Upload
shirley-marfe-feliminiano
View
896
Download
2
Embed Size (px)
DESCRIPTION
paghahambing ng wikang ata-manobo at bagobo
Citation preview
Kabanata 1
Ang Suliranin at ang Kaligiran nito
Lahat tayo ay binubuklod ng wika. Ito ang naging pasaporte ng bawat
isa sa kanyang pakikipagtalastasan at pakikipagkumonikasyon saanmang
dako siya mapunta. Dahil dito, nakikilala ang pagkaindibidwal ng isang
nilalang sa kanyang wikang ginamit. Bagaman nagkakaiba tayo ng
lenggwaheng ginamit, pinag-iisa pa rin tayo ng iisang wika.
Sanligan ng Pag-aaral
Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa
paniniwala ng mga lingwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng
wika (Saussure, 1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o uniformidad ng
anumang wika", ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang
pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-
aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang mga
gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura
at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950).
Ang mga pagkakaibang ito sa wika ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin,
pananaw at atityucl dito kaugnay ng di pagkakapantay-pantay ng mga wika
pati ng mga tagapagsalita,kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000).
Ayon kay Henry Gleason, isang linggwista, ang wika ay isang
masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang
sa isang kultura. Nakapaloob dito ang ilan sa mga pangunahin at
pandaigdigang katangian ng wika. Maliban sa pambansang wika na Filipino
kasama ng mahigit 100 na katutubong wika, ginagamit rin dito sa ating bansa
ang mga wikang banyaga tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese,
Koreano, Kastila, Espanyol at Arabe. Ngunit sa paglipas ng panahon unti-unti
na ring nakakalimutan ang ilan sa mga wikang ating ginagamit. Ito ay marahil
sa kadahilanang mahina ang pundasyon ng wika sa kinabibilangang kultura.
Dagdag ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit
sa pagpapahayag.” Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika
ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.
Napili ng mananaliksik na pag-aralan ang tungkol sa wikang katutubo
ng Ata-Manobo at Bagobo upang mas lalong maipabatid ang kahalagahan ng
wika sa buhay ng bawat indibidwal. Upang higit na mauunawaan ang kariktan
ng mga wikang ito batay sa ponolohiya, morpolohiya at sintaksis nito.
Ang wika ay isang makapangyarihang instrumento sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-usap upang maipabatid ang ating mga ideya
sa paraang emosyonal, intelektuwal, moral, sosyal, pisikal at maging ispiritwal
na pagpapahalaga. Masasabi na ang wika ay may malaking papel sa buhay
ng isang indibidwal sapagkat kung walang wika, walang komunikasyon. Ang
komunikasyon ay ang pinagsama-samang kaalaman at opinyon na mahalaga
upang magkaunawaan, makatulong sa negosasyon, sa paghahatid ng
impormasyon at pagsagot sa mga kuro-kuro sa pamamagitan ng analisasyon.
2
Bilang mamamayan, obligasyon natin na payabungin ito sapagkat simbolo ito
ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng bawat mamamayan ng bansa.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong paghambingin ang katutubong
wikang Ata-Manobo at Bagobo batay sa:
1. Ano ang pagkakaiba ng wikang Ata-Manobo at Bagobo batay sa
1.1 ponolohiya
1.2 morpolohiya, at
1.3 sintaksis nito ?
2. May pagkakaiba ba ang wikang Ata-Manobo at Bagobo batay sa
2.1 diin
2.2 bilang
2.3. panghalip
2.3 pandiwa
2.4 pangngalan
2.5 pang-uri, at
2.6 ekspresyon?
3
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Ayon kay Santiago (1979) ang bawat pangkat ng mga taong
naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o pamayanan ay may sariling
kultura. Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang karunungan, sining,
literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat ng mga taong
mananahanan sa isang pamayanan. Ang bawat pangkat ng mga taong may
sariling pangangailangan. Sa wikang ito nasasalamin ang mga mithiin at
lunggatiin, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman,
at karunungan, moralidad, paniniwala at kaugalian ng mga mamamayan.
Ang kultura at wika, samakatuwid, ng isang pamayanan ay dalawang
bagay na hindi maaaring paghiwalayin. Alalaong baga, masasabing may wika
sapagkat may kultura, sapagkat kung walang kultura ay saan gagamitin ang
wika?
