28
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Ang priority number system ay isang mas maayos at organisadong sistema ng pagpila na sumusunod sa “first come, first serve” na patakaran, ginagamit ito sa pagbili ng mga kagamitan, lupa, at mga ari-arian, sa pagbabayad ng mga matrikula at pagpapatalang mga asignatura. Kadalasan itong nakikita na ginagamit sa mga bangko sa pagseserbisyo sa kanilang mga kustomer, pagpasok ng mga kustomer sa bangko ay kumuha sila ng numero, hihintayin nila ang kanilang pagkakataon na maserbisyuhan sa pamamagitan ng isang monitor display na nagpapakita kung anong numero na ang kasalukuyang sineserbisyuhan ng mga teller, kadalasang sinasamahan ng tunog ang pagtawag o pagpapalit ng numero Sa sistemang ito ay mas nagiging madali at maayos ang pagpipila, di nakakapagod dahil 1

Dyey Thesis Final Contents

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Dyey Thesis Final Contents

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

Ang priority number system ay isang mas maayos at organisadong sistema ng pagpila na

sumusunod sa “first come, first serve” na patakaran, ginagamit ito sa pagbili ng mga kagamitan,

lupa, at mga ari-arian, sa pagbabayad ng mga matrikula at pagpapatalang mga asignatura.

Kadalasan itong nakikita na ginagamit sa mga bangko sa pagseserbisyo sa kanilang mga

kustomer, pagpasok ng mga kustomer sa bangko ay kumuha sila ng numero, hihintayin nila ang

kanilang pagkakataon na maserbisyuhan sa pamamagitan ng isang monitor display na

nagpapakita kung anong numero na ang kasalukuyang sineserbisyuhan ng mga teller, kadalasang

sinasamahan ng tunog ang pagtawag o pagpapalit ng numero

Sa sistemang ito ay mas nagiging madali at maayos ang pagpipila, di nakakapagod dahil

maayos na nakakaupo ang mga kustomer habang naghihintay na maserbisyuhan, ngunit kapag di

maayos ang pagsasagawa sa sistemang ito ay lalo itong nakakagulo at nakakapagpabagal sa pila,

kaya nararapat na malaman natin kung naisasagawa ba ito ng maayos sa unibersidad, upang

magawan ng karampatang aksyon.

1

Page 2: Dyey Thesis Final Contents

Layunin ng Pag-aaral

Ang Pamanahong papel na ito ay naglalayong matugunan ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano angadbentahe at disadbentahe na paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula?

2. Ano ang mas pipiliin ng mga estudyante, ang paggamit ng priority number o ang dating sistema ng pagbayad ng matrikula?

3. Ano-ano ang mga reaksyon ng bawat estudyante sa pagkakaroon ng prority number sa pagbayad ng kanilang matrikula?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay naniniwalang mahalaga ang mga

impormasyong makukuga sa pananaliksik na ito.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaring malaman ang iba’t ibang opinyon at

reaksyon ng mga mag-aaralng Unibersidad ng Katimugang Mindanao hinggil sa paggamit ng

priority number sa pagbabayad ng matrikula at kung ito ba ay epektibo at sinasang-ayunan ng

mga estudyante.

2

Page 3: Dyey Thesis Final Contents

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng opinyon ng mga mag-aaral ng

Unibersidad ng Katimugang Mindanao hinggil sa paggamit ng priority number sa pagbayad

ng matrikula.

Naniniwala ang mga mananaliksik na mainam na magkaroon ng ganitong pag-aaral

upang matugunan ang mga hinaing at saloobin ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang

Mindanao sa paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao

sapagkat sa kanila lamang nakatuon ang pananaliksik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mababasa, nararapat na

mabigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano gingamit

ang bawat isa sa pamanahong papel na ito.

Adbentahe – magandang naidudulot o pakinabangan; kalamangan

Disadbentahe – kawalan o masamang naidudulot

3

Page 4: Dyey Thesis Final Contents

Matrikula – tuition fee kung tawagin sa Ingles; ito ang halagang ibinabayad ng mga estudyante

batay sa kung ilang yunit ang gusto nilang kunin.

