa pagbibigay natin ng kahulugan sa ating sinasabi. KONTEKSTO NG DISKURSO 1. Kontekstong Interpersonal - ito ay usapan pang mag-kaibigan. 2. Kontekstong Panggrupo - pulong ng isang samahan pang mag- aaral. 3. Kontekstong Pang -organisasyon- memorandum ng pangulo ng isang kompanya sa lahat ng impliyado. 4. Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang politiko sa harap ng mga botante. 5. Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEA. 6. Kontekstong Pangkasarian - usapan ng mga mag-asawa. MGA TEORYA NG DISKURSO Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon. * Speech act theory- isang teorya ng wikang batay sa aklat na "how to do things with words" ni JL Austin (1978). * Ethnography of communication- ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern, at tungkulin. Ang iba-ibang teknik na maaring magamit sa partisipant obserbasyon ay: Introspection, Ethnosemantics, Delached observation, Ethnomethodology, Interviewing, Prenomenelogy at Philology. * Communication accommodation theory- sinusuri ang mga motibasyon at kasikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon. * Narrative paradigm- ay nag lalarawn sa mga tao bilang mga storytelling. TEKSTO AT KONTEKSTO NG DISKURSO TEKSTO - ang tawag sa nilalaman /kontent ng diskurso. KONTEKSTO - ang tawag na binubuo ng mga kultural,historikal, sikolohikal na elementong nakapaloob sa teksto na kabahagi sa pagbibigay ng kahulugan sa ipinahayag (pasulat o pasalita) man. DELL HYMES S – (setting at scene) – lugar ng komunikasyon P – (participants) – mga kasangkot sa komunikasyon E – (ends) – ang layunin sa komunikasyon A – (act sequence) – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; mga gampaning pangwika na nakapaloob sa komunikasyon K – (keys) – ang tungo o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalita I – (instrumentalities) – mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o istilo na ginagamit sa pag-uusap (verbal at di-verbal) N – (norms) – mga pamantayang kultural; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyon G – (genre) – uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon KOGNISYON Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag-uusap Kailangan ang mataas na level ng pang-unawa tungo sa higit na karunungan TEORYANG SPEECH ACT John L. Austin May akda ng “How To Do things With Words” (1975) Teoryang Speech Act nagpahintulot sa mga pilosopo at siyentista na bigyan ng higit na pansin ang di-deklaradong gamit ng wika .

Diskurso at Kumunikasyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Diskurso at Komunikasyon sa Akademikong Filipino.

Citation preview

Page 1: Diskurso at Kumunikasyon

DISKURSO AT KUMUNIKASYONDISKURSO – isang verbal na pagpapahayag na pasalita o pasulat; isang verbal na palitan; isang konbersasyon; isang formal at mahabang diskusyon/ talakay sa isang particular na sabjek, isang proseso ng verbal na pag-uusap gamit ang pangangatwiran (reasoning).

- ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng isang minsahe, ito man ay pagpapahayag, pasulat man o pasalta.

- ay functional.

Ang pag-aaral ng diskors o diskors analisis ay nakatuon sa pagkilala ng relasyon sa pagitan ng wikaat ng konteksto. (McCarthy 1991) Lumitaw ang pag-aaral ng diskors mula sa mga pag-aaral ng iba’t-ibang disiplina ng linggwistiks, simiotiks, pragmatiks sikolohiya, antropolohiya at sosyolohiya noong 1960-1970.

Hatch (1992) -ang diskors ay ang pag-aaral kung paanong ang kumunikasyon ay apropriyet dahil tama ang gramatikal istraktyur at pagiging makabuluhan nito.

Witter Merithew (1987) - ang diskors ay isang sistematikong proseso na ating tinitingnan upang sa ating sinasabi madiskubri ang mga bagay-bagay na nakakaimpluwensiya sa ating paniniwala at perspektiba sa pagbibigay natin ng kahulugan sa ating sinasabi.