Anupa’t ang bawat wika ay angkop na angkop sa kulturang
kinabubuhulan nito. Magagamit din ng isang wikang hindi katutubo sa isang
pamayanan ngunit ito’y hindi magiging kasimbisa ng wikang likas sa nasabing
pook. Sa katotohanan, ang ganitong pangyayari at malimit maganap sa mga
bansang nasasakop ng ibang bansa. Natural lamang na pairalin ng
mananakop ang kanyang sariling wika sa mga nasasakupan.
Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ayon kay Constantino (1972;
tingnan din ang Asuncion-Lande 1970), ay mapapangkat sa tatlong panahon:
Panahon ng mga Kastila, Panahon ng mga Amerikano, at Panahon ng
Kalayaan o Kasalukuyang Panahon. Ang Panahon ng Kastila ay nagsimula
noong ikalabing-anim na daantaon at natapos noong ikalabinsiyam na
daantaon. Ang panahon ng mg Amerikano ay nagsimula noong ikalabinsiyam
4
na daantaon at natapos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang
Panahon ng Kalayaan ay masasabing nagsimula noong 1946, pagkatapos
makamit ng Pilipinas ang kanyang kalayaan.
Ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas, ayon kay Scheerer (1918) ay
isinagawa ng mga misyonerong Kastila na karamihan ay mga paring Heswita
at Dominikano sa layuning mapabilis ang pagpapalaganap ng kristiyanismo
sa dakong ito ng daigdig. Napatunayan ng mga misyonerong Kastila na higit
na madali ang sila ang mag-aaral sa mga katutubong wika kaysa ang amga
‘Indios ‘ ang turuan ng wikang Kastila. Ganito ang naging karanasan ng mga
misyonerong Kastila sa Timog at Hilagang Amerika. (cf. Phelan 1955). Kaya’t
nang dumating sa Cebu noong Pebrero 13, 1965 ang anim na paring
Augustian, kasama ni Adelantado Miguel Lopez de Legaspi, ay gayon nga
ang kanilang isinagawa sa papalaganap ng relihiyong Katoliko Romano.
Ang itinuturing na pinakadahilan kung bakit napabilis ang pag-aaral sa
mga wikang katutubo noong panahon ng kastila ay ang pagkakahati-hati ng
kapuluan sa apat na Orden noong 1594, bilang pagsunod sa kautusan ni
Haring Felipe II. Ang pagkakahati-hati ay gaya ng sumusunod: Ang
Kabisayaan ay hinati sa mga Augustinian at Jesuitas. Ibinigay din sa mga
Augustinian ang Ilocos at Pampanga. Ang mga Intsik at mga lalawigan ng
Pangasinan at Cagayan ay ibinigay sa mga Dominican. Ang mga Franciscan
naman ang pinangasiwa sa kabikulan. Ang Katagalugan ay hinati rin sa apat
na Orden. (Phelan,1955).
Ayon kay Constantino (1972), ang pag-unlad ng aghamwika sa
Pilipinas pagkatapos ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay
5
naimpluwensyahan ng tatlong mahahalagang pangyayari. Ang una ay ang
pagtatatag sa Pilipinas ng “Summer Institute of Linguistics’ noong 1953. Mula
noon ay marami nang mga linggwistikang misyonero na kasapi sa nasabing
organisasyon ang nagtungo rito sa Pilipinas at nagsagawa ng mga pagsusuri
sa iba’t ibang wika at wikain sa kapuluan. Ginamit ng mga linggwistang ito
ang kanilang natutuhan sa higit na maunlad na paaralan ng linggwistika sa
Estados Unidos.
Sa kasalukuyan, ang pag-aaral sa mga wika sa Pilipinas ay
masasabing isinasagawa ng iba’t ibang pangkat ng mga linggwista. Ang
pinakamalaki at pinakamalaganap sa mga ito ay ang sangay sa Pilipinas ng
“Summer Institute of Linguistics. Masasabing higit na pinag-uukulan ng pansin
ng pangkat na ito ang mga wikang di gaanong malaganap. Isinasalin sa mga
wikang ito ng nasabing pangkat ang Bibliya at iba pag mga babasahing
pangrelihiyon.
Maraming magkakaibang dayalekto sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas,
isa o dalawang dyalekto para sa bawat pangkat ng Pilipino sa iba’t ibang
sulok ng bansa. Ang dayalekto ng mga tao sa Pilipinas ay batay sa lugar,
panahon at katayuan sa buhay. Kahit na may isang pambansang wika ang
Pilipinas, iba-iba parin ang ginagamit ng mga mamamayan dito. Ilan sa mga
dayalekto ay ang Ilokano, Kapampangan, Bisaya at marami pang iba. Ang
ibang dayalekto din naman ay may iba’tibang klaseng dayalekto (subdialect)
pa. Halos lahat naman ay marunong magsalita ng wikang Filipino pero may
mga Pilipino pa ring hindi gaanong marunong magsalita ng Filipino, ang iba
nga’y ni hindi man lang marunong magsalita ng pambansang wika.
