Upload
others
View
33
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
74 L i a h o n a
MG
A BATA
Mula sa interbyu ni Amie Jane Leavitt
Nakatira si Bárbara sa Chile, isang bansa sa
kanluraning baybayin ng South America. Ito ay mahaba at makitid at korteng laso. Ang ilang lugar ay mainit at tuyo (tulad ng Atacama Desert), at ang ilan ay maa-linsangan at basa (tulad ng Easter Island). Nakatira siya sa kabisera ng Chile, ang Santiago. ◼Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Ako si Bárbara na M G A K A I B I G A N S A I B A ’ T I B A N G P A N I G N G M U N D O
KANA
N: L
ARAW
AN N
G B
AG N
A ID
INRO
WIN
G N
I THO
MAS
S. C
HILD
HANDA NANG UMALIS!Ang bag ni Bárbara ay punung- puno ng ilan sa mga paborito niyang bagay. Alin sa mga bagay na ito ang ilalagay ninyo sa inyong bag?
TEMPLO’Y IBIG MAKITAAng Santiago Chile Temple ang unang templong itinayo sa isang bansang Espanyol ang salita. Inilaan ito noong Set-yembre 15, 1983. Iyon ang pangalawang templong itinayo sa South America.
Ako ay siyam na taong gulang at may dalawang nakababatang kapatid na lalaki. Sinisikap kong maging mabait na ate at tumutulong sa pag- aalaga sa kanila at nakikipaglaro sa kanila. Mahilig akong mag- alaga ng mga bata. Gusto kong maging guro paglaki ko.
May espesyal na pagkain kami tuwing Pasko— kamatis na pinalamanan ng tuna. Sa Chile, duma-rating si Santa Claus nang eksaktong hatinggabi sa Bisperas ng Pasko. Hindi kami natutulog hangga’t hindi siya dumarating!
Tuwing katapusan ng linggo, gustung- gusto ng pamilya ko na
mag- hiking at magmaneho ng four- wheeler sa kabundukan ma-lapit sa bahay namin. Mahilig din
kaming pumunta sa beach.
¡Hola, amigos!*
mula sa
Ako lang ang miyembro ng Simbahan sa klase ko sa paaralan. Binibigyan ako nito ng pagkakata-ong magkuwento sa mga kaibigan ko tungkol kay Jesucristo at sa Aklat ni Mormon. Minsan hiniling sa akin ng matalik kong kaibigan na turuan ko siyang magdasal. Ginawa ko nga iyon. Pagkatapos ay pareho kaming nagdasal nang magtanghalian kami sa paaralan.
Noong 2013 nagwalong taong gulang ako at bininyagan at kinumpirma ng tatay
ko. Tuwang- tuwa ako! Hindi ko ma-lilimutan ang espesyal na karana-
sang iyon.
Ipinagdiriwang namin ang masasa-yang pista- opisyal sa Chile. Ika- 18 ng Setyembre ang Independence Day, at ika- 19 naman ang Armed Forces Day. Sa dalawang araw na ito, sinasayaw namin ang aming pambansang sayaw na tinatawag na “La Cueca” at kumakain ng masasarap na pag-kain na tinawag na empanadas.
Chile * “Hello, mga kaibigan!” sa wikang Espanyol