Upload
denlyn-joy-halili
View
3.372
Download
206
Embed Size (px)
Citation preview
RETORIKA
KAHULUGAN NG RETORIKA•Masining na pagpapahayag•Proseso ng maayos na pagpili ng wasto, malinaw, mabisa, at kaaya-ayang pananalita sa pagpapahayag ng mensahe upang higit na maunwaan at makalugdan ng tagapakinig
KAHULUGAN NG RETORIKA•Nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na maaaring guro o mananalumpati o tagapagsalita sa isang pulong.
• Ayon kay Aristotle, ito’y bahagi ng diskursong nanghihikayat.
KAHULUGAN NG RETORIKA• Si Socrates ang nagsabing ang retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.
• Ayon kay Richard Whatley, ito ay sining ng argumento ng pagsulat.
RETORIKA
•Nakapokus ang retorika sa mabisa at masining na pagsulat ng apat na uri ng diskors – pagsasalaysay o naratib, paglalarawan o deskriptib, paglalahad o ekspositori, at pangangatwiran o argumentatib.
DISKORS
• Tawag sa pagpapahayag ng kaisipan at pagtugon sa mga ipinapahayag ng iba
A. PAGSASALAYSAY O NARATIBONG PAGPAPAHAYAG
• Isang paraan ng pagpapahayag na may layuning magkuwento
• Pinakamatandang anyo ng pagpapahayag
A. PAGSASALAYSAY O NARATIBONG PAGPAPAHAYAG
•Nagsisimula sa mga alamat, epiko at mga kwentong bayan at kadalasang ang mga pinagkukunan ng paksa ng mga ganitong anyo ay mga sariling karanasan, naririnig, nakita, nabalitaan at mga kathang-isip.
B. PAGLALARAWAN O DESKRIPTIBONG PAGPAPAHAYAG
•May layong bumuo ng ng isang konseptong nagpapakita ng isang hugis o anyo ng isang tao, pook, pangyayari gamit ang mga salitang laan lamang dito
DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN
•Karaniwan o Ohektibong Paglalarawan – ipinakikita ang mga bagay o katangiang nakikita ng ating mga mata. Hindi kasali rito ang damdamin o opinyon ng manunulat.
DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN
•Masining o Subhektibong Paglalarawan – gumagamit ng mga tayutay upang pukawin ang mga guni-guni ng mga mambabasa at tagapakinig.
C. PAGLALAHAD O EKSPOSITORING PAGPAPAHAYAG
•Naglalayong magbigay ng kaalaman, magpaliwanag at sumagot sa mga masusing pangangailangang pangkarunungan
MGA HALIMBAWA NG EKSPOSITORI:
•Sanaysay – nagpapahayag ng kuro-kuro tungkol sa isang natatanging paksa na sinasamahan ng mga palagay at opinyon ng isang manunulat
MGA HALIMBAWA NG EKSPOSITORI:•Pangulong-tudling – naglalayong mamatnubay sa mga kuro-kuro ng mga tao tungkol sa mga mabibigat na isyu o usapin o maging mahahalagang impormasyon. Ito’y binubuo ng mga kuro-kuro ng patnugot o editor ng isang pahayagan batay sa isang mahalagang balita.
D. PANGANGATWIRAN O ARGUMENTATIBONG PAGPAPAHAYAG
•Naglalayong humikayat o magpaniwala sa mga mambabasa o tagapakinig
•Hinihikayat ng tagapagsalita ang kanyang tagapakinig na kumilos at tanggapin ang mga hinarap na patotoo o ebidensya
SALIK NG RETORIKA
1. TAMANG GAMIT NG BALARILA
•Nawawala ang sining ng retorika kapag mali ang gamit ng balarila.
2. LIPUNAN
•Nangangailangan ng tamang pagpapahayag sa pagpapakilos ng mga mamamayan sa isang lipunan.
3. PAGMAMATWID
•Naipaglalaban ang isang isyu ayon sa isang paniniwala
4. KATOTOHANAN
• Ang gumagamit ng retorika ay hindi nararapat na magsinungaling.
MGA TUNGKULIN NG RETORIKA
1. PARAAN NG TALAMITAM
•Gumagamit tayo ng retorika upang mapadali at mapagaan ang mga bagay na nasa isip na nais iparating nang pasalita o pasulat.
2. NAKAKUKUHA NG ATENSYON• Bunga ng mga nababasa at naririnig natin sa mga telenobela, pagbabalita, pagkukwento ng mga pangyayari, naaagaw nito ang ating atensyon, anuman ang ating ginagawa.
• Ang ganitong naidudulot ng retorika ang makapagpapagaan sa ating mga alalahanin at pangamba.
3. NAGNGANGALAN
• Sumisikat ang isang produkto o lugar dahil sa ngalang ibinibigay dito tulad ng “dampa” (restaurant ng mga paluto); “Jollibee” (burger store); “Starbucks” (coffee shop) at iba pa.
4. NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN•Maraming kilalang tao sa mundo ang nakilala at naging tanyag dahil sa galing nilang magsalita at maglahad tulad nina Dr. Jose Rizal, Pang. Ferdinand Marcos, at iba pa.
• Bunga ng galing nila sa pagsasalita, maraming tao ang sa kanila at nakinig at napaniwala na nagluklok sa kanila sa kapangyarihan.
5. NAGPAPALAWAK NG PANANAW
• Sa pamamagitan ng retorika na ginagamit sa mga maikling kuwento, tula, sanaysay at iba pa, ay napalalawak nito ang kaalaman ng isang mambabasa.
SANGKAP O ELEMENTO NG RETORIKA
1. ANG INIHAHAYAG NA KAISIPAN
• Paksa
2. ANG MAAYOS NA PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA KONSEPTO NG KAISIPAN
3. ANG ESTILO NG MANUNULAT
4. ANG NAMUMUONG SHARED KNOWLEDGE NG MANUNULAT AT MAMBABASA O TAGAPAKINIG
5. ANG PAGSASALIN NG MENSAHE AT KAALAMAN
BALARILA AT RETORIKA
•Gamitin nang wasto ang Balarila at Retorika upang maging malinaw ang mga pahayag.
•May mga pagkakataong tama ang kahulugan ngunit hindi angkop ang pagkakagamit.
TATLONG MAHAHAL AGANG S AKL AW NG BAL AR IL A
1. KAAYUSAN NG MGA SALITA SA PANGUNGUSAP (SENTENCE ORDERLINESS)
•Gumamit ng tamang pangatnig
–Marami siyang natulungan subalit isa man ay walang tumulong sa kanya.
1. KAAYUSAN NG MGA SALITA SA PANGUNGUSAP (SENTENCE ORDERLINESS)
• Iwasan ang maraming kaisipan sa isang pangungusap
1. KAAYUSAN NG MGA SALITA SA PANGUNGUSAP (SENTENCE ORDERLINESS)
• Ayusin ang parirala’t sugnay sa pangungusap
–Nang kinain ng pusa, iniwan niya ang ulam sa mesa. (Mali)
–Nang iniwan niya ang ulam sa mesa, kinain ito ng pusa. (Tama)
1. KAAYUSAN NG MGA SALITA SA PANGUNGUSAP (SENTENCE ORDERLINESS)
• Ang mga salitang magkakaugnay ay paglapatin.
–Katulad ng kuwento, mayroon ding tagpuan ang dulang panradyo, may banghay at tauhan. (Mali)
–Katulad ng kuwento, ang dulang panradyo ay mayroon ding tagpuan, banghay at tauhan. (Tama)
2. PAGPILI NG MABISANG SALITA SA PAGBUO NG KAHULUGANG NILALAYON. MARAMING MGA SALITA ANG MAGKAKASING-KAHULUGAN SUBALIT MAY KANI-KANIYANG TIYAK AT ANGKOP NA KAGAMITAN.
NANG AT NG–NANG – katumbas ng so that sa Ingles–Magsumikap ka nang umunlad ang buhay mo.
–NANG – pang-abay–Marami nang namatay sa Iraq.
–NANG – tagapag-ugnay ng inuulit na pandiwa–Suklay nang suklay ang apo ko.
NANG AT NG–NG – ginagamit na pananda ng layon ng
pandiwa at hindi paksa ng pangungusap–Ang nanay ay bumibili ng manika para sa
akin.
–NG – ginagamit na pananda ng kilos sa pangungusap na hindi naman ang paksa (simuno) ng pangungusap
–Pinag-aralan ng bata ang kanyang aralin.
KUNG AT KONG–KUNG – gamit na pangatnig na
panubali o pasakali at karaniwang ginagamit sa hugnayang pangungusap
–Anumang suliranin ay malulutas kung pag-uusapan nang maayos.
–KONG – mula sa panghalip na panaong ko at inangkupan lamang ng ng
– Ikaw ang tangi kong mahal.
KUNG DI AT KUNDI–KUNG DI – pinaikling kung hindi; if not
sa Ingles–Kung di ka lumiban, sa iyo ko sana
naibigay ang regalo.
–KUNDI – salitang kolokyal na nangangahulugang but/except sa Ingles
–Wala siyang magawa kundi sundin ang tibok ng kanyang puso.
MAY AT MAYROON
–MAY – ginagamit kung sumusunod sa pangngalan
–Habang may buhay, may pag-asa.
–MAY – kapag sumusunod sa pandiwa–May naglalaba sa lababo.
MAY AT MAYROON
–MAY – kapag sumusunod sa pang-uri–May magandang anak si Maria.