6
Batayang Teyoretikal at Konseptwal
Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa teorya ni Baltazar (1977), ang
katutubong wika ng mag-aaral ay dapat maging kasangkapan sa pagsusuri
ng mga suliranin at ang pangunahing tungkulin ng mga mag-aaral ay ang
pagkakaroon ng ganap na kasanayan sa sistema o paraan ng wika sa
paaralan.
Ang istrukturang topograpiya ng Pilipinas batay sa arkipelago ang
sanhi ng pag-usbong ng iba‘t ibang wika ng bansa. Ayon kay Yap (2010), ang
Pilipinas ay binubuo ng mahigit 170 lenggwahe. Ang bawat pangkat ay
gumagamit ng kani-kaniyang katutubong wika at ipinagmamalaki nila ito.
Ang wika kay ay nagkakaiba ayon sa kultura, lipunan, komunidad na
kinabibilangan ng tao. Kung Bibliya (cf. THE WAY 1972) naman ang ating
pagbabatayan tungkol sa kung papaano lumaganap ang wika, Genesis 11:1-9
ay ganito ang nasasaad:
Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula
kay Noah ay dumami nang dumami at lumaganap pagawing silangan. Noong
panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao. Sa
patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay
natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang magtatag ng
isang lunsod. Nagsimula rin silang magtayo ng isang napakataas ng
templong-tore ay isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at
walang-hanggang paghangad.
Nang bumaha sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong-
toreng itinatayo ng mga tao. Iniisip Niya na kung patuloy na magkakaroon ng
isang wika ang mga tao, sila ay manatiling nagkakaisa at maaaring dumating
7
ang panahon na wala nang maging katapusan ang kanilang pagiging labis na
mapaghangad. Ang nasabing tore ay palatandaan ng palalong paghahangad
ng mga tao na mapalapit sa Diyos, at sa dakong huli’y mapantayan at
malampasan ang Kanyang kapangyarihan. Kaya’t ang ginawa ng Diyos ay
binigyan Niya ang mga tao ng iba’t ibang wika upang sila’y hindi
magkaunawaan. Nang hindi na nagkakaunawaan ang mga tao ay nagsimula
na silang magkawatak-watak at kumalat sa buong daigdig. Ang lunsod at
templong-tore na kanilang itinatayo, mula noon, ay nakilala sa tawag na
Lunsod ng Babel at Tore ng Babel na ang ibig sabihin ay “City of Confusion”
at “Tower of Confusion” sapagkat doon nakaranas ang mga tao ng pagkalito,
pagkakagulo, at pagkakawatak-watak nang sila’y bigyan ng Diyos ng ibat’
ibang wika.
Sina David at Healey (1962) ng Summer Institute of Linguistics ay
nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa Pilipinas
ang iba’t ibang wikang ating nakilala sa ngayon
. Sila’y naniniwala na mahahati sa tatlong panahon ang malakihang
paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa angkang Malayo-Polinesyo.
Noong 700 B.C. ang “Philippine Stock” ay nahati sa tatlo: “Northern
Philippine Family’, “Southern Philippine Family”, at Pangasinan. noong 200
B.C., ang “Northern Family” ay muling nahati sa hindi kukulangin sa tatlo: (1)
ang mga wika sa Lalawigang bulubundukin (Ifugao, Kankanai, Bontoc), (2)
Ilocano at ang mga wikang lumaganp sa kahabaan ng Ilog Cagayan (Kalinga,
Tinggian, Isneg, Ibanag, Atta, Gaddang, Agta), (3) at Inibaloi.
Ang “Southern Philippine Family,” noong 100 B.C., ay nahati sa mga
sumusunod na pangkat ng wika: Sambal, Tagalog, Pampangan, Bicol,
8
Cebuano, Butuanon, Surigao, Kalangan, Mansaka, Batak, Cuyunon,
Maranao, Maguindano, Binukid, Dibabaon, Western Bukidnon Manobo,
Sourthern Bukidnon Manobo, Subanun, atb.
