Grade 1 Filipino-complete

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino Test for Grade One (1) Complete

Citation preview

Unang Pagsusulit sa Filipino Uang Baitang (Grade 1)Pangalan: __________________________________ Score:________

Panuto: Isulat sa patlang sa unahan ng buong salita ng tamang sagot._____1. Ang mga titik sa bagong alpabetong Filipino ay may bilang ______.a. 20b. 26c. 28d. 23

_____2. Alin sa mga sumusunod ang hindi hiram na titik?a. Hb. Xc. Jd. C

_____3. Ilan ang bilang ng mga hiram na titik sa alpabetong Filipino?a. 3b. 23c. 9d. 8

_____4. Ang mga a, e, i, o, u, ay tinatawag nating _____.a. hiram na titikc. patinigb. katinigd. pantig

____ 5. Ang mga Z, W, B, at F ay tinatawag nating _____.a. hiram na titikc. patinigb. katinigd. pantig

B. Panuto: Punan ng tamang titik ang bawat patlang sa unahan, gitna at hulihan.

1. _____ B6. H ____ J11. D _____2. _____ K7. Q ____ S12. K _____3. _____ T8. B ____ D13. Y _____4. _____ U9. X ____ Z14. _____5. _____ P10. N _____ NG15. V _____

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang buong salita n ng tamang kahulugan sa bawat salitang may salungguhit.

1. Maraming nasaksihan ang mga bata sa paaralan.a. paninginb. nakitac. tumingin

2. Natutuwa ang mga bata sa kaaya-ayang nakita.a. magandab. maayosc. mabuti

3. Labis-labis ang saya sa kaalamang natamo.a. iyakb. tuwac. lungkot

4. Maraming natamo na kaalaman ang mga mag-aaral at paaralan.a. nakuhab. naabotc. nasungkit

5. Isinasaisip ng mga bata ang kaalamang natutunan.a. isipb. itinabic. aral

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

Hanay AHanay B

_________ 1. Balutana. gawin_________ 2. Bakuranb. tingnan o masdan _________ 3. Palikuran c. maliit na plastic ng kendi _________ 4. Malasind. paligid ng bahay_________ 5. Ganapine. paliguan o banyo

Panuto: Punan ng tamang titik ang mga patlang sa ilalim ng bawat salita upang matukoy ang kahulugan nito.

1. mabini M ____ ____ a l _____ n ______

2. matinig M ____ ____ n g _____ y

3. anak A ____ ____ l a

4. landas D ____ ____ n

5. makitid M a _____ _____ p _____ t

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang buong salitang magkasingkauhulugan ng salitang may salungguhit.

1. Hindi natitigatig ang mga tao sa ulan.a. nababahalab. naguguluhanc. malulungkot

2. Inginuso ni Jose ang kaibigang natutulog.a. pinaglakihan ng ngusob. namaga ang ngusoc. itinuro gamit ang nguso

3. Walang sigwang hindi naming nalampasan.a. awayb. sigac. unos

4. Nagkakayod ako upang mabuhay.a. naglilinis ng bakuranb. naghahanapbuhayc. nagkakamot

5. Sagana siya sa pagkain.a. maramib. naghihirapc. nanghihi

Basahin.

Anak, pagmasdan mo ang mabining agosng mahinhing batis;totoong matining;anaki ay ahas na pasuling-sulingsa paliku-likong landas na makitid;Kiag sa lug-ongiiwas sa bus-olsa batong marahan ay hindi umurong,patuloy . Patuloysa mga sagabal,at hindi matakot sakanyang pagdaloyhanggang sa maabot angtuwang hangganangdagat na malalim.Sa buhay na itonganak, tularan mo angmayuming batis.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa bawat bilang.Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

1. Sino ang nagsasalita sa tula?a. inab. amac. ate

2. Saan inahalintulad ang agos ng batis.a. sa ahasb. sa bulatec. sa uod

3. Saan patungo ang tubig ng batis?a. ilogb. sapac. dagat

4. Ano ang pinamamasda ng ina sa anak?a. agos ng batisb. simoy ng hanginc. mga batang naglalaro sa batis5. Kanino pinatutularan ng ina ang anak?a. malapad na batob. masukal na gubatc. mayuming batis

Basahin.

Halina kapatid! Ako ay tulungan Sa paglilinis ko ng bahay,Malinis na papel, ayusin ang lagay Balutan ng kendiay sa basurahanAng ating katawan, ating ding linisin. Ang batang malinis; kay gandang alasin.Atin ding linisin ang ating salita. Linisin ang kilos gayon din ang gawa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

1. Tungkol saan ang binasang tula?a. tungkol sa paglilinisb. tungkol sa pagkakalatc. tungkol sa pakakaintindihan2. Ano ang dapat nating gawin sa mga balat ng kendi at papel sa loob na nakakalat sa loob ng ating silid aralan?a. itapon sa labas ng pintob. pulutin at itapon ng tama sa basurahanc. pulutin at ihagis sa kabilang silid aralan

3. Sinu-sino ang naglilinis sa tulang binasa?a. mag-amab. mag-ina c. magkapatid

4. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawain ng isang bata?a. magdidilig ng halaman sa paligid ng bahayb. manonood ng telebisyon maghaponc. maglaro sa labas ng bahay tanghaling tapat

5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.a. maiwasan ang pagkakasakit ng pamilyab. maiwasan ang pag-aaway ng pamilyac. maiwasan ang pagtutulungan ng pamilya

Basahin at sagutin ang mga tanong.

Halina sa paaralan,At tayo ay mag-aral.Maraming matututunan;Kaalaman at kaugalian.Matutong bumasa,Sumulat at bumilang.Magdasal at magpasalamatSa Poong Maykapal.Halina sa paaralan,Twit! Twit! Twit! Huni ng ibonKrung! Krung! Tumunog na ang bell,Pak, Pak, Pak, palakpak ng mga bataSa magandang umagangKaninalang nasaksihan.

