2
Paano gumawa ng palayok? Ang palayok ay isang sisidlan na ginawa mula sa mga sangkap kabilang ang luwad, pinong buhangin, at tubig. Sa paggawa nito, inuuna ang paghahalo ng tamang dami ng buhangin sa luwad o putik. Minamasa ito ng mabuti hanggang sa makamtan ang tamang tigas at timpla. Mula rito ay maaari na itong hulmahin sa inisyal na hugis sa tulong ng kaunting tubig na nilalagay upang mahubog ito at sa tulong din ng potter’s wheel. Siyempre, hindi naman kaagad perpekto ang hugis nito kaya naman ay ginagamit ang paddle upang linangin pa ang hugis nito. Gumagamit din ng tubig at bato sa parteng ito. Unang nilalagyan ng tubig ang bato, kasunod ang pagpunas nito sa katawan ng palayok. Pagkatapos, ilalagay ang bato sa loob ng palayok at itinatapat ang batong ito sa ilalim ng pinapalong parte ng palayok. Napansin ko na unang pinapalo ang base patungo sa taas. Ibibilad sa araw ang mga ito. Matapos ibilad, ay kukunin ulit ang mga palayok at muling papaluin ng paddle. Sa pagkakataong ito, iba’t ibang laki na ang ginamit na paddle. Kapansin pansin na ang malaking paddle ay ginamit sa base, ang katamtaman naman ay sa gilid. Ang maliit ay sa bandang itaas na bahagi. Pagkatapos nito ay inilagay muna ang mga ito sa bunganga ng basag na malaking palayok upang patuyuin. Pagkatapos ay kinulayan na ito isa isa ng kulay tsokolate. Pagkatapos ay inilatag na ang mga ito sa lupa na may abo. Sa ibabaw nito ay nilagyan ng maraming tangkay at pinaibabawan pa ng ipa. Sinindihan ang mga ito ng apoy. Mausok ang prosesong ito dahil walang apoy na lumabas dahil sa ipa na ipinaibabaw. Unti unting naging abo ang mga tangkay at pagkatapos

Essay About Palayok

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Essay about Palayok, Paano gumawa ng palayok?

Citation preview

Page 1: Essay About Palayok

Paano gumawa ng palayok?

Ang palayok ay isang sisidlan na ginawa mula sa mga sangkap kabilang ang

luwad, pinong buhangin, at tubig. Sa paggawa nito, inuuna ang paghahalo ng

tamang dami ng buhangin sa luwad o putik. Minamasa ito ng mabuti hanggang

sa makamtan ang tamang tigas at timpla. Mula rito ay maaari na itong

hulmahin sa inisyal na hugis sa tulong ng kaunting tubig na nilalagay upang

mahubog ito at sa tulong din ng potter’s wheel. Siyempre, hindi naman kaagad

perpekto ang hugis nito kaya naman ay ginagamit ang paddle upang linangin

pa ang hugis nito. Gumagamit din ng tubig at bato sa parteng ito. Unang

nilalagyan ng tubig ang bato, kasunod ang pagpunas nito sa katawan ng

palayok. Pagkatapos, ilalagay ang bato sa loob ng palayok at itinatapat ang

batong ito sa ilalim ng pinapalong parte ng palayok. Napansin ko na unang

pinapalo ang base patungo sa taas. Ibibilad sa araw ang mga ito. Matapos

ibilad, ay kukunin ulit ang mga palayok at muling papaluin ng paddle. Sa

pagkakataong ito, iba’t ibang laki na ang ginamit na paddle. Kapansin pansin

na ang malaking paddle ay ginamit sa base, ang katamtaman naman ay sa

gilid. Ang maliit ay sa bandang itaas na bahagi. Pagkatapos nito ay inilagay

muna ang mga ito sa bunganga ng basag na malaking palayok upang

patuyuin. Pagkatapos ay kinulayan na ito isa isa ng kulay tsokolate.

Pagkatapos ay inilatag na ang mga ito sa lupa na may abo. Sa ibabaw nito ay

nilagyan ng maraming tangkay at pinaibabawan pa ng ipa. Sinindihan ang mga

ito ng apoy. Mausok ang prosesong ito dahil walang apoy na lumabas dahil sa

ipa na ipinaibabaw. Unti unting naging abo ang mga tangkay at pagkatapos

nito ay makikitang luto na ang mga palayok. Nilinisan ang mga ito bago dalhin

sa bayan upang ibenta.

Naipakita dito ang “Division of Labor” dahil kapansin pansin ang

pagtutulungan ng mga tao upang makagawa ng palayok. Iba ang naghulma at

naghubog ng palayok. Iba ang nagpunas sa mga ito. Iba ang nagbuhat ng mga

tangkay, gayundin sa gumawa ng pagsunog ng mga ito.

Page 2: Essay About Palayok

Tunay nga na isa ang mga palayok sa pinakaunang kagamitan na

ginamit ng ating mga ninuno. Kilala ito dahil sa ito’y ginagamit sa pagluluto o

kaya naman ay lalagyan ng ulam at kanin. Kinonsulta ko ang aking ina at

sinabi niyang ginagamit daw nila ang palayok noong unang panahon sa

pagluluto rin. Bagamat sa panahon ngayon ay hindi na ito masyadong

ginagamit, dapat pa ring bigyang halaga ang mga kagamitang tulad ng

palayok.