Filipino 6 DLP 56 - Ingklitik.pdf

Embed Size (px)

Citation preview

  • 68

    Module 56

    6666

    Filipino Ingklitik

    A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development

  • 69

    Magandang araw sa iyo. Maaga ka bang gumising ngayon?

    Seguro handang-handa ka nang sagutin ang naiwan mong aralin

    at may dagdag pa ngayon. Sana ay maging masiglang-masigla ka

    sa lahat ng inyong gawain.

    Minsan may mga pagkakataong sa ating mga pahayag o

    pagsasabi ay may mga ginagamit tayong mga katagang

    nagbibigay-kahulugan sa ating mga pahayag.

    Nagagamit ang mga pang-abay na ingklitik gaya ng pa,

    raw/daw, yata, nga, din/rin, muna at iba pa ang layunin ng

    modyul na ito.

    Punan ng angkop na ingklitik ang mga patlang.Isulat ang

    titik lamang.

    1. Nagtanim sila ng mga bulaklak sa bakuran. Nabuhay

    ___________ ang itinanim nila.

    a. muna b. pa c. naman

    2. Malaki _______________ang kanilang kita sa pagtitinda ng

    kakanin sa palengke.

    a. tuloy b. raw c. pa

    Subukin Natin

    Sa Mag-aaral

    Mga Dapat Matutuhan

  • 70

    3. Natuwa ang mga kapitbahay sapagkat

    nabigyan_____________sila ng gulay.

    a. din b. yata c. nga

    4. Alin ___________ ang mabuti, isara ang lumang bintana o

    takpan ng mga karton?

    a. kaya b. kasi c. nga

    5. Talaga_________nagtatanim ka ng gulay sa likod-bahay

    ninyo?

    a. raw b. baga c. bang

    Ano ang iskor mo?

    Nakaranas ka na bang gumamit ng telepono? Kung wala pa,

    alamin natin kung paano nag-uusap ang magkaklase sa telepono.

    Tungkol saan ang pag-uusap ng magkaklase? Paano sila

    nag-uusap? Anu-ano ang mga salitang may salungguhit?

    Basahin ang usapan.

    Pag-aralan Natin

  • 71

    Ito ba ang sagot mo?

    - Ang kanilang pinag-uusapan ay ang pagpapaalam kay

    Bambi na pupunta ang kanyang kaibigan sa kanilang

    bahay upang magpapaturo sa pagluluto.

    - Ang kanilang pag-uusap ay sa pamamagitan ng

    telepono.

    - Ang salitang may salungguhit ay na, nga, pala, lang,

    sana, pa, naman, muna, kasi, at yata.

    Tama ba ang sagot mo? Binabati kita.

  • 72

    - Ang may salungguhit ay mga katagang ginagamit sa

    mga pahayag o pagsasabi ng nadarama o naisip na

    nagbibigay-kahulugan sa ating mga pahayag.

    Ano ang tawag sa mga katagang ito?

    Ang mga ito ay tinatawag na ingklitik kapag nag-iisa,

    walang kahulugan ito at naging may kahulugan lamang kapag

    ginamit sa pangungusap.

    Halimbawa:,

    Kakain pala siya. Kakain yata siya.

    Kakain na siya. Kakain kasi siya.

    Kakain ba siya? Kakain sana siya.

    Kakain na nga siya.

    Di ba magkaiba ang kahulugan kahit na pareho ang

    pangungusap na ginamit?

    Ang mga ingklitik ay maiikling katagang walang

    kahulugan sa kanilang sarili subalit nakapagpapabago ng

    kahulugan ng pangungusap. Ang mga ingklitik ay ba, nga, yata,

    pala, daw/raw, kaya, kasi, man, lang, pa na, sana, muna, naman,

    din/rin at iba pa.

  • 73

    Hanapin sa ibaba ang angkop na ingklitik na bubuo sa

    bawat pangungusap.

    1. Ikaw _________ ang dumating?

    2. Umalis na ___________ siya dahil may gagawin pa siya.

    3. Darating ________ mamaya ang bisita.

    4. Naglalaba ________ siya hanggang ngayon.

    5. Hindi ka ___________ tumawag bago pumarito.

    Ilan ang iskor mo?

    Punan ng wastong ingklitik ang patlang upang mabuo ang

    pangungusap.

    1. Tiyaga ang daan sa tagumpay upang makamit ___________

    ang hinahangad ng bawat isa.

    a. yata b. lang c. pala

    Mga Dagdag na Gawain

    Gawin Natin

    muna kasi nga

    pa ba na pala

  • 74

    Ang mga ingklitik ay maiikling katagang walang

    kahulugan sa kanilang sarili subalit nakapagbabago ng

    kahulugan ng pangungusap. Hindi makatayong mag-isa

    ang mga ito. Nagbibigay linaw sila sa ipinahayag ng

    pangungusap.

    Halimbawa ng mga ingklitik ay:

    raw/daw yata kaya

    rin/din pala muna lang

    pa/pang ba kasi na

    naman nga lamang tuloy

    2. Kung magkakasama ang dunong at tiyaga ano________kaya

    ang magiging suliranin upang hindi magtagumpay ang isang

    tao?

    a. nga b. kasi c. muna

    3. May kasabihang daig __________ ng taong matiyaga ang

    isang taong marunong lalo __________ at tamad ito.

    a. lang b. pa c. na

    4. Umalis na ___________ siya?

    a. pa b. pala c. ng

    5. Bumalik __________ siya agad.

    a. naman b. raw c. sana

    Tandaan Natin

  • 75

    Basahin ang talata. Itala ang mga ingklitik na ginamit sa

    sagutang papel.

    Ang pag-aalaga ng hayop ay magandang libangan kasi

    maliban sa nakakaaliw ito ay napakikinabangan pa sa bahay. May

    pagkakataong hindi natin inaasahang magawa ito ng ating mga

    alaga. Kaya lamang bigyan din natin sila ng kaunting panahon na

    maipakita ang ating pagmamahal at pag-aaruga.

    Ilan ang naitala mong sagot?

    Isulat sa inyong sagutang papel ang angkop na ingklitik

    para sa sumusunod na mga pangungusap. Titik lamang ang

    isulat.

    1. Hindi ___________ mabuti ang pagtatanim ng halaman sa

    tanghaling-tapat.

    a. sana b. kaya c. pala

    2. Maganda_________ang ating kapaligiran kung walang

    punong makikita?

    a. pa b. lamang c. ba

    Pagyamanin Natin

    Sariling Pagsusulit

  • 76

    3. Masayang masaya ang mga bata _____________ binigyan

    sila ng maraming laruan.

    a. pang b. kasi c. muna

    4. Sila __________ ay sasali sa gaganaping pulong sa plasa.

    a. na b. naman c. raw

    5. Totoo________, na bumagsak ang malaking bato sa likuran

    nila.

    a. lang b. nga c. din

    Isulat ang iyong iskor.

  • 77

    Subukin natin Pagyamanin Natin

    1. c 1. c

    2. b 2. c

    3. a 3. b

    4. a 4. c

    5. c 5. b

    Gawin Natin

    1. pala

    2. muna

    3. kasi

    4. pa

    5. nga/kasi

    Mga Dagdag na Gawain

    1. b

    2. a

    3. b at c

    4. b

    5. a

    Sariling Pagsusulit

    kasi

    pa

    kaya

    lamang

    na

    din

    Gabay sa Pagwawasto