Pasasalamat sa mga magulangGanoon din ang mga guroLabis-labis ang tuwaSa kaalamang natatamo.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

1. Ano ang paksa ng tula?a. Halina sa Palengkeb. Halina sa Pasigc. Halina sa Paaralan

2. Sinu-sino ang mga nakakasama at nakakausap sa paaralan?a. ang guro at kamag-aralb. sina tatay at nanayc. sina lolot lola

3. Anu-ano ang mga natutunan sa paaralan?a. mang-away sa kapwab. kaalaman at kaugalianc. katamaran

4. Paano maging isang mabuting mag-aaral?a. magpapasalamat sa Poong Maykapal, magulang at mga gurob. magpapasalamat sa kapitbahay at kaawayc. magpapasalamat sa kaibigan at kamag-anak

5. Ano ang napansin ng mga mag-aaral?a. marumi at maayosb. tahimik at maguloc. tahimik at maayos

6. Bakit nagpalakpakan ang mga mag-aaral?a. dahil sa magandang umagang nasaksihanb. para paliparin ang mga ibongc. dahil oras na para umuwi ng bahay

7. Sino ang unang pinasasalamatan ng mga mag-aaral?a. inab. guroc. Poong Maykapal

8. Bakit labis-labis ang tuwa ng mga mag-aaral?a. dahil sa kaalamang natamob. dahil mahigpit ang kanilang guroc. dahil sa mababait ang mga guro

9. Ano ang tunog na ginawa ng mga mag-aaral matapos masaksihan ang magandang umaga?a. umawitb. pumalakpakc. sumigaw

10. Sino ang huling pinasalamatan ng mga mag-aaral?a. mga gurob. Poong Maykapalc. mag-aaral

Panuto: Isulat ang nawawalang patinig o katinig sa patlang.

1. ____asket

2. ____nim

3. ____asa

4. ba___ay

5. ____sda

Panuto: Isulat sa patlang ang P kung nagsisimula sa Patinig at K kung ito ay nagsisimula sa Katinig ang mga sumusunod na salita.

______ 1. Aklat______ 6. Ngipin

______ 2. Tatay______ 7. Walis

______ 3. Ube______ 8. elesi

______ 4. Ilog______ 9. lapis

______ 5. Kahoy______ 10. Okr

Pangalawang (August) Markahang Pagsusulit sa Filipino Unang Baitang G1

Pangalan: ________________________________ Score:_____________

Punan ng titik ang kahon upang mabigyan ng kahulugan ang mga salita sa bawat bilang.

1. Pumapasok dito si itay para magtrabaho.n

s

i

O

2. Itinataas habang umaawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

wa

a

3. Ang mga pumapasok sa paaralan.l

r

a-

M

4. Unang araw ng Linggo nang pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral. s

nu

5. Ang iyong kasama at kaibigan sa paaralan.

es

lk

Panuto: Isulat ang buong salita ng salitang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Ang bawat bata ay marungis.a. mabangob. marumic. nakakadiri

2. Walang ibig magsalita.a. gustob. ayawc. nagmamahal

3. Nagalak ang lahat.a. nainisb. nawalac. natuwa

4. Ihagis mo ang bola.a. ibatob. itaponc. itago

Basahin at sagutin ang mga tanong.

Lunes ng umaga araw para pumasok sa paaralan. Sina Popoy at Mimi ay handang handa na. Ang kanilang ama ay handa na ring pumasok sa opisina. Paalam Inay, paalam bunso, sabi nina Popoy at Mimi. Paalam din sa inyo at mag-ingat kayo sa pagpasok, wika nina Inay at bunso. Inihatid ni Itay sina Popoy at Mimi bago siya tumuloy sa opisina. Si Popoy ay nasasabik na makitang muli ang kanyang mga kamag-aral. Si Mimi naman ay nasasabik ding Makita ang kanyang guro at kamag-aral.Tumunog na ang bell sa paaralan. Sina Popoy at Mimi ay pumila nang maayos kasama ang iba pang mga bata. nakita ni Popoy ang mga bagong mukha sa pila. Magandang umaga sa inyo.Kumusta kayo, bati ni Popoy. Bagong mag-aaral ba kayo? tanong pa niya.Mabuti naman. Ikaw, kumusta ka? Ako si Randy, galling ako sa paaralang Burgoz sa Cavite. Ngayon akoy dito na mag-aaral, malapit sa aming bagong bahay. Ikinagagalak kitang makilala. Maya-maya lang ay tinugtog na ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Ang mga mag-aaral ay sabay-sabay na umaawit habang nakatayo nang maayos. Nakalagay ang kanilang kamay sa dibdib. Gumagalang ang mga mag-aaral sa watawat habang ito ay itinataas.

Sagutin ang mga tanong. Isulat and buong salita ng tamang sagot.1. Ano ang gagawin ng mga bata sa paaralan?a. mag-aralb. magtindac. magsimba2. Sino ang bagong kamag-aral ni Popoy?a. Mimib. Reyc. Randy3. Saang paaralan nanggaling ang bagong kaklase ni Popoy?a. Paaralang Burgos sa Caviteb. Paaralang Burgos sa Manilac. Paaralang Gomez sa Cavite4. Sino ang nasasabik na Makita ang kanyang guro?a. Popoyb. Mimic. Bunso5. Sino ang naghatid kina Popoy at Mimi?a. Si Inayb. Si Itayc. Si Bunso6. Bakit tumayo ng maayos ang mga mag-aaral?a. dahil tumunog na ang bellb. dahil tumugtog na ang Pamabansang Awit ng Pilipinasc. dahil marami na ang walang upuan7. Dito inihatid sina Popoy at Mimi.a. palaruanb. partic. paaralan

8. Ito ang inawit ng mga bata sa paaralan.a. Bayang Magiliwb. Lupang Hinirangc. Ako ay Pilipino

9. Paano ka makipag-usap sa iyong bagong kaklase?a. lakasan ang boses para marinig niya ng maayosb. makipag-usap ng maayos sa tamang bosesc. wag pansinin ang bagong kaklase10. Paano awitin ang Pamabansang Awit?a. tumayo ng tuwid at kumanta ng may buong pusob. umupo ng tuwid habang umaawitc. tumakbo habang kumakanta

Basahin at sagutin ang mga tanong.

