16
Philippine Biblical Worldview Institute 1 Meditations on Values Formation Christian Parenting Panimula Day 1 Marami ang nagsasabing iba na ang mga kabataan ngayon. Sa aking observation, ang statement na ito ay totoo. Ang sabi pa nila - ito ay dahil sa iba na rin ang mga magulang ngayon. I agree. Ang di kanais-nais na kaganapan sa America na tinataguriang “babies making babies” ay nangyayari na rin dito sa ating bansa. Marami sa ating kabataan ngayon ang napapasabak sa pagpapamilya ng walang preparasyon. Dahil sa walang kadisiplinahan ng buhay Pinoy ang katuwiran na madalas nating naririnig ngayon ay ito, “Eh, nandidyan na yan, ano pa ang ating magagawa.” Dapat iwasan ng ating mga magulang na masumpungan nila ang kanilang sarili sa ganitong walang kakayahang sitwasyon. Ang araling ito, ang Biblical Christian Parenting ang makatutulong sa kanila at sa mga kabataang nag-iisip magsarili na. May anim na hakbang ang araling ito. Step 1. Ang hindi marunong magmahal sa asawa sa tamang paraan ay hindi rin matututong magmahal sa anak nang tama. Siguraduhin mo na tama ang iyong relasyon sa iyong asawa. Kadalasan, nagkakamali tayo sa pagtanto ng tunay na kahulugan ng pagmamahal o pag-ibig. Karamihan sa atin, ito ay isang matindi at mainit na pakiramdam na nagdudulot ng kasiyahan sa puso. Sa hirap o ginhawa, sa kaginhawahan man o pighati, bumagyo na at lumindol pa – hindi mapaghihiwalay ang nagmamahalang magkasintahan. Hanggang sa ang nagbabagang pag-ibig na ito ay humantong - sa simbahan at sa harap ng Diyos - sa isang kasalang pinagka-abalahan, pinagkagastusan at maaaring pinangutang pa. Isang araw na batian, kainan, halakhakan, sayawan. Subalit makalipas ang honeymoon, ang matindi at mainit na pakiramdam na tinaguriang pag-ibig ay unti-unting nabubuhusan ng malamig na tubig ng katotohanan: Ang dalawang tao ay maraming pagkakaiba sa ugali, sa personalidad, sa mga pangarap at prioridad sa buhay, sa kalakasan at kahinaan. Dito nagsisimula ang pag-aaral kung paano tunay na magmahal. Parami nang parami ang hindi nakapapasa sa pag-aaral na ito. Nauuwi sa maya’t mayang bangayan o sa pag-aalsa balutan. Ang tamang pag-aaral patungkol sa tunay na pag-ibig ay nararapat magsimula sa Bibliya, sa 1 Corinthians 13:4-8a: Ang pag-ibig ay mapagpasensiya, ang pag-ibig ay mabait. Hindi ito naiinggit, hindi nag- yayabang, hindi mapagmalaki. Hindi ito bastos, hindi naghahanap nang pangsarili, hindi madaling magalit, hindi naglilista ng mga nagawang pagkakamali. Ang pag-ibig ay hindi natutuwa sa kabuktutan kundi nagpupugay sa katotohanan. Lagi itong nagtatanggol, laging nagtitiwala, laging umaasa, laging nagpupursigi. Ang pag-ibig ay hindi nabibigo. Ang mga talatang ito ay dapat magsilbing salamin upang masukat natin kung tayo nga ay mapagmahal, lalo na sa ating asawa. At dapat lamang na sukatin natin ang ating sarili sapagkat ang ating relasyon sa asawa ay dumaraan sa pagsubok sa tatlong aspeto ng ating buhay - - sa sosyal (ang relasyon sa isa’t isa), sa politica (ang relasyon sa awtoridad) at sa economiya (ang pangangasiwa ng taglay na resources). Pagbulay-bulayan: Kung ang sukatan ay 1 Corinthians 13:4-8a, ano ang marka (0% - 100%) na ibibigay mo sa iyong sarili patungkol sa iyong pag-ibig sa iyong kabiyak o kasintahan? Day 2 Ating pag-aralan ngayon kung paano tayo sinusubok ng mga aspetong ito ng buhay. Una, sa ating social life. Dapat alalahanin at ikalugod ng mag-asawa ang magagandang katangian ng bawat isa. Dapat din nilang isaisip na gamitin ang mga katangiang ito upang mapagyaman ang pagtingin nila sa kani-kanilang sarili. At dapat din nilang unawain ang kahinaan ng bawat isa at planuhin kung paano ang mga ito ay matanggap nang maluwag sa puso at mapagtagumpayan.

Meditations on Values Formation Christian Parenting fileNauuwi sa maya’t mayang bangayan o sa pag-aalsa balutan. Ang tamang pag-aaral patungkol sa tunay na pag-ibig ay nararapat

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Philippine Biblical Worldview Institute 1

Meditations on Values Formation

Christian Parenting

Panimula

Day 1 Marami ang nagsasabing iba na ang mga kabataan ngayon. Sa aking observation, ang statement na ito ay totoo. Ang sabi pa nila - ito ay dahil sa iba na rin ang mga magulang ngayon. I agree. Ang di kanais-nais na kaganapan sa America na tinataguriang “babies making babies” ay nangyayari na rin dito sa ating bansa. Marami sa ating kabataan ngayon ang napapasabak sa pagpapamilya ng walang preparasyon. Dahil sa walang kadisiplinahan ng buhay Pinoy ang katuwiran na madalas nating naririnig ngayon ay ito, “Eh, nandidyan na yan, ano pa ang ating magagawa.” Dapat iwasan ng ating mga magulang na masumpungan nila ang kanilang sarili sa ganitong walang kakayahang sitwasyon. Ang araling ito, ang Biblical Christian Parenting ang makatutulong sa kanila at sa mga kabataang nag-iisip magsarili na. May anim na hakbang ang araling ito.

Step 1. Ang hindi marunong magmahal sa asawa sa tamang paraan ay hindi rin matututong magmahal sa anak nang tama.

Siguraduhin mo na tama ang iyong relasyon sa iyong asawa.

