Manwal ALS LESSON

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FOR ELEM

Citation preview

  • Manwal ng Tagapatnubay

    Ako, Kami, Tayo:Sa Landas ng Kapayapaan

    Basic Literacy Learning Material

    Bureau of Alternative Learning SystemDEPARTMENT OF EDUCATION

    2

    Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

    3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

    Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

  • Ako, Kami, Tayo: Sa Landas ng KapayapanSession Guide Blg. 1

    I. MGA LAYUNIN

    Pakikinig : Naipahahayag ang saloobin tungkolsa dayalogo at kasabihan;

    Pagsasalita : Nasasabi ang kaugnayan ng sarili sausapin ng kapayapaan;

    Pagsulat : Naisusulat ang mga positibo atnegatibong ugali ng sarili

    Pagbasa : Nasusunod nang tama ang panutosa pagsagot ng tseklis;

    Paglutas ngSuliranin : Nasasagot ang suliranin gamit ang

    kaalaman sa pagkuha ng kabuuanghalaga

    Pagkilala sa Sarili, Susi sa Pag-unladng Buhay

    II. PAKSA

    A. Aralin 1: Sino Ako?

    Kasanayang Pakikipamuhay: Mapanuring pag-iisip; Kakayahang Makiisang Damdamin;

    Pag-aangkop ng Sarili sa mga Emosyon/Saloobin

    1

    Ako, Kami, Tayo:Sa Landas ng Kapayapaan

    Karapatang-Ari 2005KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA

    SA PAGKATUTOKagawaran ng Edukasyon

    Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema saPagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindimaaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nangwalang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ngpamahalaang naglathala.

    Inilathala sa Pilipinas ng:

    Kagawaran ng EdukasyonKawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto

    3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

    Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

  • B. Kagamitan:

    - Tsart ng awiting Sino Ako?

    Hiram sa Diyos ang aking buhayIkaw at akoy tanging handog lamangDi ko ninais na akoy isilangNgunit salamat dahil may buhay

    Ligaya ko nang akoy isilangPagkat tao ay mayroong dangalSinong may pag-ibig, sinong nagmamahal

    Kundi ang tao, Diyos ang pinagmulan

    Kung di ako umibig, kung di ko man Bigyang halaga ang buhay kong handog Ang buhay kong hiram sa Diyos Kung di ako nagmamahal, sino ako?

    - Cutouts ng mga salitang may kaugnayan saugali ng tao

    - Larawan ng ibat ibang tao na nagpapakitang kanilang pag-uugali

    III. PAMAMARAAN

    A. Panimulang Gawain

    Pagganyak

    - Awitin ang Sino Ako?

    2 3

    - Pag-usapan ang diwa ng awit ( Tiyakingmatukoy ang pagkilala sa sarili bilang isasa mga sagot)

    - Itanong: Kilala ba ninyo ang inyong sarili?

    B. Panlinang na Gawain

    1. Paglalahad

    - Pagtambalin ang mga mag-aaral- Ipabasa ang panuto sa isang mag-aaral

    Panuto: Kapanayamin ang kapareha/katambal hinggil sa kanyangmga katangiang pag-uugali.Isulat ang mga ito sa isang papelat iulat sa klase pagkatapos

    - Magtalakayan, pansinin ang mgakatangiang iniulat. Ihiwalay ang mgapositibo sa negatibo.

    - Isulat ang mga ito sa pisara at ipabasanang sabay-sabay at pagkatapos isa-isa

    - Ipabukas ang modyul sa pahina 12Pag-usapan Natin

    - Ipabasa ang mga dayalogong makikitadito.

    - Ipatukoy sa mga mag-aral ang mgakatangiang pag-uugali na ipinakikita dito.

    - Ipasulat ito sa mga mag-aaral- Basahin at pag-usapan ang mga isinulat.

  • 2. Basahin ang tula: KAIBIGAN, pahina 13.Sagutin ang tanong.

