Upload
dyan-rioja
View
274
Download
16
Embed Size (px)
Citation preview
ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA IBA’T IBANG SANHI NG PAGKAKAROON NG BANGUNGOT NG TAO
Isang Pananaliksik na Iniharap kayPropesor Marcial R. Verocel
Kagawaran ng Filipino at PanitikanPamantasang De La Salle – Dasmariñas
Lungsod ng Dasmariñas, Cavite
Bilang Bahagi ng Pagtupadsa Pangangailangan para sa sabjek na
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik
Johann Dexter GloriosoWinchelle LoyolaMarilou Regulto
Jayryl RevilleChristine Dyan Rioja
Mayo 2010
2
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Pahinang Pamagat 1
Talaan ng Nilalaman 2
PANIMULA
Kaligiran ng Pag-aaral 4
Paglalahad ng Suliranin 8
Kahalagahan ng Pag-aaral 8
Saklaw at Limitasyon 9
Metodolohiya 9
Depinisyon ng mga Termino 11
DISKUSYON
Suliranin blg. 1 12
Suliranin blg. 2 15
Suliranin blg. 3 19
PANGWAKAS
Sintesis 21
Kongklusyon 22
Rekomendasyon 22
3
TALASANGGUNIAN 24
APENDIKS
Apendiks A 26
4
PANIMULA
Kaligiran ng Pag-aaral
Ang pagtulog ay isang estado o uri ng pagpapahinga na kung saan ang
kamalayan ng isang taong natutulog sa kanyang kapaligiran ay nababawasan.
Mahalaga ito dahil mekanismo ito ng katawan ng tao upang maisaayos muli ng
mga cells ang mga nasirang body tissues na maaaring naidulot ng mga
mabibigat na gawain sa pang-araw-araw. Ang bawat indibidwal ay may
kinakailangang sapat na tulog upang gumana ng maayos ang kanilang mga
katawan at pag-iisip. Ngunit minsan ay nagkakaroon ng mga problema ang isang
tao sa pagkamit niya ng isang mahimbing at kumpletong pagtulog. Isang
halimbawa na rito ay ang pagkakaroon ng mga panaginip.
Bahagi na ng pagtulog ang pagkakaroon ng panaginip. Ayon sa librong
Encyclopedia, ang panaginip ay isang uri ng mental na aktibidad na ang isang
indibidwal ay nagkakaroon ng mga biswal na imahe ng tao, lugar, bagay, mga
pangyayari, at iba pa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang panunuod ng
pelikula kung saan ang taong nananaginip ang direktor at ang sinehan ay ang
kanyang kaisipan. Ang panaginip ay katas ng pag-iisip at imahinasyon; habang
ang tao ay mahimbing na natutulog, ang kanyang utak ay siyang patuloy pa rin
sa pagtakbo at pagproseso ng mga ideya. Ang mga pangyayari sa isang
panaginip ay maaaring ikonsidera na isang kathang-isip lamang sapagkat
madalas ay hindi kapani-paniwala at pekulyar ang mga nangyayari dito. Ngunit
ayon sa mga riserts na isinagawa ng mga ilang kilalang tao sa larangang ito, ang
5
mga napapanaginipan ng tao ay base sa mga pangyayari sa kanyang pang-
araw-araw na buhay. Kasama na rito ang mga dati na niyang ginawa,
kasalukuyang nagawa, at nais pang gawin, mga taong nakilala at kilala na, at
mga pangyayari na maaaring nakaapekto sa kanya ng malaki sa mental man o
pisikal na aspeto. Mayroon ring iba’t-ibang uri ng panaginip na maaaring
maranasan ng isang tao sa kaganapan ng kanyang pagtulog, ito ay ang
daydreams, lucid dreams, recurring dreams, precognitive dreams, at nightmares
o bangungot (www.wikipedia.org/wiki/Nightmare).
Daydreams, ito ay ang mga panaginip na nararanasan ng isang tao
habang siya ay gising. Ang daydreams ay resulta ng imahinasyon ng tao kung
saan ay hinahayaan nila ang kanilang mga sarili na maglakbay dito. Kasabay na
rin nito ang panandaliang pagkawala nila sa kanilang mga sarili at ang pagbaba
ng kanilang kamalayan sa mga kasalukuyang nagaganap sa kapaligiran
(www.dreammoods.com/dreaminformation/dreamtypes/).