Kadalasan, nagkakamali tayo sa pagtanto ng tunay na kahulugan ng pagmamahal o pag-ibig. Karamihan sa atin, ito ay isang matindi at mainit na pakiramdam na nagdudulot ng kasiyahan sa puso. Sa hirap o ginhawa, sa kaginhawahan man o pighati, bumagyo na at lumindol pa – hindi mapaghihiwalay ang nagmamahalang magkasintahan. Hanggang sa ang nagbabagang pag-ibig na ito ay humantong - sa simbahan at sa harap ng Diyos - sa isang kasalang pinagka-abalahan, pinagkagastusan at maaaring pinangutang pa. Isang araw na batian, kainan, halakhakan, sayawan. Subalit makalipas ang honeymoon, ang matindi at mainit na pakiramdam na tinaguriang pag-ibig ay unti-unting nabubuhusan ng malamig na tubig ng katotohanan: Ang dalawang tao ay maraming pagkakaiba sa ugali, sa personalidad, sa mga pangarap at prioridad sa buhay, sa kalakasan at kahinaan. Dito nagsisimula ang pag-aaral kung paano tunay na magmahal. Parami nang parami ang hindi nakapapasa sa pag-aaral na ito. Nauuwi sa maya’t mayang bangayan o sa pag-aalsa balutan. Ang tamang pag-aaral patungkol sa tunay na pag-ibig ay nararapat magsimula sa Bibliya, sa 1 Corinthians 13:4-8a:

Ang pag-ibig ay mapagpasensiya, ang pag-ibig ay mabait. Hindi ito naiinggit, hindi nag-yayabang, hindi mapagmalaki. Hindi ito bastos, hindi naghahanap nang pangsarili, hindi madaling magalit, hindi naglilista ng mga nagawang pagkakamali. Ang pag-ibig ay hindi natutuwa sa kabuktutan kundi nagpupugay sa katotohanan. Lagi itong nagtatanggol, laging nagtitiwala, laging umaasa, laging nagpupursigi. Ang pag-ibig ay hindi nabibigo.

Ang mga talatang ito ay dapat magsilbing salamin upang masukat natin kung tayo nga ay mapagmahal, lalo na sa ating asawa. At dapat lamang na sukatin natin ang ating sarili sapagkat ang ating relasyon sa asawa ay dumaraan sa pagsubok sa tatlong aspeto ng ating buhay - - sa sosyal (ang relasyon sa isa’t isa), sa politica (ang relasyon sa awtoridad) at sa economiya (ang pangangasiwa ng taglay na resources).

Pagbulay-bulayan: Kung ang sukatan ay 1 Corinthians 13:4-8a, ano ang marka (0% - 100%) na ibibigay mo sa iyong sarili patungkol sa iyong pag-ibig sa iyong kabiyak o kasintahan?

Day 2 Ating pag-aralan ngayon kung paano tayo sinusubok ng mga aspetong ito ng buhay. Una, sa ating social life. Dapat alalahanin at ikalugod ng mag-asawa ang magagandang katangian ng bawat isa.

Dapat din nilang isaisip na gamitin ang mga katangiang ito upang mapagyaman ang pagtingin nila sa kani-kanilang sarili. At dapat din nilang unawain ang kahinaan ng bawat isa at planuhin kung paano ang mga ito ay matanggap nang maluwag sa puso at mapagtagumpayan.

Philippine Biblical Worldview Institute 2

Ang mag-asawa ay hindi dapat nagpupulaan sa harap ng mga kaibigan, lalong-lalo na sa harap ng kanilang mga anak. Hindi rin nila dapat gamitin ang kanilang mga kapintasan sa pagpapatawa. Masakit sa damdamin na ikaw ay mapintasan.

Napakabuti sa relasyon ng mag-asawa ang mag-practice ng pagpupuri, pagpapasalamat at pagpapakita ng pagkalugod kahit sa mga maliliit na bagay na ginagawa nila para sa isa’t-isa. Salamat, please, o paki naman ay ilan sa mga katagang dapat laging binabanggit upang ipalasap ang pagpapahalaga sa damdamin ng tao. Ang ilang mga pagpapahalaga na masasabi sa asawa ay ang mga sumusunod:

Ang sarap ng luto mo, salamat.

Pakikuha naman ng isang basong tubig.

Kamusta ang araw mo sa trabaho?

Mayroon ba akong maitutulong sa ginagawa mo?

Alam mo, napakapalad ko talaga na ikaw ang aking napangasawa.

Kapag nakalimutan nang banggitin ang mga katagang ito, ang mga maliliit ngunit mahahalagang gawain ay nababale-wala na. At di maglalaon, pati na ang mahihirap na bagay na ating ginagawa ay hindi na rin nabibigyang pansin. Ang ganitong uri ng relasyon ay nauuwi sa paghahanap at pati ang dating ginagawang paglilingkod ay tinuturing nang obligasyon.

Minsan nagkaroon ng munting selebrasyon ang aking matalik na mga kaibigang Rod at Nida. Naka-upo na kaming lahat upang magsisimula nang kumain nang magsalita si Rod, O sweetheart, nakalimutan mo na namang maglagay ng napkin sa mesa. Pasensya na kayo ha, at nagiging ulyanin na itong asawa ko. Pansing-pansin namin na napahiya si Nida kahit na pinilit niya itong ikubli. Ang mga ganitong comento ay hindi nakatutulong kanino man. Hindi ang comentaryong iyon ang kailangan ni Nida upang mapagtagumpayan niya ang kanyang pagiging malilimutin. Sa katunayan nakasakit lang si Rod ng damdamin, hindi lamang ng kanyang maybahay kundi pati na ng kanyang mga kaibigan na nakaramdam ng simpatiya kay Nida. Ang dapat isipin ng asawa sa sitwasyon na ganoon ay gamitin ito na isang pagkakataon na maipakita niya sa kanyang minamahal ang kanyang suporta. Ang dapat sanang sinabi ni Rod ay ganito, O sweetheart, maupo ka na at ako na ang kukuha ng mga napkin para sa ating lahat.

Pagbulay-bulayan: Paano mo nasaktan ang damdamin ng iyong minamahal nitong mga huling linggo? Humingi ka na ba ng tawad sa iyong nagawang kalupitan?

Day 3 Ikalawa, sa ating political life. Sinasabi sa Bibliya: Mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong mga asawa na parang sa Panginoon. Sapagkat sila ang namumuno sa inyo na parang pamumuno ni Cristo sa iglesya, na Siyang tagapagligtas nito. Kaya tulad nang pagpapasakop ng iglesya kay Cristo, pasakop kayo sa lahat ng bagay. Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyong mga maybahay tulad ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang siya ay maging tangi, hinugasan sa pamamagitan ng tubig na dumaan sa salita upang siya ay maialay ng makinang, walang kulubot o anumang mancha, kundi banal at walang kapintasan (Ephesians 5:22-27).

