13
Mala-Masusing Banghay –Aralin Para sa Pagpapakitang –turo sa Filipino Si Angel Miguel ni Gervacio B. Santiago (Maikling Kwento) Araw ng Pagtuturo: Pebrero 20, 2011 Inihanda ni:

Lesson Plan Christine

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Lesson Plan Christine

Mala-Masusing Banghay –AralinPara sa Pagpapakitang –turo

sa Filipino

Si Angel Miguel ni Gervacio B. Santiago

(Maikling Kwento)

Araw ng Pagtuturo: Pebrero 20, 2011

Inihanda ni:

MA. CHRISTINE B. TEJADAGurong Nagsasanay

Page 2: Lesson Plan Christine

Mala-Masusing Banghay –Aralinsa Filipino II

I. Layunin:

A. 1. Nabibigyang kahulugan ang mga mahihirap na salitang ginamit sa kwento.2. Natutukoy at nailalarawan ang mga tauhan, suliranin at tagpuan sa kwento.3. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento batay sa mga nabuong larawan.

B.1. Nabibigyang-halaga ang katatagan ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

C.1. Naibubuod ang kwento batay sa naisagawang pictomap. 2. Naisasadula ang piling tagpo sa kwento.

II. Paksang-Aralin:

Paksa: Si Angel Miguel ( Maikling Kwento)May-Akda: Gervacio B. SantiagoKagamitan: Awitin (cd teyp), tsart, mga larawan (Puzzle), calendar at cartolinaSanggunian:Gintong Pamana-Wika at panitikan ni Leticia F. Dominguez, Ph. D. p. 227-230.

III. Pamamaraan:

A. Pagganyak

Pagpaparinig ng isang awit (May Bukas Pa)

Mga Katanungan:

1. Tungkol saan ang awit?2. Anu-ano ang mga magagandang mensaheng hatid ng napakinggang

awitin?

B. Paglalahad

1. Pag-uugnay ng awit sa paksang-aralin.2. Pagbibigay ng impresyon sa pamagat ng akda.

Si Angel MiguelGervacio B. Santiago

impresyon

impresyon

impresyon

impresyon

Page 3: Lesson Plan Christine

C. Paghawan ng Sagabal

Panuto:Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan. Pagkatapos ay gamitin ito sa sariling pangungusap.

1. hagibis ng pag-unlad

= bilis

2. wala nang nasasalat na pag-asa

= nadarama

3. tinalunton ng kanyang mga paa

= nilandas

4. banaag ng pag-asa

= sinag

5. umuukilkil sa kanyang isipan

= nanunuot

D. Pagtalakay

Mga Gabay na Tanong:

A. 1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa.

b l i s i

n d a a m a r a

n i d l n s a a

s n g a i

n a n u n t o u

Mga Tauhan

Angel Miguel Nardo

EdnaAling Marta

Page 4: Lesson Plan Christine

2. Anu-ano ang mga suliraning sumapit sa buhay ni Nardo sa kwentong binasa?

B. Pangkatang Gawain

Istratehiya- Pictomap

1. Papangkatin sa apat na grupo ang mga mag-aaral.2. Pagbibigay ng hugis bilog na papel sa bawat pangkat.

Pagbuo ng puzzle Pagbibigay ng mga mahahalagang pangyayari sa nabuong

larawan.

3. Pag-uulat ng lider ng bawat pangkat sa mga pangyayaring naganap sa bawat tagpuan.

4. Paglalagay ng “arrow” para sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

Mga pangyayari:1.2.3.

Mga pangyayari: 1.

2. 3.

Mga pangyayari:1.2.3.

Mga pangyayari: 1. 2. K 3

Mga Suliranin ni Nardo

Page 5: Lesson Plan Christine

E. Paglalahat

1. Pagbubuod sa kwento batay sa isinagawang pictomap.

F. Paglalapat

A. Pangkatan

Pangkat I – Pumili ng isang magandang tagpo sa kwento at isadula sa klase.

Pangkat II – Bumuo ng balita tungkol sa pagkabangga ng anak ni Nardo at isagawa sa klase.

Pangkat III – Bumuo ng isang panalangin para sa mga taong nawawalan ng pag-asa at isagawa sa klase. Mag-isip din ng istilo kung paano ito isagawa.

Pangkat IV – Mag-isip ng isang awit na kaugnay sa kwentong natalakay at awitin sa harap ng klase. Umisip din ng istilo kung paano ito isagawa.

IV. Ebalwasyon

Panuto : Itapat sa HANAY B ang karugtong ng mga pahayag sa HANAY A upang mabuo ang diwa nito. Titik lamang ang isulat.

HANAY A HANAY B

1. Nagalit si Nardo kay Angel Miguel.

2. Nabundol ng kotse si Edna.

3. Nang umuwi si Nardo ay nalaman niyang maraming milagrong nangyari sa kanilang bahay.

4. Nakita ni Nardo si Angel Miguel na nalulunod.

5. Nagpunta sa simbahan si Nardo.

a. tulad ng pagkakaroon ng trabaho ni Nardo at pagsagot ng gastusin sa hospital nang nakabangga kay Edna.

b. kaya dinala siya sa hospital.

c. dahil sa pakikialam nito sa kanyang problema.

d. para maghanap ng milagro.

e. kaya agad-agad niya itong iniligtas.

f. kaya binigyan niya ito ng Bibliya.

V. Kasunduan

Bumuo ng tula na pumapaksa sa pagkakaroon ng katatagan ng loob at matibay na pananalig sa Panginoon sa gitna ng mga pagsubok sa buhay batay sa mga sumusunod na pamantayan:

1. Lalabindalawahin ang sukat.2. Nasa tugmang patinig.3. Guhitan ng “background” ang nabuong tula.

Page 6: Lesson Plan Christine
Page 7: Lesson Plan Christine
Page 8: Lesson Plan Christine
Page 9: Lesson Plan Christine
Page 10: Lesson Plan Christine

May Bukas PaRico J. Puno

Huwag damdamin ang kasawianMay bukas pa sa iyong buhay

Sisikat din ang iyong arawAng landas mo ay mag-iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyanMayroong ligaya at lumbay

Maghintay at may nakalaang bukas[ Lyrics from:

http://www.lyricsmode.com/lyrics/r/rico_j_puno/may_bukas_pa.htMay bukas pa sa iyong buhay

Tutulungan ka ng Diyos na may lalangAng iyong pagdaramdamIdalangin mo sa Maykapal

Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Sa daigdig ang buhay ay ganyanMayroong ligaya at lumbay

Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhayTutulungan ka ng Diyos na may lalang

Ang iyong pagdaramdamIdalangin mo sa Maykapal

Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Ang iyong pagdaramdamIdalangin mo sa Maykapal

Na sa puso mo ay mawala nang lubusan