KONTEKSTO NG DISKURSO1. Kontekstong Interpersonal- ito ay usapan pang mag-kaibigan.2. Kontekstong Panggrupo- pulong ng isang samahan pang mag-aaral.3. Kontekstong Pang-organisasyon- memorandum ng pangulo ng isang kompanya sa lahat ng impliyado.4. Kontekstong Pangmasa- pagtatalumpati ng isang politiko sa harap ng  mga botante.5. Kontekstong Interkultural- pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang ASEA.6. Kontekstong Pangkasarian- usapan ng mga mag-asawa.

MGA TEORYA NG DISKURSO Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.* Speech act theory- isang teorya ng wikang batay sa aklat na "how to do things with words" ni JL Austin (1978).* Ethnography of communication- ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern, at tungkulin. Ang iba-ibang teknik na maaring magamit sa partisipant obserbasyon ay: Introspection, Ethnosemantics, Delached observation, Ethnomethodology, Interviewing, Prenomenelogy at Philology.* Communication accommodation theory- sinusuri ang mga motibasyon at kasikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.* Narrative paradigm- ay nag lalarawn sa mga tao bilang  mga storytelling.

TEKSTO AT KONTEKSTO NG DISKURSOTEKSTO - ang tawag sa nilalaman /kontent ng diskurso.KONTEKSTO - ang tawag na binubuo ng mga kultural,historikal,  sikolohikal na elementong nakapaloob sa teksto na kabahagi sa pagbibigay ng kahulugan sa ipinahayag (pasulat o pasalita) man.

DELL HYMESS – (setting at scene) – lugar ng komunikasyonP – (participants) – mga kasangkot sa komunikasyonE – (ends) – ang layunin sa komunikasyon

A – (act sequence) – pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari; mga gampaning pangwika na nakapaloob sa komunikasyonK – (keys) – ang tungo o pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalitaI – (instrumentalities) – mga kagamitan sa paghahatid ng mensahe o istilo na ginagamit sa pag-uusap (verbal at di-verbal)N – (norms) – mga pamantayang kultural; kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyonG – (genre) – uri ng pananalitang nakalahad sa sitwasyon

KOGNISYON Tumutukoy sa wasto at angkop na pang-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap Bahagi nito ang oryentasyong kultural ng mga taong nag-uusap Kailangan ang mataas na level ng pang-unawa tungo sa higit na karunungan

TEORYANG SPEECH ACT

John L. Austin May akda ng  “How To Do things With Words” (1975) Teoryang Speech Act nagpahintulot sa mga pilosopo at siyentista na bigyan ng higit na pansin ang di-deklaradong gamit ng wika. Sa “speech act” ang pangunahing kraytirya ay hindi ang kung totoo ba o hindi ang sinasabi; kungdi, kung paano nagampanan ang “act” nang tama o apropriyet, may lugod at naayon  sa konbensyon, tuntunin o regulasyon na kinikilala pareho ng tagapagsalita at tumatanggap ng mensahe.

Locutionary- ang locutionary ay isang tradisyonal na pamamaraan, hindi ito nangangailangan ng kilos.Illocutionary -na naayon sa tamang tono, attitude, dandamin, motibo o ontinsyon.Perlocutionary ito ay tinatawag na akto o kaganapang totoo.Assertiv- ang isteytment/pahayag ay maaring masabing tama o mali.Direktiv   – ang isteytment/pahayag ay nagtangkang itugma ang aksyon ng kausap sa content.Komisiv –   isteytment o pahayag na nagtakda ng isang kilos sa tagapagsalita.Ekspresiv- isteytment/pahayag na nagpapalitaw ng sinsiridad ng nagsasalita.Deklarativ- isteytment o pahayag na nagtangkang makapagbago sa mundo sa pagkat nagririprisenta ito ng pagbabago.Konstativ- mga pangungusap na nagbibigay ng asersyon tingkol sa kasalukoyang istado.Performativ-mga pangungusap na nagpapkita ng aksyon o pagtugon sa pangako o pakiusap.Indirect speech act - ang pagsasabing Peter sa halip “Peter puwede mo bang hugasan ang pinggan?”Teoryang variationist-   ang wika ay lagi ng may pagbabago.(Wirnrich, Lavov, Herzog (1968) - ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng ibat-ibang forma upang masabi ang isang kahulugan.Teoryang Pragmatiks - upang lalong maintindihan ang kahulugan ng pangungusap kailangang mauunawaan ang konteksto.Gerald Goldhaber - ay nagwikang ang kumunikasyon ay buhay na dugo ng organisasyon.Philip Lesley – mahalaga ang kumunikasyon sa pagkat ito ang pagkakaiba ng tao sa hayop.Dance (1967) ang kumunikasyon ay nagpapalitaw ng sagot mula sa simbolong verbal. David Berlo (1960)- na nagrrreject ng pagiging linyar ng kumunijasyon. “ang kumunikasyon ay dinamiko. Fraziler Seital- na walng katiyakan na maiintindihan ng resiver ang ipinadala ng sende. Aristotle- ang epektibong iskil sa kumunikasyon ay katulad din ng math na maaring matutunan at maituro. Ludwig Wittgenstein - na nagsbing ang ordinaryong lingwhe kasma ang pragmatikong konteksto. Gottfried Leibniz-noong 1600 na magkaroon ng ng isang universl language, modelo sa