Noon, sa tuwing babasahin ko ang passage na ito, naitatanong ko sa aking sarili kung bakit naunang paalalahanan ni Apostol Pablo ang asawang babae at hindi ang lalaki. Nahinto ang pag-aagam-agam na ito nang mabasa at pagbulay-bulayan ko ang mga sumusunod na talata:

Sa babae, sinabi Niya ang ganito: “Labis na daragdagan Ko ang sakit ng iyong pag-dadalang-tao; magiging masakit ang iyong panganganak. Ang iyong pagnanasa ay magiging sa iyong asawa, at siya ang sasakop sa iyo.” Genesis 3:16

Dapat matuto ang isang babae nang may katahimikan at lubos na pagpapasakop. Hindi ko papayagan na ang isang babae ay magturo o sumakop sa isang lalaki; nararapat siyang manahimik. Sapagkat si Adan ang unang nilalang, pagkatapos ay si Eba. At hindi

Philippine Biblical Worldview Institute 3

si Adan ang napaglalangan; ang babae ang napaglalangan at naging makasalanan. 1 Timothy 2:11-14

Maliwanag na ang asawang lalaki ang inatasan ng Diyos na mamuno ng kanyang pamilya ayon sa Genesis 3:16. Mapagwawari din natin sa talatang ito na ang pagnanasa ng asawang babae ay ang sakupin ang kanyang asawa, kapag inalam natin ang kahulugan ng Hebreong salitang “pagnanasa.” Dahil sa tendency na ito na likas sa mga kababaihan kaya binigyang diin ni Apostol Pablo na ang lalaki ang dapat maglaan ng leadership at dapat na sa kanya ay magpasakop ang babae.

Isa sa pinakamalaking problema ng bayang Pilipinas ay ang pagwawalang-bahala ng kalalakihang Pinoy patungkol sa paglalaan ng leadership sa pamilya, lalong-lalo na sa mga bagay na espirituwal. Dahil dito, walang magagawa ang mga Pilipina kundi ang punuin ang kakulangang ito. Mapapansin natin na mas malakas ang loob ng mga Pilipina na tahakin ang mga di-pangkaraniwang bagay na dapat harapin. At mas okay lang sa kanila na gampanan ang mga gawaing dapat ay sa lalaki, tulad ng pamamahala ng pangangailangan at kinabukasan ng pamilya. Contento na ang asawang lalaki na mag-entrega na lamang ng suweldo at bahala na sa lahat si Commander. Ito naman ay kung may eentrega. Parang dumarami na ang mga houseband sa ating bansa.

Sa kabilang palad, may mga lalaki na tumitindig sa pagiging ulo ng pamilya at sila ay seryoso sa pagtanggap sa kanilang mga duties and responsibilities. Subalit, hindi naman ibig sabihin nito na may karapatan na silang maghari-harian sa tahanan. Ang asawang babae ay nilikha ng Diyos upang maging suporta o katulong (hindi angel, kundi kapartner) dahil hindi Niya nilikha ang lalaki na ganap sa kanyang pag-iisa. Samakatuwid, ang kaganapan ay malalasap lamang ng asawang lalaki sa kanyang pakikiisa sa kanyang kabiyak. Maging sa gawaing bahay man, sa pagpapalaki ng mga anak, sa paggawa ng plano para sa kinabukasan ng pamilya o sa pagdidesisyon tungkol sa malaki o maliit mang bagay, kailangan ng lalaki ang input ng babae. Hinihingi ng butihing asawang lalaki ang opinyon, palagay o pakiwari ng asawang babae, hindi upang ang babae ang magdesisyon, kundi maipakita niya na mahalaga sa kanya ang nasasa-isip ng kanyang maybahay.

“Joy, huwag kang kakain ng chitchirya at iinom ng soft drink pag malapit nang kumain dahil baka ka mawalan ng gana,” ang madalas sabihin ni Rod sa anak. Subalit ang nangyayari ay pupunta ang bata sa ina at sa kanya hihingi ng pahintulot. Ang sasabihin naman ni Nida ay, “okay pero wag kang magpapakita sa tatay mo.”

Pagbulay-bulayan: Bilang ama o ina ng tahanan, saan ka nagkukulang sa pagpapatupad ng iyong responsibilidad? Ano ang iyong dapat gawin upang maituwid ang mga pagkukulang na ito?

Day 4 Ikatlo, sa ating economic life. Masusumpungan natin ang tinataguriang ulirang maybahay sa Proverbs 31. Mapagmamasdan natin sa bahaging ito ng Banal na Kasulatan ang isang taong napakahusay sa home economics. Epectibo at episiyente ang ginagawang pamamahala ng ulirang maybahay sa sangbahayan ng kanyang asawa. At dahil sa kahusayan at karunungan ng asawang babae sa pagpapatakbo ng kanyang sangbahayan kaya naman nakukuha ng asawang lalaki na mamuno sa kanilang comunidad; comportable siya sa kakayahan ng kanyang maybahay. Alam niya na hindi bili dito at bili doon ang asawa niya. Magaling siyang humawak ng pera. Hindi siya maluho kundi ay magaling mag-budget. Alam niyang ang asawa niya ay hindi bibili ng ano mang bagay na hindi nila kailangan kahit na mura ang presyo dahil sa ito ay on sale.

Madalas na ang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa ay tungkol sa pera o sa kakulangan nito. Ang kakulangan sa pera ay nag-uugat sa maraming kasalanan. Maaaring katamaran, pagkainggit sa gamit ng kapitbahay, pagnanais na hangaan ng ibang tao, katakawan o karangyaan. Kinakailangan na ang asawang lalaki pa rin ang humawak ng kaban ng sangbahayan kung hindi marunong mag-budget ang asawang babae kahit na sinasabi ng ating kultura na iintrega ng asawa ang kanyang suweldo sa kanyang maybahay.

Madaling mahalin ang isang tao na mabait, marunong, masipag, at masunurin. Kung ang lahat ng asawa ay ganyan, wala sanang problema. Kaya lang, bibihira talaga ang mga taong may ganitong

Philippine Biblical Worldview Institute 4

mga katangian. Dahil ang marami ay may kakulangan sa bagay na ito, kinakailangan ng mag-asawa ang malaking pasensya, pang-unawa at pagpipigil sa sarili. Makakamtan natin ang mga mainam na katangiang ito sa pamamagitan ng pagpapasakop sa Banal na Espiritu. Hindi natin makakayang mahalin nang tama ang ating kabiyak kung hindi tayo mananalig sa Diyos. Ang Diyos lamang ang makapagbibigay lakas sa atin at makapagtuturo kung papaano natin makukuhang mahalin ang ating asawa na magiging kasiya-siya sa Kanyang harapan. Samakatuwid, mahalaga na malaman natin kung ano ang ating mga pinaniniwalaan tungkol sa pagmamahal sa asawa.

