21
PAG-AARAL SA AKTWAL NA GASTUSIN NG MAG-AARAL NG MIRIAM COLLEGE SA CELLPHONE LOAD Isang natatanging proyekto na iniharap sa kagawaran ng Filipino Miriam College, Quezon City Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik (Fil 102.1) Nina: Garcia, Maria Sarah Garcia, Maria Francia Matias, Maria Shiela Rica 1

Filipino Thesis Final

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A research about cellphone loads

Citation preview

Page 1: Filipino Thesis Final

PAG-AARAL SA AKTWAL NA GASTUSIN NG MAG-AARAL NG MIRIAM

COLLEGE SA CELLPHONE LOAD

Isang natatanging proyekto na iniharap sa kagawaran ng Filipino

Miriam College, Quezon City

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagbasa at pagsulat tungo sa

pananaliksik (Fil 102.1)

Nina:

Garcia, Maria Sarah

Garcia, Maria Francia

Matias, Maria Shiela Rica

Setyembre 2011

1

Page 2: Filipino Thesis Final

TALAAN NG MGA NILALAMAN

2

Page 3: Filipino Thesis Final

Pag-aaral sa Aktwal na Gastusin ng Mag-aaral ng

Miriam College sa Cellphone Load

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

1.1 Panimula

Pagkain, tubig, at tahanan; ito ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat tao

upang mabuhay sa araw-araw. Ito ang nagbibigay ng sigla at seguridad para maging maayos ang

kanilang pamumuhay. Ito rin ay nagsisilbing pamantayan ng pamumuhay ng mga tao. Noon, ay

mabibilang lamang ang maituturing na kanilang mga pangangailangan. Ang mga bagay na ito ay

madali lamang makuha at minsan ay libre o di kaya’y nahihingi lamang ito sa mga kabarangay

lalo na kung ito ay uri ng pagkain, ngunit kasabay ng paglaon ng panahon ay siya ring pagdami

nang maituturing na “pangangailangan” ng mga tao.

Sa kasalukuyang panahon, marami ang mga nagsulputang mga kagamitang likha ng

siyensya at teknolohiya. Ang mga ito ay nagpapadali sa mga gawaing bahay. Ang iba ay

nagpapaunlad ng transportasyon at ang iba naman ay nagpapabilis ng komunikasyon. Isang

halimbawa nito ay ang cellular phone o mas kilala sa tawag na cellphone sa karamihan. Ito ay

isang uri ng kagamitang pangkomunikasyon na maaaring madala kung saan-saan at hindi

ginagamitan ng kable ngunit mayroong mga radio waves na nakukuha o nasasagap ang gamit na

ito para pangkonekta sa iba pang linya. Marami itong katangian tulad ng, pantawag, texting at

minsan, pang-internet na patok na patok sa mga kabataan. Mayroong tinatawag na cellphone

load na ikinakarga para magamit ang mga katangiang ito na may nakaayon na halaga. Ito ay

minsan nasa anyong kard na may sinusunod na instruksyon kung paano mailalagay ang halagang

nabili sa cellphone. Maaari itong mabili sa mga tindahan o kaya sa pamamagitan ng serbisyong

e-load. Ayon sa RMN NEWS noong ika-3 Disyembre taong 2010, ang cellphone load ang

nangunguna sa listahan ng pinaggagastusan ng mga kabataan. Ito ay maaaring dahilan kung bakit

ang kahalagahan ng pagbabadyet ng mag-aaral sa kanilang alawans ay minsan nilang

nalilimutan. Tunay nga bang mas napagtutuunan ng pansin ang paggamit ng cellphone ng mga

mag-aaral ngayon? Anu-ano kaya ang mga nangyayari kapag nauubusan sila ng load?

