29
Pag-aagawang Tsina at Pilipinas sa Scarborough Shoal Kinakasa na ang isa pang worldwide protest ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ito ay ang pag-aagaw NG Tsina sa Scarborough Shoal mula sa Teritoryo ng Pilipinas. Ang Scarborough Shoal ay isang maliit na pulo lamang na may tinatagong yaman sa ilalim nito. Alam na man nating lahat na ang Scarborough Shoal ay matag ng nasa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas at nararapat lang talagang mapasakamay ng Pilipinas. Maraming patunay na ang nasabing pulo ay nasa ating teritoryo, tulad nalang ng mga mapang nailathala ng Spain at United States noong 18 th & 20 th Centuries na nagpapakitang ito ay sakop ng bansang Pilipinas. Kung titignan lang din natin, ang pulong ito ay sobrang lapit sa ating bansa na siyang malayo sa Tsina. Sa aking opinyon, dahil sa pag-aagawang ito, ito ay magdudulot ng maraming negatibong epekto sa Pilipinas. Marahil ang tsina ay ititgil na ang pag susuplay nila ng produkto na pwedeng maibenta ditto sa Pilipinas. Isa narin ito sa magiging dahilan ng unti-unting pagbagsak ntg ekonomiya n gating bansa. Hindi na rin nila hahayaang pumasok ang mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina. Jysette Ann Mari E. Balbutin IV-Pere Louis Chauvet

IV-PLC Assignment 1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sample assignment

Citation preview

  • Pag-aagawang Tsina at Pilipinas sa Scarborough ShoalKinakasa na ang isa pang worldwide protest ng mga Pilipino sa ibat ibang bahagi ng mundo. Ito ay ang pag-aagaw NG Tsina sa Scarborough Shoal mula sa Teritoryo ng Pilipinas. Ang Scarborough Shoal ay isang maliit na pulo lamang na may tinatagong yaman sa ilalim nito. Alam na man nating lahat na ang Scarborough Shoal ay matag ng nasa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas at nararapat lang talagang mapasakamay ng Pilipinas. Maraming patunay na ang nasabing pulo ay nasa ating teritoryo, tulad nalang ng mga mapang nailathala ng Spain at United States noong 18th & 20th Centuries na nagpapakitang ito ay sakop ng bansang Pilipinas. Kung titignan lang din natin, ang pulong ito ay sobrang lapit sa ating bansa na siyang malayo sa Tsina. Sa aking opinyon, dahil sa pag-aagawang ito, ito ay magdudulot ng maraming negatibong epekto sa Pilipinas. Marahil ang tsina ay ititgil na ang pag susuplay nila ng produkto na pwedeng maibenta ditto sa Pilipinas. Isa narin ito sa magiging dahilan ng unti-unting pagbagsak ntg ekonomiya n gating bansa. Hindi na rin nila hahayaang pumasok ang mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina. Jysette Ann Mari E. BalbutinIV-Pere Louis Chauvet

  • Adrianne Samantha T. AbreaIV Pere Louis ChauvetTakdang-Aralin: Aralin PanlipunanAng Scarborough Shoal ay isang maliit na isla na matatagpuan sa Macclesfield Bank at Luzon Island ng Pilipinas sa Timog China Sea. At sa mga balita ngayon dalawang lugar ang nag-aagaw nito, ito ay ang China at ang Pilipinas. Sabi nila ang China daw ang unang naka tuklas ng Scarborough Shoal at mayroon na daw nangyari na pangingisda doon. Inaangkin din ng Pilipinas na noon sa panahon ng mga Espanol ginagamit na daw ito ng mga Filipino ang pangangaisda at ginagawa nila silungan ito kapag may masamang panahon.Sa problemang ito ang opiniyon ko lang ay sana mag-usap ng maayos ang Pilipinas at China. Dahil mahirap na kasi kung ilagay pa nila ito sa away, at alam naman natin na maraming armas ang mga taga-China at mas malaki ang populasyon nila, at tayo naman mga Filipino ay kulang sa mga kagamitan at maliit lang an gating populasyon.Wag na natin ito ilagay sa away, pwede naman siguro nating hatiin ang lupa nito, dahil nasa gitna naman ito ng China at Pilipinas. At para sa akin kapag maglalaban ang China at Pilipinas hihina ang ekonomiya ng Pilipinas, dahil doon naka depende ang iba nating produkto. Kahit ano man ang mangyari sa China at Pilipinas, lahat ng ito ay may dahilan.

  • Eunice Theresa L. GoIV Pere Louis ChauvetAgawanMainit sa mga pahayagan ngayon ang isyu tungkol sa Huangyan Island na mas kilala natin sa tawag na Scarborough Shoal. Ayon dito, nag-aagawan ang dalawang panig ng bansa tungkol sa karapatan ng pagmamay-ari ng nasabing isla. Dahil sa kinalalagyang magandang heograpiya, mainam ito na mapagkunan ng mga pagkaing-dagat. Maaari rin itong gawing base militar ng mga hukbong pandagat. Kaya naman, mainit na pinagtatalunan ng Tsina at Pilipinas kung kanino mapupunta ang Scarborough shoal.Giit ng panig ng Tsina, noon pa mang Yuan Dynasty ay nagsimula ng mapakinabangan ng mga Tsinoy ang islang ito sa kanilang ekonomiya. Naka-ayon ito sa kanilang tinawag na Measurement of the Four Seas at saklaw ng Timog Dagat Tsina ang nasabing isla. Para sa akin, mas kailangan pa rin nila ng dagdag na ebidensya dahil hindi ibig sabihin na nasa ibaba ng kanilang bansa ay kanila na. Pinapanalangin nalang ng karamihan na sana ay matapos na ito at magparaya na ang mga Intsik. Kung paano naman pinatunayan ng Pinas, nakasulat sa kasaysayan ang lahat ng proeba at tanggap ito ng Amerika at Espanya na pag-aari ito ng Pilipinas ayon na rin sa mga kasunduang nilagdaan noon. Meron na ring usap-usapan sa internet na baka posibleng magkaroon ng digmaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas dahil sa pag-aagawan nito. Hindi lang nangangalahati ang ating hukbo at armas kung ikukumpara sa kanila at paniguradong talo tayo kung magkakaroon man. Kung tayo naman ang magpaparaya at magpapakumbaba, paano na tayo? Mauulit na naman ang nangyari gaya ng sa Spratly Islands? Ang kasagutan ay nasa kamay ng Diyos.