Si Lester ay isang batang maruningis. Hindi siya marunong maglinis ng katawan. Madalang siyang maligo.Kahit na kagalitan siya ng kanyang Ina ay hindi pa rin siya nagbabago.wala tuloy ibig makipaglaro sa kanya dahil mabaho siya. Isang araw naglalaro siya sa palaruan.Nagalak siya nang makitang may mga dumarating na maaari niyang makalaro. Narito pala si Lester na hinahanap natin. Kami ang mga dati mong kaibigan, Lester.Hali kayo, simula mo na natin ang paglilinis sa kanya.ang yakag ni sepilyo. Ayaw ko!. Sigaw ni Lester. Ayaw ko sa inyo! Bakit ayaw mo sa amin? tanong ni sepilyo. Nalilinis ang ko ang iyong mga ngipin, ang paliwanag ng sepilyo. Inaayos ko palagi ang iyong buhok, sabi ni suklay. Nililinis naman naming ang iyong katawan, sabay wika nina sabon at tuwalya. Ah basta! Ayaw kong maglinis ng katawan, bulyaw ni Lester. Wala kang magagawa, sabi ni sabon. Halikayo mga kasama. Ihagis na natin siya sa ilog doon natin siya linisin. Ayoko! Ayoko! patuloy na sigaw ni Lester hanggang siyay magising.

Panuto: Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

1. Paano mo ilalarawan si Lester?a. mabangob. marungisc. malinis

2. Ano ang dahilan kung bakit walang gustong makipaglaro kay Lester?a. dahil siya ay mabahob. dahil siya ay matapangc. dahil siya ay palaaway

3. Anu-ano ang mga kagamitan ang nais makipalaro kayLester?a. sepilyo, sapatos, damit, at payongb. sepilyo, suklay, tuwalya, at sabonc. tubig, damit, tuwalya, at sabon

4. Paano mo inaalagaan ang iyong sarili upang maging malinis?a. maligo, magsepilyo at magsukalay araw-arawb. matulog, kumain, maglaro, at magpuyatc. kumain ng mga di masustansyang pagkain

5. Gaano kahalaga sa isang bata ang pagiging malinis sa katawan?a. upang mabango lagib. upang malinis tingnanc. upang makaiwas sa sakit

Panuto: Ayusin ng tama ang mga titik na nasa loob ng kahon.

PQS T R

ZXY WV

N PMLO

KIG HJ

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang katumbas na salita ng mga nasa larawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang ng bawat bilang. Hanay AHanay B

___________ 1. a. gubat

___________ 2.b. ulap

___________ 3. c. bagwis

___________ 4. d. munting ibon

Panuto: Isulat sa kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap. Piliin sa ibaba ang kasagutan at isulat ang buong salita.

1. Siya ay dumulog sa kanyang paaralan.

2. Mahirap tuparin ang kondisyong hinihingi ni Luis.

3. Ang hangarin ng bawat isa ay iisa.

4. Nag-alay ako ng regalo sa aking kaibigan.

5. Pagkalooban mop o kami Panginoon ng isang mabuting kaibigan.

a. nagpunta c. bigyanb. kahilingand. nagbigay e. kagustuhan

Panuto: Bilugan ang salitang kasingkahulugan ng salitang nakahilig.

1. Binigyan ng nanay si Ronron ng tatlong pilak.a. gintob. tansoc. pera

2. Nakapulot si Jarvie ng salapi.a. perab. laruanc. bag

3. Nasumpungan kong naglalaro ang mga kaibigan ko kanina.a. umiyakb. nag-awayc. nakita

4. Aanyayahan ko ang aking mga kaibigan sa aking kaarawan.a. yayayainb. isasamac. iiwan

5. Nahanap ni ate ang nawawalang laruan.a. nawalab. nasirac. nahanap

Basahin.

May isang babae na maysampung salaping pilak at nawalaang isa, ano ang gagawin niya?Sisindihan niya ang ilaw, wawalisan ang bahay at hahanapingmabuti hanggang sa masumpungan ito.Kapag nahanap na niyaIto ay aanyayahan niya angkanyang mga kaibigan at mgakapitbahay. Sasabihin niya,Makipagsaya kayo sa akin,Sapagkat nasumpungan ko sa wakas ang nawala kong salaping pilak!

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa mga sumusunod na bilang. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.1. Ano ang nawala sa babae?a. salaping pilakb. sobrec. laruan2. Ilan ang kanyang nawawalang salapi?a. isab. dalawac. wala3. Ano ang gagawin niya kapag nakita niya ang kanyang mga salapi?a. aanyayahan niya ang kanyang mga kapatidb. aanyayahan niya ang kanyang mga kaibiganc. aanyayahan niya ang mga kamag-aral4. Saang lugar nangyari nag kuwento?a. bahayb. paaralanc. palengke5. Ano ang reaksyon ng babae nang mahanap niya ang kanyang salapi?a. nainisb. nagagalitc. natutuwa

Basahin.

