3
Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Ano ang mataas na presyon ng dugo? Ang mataas na presyon ng dugo ay nangangahulugan na ang iyong dugo ay dumadaloy sa iyong mga arterya sa mas mataas na presyon kaysa karaniwan. Ang ibig sabihin nito ay naitutulak ang iyong dugo kontra sa mga dingding patungo sa mga arterya nang mas mapuwersa, na maaaring makasira sa mga ito. Ito rin ay mas nagpapahirap sa iyong puso sa pagbomba ng dugo palibot sa iyong katawan. Ano ang mga sintomas? Karaniwan sa mga taong may mataas na presyon ng dugo ay hindi napapansin ang anumang mga sintomas, pero nananakit ang ulo ng ilang tao. Maski wala kang nararamdamang anumang mga sintomas, ang mataas na presyon ng dugo ay nakapagsasanhi ng malubhang pinsala sa loob ng iyong katawan. Anu-ano ang mga sanhi at salik ng panganib? Henetiko – malamang na magka-alta presyon ka ng dugo kung ang iyong iba pang kamag-anak ay mayroon nito. Edad – habang tumatanda ka, mas malamang na may mataas na presyon ka ng dugo. Kasarian – bago ang edad na 60, mas maraming lalaki kaysa babae ang may mataas na presyon ng dugo. Pagkaraan ng edad 60, ito’y karaniwan nang magkapantay sa mga lalaki at babae. Aprikano-Amerikano ang angkang pinagmulan – Ang mga Aprikano-Amerikano ay mas malamang na may mataas na presyon ng dugo kaysa sa iba pang mga grupong etniko. Timbang – sa pagiging mataba ay mas malamang na may mataas na presyon ka ng dugo.

Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Mataas na Presyon ng Dugo:Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ano ang mataas na presyon ng dugo? Ang mataas na presyon ng dugo ay nangangahulugan na ang iyong dugo ay dumadaloy sa iyong mga arterya sa mas mataas na presyon kaysa karaniwan. Ang ibig sabihin nito ay naitutulak ang iyong dugo kontra sa mga dingding patungo sa mga arterya nang mas mapuwersa, na maaaring makasira sa mga ito. Ito rin ay mas nagpapahirap sa iyong puso sa pagbomba ng dugo palibot sa iyong katawan.

Ano ang mga sintomas? Karaniwan sa mga taong may mataas na presyon ng dugo ay hindi napapansin ang anumang mga sintomas, pero nananakit ang ulo ng ilang tao. Maski wala kang nararamdamang anumang mga sintomas, ang mataas na presyon ng dugo ay nakapagsasanhi ng malubhang pinsala sa loob ng iyong katawan.

Anu-ano ang mga sanhi at salik ng panganib? • Henetiko – malamang na magka-alta presyon ka ng dugo kung ang iyong iba pang

kamag-anak ay mayroon nito. • Edad – habang tumatanda ka, mas malamang na may mataas na presyon ka ng dugo. • Kasarian – bago ang edad na 60, mas maraming lalaki kaysa babae ang may mataas

na presyon ng dugo. Pagkaraan ng edad 60, ito’y karaniwan nang magkapantay sa mga lalaki at babae.

• Aprikano-Amerikano ang angkang pinagmulan – Ang mga Aprikano-Amerikano ay mas malamang na may mataas na presyon ng dugo kaysa sa iba pang mga grupong etniko.

• Timbang – sa pagiging mataba ay mas malamang na may mataas na presyon ka ng dugo.

Page 2: Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ano ang ibig sabihin ng mga numerong iyon? Ang bilang sa itaas (119/79) ng sukat ng iyong presyon ng dugo ay nagpapakita ng presyong systolic. Ito ang puwersa ng dugo kontra sa iyong mga arterya kapag ang iyong puso ay nagdadala ng dugo sa iyong katawan. Ang bilang sa ibaba (119/79) ay ang presyong diastolic. Ito ang puwersa ng dugo kontra sa iyong mga arterya habang ang iyong puso ay namamahinga sa pagitan ng mga pagtibok.