  • Ang pag-aagawan sa Scarborough shoal ay nagpapakita lamang na mas umiinit na ang tensyon sa dalawang bansa at ito ay ang Pilipinas at ang Tsina. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina. Nagsimula ang pinakahuling alitan ng China at Pilipinas noong Abril 10 kung kailan tinangka ng mga tauhan Philippine Navy na huliin ang walong Chinese fishing boats na umano'y ilegal na nangisda at nanguha ng endangered marine species sa Panatag Shoal. Ngunit bago pa man maganap ang panghuhuli ng mga tauhan ng Navy lulan ng BRP Gregorio del Pilar, humarang ang dalawang Chinese marine vessels. Dito na nagsimula ang standoff. Ayon sa China, bahagi ang shoal (na tinatawag nilang Huangyan Island) ng kanilang teritoryo. Hindi maituturing na paghina sa pag-angkinng Pilipinas sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal ang desisyon ng pamahalaan na iatras muna ang dalawang barko sa pinag-aagawang teritoryo. Ayon kay Defense spokesman Peter Galvez, ang pagpapaalis sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries andAquaticResources(BFAR) ay hindi nangangahulugan ng pag-atras sa stand off sa China. Itoy sa dahilang tinitingnan aniya ng pamahalaan ang masamang panahon na nangyayari sa lugar sa kasalukuyan.Bukod dito, marami pa aniyang paraan para maigiit ng Pilipinas ang karapatan sa Scarborough Shoal habang patuloy ang pagmomonitor dito ng gobyerno. Pero ayon sa mga bali- balita ang Pilipinas daw ay hindi mag papadaig sa pag angkin ng Scarborough dahil ang mga Pilipino ay naniniwala na sa kanilang teritoryo ito nabibilang. Prescela Cedro

  • Barbara D. AriarIV-PLCPag-aagawan ng China at Pilipinas sa Scarborough ShoalAng masasabi ko lang sa pag-aagawan nila sa Scarborough Shoal ay hindi makatarungan. Hindi dapat nila ito pinag-aagawan at pinag-aawayan dahil pwede naman itong paghahatian. Para sa akin, ang Scarborough Shoal ay parte pa rin ito ng ating bansa, ito ay tinawag na Panatag Island na maraming mga likas na yaman na matatagpuan dito. Hindi dito nagtatapos ang usapin, dahil sa hindi pagkaka intindihan maraming mga produkto ang naaapektuhan. Mga produktong ini-export natin tulad ng saging, pinya at papaya. Maliban pa doon ay ang ating turismo.Marami silang dinadahilan kung bakit nila pinagbabawal ang mga ini-export nating prutas kaya naaapektuhan ang ekonomiya ng ating bansa. Ang nangyayari mahigit na 1 bilyon ang lugi ng mga negosyanteng nag-export ng mga prutas. Ang mga turistang Tsino naman ay pinagbabawalan ng Chinese Embassy na magpunta dito sa Pilipinas. Kaya pati turismo ng bansa nakakaranas din ng matinding epekto ng pagkalugi. Itoy isang malaking dagok sa ating bansa kung hindi mag-iisip ng magandang istratihiya ang mga negosyante at ang mga namumuno sa ating pamahalaan. Kung ako ang tatanungin, dapat na maghanap na ang Pilipinas ng ibang mapagbintahan ng mga prutas at hikayatin ang ibang bansa na bumisita sa Pilipinas. Ipakita natin sa China na kahit wala sila kaya pa rin natin tumayo at kaya natin makipagsabayan sa kanila. Akoy sumasang-ayon sa ginawang tema ngayon para sa turismo ng bansa Its more fun in the Philippines kung saan makikita ng mga dayuhan ang magagandang tanawin at kung gaano ka saya sa Pilipinas. Sa ganitong paraan unti-unti, makabawi ang Pilipinas at uunlad muli ang ekonomiya ng bansa.

  • Ace Joshua G. UdangIV - Pere Louis ChauvetScarborough ShoalGaas, pagkaing dagat, natural na yaman at teritoryo, yan ang pinag-aagawan ng maraming bansang nakapalibot sa mga isla tulad ng Spratti at higit sa lahat, ang Scarborough Shoal. Maraming barkong pan-digma na karamihan ay Chinese ang naka distino sa lugar. Ang tensyon ng mga bansang nag-aagawan nito ay nagdulot ng maraming epekto sa ekonomiya at ang relasyon ng mga bansa. Alam naman nating lahat na ang tensyong Chinese-Philippines ay sa ngayo'y nag-aalab. Malakas ang epekto nito sa ating bansa at higit ang epekto nito sa mga OFWs' sa Tsina. Kung hindi aakto ng mabuti ang ating pamahalaan, maaring sila ay mapatalsik, sa kadahilanang pagiging agresibo ng bansa na makuha ang isla sa kanluran. Sa aking opinion, di ba pwedeng paghatiin nalang ang teritoryo o pahintuluntan ang kahit na anung bansang manghimasok ngunit dapat na walang mag-may-ari nito at ito ay naisasabatas sa UN. Alam naman natin ang magiging resulta kung gagawin ng mga bansa ang pag-aagawan, magdudulot lang ito ng kaguluhan. Sa aking palagay, dapat na ang Pilipinas ang mag-may-ari ng lugar base sa 'Geographic Documents' na aking nakalap tulad ng ditansiya ng bawat bansa, base sa area of responsibility ng ating bansa at higit sa lahat, ang diyos ang mismong may-ari ng lahat ng bagay kabilang na ang mga isla sa kanlurang Pilipinas.

  • Henry Christian C. MarapaoIV- Pere ChauvetScarborough SholeBawat bansa sa buong mundo ay gustong umunlad. Naghahanap ang mga bansang ito ng ibat ibang paraan upang lalo pang lumakas ang kani-kanilang ekonomiya at ang maging sa kaunlaran ng kanilang bansa. Gusto nila maging pinkamakapangyarihang bansa sa larangan ng ekonomiya at mapatunayang mas maunlad sila kaysa sa ibang bansa.Madalas nating naririrnig o nakikita sa mga ulat sa telebisyon, radio, dyaryo at maging sa chismis ang isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon, ang Scarborough Shole. Ito ay may angking yamang dagat at ngtataglay din ito ng langis na maaaring makatulong sa paglakas ng ekonomiya sa nagmamay-aring bansa. Ito ang dahilan kung bakit talagang umaalma ang mga karatig bansa natin lalo na ang bansang China na nasa pag-aari nila ang islang ito. Kung titingnan natin ito sa mapa, talagang nasasakop pa ito ng Pilipinas at sadyang napakalayo nito sa ibang mga bansa. Walang karapatan ang mga Tsino na magbantay at mangisda doon dahil hindi nila teritoryo ito at tayo ang tunay na nagmamay-ari sa Scarborough Shole.Dahil sa mainit na pag-aagawan sa islang ito, malaki ang nagiging epekto nito sa pagkakaibigan natin sa ating mga karatig bansa. Maapektohan din ang ating torismo, maging tayo dahil sa pangambang mgkaroon ng bakbakan, at ang ating ekonomiya. Sana ay hindi ito mauuwi sa malaking kaguluhan at matatapos ito sa mapayapang kasunduan.

