20
FILIPINO 2 Sheercy C. Delgra

maikling kwento at pabula

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: maikling kwento at pabula

FILIPINO 2

Sheercy C. Delgra

Page 2: maikling kwento at pabula

Maikling Kuwento at Pabula

Page 3: maikling kwento at pabula

Maikling Maikling kwentokwento

-ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Page 4: maikling kwento at pabula

Edgar Allan Edgar Allan Poe Poe --ang ang tinuturing na "Ama ng tinuturing na "Ama ng

Maikling Kuwento”Maikling Kuwento” -isang Amerikanong manunulat.

Nakilala siya dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maikling kwento at mga tula. Ang “The Raven" ang pinakakilala niyang tula, isang poesiyang nagsasalaysay tungkol sa ng pagdadalamhati at kawalan ng isang lalaki. Kasama sa iba pang mga akda ang “The tell-Tale Heart" at “The Cast of Amontillado."

Page 5: maikling kwento at pabula

Paglalarawan -bilang isang masining na

panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.

Layunin -bilang anyo ng panitikan, may layunin itong

magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan sa mambabasa.

Page 6: maikling kwento at pabula

Kayarian -bilang isang akdang pampanitikan,

maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Page 7: maikling kwento at pabula

Mga bahagi: Panimula- dito nakasalalay ang kawilihan ng

mga mambabasa Saglit na Kasiglahan- nagpapakita ng

panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema

Suliranin- problemang haharapin ng tauhan Tunggalian- may apat na uri: tao vs. tao, tao

vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan

Kasukdulan- makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban

Kakalasan- tulay sa wakas Wakas- mensaheng inilalahad ng maikling

kwento

Page 8: maikling kwento at pabula

Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento

Paksang Diwa

Page 9: maikling kwento at pabula

Kwento ngKwento ng tauhan-tauhan-inilalarawan ang mga inilalarawan ang mga

pangyayaring pangkaugalian pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang ng mga tauhang

nagsisiganap upang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang mabigyan ng kabuuan ang

pag-unawa sa kanila ng isang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasamambabasa

Page 10: maikling kwento at pabula

Kwento ng katutubong kulay- binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook

Kwentong bayan- nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan

Kwento ng kababalaghan- pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala

Page 11: maikling kwento at pabula

Kwento ng katatakutan- naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak

Kwento ng madulang pangyayari- binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan

Kwento ng sikolohiko- ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan

Page 12: maikling kwento at pabula

Kwento ng pakikipagsapalaran- nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento

Kwento ng katatawanan-nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa

Page 13: maikling kwento at pabula

Mga ElementoMga Elemento

Simula- kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin

Gitna- binubuo ng nito ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan

Wakas- binubuo ng wakas ang saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan

Page 14: maikling kwento at pabula

PabulaPabula• ay isang maiksing kuwentong kathang-isip

na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop na nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangang ituwid o baguhin dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan.

Itinuturo sa atin ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahilsa mga magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Page 15: maikling kwento at pabula

Bakit mga hayop at Bakit mga hayop at hindi mga tao ang mga hindi mga tao ang mga gumaganap sa pabula?gumaganap sa pabula?• ang mga hayop ay may kanya-kanyang

likas na katangian na madaling isalarawan upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo (tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), mapanlinlang, at marami pang iba

Page 16: maikling kwento at pabula

At dahil nuong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,

Page 17: maikling kwento at pabula

Aesop- ay isang Griego na namuhay nuong panahong 620-560 BC at itinuturing na ama ng mga sinaunang pabula

-isinilang na kuba at may kapansanan sa pandinig atunang lumaki na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilos pambayan. Dito lumabas at nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan.

-lumikha siya ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Tinataya na siya ay lumikha ng mahigit sa 200 pabula nang siya ay nabubuhay pa.

Page 18: maikling kwento at pabula

Ano ang Ano ang kahalagahan ng kahalagahan ng

pabula?pabula?• ang pabula ay ginagamit upang

turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.

Sa paglipas nang panahon ang pabula ay ginawang kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay sa mga bata bago sila patulugin ng kanilang mga magulang

Page 19: maikling kwento at pabula

Sa panahon ngayon ang pabula ay muling binalikan at muling sumisikat sapagkat eto ay ginagamit sa ibang paraan upang kapulutang ng mga aral. Halimbawa sa larangan ng negosyo ang pabula ay ginagamit ng pamunuan ng mga kumpanya upang turuan and kanilang mga manggagawa sa wasto at karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang mga kalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa kanilang mga katunggali sa kalakalan

Page 20: maikling kwento at pabula

By: sHerz19

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!