Lucid dreams, ito ay isang uri ng panaginip kung saan ay maaaring
makontrol ng isang tao ang kanyang panaginip. Sa lucid dream, ang tao ang
direktang nagkokontrol sa mga mangyayari sa kanyang napapanaginipan na
nagreresulta sa isang kaaya-ayang panaginip. Sa uri ng panaginip na ito, alam
niya na ang mga nangyayari ay hindi totoo at siya’y nananaginip lamang.
Mayroon rin silang kakayahan na gisingin ang kanilang mga sarili sa estado ng
pagkakatulog kung kailan man nila naiisin
(www.dreammoods.com/dreaminformation/dreamtypes/).
6
Recurring dreams, ito ay ang pagkakaroon ng paulit-ulit na panaginip na
nagkakaroon ng kakaunting baryasyon sa istorya o tema sa tuwing ang tao ay
mananaginip muli. Ang mga panaginip na ito ay minsan na ring naihahalintulad
sa isang bangungot dahil nakagagambala rin ito (
www.hubpages.com/hub/types-of-dreams).
Precognitive dreams, ito ay ang mga panaginip na tila ay nagpapakita o
nagpapahiwatig ng mga maaaring mangyari sa hinaharap. Sinasabing ang
precognitive dreams ay katambal ng déjà vu na kung saan ay parang naranasan
na ng isang tao ang mga pangyayaring nagaganap pa lamang (www.types-of-
dreams.net/).
At ang panghuli naman ay ang nightmares o bangungot. Ito ay ang
pagkakaroon ng mga nakatatakot at nakagagambalang mga panaginip. Ang
kadalasang napapanaginipan ng isang tao dito ay mga sitwasyon kung saan ay
nahaharap siya sa mga panganib at problema na tila ay di niya maiwasan o
matakasan. Ang mga taong nakararanas ng bangungot ay madalas na
nagigising sa kalagitnaan ng kanilang pagtulog. Sila rin ay nagpapakita ng mga
senyales ng pagkapagod, paghingal o kahirapan sa paghinga, pagpapawis, at
pagkatakot. Pagkatapos ng pagkakaroon ng isang bangungot, nahihirapan na
muling bumalik sa pagtulog ang isang tao sa kadahilanan na naapektuhan siya
ng husto ng kanyang masamang panaginip (www.types-of-dreams.net/).
Ang bangungot ay isang parasomnia, ito ay mga hindi kaaya-ayang
pangyayari sa kaganapan ng pagtulog ng tao. Ngunit papaano nga ba
7
malalaman kung ang isang tao ay binabangungot na? Ilan sa mga sintomas nito
ay ang biglaang pagkagising mula sa pagkakaroon ng panaginip, pagkaramdam
ng takot, lungkot, o pagkabagabag, malinaw at natatandaan pa ang panaginip sa
paggising, nahihirapang matulog muli dahil sa napanaginipan, at nagaganap ang
panaginip kapag malapit nang magising. Kapag nararanasan na ang mga ito,
nararapat lamang na magpakonsulta o magpatingin na sa isang doktor upang
malaman ang mga kadahilanan sa pagkakaroon ng bangungot. Ngunit kahit sa
kanilang mga sarili lamang ay maaari na nilang malaman kung anu-ano ang mga
nagdudulot sa isang bangungot
(www.talkaboutsleep.com/sleep-disorders/archives/parasomnias_intro.htm).
Ang pagkakaroon ng bangungot ay kadalasang nagaganap sa tagal ng
rapid-eye-movement (REM) sleep. Ang rapid-eye-movement ay ang mabilis na
paggalaw ng mga mata ng tao na kasabay rin ng pagbilis at pagtaas ng kanilang
metabolismo at pulso. Nagkakaroon rin ng inboluntaryong paggalaw sa kanilang
mga daliri sa paa at maging sa kanilang mga kamay. Sa durasyon ng REM, ang
malaking bahagi ng voluntary muscles ng tao ay pawang napaparalisa, habang
ang utak naman nila ay mas lalong nagiging aktibo na nagreresulta nga sa
pagkakaroon ng mga bangungot (www.happynews.com/living/sleep/rem-
sleep.htm).