  • Pilipinas laban sa Tsina Carnicer, Glaiza(Scarborough Shoal)Yan na naman ang isa sa mga islang pinag-aawayan ng mga Chino at Pilipino. Umusbong na naman ang hidwaan sa dalawang bansa. Nung una, Spratly Islands. Ngayon, Scarborough Shoal. Ang away na ito ay nagsimula nang nangunguha ng endangered aquatic species ang mga Tsinong mangingisda gaya ng Sharks, at iba pang mga hayop na bawal kunin sa dagat sa Scarborough Shoal sa South China Sea nung thursday. Nang nakita ng mga Philippine Navy ang katiwaliang ginagawa ng mga Tsino, nagtangka ang mga Philippine Navy na dakpin sila pero may dalawangSurveillance Ship ng China ang nagpagitna sa dalawang barko. Sabi ng mga Tsino na padaanin ang Surveillance Ship na ito kaya walang nagawa ang mga Philippine Navy kundi umatras at bumalik ng Pilipinas para i-angat sa Kataas-taasang hukuman ang pangyayaring ito. Di nag-aksaya ng oras ang mga nasa taas at ginawan agad nila ng aksyon ang problemang ito. Nagpadala ng notice ang Pilipinas sa China ukol sa pangyayaring ito. Sa Tsina, nagpahayag ang foreign ministry spokesman na si Liu Weimin na ang Pilipinas ay harassing the Chinese Fishermen and said a protest had been lodged. Wow! Ang galing nila. Bakit ang gutom ng Tsina when it comes to that stuffs? Halos lahat inangkin nalang nila. Sinasabi nilang kanila na DAW ang shoal kahit nung unang panahon pa. Pero may concrete files and documents ba sila na kanila talaga ang shoal? May mga ebidensya ba silang maipapakita? Sinasabi din ng Pilipinas na sa atin ang Shoal. Batay sa nakita ko sa news, 124 nautical miles ang layo ng shoal sa luzon out of 200 nautical miles exclusive economic zone ayon sa international law. Ayon nga sa Vietnam at Pilipinas noong nakaraang taon na China increasingly aggresive acts in staking it claim on South China Sea. Sana maliwanagan na ang magkaliwang panig sa isyung ito. Sana matapos na ang kaguluhang ito.

  • Christian Jay M. ClerigoJune 20, 2012IV- Pere Louis ChauvetBb. Vanessa ResullarAgawan ng Magkabilang PanigMaraming mga bansa sa buong mundo ang naghahanap ng paraan upang mapa-usbong ang kanilang ekonomiya. Isa na sa mga paraan upang makamit ito ay ang pag-aagaw ng isang teritoryo ng isang bansa o pakikipagnegosasyon sa isa o higit pang lugar sa naturang bansa na naglalaman ng mga mamahaling mineral tulad ng langis at iba pa. Nagsimula ang pinakahuling alitan ng China at Pilipinas noong ika-10 ng Abril, kung kailan namataan ang Philippine Navy ng walong Chinese fishing boats na nanghuli at kumuha ng endangered marine species sa Scarborough (Panatag) Shoal. Huangyan Island naman ang tawag ng China dito. Dalawang buwan na ang nakalipas, hindi parin na resolba ang problema tungkol sa pag-aagawan ng Tsina at Pilipinas sa Scarborough Shoal. Marami paring mga basalyo ng Tsina na lumalabag sa Fishing Ban malapit sa naturang Shoal sapagkat gusto nilang angkinin at agawan ng natural na mapagkukunan ng pundasyon upang mapa-usbong ang kanilang bansa.Kung titingnan natin sa heograpiya ng Pilipinas at Tsina, mas may karapatang angkinin ng Pilipinas ang Shoal kung babasihan ito sa distansya ng bansa patungo sa Shoal at kung babasihan ito sa United Nations Convention on the Law of the Sea, lamang parin tayo kahit ano man ang gagawin ng Tsina ngunit nag aalala parin si PNoy kung paano ito me resolba ng malinis at walang gulo. Maraming mga Pilipino ang natatakot sapagkat ang Tsian ay gumagawa na ng tensyon at pananakot kapag hindi natin ibahagi sa kanila ang Shoal, Umabot ang alitan ng dalawang bansa sa cyberspace, kung saan may mga anonymous na Filipino at Chinese hacker ay nagsagawa ng ilang web-based sabotage. Ayon sa China ang pag-aatras sa dalawa nitong vessels mula sa Panatag Shoal noong nakaraang linggo ay ang senyales diumano ng pagpapababa ng tensyon. Sa kabila nito, inihayag ni Liu Weimin, tagapagsalita ng foreign ministry ng China, na ang Huangyan Island ay nananatiling integral na bahagi ng teritoryo ng China at mayroong indisputable sovereignty ang kanilang bansa sa isla.

  • SCAR-borough Shoal Teritoryo ang isa sa mga malalaking basehan ng kapangyarihan ng isang bansa. Mapapatunayan din ng isang nasyon kung gaano kalawak at kalakas ang ekonomiya nito sa pamamagitan ng pag aangkin ng mga teritoryo. At ang mga sitwasyon na ito ay hindi na lingid sa mga mata ng mga tao. Ganyan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas na pinag aagwan ang Scarborough Shoal. Ang Scarborough Shoal ay ilang kilometro lang ang layo sa mga isla ng Pilipinas. Kung titingnan nating mabuti kung gaano kalayo ang Tsina mula sa Shoal, masasabi mo talaga na walang karapatan ang Tsina para angkinin ang Scarborough Shoal. May mga nagsasabi na ganyan lang talaga ang Tsina, nagmamalaki dahil isa itong superpower country. Akala nila na kaya nilang gawin ang lahat laban sa Pilipinas dahil akala nila, hindi na papalag ang Pilipinas. Pero sa kabilang dako, ay hindi nagpaawat ang Pilipinas. Pero sa tingin ko, hindi ito mattapos lamang sa diplomatikong pamamaraan dahil ang mga aksyon na ipinapakita ng Tsina ay lumaban gamit ang dahas. Mga naglalakihang mga barkong pandigma mula sa Magkabilang bansa ay nagmamatiyag sa Shoal na naghahatid ng pangamba sa mga residente na malapit sa lokasyon. Pero hindi lang pisikal na digmaan ang unti unting nagsisimula, pati digmaang ekonomikal at political. Nagpapahiwatig na ang Tsinan a puputulin lahat ng koneksyong pang eksport ng mga produkto mula Plipinas tungo sa Tsina. Kung lalaki at magpapatuloy ang mga pangyayaring ito, babagsak ang kitang pang export ng Pilipinas na bumubuo ng malaking porsyento sa totalidad ng kita ng ekonomiya ng bansa. Hindi lang ang mga may ari ng mga exporting groups ang malulugi, mawawalan din ng maraming trabaho ang mga dumidipende sa ma plantang pang export. Pati rin mga OFW sa Tsina ay lubha nang naaapektohan dahil sa mga pangyayari. Sana pag lumaon, maisip na ng bawat kampo kung anong tama. Maisip n asana ng Tsina na sila ang may mali sa sitwasyon.Francis Xavier T. AcidoIV- PLC