Ang ulilang pugad ay gumagalaw-galaw, may ibig lumilipad na isang inakay. Dumating ang ina na galling kung saan, may palay na dala sa anak na mahal.Ayoko ng palay, ibig koy lumipad sa kaitaasan ang wika ng anak.Aba! anang ina, wala ka pang pakpak. Ang murang bagwis moy huwag ipangahas.Ngunit ako, ina, ay inip na inip, tingnan mo nga silat nasa himapapawid!Inay tumingala. Huwag kang mainggit at mahihina pa ang iyong mga bagwis. Maghintay ka muna. Pagsapit ng araw ay darating ka rin sa kaitaasan; tandaan mo sana; sa kapangahasan ay hindi lagi nang may maaasahan.Nang masabi ito, ang inay lumipad, umaligid sa dakong itaas. Ang matinding inggit ay biglang nag-uugat sa munting inakay na ibig mangahas. At sa paniwalang sapat na ang pakpak ang payo ng ina ay kusang nilabag, biglang tumingala, at sabik na sabik na pumaimbulog sa may himpapawid. Ngunit ang inakay na lubhang pangahas, lumipad sa langit, sa inang saad: Maghintay ka munat wala kapang pakpak.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang buong salita.

1. Ano ang nais ng inakay?a. lumipad sa himpapawidb. kumain ng uodc. matulog ng matulog

2. Ano ang pinangaral ng kanyang ina?a. sa kapangahasan ay hindi lagi may maaasahanb. huwag matigas ang uloc. sumunod sa aking yapak

3. Ano ang ginagawa ng inakay sa kabila ng tagubilin ng kanyang ina?a. tumalon ng tumalonb. tumingala at sabik na sabik na pumaimbulog sa himpapawidc. lumakad kasama ang mga manok

4. Ang laman ng ulilang pugad ay___________.a. asob. inakayc. ahas

5. Hindi pa maaaring pumunta sa himpapawid ang inakay sapagkat ______.a. mura pa ang kanyang bagwisb. kumakain pa silac. umuulan

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.1. Ano ang nangyayari sa sinulid matapos mahabi?a. naging pinakamahusayb. naging pinakamahinac. naging pinakamabilis2. Ano ang nangyayari kung pinagbibigkis ng pag-ibig at layunin ang mga tao?a. nagiging bayang masiglab. nagiging bayang makapangyarihanc. nagiging bayang mayaman

3. Ano ang nangyayari sa sinulid kapag ito ay nag-iisa?a. nagiging malakasb. nagiging mahinac. nagiging masipag

4. Tungkol saan at kanino ipinapahiwatig ang tula?a. tungkol sa mga tao sa buong mundob. tungkol sa mga batac. tungkol sa mga mag-aaral

Panuto: Isulat ang T kung ito ay tumutukoy sa tao, B kung ito ay bagay, H kung ito ay hayop, L kung ito ay lugar, P kung ito ay pangyayari.

_________ 1. aklat_________ 6. lapis_________ 2. paaralan_________ 7. silid aklatan_________ 3. kaarawan_________ 8. Pasko_________ 4. Anabel_________ 9. kwago_________ 5. tatay_________ 10. Ahas

Panuto: Tukuyin ang mga kategorya ng mga sumusunod na pangngalan.Sabihin kung ang mga ito ay tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.

________________ 1. Leon_________________2. SM-Masinag________________ 3. Paliparan________________ 4. Pulis________________ 5. Radio_________________6. Pasko ng Pagkabuhay________________ 7. Pista_________________8. Magulang_________________9. Mesa_________________10. Pinggan

Panuto: Isulat ang SI, SINA, ANG at ANG MGA sa patlang na tumutugon sa larawan.1. ________ aso6._________ilaw

2. ________ Hans7.__________ ekis

3. ________okra8. _________ eroplano

4. ____________bata9. ________AJ at Pio

5. __________ Neil at Mycha 10. ________ Justin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang buong salita ng tamang panghalip panao.

1. Si Anna ay mabait na bata. (Siya, Ikaw) ay mahal ng kanyang mga magulang. 2. (Ako, Ikaw) ay magaling sumayaw. Kayat maraming humahanga sa iyo.3. Dahil (ikaw, siya) ay masunurin bibigyan kita ng gantimpala. 4. Si Karen ang magdadala ng prutas. (Ikaw, Ako) naman Mark ang magdadala ng inumin.5. Masayang kasama si Ben. (Ako, Siya) ay mapagbiro.6. Naiwan ni Chandra ang kanyang kuwaderno mo sa silid-aklatan.(Siya, Ako) na ang magbabalik neto sa kanya. 7. Nabasag ko ang baso ni kuya Carlos. Natatakot (ako, ikaw) na sabihin sa kanya ang totoo.8. Mahilig siyang manuod ng katatakutan. Kayat (siya, ako) ay hindi mapag-isa sa silid.9. Bawal ka daw maglaro sa labas ng bahay. (Ako, Ikaw) ay mapapagalitan ni inay kung ayaw mong sumunod.10. (Ako, Ikaw) ay sasama sa parade bukas sabi ng iyong guro.

Panuto: Isulat ang tamang panghalip na ginamit sa pangungusap.

1. Namasyal (kami, kayo) sa Luneta. Kasama ko ang aking mga magulang.2. Naghugas ng pinggan ang magkapatid na Jillian at Karl. (Kami, Sila) aymababait na bata.3. (Sila, Kayo) Paulo at Roma ay sasamang magtanim sa bukid.4. Maaaring (sila, kayong) sumama kung ibig ninyo.5. Marami (kayong, Kaming) makikita roon kung sasama ako.

Pangatlong Pagsusulit sa Filipino Uang Baitang (Grade 1)

Pangalan: __________________________________ Score:________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang kahulugan sa salitang nakahilig.