    3. Pagtatalakayan

    - Ipakita ang ang Tseklis sa Pagkilala sa Sarili- Ipaliwanag na ang tseklis na ito ay isa

    lamang sa paraan ng pagkilala sa sarili- Pabuksan ang modyul sa pahina 15,

    Pag-isipan Natin.- Ipagawa ang gawaing pagsulat A,

    pahina 15.- Suriin ang mga sagot at magtalakayan.- Buksan ang modyul sa pahina 17

    Kwentahin Natin at talakayin ang aralingpang numerasi

    - Pag-usapan ang larawan ni AsyongMayabang.

    - Ipatukoy sa mga mag-aaralang mgakatangiang ipinakikita dito.

    - Itanong kung bakit siya tinawag naAsyong Aksaya.

    - Ipasipi sa kanila ang halaga ng mga gamitniya sa katawan na nakadikit dito sanakalaang puwang sa modyul.

    - Bigyang pansin ang pagkuha ngkabuuang halaga nito.

    - Ipagawa ang Sagutin Natin sa pahina 18.

    C. Paglalahat

    - Pag-usapan ang Alamin Natin ngpahina 14, at magtalakayan hinggil dito.

    - Talakayin din ang kasabihan sa Pag-isipanNatin. Ipaliwang ang mensahe na naisiparating ng kasabihan na makikita sakahon.

    D. Paglalapat

    - Pabuksan ang pahina 19, Tandaan Natinat ipabasa ito sa mga mag-aaral.

    - Pag-usapan ang mensahe ng binasangkasabihan.

    - Itanong:a. Ano ang kahalagahan ng pagkilala

    sa sarili?b. Paano ito nakakaapekto sa relasyon

    natin sa iba?c. Ano ang kaugnayan nito sa usapin ng

    kapayapaan?

    IV. PAGTATAYA

    - Pabuksan ang modyul sa pahina 20, atipagawa Ano ang inyong natutuhan?.

    V. KARAGDAGANG GAWAIN

    - Magsagawa ng isang panayam sa isang kasaping inyong pamilya. Tanungin kung ano ang tinginniya sa kanyang pag-uugali.

    - Ibahagi sa pangkat ang impormasyon at isamasa sariling journal.

    4 5

  • Ako, Kami, Tayo sa Landas ng KapayapaanSession Guide Blg. 2

    I. MGA LAYUNIN:

    Pakikinig : Naipahahayag ang saloobin tungkolsa kasabihan at dayalogo

    Pagsasalita : Nasasabi ang kaugnayan ngpamilya sa usapin ng kapayapaan

    Pagbasa : Nababasa ang mga katagang maykinalaman sa papel ng bawatkasapi ng pamilya

    Pagsulat : Naisusulat ang mga karapat-dapatgampanan ng bawat kasapi ngpamilya

    Pagkukwenta: Nagagamit nang tama angpanandang >,

  • 8 9

    - Tumawag ng 6 na mag-aaral at ipasadulaang mga usapan sa Basahin Natin sapahina 32.

    - Talakayin ang dayalogo. Bigyang diin angmga sumusunod:

    Ama ang haligi ng tahanan.Ina ang ilaw ng tahanan.

    - Itanong:Ano naman ang papel ng mga anak?Bakit kaya tinawag na haligi ngtahanan ang ama at ilaw naman angina?

    - Pagpangkatin sa dalawa ang klase, angisang pangkat ay para sa ina at para saama naman ang isa.

    - Ipaulat sa bawat pangkat ang mga sagotna nakalap sa klase.

    - Suriin ang mga sagot at magtalakayan.

    2. Pagtatalakayan

    - Gamit ang mga cutouts na naglalaman ngmga katagang tumutukoy sa sanhi atepekto na maaaring makasira sa relasyonng pamilya, ipadikit ito sa mga mag-aaralsa tsart

    Sanhi Epekto

    - Talakayin ang katatapos na Gawain- Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga

    karagdagang halimbawa- Ipagawa ang Alamin Natin

    sa pahina ____- Pag-usapan ang kanilang mga sagot.- Ipakwenta ang mga bilang na makikita sa

    pahina ____ ng modyul. Bigyang diin angmga tanda na paghahambingna >, < at =

    - Magbigay pa ng ilang pagsasanay upanglubusang makilala at magamit ang mgasimbolo.