  • Pilipinas at TsinaDahil ang Tsina ay isa nang makapangyarihang bansa, hindi na dapat sila nang-aagaw ng mga ari-arian ng ating bansa. Tayo na nagsisikap pang umasenso at gusto maging makapangyarihan ay inaagawan ng likas na yaman ang Scarborough Shoal na unti-unting inaagaw ng Tsina dahil parte pa raw ito ng kanilang bansa.Para sa akin, hindi dapat inaangkin ng Tsina ang Scarborough Shoal dahil ito ay parte pa ng Philippine Area of Responsibility. Inaangkin nila ito sapagkat ang Shoal ay natatagpuan sa South China Sea. Pero pinangalanan lang ang dagat na South China Sea dahil nasa ibaba ito ng Tsina. Hindi ibig sabihin na nasa South China Sea ang Scarborough Shoal ay aangkinin nila ito, dahil parte talaga ito ng Pilipinas at hindi ng Tsina.Dominic Deluvio

  • Ayon sa heograpiya ang Scarborough Shoal ay malayo sa pinagdedebatihang mga islang Spratly Island at Paracel Islands. Ang Pilipinas ang dapat mamahala sa Scarborough Shoal sapagkat sakop pa ito ng ating teritoryo. Ngunit ang China ay inaangkin din ang islang ito, marahil sa benepisyong matatanggap nila sa pangingisda. Ayon sa mga balita, naghahanda na ang dalawang partido sa kung anuman ang mangyari. Aminin man natin o hindi, siguradong talo tayo sa mga armas ng mga China kung sakasakaling magkaroon ng digmaan. Wala pa tayong sapat na pundo upang tapatan ang kapangyarihan ng mga Chino.Ang Amerika ay nagpahayag ng kanilang suporta sa Pilipinas upang maangkin ang Scarborough Shoal. Dahil sa mga nangyayari sa pagitan ng China at Pilipinas naaapektuhan na ang datiy magandang pakikitungo natin sa isat isa. Isa na rito ang epekto sa ating turismo, ilang mga bakasyonistang Chinese ay nag pa tigil ng kanilang transakyon sa lugar na kanilang dapat puntahan. Ang mga produktong galing sa China na iniimport sa ating bansa ay limitado na rin. Kung mag papatuloy ang ganitong kalagayan siguradong bababa ang ating turismo. Marami mang kinakaharap ang ating bansa, dapat ay manatili tayong matatag at ipaglaban kung ano ang tama. Para sa akin ang sitwasyong ito, ay isang pagsubok lamang sa ating mga Pilipino kung gaano tayo ka tibay bilang isang bansa. Hindi man tayo ganoon ka yaman at makapangyarihan, kung ano ang dapat na mapunta sa atin ay dapat na ibigay sa atin. Ngunit hangad din natin ang kapayapaan ng ng buong mundo. Lahat ng bagay ay madadaan sa matinong usapan.Jasmine Arellano

  • Scarborough Shoal- Marc CompocAng mangagalakal ng tsa-a na nanggaling sa East India ang nagpangalan sa Scarborough noong ika-12 ng Setyembre 1784. Ang Scarborough Shoal ay isang isla na hugis tatsulok. Ito ay maliit na isla lamang na may 55 kilometro kwadrado. Ang kinaroroonan nito ay 198 kilometro west subic bay.Ang Scarborough Shoal ay mayaman sa likas na yaman kaya pinagaagawan ito ng 3 bansa. Meron din natural na langis na makikita sa islang ito. Kaya inaangkin ng mga Tsino at Taiwanese na sa kanila daw ang islang ito na puno ng likas na yaman.Kung titingnan natin sa mapa makikita natin na ang Scarborough ay mas malapit sa Pilipinas kaysa Tsina. May karapatan tayong mga Pilipino na ipaglaban ang nararapat sa atin. Kahit noong panahon pa ng mga espanyol ay marami ng mga pilipinong mangingisda ang nangingisda dito. Kaya kung tutuusin ito ay pamana sa atin ng mga ninuno natin kaya ipaglaban natin ang para sa atin.

  • ANG AGAWAN SA SCARBOROUGH SHOALIsang pangyayaring maaring magdulot ng gulo sa pagitan ng Pilipinas at bansang China. Nakakabagabag ang nangyari ngayon sa Scarborough Shoal na pag-aari ng Pilipinas at inaangkin naman ng China. Kung ating lalawakan ang pag-aanalisa maraming aspeto ang maaapektuhan sa ginagawa ng China.Dahil sa nasabing agawan o awayan ang balance of ecology ay nasisira. Kapag naangkin ng China ang Scarborough Shoal masisira ang marine environment dito. Ang mga marine animals ay masisira na dapat ito ay ating iingatan. Dadating ang panahon, mawawala ang mga ito at sa huli tayo rin ang maghihirap. Kapag kinuha at ginalaw nila ang mga yamang-dagat tuluyang masisira ang isla. Walang habas nilang sisirain ito na hindi natin dapat palampasin. Darating ang panahon na ang mga pobreng mangingisda ay mawalan ng pagkakitaan at dahil dito mararanasan nila ang kahirapan sa buhay. Sa ganitong pangyayari ma-aapektuhan ang ating ekonomiya.Lahat tayo ay maaapektuhan sa kapag nakamkam nila ito lalo na ang likas na yaman na pinoprotektahan sa Scarborough Shoal. Ayon sa mga residente ng lalawigan ng Zambales ang Panatag o Scarborough Shoal na nasa 200 kms nautical miles Exclusive Economic Zone na inaangkin ng China. Sa atin ang Scarborough Shoal at ito ang sinabi ni Zambales Rep. Jun Omar Ebdane kung saan may hawak umano itong dokumento na magpapatunay na bahagi ng Pilipinas ang Scarborough Shoal o mas kilalang Bajo de Masinloc na ipinangalan ng mga Spaniards o Below Masinloc sa Ingles. Makikita sa mapa na Carta hydrographica y cholographica de las Islas Filipinas ni Fr. Murillo Velarde, SJ, na inilathala noong 1734 at nakasaad dito na kasama ang Bajo de Masinloc bilang parte ng Zambales. Maliban aniya ditto ay may nai-publish din noong 1900 ang US Coast and Geodetic Survey na Mapa General, Islas Filipinas, Observatorio de Manila na nagsasabing ang Bajo de Masinloc ay bahagi ng Philippine territory kung kat malabong angkinin ito ng bansang China. Gayundin, noong 1792, isang mapa na nagpapakitang ang Bajo de Masinloc ay iginuhit ng Malaspina expedition na nai-publish din umano noong 1808 sa Madrid.Upang mapagtanto ng China ang kanilang pagkakamal at katanggap-tanggap sa kanila ang resolusyon ng kahihinatnan ng paglilitis nito sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS). Sila lamang ang makakapagpigil sa tensyong nagaganap sa girian ng Pilipinas at China. Kaya paghandaan natin ito. Huwag tayong umasa sa tulong ng ibang bansa. Panindigan natin an gating karapatan sa hangganan n gating pagiging isang nasyon. Hindi pahihintulutan n gating mga ninuno na pasisiil tayo sa mga banyaga. Kung kailangang mag-alay ng buhay ang mamatay ng dahil sa iyo.Ngunit, matatandaan na pinagpipilitan ng China na bahagi ng teritoryo nila ang Panatag Shoal dahil sila ang unang bansa na nakadiskubre sa teritoryo noon pang ika-13 siglo sa ilalim ng panahon ng Yuan Dynasty.MABOLIS, Alnabelle Mae F.IV- PLC