1. Naluha ako sa galit.a. naiyakb. tumulo ang luhac. naiinis

2. Wala akong mapapala sa pag-iyak.a. magagawab. mangyayaric. mauuto

3. Inagaw ng batang talampasan ang aking laruan.a. salbaheb. makulitc. palaaway

4. Ipinaghampasan ng bata ang kanyang laruan sa upuan.a. itinaponb. itinabic. ipinalo

5. Napawi ang aking lungkot.a. nalunodb. binawic. nawala

Basahin.

Isang araw ako ay naluha;Pagkat laruan ko ay nasira.Anumang pilit na ipagawa,Talagang walang mapapala.Ang laruang itoy bigay ni Inay.Sa aking kaarawana ito ay alayKaya naman iniingatan.Ito ay aking inaalagaan

Ngunit anong nangyari isnag araw;Mahal kong laruan ay inagawNg batang sutil at talampasanIto ay ipinaghampasan.Umiiyak ako sa pagsubok na ito.Umuwi akong tuliro.Isumbong ko ito sa inay ko.Tanging tugon, anak mapapawiiyan ng halik ko.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

1. Ano ang nangyari sa bata?a. naluhab. nadulasc. nadapa2. Sino ang sumira ng kanyang laruan?a. kanyang kapatidc. kanyang asob. batang sutil at talampasan3. Sino ang nagbigay sa kanya ng laruang ito?a. kanyang itayb. kanyang inayc. kanyang lola

4. Bakit siya umuwing tuliro?a. dahil ipinaghampasan ang kanyang laruanb. dahil itinapon ang kanyang laruanc. dahil itinago ang kanyang laruansa mga sumusunod na larawan.

1. _______________2._____________

5. Paano nawala ang kanyang sama ng loob?a. dahil sa sampal ng kanyang inab. dahil sa palo ng kanyang inac. dahil sa halik ng kanyang ina

Basahin.

May isang agila na sa kaitasan ay lipad nang lipad. Ang kanyang akala sapagkat mataas sa mga palaso ay tunay na ligtas, sa malaking tuwa ay humahalakhak.Walang anu-ano ay isang palaso ang kanyang nataw na ang tinutungoy ang kanyang katawan. Ilang sandal pay kayang naramdamang siyay nahuhulog sa lupang putikan. Nang kanyang tanawin ang palasong yaong tumudla sa dibdib ay kanyang nakitang dooy nakakbit ang sariling pakpak. Ang kanyang nasambit, Ako ang may sala sa palad kong amis.Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.

1. Ano ang iniiwasan ni Agila sa kanyang paglipad?a. batob. tinapayc. palaso

2. Ano ang dahilan ng kanyang pagtawa?a. dahil malayo ang mga palaso sa kanyab. dahil natutuwa siyac. dahil siya ay masayang lumipad-lipad

3. Bakit siya nagmamayabang?a. dahil akala niya di siya ligtas sa mga palasob. dahil magaling siyang umiwasc. dahil magaling siyang lumipad

4. Ano ang nangyari sa kabila ng paglipad niya ng mataas?a. siya ay tinamaan ng kahoyb. siya ay tinamaan ng palaso, nahulog at namatayc. siya ay tinamaan ng bato

5. Bakit nangyari sa kanya ito?a. dahil siya ay nagyabangb. dahil siya ay matapangc. dahil siya ay magaling

Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa magkabilang hanay upang matukoy ang magkasingkahulugang salita.

Hanay AHanay B

1. paghahabia. inaalagaan

2. magsulsib. napaiyak

3. nagpupuyosc. pagbubuo ng tela

4. kinakalingad. nagagalit

5. napahagulgole. magpatahi

Panuto: Isulat sa patlang ang L kung Lantay, PH kung Pahambing at PS kung itoy Pasukdol ang mga sumusunod na salita.________1. Pinakamabait________ 6. Mas mabigat________2. Mabilis________7. Ubod ng sarap ________3.Parehong maganda_________8. Mahinhin ________4.Saksakan ng bagal_________9. Higit na malinis__________5. Maitim__________ 10. Pinakamaliit

B. Panuto: Isulat ang buong salita ng tamang panghalip.

1. Galing sa (akin, kanya) ang mga gulay. Dinala niya ito kahapon. 2. Naglinis siya ng (kanyang, iyong) sapatos.3. Ang (aking, iyong) ina ay isang guro. Siya ang nagtuturo sa aming magkakapatid. 4. Ibibigay ko sa (iyo, kanya) ang laruan na ito sapagkat alam kongpaborito mo ito. 5. Maaari bang humiram ako sa (akin, iyo) ng lapis?6. Kumain ako ng puto. Bigay ito sa (kanya, akin) ng kaibigan ko.7. Naglinis siya ng sasakyan ng (kanyang, aking) ama.8. Nananahi ng damit ang babae para sa (akin, iyo) sapagkat nais ka niyang lumigaya.

9. Inaalagaan ng bata ang (aking, kanyang) aso sapakat mahal niya ito. 10. Sa (kanya, iyo) ko ibibigay ang larawang ito sapagkat alam kong gusto mo ito.

Basahin.