3

Page 4: Filipino Thesis Final

Naisasakripisyo kaya nila ang mas mahalagang bagay dahil sa paggastos nila sa load? Sa pag-

aaral na ito, makikita natin ang mga kasagutan tungkol sa mga tanong na ito. Maipapaliwanag

din sa mga susunod na kabanata ng thesis na ito ang mga sagot sa katanungang nabanggit at iba

pang saklaw na usaping kaugnay sa paksang aming napiling gawin. Ang magsisilbing

respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Miriam. Sila ang

magiging batayan ng pag-aaral tungkol sa kanilang aktwal na gastusin sa cellphone load. Ang

mga makakalap naming impormasyon sa pamamagitan ng aming masusing pagsasaliksik ay

maaaring magamit at maging gabay ng iba pang mag-aaral sa aming paaralan, pati na rin sa mga

kabataan ng bagong henerasyon. Ito ay magiging instrumento sa pagmulat sa kanilang kaalaman

tungkol sa kanilang mga gawain kaugnay sa paggastos ng kanilang alawansm at sa kanilang

aktwal na gastusin partikular na sa pagkonsumo ng load.

1.2 Layunin

Pangkahalatang Layunin

Malaman ang aktwal na gastusin ng mga mag-aaral ng Miriam College sa partikular na sa

kanilang pagkonsumo ng cellphone load.

Tiyak na Layunin

1. Bakit ang paggastos sa cellphone load ang gamit sa aming pag-aaral?

2. Ano ang mga bagay na naisasantabi ng mga mag-aaral dahil sa paggastos ng

cellphone load?

3. Sa paanong paraan madalas gamitin ng mga kabataan ang cellphone na

nakakapaggastos sila ng load?

1.3 Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa pagkonsumo ng cellphone load bilang isa sa mga

gastusin ng mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Sumasaklaw lamang ang pag-aaral na ito sa

mga mag-aaral ng Miriam College sa tersaryong antas na may edad labing-pito hanggang

dalawampu. Hindi kabilang sa aming pag-aaral ang ibang mag-aaral ng Miriam College sa

sekondaryong antas at primaryang antas na may edad labing-anim pababa.

1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral

4

Page 5: Filipino Thesis Final

Maituturing na isang pinaka ginagamit na gadyet ang cellphone sa kasalukuyang

panahon. Ang madalas na gumagamit nito ay ang mga kabataan at mga mag-aaral. Mahalaga ang

pag-aaral na ito sa mga nabanggit dahil para malaman nila ang kanilang gastusin at sa paglaan ng

mga bagay na gugugulin sa kanilang alawans.

Sa mananaliksik. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, inaasahang ang mga

mananaliksik ay makakakuha ng mga impormasyong magbibigay ng pansin at makakatulong sa

mga susunod pang gagawa ng pagsasaliksik na may kaugnayan sa ganitong paksa.

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatulong sa mga mag-aaral,

upang mamulat ang kanilang diwa tungkol sa kanilang paggasta at sa kahalagahan ng

pagbabadyet.

Sa mga kabataan. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatulong sa mga kabataan

upang matutunan nila ang pagdidisiplina sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagiging masinop.

Sa mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatulong sa mga magulang

upang malaman nila kung saan napupunta ang mga alawans na ibinibigay nila sa kanilang mga

anak at para magabayan nila ang kanilang mga anak kung pano ang tamang paraan ng

pagbabadyet.

1.5 Mga Katawagan at Terminolohiya

Cellphone – Tinatawag ding cellular phone o kaya ay mobile phone. Ito ay isang

teleponong maaaring mabitbit kung saan-saan na napapagana kahit na walang nakasabit na kable

ngunit kumukuha mga radio waves para makakonekta sa kausap.

Internet – Ito ang pagkonekta ng mga kompyuter sa iba pang kompyuter o isang

elektronikong gadyet.

Load – Ito ay madalas nabibili sa anyong kard na may kaukulang halagang nakasulat na

naglalayong magamit ang mga katangian o aktibidad sa cellphone.

Radio waves – Ito ay mga elektromagnetikong signal na nasasagap ng cellphone para sa

pagkomunika.

5

Page 6: Filipino Thesis Final

RMN News – Kilala rin sa tawag na Radyo Mo Nationwide News. Isa itong estasyon sa

AM na radyo na nagpopokus sa mga pagpapahayag ng mga balita sa bawat sulok ng bansang

Pilipinas.

Texting – Tinatawag ding text messaging. Ito ay pagpasa ng mensahe gamit ang

cellphone.

