58
Masining na Pagpapahayag

Masining na Pagpapahayag

  • Upload
    tab

  • View
    764

  • Download
    24

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Masining na Pagpapahayag. PAMANTAYANG LAYUNIN. Makapagpamalas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan sa mga talinhagang nakapaloob sa mga pahayag. PAMANTAYANG LAYUNIN. Makagagamit ng mga angkop na talinhaga sa pasulat at pasalita. bumabalikwas sa pampang. dumadagundong na pagsabog. - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

  • Masining na Pagpapahayag

  • PAMANTAYANG LAYUNINMakapagpamalas ng kasanayan sa pagbibigay kahulugan sa mga talinhagang nakapaloob sa mga pahayag

  • PAMANTAYANG LAYUNINMakagagamit ng mga angkop na talinhaga sa pasulat at pasalita

  • bumabalikwas sa pampang

  • dumadagundong na pagsabog

  • humahagunot sa himpapawid

  • rumaragasangpagpatak

  • SA TABI NG DAGATMarahang marahang manaog ka, Irog at katay lalakad Maglulunoy katang payapang payapa sa tabi ng dagat

  • SA TABI NG DAGATDi na kailangang sapinan pa ang paang binalat-sibuyas,ang daliring garing sa sakong na wariy kinuyom na rosas

  • SA TABI NG DAGATManunulay kata habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin;

  • SA TABI NG DAGATPatiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, ngunit walang ingay hanggang sumapit sa tiping buhangin

  • SA TABI NG DAGATPagdating sa tubig mapapaurong kang parang nangingimi,gaganyakin kata sa nangaroong mga lamang- lati;

  • SA TABI NG DAGATDoon ay may tahong talabat halaang kabigha-bighani Hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali?

  • SA TABI NG DAGATPagdarapit- hapon katay mababalik sa pinanggalingan sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw

  • Talagang ganoon; sa dagat man, irog ng kaligayahan, Lahat, pati puso naaagnas ding marahang marahan.

    SA TABI NG DAGAT

  • Piliin mo ang kahon na naglalaman ng mga salitang ginamit ng may-akda sa tula na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran.Pagsusuring Pampanitikan

  • Pilapil na nalalataganng damong may luhang mga bituin;Doon ay may tahong,Talabat halaangKabigha-bighaniMaglulunoy katangPayapang-payapasa tabi ng dagat;Ngunit walang ingay,Hanggang sa sumapitsa tiping buhangin.

  • Pagsusuring PampanitikanPiliin ang larawang-diwa na maaaring mabuo sa iyong isipan sa sumusunod na mga taludtod.

  • Di na kailangangSapinan pa ang paangbinalat-sibuyas,Ang daliring garingsa sakong na wariykinuyom na rosas

  • ang babae ay tin-edyer pa makinis at maputing babae babaeng may kutis porselana at busilak sa kaputian babaeng may makinis na balat at kulay ivoryDi na kailangangSapinan pa ang paangbinalat-sibuyas,Ang daliring garingsa sakong na wariykinuyom na rosas

  • Manunulay kata,habang maaga pa, sa isang pilapilna nalalataganng damong may luha ng mga bituin

  • Manunulay kata,Habang maaga pa, sa isang pilapilNa nalalataganNg damong may luha ng mga bituin Isang bukid sa maaliwalas na umaga Isang bukid na puno ng hamog ang damuhan Bukid na punung-puno ng pananim Bukid na puno ng hamog ang damuhan sa maaliwalas na umaga

  • Patiyad na tayoAy maghahabulang simbilis ng hanginNgunit walang ingay,hanggang sa sumapit sa tiping buhangin

  • Magsing-irog na tumatakbo sa pinatigas na tubig. Magsing-irog na marahang tumatakbo sa kumati o bumabang tubig. Magsing-irog na nagahahabulan sa pinatigas na tubig. Magsing-irog na mabilis na naghahabulan sa kumati o bumabang tubig.Patiyad na tayoAy mangaghahabulang simbilis ng hanginNgunit walang ingay,Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin

  • URI NG TAYUTAY

  • Ang kanyang mga ngipin ay tila perlas sa kaputian.Siya ay parang nauupos na kandila.Tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkauri na ginagamitan ng tila, paris, gaya, anaki at iba pa

  • PAGTUTULAD (SIMILI)

  • Ang mata niyay kristal sa kagandahan.Sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay mariing hampas ng langit sa bayan.

    Tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na hindi magkauri na hindi ginagamitan ng mga salitang nagtutulad

  • PAGWAWANGIS(METAPORA)

  • Ang mga halaman kung iyong malasin sa katahimi-kan ay nananala-ngin.Pagkakalapat ng talino sa mga bagay na hindi nagtataglay ng talino upang mabuhay, gumanap o magkaisip tulad ng isang tao

  • PAGTATAO(PERSONIPIKASYON\PANDIWANTAO)

  • Ang ulilang silid ay kay Martha.Ang matapat na pluma ay muli na namang ginamit ng bunsong anak.Inililipat sa mga bagay ang ilang namumukod na pang-uring ginagamit lamang sa tao.

  • PAGLILIPAT-WIKA

  • Kung hindi ka susuko, lulutang ka sa dugoPagpapaal-pas sa haraya (imagination) nang lampas sa isang larawan ng katotohanan

  • PAGMAMALABIS(Hayperbole)

  • Si Reyna Elizabeth ang nag-mana ng korona.Isang kayumang-gi ang bina-ril saLune-ta.Paggamit ng pangalan ng isang bagay para roon sa isang bagay na ipinahihiwa-tig niyon

  • PAGPAPALIT-TAWAG(Metonomiya)

  • Tayo ay magbanat ng buto.Nasa hukay ang isang paa ng isang ba-baeng na-nganganak.Pagbanggit ng bahagi bilang katapat ng kabuuan o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi

  • PAGPAPALIT-SAKLAW(Sinekdoke)

  • Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.Pang-uuyam sa pamama-gitan ng pagpapahayag na la-ban sa ibig ipakahulu-gan

  • PANG-UYAM

  • Kung sino ang bata ay naging matanda; Kung sinong matanday siyang naging bata.Pahayag na wariy salungat o laban sa likas na pagkukuro ngunit nagpapaki-lala ng katotohanan

  • PABALIGHO(PARADOKS)

  • Ikawy iniluwal ng baha sa bundok; hahala-halakhak at susutsut-sutsotPagkakahawig ng tunog ng salita at ng diwa nito

  • PAGHIHIMIG(ONOMATOPEYA)

  • Huwag kang lumapit, o kapabayaan, lason sa puso ko na ikay matanaw.Tumatawag o kumakausap sa isang tao o isang bagay na wala o hindi kaharap.

  • PANAWAGAN

  • Sa sinapupu-nan ng Konde Adolfoy aking natatanaw si Laurang sinta ko.Pagpapaha-yag ng isang pangitain o isang kalagayang wala mang katotohanan ay parang nagaganap nang totoo

  • PANGITAIN

  • Para-bula ng Mang-hahasikIsang salaysay na ang hangarin ay magbigay ng kahulugan ang mga mahalagang katunayan. (parabula)

  • TALINHAGA

  • PAGGAMIT NG TAYUTAY

    Pagsulat ng Tanaga

  • TANAGAMay sukat may tugmaMaikli tulad ng haikkuBawat taludtod ay may pitong pantigNagtataglay ng talinhaga

  • TANAGAPalayPalay siyang matinoNang humangiy yumuko,Ngunit muling tumayo,Nagkabunga ng gintoKabibiKabibi ano ka ba?May perlas maganda kaKung idiit sa taingaNagbubuntunghi-ninga.

    *