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang matuklasan ang iba’t
ibang sanhi ng pagkakaroon ng bangungot ng isang tao at kung anu-ano ang
mga epekto nito sa kalusugan at pag-iisip nila. Kasama na rin dito ang pag-alam
sa mga lunas at paraan upang maiwasan ng isang indibidwal na magkaroon nito.
8
Paglalahad ng Suliranin
Ang pangkalahatang layunin ng riserts na ito ay masusing mapag-aralan
ang mga sanhi at bunga ng pagkakaroon ng bangungot. Pinipilit nitong talakayin
ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano ang bangungot at kaligiran nito?
2. Ano ang mga sanhi at bunga ng bangungot?
3. Ano ang mga paraan upang maiwasan ang bangungot?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga tao na maaaring makinabang sa pag-aaral na ito ay ang mga
sumusunod:
Mga taong nakakaranas ng bangungot. Ang pag-aaral na ito ay
makatutulong sa kanila upang malaman nila ang mga sanhi at bunga ng
pagkakaroon ng bangungot at malunasan ito.
Mga taong istres sa trabaho. Ang mga istres na nakukuha mula sa
trabaho ay nakaaapekto ng malaki sa pagkakaroon ng bangungot. Sa tulong ng
pag-aaral na ito, matutunan ng isang tao kung papaano niya maiiwasan ang
sobrang istres na dulot ng pagtratrabaho.
Mga taong may dinadalang mabigat na problema. Ang mga problemang
nararanasan ng tao sa pang araw-araw na buhay tulad ng mga problemang pang
9
ekonomiya at relasyon sa pamilya at sa kapwa ay isa rin sa mga aspeto o
dahilan kung bakit nagkakaroon at nararanasan ang bangungot.
Mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring
makatulong at makapagbigay ng mga karagdagang impormasyon sa kanilang
gagawing pag-aaral tungkol dito.
Saklaw at Limitasyon
Sakop ng pag-aaral na ito ang mga sanhi at bunga ng pagkakaroon ng
bangungot. Tinalakay sa pananaliksik na ito ang mga negatibong epekto na
maidudulot ng bangungot sa kalusugan at pag-uugali ng isang tao. Tinalakay
rin ang iba’t ibang pamamaraan upang maiwasan at mapigilan ito.
Nakapangalap ang grupo ng tatlumpung (30) respondents na
kinalalahukan ng mga nagtatrabaho at mga estudyante. Ang grupo ng mga
respondents na ito ang napili sa kadahilanang sila ang madalas na
nakararanas ng istres at mga problema sa pang-araw-araw na maaaring
maging sanhi ng pagkakaroon ng bangungot.
Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan sa pag-
aaral na ito. Pinili ng grupo na magsagawa ng sarbey o talatanungan upang
mapabils ang pagpapangalap ng datos at malaman kung anu-ano ang mga
pananaw ng tao pagdating sa bangungot at kung sila’y nakararanas nito. Ang
sarbey ay isinagawa sa mga estudyante sa antas ng kolehiyo at sa mga
10
nagtratrabaho. Ito ay kinalahukan ng labinlimang (15) estudyante at labinlimang
(15) trabahador. Ang napiling lugar na pinagsagawaan ng sarbey ay sa Asian
Institute of Computer Studies-Bacoor branch kung saan ay kinalakuhan ito ng
anim (6) na mga guro, laboratory custodian, receptionist, at administrator . Ang
ilang mga respondent naman ay nagmula sa bukirin sa lugar ng Batangas, ang
isa ay inhinyero na nagmula sa Makati, at ang isa ay housewife na naninirahan
sa GMA. Habang ang natitirang anim naman ay mga trabahador na nagmula sa
Unibersidad ng De La Salle-Dasmariñas. Sa kabilang dako naman ay ang mga
estudyante na galing rin sa Unibersidad ng DLSU-D.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng dokumentong pag-aanalisa na
isinagawa sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga datos na nagmula sa
mga libro, magasin, at internet. Sa pagtatala ng mga impormasyon tungkol sa
pagkakaroon ng bangungot, maiiwasan na maranasan ito at maipapaliwanag
rin ang posibleng mga sanhi at bunga nito.