Itong baboy-ramo ay hasa nang hasa sa kanyang dalawang pangil. Ang Loroy nagwika, Ang mga pangil mo ay matalim na yata, sa ginagawa moy ano pa ang nasa.?Iyang mangangasoy di ka hinahanap. Wala kang panganib sa gitna ng gubat. Matulog ka na lang sa kubli mong pugad at kung nagugutom ay saka lumakad.Kahit na walang laban ay pinatatalim ang mga pangil ko pagkat ang darating ay di alam. Ang marapat gawin, tayo ay maghanda nang hindi makitil.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang buogn salita ng tamang sagot.1. Ano ang ginagawa ng baboy-ramo nang makita ng loro?a. kumakainb. naghahasa ng kanyang pangilc. wala2. Ano ang bati ng loro sa kanya?a. Ang pangil mo ay matalim na yata, ano pa ang nasa mo?b. Ang ngipin mo ay malinis na ano pa ang nais mo?c. Ang tiyan mo ay busog na, ano pa ang hiling mo?3. Ano ang payo ng loro sa baboy-ramo?a. Matulog ka na lang sa kubli mong pugad at kung nagugutom saka lumakad.b. Matulog ka na lang ng matulog.c. Kumain ka na lang ng kumain.4. Ano ang sinagot ng baboy-ramo sa loro?a. Kahit walang laban dapat maging handa, sapagkat ang darating ay di alam.b. Kahit walang ulan dapat mag-imbak ng pagkain.c. Kahit di dumating ang mangangaso dapat makinis ang pangil ko araw-araw.

5. Sino ang may katwiran sa dalawa? Bakit?a. Si Loro, tama ang kanyang mga sinasabi kay baboy-ramo.b. Si Baboy-ramo dahil dapat tayo ay maging handa sa lahat ng mangyayari.c. Wala sa dalawa.

Panuto: Bilugan ang titik ng kahulugan ng may salungguhit na salita.

1. Taimtim na nagdadasal ang pamilya Corpuz.a. magalangb. buong pusoc. maayos

2. Tuwang-tuwa si Jesselyn nang sumakay sa magarang kotse.a. magandab. maliitc. malaki

3. Balang-araw, tatamasin mo rin ang magandang buhay na pangarap mo.a. mararamasanb. makikitac. mararating

4. Marami ang nasasaktan sa paghahamok ng magkabilang panig.a. pagpapalabasb. paglalabanc. pagdiriwang

5. Nalungkot si Bea dahil malubha na ang kalagayan ng kanyang lola.a. malakasb. grabec. malapit

Panuto: Isulat ang buong salita na angkop sa pook ng bawat pangungusap.

1. Maagang dinala ni Aling Nita ang kanyang mga paninda sa __________.a. sa bahayb. sa simbahanc. sa palengke

2. Napatalon sa tuwa si Bryan nang bisitahin ang kanyang lolot lola sa _____.a. bahayb. sa palengkec. sa parke

3. Magbabakasyon kami sa isang Linggo sa _____________.a. probinsyab. sa palengkec. paaralan

4. Si Mang Kardo ay maghapong nag-aararo sa ____________.a. mallb. bukidc. bayan

5. Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral nang manood sila ng sine sa ________.a. probinsyab. palengkec. sinehan

Panuto: Salungguhitan ang angkop na salitang nagsasabi ng paraan.

1. (Pasigaw, Masayang, Mabagal) na binati ni Raymond ang may kaarawan.2. Pinuna ng nanay si Mae dahil nagsusulat siya nang (patalikod, padapa, patakbo).3. Dahan-dahang, Pabalang, Paatras) pumasok si Jenalyn kaya hindi siya namalayan. 4. (Magalang, Masigasig, Mabagal) na binate ng mga bata si Sr. Linda. 5. (Matiyagang, Mabagal, Malinis) tinapos ni Miguel ang gawain kahit siyay nahirapan.

B. Panuto: Bilugan ang mga salitang nagsasabi ng paraan ng pagkilos.1. nawalapauponadala 2. nang mabagalitinuronakisali 3. Flores de Mayonang malinaw kaarawan4. nag-aaralnaglalaro nang masigasig5. malusog nang mahinahonmapagkakatiwalaan

Panuto: Isulat ang PR kung parirala at PG kung pangungusap ang lipon ng mga salita sa bawat bilang.

_________ 1. Si Lily_________ 2. Si Aileen ay mabait._________ 3. Ang bag ay makulay._________ 4. Sa puno_________ 5. Ang nanay_________ 6. Ang magkakapatid ay mababait._________ 7. Sina Lanie at Jomel_________ 8. Si Kirk_________ 9. Ang kambal_________ 10. Sa kanya

Panuto: Isulat ang S kung simuno at P kung panaguri ang mga salitang may salungguhit._________ 1. Ang kambing ay nasa damuhan._________ 2. Katulong sa bukid ng mga magsasaka ang mga kalabaw._________ 3. Mabagal maglakad ang pagong._________ 4. Si Bantay ang nangangalaga sa aming bahay._________ 5. Mahalin at igalang ang mga hayop sa kapaligiran._________ 6. Nawala sa kagubatan ang tupa._________ 7. Ang lapis ay mapurol._________ 8. Mabilis na tumakbo ang aso._________ 9. Lumilipad sa malayo ang lobo._________ 10. Ang samapguita ay pambansang bulaklak.

Panuto: Isulat ang PT kung pangungusap na Patanong at PD kung pangungusap na Padamdam

_____________ 1. Ano ang pangalan mo?_____________ 2. Yehey! Nanalo kami._____________ 3. Kailan ka uuwi?_____________ 4. Sinu-sino ang iyong mga magulang._____________ 5. Naku! Nahulog ang bata.

Panuto: Isulat ang wastong bantas ng mga sumusunod na pahayag sa patlang.