  • Felgene J. OgoyIV PLCMATIRA MATIBAYIsa na naman sa mga pinakamalaking isyu na nagaganap ngayon ay ang tungkol sa Scarborough Shoal. Itoy lamang isang maliit na isla kung saan pinag-aagawan ng Tsina at Pilipinas. Tunay ngang masasabing itoy isa na naman sa mga pinag-iingatang yaman ng mundo.Ang Scarborough Shoal ay may sukat lamang ng 150 kilometro kwadrado at itoy may layo lang ng 200 nautical miles mula sa teritoryo ng Pilipinas. Kung tutuusin mas malapit ang nasabing isla sa bansang Pilipinas. Mas karapat-dapat naman talaga ang Pilipinas ang may responsibilidad na mangangalaga nito pero itoy pa rin inaagaw ng bansang Tsina. Ang Scarborough Shoal kasi ay mayaman sa mga natural resources katulad ng isda, langis at mga mineral. At ito ang marahil ang rason kung bakit nila ito pilit inaagaw sa atin para mapakain sa bilyon nilang mamamayan.Kung titingnan natin ang estado ng Tsina, ang yaman na ng kanilang bansa kumpara sa Pilipinas at gusto pa rin nila maangkin ang isang maliit na isla? Wala naman magagawa ang gobyerno natin sa Tsina kasi tinatakot tayo nila ng kanilang mga nuclear bomb. Ang tanging nagagawa ng Pilipinas ay pinapayo ang mga Pilipinong mangingisda na umiwas nalang sa nasabing isla para walang patayan magaganap. Higit sa lahat ay gusto na rin ng gobyerno natin na matatapos na sana ang gulong ito ng tahimik.Hindi lamang ito makaapekto sa magandang samahan ng Tsina at Pilipinas kung di ang mga mamamayan rin ng dalawang kampo. Kailang pa kaya matatapos ang pag-aagawan na ito? At sino kaya ang mag mamay-ari ng isla sa huli?

  • Beatriz Ethel Tanya K. DelaniIV- Pere Louis ChauvetSa usad ng ating pamumuhay, hindi maiiwasang magkaroon ng mga balakid. Isa na nga itong isyu ng Scarborough Shoal na kinakaharap ng Pilipinas at lalo na ng mga mamamayang Pilipino.Kilala ang Pilipinas at Tsina sa pagkakaroon ng magandang relasyon pagdating sa kalakalan. Hindi na bago sa atin na kaliwat kanan ang mga produkto na iniluluwas ng Tsina sa ating bansa. At kitang-kita naman na tinatangkilik ito nating mga Pilipino. In demand rin sa China ang ating mga OFWs. Gayunpaman, ganoon na lamang kahigpit ang pakikitungo ng dalawang bansa kung pag-uusapan lang naman ang kalakalan. Subalit waring nagbago ang lahat nang pumutok ang isyu ukol sa Scarborough Shoal.Umiba na nga ang ihip na hangin. At bumago na rin ang takbo ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. Dahil sa pag-aangkin ng dalawang bansang ito sa Scarborough Shoal, nag-iba na rin ang pakikitungo nito sa isat isa. Nagsulputan sa mga telebisyon ukol sa di-pagkakaunawaan ng nasabing mga bansa. Isa na rito ang pag-banned ng China Embassy na pumarito ang kanilang mga mamamayan dito sa Pilipinas. Kung saan may malaking epekto sa ating turismo at ekonomiya. Naturingan na ang mga Chinese ang may pinakamalaking bilang na dumadayo sa ating bansa kaya ganoon na lamang ang kawalan nito sa atin. Paano na kaya kung tuloy-tuloy pa ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansang ito?

  • Ang aking opinion tungkol sa paksa na Scarborough shoal, ay kung sino ang nagmamay-ari nito ay dapat ang pilipinas, dahil kung susukatin ang layo ng isla ng Luzon sa scarborough shoal ay napakalapit nito sa Luzon , kung ikukumpara ang layo ng tsina sa scarborough shoal ay napakalayo nito sa bansang china. Hindi dapat ito para sa bansang china. Dahil kahit ano pang gawin nila klarong klaro na na sa atin ito dapat mapunta.Ang pilipinas rin ay isang lugar na mayayaman sa likas na yaman at mga minerals. Ang China rin ay kililang mayaman at napaka high-tech ang mga bagay nila. Gusto nilang kunin ang islang ito dahil sa mga minerals at likas na yaman na meron ito. Hindi naiiisip ng China na napakalayo ng isla sa bansa nila, pero pilit-pilitin nila agn sarili nila. Ang isla nito ay malapit lang talaga sa Luzon kung baga siguro ay mapupuntahan lang ito gamit ng maliit na Bangka dahil malapit ito. Ito ay mayaman sa minerals kaya gusto ng China kaya inangkin nila, kahit hindi sa kanila. Marami naring nadadamay sa gaguluhang ito. Gaya ng Amerika, pinagkakamalan nilang may kinakampihan ito. Kaya nagsisimula na naman ang kaguluhan. Kung ako pa sa China ay hindi na sila magkipagsiksikan ang China sa isla.Crispaul Reginald Z.

  • Alam naman nating lahat na ang China ay isa sa mga mayayamang lugar sa mundo. Ang Pilipinas rin ay isa sa mga lugar na naghihirap. Kung pupunta tayo sa Manila ay marami tayong nakikitang mga tao nagpaligoy-ligoy lang sa daan , mga batang nang lilimos, at mga taong walang bahay kundi sa ilalim ng tulay. Pag tayo rin ang nakaka punta sa China ay ang makikita natin doon ay ang mga magagarang gamit at mga mamahaling teknolohiya, makikita rin natin doon kung saan halos lahat na tao ay sa tingin mo ay hindi nag hihirap. Ganun kayaman ang mga China, mayaman sa teknolohiya samantalang ang Pilipinas kahit hindi masyadong mayaman sa teknolohiya ay mayaman naman ito sa mga minerals na nahahanap sa ating bansa, mga likas na yaman at magagandang tanawin. Nang isang gabing nanunood ako ng news sa telebisyon, ay narinig ko ang tungkol sa Scarborough Shoal Island na pinagmumulan ng tension ng China at ng Pilipinas. Sa pagkakaalam ko basi sa mga naisaliksik kung impormasyon, ang Scarborough Shoal Island ay makikita sa kanluran lalo na sa banda ng Luzon. Napakayaman ito sa minerals at likas na yaman. At para itong islang puno ng kayamanan na binigay n gating Inang Kalikasan. Masasabi talaga natin na ito ay isang malaking biyaya ng diyos sa atin. Kahit 150 square kilometres ay may ibang bansa paring gusting umagaw nito. Kahit na maliit lang itong isla ay nakakatulong parin ito sa ating ekonomiya at sa pangaraw-araw na kailangan ng mga tayo sa atin bansa. Makakahikayat rin ito ng maraming tourista dahil sa kagandahang meron ang islang ito.Sa aking opinyo at sa aking naintindihan sa mga binasa kung artikolo, ay dapat ang Scarborough Shoal ay dapat sa atin mapupunta. Dahil mas malapit ito sa atin. PIlit mn aagawin ng China ang Islang ito ay dapat rin tayong Pilipino ay hindi magpapatalo, kasi unang una sa atin makikita ang islang ito , ang pilipinas ay isang bansang kilala na maraming minerals ang likas na yaman. Pag patuloy itong tension ng Pilipinas at China ay makakaepekto din ito sa ating bansa. Unang una ay bagong digmaan na naman ang mangyayari sa dalawang bansa, ikalawa ay pagmakukuha na nila ito ay mababawasan na an gating liks na yaman, ikatlo ay makakapag isturbo ito sa ibang bansa tulad nlang ng Amerika. Hindi naman sa may kinakampihan ito, pero gusto lang nila na walang away ang mangyayari at wala ng gulong mangyayari.Nadaine Torres