11
Depinisyon ng mga Termino
Daymare. Isang daydream na nakakatakot at nagiging bangungot. Ito’y
bihira lamang mangyari.
D-nightmare. Ito ay isang uri bangungot na nagmumula sa D-sleep o
dreaming desynchronized sleep.
Dream anxiety attack. Ito ay katulad din ng bangungot.
Hypnagogic attack. Inboluntaryong paggalaw ng mga muscles ng tao
habang sila’y natutulog.
Hypnagogic nightmare. Isang uri ng bangungot na mararanasan kaagad-
agad sa oras na makatulog ang isang tao.
Incubus attack. Isang nakakatakot na kathang-isip na nilalang na animo’y
umuupo sa taong natutulog.
Nightmare. Isang mahaba at nakakatakot na panaginip na
nakapagpapagising sa isang tao sa labas ng D-sleep.
Night Terror. Biglaang pagpukaw mula sa slow wave sleep na may kaunti
o walang paggunita sa napanaginipan.
NREM sleep. Hindi mabilis na paggalaw ng mata.
REM nightmare. Bangungot na nanggagaling sa durasyon ng rapid eye
movement.
12
Sleepwalking. Paggalaw ng katawan, pagbangon sa kama, at paglalakad
habang natutulog.
Traumatic nightmare. Isang nakakatakot na panaginip na gumugunita sa
isang traumatic event na naranasan ng isang indibidwal.
(http://www.sleepeducation.com/Disorder.aspx?id=37)
13
DISKUSYON
Sa pamamagitan ng isinagawang sarbey, ang mga mananaliksik ay
nakapangalap ng mga sapat datos at impormasyon na nakatulong sa pagsagot
ng mga suliranin ng pag-aaral na ito.
Suliranin blg. 1: Ano ang bangungot at kaligiran nito?
Base sa isinagawang pagsisiyasat ng grupo, ang bangungot ay isang uri
ng panaginip na nakakatakot. Maaari rin itong makaapekto ng malaki sa isang
indibidwal dahil sa magiging sagabal ito sa pagtulog nito. Ayon kay Mr. Jovito
Santos, pinuno ng Departamento ng Sikolohiya, na mula sa College of Liberal
Arts ng Unibersidad ng De La Salle-Dasmariñas ang bangungot ay isang
panaginip na maaaring ikasanhi ng pagkamatay ng isang tao kapag mayroon
siyang kumplikasyon sa kalusugan tulad na lang ng sakit sa puso. Ang pagkain
ng sobra sa gabi at agad-agarang pagtulog ay maaaring maging sanhi ng
pagkamatay ng dahil sa atake sa puso sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
bangungot. Ang sobrang stress naman na nararanasan sa pang araw-araw ay
isa rin sa dahilan ng pagkakaroon ng bangungot.
14
Pigura 1. Gulang at Porsyento ng mga Estudyanteng nakararanas ng bangungot.
Ipinapakita sa Pigura 1 na sa labinlimang (15) estudyanteng
nakapanayam ng mga mananaliksik, isa o anim na porsyento (6%) sa mga ito
ang nagsasabing hindi siya nakararanas ng bangungot, samantalang isa o pitong
porsyento (7%) naman ang nagsabing madalas siyang nakararanas ng
bangungot. Sa kabilang banda, mayroong labingtatlo (13) o walumpu’t pito (87%)
na respondent ang nagsabing sila ay nakararanas ng paminsan-minsang
pagkabangungot.
Mula sa sarbey na ito, lumalabas na kakaunti lamang sa mga estudyante
ang nakararanas ng bangungot at marami naman ang paminsan-minsanang
nakararanas nito.
15
Pigura 2. Gulang at Porsyento ng mga Empleyadong nakararanas ng bangungot.