–MAY – kapag sumusunod sa panghalip na panao sa kaukulang paari
–Sa may amin siya nakatira.
MAY AT MAYROON
–MAYROON – kapag may napapasingit na salita o kataga sa salitang sinusundan nito
–Mayroon po ba kayong tanong?
–MAYROON – ginagamit na panagot sa tanong
–May pasok ba tayo bukas? Mayroon.
MAY AT MAYROON
–MAYROON – ginagamit na pakahulugan sa pagka-may kaya sa buhay
–Ganiyan sila kumilos dahil mayroon sila sa aming bayan.
DIN AT RIN
–DIN – nagsasaad ng katiyakan at ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y
–Sila ay naroroon din noong nagkagulo sa bayan.
DIN AT RIN
–RIN – nagsasaad din ng katiyakan at ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na W at Y
–May bahay rin sa Baguio ang aking anak.
DAW AT RAW
–DAW – ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig at nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan
–May sasabihin daw siya sa iyo.
DAW AT RAW
–RAW – katagang nagsasaad ng pag-aalinlangan at ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na W at Y
–Sasama raw siya sa Boracay para magbakasyon.
3. PAGGAMIT NG MGA RETORIKAL NA KAGAMITAN O TRANSISYUNAL NA PANANALITA
• Idyoma• Salawikain – nagbibigay-aral
• Tayutay
IDYOMA
• Lipon ng mga salita o mga pariralang kinagisnan na sa wikang Pilipino
•Di-tuwirang pagpapahayag ng mga saloobin
HALIMBAWA:
•Maghahalo ang balat sa tinalupan – matinding away o giyera
–Kapag sinaktan mo ang aking anak, sinisiguro ko sa iyong maghahalo ang balat sa tinalupan!
HALIMBAWA:
• Bukas ang dibdib – walang tinatago hinggil sa kaniyang buhay; tapat
–Ang pangulo ay may bukas na dibdib sa kaniyang mga tauhan.
HALIMBAWA:
• Taingang kawali – nagbibingi-bingihan
–Ang ilang pulitiko ay nagtataingang kawali sa mga nanghihingi ng tulong.
HALIMBAWA:
•Nagdaan sa butas ng karayom – mahirap at maraming pagsubok ang napagdaanan
–Bakit ba kailangan ko pang dumaan sa butas ng karayom makamit lang ang matamis mong “oo”?
HALIMBAWA:
• Pagputi ng uwak – imposible
–Ang pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa ay magkakatotoo lamang pagputi ng uwak.
TAYUTAY• paglayo sa karaniwang paggamit ng pananalita para sa kasiningan, kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.
• itinuturing na matalinhagang pagpapahayag na bunga ng mayamang guni-guni, karanasan sa buhay at kasanayan sa pagsasalita.
URI NG MGA TAYUTAY
PAGTUTULAD
• Paghahambing ng dalawang tao o bagay na ginagamitan ng mga salitang tulad, para, kawangis, kasing at iba pa.
• Ang ugali ni Ana ay tulad ng sa kaniyang ina.
PAGWAWANGIS
• Tiyak na paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad at iba pa sa pagtutulad
• Ikaw ang aking prinsesa.
PAGMAMALABIS
• nagpapakita ng sitwasyong labis-labis o kaya’y pinalalabis ang katayuan ng tao, bagay at mga pangyayari; ginagawang posible ang mga imposibleng mangyari.
•Umulan ng tsokolate nang si Minda ay dumating mula Amerika.
PAGBIBIGAY KATAUHAN
• Pagpapakilos sa isang bagay na parang tao
•Napakatuling tumakbo ng panahon.
PAUYAM
•Nangungutya sa tao o bagay ngunit gumagamit ng magandang pananalita
•Napakabango ng iyong hininga; lahat ng nakaaamoy ay nahihilo.
PAGTATAMBIS
•Nagpapahayag ng mga bagay na magkasalungat para mabigyang bisa ang natatanging kahulugan
• Kay hirap pakibagayan ng aking biyenan. Kapag nagtatrabaho ka, umaawat; kapag nagpapahinga ka naman, tamad ka raw.
PAGPAPALIT-TAWAG
• Pagpapalit katawagan sa mga bagay na may kaugnayan dito
PAGPAPALIT-SAKLAW
• Pagbanggit sa isang bahaging sumasaklaw sa kabuuan
•Walong bibig ang umaasa sa akin.
PAGTANGGI
•Ginagamitan ng HINDI upang bigyang diin ang mahalagang pagsang-ayon
•Hindi sa ayaw ko siyang pautangin; kapos lang talaga ako ngayon.
PAGTATANONG
•Nagtatanong na hindi naghihintay ng kasagutan
•May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap?
PAGTAWAG
• Pagtawag sa isang tao o bagay na animo’y kaharap gayong wala naman
• Pag-ibig, masdan ang ginawa mo sa akin.