    - Pasagutan ang mga gawain sa Pag-isipanNatin sa pahina _____ ng modyul.

    3. Paglalahat

    - Pabuksan ang ang modyul, sa TandaanNatin, pahina ____

    - Ipabasa sa mga mag-aaral ang mganakasulat dito at magtalakayan. Bigyangdiin ang mga usaping hinaharap ng atingmga kababayang nagtatrabaho sa ibangbansa para sa pamilya.

    - Pag-usapan ang mga kasabihan. Kuninang sariling opinyon ng mga mag-aaral.Magtalakayan ukol dito.

    - Bilang pagpapayaman ng talakayan,itanong ang sumusunod:a. Ano ang kahalagahan ng pamilya?b. Paano ito nakakaapekto sa pagsulong

    ng kapayapaan ng isang pamayanan?

  • 10 11

    4. Paglalapat

    - Bilang pagpapayaman ng talakayan,Itanong mga sumusunod:a. Ano ang dapat na maging papel ng

    pamilya sa usapin ng kapayapaanb. Bilang ama, ina, o anak, paano mo

    maisasakatuparan ito?

    IV. PAGTATAYA

    - Pabuksan ang modyul sa pahina ______, Anu-ano na ang inyong natutuhan?.

    - Ipagawa ang mga gawain dito.- Isangguni ang mga sagot sa

    Susi ng Pagwawasto

    V. KARAGDAGANG GAWAIN

    - Pagawain ang mga mag-aaral ng ng isangsimpleng komposisyon na maglalarawan sakanilang pamilya. Maaari nila itong gawin sa

    paraang patula, awit at iba pangliteraryong gawain.

    - Ibahagi ito sa klase- Isama ito sa sariling journal.

    Ako, Kami, Tayo: Sa Landas ng KapayapaanSession Guide Blg. 3

    I. MGA LAYUNIN

    Pakikinig : Naipahahayag ang saloobin tungkolsa dayalogo at mga kasabihan;

    Pagsasalita : Nasasabi ang kaugnayan ngpakikipagkapwa-tao sa usapin ngkapayapaan;

    Pagbasa : Nababasa ang mga katagang maykinalaman sa pakikipagkapwa tao;

    Pagsulat : Naisusulat ang mga positibo atnegatibong gawain sapakikipagkapwa-tao;

    Pagkukuwenta Nagagamit nang tama angkalendaryo

    Pagkakaisa ng mgamamamayan, tugon sakaunlaran ng pamayanan

    II. PAKSA

    A. Aralin 3: KKK Tayo: Kapuso! Kapamilya! Kabarangay!

    Kasanaya sa Pakikipamuhay:Kakayahang makiisang damdaminKakayahang pakikipagkapwaPag-aangkop ng sarili sa mga emosyon

  • 12 13

    B. Kagamitan:

    - flashcards ng mga sumusunod na salita:pamayanankristiyanomuslimlumad

    - kalendaryo

    III. PAMAMARAAN

    A. Panimulang Gawain

    1. Balik-aral

    - Pag-usapan ang nakaraang leksyon- Itanong kung anong paksa ang tinalakay.

    Tiyaking matukoy ang tungkol sa pamilyabilang isa sa mga sagot.

    - Iugnay sa paksang tatalakayin.

    2. Pagganyak

    - Magpakita ng larawan ng isangpamayanan

    - Papagbigayin ang mga mag-aaral ngsalita o parirala tungkol sa larawan.

    - Ipasulat sa pisara ang mga salita o parirala- Suriin at pag-usapan ang mga ito.- Iugnay sa leksyong tatalakayin.

    B. Panlinang na Gawain

    1. Paglalahad

    - Pabuksan ang modyul sa pahina 50,Awitin natin ito at ipaawit ang IsangPamayanan sa himig ng ______

    - Itanong kung ano ang mensahe ng awit.Tiyaking matukoy ang mga bumubuo ngpamayanan bilang isa sa mga sagot

    - Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mgasalitang tumutukoy sa mga taongbumubuo sa isang pamayanan ang Ako,ikaw at tayo.

    - Itanong: Ano ang kahalagahan ngbawat isa sa isang pamayanan?