Noong 1100b.C., ang “Philippine Superstock” ay nahati sa Philippine
Stock” at iba pang wika sa Timog Luzon, tulad ng Ivatan, Ilongot, Baler
Dumagat, atb. At noong 1300 B.C., ang malalaking pangkat ng mga wikang
kilala sa uring Proto—Indonesian ay nahati sa “Philippine Superstock,”
“Southern Mindanao Family (Bilaan, Tagabili, at Maaaring kasama rito ang
Tiruray), “ at isang angkan na kasama ang Malay at ang “Chamic Family” ng
Vietnam.
Iba naman ang kay Conklin (1952) ay pinangkat niya ang ilang wika sa
Pilipinas sa dalawa: Iloko-type at Tagalog-Type, batay sa korespondensya ng
mga tunog at iba pang katangiang panglinggwistika. Ang Ilocano at
Pangasinan ay isinama niya na pangkat ng Iloko-Type, samantalang ang
Tagalog, Bicol, Hiligaynon, at pati na Cebuano at Waray ay kasama sa
pangkat ng Tagalog-Type, ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang
pangkat na ito.
Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa Pilipinas na
ginamitan din ng lexicostatictics ay ang kina fox, Sebley at Eggan (1953).
Gumawa sila ng panimulang glottochronology para sa Katimugang Luzon.
Ang glottochronolocy ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o
panahon nahiwalay ang mga anak na wika sa kanilang inang wika at
gayundin, kung ano-anong petsa nagkahiwa-hiwalay o nagkawatak-watak
ang nasabing mga anak na wika pagkatapos mahiwalay sa inang wika. Sang-
9
ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga wika sa Katimugang Luzon. matangi
sa Ilongot, ay mapapangkat lamang sa isa. Ang ‘Northern Luzon Type, anila
pa, ay mahahati pa rin sa mga sumusunod: (1) ‘Northern Division’, 92)
“Central Division’, 93) ‘Southern Division, at (4) Southern Divison.’
Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen, kinikilalang pinakapangunahin
linggwista ng wikang Malayo-Polinesyo, sa mga wikang Austronesian (cf.
Contantino 1972) ay mababanggit din dito. Lexicostastical din ang paraang
ginamit ni Dyen. Kasama sa kanyang pag-aaral ang 60 wika sa Pilipinas.
Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging
resulta ng pag-aaral ni Dyen na malapit ang relasyon ng Tagalog at
Kapampangan. Sinasabi niyang higit na malapit ang Taglaog sa Cebuano at
Kuyunon kaysa Kapampangan.
Sabi ni Abadilla malaki ang nagawa ng wika sa paghugis ng
kamalayan (conciousness) ng kaisipang Pilipino. Ang kailangan ang wikang
sarili upang ang tatak ng sarili ay manatili (Romulo). Ayon kay Vygotsky ang
wika ay ginagamit ng tao sa pag-iisip sa pagproseso ng kaalaman. Ang wika
ay isang penomena o pangyayari ng lipunan nandoon na ang wika. Anuman
ang umiiral at nabigyang kahulugan bilang mensahe ng komunikasyon ay
wika. Wika ay simbolo o letra, kilos, senyales, busina at iba pa (Creole). Ang
wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pipili at isinasaayos
sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura (Gleason).
Narito ang mga iba pang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng wika.
1. Teoryang Bow-wow
10
Mula kay Max Mveller na isang aleman. Ayon sa kanya, ang wika ay
nagsimula buhat sa paggaya ng tao sa mga tunog ng kalikasan tulad ng
langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig at ihip ng hangin. Tinatawag din iton
Onomatopiya.
2. Teoryang Ding-dong
Naksaad dito sa teorya na bawat bagay ay may sariling tunog na
kumakatawan dito. Halos katulad ito ng Bow-wow subalit may bahagyang
kaibahan sapagkat hindi lamang ang tunog mula sa kalikasan ang sinasaklaw
ng Ding-dong kundi maging ang tunog ng mga bagay na likha ng tao tulad ng
“tiktak” ng orasan, huni ng tuko, uwak, palaka, ibon at tunog ng kampana.
3. Teoryang Ta-ta
Ayon dito ang wika ay nagsimula sa paggaya sa mga galaw ng
katawan ng humahantong sa koordinasyon ng bibig at dila.
Halimbawa ay ang pagkumpas ng kamay nang pataas at pababa
tuwing magpapaalam at ang pag-iling upang magpahayag ng hindi pagsang-
ayon. Ang Ta-ta ay nagmula sa salitang Pranses na nangangahulugang
paalam. Tinatawag din itong muestra.