Ang unang matututuhan ng ating mga anak mula sa atin bilang kanilang magulang ay ang ugali. Magaling silang mag-observe. Susunod sila sa kanilang nakikita at naririnig. Kung ano sa tingin nila ang kasiya-siya sa atin ay iyon ang kanilang tutularan upang bigyan tayo ng kasiyahan. Kung ano ang di kanais-nais sa atin iyon din ang kanilang kaiinisan. Ang mga anak, karaniwan, ay sunod-sunuran lamang sa mga magulang. Ang pagtitinginan ng mga magulang sa isa’t-isa ay natatanim sa isipan ng mga bata, conscious man sila dito o hindi.

Ang mabuti ay ang nagbibigay kasiyahan sa Diyos. Ang tama ay kung ano ang sang-ayon sa kalooban ng Diyos. Ang pagbibigayan at pagmamahalan sa isa’t isa ay kalugod-lugod sa Kanyang harapan.

Pagbulay-bulayan: Paano nagiging sanhi ng pag-aalitan ninyong mag-asawa ang pera, kulang man o hindi?

Step 2. Alamin ang kalikasan ng bata at ng mundong kanyang ginagalawan.

Day 5 Sinasabi ng Bibliya na ang kalokohan ay nananahan sa puso ng sanggol (Proverbs 22:15), at ang kanyang pagiging makasalanan ay nagmula pa sa sinapupunan ng kanyang ina (Psalms 51:5). Ang katauhan ng tao ay nahihilig sa kasalanan. Ito ay prinsipyong bumabalot sa kanya mula pagkabata. Dahil dito mauunawaan natin kung bakit ang kasakiman at pagiging makasarili ay naoobserbahan natin maski sa munting sanggol.

Mula sa pagka-musmos, ang pagnanasa na mamuno ay mapapansin na nating likas sa tao. Ang baby, halimbawa, ay hindi hihintong umiyak hanggat hindi niya nakakamtan ang kanyang nais. Ano man ang ating edad, mararamdaman natin ang kagustuhan na maging boss, ang pagiging makasarili at mayabang. Ito ay bahagi ng ating kalikasan. Mahirap mang tanggapin, ito ang tinuturo ng Salita ng Diyos at hinding-hindi natin mapagkakaila ang mga katotohanang ito ano mang pag-ilag o pagpapaliwanag ang ating gawin.

Ayaw na ayaw ni Luisa na marinig ang kanyang sanggol na umiiyak. Sa simula pa lamang ng pag-ngawa, nagkakandarapa na siya sa pag-asikaso kung ano man sa palagay niya ang kailangan ng baby. Ilang beses man siyang pangaralan ng kanyang asawang si Lucky, na pabayaang umiyak ang bata kung hindi pa oras ng pagpapadede o hindi naman basa, hindi niya makuhang sumunod. Kaya naman lagi silang puyat na dalawa.

Habang lumalaki si Happy, lalo niyang nakakabisado kung paano patalunin ang ina. At siyempre pa, pinagsasamantalahan niya ang kaalamang ito. Ano man ang kanyang hingin kay Mommy, tiyak na makakamtan niya. Chichirya, candy, soft drinks, ano mang oras. Nakakapanood siya ng TV hanggang hindi pa siya inaantok. At siyempre pa, hindi siya pwedeng utusan.

Pagbulay-bulayan: Kung ang iyong mga anak ay hindi mahirap utusan, ano ang mga tamang pagpapalaki na iyong ginawa bilang magulang? Kung hindi mo naman man lang mautusan ang iyong anak, saan ka nagkamali?

Day 6 Dumating ang panahon na hindi na matanggap ni Lucky ang nangyayari sa relasyon ng mag-ina. Mistulang spoiled brat na si Happy. Sinermunan niya ang bata tungkol sa tamang oras ng pag-kain, sa sobrang panonood ng TV, at sa katamaran nito. Subalit hindi nakatiis si Luisa at pinagtanggol niya ang kanyang pride and joy.

Philippine Biblical Worldview Institute 5

Hindi naman tayo pinababayaan ng Diyos. Sa pamamagitan ng Bibliya, matutunghayan natin kung paano magagawan ng remedyo ang masasamang bunga ng di tamang pagpapalaki ng anak. Alamin natin ang mga benepisyo na ating makakamtan patungkol sa bagay na ito kapag sinunod natin ang katuruan ng Bibliya at mga pangaral ni Cristo:

1. Ang pamalo ng disiplina ang nagtataboy ng kalokohan sa puso ng sanggol (Proverbs 22:15),

2. Ang pamalo ng pagtutuwid ng mali ay nagbibigay karunungan (Proverbs 29:15), 3. Mayroong pag-asa sa pagdidisiplina (Proverbs 19:18), 4. Ang disiplina ay nagdudulot ng kapayapaan at kasiyahan sa kaluluwa (Proverbs 29:17), 5. Sinasabi ng kautusan ng Diyos na ang nagiging masunurin sa magulang ay nagtatamasa

ng mahabang buhay sa mundo (Ephesians 6:1-3).

Habang ako ay kumakain sa isang fastfood restaurant, napansin ko ang isang mag-anak na malapit sa aking kinauupuan. Ang sabi ng nanay sa bata, “Hindi ka makapaglalaro kung hindi mo uubusin iyang pagkain mo.” Umiling-iling ang bata at nagsimula nang umiyak. Pinilit pa rin siya ng nanay. Ngunit sumabat ang tatay, “Pabayaan mo na, ayaw na niyang kumain. Ikaw na lang ang umubos niyan.” Katatapos lang magsalita ng tatay nang biglang sumigla ang mukha ng bata at mabilis na tumakbo papuntang palaruan.

Ang mga pangyayaring tulad nito ang mabilis na makapagtuturo sa bata kung sino sa kanyang magulang ang dapat niyang lapitan upang makamtan ang kanyang nais. Kapag hindi naunawaan ng mga magulang ang bagay na ito, tatanda ang kanilang anak na magaling mag-manipulate.

Pagbulay-bulayan: Sa paanong paraan mo naa-undermine ang authority ng iyong asawa patungkol sa kanyang relasyon sa inyong anak? Napapansin mo ba na marunong mag-manipulate ang iyong anak upang makamtan niya ang kanyang nais? Halimbawa, dinadaan ba niya sa iyak o sa pag-sasawalang kibo?