Page 2: Diskurso at Kumunikasyon

matimatika. Charles Pierce –na and kumunikasyon ay dapat maunawaan dahil sa mga elementong nakapaloob ditto at ang ipikto nito. Ferdinand de Saussure - na nagbigay ng higit na pansin sa tanong kung paano nga ba nag oopereyt ang wika. Stephen Wolfran - hindi ganoon ka dali mag-aral at matuto ng “sign language”

MGA KASANGKOT NA ELEMENTO SA KOMUNIKASYONKonteksto - apektado ang kumunikasyon ng ng mga sumusunod na faktor kung saan ito nagaganap/nangyari.Pinagmulan - may pinanggalingan ang mensahe.Tagapaghatid - siya ang tagapagdala ng mensahe sa pamamagitan ng simbolo (salita, grafiks, o viswal).Mensahe -   ito ang mga idea na gusting ihatid/ipabatid.Midyum - sa paanong paraan ihatid ang mensahe? Ito ang gawin ng midyum.Tagatanggap - para kanino ang mensahe? Sino ang tatangap ng mensahe?Fidbak - ito’y nag papakita kung naiintindihan, nauunawaan ang ipinarating na mensahe sa pagkat nagbibigay tugon ang tumatanggap.

MGA SAGABAL SA KUMUNIKASYON. Perseptwal - bawat indibidwal ay may pananaw sa mundo. Sobrang impormasyon - mas maraming informasyon ang naipadala mas nakapending ang

pag-aksyon. Hindi pakikinig -may tindinsiya na huwag making. Presyur ng oras - sa mga organisasyon na nagtakda ng “deadline sa pagpasa ng bagay2x. Distraksyon ingay - ang mga pisikal na distrakyon tulad ng madilim na kapaligiran, aandap-

andap na liwanag. Emosyon -kung ang naghahatid ng mensahe ay galit, ang kanyang mensahe ay titingnen sa

negatibo o masama ng tagatangap. Istruktora ng organisasyon - kung mas maraming departamento o yunit ang isang

organisasyon mas malaki ang tyansa na may mga sagabal sa pagtanggap o pagtugon. Mahinang memorya - kung may mahinang memorya ang tagtanggap, may problema ang

kumunikasyon. Kondisyon ng katawan - ang mahinang mata, masasakting katawan, mahinang pandinig ay

personal na “discomport”. Presentasyon ng informasyon - kapag masyadong masalimuot ang presentasyon,magulo at

mahirap intindihing salita ang ginamit.IBA PANG SAGABAL/BALAKID SA KUMUNIKASYON Pisikal na balakid  – lugar, tiritoryo, espasyo kung saan kung saan ang mga estranghero ay

di agarang pinapayagang pumasok; Perseptwal na balakid - iba-iba ang pananaw ang panama Emosyonal na balakid - sa pagkat lumaki tayong nakikinig sa sinasabi ng matanda na,