  • Trexavera A. Abarca\Sa aking opinyon hindi maituturing na paghina ng Pilipinas ang pag-angkin sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal ang desisyon ng pamahalaan na iatras muna ang dalawang barko sa pinag-aagawang teritoryo. Ito ay sa dahilang tinitingnan muna ng pamahalaan ang masamang panahon na nangyayari sa lugar sa kasalukuyan. Bukod dito, marami pa di umanong paraan para mapanindigan ng Pilipinas ang karapatan sa Scarborough Shoal habang patuloy ang pagmomonitor dito ng gobyerno. Kung hindi humina ang Pilipinas, kabalikataran naman ang naging epekto sa China. Lalo lamang humina ang pang-aangkin ng China sa pinag-aagawang Scarborough Shoal dahil sa pagtanggi nitong sumailalim sa arbitration process. Una nang ibinasura ng China ang imbitasyon ng Pilipinas na idulog sa International Tribunal ang pagresolba sa standoff sa Scarborough Shoal.Dahil sa agawan ng dalawang bansa sa Scarborough Shoal ay pinagbabawalan na ng pamahalaan ng China ang pagpunta ng kanilang mga mamamayan sa ating bansa at pagharang ng mga produkto ng Pilipinas na papasok sa kanilang bansa. Malaking dagok ito sa export industry natin dahil isa sa mga malalaking market ng Pilipinas ay ang China. Naramdaman din agad ang epekto nito sa ating turismo, lalo na sa Boracay kung saan maraming Tsino ang bumibisita rito buwan-buwan.

  • Shaira Mae E. EstebeScarborough Shoal. Tila dinaig pa nito ang napaka-kontrobersyal na Impeachment Trial ni CJ Corona. Mapa-radyo, mapa-telebisyon o mapa-pahayagan man, tanging ito laman ang nilalaman. Bat nga ba ang isang napakaliit na isla ay pinag-aagawan ng mga bansang nakapalibot dito?Wala man akong sapat na kaisipan hinggil sa isyu na ito subalit bilang isang mamayan ng Pilipinas, isa sa mga bansang umaangkin sa islang ito. Akoy may pananaw at sariling opinyon. Kung tutuusin sa 123 miles (198km) na agwat sa pagitan ng Pilipinas at Scarborough Shoal, talagang kapani-paniwala na talagang sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang islang ito kumpara sa China at Taiwan. Halata naman na ang mga bansang umaangkin dito ay naghahabol lamang sa mga natural resources na nakapalibot dito. Sa katunayan, limpak-limpak na pera ang hatid nito sa isang bansa. Maliban sa pagtatalo ng mga bansang ito, may mga pangkabuhayan rin ng ilang mamayang Pilipino ang bigla nang nasira.Kadalasan dito kumukuha ng pangkabuhayan ang ilan ng ating mamamayan sa pamamagitan ng pangingisda. Subalit nang magsimula ang pagtatalong ito, tila unti-unting naglaho ang pamumuhay nila. Itoy dahil sa mga vessels na pinapadala ng bansang China para manmanan ang isla. May nagsasabing mga Pilipinong mangingisda na mayroon na ring mga shipping vessels ng China ang pumapalaot sa islang ito na kung saan pinagbabawal naman sila. Nakaapekto rin sa kanila ang mga pagbabanta ng mga Chino. Kaya naman itoy nag-udyok sa kanila na ihinto lamang ang pangingisda. Talaga namang malaking epekto ito sa atin bilang isang mamayan. Sa tingin koy mahaba-haba pa ang pagtatalong ito. Subalit sana naman masolusyonan na ang isyung ito bago pa lumala ang mga pangyayari. At para naman magkaroon ng matiwasay at mapayapang pamumuhay ang bawat isa sa atin.

  • SCARBOROUGH SHOALScarborough shoal, ito ang pangalan ng islang pinag-aagawan ng Pilipinas at Tsina. Ito ay mayaman sa mga yamang dagat at mga importanteng bagay na makapagaangat sa dalawang bansang nag-aagawan. May mga ibat ibang basihan ang dalawang bansa kung sino ang dapat na mag may-ari ng islang ito. Ginigiit ng tsina na bahagi na ng kanilang teritoryo ang Scarborough Shoal at matagal na itong pinangingisdaan ng mga tsino. Sabi nilay dapat na daw lisanin ng mga pilipino ang lugar at itigil umano ang iligal na aktibidad sa isla.Sa panig naman ng Pilipinas, nanindigan sila na pag-aari ng bansa ang Scarborough Shoal. Itoy dahil sa basihan nila na pinakamalapit ang Scarborough Shoal sa Zambales na kabilang pa sa teritoryo ng Pilipinas. Ngunit ang dalawang panig ay may punto kung bakit sila dapat ang mag angkin nito. Sa kasaysayan binabatay ng Tsina ang pag angkin sa isla at sa Pilipinas ay dahil kung gaano kalapit ang isla sa bansa. Itoy dapat pag desisyonan ng dalawang panig upang walang gulong magaganap at hindi madamay ang sambayanang pilipino at ang relasyon sa pagitan ng mag tsinot pilipino.Isang isla lamang ang pinag-aagawan, ngunit malaki ang epekto nito sa ekonomiya ng ating bansa. Ang Tsina ay isang makapangyarihang bansa at sa tingin koy kaya nitong mabagsakin ang Pilipinas. Ang mga produkto galing Tsina ay maaaring hindi na ipapadala sa Pilipinas at bababa ang ekonomiya ng bansang Pilipinas dahil karamihan sa produktong ibinibenta ngayon ay made from China. Kahit sa atin nanggaling ang ibang mga materyales para sa paggawa ng mga produkto, hindi pa rin tayo makakapag benepisyo sa ating sariling yaman. DANESSA E. GUMAPACIV-PLC