Day 7 Maraming mga child psychologists at educators ang nagkakasundo sa paniniwalang ang formative years ng tao ay mula sa tatlo hanggang pitong taong gulang. Ibig sabihin, pagdating ng 7 yrs. old ng bata, buo na ang kanyang worldview - - ang kanyang paniniwala patungkol sa buhay at sa mundong kanyang ginagalawan. Kapag hindi nadisiplina ang mga bata sa murang edad, madali nilang matututuhan ang mga gawa ng kadiliman. At magiging pahirap nang pahirap ang pagdidisiplina sa kanila habang sila ay lumalaking hindi marunong sumunod sa magulang nang agad-agad. Sa simula pa lamang ay dapat nang mapagkasunduan ng mag-asawa kung paano nila didisiplinahin ang kanilang mga anak. Hindi sila dapat magsasalungatan ng desisyon sa harap ng anak upang ito ay hindi malito kung sino sa kanilang dalawa ang may awtoridad at dapat sundin. Hindi rin sila dapat matakot gumamit ng patpat na pamalo sa pagdidisiplina ng anak. Kapag nakita ng bata ang pamalo, alam na niyang tatama yun sa kanya kung siya ay susuway sa kanyang magulang. Subalit dapat na pakatandaan ni Tatay o Nanay na huwag na huwag mamamalo ng anak kung mainit ang kanyang ulo! Ang namamalo habang galit ay malamang na nawawalan ng kontrol sa sarili. Napakahalaga na maunawaan ito ng mga magulang sa lahat na bahagi ng pagpapalaki sa anak lalo na sa aspeto ng pagtuturo, pagsasanay at pagpapakasangkapan ng kanilang mga anak.

Pagbulay-bulayan: May kasabihan ang mga Americano, You cannot teach old dogs new tricks. Kung totoo ito, eh di wala nang pag-asang magbago pa ang mga matatanda. Ano sa palagay mo?

Day 8 Ang mundong ating ginagalawan ay pinaghaharian ng Diablo (John 14:30). At ang kalaban naman natin sa pakikibakang espiritual ay hindi laman at dugo o buto at balat, kundi mga awtoridad at kapangyarihan ng kadiliman (Ephesians 6:10). Hindi naman ibig sabihin nito na magagawa ng kademonyohan ang lahat nilang naisin kahit walang pahintulot si Cristo. Hinahayaan ng Panginoon na patuloy maghari-harian ang Diablo dahil na rin sa Kanyang mga layunin sa buhay ng tao, lalong-lalo na sa buhay ng Kanyang mga tupa. Dapat malaman ng mga magulang na kung pababayaan nila ang kanilang mga anak na magpalaboy-laboy sa mundo, lantad na lantad sila sa mga gawa at pamamalakad ng Diablo.

Philippine Biblical Worldview Institute 6

Dahil sa kakulangan ng disiplina, lumaki sina Joy at Happy na spoiled. Kabisado na nila kung paano magpalusot sa magulang. Naging magkaklase sila at magkatropa sa paglalakwacha. Madalas nilang pagtakluban ang isa’t isa kapag napapatrobol.

Dumating ang panahon ng pagdadalaga ng magkaibigan. Dahil sa kanilang pagiging spoiled malakas ang kanilang loob sa pag-e-experiment - - sigarilyo, beer, vodka at eventually, shabu at ano pa, kundi sex. Ang kinahinatnan ng kanilang buhay at naging tulad din ng mga napapanood na Hollywood movies; masaklap. Naging addict at prostitute ang dalawa. Namatay ang kanilang mga magulang na bigo at durog ang puso.

Madilim ang mundong ating ginagalawan at madilim din ang puso ng tao. Kaya nga may ibinigay na sampung utos ang Diyos upang maiwasan na maulit ang paggunaw ng mundo tulad sa nangyari sa Genesis 6. At dahil din sa sampung utos na ito, malalaman natin kung ano ang kalooban ng Diyos para sa tao bago siya nahulog sa kasalanan sa hardin ng Eden. Mahalagang mapaunawa sa mga bata hanggat maaga ang kahalagahan, hindi lamang ng letra kundi ng espiritu ng Sampung Utos.

Pagbulay-bulayan: Kung ikaw ang counselor ng mag-asawang Rod at Nida, ano ang iyong mga magiging advices para sa kanila? Kay Luisa at Lucky, ano ang iyong mga maipapayo? Ipaliwanag nang mabuti.

Step 3. Ingatan at ilayo ang anak sa kapahamakan at bantayan ang kalusugan.

Day 9 Pinagkalooban ng Panginoong Jesus ang mga magulang ng awtoridad sa tahanan. Ang mga anak ay nasasakupan ng awtoridad na iyon. Subalit dapat pakatandaan na kasama ng awtoridad ay ang mga responsibilidad na dapat namang gampanan ng mga magulang. Sa isang kuwento ng Panginoong Jesus, kinumpara Niya ang isang matatag na buhay sa isang bahay na nakatayo sa bato (Matthew 7:24-25). Sa kuwentong ito nakapaloob ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bahay. Ang bahay ay proteksyon para sa anak. Maliit man ito o malaki, sarili man o inuupahan, ang bahay na ito ang magkukubli sa isang pamilya laban sa panganib na magmumula sa bagyo, baha, malakas na hangin, matinding init o lamig. Kung walang bahay, walang maghahadlang sa pinsala na maaring idulot sa isang sambahayan ng mga elemento ng kalikasan. Ang bahay din ang magsisilbing proteksyon sa mga anak laban sa mga masasamang loob o elemento ng karimlan, tulad ng mga drug pushers o magnanakaw. Sa bahay din mangyayaring magtago ang maybahay ng mga mahahalagang gamit o ari-arian, tulad ng damit, sapatos, relo, mga libro at iba pa. Isang malaking pananagutan ng magulang ang hindi niya mapaglaanan ng isang bahay ang kanyang pamilya.

Habang napag-uusapan namin ng isa kong kaibigan ang mga problema sa ating lipunan at sa aming kapaligiran, nasabi niya ito: Kahit maliit lamang ang aming tahanan, mas mabuting imbitahin dito ng aking anak ang kanyang mga kaibigan. Sa ganoong paraan, nasusubaybayan ko kung ano ang kanilang ginagawa at alam ko na ligtas sila sa kapahamakang maaaring matamo sa labas. Bukod pa dito, nakikilala ko kung sino ang kanyang mga sinasamahan. Para sa akin, mabuting prinsipyo ito sa pagproprotekta ng anak.

Si Freddy ay anak-squatter. Ikinahihiya niya sa kanyang mga kaibigan sa eskuwela ang pagiging mahirap. Dahil sa tulong ng isang kamag-anak na nasa America kaya nakaka-afford ang kanyang magulang na maipasok siya sa isang private school. Madalas na pinagsisinungalingan niya ang kanyang mga close friends kapag imbitahan na sa bahay ang kinahihinatnan ng usapan. ‘O, Freddy, doon naman tayo mag-hang-out sa bahay ninyo,” ang mungkahi ng barkada na iniiwasang sang-ayunan ni Freddy. “Hindi puwede, eh. May business meeting ang nanay ko,” ang pang-ilag niyang excuse kadalasan.