1. Maraming puno pa bas a ating mga kagubatan ngayon sa Pilipinas ________________________

2. Naku ___________ Pinutol ang mga puno sa ating lugar ngayon.

3. Maaari mo bang diligan ang itinanim ko kanina _____________

4. Maraming bunga ang punong manga sa likod bahay tara atin nang pitasin ang mga ito __________________

5. Ating kalingain ang mga puong kahoy sa ating lugar ___________

Pangapat na Pagsusulit sa Filipino Uang Baitang (Grade 1)

Pangalan: __________________________________ Score:________

Panuto: Hanapin sa loob ng mga kahon ang kahulugan ng mga salita na may salungguhit sa bawat pangungusap.tagomamataynanghuhuli ng hayop sa gubat

gusto

pinapatalim

1. Nag-aaral ng mabuti si Karen dahil nais niyang tumanggap ng unang karangalan.2. Kubli ang bahay ni Joy kaya nahirapan sa paghahanap si Marie.3. Nahirapan sa paghuli ng usa ang mangangasong si Mang Paeng.4. Bawat isay ipinagtatanggol ang sarili upang hindi makitil.5. Hinahasa ng magsasaka ang itak bago gamitin.

Basahin.Itong baboy-ramo ay hasa nang hasa sa kanyang dalawang pangil. Ang Loroy nagwika, Ang mga pangil mo ay matalim na yata, sa ginagawa moy ano pa ang nasa.?Iyang mangangasoy di ka hinahanap. Wala kang panganib sa gitna ng gubat. Matulog ka na lang sa kubli mong pugad at kung nagugutom ay saka lumakad.Kahit na walang laban ay pinatatalim ang mga pangil ko pagkat ang darating ay di alam. Ang marapat gawin, tayo ay maghanda nang hindi makitil.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang buong salita ng tamang sagot.1. Ano ang ginagawa ng baboy-ramo nang makita ng loro?a. kumakainb. naghahasa ng kanyang pangilc. wala2. Ano ang bati ng loro sa kanya?a. Ang pangil mo ay matalim na yata, ano pa ang nasa mo?b. Ang ngipin mo ay malinis na ano pa ang nais mo?c. Ang tiyan mo ay busog na, ano pa ang hiling mo?3. Ano ang payo ng loro sa baboy-ramo?a. Matulog ka na lang sa kubli mong pugad at kung nagugutom saka lumakad.b. Matulog ka na lang ng matulog.c. Kumain ka na lang ng kumain.4. Ano ang sinagot ng baboy-ramo sa loro?a. Kahit walang laban dapat maging handa, sapagkat ang darating ay di alam.b. Kahit walang ulan dapat mag-imbak ng pagkain.c. Kahit di dumating ang mangangaso dapat makinis ang pangil ko araw-araw.

5. Sino ang may katwiran sa dalawa? Bakit?a. Si Loro, tama ang kanyang mga sinasabi kay baboy-ramo.b. Si Baboy-ramo dahil dapat tayo ay maging handa sa lahat ng mangyayari.c. Wala sa dalawa.

Panuto: Tukuyin kung anong lugar ang mga sumusunod na larawan. Kulayan ang mga salita sa loob ng kahon sa kanang bahagi.

Sa parke

Sa tahananSa palengke

1. Sa simbahan

Sa kusina

Sa paaralan

2. Sa silid-aklatan

Sa bangko

3. Sa daanan

Sa kalsada

Sa palaruan

4. Sa gubat

Sa himpapawid

Sa kalangitan

Sa karagatan

5.

Panuto: Isulat ang buong salita na angkop sa pook ng bawat pangungusap.

1. Maagang dinala ni Aling Nita ang kanyang mga paninda sa __________.a. sa bahayb. sa simbahanc. sa palengke2. Napatalon sa tuwa si Bryan nang bisitahin ang kanyang lolot lola sa _____.a. bahayb. sa palengkec. sa parke3. Magbabakasyon kami sa isang Linggo sa _____________.a. probinsyab. sa palengkec. paaralan4. Si Mang Kardo ay maghapong nag-aararo sa ____________.a. mallb. bukidc. bayan5. Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral nang manood sila ng sine sa ________.a. probinsyab. palengkec. sinehan

Panuto: Isulat ang buong salita na kahulugan ng may salungguhit na salita.

1. Taimtim na nagdadasal ang pamilya Corpuz.a. magalangb. buong pusoc. maayos

2. Tuwang-tuwa si Jesselyn nang sumakay sa magarang kotse.a. magandab. maliitc. malaki

3. Balang-araw, tatamasin mo rin ang magandang buhay na pangarap mo.a. mararamasanb. makikitac. mararating

4. Marami ang nasasaktan sa paghahamok ng magkabilang panig.a. pagpapalabasb. paglalabanc. pagdiriwang

5. Nalungkot si Bea dahil malubha na ang kalagayan ng kanyang lola.a. malakasb. grabec. malapit

Basahin.

Samantalang nasa daan, ang Kabayo at Burikoy taimtim na nag-uusap, ang Burikoy nagsasalita. Ikay tunay na mapalad, ang buo mong kasuotan ay magara at matikas, ang gawain ay madali, nagpapasyal oras-oras.Nagpatuloy ang Buriko, Ako naman ay palagi nang mahirap ang gawain, araw-araw ang dala ko ay mabigat na pasanin. Ikaw sana ay ako na upang aking tamasahin ang ligayang kayakap mot oras-oras ay kapiling.Isang araw ay nagkaroon ng malaking paghahamok, ang kabayoy nasugatan. Yaong sugat ay malubha at wala ng kaligtasan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa ibaba.

1. Ano ang sinabi ng buriko sa kabayo habang taimtim silang nag-uusap?2. Ano ang pagkakaiba ng buhay ng buriko sa kabayo?3. Ano ang nangyari sa kabayo na nagpabago ng isip ng buriko?4. Dapat nga bang mainggit ang buriko sa kabayo? Ipaliwanag ang sagot.5. Tama ba ang ipinakitang katangian ni buriko? Bakit?

Panuto: Isulat ang mga salitang nagsasabi ng panahon.1. Mamamasyal kami sa mall sa Sabado.2. Dumating ang ninong Ernie ko kahapon.3. Gusto mo bang sumama sa amin bukas.4. Sa susunod na taon magbabakasyon kami sa Hongkong.5. Kanina pa naghihintay ng sundo si Aileen.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit ang mga salitang nagsasabi ng panahon.