• Ang karaniwang presyon ng dugo ay mas mababa sa 119/79 (sinasabi na “119 sa itaas ng 79”)

• Bago-mag-altapresyon (hangganang linya) ay sa pagitan ng 120/80 hanggang 139/89 • Ang mataas na presyon ng dugo (altapresyon) ay 140/90 o mas mataas

Bakit kailangang gamutin ang mataas na presyon ng dugo? Kung hindi mo gagmutin at kokontrolin ang mataas na presyon ng dugo, ikaw ay may mas mataas na panganib sa:

• Mga istrok • Mga atake sa puso • Pagpalya ng puso • Pagpalya ng bato

Paano gagamutin ang aking mataas na presyon ng dugo? Maaaring magreseta ang iyong doktor ng isa o higit pang mga gamot upang mapababa ang iyong presyon ng dugo. Siguraduhing naiinom mo ang iyong (mga) gamot nang eksakto sa inireseta. Napili ng iyong doktor ang (mga) gamot na pinakamahusay para sa iyo nang naaayon sa iyong pansariling mga pangangailangan. Karamihan sa mga tao ay walang anumang mga di mabuting epekto (side effects) mula sa mga gamot na ito pero kung mayroon ka ay ipaalam sa iyong doktor.

Sasabihin sa iyo ng iyong doktor ang “target na presyon ng dugo” na pinupuntirya mo sa oras na magsimula ka sa paggagamot. Isaalang-alang ang pagbili ng isang blood pressure monitor (na mabibili sa mga Kaiser Permanente Medical Center at mga Health Education Center) para makuha mo ang iyong presyon ng dugo sa bahay at mairekord ang mga pagbasa nito. Pagkatapos ay dalhin ang iyong mga rekord sa iyong pagbisita, o ipadala ito sa e-mail ng iyong doktor sa pagitan ng mga pagbisita. Maaari mo ring patingnan ang iyong presyon ng dugo sa Medical Center ng Health Education Center (Sentro sa Edukasyong Pangkalusugan) o sa mga boluntaryo.

Page 3: Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Mataas na Presyon ng Dugo: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

Ano pang ibang mga pagbabago ang aking magagawa paramapababa ang aking presyon ng dugo? Malaking tulong ang mga pagbabago tungo sa malusog na estilo ng pamumuhay, kabilang ang:

• Mas madalas na pag-eehersisyo • Pagbawas ng timbang kung ikaw ay sobra sa timbang • Pagkain ng masustansya na may maraming mga gulay, prutas, at mga buong butil. • Pagkain nang bawas sa asin (sodium): hindi hihigit sa 1,500 mg bawat araw • Paglimita ng alkohol sa 1 beses na pag-inom sa isang araw para sa mga babae o 2

beses na pag-inom para sa mga lalaki • Pagtigil sa paninigarilyo • Pagbawas ng tensyon (stress)

Iba pang mga mapagkukunan • Bumisita sa home page ng iyong doktor sa kp.org/mydoctor upang magamit ang mga

online na kagamitang pangkalusugan, matingnan ang mga paalala sa iyong Preventive Services (mga Serbisyong Pang-iwas), ma-tsek ang karamihan sa mga resulta ng laboratoryo at marami pa.

• Makipag-ugnay sa iyong Kaiser Permanente Health Education Center o Departmento para sa impormasyong pangkalusugan, mga programa, at iba pang mga mapagkukunan.

• Kung ikaw ay sinapok, sinaktan, o binantaan ng iyong ka-partner o asawa, makaaapekto ito nang malubha sa iyong kalusugan. Mayroong tulong. Tumawag sa National Domestic Violence Hotline sa 1-800-799-7233 o makipagkonekta sa ndvh.org.

Ang tagubilin sa pangangalagang ito ay para gamitin kasama ang iyong lisensyadong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang kondisyong medikal o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan.

© 2011, The Permanente Medical Group, Inc. All rights reserved. REGIONAL HEALTH EDUCATION. PI0059 (revised 7-11) High Blood Pressure