Pagbulay-bulayan: Sa iyong palagay, epectibo ba ang ginagawang paglilipat ng mga squatters sa mga relocation areas? Hindi ba gumagawa lamang ang gobyerno ng panibagong problema? Drugs, gang related violence, prostitution, gambling? Ano sa palagay mo ang political, social at economic effects ng ganitong environment sa mga anak-mahirap?

Philippine Biblical Worldview Institute 7

Day 10 Sinasabi sa Proverbs 21:20 na laman ng bahay ng marunong ang piling pagkain at langis. Subalit inuubos ng tanga ang lahat na pagkaing taglay niya. Hindi lahat ng pagkain ay mabuti sa katawan ng tao. Kaya nga sinasabi na ang marunong o matalino ay namimili ng kanyang kakainin at ipa-kakain sa kanyang pamilya. Mahalaga na malaman ng mga magulang kung ano ang pagkaing makabubuti sa kalusugan ng kanyang mga anak at kung anong pagkain ang di mabuti at gastos lamang. Kabaligtaran nito ang ugali ng isa kong tiyahin. Palibhasa ay maganda ang estado nila sa buhay, kung ano-anong pagkain ang kanyang binibili at pinakakain sa aking mga pinsan. Kahit marami nang nakain sa tanghalian at malapit na ang hapunan, maghahain pa siya ng kung ano-anong merienda, chichirya at soft drinks. Kaya naman lumaki silang ubod nang tataba. Hindi ibig sabihin ng pagiging mataba ang pagiging malusog. Hindi natin dapat balewalain ang problema ng obesity. Tandaan natin ang isang kasabihan dito sa ating bayan, Ang lumakas sa gulay ay tunay na malakas ang katawan. Ang pagsasanay sa pagkain ng gulay ay disiplina na kailangang-kailangan sa ating lipunan sapagkat ang taong may mahinang katawan, mataba man o payat, karaniwan ay walang siglang magtrabaho. Tumatanda sila subalit ang kanilang buhay ay hindi nagiging productive. Subalit, hindi rin naman natin magagarantiyahan na kapag malakas ang katawan ng tao ay siguradong productive ang kanyang buhay.

Pagbulay-bulayan: Ano-anong pagkain ang nasa diet ngayon ng iyong pamilya na puwedeng-puwede bawasan o iwasan, na makakatulong pa sa pagtitipid?

Day 11 Sinasabi sa Proverbs 28:19 na, ang masipag magpataba ng kanyang lupa ay sagana sa ani, subalit ang taong nananaginip ng gising ay mapupuno ng paghihirap. Taglay ng katotohanang ito ng isang kasabihan ng mga Pilipino: Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad. Marami sa ating mga kababayan ang batugan. Ang hilig nila ay gumising ng tanghali, kumain at makipag-kuwentuhan maghapon. Hindi nila iniisip ang magkaroon ng kabuhayan sapagkat mayroon silang tinatanggap na sustento mula sa isang kamag-anak na nagtratrabaho sa ibang bansa. Kadalasan, ang ugaling ito ay salin-henerasyon. Ganoon ang sitwasyon ng tatay, kaya ganoon din ang lagay ng anak. Totoo na ang nagkukunsinti ng katamaran ay kasosyo sa kulturang isinabubuod ng tulang ito:

Ang nabubuhay sa kung sino-sinong nag-aabot, para sa kanyang pangangailangang pagkain at gamot, buhay nya’y walang magandang kinabukasang maaabot. at siya kanino ma’y walang mabuting maidudulot.

Pagbulay-bulayan: Kung masipag at matiyaga ang mga Pilipino, bakit marami sa kanilang mga anak ang malnourished? Bakit marami sa kanila ay walang disenteng matirhan? Bakit marami sa kanila ang suot ay halos basahan na? Ano ang magagawa ng isang teen-ager na nakatira sa squatter area upang matulungan niya ang kanyang sarili?

Day 12 Ang isang batang marunong nang maglakad ay maaari nang bigyan ng responsibilidad. Turuan siyang kumuha ng isang maliit na bagay upang iabot sa iyo. Matapos maglaro, turuan siyang pumulot ng kanyang mga laruan at maglagay ng mga ito sa tamang lalagyan. Sanayin ang bata sa pag-aayos ng kanyang tinulugan sa murang edad pa lamang. Huwag siyang bayaang nakaharap maghapon sa telebisyon. Dapat subaybayan ng mga magulang kung ano ang pinanonood ng kanilang mga anak. Kailangang paglabanan ng mga magulang ang temtasyon na gamitin ang telebisyon na baby sitter upang hindi na nila kailangang bantayan pa ang mga ito. Ang paglalaro ng video games ay nakaka-addict. Kailangan din ang disiplina sa bagay na ito. Hindi mababanat ang mga buto ng ating mga kabataan kung sila ay maghapong nakaupo sa harap ng TV o PC, o kaya naman ay paista-istambay lamang.

Malaking pananagutan ng magulang ang pabayaang maging tamad ang kanilang anak. Ang tunay na nagmamahal sa anak ay ang magulang na matiyagang nagsasanay sa anak kung papaano mangalaga ng sariling katawan at kung paano mamuhay nang hindi umaasa sa iba. Ang kasipagan sa pagtupad ng mga gawaing bahay ay nagsisilbing pagpapalakas ng katawan at ng kaluluwa.

Philippine Biblical Worldview Institute 8

Pagbulay-bulayan: Gumawa ng isang 7-day activity schedule para sa pagsasanay sa mga bata, edad 3-7. Isaalang-alang sa paggawa ng schedule na ito ang mental, physical at psychological health ng bata.

Step 4. Pangunahan ang anak: Turuan, sanayin at bigyan ng direksyon

Day 13 Tinuturo ng Bibliya na kahanga-hanga ang ginawang pag-iingat ng Diyos sa paglikha ng tao sa sarili Niyang wangis (Psalms 139:14-16; Genesis 1:27). Hindi pa nga nagkakaroon ng porma ang ating katawan sa sinapupunan ng ating ina, kita na ng Diyos ang ating hugis. Di kaila sa Diyos ang ating pagkatao. Matututuhan din natin sa Bibliya na ang buhay ng tao ay galing sa hininga ng Diyos at ang haba ng buhay na ito ay itinakda din Niya at nakatala sa aklat ng buhay bago pa man tayo isilang (Genesis 2:7; Psalms 139:16).