6

Page 7: Filipino Thesis Final

Kabanata II

7

Page 8: Filipino Thesis Final

Kabanata III

Metodolohiya

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang mga magsasaliksik ay naglalayong maipaalam ang kinalabasan nang kanilang

pananaliksik na siyang isinagawa sa pamamagitan nang pamamaraang kwantitatib

(Quantitative). Sa pamamagitan nang ganitong disenyo, mas maipapaalam sa bawat mambabasa

ang konkretong at espesipikong impormasyon, sa pamamaraang pag sukat nang dami nang mga

estudyanteng malaki o maliit ang ginagastos sa cellphone load, kung magkano ang nagagastos

nang mga ito, at kung ano ang epektong idinudulot sa kanila nito. Ang mga mananaliksik ay

naniniwala na ang ganitong pamamaraan ang siyang pinaka mabisa na mag bibigay daan sa

kanila tungo sa pagsasagawa nang kanilang mga layunin para sa kanilang pag-aaral, dahil ang

kanilang pag aral ay tunutukoy sa aktwal na gastusin, kung kaya’t mas mainam ang paggamit

nang isang disenyo na gumagamit at nangangailangan nang numero o nang sukatan.

Ang ganitong disenyo ay mas obhektibo at mas tiyak kesa sa pagiging subhektibo, kung

kaya’t mas mabibigyan ang bawat mambabasa nang eksakto at mas payak na kasagutan na

siyang maglalayo sa kanila sa pagkalito at kagitlahanan. Mainam din itong solusyon upang

maiwasan ang problemang sanhi ng pagkakaiba-iba nang mga perspektibo nang tao.

3.2 Setting ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay ginanap sa Kolehiyo nang Miriam, taong Dalawang Libo at

Labing Isa (2011). Naniniwala ang mga mananaliksik na ang nasabing lugar ang siyang

pinakamabisang lugar upang maisagawa ang aming pagaral sapagkat dito maaring makakalap

nang pinakamaraming bilang nang mag-aaral nang Miriam, na siyang pinagtutuunan nang pansin

sa kanilang pagsasaliksik.

Isinagawa naman ang aming mag pagsasalik sa nasabing taon, sapagkat sa taong ito kami

naatasang gampanan at isakatuparan ang nasabing pag-aaral.

3.3 Paraan ng Pagpili

8

Page 9: Filipino Thesis Final

Ang mananaliksik ay gumamit nang pamamaraang tinatawag na Random Sampling sa

pagsasagawa nang kanilang pagpili sa mga magiging kalahok. Sa paraang ito, pipili ang mga

nagsasagawa nang pananalik sa mga estudyante, nang walang basehan o binabatayan. Sa

madaling salita, pasumala o hindi sadya ang pagpili sa mga estudyanteng ito. At ang mga

napiling ito ang mabibigyan nang prebilehiyong masagutan ang mga inihanda nilang sarbey, na

siyang isa sa mga pagababasihan nila nang kanilang konklusyon sa isinagawang pag aaral.

3.4 Mga kalahok sa pag-aaral

Ang mga napiling kalahok ng mga mananaliksik sa isinagawang pag-aaral ay ang mga

mag-aaral mula sa Kolehiyo nang Miriam, Tersayong antas, edad mula labing pito hanggang

labing siyam na nagmula sa iba’t ibang kurso. Ang mga kalahok na ito ang siyang napili bilang

kinatawanan nang mga mag-aaral ukol sa kanilang gastusing sa pagkokosumo nang cellphone

load.

3.5 Mga instrumentong ginamit

Ang mga mananaliksik ay naghanda at gumamit nang sarbey kwestyuneyr bilang isang

mahalaga at epektibong instrumento upang maisagawa ang kanilang pag-aaral. Ito ang

magsisilbing kasangkapan upang maipalam nang mga kalahok ang kanilang saloobin sa mga

nakalaang tanong dito. Ang mga katanungan dito ay idinisenyo base sa mga mahahalagang

impormasyong kakailangin para makamtan ang mga layunin at ang mga ito may kaugnayan sa

paksa. Ito ay binubuo nang dalawang magkaibang pamamaraan nang katanungan. Una ay ang

talatanungan at ang ikalawa ay ang tseklis.

9

Page 10: Filipino Thesis Final

MIRIAM COLLEGE

Talatanungan para sa paksang

Pag-aaral sa Aktwal na Gastusin ng Mag-aaral ng

Miriam College sa Cellphone Load

Pangalan (Opsyonal): Edad:

Paaralan: Kurso:

Panuto: Tsekan ang mga sumusunod base sa iyong sagot sa bawat katanungan.