Ipinapakita sa Pigura 2 na sa labinlimang (15) empleyadong
nakapanayam ng mga mananaliksik, isa o pitong porsyento (7%) sa mga ito ang
nagsasabing hindi siya nakararanas ng bangungot; samantalang anim (6) o
apatnapung porsyento (40%) naman ang nagsabing madalas silang nakararanas
ng bangungot. Sa kabilang banda, mayroong walo (8) o limampu’t tatlo (53%) na
respondent ang nagsabing sila ay nakararanas ng minsanang pagkabangungot.
Sa makatuwid, ang bilang ng mga empleyadong madalas na nakararanas
ng bangungot ay mas mataas kung ikukumpara sa porsyento ng mga
estudyanteng nakararanas rin nito.
16
Suliranin blg. 2: Ano ang mga sanhi at bunga ng bangungot?
Maraming mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng bangungot ang isang tao. Isa
na rito ay ang pagkakaroon ng mga problema na hindi agad-agad nabibigyan ng
solusyon. Ang mga problemang ito ay napupunta sa ating subconscious na
estado ng pag-iisip na tinatawag na nating panaginip. Mawawala lamang ang
mga bangungot sa oras na maayos na at mabigyan na ng lunas ang mga
problemang kinakaharap. Maari din naman na ang pagkakaroon ng bangungot
ay senyales na tayo ay may problema sa ating kalusugan nang hindi natin
nalalaman. Ang subconscious na pag-iisip ang gumagawa ng paraan upang
ipaalam na tayo ay may sakit at kinakailangan na itong bigyan pansin bago pa
man ito lumala. Minsan, maari ring dulot ito ng istres na nararanasan natin sa
pang araw-araw.
Pigura 3. Kabatiran ng mga Estudyante sa mga sanhi ng bangungot.
17
Ipinapakita sa Pigura 3 na sa labinlimang (15) estudyanteng
nakapanayam ng mga mananaliksik, Labing-isa (11) o dalawampu’t pito (27%)
sa mga ito ang nagsasabing sila'y may kaalaman sa mga sanhi ng pagkakaroon
ng bangungot. Samantalang apat (4) o pitumpu’t tatlong porsyento (73%) naman
ang nagsasabing wala silang kaalaman sa mga sanhi ng bangungot.
Mapapansin na marami sa mga respondent mula sa mga estudyante ay mas
may kaalaman sa mga sanhi ng pagkabangungot.
Pigura 4. Kabatiran ng mga Empleyado sa mga sanhi ng bangungot.
Ipinapakita sa Pigura 4 na sa labinlimang (15) estudyanteng
nakapanayam ng mga mananaliksik, labingtatlo (13) o labingtatlong porsyento
(13%) sa mga ito ang nagsasabing sila'y may kaalaman sa mga sanhi ng
bangungot. Samantalang dalawa (2) naman o walumpu’t tatlong porsyento (87%)
ang nagsasabing wala silang kaalaman dito. Mapapansin na marami sa mga
18
respondent mula sa mga empleyado ang may kaalaman sa sanhi ng
pagkabangungot.
Pigura 5. Tugon ng mga Estudyante kung nakaaapekto ang bangungot sa kanilang pang-
araw-araw na gawain.
Ipinapakita sa Pigura 5 na sa labinlimang (15) estudyanteng
nakapanayam ng mga mananaliksik, apat (4) sa mga ito o dalawampu’t pitong
porsyento (27%) ang nagsasabing ang pagkakaroon ng bangungot ay
nakaaapekto sa kanilang pang araw-araw na gawain at maging sa kanilang
pakikisalamuha sa iba. Samantalang labing-isa (11) naman o pitumpu’t tatlong
porsyento (73%) ang nagsabing hindi nakaaapekto ang bangungot sakanila.
Masasabi dito na sa isang kaapat ng mga respondent na estudyante ay
naniniwalang nakaaapekto sa kanilang pang araw-araw na gawain ang
bangungot.
19
Pigura 6. Tugon ng mga Empleyado kung nakaaapekto ang bangungot sa kanilang pang-
araw-araw na gawain.
Ipinapakita naman sa Pigura 6 na sa labinlimang (15) empleyadong
nakapanayam ng mga mananaliksik, apat (4) sa mga ito o dalawampu’t pitong
porsyento (27%) ang nagsasabing nakaaapekto sa kanilang pang araw-araw na
gawain at maging sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Samantalang labing-isa
(11) naman o pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ang nagsasabing hindi
nakaaapekto ang bangungot ang bangungot sakanila.