Tinuturo din ng Bibliya na tayo ay di lamang nilikha ng Diyos upang magkaroon ng buhay kundi ang nilalaman ng buhay na ito ay Kanya ring gawain. Bahagi ng dakilang gawaing ito ang muling paglikha kay Cristo sa mga nagtitiwala kay Cristo. At ang layunin ng Diyos sa pagkilos sa buhay ng tao ay upang siya naman ay gumawa ng mabubuting gawa - - mga gawaing magdudulot ng kasiyahan sa Diyos. Tulad din ng pagtakda ng haba ng buhay ng tao, ang mabubuting gawa na kanyang lalakaran ay inihanda na rin mula pa lamang sa simula (Ephesians 2:10).

Ang unang bahagi ng pangunguna sa anak ay ang ituro sa kanya na siya ay tanging likha ng Diyos at may layunin ang Diyos sa kanyang buhay.

Dahil sa may layunin ang Diyos sa bawat buhay na Kanyang nilalang, may mga kaloob Siya sa bawat isa sa atin nang sa ganoon ay maisakatuparan natin ang mga tinakdang mabubuting gawa na kung saan tayo ay itinalaga o may calling. Halimbawa, kung ang tawag sa aking buhay ay maging guro, maaasahan ko na may kaloob akong katangian na angkop sa pagtuturo. May karunungan akong tataglayin upang makatapos ng isang kurso sa pagsasanay bilang isang teacher. Kung ang tawag ko naman ay maging isang negosyante, makaaasa ako na ako ay may kagalingan sa paghawak ng pera at sa pagpapalago nito.

Si Leo ay lumaki sa hirap kasama ang lima niyang mga kapatid. Struggle siya hanggang sa pag-graduate niya sa elementary, dahil maagang namatay ang kanyang ina. Subalit nang siya ay nag-teen-ager na, nakapag-Saudi ang panganay niyang kapatid. At siyempre pa, nakapagpapadala ng pera.

Naging pabaya naman ang kanyang ama dahil sa hindi na kailangang mag-overtime lagi; bagkos ay natutong bumarkada. Naging lakuwatchero si Leo. Hindi nakatapos ng high school. Maaga pang nakabuntis ng nobya – si Jenny.

Naging ulirang maybahay si Jenny. At dahil na rin sa tulong ng kanyang magulang, gumanda ang kanilang buhay. Hindi sila nahirapan sa pagpapalaki ng kanilang dalawang anak – si Mercy at Justin. Masipag pareho mag-aral at matalino pa.

Nang makatapos na ng high school si Mercy, ninais niyang kumuha ng Education dahil gusto niyang maging isang teacher. Subalit, money-conscious si Leo, dahil na rin sa kanyang background. Masunuring anak si Mercy kaya Accounting ang kanyang kinuhang kurso upang makakuha agad ng trabaho na disente ang suweldo.

Makaraan ang sampong taon, napansin ni Jenny na laging matamlay si Mercy. Para bang walang gana sa buhay. Marami raw pressure sa trabaho. At totoo naman iyon dahil palugi na ang kumpanyang kanyang pinapasukan. At napansin din ni Jenny na nabubuhayan lang ng loob si Mercy kapag nagtuturo sa Sunday School ng kanilang iglesya.

Nag-usap ang mag-ina. Dito nalaman ni Jenny ang tunay na layunin ng Diyos sa buhay ng kanyang anak na maging isang teacher. Agad-agad na pinayuhan niya si Mercy na mag-aral at maghandang ma-certify ng DepEd.

Philippine Biblical Worldview Institute 9

Sinunod ni Mercy ang payo ng kanyang ina. Sa ngayon, siya ay isang model teacher ng isang pangunahing elementary school sa buong Pilipinas.

Pagbulay-bulayan: Ikaw ba ay nasa tamang gawain? Kung mayroon kang sapat na kapangyarihan, ano ang iyong gagawin sa mga sandaling ito upang makatulong sa iyong asawa’t mga anak?

Day 14 Ang ikalawang bahagi ng pangunguna sa anak ay ang pagbibigay ng mabuting pansin sa mga katangian na inilalahad ng anak sa takbo ng kanyang buhay. Ang mga katangiang naoobserbahan sa anak ay dapat tangkilikin at hasain pa nang sa ganoon ay mas lalong tumalim. Mabuting ipagamit o gamitin ang mga talento at abilidad na nakikita sa anak upang mas lalong kasanayan at katuwaan nang patuloy. Sa pamamagitan nito, magagabayan ng magulang ang anak sa pagdidesisyon sa pagpili ng kurso na angkop sa kanyang kakayahin pag dating ng takdang panahon.

Kung naging bukas sana si Leo sa tawag ng Diyos sa buhay ni Mercy, hindi na sana siya napilitang mag-Accounting. Bagamat hindi naman naging kalugihang total ang nangyari.

Patungkol sa bagay na ito, naalala ko ang sinabi ng isa kong kaibigan (na barkada ni Leo) sa kanyang anak: Anak, ikaw ang magtatawid sa atin sa kahirapan. Ang ipakukuha ko sa iyo sa kolehiyo ay Nursing kahit ipangutang ko pa ang pangmatrikula mo. Nang marinig ko iyon, ilang mga katanungan agad ang naglaro sa aking isipan . . . Bakit siya ang pumipili ng kurso para sa kanyang anak? Ganito ba talaga dito sa Pilipinas? At bakit niya iniaasa ang kanilang kinabukasan sa kanyang anak? Responsibilidad ng magulang na ihanda ang anak sa kinabukasan. Hindi kasama dito ang paggamit sa kanila para sa sariling kapakinabangan.

Sa patungkol pa rin sa ikalawang bahaging ito, sa dalawang bagay kinakailangang maging maingat ang magulang sa pagsasanay sa anak: a) Hindi dapat kainipan ang paghinog ng mga katangiang handog ng Diyos sa anak. Kailangan ng magulang ang pag-iingat sapagkat, lalo na dito sa Pilipinas, maraming bata ang madaling mawalan ng gana o pag-asa. Huwag na huwag pipilitin ang anak na mag-perform para sa madla. Malamang na talikuran niya ang kanyang mga talento kapag sa tuwing gagamitin niya ito, siya ay makadarama ng pressure mula sa magulang.

Natatandaan ko na si Pastor Edong ay ganyan noong hindi pa siya pastor. Lagi niyang sasabihan ang anak na tumugtog ng piano para sa mga kaibigan. Ipinagmamalaki kasi niya ang anak subalit hindi niya nadarama na presyuradong-presyurado si Bong sa ganitong pagkakataon. Hindi naglaon ay huminto na sa pag-aaral ng piano ang bata.

b) Maging mahusay sa paghusga ng talento o special ability ng anak. Huwag magdunong-dunungan. Huwag maging katulad ni Nida. Dahil sa kanyang paghanga kay Lea Salonga, inisip niyang maging isang mahusay na manganganta rin si Joy, kahit na obvious sa iba na disintonado ang bata. Naniwala si Joy sa ina na siya ay magaling kumanta, kaya naman trying hard siya sa mahabang panahon. Dumating ang araw na na-frustrate na nang husto si Joy dahil sa mga rejections na kanyang naranasan sa dami ng auditions na kanyang ginawa. Dahil sa natutok ang panahon ni Joy sa pag-eensayo sa pagkanta, nakaligtaan niya ang pagsusulat kung saan siya ay may tunay na abilidad.