1. Kalian ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus?2. Kailan nagsisimba ang inyong mag-anak? 3. Kailang ang kaarawan mo?4. Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?5. Kalian kayo huling kumain sa lumabas?

Basahin. Bakit nagkalat ang dumi sa paligid natin?Kahit itong tubig ay nangingitim na rinSino ang may sala, tayo nga ba mga bataAng hindi nagbantay, o siya ngang gumawa?Bakit kay daming problemang kinakaharap?Kaya itong bayay naghihirap na ganap?Anong magagawa nitong munting kamayMaiahon tayo, isalba itong buhay?

Bantayan, bantayan itong bayang mahalMga kapwa ko bata atin nang simulantKapitbisig tayo, magkaisa, magkaisapag itoy hinyaan tayo din ang kawawa.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa ibaba.1. Ayon sa tula, ano na ang nangyayari sa paligid natin?2. Bakit kaya nangingitim ang tubig?3. Ano ang maaaring maitulong ng munting kamay sa bayan?4. Sino ang inaanyayahang tumulong para masimulan na ang pagbabantay sa bayan?5. Ano ang maitutulong mo sa iyong kapaligiran?

Panuto: Isulat ang angkop na salitang nagsasabi ng paraan.

1. (Pasigaw, Masayang, Mabagal) na binati ni Raymond ang may kaarawan.2. Pinuna ng nanay si Mae dahil nagsusulat siya nang (patalikod, padapa, patakbo).3. Dahan-dahang, Pabalang, Paatras) pumasok si Jenalyn kaya hindi siya namalayan. 4. (Magalang, Masigasig, Mabagal) na binate ng mga bata si Sr. Linda. 5. (Matiyagang, Mabagal, Malinis) tinapos ni Miguel ang gawain kahit siyay nahirapan.

Panuto: Isulat ang mga salitang nagsasabi ng paraan ng pagkilos.1. nawalapauponadala 2. nang mabagalitinuronakisali 3. Flores de Mayonang malinaw kaarawan4. nag-aaralnaglalaro nang masigasig5. malusog nang mahinahonmapagkakatiwalaan

Basahin.

Hayun lumilipad sa kaitaasanAng ating bandilang kay gandang pagmasdan.Kay ganda kulay pula, puti, bughawMay tatlong bituin, sa gitna ay araw.

Kapag itinaas an gating bandilaIyong maririnig, awit na pambansa.Ang bandilang ito ay dapat mahalinKatulad din nitong Inang Bayan natin.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa linya.

1. Ano ang nais ipahayag ng tula?2. Anu-ano ang tatlong kulay ng bandila?3. Ano an gating inaawit habang itinataas an gating pambansang bandila?4. Sino ang nagsulat n gating pambansang awit?5. Bakit kailangang mahalin an gating bandila?

Panuto: Isulat ang PR kung parirala at PG kung pangungusap ang lipon ng mga salita sa bawat bilang.

_________ 1. Si Lily_________ 2. Si Aileen ay mabait._________ 3. Ang bag ay makulay._________ 4. Sa puno_________ 5. Ang nanay_________ 6. Ang magkakapatid ay mababait._________ 7. Sina Lanie at Jomel_________ 8. Si Kirk_________ 9. Ang kambal_________ 10. Sa kanya

Panuto: Gumawa ng pangungusap gamit ang parirala sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.1. si Marlon

2. ang prutas3. Sina Lizvette at Lizzette4. ang magkapatid

5. Si May

Panuto: Isulat ang S kung simuno at P kung panaguri ang mga salitang may salungguhit._________ 1. Ang kambing ay nasa damuhan._________ 2. Katulong sa bukid ng mga magsasaka ang mga kalabaw._________ 3. Mabagal maglakad ang pagong._________ 4. Si Bantay ang nangangalaga sa aming bahay._________ 5. Mahalin at igalang ang mga hayop sa kapaligiran._________ 6. Nawala sa kagubatan ang tupa._________ 7. Ang lapis ay mapurol._________ 8. Mabilis na tumakbo ang aso._________ 9. Lumilipad sa malayo ang lobo._________ 10. Ang samapguita ay pambansang bulaklak.

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng salitang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Hanapin sa loob ng kahon ang sagot.a. pinakamagandab. mapagmataasc. gantimpalad. malinise. mabango

________ 1. Ang batang si Jose ay madumi sa katawan.

________ 2. Sina Ana at Miguel ay binigyan ng parusa dahil sa pakikipag away sa ibang bata.

________ 3. Ang mabahong kapaligiran ay magdudulot ng matinding sakit.

________ 4. Ang pagiging mapagkumbaba ay kinagigiliwan ng ating magulang.

________ 5. Siya ang may pinakapangit na pag-uugali sa lahat.

Panuto: Isulat ang PT kung pangungusap na Patanong at PD kung pangungusap na Padamdam

_____________ 1. Ano ang pangalan mo?_____________ 2. Yehey! Nanalo kami._____________ 3. Kailan ka uuwi?_____________ 4. Sinu-sino ang iyong mga magulang._____________ 5. Naku! Nahulog ang bata.

Panuto: Isulat ang wastong bantas ng mga sumusunod na pahayag sa patlang.

1. Maraming puno pa bas a ating mga kagubatan ngayon sa Pilipinas ______2. Naku ___________ Pinutol ang mga puno sa ating lugar ngayon.3. Maaari mo bang diligan ang itinanim ko kanina ______4. Maraming bunga ang punong manga sa likod bahay tara atin nang pitasin ang mga ito _______5. Ating kalingain ang mga puong kahoy sa ating lugar ___________