Opinyon – sariling pagtingin sa isang bagay, tao, o ano pa man

Priority Number – isa o mahigit na numerong pang-aplikasyon o paghahanap ng kailangan kung saan ang karapatang pangprayoridad ay nakamtan.

Reaksyon – ay ang ekspresyon ng tao sa isang bagay.

4

Page 5: Dyey Thesis Final Contents

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilahad sa bahaging ito ang mga babasahing may kaugnay sa isinagawang pananaliksik.

Ang sistema ng numerong pamprayoridad ay ipinapatupad upang mapanatili ang

kaayusan ng mga estudyante sa pagpila tuwing nagbabayad ng matrikula. Ito ay

kahalintulad ng isang numerong hawak-hawak nila ay natawag, nangangahulugan lamang

itong pagkakataon na nila upang makabayad ng matrikula.

Masasabing epektibo ang paggamit ng sistemang ito sapagkat napapadalin nito ang

sirkulasyon ng pangangasiwa sa pagbayad ng matrikula.

Maraming katawagan ang ginagamit sa sistemang ito tulad ng, take-a-turn system, take-a-

number system, take a ticket system, queuing system, at priority number system.

Ang sistemang ito ay gumagamit ng server , maaring iisa lang o pwede ring madami

depende sa pangangailangan. Ang server ang nag seserbisyo sa mga kustomer kaya sa kanila

nakasalalay ang ikabibilis o ikababagal ng pila.

Walang gaaanong pag-aaral ang naglalahad tungkol sa sistemang ito, Ngunit alam nating

ginagamit ito sa mga bangko dito sa bansa at maging sa ibang bansa, ngunit di gaanong

ginagamit ang sistemang ito sa mga paaralan at sa pagbabayad ng matrikula kaya msasabing ang

pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral sa priority number system.

5

Page 6: Dyey Thesis Final Contents

KABANATA III

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang Pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na

pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang opinyon, at reaksyon sa

paggamit ng priority number ng mga rerspondente.

Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng

Katimugang Mindanao sa ikalawang semestre ng taong akademiko 2011-2012.

Pinili ng mga mananalikssik ang isandaang respondente sapagkat sila ang makakatugon

sa pangangailangan sa pamanahong-papel na ito.

Unang Taon

Ikalawang Taon

Ikatlong Taon

Ikaapat na Taon

Kabuoang Bilang

CAS 3 3 2 2 10CENCOM 4 2 2 2 10

CHS 3 3 3 1 10CBDEM 2 2 2 4 10

CA 4 3 2 1 10CHEFS 1 2 3 4 10

CED 3 3 3 1 10IMEAS 2 5 2 1 10CVM 5 2 2 1 10CIT 2 4 2 2 10

KabuoangBilang

29 29 23 19 100

6

Page 7: Dyey Thesis Final Contents

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga mananaliksik

na naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang

masuri ang opinyon, at reaksyon ng mga respondente sa paggamit ng priority number.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t-

ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga aklat, tisis, proposal, disertasyon, at pamanahong-

papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Tritment ng mga Datos

Ang Sarbey kwestyoneyr sa pamanahong-papel na ito ay ibinahagi ng mga mananaliksik

sa mga respondente para sa layuning makakuha ng impormasyon. Pagkatapos nito ang sarbey-

kwestyoneyr ay kinulekta mula sa mga respondente at sinuri ng mga mananaliksik.

Samakatuwid, ang pagtatally at pagkuha ng mga porsiyento lamang ang kailangan gawin ng mga

mananaliksik.