Mapapansin na magkapareho ang resulta ng mga bilang ng mga
estudyante at mga empleyado sa isinagawang sarbey. Masasabi dito na pareho
ang kanilang mga pananaw ukol sa nabanggit na katanungan.
20
Suliranin blg. 3: Ano ang mga paraan upang maiwasan ang bangungot?
Pigura 7. Kaapektibuhan ng hindi pagtulog ng busog at panunuod ng mga nakakatakot na
palabas upang maiwasan ang bangungot sa mga Estudyante.
Ipinapakita sa Pigura 7 na sa labinlimang (15) estudyanteng
nakapanayam ng mga mananaliksik, pito (7) sa mga ito o apatnapu’t pitong
porsyento (47%) ang nagsasabing epektibo na hindi matulog nang busog at
manood ng mga nakakatakot na palabas. Samantalang walo (8) naman o
limampu’t tatlong porsyento (53%) ang nagsasabing hindi epektibo ang hindi
pagtulog ng busog at panunuod ng mga nakatatakot na palabas upang
maiwasan ang pagkakaroon ng bangungot.
Pigura 8. Kaapektibuhan ng hindi pagtulog ng busog at panunuod ng mga nakakatakot na
palabas upang maiwasan ang bangungot sa mga Empleyado.
21
Ipinapakita sa Pigura 8 na sa labinlimang (15) empleyadong
nakapanayam ng mga mananaliksik, sampu (10) sa mga ito o animnapu’t pitong
porsyento (67%) ang nagsasabing epektibo na hindi matulog ng busog at
manuod ng mga nakakatakot na palabas. Samantalang lima (5) naman o
tatlumpu’t tatlong porsyento (33%) ang nagsasabing hindi epektibo na hindi
matulog ng busog at hindi manuod ng mga nakakatakot na palabas upang
maiwasan ang pagkakaroon ng bangungot.
PANGWAKAS
Sintesis
22
Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay-diin sa iba't ibang sanhi at bunga ng
pagkakaroon ng bangungot ng isang tao. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito ang
kaalaman ng mga tao ukol sa mga sanhi nito, mga negatibong epekto, at iba't
ibang pamamaraan upang mapigilan at maiwasan ito. Ginamit ng mga
mananaliksik ang pamamaraang paglalarawan o deskriptiv na gumagamit ng
talatanungan na ipinasagot sa tatlumpung (30) katao na binubuo ng mga
estudyante at mga nagtratrabaho.
Ang mga sumusunod ay natuklasan:
1. Maraming maaaring sanhi ng pagkakaroon ng bangungot ng isang tao
katulad ng sobrang istres at mga problemang nararanasan, pag tulog agad
pagkatapos kumain, at pagkakaroon ng karamdaman.
2. Masama ang agad-agarang pagtulog kung kakatapos pa lamang
kumain ng isang tao.
3. Hindi maiiwasan ang bangungot dahil normal lamang sa isang tao ang
magkaroon ng masamang panaginip. Ang mas nakakatakot ay ang night scare.
Ito ay bunga ng traumatic experiences ng isang tao.