    2. Pagtatalakayan

    - Pabuksan ang modyul sa Pag-usapanNatin, pahina ____

    - Pangkatin sa 2 ang mga mag-aaral- Ipasulat sa unang pangkat ang mga

    nakita sa unang larawan at sa ikalawangpangkat naman ang sa pangalawanglarawan

    - Ipaulat ang kanilang ginawa.- Suriin ang mga sagot at magtalakayan.- Itanong: Bakit sa palagay ninyo nangyari

    ang mga ito?- Ipabasa ang dayalogo sa pahina ____.

  • 14 15

    - Itanong:1. Sino-sino ang mga tauhan sa

    dayalogo?2. Ano ang tinatalakay ng dayalogo?3. Bakit nagreklamo si Hussin?4. Anong mga positibo at negatibong

    gawain ang ipinakita dito?5. Anong aral ang natutuhan mo mula

    rito?6. Paano maiiwasan ang ganitong

    pangyayari?

    - Pabuksan ang modyul sa pahina____ atpasagutan ang mga tanong.

    - Ipaliwanag ang kalendaryo. Isalin sa Pilipinoang mga ngalan ng araw na nakasulat saIngles.

    - Suriin ang mga sagot at magtalakayan.- Tukuyin kung paano magiging positibo ang

    mga negatibong damdamin.- Bigyang diin ang kahalagahan ng

    pagkakaroon ng positibong pananaw ogawain sa pagpapanatili ng kapayapaansa isang pamayanan.

    - Pasagutan ang pagsasanay sa pahina56, Pag-isipan Natin

    - Suriin ang mga sagot at magtalakayan.- Pansinin ang pagkakaiba ng mga

    kaugalian ng mga kaugalian atpaniniwala ng bawat tao o pangkat-taosa pamayanan.

    - Bigyang-diin ang kahalagahan ngpaggalang bilang pundasyon ng isangmatatag at nagkakaisang mamamayan.

    3. Paglalahat

    - Pabuksan ang modyul sa pahina____,Alamin Natin .

    - Himukin ang mga mag-aaral na ipahayagang kanilang sariling saloobin hinggil dito.

    - Tumuloy sa pahina____, Pag-isipan Natinat pag-usapan ang mga nilalaman nito.Kunin ang saloobin/opinyon ng mgamag-aaral.

    - Isulat sa pisara ang mahahalagang puntona natukoy ng mga mag-aaral sa kanilangpagpapahayag.

    - Suriin ang mga sagot at magdagdag ngpaliwanag.

    - Bigyang-diin kung bakit tinatawag naLupang Pangako ang Mindanao.

    - Ipaliwanag ang mga pakikibaka ng mgaarmadong grupo tulad ng Moro NationalLiberation Front (MILF) at Moro IslamicLiberation Front (MILF)

    - Pag-usapan ang mga programangipinatutupad ng pamahalaan tulad ng:Patuloy na Peace Talk sa mga grupongito, ang Autonomous Region of MuslimMindanao(ARMM) bilang tugon sa mgahinaing ng mga grupong pulitikal ngMindanao.

  • - Bilang pagpapayaman ng talakayan,itanong ang mga sumusunod:1. Ano ang kahalagahan ng mga ito sa

    iyo?2. Bakit kailangang alamin ang kultura ng

    iba?3. Ano ang kaugnayan nito sa usaping

    pang-kapayapaan?4. Paglalapat

    - Ipabasa ang Tandaan Natin sapahina ___ at pag-usapan ito.Itanong:1. Ano ang mensahe ng binasa

    ninyo?2. Paano mo maisasabuhay ang

    mga aral na nakuha mo dito?

    IV. PAGTATAYA

    - Ipagawa ang mga gawain sa pahina ____- Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang

    mga natutuhan sa araling ito- Ipasagot ang mga tanong gamit ang larawan.

    V. KARAGDAGANG GAWAIN

    - Gumawa ng talaan, ilarawan ang sarilingpamayanan gamit ang mga salita parirala, atpangungusap.

    - Ibahagi ito sa klase.- Isama sa sariling journal.

    16