4. Teoryang Yo-he-ho
Nagsimulang makabuo ng mga salita ang tao sanhi ng mga tunog na
kaniyang nauusal tuwing siya ay gagamit ng matinding puwersa sa
pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
5. Teoryang Pooh-pooh. 88
11
Ang tunog na naiibulalas ng tao dala ng matinding takot, galak, sakit at
iba pa pang emosyon ang siyan pinaniniwalaang pinagmulan ng wika.
Kung minsan ay sadyang hindi natin maiwasang umusal ng mga tunog
tuwing tayo ay nasa ilalim ng matinding emosyon.
6. Teoryang La-la
Ito ay mula sa isang linggwistang taga-Denmark na si Otto Jespersen
(1860-1943) kung saan sinabi niya na ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita ay ang pwersang may kinalaman sa romansa tulad ng pag-ibig na
makikita sa lenggwahe ng mga tula at awitin.
7. Teoryang Yum-yum
Nilikha ang tao na sadyang may mga bayolohikal na pangangailangan
tulad ng hangin, tubig at pagkain. Dito’y nagiging pangunahing layunin ng
kanyang pagkilos ay ang matugunan ang mga ito. Ang teoryang ito ay iniluwal
ng pagkalam ng sikmura ng tao dala ng nararamdamang gutom. Nakabatay
din ito sa stimulus-response theory kung saan medaling maakit sa pagkain
ang isang taong gutom. Madalas ding kumakatas an gating mga bagang sa
tuwing makakakita o makakaamoy tayo ng masarap na pagkain sabay ang
pag-usal ng salitang yum-yum o yummy.Tumutukoy ito sa koordinasyon ng
kilos ng tao gaya ng pagtango kasabay ng pagsasabing oo, pag-inom kapag
nauuhaw at pagkain kapag nagugutom.
8. Teoryang Tarara-boom-de-ay
Tungkol ito sa mga seremonya o ritwal na isinasagawa ng mga tao
tulad ng pagsasayaw, pagsigaw at pag-ungol bilang isang porma ng
12
pagpapahayag. Ang mga salitang kanilang naibulalas mula sa ganitong mga
Gawain ay nagiging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at
kultura.
Bagaman naghahain ng iba’t ibang paliwanag hinggil sa pinagmulan ng
wika ang mga teoryang nabanggit ay hindi pa rin ito sapat upang maging
batayan n gating paniniwala dahil marami pa rin itong mga kakulangan.
13
Pigura 1. Balangkas ng Konseptwal ng Pag-aaral
14
Paghahambing ng wikang Ata-Manobo at Bagobo
Ponolohiya Morpolohiya
Sintaksis
Katuturan ng mga katawagan
Para lubos na maunawaan ang pag-aaral na ito ang mga sumusunod
na mga pahayag ay binigyang katuturan batay sa operasyonal at konseptwal
na pagpapakahulugan.
Wika . Isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.
Ata-Manobo. Ang wikang Ata Manobo ay matatagpuan sa sa
hilagangkanluran ng Davao sa Pilipinas. Ginagamit ito ng 27,000 na mga
katutubo (Minonobo to Davao del Norte,2000). Nauuri ito sa mga wikang
Austronesian, Malyo-Polynesian, Manobo sa sentrong bahagi ng Pilipinas at
wikang kanlurang bahagi naman ang Ata.
Bagobo. “Bagobo” mula sa salitang “bago” ibig sabihin “bago, kamalain” at
“obo/obbo/uvu” ay nangangahulugang “paglaki, pagtubo,” kaya tinawaga ito
ngayon Bagobo sa naninnirahan sa baybayin ng gulpo ng Davao. Nang
dumating ang kultura ng mga Hindu mula sa Timog sa panahon ng
pananakop ng Sri Vijayan at Majapahit sa Mindanao, ang mga lahing ito ay
bumuo ng bagong komunidad kasama ang mga katutubo na pinangalanang “
Bagobo” lalo na sa bahaging kanluran at Timogsilangang Davao.
15
Ponolohiya (Palatunugan). Ang tawag sa pag-aaral ng mga katangian o
kakanyahan ng mga tunog may kahulugan man o wala – isang wika.
Morpolohiya (Palabuuan). Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema at
ang kanlinag pagkakaayos sa pagbubuo ng mga salita.
Sintaksis (Palaugnayan). Tumutukoy sa paglalarawan ng kaayusan ng mga
morpema at mga salita upang bumuo ng mga parirala, sugnay at
pangungusap.
16