3. Mahirap iwasan ang bangungot sapagkat ito ay bahagi ng
subconscious na nangyayari habang natutulog ang isang tao. Kailangan lamang
ay maging kalmado lang para makabalik sa mababaw na pagtulog.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang ibahagi ang kaalaman at
magkaroon ng kapakinabangan sa mga mambabasa na ang pagkabangungot ay
hindi nakamamatay. Ito ay maaring maging sanhi ng pagkamatay kung ang isang
tao ay walang disiplina sa sarili. Sapagkat kung ang isang tao ay mayroong
23
kaalaman sa kanyang kalusugan kung paano niya ito alagaan hindi makararanas
ng pagkabangungot ang isang tao. Bagaman bahagi na ng buhay ng isang tao
ang makaranas ng bangungot at ito aysubconscious na nangyayari habang natu-
tulog ang isang tao dahilan ng mga pangyayari na naganap sa kanyang buhay
sa buong maghapon. Ang kailangan lamang ay ang karagdagang kaalaman up-
ang makaiwas sa ganitong karanasan kailangan ng isang tao na magpahinga
muna pagkatapos kumain bago isagawa ang pagpapahinga o pagtulog sapagkat
bumabagal ang metabolismo ng tao at ito ay hindi na aktibo na nagiging sanhi ng
kumplikasyon o sakit tulad ng sakit sa puso at iba pa na maaring ikamatay ng
isang tao. Layunin din ng pananaliksik na ito na bigyan ng kalinawan ang tao na
sa mga napapanood o naririnig na mga kwento, sabi-sabi na kaya binabangun-
got ang isang tao ay dahil sa mayroong dumadagan na matabang babae sa tiyan
na bahagi ng katawan ng tao. Ito ay walang katotohanan sapagkat ang pagka-
bangungot ay nararanasan ng tao sa kadahilanang : sobrang pagod, problema
sa pamilya, pag-iisip sa mga bagay –bagay o personal na buhay at trabaho. Ang
huling layunin ng pananaliksik na ito ay magkaroon ng katotohanang lahat ng
nakalap na datos ng mga mananaliksik at upang ipaalam sa tao, mga mam-
babasa at magsasagawa pa ng pananaliksik na lahat ng tao ay nakakaranas ng
pagkabangungot.
Ang kahalagahang maiiwan ng mga nagsaliksik ay upang ipaalam sa
mga magsasagawa pa ng pananaliksik at mga mambabasa na huwag lamang
mabasa ang aming ginawang riserts na pinamagatang “Sanhi at Bunga ng Pagk-
abangungot” na aming isinagawa, bagkus ito ay kailangang isapamuhay upang
24
hindi makaranas at mahantong pa sa kamatayan ng isang tao sanhi ng bangun-
got.
Kongklusyon
Batay sa riserts na isinagawa, ang mga mananaliksik ay nakapagtala ng
mga sumusunod na kongklusyon:
1. Ang bangungot ay hindi nakamamatay. Nagiging sanhi lamang ito ng
kamatayan kapag ang tao ay may kumplikasyon o sakit tulad ng sakit sa puso at
iba pa.
2. Isang sanhi ng pagkamatay ng tao dahil sa pagkakaroon ng bangungot
ay pagkain ng sobra at agarang pagtulog. Napatunayan na ito ay nagdudulot ng
bangungot dahil ang kinain ng isang tao ay aakyat sa daanan ng pagkain na
siyang sanhi ng hindi paghinga at pagkamatay. Ito rin ay dahil sa mabagal na
pagtunaw ng pagkain o metabolismo ng tao sa gabi dahil hindi na sila
masyadong aktibo.
3. Ang pinakanakakatakot na uri ng bangungot ay ang tinatawag na night
scare. Nakakatakot ito dahil ito ay galing sa masamang karanasan ng isang tao
at lagi itong nagugunita sa isipan na nagiging dahilan ng pagkabangungot.
Rekomendasyon
Mula sa nabuong kongklusyon, ang mga sumusunod ay ang mga
rekomendasyon:
25
1. Ang pagkabangungot ay maiiwasan kung ang sarili ng isang tao ay
inilalagay sa mas maayos na kondisyon ng pag-iisip at pangangatawan.
2. Ang tao ay dapat magkaroon ng disiplina sa sarili upang maiwasan ang
pagkakaroon ng bangungot. Ang mga sanhi ng bangungot ay masasabing
bahagi na ng buhay ng isang tao. Ngunit hanggat maaari ay iwasan ang mga ito
upang walang anuman o sinuman ang maapektuhan nito.
3. Ang pag-aaral na ito ay maaaring pagyamanin pa. Para sa mga
susunod na mananaliksik, maaari silang gumawa ng isang case study na mga
piling matatanda. Sa ganitong paraan, maaaring masubaybayan ang kalidad ng
kanilang pagtulog at ang paraan ng pamumuhay nila na nakaaapekto dito.
Magiging mas detalyado ang pag-aaral sapagkat makikita ng mga mananaliksik
ang mga salik na nagiging sanhi at maaaring bunga pa ng pagkabangungot.