7

Page 8: Dyey Thesis Final Contents

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYONG NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon

Grap I

Opinyon ng mga respondente tungkol sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula

A B C0

5

10

15

20

25

30

35

40

45

50

40 43

17

Grap 1

Leyenda:

A. Napapadali ang proseso ng pagbayadB. Nababawasan ang siksikanC. Pwedeng umalis sa pila

8

Page 9: Dyey Thesis Final Contents

Sa isandaang respondente (100%), Apatnapo (40%) ang nagsasabing napapadali ang

proseso ng pagabayad. Apatnapu’t tatlo (43%) sa kanila ang nagsasabing nababawasan ang

siksikan. Ang natitirang labing pito (17%) naman ay nagsasabing pwedeng umalis sa pila.

Pansinin ang kasunod na grap:

Ipinapahiwatig sa grap na karamihan sa mga respondente ay nagsasabing nababawasan

ang siksikan sa paggamit ng priority number.

Grap 2

Opinyon ng mga respondente hinggil sa disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagabayad ng matikula

A

B

C

0 5 10 15 20 25 30 35 40 45

33

42

18

Grap 2

Leyenda:

A. Bumabagal ang proseso ng pagbayadB. May limit ang bilang ng maaaring mabigyan ng priority numberC. Hindi nasusunod ang :first comes, first serve” na patakran

9

Page 10: Dyey Thesis Final Contents

Hinggil naman sa disadbentahe ng paggamit ng priority number, Tatlumpu’t tatlo (33%)

ay nagsasabing bumabagal ang proseso ng pag bayad. Apatnapu’t siyam (49%) naman ang

nagsasabing may limit ang bilang ng maaaring mabigyan ng priority number, at ang natitirang’

labing-walo (18%) ay nagsasabing hindi nasusunod ang “first come, first serve” na patakaran.

Batay sa grap, ipinapalagay ng karamihan sa mga respondente na ang pinakadisadbentahe

ng paggamit ng priority number ay may limit ang bilang ng maaaring mabigyan ng prioriy

number

Grap 3

Opinyon ng mga respondente hinggil sa kung alin ang epektibong proseso sa pagbayad

ng matrikula.

77%

23%

A B

10

Page 11: Dyey Thesis Final Contents

Leyenda:

A. Paggamit ng priority numberB. Dating proseso ng pagbayad ng matrikula

Hinggil sa kanilang opinyon tungkol sa kung anong proseso ang epektibo sa pagbayad ng

matrikula, pitumpu’t pito (77%) ang nagsasabing paggamit ng priority number at

dalampu’t tatlo (23%) ay nagsasabing ang dating proseso ng pagabayad ng matrikula.

Mapapansin sa grap na karamihan sa mga respondente ay mas pinili ang paggamit ng

priority number para sa epektibong proseso ng pagbayad ng matrikula.

Grap 4

Reaksyon ng mga respondente sa pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula

21%

28%44%

8%

ABCD

11

Page 12: Dyey Thesis Final Contents

Leyenda:

A. NababagotB. NaiinisC. NatutuwaD. Nadidismaya

Inalam din ng mga mananaliksik ang reaksyon ng mga respondente hinggil sa

pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Mapapansin sa kasunod na grap na dalawampu’t isa (21%) sa kanila ay nababagot.

Samantala, Dalawampu’t walo (28%) ay naiinis, Apatnapu’t tatlo (43%) sa kanila ay natutuwa at

ang natitirang walo (8%) ay nadidismaya.

Samakatuwid, karamihan sa mga respondente ay natutuwa sa paggamit ng priority number

sa pagbayad ng matrikula.

12

Page 13: Dyey Thesis Final Contents

KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang opinyon at reaksyon ng mga

mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa adbentahe at disadbentahe ng paggamit

ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-

kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente, Sampung (10) respodente sa bawat

kolehiyo.

Kinalabasan ng Pag-aaral

Batay sa mga nakalap na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumsunod na resulta ng pag-aaral:

a. Ang adbentaheng “nababawasan ang siksikan ay ang may pinakamataas na porsyento sa

adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

b. Ang adbentaheng “pwedeng umalis sa pila” ay nasa pinakamababang porsyento sa

adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.