1.) Ilang cellphone ang iyong ginagamit?

1 3 Higit sa apat

2 4 Iba pa. Ilahad.

2.) Magkano ang iyong allowance sa isang lingo?

50 200 1,000 Iba pa. Ilahad.

100 500 Higit sa 1,000

3.) Kasama ba sa budget mo ang pagloload?

Oo Hindi

4.) Sino ang nagbabayad ng gastusin mo sa load?

Magulang Kasintahan Iba pa. Ilahad.

Kapatid Kamag-anak

5.) Malaki ba ang naitutulong sayo nang pag gamit nang cellphone?

Oo Hindi

Kung ikaw ay prepaid user, sagutin ang Hanay A. Kung ikaw naman ay isang postpaid user,

sagutin ang Hanay B.

Hanay A Hanay B

10

Page 11: Filipino Thesis Final

1.) Magkano nagagastos mo sa isang lingo?

20 200 Bihira

50 Higit 200

Iba pa. Ilahad. _______________

2.) Anong dahilan nang iyong pagloload?

Emergency Pang-internet

Pang-GM Para sa kasintahan

Pang text/tawag sa kaibigan

Iba pa. Ilahad. ________________

3.) Gaano ka kadalas magload?

Isang beses sa isang lingo

Isang beses sa isang araw

Dalawa hanggang tatlong beses sa

isang araw

Iba pa. Ilahad. ________________

1.) Anong dahilan nang iyong

pagpopostpaid?

Emergency Para sa kasintahan

Pang-GM Pang-internet

Pang text/tawag sa kaibigan

Iba pa. Ilahad. ________________

2.) Magkano ang nagagastos mo sa isang

buwan?

250 500 Higit sa 1,000

300 1,000

Iba pa. Ilahad. ________________

Panuto: Lagyan nang tsek ang mga sumusnod batay sa iyong pagsangayon.

5 – Lubos na sumasang-ayon

4 – Sumasang-ayon

3 – Hindi sumasang-ayon

2 – Lubusang di sumasang-ayon

1 – Hindi sigurado

Deskripsyon 5 4 3 2 1

1.) Mas malaki ang nagagastos ko sa load kesa sa

pagkain.

11

Page 12: Filipino Thesis Final

2.) Nagpapasa ako ng load sa kaibigan o magulang sa

tuwing mauubusan.

3.) Nangugutang ako upang may mai-pangload.

4.) Hindi ako mabubuhay nang walang cellphone.

5.) Ako’y nangungupit nang pera sa aking mga magulang

upang may maipangload.

5.) Malaki ang nauubos sa aking allowance para

maipangload.

12

Page 13: Filipino Thesis Final

Kabanata IV

Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Sa animnapu’t limang sumagot ng amjng talatanungan ay pumili kami ng apatnapu’t

limang respondente ng aming sarbey. Mula sa mga nakalap naming mga impormasyon at datos

mula sa aming talatanungang ginawa, sa apatnapu’t limang respondente ay limampu’t pitong

bahagdan o 57% ang nagsabing kasama sa badyet nila ang paglo-load. Siyamnapu’t pitong

bahagdan o 97% naman ang nagsabing malaki ang naitutulong sa kanila nang paggamit ng

cellphone. Karamihan sa sumagot ng aming talatanungan ay mga prepaid user na may

siyamnapu’t pitong bahagdan o 97% at ang kanilang gastusin sa load sa loob ng isang linggo ay

mula sa dalawampung piso o 20 php hanggang tatlong daang piso o 300 php.

Ang susunod namang graph ay naglalayong ipakita ang naging resulta ng ikalawang

bahagi ng aming talatanungan.

Talahanayan I

5 – Lubos na sumasang-ayon

4 – Sumasang-ayon

3 – Hindi sumasang-ayon

2 – Lubusang di sumasang-ayon

1 – Hindi sigurado

Deskripsyon 5 4 3 2 1 Kabuuan Marka

1. Mas malaki ang nagagastos ko sa load

kesa sa pagkain.