TALASANGGUNIAN
26
Dreammoods.(n.d).Nighmares. Nakuha mula sa
http://www.dreammoods.com/dreaminformation/dreamtypes/nightmares.ht
m
FilipinaSoul.(2008).Bangungot.Nakuhamulasahttp://www.filipinasoul.com/
2008/07/bangungot/
Hanson, Rachel. (n.d.). Types of Nightmares. Nakuha mula sa
http://sleep.lovetoknow.com/Types_of_Nightmares
Health Central. (n.d.). Chronic Nightmare. Nakuha mula sa
http://www.healthcentral.com/sleep-disorders/c/178743/48656/chronic
Jirage, Reshma. (n.d.). Types of Nightmares. Nakuha mula sa
http://www.buzzle.com/articles/types-of-nightmares.html
Macalester.edu. (n.d.). Drug Induced Nightmares. Nakuha mula sa
http://www.macalester.edu/psychology/whathap/UBNRP/nightmares/Rdru
g.htm
Macalester.edu. (n.d.). Post Traumatic Nightmares. Nakuha mula sa
http://www.macalester.edu/psychology/whathap/UBNRP/nightmares/Rptn.
htm
MayoClinic.com.(2009). Lifestyle and home remedies. Nakuha mula sa
http://www.mayoclinic.com/health/nightmares/DS01010/DSECTION=lifest
yle-and-home-remedies
27
Paralumun. (n.d.). Nightmares. Nakuha mula sa
http://www.paralumun.com/nightmares.htm
Sleep education.com. (n.d.). Nightmares. Nakuha mula sa
http://www.sleepeducation.com/Disorder.aspx?id=37
Wikipedia. (2010). Nightmare. Nakuha mula sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Nightmare
Wikipedia. (2010). Sleep. Nakuha mula sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Sleep#Stages_of_sleep
28
APENDIKS
Ang sarbey ay kinapapalooban ng mga tanong na: “Ano ang huli mong
iniisip bago ka matulog?”, “Ikaw ba ay nakararanas ng bangungot?”, “Gaano
kadalas ang nararanasan mong bangungot?”, “May kaalaman ka ba sa mga
sanhi ng pagkakaroon ng bangungot?”, “Nakaaapekto ba ito sa pang araw-araw
mong gawain at sa pakikisalamuha mo sa ibang tao?”, “Ano ang mga ginagawa
mo upang hindi mo na muli itong maranasan?”, “Higit sa lahat, epektibo ba na
hindi matulog ng busog bago matulog at manood ng mga nakakatakot na
palabas upang maiwasan ang pagkakaroon ng bangungot?"
Talatanungan na Ginamit sa Sarbey
ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA IBA’T IBANG SANHI AT BUNGA NG PAGKAKAROON NG BANGUNGOT NG TAO
Unibersidad ng De La Salle – DasmariñasLungsod ng Dasmariñas, Cavite
Magandang araw po. Kami ay isang grupo ng mananaliksik mula sa Unibersidad ng De La Salle – Dasmarinas na nagsasagawa ng isang sarbey para sa aming pananaliksik sa paksang “Iba’t ibang Sanhi at Bunga ng Pagkabangungot”. Hinihiling po namin ang inyong kooperasyon at matapat na pagsagot ng talatanungan na ito. Maraming salamat po!
Pangalan:________________________________________
Employee Estudyante
29
Company Address:________________________________________________________
School Address:_________________________________________________________
Ano ang huli mong iniisip bago ka matulog?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Ikaw ba ay nakakaranas ng Bangungot? Gaano kadalas ang nararanasan mong Bangungot?
Oo, madalas
Oo, Paminsan – minsanp
Hindi
May kaalaman ka ba sa mga sanhi ng Pagkabangungot?
OO WALA
Kung oo, anu-ano ang mga ito?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Nakakaapekto ba ito sa pang araw-araw mong gawain at sa pakikisalamuha mo sa ibang tao?
OO HINDI
30
Ano ang mga ginagawa mo upang hindi mo na muli itong maranasan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Higit sa lahat, epektibo ba na hindi matulog ng busog bago matulog, at manood ng mga nakakatakot na palabas upang maiwasan ang pagkakaroon ng bangungot?
OO HINDI