  • Kirby Jules I. ElizagaScarborough Shoal: Panibagong Agawan, Panibagong BangayanPagkatapos ng mga kontrobersyal na pag-aagawan sa Sabah at Spratly Islands, umiigting na naman ang isang panibagong girian. At ngayon, Pilipinas laban sa Tsina ang tema. Mga likas na yaman. Kapangyarihan. Pag-usbong ng ekonomiya. Ito ang mga dahilan kung bakit panay ang kapit ng Pilipinas sa isang isla na kung tawagin sa naturang linguahe ay Bajo De Masinloc at Panatag Shoal at ng Tsina na pinaniniwalaan nila na parte sa kanilang teritoryo na kung tawagin ay Huangyen Island. Itoy wala ng iba kundi ang Scarborough Shoal. Simula pa lang noong ika-8 ng Abril, pumutok na ang balita na may mga Tsinong nangingisda sa naturang isla na nakumukuha ng mga pating (sharks) at nangongolekta ng mga bihirang makita na tulya at korales. Agad-agad naman rumisponde ang BFAR ng Pilipinas. Naalarma naman ang mga awtoridad ng Tsina sa biglaang pag-aaresto. Sa ganitong pangyayari naungkat ang isang bangayan na magsisimula ng kaliwat-kanang banning of goods ng dalawang kampo.Ibat ibang istilo ang ginawa ng dalawang kampo sa pagtatanggol sa kanilang right of claim sa Scarborough Shoal. Tumataya ang Pilipinas sa koleksyon ng mga ancient maps ni Senador Edgardo Angara na nagpapakita ng mga konkretong ebidensya para sa naturang karapatan sa isla. Di naman nagpatalo ang Tsina na mas lalong hinigpitan ang kapit sa shoal sa kadahilanang nasa kanilang mga naisapubliko na mapa ang Huangyen Island. Kung babatayan ang mga koleksyon ng mga sinaunang mapa, at batay sa aking personal na opinyon, di uubra ang mga ito. Dahil itoy ginawa pa noong eksplorasyon ng mga Espayol at sa mga nagdaang nai-publish na mapa, hindi na kasama ang Scarborough Shoal sa Mapa ng Pilipinas. Hindi katulad sa Tsina na noong Yuan Dynasty pa (1271-1368) ay ipinahayag na ang paghahabol nito sa nasabing shoal.Sa kasalukuyan, pinawi/pinabalik ni Pres. Benigno Aquino III ang mga barkong pagmamay-ari ng Pilipinas dahil sa panganib na dulot ng bagyong Butchoy. Dahil dito, pansamantalang nawala ang tensyon sa pagitan ng dalawang Asyanong bansa. Pero sa oras na maaayos ang panahon, babalik ang mga barko para sa re-evaluation para malagay na sa dapat kalagyan ang mga bagay-bagay. Sa kabilang kampo, hindi pa nagbibigay ang Chinese Embassy sa Pilipinas ng kanilang panibagong istamento.Kung ako ang tatanungin, para sa atin talaga ang isla ng Scarborough. Itoy dahil ang nasabing isla ay mas malapit sa ating teritoryo kung ikukumpara sa Tsina. Kaya nga lang, dahil sa katangahan ng mga nag-ambag ng mga mapa noong 2000, 2006 (kung kalian pormal na inihain ng NAMRIA sa isang politikal na mapa ng Pilipinas na hindi kasama ang isla sa ating teritoryo), 2008 at 2010, mukhang malabo ang habol ng Pilipinas sa naturang isla. Sa kabilang dako, malaki ang pag-asa ng Tsina sa Scarborough Shoal dahil noon pa nila hinigpitan ang pagkakakapit ng isla sa kanilang lawak ng teritoryo. Sa kasalukuyan, ang pwedeng gawin ng lahat ay pairalin ang diplomasya dahil ika nga ng nakakatanda- Walang problema ang hindi nadadaan sa maganda at mabuting usapan.

  • Kristal Queen L. ReyesAng Scarborough Shoal ay isang isla na pinag-aagawan ng Pilipinas at Tsina. Kung tutuusin mas malapit ang Scarborough Shoal sa bansang Pilipinas kaysa sa Tsina. Ito ay kanilang pinag-aagawan dahil sa taglay nitong yaman sa mina at sa yamang likas. Dapat ilaban natin ang ating karapatan bilang Pilipino at ang nagmamay-ari ng nabanggit na isla. Hindi sana sila nang-aagaw ng pagmamay-ari ng iba, kaya naman nating protektahan ang ating bansa. Tayo man ay may kakulangan sa pondo, dapat din nilang irespeto na tayong mga Pilipino ay may yamang pagmamay-ari rin. Hindi lang naman tayo nakadepende sa ibang bansa. May mga karapatan tayo at may paninindigan. Ang mga posibleng maging epekto ng Scarborough Shoal ay ang kahirapan ng bansang Pilipinas at Tsina. Magkakaroon ng hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa. Alam naman nating na mas maunlad ang bansang Tsina kung ikukumpara sa ating bansa, kung magkakaroon man ng digmaan tiyak tayo ay matatalo sa kakulangan ng gamit. Kung magkakaroon man talaga ng iringan sa pagitan ng dalawang bansa, ang magiging epekto nito ay maapektuhan ang import at export sa bawat bansa. Magkakaroon ng diskriminasyon sa Pilipino lalong lalo na ang mga OFWs na nagtatrabaho sa Tsina.

  • Candylou AzarconAng Scarborough shoal ay kasalukuyang pinad-aagawan ng dalawang bansa,ang china at pilipinas. Marami ang naging epekto ng pag-aagawan sa Scarborough shoal lalo na sa pilipinas. Dahil alam naman nating malakas ang kapangyarihan ng china kayat tayo ngayon ang nagmumukhang kaawaawa. Pero gumagawa naman ng paraan ang ating gobyerno ukol sa isyung ito. At lalong hindi aatras ang pilipinas sa paninindigan bahaging soberenya nito ang lahat sa mapayapa at diplomatikong pamamaraan upang maresolba amg isyung ito. Para naman maging equal ang pananaw ang mga tsino sa nga Pilipino.Ito ang nga naging epekto sa pag-aagawan ng china at pilipinas sa Scarborough Shoal. Lumaki ang epekto ng kahirapan sa ating bansa sa usaping inaagaw ng bansang china ang Scarborough Shoal sa atin. Bumaba ang ekonomiya ng pilipinas sa patuloy na tensyon ng Scarborough Shoal. Kahit sa komunikasyon ng mag tsino at Pilipino at naaepektohan na. ang pagtatrabaho ng mga OFW sa china ay apektado na rin. Hahit na ganon ay ipaglalaban parin nating kung ano yung atin at kung anong para sa atin. Tayo na n gang may-ari tayo pa ang Nagmumukhang kawawa. Hindi naman tama yun. Kaya dapat ipaglaban ang karapatan ng mag Pilipino.Maresolba na sana ang isyung ito, sa mapayapa at diplomatikong pamamaraan. Kung hindi nalang sana nakialam ang mag tsino batay dito sa Scarborough schoal ay magiging mapayapa sana ang pamumuhay ng mag Pilipino. Lalong lalo ng walang maapektohan sa magkabilang bansa. Matutulungan pa ang ekonomiya ng pilipinas at lalong hindi na ito maghihirap ng maayos.