“huwag makiusap sa di-kakilala”, Kultural na balakid - iba-iba ang kulturang nakagisnan ng mga tao. Balakid sa wika - may mga eksprisyon, jargon salita ang bawat wika sa mundo. Kasarian bilang balakid - may pagkakaiba sa patern ng pagsaslita sa pagitan ng

babae at lalaki. Interpersonal na balakid

Pagtangi - walang interpersonal na kontak ditto. Ritwal -mga paulit-ulit na Gawain na malayo sa totoong kontak/pagsasama ng tao. Pastime - mga gawaing bahagi ng buhay ngunit di ganap superpisyal lamang at di

ginawa araw-araw. Laro- mga gawain ito na may panalo at talo.

Paglalapit/pagmamabutihan – sa lebel na ito, may mataas na interaksyon sa mga taong sangkot sa gawain.

URI NG KOMUNIKASYON

Intrapersonal na Komunikasyon Kapag kinakausap natin ang ating sarili upang maihulma o madebelop ang ating mga ideya

at iniisip Isang kognitibong proseso sa loob ng ating sarili – isang dayalogo o konbersasyon na

patuloy na nagaganap sa ating sarili “self-talk”

Interpersonal na Komunikasyon nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang tao o pangkat pundasyon ng matagumpay na miting

Multikultural na Komunikasyon nakasentro ito sa pag-aaral ng dibersidad at kultura na nakakailmpluwensiya sa

komunikasyon

Pangmadlang Komunikasyon paghahatid ng mensahe sa masnmalawak na awdyens sa lalong madaling pamamaraan at

panahon na gumagamit ng mass media – telebisyon, radyo, magasin, limbagan, recording, pelikula, adbertaysing, “public relations” at iba pang teknolohiya. 

  LIKAS AT ARTIPISYAL NA WIKA

Kailan nga ba maituturing na likas o artipisyal ang isang wika? Ang wika ay likas kapag natututunan ito nang hindi namamalayan ng tao at umuunlad nang hindi nangangailangan ng pag-aaral, samantalang artipisyal naman ang wika kapag ito ay lumilikha ng simbolismo at nangangailangan ng pag-aaral. Ang ating wikang pambansa na Filipino ay maituturing na likas sapagkat ito ay ginagamit natin araw-araw at natututunan natin habang tumatagal.

Artipisyal naman ang mga banyagang wika tulad ng Nippongo, Pranses, Espanyol at iba pa dahil kinakailangan ang masusing pag-aaral bago natin ito matutunang gamitin sa epektibong paraan. Kinakailangan muna nating malaman ang tamang stress, tamang pagbigkas at lahat ng tungkol sa kanilang gramatika. Ilang halimbawa ng salitang Espanyol ay Muchas Gracias na katumbas ng maraming salamat sa Filipino, Como Esta Usted Amigo? o kumusta ka kaibigan? at Buenas Tardes na nangangahulugang magandang hapon. Ilan lamang sa napabantog na artipisyal na wika ang Volapuk na pinasimulan ni John Martin Schleyer sa Baden, Germany noong 1879-1880; ang Esperanto ni Ludwig Lazar Zamenhoff na isang optalmologo sa Bialystok, Poland; at ang Interlingua na ipinakilala ni Giuseppe Peano noong 1951.

Sa ating panahon ngayon kung saan pahirap nang pahirap ang buhay at tumitindi ang krisis at kompetisyon sa trabaho, magiging malaking tulong sa atin kung mayroon tayong alam na ibang lengguwahe maliban sa Filipino. Ngunit gayunpaman, huwag nating kalimutan na Filipino ang ating pambansang wika at ito ang una nating dapat tangkilikin bago ang iba.

“Wika ang tagapagpahayag ng mga ideya, sakali mang hindi mapangalagaan and identidad nito, tiyak na mawawalan din ng saysay ang mga ideyang nakapaloob dito.”

- Noah Webster

KAPANGYARIHAN

1. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan2. Ang wika ay humuhubog ng saloobin

Page 3: Diskurso at Kumunikasyon

3. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon4. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.