4
TAKDANG ARALIN SA FILIPINO GEMMYL C. YSATAM 4 th year Delta Marine Ms. CECIL CANTILLAS Instructor

Filipino assignment

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino assignment

TAKDANGARALIN

SAFILIPINOGEMMYL C. YSATAM

4th year Delta Marine

Ms. CECIL CANTILLAS

Instructor

Page 2: Filipino assignment

Gitara at PiyanoPaghahambing at Pagkokontrast

Dalawang pinakamatinik na instrument sa larangan ng musika ay ang gitara at piyano. Laganap ito sa kahit saang bansa na lalo’t mahilig sa musika ang mga tao.

Ang piyano ay isang klase ng instrument kung saan karaniwan nating makikita sa mga sosyal na okasyon at ito ay maganda rin sa mga pang-instrumental na tugtugan. Ngunit iilan lamang ang makakabili nito dahil sa presyo nito. Lahat ng piyano ay kuryente rin ang nagpapagana.

Ang gitara ay isa ring instrument kung saan karaniwan nating makikita natin kahit saan dahil ito ay pangmasa at pwede ring sosyalan. Kung ikaw ay mahilig talaga sa musika, mas madali mong mabili ang gitara kaysa sa piyano dahil mas mura ito at pwede mong tugtugin kahit walang kuryente.

Page 3: Filipino assignment

Bagong Henerasyon

Problema at Solusyon

Dati, ang mga mandaragat ay kahit anu-ano lang batikos, sakit, pangmumura at panglalait ang inabot para lang ma-iahon sa hirap ang buhay . Kunting pagkakamali mo lang, agad-agad magliparan na ang mga gamit. Oras ng tulog ay aagawin pa upang mas mapadali ang trabaho. At dati, ang iyong pinakamainam na gawin ay manahimik na lang sa tabi-tabi para iwas gulo at sakit sa ulo.

Nang lumala ito at napansin ng mga kompanya at mga shipowners, agad-agad nilang binuo ang MLC or Maritime Labour Organization kung saan nakapaloob nito ang layunin na pangalagaan ang kapakanan ng lahat mga mandaragat. Dahil dito, nasusubaybayan nila ng maigi ang pagganap ng mandaragat at unti-unting nabawasan ang mga walang awing panggigipit ng kapwa mandaragat.

Page 4: Filipino assignment

Oil SpillSanhi at Bunga

Mag-aalas dos na ng madaling araw. Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang fire alarm ng buong akomodasyon ng barko. Akala ko ay isang fault line lang ng sistemang elekrikal ang nangyari. Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang mga kasamahan ko at dali-dali silang bumaba sa makina.Dahil na rin sa aking pagkabigla, sumunod na rin akong bumaba.

Ako’y namulat sa masakit na pangyayari nang aking nadatnan na pumutok pala ang isang high pressure line ng makina naming at lumikha ng malaking sunog sa buong Engine Room. Halos lahat ng parte ng lugar ay nasunog at hindi na rin mapakinabangan.

Tatlong sunod-sunod na araw kaming walang tulog na paghimas sa nagkalat na langis sa buong Engine Room. At sa bandang huli, nalinis rin namin at unti-unting naibalik sa dati ang lugar.