  • Scarborough Shoal, kanino ka nga ba?Rovienna AriarAno ba ang ibig sabihin ng Scarborough Shoal? Anu-ano ang magagandang epektong nadudulot nito? Ang Scarborough Shoal ay isang isla sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Itoy tinatawag na Panatag Island sa tagalog at sinasabing napakatagal nang pook-pangisdaan ng mga taga-Zambales at mga taga-Ilocos. Itoy sagana ng ibat-ibang klase ng yamang-dagat gaya ng isda, kabibi, pusit at iba pa. Alam natin na maraming mga Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa gaya sa bansang Tsina. Malaki ang magiging epekto ng tensyon sa pagitan ng ating bansa at sa nasabing bansa. Tiyak na maapektuhan ang ating ekonomiya dahil malaki ang ipinapasok na produkto ng Tsina at nakakatulong ito upang umunlad ang ating bansa. Kapag hindi malulutas ang problemang ito, tiyak na may magaganap na di magandang pag-uunawaan sa pagitan ng dalawang bansa at possible pang may magaganap na digamaan. Hindi na kailangan na humantong pa sa mga masasamang paraan. Ang kailangan lang ay dumaan ito sa tamang proseso. Gaya ng pagkakaroon ng masinsinan at mahinahong usapan. Pairalin natin ang kabutihan sa ating puso dahil wala itong halaga kung may nasasaktan at tinatapakan tayong bagay.

  • Winston John A. PataganScarborough Shoal: ibigay o ipaglaban?Kung paramihan ng pera, palakihan ng populasyon at palakasan ng sandatahan, wala na ang Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa lalo na ang mga malalaking pangalan sa mundo. Ngunit nararapat bang angkinin natin ito sa kabila ng interes ng Tsina?Ang Scarborough Shoal, o Panatag Shoal ay kilala din sa pangalang Bajo de Masinloc. Ito ay nagtataglay ng mga isla na may maraming coral reefs at iba pang mga likas na yaman na naging ugat ng interes ng Tsina. Hindi naman maitatangging mayaman sa kalikasan ang ating bansa, kaya nga nakaabang palagi ang Tsina at nagmamasid sa lugar na may kasamang pananakot.Pinaglalaban ito ng Tsina dahil sila raw ang unang nakadiskubre nito maraming siglo na ang nakaraan. Ito ay sakop ng South China Sea at inangkin na raw ng China noong ika-12 siglo pa sa panahon ng dinastiyang Yuan ayon sa isang artikulo sa pahayagang PLA Daily ng Tsina. Ang astronomong pumunta dito ilang libo na ang nakaraan nagtala ng survey na ang pangalan ay Measurement of the Four Seas. Nakadepende tayo sa Tsina at ginagamit nila ito laban sa atin. Ang mga OFW ay tinatakot na tanggalin sa kanilang bansa kapag hindi ibigay ng Pilipinas ang pinag-aagawan. Ito ay pagsubok sa legal at deplomatikong kakayahan ni Pangulong Aquino.

  • PINAG-AAGAWANG SCARBOROUGH SHOALPrincess Pagobo Isa itong isla na mayaman sa mga puno at maraming mga isda na nakapalibot ditto. Malinis, at mistusang paraiso kung tawagin nila. Ito ay tinawag nilang Scarborough shoal. Makikita ito malapit sa Pilipinas. Ngunit kanino ba dapat ito? Sa Pilipinas o sa China? Ngayong panahon ang pinakamainit na pinag-uusapan ay tungkol sa pagitan ng China at Pilipinas. Pinag-aagawan nila ito dahil sa maganda,mayaman sa kalikasan. Maraming nagsasabi na sa Pilipinas daw ito dahil malapit lang ito ditto. Ang iba naman ay sa China daw ito dahil mayaman ang sila kaya sa kanila dapat ito. Ayaw talagang pakawalan ng China ang isla dahil sa yaman. Ang Pilipinas naman ay dahil nasa tabi lang nila ang isla at tsaka may karapatan din silang mag angkin kahit na hindi gaano maunlad ang kanilang bansa. Ayaw talagang pakawalan ng dalawang bansa ang Scarborough shoal, dahil sa kanilang ibat ibang pananaw sa isla na ito. Nag-aagawan ang dalawang bansa pero, talagang mayroong mga taong maapektuhan sa kanilang pag-aagawan ito ay ang OFW. Dahil ditto mayroon ng mga banta na papaalisin nila ang mga Pilipino sa bansang China, dahil sa gulo na nangyari. Mayroon ding mga produkto galling sa Pilipinas na ayaw ng bilhin, katulad ng saging. Ang mga Chino din ay hindi na pinapunta sa Pilipinas dahil sa pagitan nila. Mahirap mn magdesisyon kung kanino talaga ang Scarborough shoal pro dapat hindi basihan ang yaman para ibigay kundi kung sino ang karapatdapat at kung kanino talaga ito. Hindi din dapat na idamay ang iba. At dapat sigurong idaan nalang sa magandang usapan para magkakaayos na ang lahat.

  • Mary Jane I. TrinidadAral. Pan. Bagong pinag-aagwan, namumuong tensyon at patuloy na pagtutuos. Ito ang palagi nating nasusubaybayan at naririnig sa telebisyon. Paulit-ulit na rebelasyon laban sa mga Pilipino at Tsino ngayong panahong ito. Patuloy na pinag-aagwan ang teritoryong kailangan ng dalawang bansa. Sacrborough Shoal! Oo, ito ang tanging tinutukoy ko. Ano kaya ang magiging epekto nito sa Pilipinas at China?Ang Sacrborough Shoal ang teritoryong pinag-aagawan ngayon ng China at Pilipinas. Pareho ang gustong magwagi ng dalawa. Pareho ang gustong lumaban. Nagiging mainit na ang tensiyon sa isyung ito ng dalawang bansa. Alam naman nating mahina ang ekonomiya ng bansang Pilipinas laban sa China. Ngunit ang China ay hindi bibitiw sa kanilang pagtutuos. Mas nagiging mataas ang mga garbo ng dalawang bansa laban dito. Malaki ang populasyon ng China at masasabi nating mas matatalo nila tayo kung iuuwi nila ito sa gyera or labanan. Tanging hangad ng dalwang bansa na makuha ang teritoryong ito para sa kanilang kaunlaran.May mga epekto ng isyung ito sa relasyon ng China sa Pilipinas. Posibleng mas mahigpit na ang mga Tsino sa mga Pilipino. At mawawala ang magandang pakikitungo sa isat-isa. Marahil ang mga OFW sa China ay magiging mahirap na sa pagtatrabaho dahil kung tutuusin, mas mababa na ang tingin ng China sa kanila. O siguro ay hindi hahayaan ng China na makaimpluwensiya ng bagong kagamitan ang Pilipinas galing sa kanila at mas magiging maliit ang pananaw nila sa Pilipinas.Sana ang Scarborough Shoal na ito ay mairesolba na sa madaling panahon. Para wala ng bagong tension sa dalawang bansa. At ang teritoryong ito ay mapunta sa tamang kamay na patutunguhan.