13

Page 14: Dyey Thesis Final Contents

c. Ang disabentaheng “hindi nasusunod ang first come, first serve” na patakaran ay nasa

pinakamababang porsyento sa disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagbayad ng

matrikula. Samantalang ang may pinakamataas na porsyento ay ang disadbentaheng may

limit ang bilang ng maaring mabigyan ng priority number.

d. Higit na mas marami ang nagsasabing mas epektibon ang proseso ng pagbayad ng

matrikula kung gagamit ng priority number.

e. Karamihan sa mga respondente ay natutuwa sa paggamit ng priority number.

Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabuo ng mga mananaliksik, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ang mga sumusunod

a. Para sa mga gumagamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula ugaliing hintayin

ang pagtawag ng numero para maiwasan ang pagbagal ng proseso.

b. Para sa mga kahera ng admin ugaliing dumating sa tamang oras at iwasan ang pagkainis

sa mga nagbabayad upang hindi maging magulo ang proseso.

c. Para sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao, huwag hintayin ang

araw ng eksaminasyon bago ang pagbabayad para maiwasan ang mahabang pila.

14

Page 15: Dyey Thesis Final Contents

d. Para sa administrasyon ng Unibesidad, isaalang-alang ang mga mabubuti at masasamang

epekto ng anumang bagong sistemang nais ipatupad na may kauganayan sa pagbayad ng

matrikula.

15

Page 16: Dyey Thesis Final Contents

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

http://www.alzatex.com/productgroup.php?productFam=fam_waiting

http://www.takeanumbersystems.com/take.asp

http://www.microframecorp.com/category/TANM.html

http://courses.csusm.edu/ba662jh/docs/QueuingModels.pdf

16

Page 17: Dyey Thesis Final Contents

APENDIKS A

Lihan Pahintulot

UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO

KOLEHIYO NG SINING AT AGAHAM

Marso 21, 2012

Mahal na mga respondente,

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao, na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Development Communication at nasa unang taon sa kolehiyo. Kasalukuyan kaming nagsasagawa ng pag-aaral na pinamagatang “OPINYON AT REAKSYON NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO TUNGKOL SA ADBENTAHE AT DIS ADBENTAHE NG PAGGAMIT NG PRIORITY NUMBER SA PAGBABAYAD NG MATRIKULA” bilang bahagi ng pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Isa po kayo sa napili naming respondente sa pag-aaral na ito. Hangad lang po namin ang inyong kooperasyon at konsiderasyon.

Maraming salamat!

Lubos na gumagalang,

Mga mananaliksik

Pinagtibay: Anesa P. Mangindra

Guro sa Fil 121

17

Page 18: Dyey Thesis Final Contents

18

Page 19: Dyey Thesis Final Contents

Bio-data

Personal na mga Datos ng mga Mananaliksik

Pangalan: Ruth Casonete Oyao

Kasarian: Babae

Tirahan: Takepan, Pikit, North Cotabato

Taon ng Kapanganakan: Marso 31, 1995

Edad: 16

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan: Charlene Joy Solin Basal

Kasarian: Babae

Tirahan: Brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato

Taon ng Kapanganakan: Oktobre 8, 1994

Edad: 17

Relihiyon: Roman Catholic

19

Page 20: Dyey Thesis Final Contents

Pangalan: Cayetano Tamaño Daquiado Jr.

Kasarian: Lalaki

Tirahan: Sittio Torres, Sultan Kudarat,

Maguindanao

Taon ng Kapanganakan: Setyembre 21, 1991

Edad: 20

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan: Sunshine S. Gellado

Kasarian: Babae

Tirahan: New Panay, Aleosan, North Cotabato

Taon ng Kapanganakan: Nobyembre 27, 1993

Edad: 18

Relihiyon: Roman Catholic

Pangalan: Mark Anthony F. Tayco

Kasarian: Lalaki

Tirahan: La Suerte, Mlang, North Cotabato

Taon ng Kapanganakan: Abril 24, 1994

Edad: 17

Relihiyon: Roman Catholic

20

Page 21: Dyey Thesis Final Contents

Aktwal na Larawan ng Pagsasarbey

21

Page 22: Dyey Thesis Final Contents

22