11
Introduksyon para sa unang Yunit ng El Filibusterismo Mga Pamantayan • Nailalarawan ang mga kalagayang pampulitika, panlipunan, kasaysayan, at kultura noong panahon ng kastila. • Napalalawak ang kakayahan sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng masiglang pakikilahok sa Gawain at talakayan. • Nasusuri ang mga salik na nagbunsod sa pag- usbong ng nasyonalismo noong panahon ng kastila. • Makapagsagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga kahinaan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila at sa kasalukuyan.

Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Citation preview

Page 1: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Introduksyon para sa unang Yunit ng El Filibusterismo

Mga Pamantayan• Nailalarawan ang mga kalagayang pampulitika, panlipunan,

kasaysayan, at kultura noong panahon ng kastila.• Napalalawak ang kakayahan sa pakikipagtalastasan sa

pamamagitan ng masiglang pakikilahok sa Gawain at talakayan.

• Nasusuri ang mga salik na nagbunsod sa pag-usbong ng nasyonalismo noong panahon ng kastila.

• Makapagsagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga kahinaan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila at sa kasalukuyan.

Page 2: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Mga Pangunahing Tanong

• Sino ang Pilipino?• Bakit umabuso ang mga Kastila sa kanilang

pamamahala sa Pilipinas?• Paano ipininta ni Rizal ang mga Pilipino gamit ang mga

tauhan sa nobela? Paano naman niya ipininta ang mga Kastilang tagapamahala ng bansa?

• Sino ba ang tunay na kaaway? Ang mga mananakop o ang mga kapwa Pilipino? Patunayan.

• Masasabi bang ang isang nobela ay istoryang bunga ng imahinasyon o hango sa tunay na buhay?

Page 3: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo
Page 4: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Bakit kaya El Filibusterismo ang napiling pamagat ng ating bayani?

Kahulugan ng Filibustero FILIBUSTER • to carry out revolutionary

activities esp. in foreign country

• an American who in the mid-19th century took part in fomenting revolutions and insurrections in Latin America Webster Third New International Dictionary

Page 5: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Bakit kaya El Filibusterismo ang napiling pamagat ng ating bayani?

• Taong kalaban ng mga prayle o ng relihiyong Katolika Romana

• (Ang Paghahari ng Kasakiman

• The Reign of Greed (El Filibusterismo)

Page 6: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Gamit ang KWL Chart ay itatala ng ng mga mag-aaral ang kanilang dating kaalaman tungkol sa nobela.

Page 7: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

TRANSFER GOALS

• Makapagsasagawa at makabubuo ng isang pagtatalo na kung saan mahahasa ang kanilang kakayahan sa pangangatwiran at pagbibigay-konteksto hinggil sa isang preposisyon.

Page 8: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Performance TaskGoal: Makikilahok ka sa isang debate hinggil sa sumusunod na preposisyon: HIGIT NA MASAMA ANG KALAGAYANG POLITIKAL, EKONOMIKAL AT PANLIPUNAN NG BANSA SA KAMAY NG MGA PILIPINO KAYSA SA PANAHONG SAKOP TAYO NG MGA DAYUHAN. Role: Ikaw ay miyembro ng Debate Team ng inyong paaralan na:• Tagasang-ayon sa isyung pinagtatalunan• Tagasalungat sa isyung pinagtatalunan• Tagalikom ng datos na magagamit na ebidensiya sa paksang

pinagtatalunan• Pinuno ng pangkat na sang-ayon o salungat• Tagapamagitan o moderator sa dalawang pangkat na

magtatalo.

Page 9: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

Audience: guro sa Filipino, mga kamag-aral bilang board of judges ng ANC Situation: Sinasabing ang kasaysayan ay paulit-ulit lamang at ang mga suliranin ng bansa ay gayundin. Dahil ditto, ang Kagawaran ng Filipino ay naglunsad ng isang debate o pagtatalo. Ang inyong pangkat ay napiling ilahok ng inyong paaralan para sa pagtatalong gaganapin sa awditoryum at dadaluhan ng mga kilalang hurado galling sa ANC. Naatasan kayong maging kinatawan ng affirmative ( o negative). Performance/Product: Maghahati ang klase sa tatlong pangkat. Magkakaroon ng palabunutan upang malaman ang pangkat na sang-ayon, salungat at hurado. Standard ang Criteria for Success: Ang inyong pagtatalo ay gagabayan ng mga pamantayan na nakasaad sa rubrik:

Page 10: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

RUBRIC SA PAGTATALO / DEBATE

PAMANTAYAN 1 2 3 4

Paggalang sa kalabang pangkat

Hindi nagpakita ng paggalang

Paminsan-minsan ay nagpapakita ng paggalang

Nagpakita ng paggalang

Nagpakita ng paggalang hanggang matapos ang pagtatalo

Pangagatwiran sa kalabang pangkat

Medyo magulo ang sinasabing pangangatwiran

Hindi masabi ng tuwiran ang pangangatwiran

Nasasabi ang pangangatwiran

Nasabi ng maayos ang pangangatwiran at nagpapakita ng tiwala sa sarili

Pagkakahanay ng mga ideya

Magulo ang pagkakahanay ng mga ideya

Hindi gaanong maayos ang pagkakahanay ng mga ideya

Maayos-ayos ang pagkakahanay ng mga ideya

Maayos at malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya

Estilo ng pananalita Walang kabuhay-buhay sa pagsasalita

Medyo mahina ang pagsasalita

Maayos ang pagsasalita

Buhay na buhay ang pananalita kaya nahikayat ang mga tagapakinig

Isyung pinagtalunan Hindi maipagtanggol ang isyung pinagtatalunan

Nalilihis sa isyung pinagtatalunan

Naunawaan ang isyung pinagtalunan

Alam na alam ang isyung pinagtatalunan

Page 11: Introduksyon Para Sa Unang Yunit Ng El Filibusterismo

TAKDANG ARALIN:

• Balikan ang buod ng Noli Me Tangere sa pamamagitan ng paghahanap ng sipi at pagbabasa.

• Maghanap ng sipi at basahin ang buod ng El Filibusterismo

• Ihambing ang mga tauhang buhat sa Noli na matatagpuan sa El FIli at tuntunin ang kanilang naging tungkulin sa bagong Nobela.

• Bakit inihandog ni Rizal sa Gomburza ang nobelang ito.• Anu-ano ang mga karanasan ni Rizal nang sulatin niya

ang nobela na nakaapekto sa nilalaman nito.