1 1 9 19 15

1.98Lubusang di

sumasang-ayon5 42

738 15

2. Nagpapasa ako ng load sa kaibigan o 5 10 7 8 15 2.6 Hindi

13

Page 14: Filipino Thesis Final

magulang sa tuwing mauubusan. sumasang-ayon25 402

116 15

3. Nangungutang ako upang may mai-

pangload.

0 1 4 7 33

1.4Lubusang di

sumasang-ayon0 41

214 33

4. Hindi ako mabubuhay nang walang

cellphone.

5 101

74 9

2.96Hindi

sumasang-ayon25 40

5

18 9

5. Ako’y nangungupit nang pera sa aking

mga magulang upang may maipangload.

0 1 3 5 361.31

Lubusang di

sumasang-ayon0 4 9 10 36

6. Malaki ang nauubos sa aking allowance

para maipangload.

0 2 9 17 17

1.91Lubusang di

sumasang-ayon0 82

734 17

7. Madalas kong ginagamit ang mga

promong hatid ng aking network (Hal.

Unlitxt, Superunli, Superall txt20,.. atbp.)

16 10 9 3 7

3.56Sumasang-

ayon80 40

2

76 7

8. Madalas kong nirereplyan ang mga

nagtetext sa akin.

6 161

36 4

3.31Sumasang-

ayon30 64

3

912 4

14

Page 15: Filipino Thesis Final

Kabanata IV

Lagom, Konklusyon, Rekomendasyon

5.1 Lagom

5.2 Kongklusyon

Batay sa nakalap na datos at impormasyon, ang mananaliksik ay humantong sa mga

sumusunod na kongklusyon:

Ang mga Mag-aaral nang kolehiyo ng Miriam ay hindi binibigyan nang

prayoridad ang pag konsumo nang kanilang baon sa pagloload.

Mas pinapahalagahan ng mga mga Mag-aaral ng Miriam ang mga mas

makabuluhang bagay kagaya nang mga pagkain at iba pa.

Madalas gamitin ng mga Mag-aaral ng Miriam ang kanilang load sa pagsagot o

pagreply sa mga mensahe na kanilang natatanggap.

Mas marami sa mga Mag aaral ng Miriam ang gumagastos ng kanilang sariling

pera sa pag bili nang load ngunit malapit lang din naman ang biling ng mga mag-

aaral na sinustentuhan ng kanilang mgamagulang sa kanilang pagloload.

Ang aktwal na gastusin ng mga Mag-aaral ng Miriam ay hindi ganung kalaki base

sa ratio nito mula sa kanilang baon.

Karamihan sa mga mag-aaral ng Miriam ay nagsasabi na kaya parin mabuhay ng

mga ito kahit wala ang kanilang mga cellphone.

Hindi parin lubusang kinakain ng teknolohiyang gaya ng cellphone ang buhay ng

mga Mag-aaral ng Miriam.

5.3 Rekomendasyon

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang tanging rekomendasyon na

kanilang maipapahatid ay ang magandang pagpapatuloy, hindi lamang nang mga mag-aaral ng

Miriam kundi pati nadin nang iba pang kabataan na gumagamit ng cell phone, na wag itong

15

Page 16: Filipino Thesis Final

gawing prayoridad sa kanilang buhay. Mas maraming mas mahahalagang bagay ang maaring

paglaanan ng pera na ating maiipon, kesa sa pagubos nito dahil lamang sa pagbili ng cellphone

load upang magamit lamang sa hindi makakabiluhang bagay, gaya na lamang nang pag-GGM o

group message at pagpapadala nang mga Quotes. Unahing sinupin ang mga perang maiipon sa

pamamaraang hindi pakokonsumo nang malaking halaga sa pagloload, kung hindi naman sa

dahil mahalagang kadihilan. Ang mga masisinop na mga ito ay siyang tiyak na magiging

kapakipakinabang para sa hinaharap. Isa pa sa mga rekomendasyon na nais ipahiwatig nang mga

mananaliksik ay ang wag maging palagian ang pag-asa sa mga magulang patungkol sa gastusin

natin sa ating cellphone load, lalo na kung ito’y ggmitin lamang ntin sa personal nating paggamit

at sa hindi mahalagang bagay. Mainam na mas madami padin sa mga mag-aaral ang siyang

responsible sa kanilang mga gastusin, ngaunit mas magiging mainam ito kung mas malaki o

malayo ang bilang nito.

16