Pagbulay-bulayan: Kinaiinipan mo ba ang iyong anak? Sobra bang pinagmamalaki mo siya? Mayroon ka kayang nagagawang papressure sa iyong asawa o anak?

Day 15 Ang ikatlong bahagi sa pangunguna ng anak ay ito: ituro ang anak sa tamang direksyon.

Dinadapuan ako ng kalungkutan sa tuwing nakakakita ako ng mga batang palaboy-laboy sa kalye. Ang mga batang ito, na nilikha ayon sa wangis ng Diyos, ay walang tamang direksyon sa buhay. Walang gabay na nakukuha sa kanilang mga magulang. Walang sapat na educasyon para makamtan nila ang isang maayos na kinabukasan. Walang maayos na tahanan upang sila ay

Philippine Biblical Worldview Institute 10

maprotektahan mula sa mga kasamaan sa kapaligiran. Ang mga magulang ay nariyan upang bigyan ng direksyon ang kanilang mga anak.

Sa isang eksena sa pelikula, ito ang dialogue ng ama sa kanyang dalagitang anak na hindi ko malimut-limutan: Ineng, pakitunguhan mo nang mabuti ang anak ni Mayor. Alam mo naman, iyan ang magbibigay sa atin ng magandang koneksyon para kumita tayo ng pera. Nangako si Mayor na gagawin niya akong kolektor sa palengke. Alam mo naman, nandidiyan ang pera! Sigurado na ang pagyaman natin!

Lagi ko itong naaalala sapagkat alam nating lahat na ito ay hango sa tunay na buhay. Sa halip na bigyan ng tamang pananaw at direksyon ang anak, marami sa ating mga magulang ang nagtuturo ng maling paniniwala. Ang direksyon na nais ng Diyos na ituro ng magulang sa kanyang anak ay yaong magdadala sa bata tungo sa paggawa ng mabuti at tama, at hindi ang pakikiayon sa takbo ng mundo.

Pagbulay-bulayan: Ano-ano ang mga maling pananaw sa buhay ng isang ama o ina na umaasa sa isang mayaman o makapangyarihang tao?

Step 5: Ihanda ang anak para sa kanyang kinabukasan. Siguraduhin na mayroon siyang sapat na educasyon.

Day 16 May isang dating senador na tumakbo para presidente ang nagsabi ng ganito, “Ang kailangan ng Pilipino ay kaalamanan.” Sang-ayon ako dito. Sa aking palagay hindi hand-out ang kailangan ng ating mga kababayan na naghihirap kundi kaalamanan sa pagkita ng pera o paghahanap buhay. Ang mga nabubuhay sa bigay o lagay ay mamamatay sa bigay o lagay. At malamang na, na ang ituturo nila sa kanilang mga anak ay kung paano dumilehensya o paano kumita ng pera sa mabilisan maski maling paraan. Hindi ito ang kinakailangang educasyon ng mga bata - - ang masanay sa pasikot-sikot sa cultura ng graft and corruption.

Para sa marami sa ating mga kababayan, ang kayamanan ang makapagdudulot ng kasiyahan sa buhay. Kaya naman para sa mga ganito ang pananaw sa buhay, ang ipakukuha nilang kurso sa kanilang mga anak ay related sa medical field tulad ng nursing, physical therapy, o kaya naman ay yaong may kinalalaman sa computer. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kurso na pinaniniwalaang madaling makakapagbigay ng pagkakataon na makapag-abroad.

Ang sabi ng isang nanay sa ibang magulang sa isang daycare sa may amin ay ito: Ngayon pa lang ay pinaghahandaan ko na ang pag-aaral ng aking anak sa colegio. Nag-iipon na ako at nag-susumikap na makatulong sa aking asawa sa pagkita ng pera. Alam ninyo naman na walang mararating ang bata kung walang college education, di ba? Ang tugon ng isang kausap ay ito: Ako, sinasanay ko na ang anak ko sa English para madaling makapasok sa call center. Malaki ang kita doon. Ang sabat naman ng isa ay ito: Para sa akin, isang tama lang sa lotto, tapos ang kuwento. Hindi na kailangang mag-aral pa ng anak ko. Aminin man natin o hindi, kadalasan ay pera ang ating motibo sa gawa ng desisyon.

Pagbulay-bulayan: Sa iyong palagay, ano ang tamang influence ng pera sa ating decision making process? Dapat ba na ang pera ang driving force o by-product lamang ng ating gawain. Mas gagaling kaya ang ating trabaho o mas darami ang ating output kung mas malaki ang ating suweldo?

Day 17 Ang tamang educasyon na kailangan ng ating mga anak ay yaong magbibigay sa kanila ng karunungan at pang-unawa patungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa katotohanan, mabuti at tama. At educasyon na makapagpapaunlad ng kanilang taglay na natatanging abilidad. Matu-tunghayan natin sa aklat ng Proverbs ang mga sumusunod na pangaral patungkol sa bagay na ito: Ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan at mula sa Kanyang bibig lumalabas ang

Philippine Biblical Worldview Institute 11

kaalaman at pang-unawa (Proverbs 2:6). Ang takot sa Panginoon ay panimula ng karunungan at ang pagkilala sa Banal na Diyos ay pang-unawa (Proverbs 9:10).

Kung tayo ay walang nalalaman sa salita ng Diyos na kung saan nakabase ang katotohanan tungkol sa Kanyang kalikasan, kalooban at mga layunin, hindi tayo makatutunghay ng tunay na karunungan. Ang mga maling paniniwala tungkol sa Diyos kalimitan ay nauuwi sa pagkawalang galang o takot sa Kanya. At kung tayo ay walang takot sa Diyos madali tayong pasukan ng kalokohan sa ulo. At kung wala tayong takot sa Diyos madali tayong madadala ng mga kalokohang ating naiisip. Kung tayong mga matatanda ay ganito, lalo na ang kabataan. Ang tamang educasyon para sa ating mga anak ay nagsisimula sa pag-aaral ng Bibliya, ang salita ng Diyos. At ang educasyon na ito ay nagsisimula sa ating mga tahanan. Sa kanilang murang edad, imulat na natin sila sa Salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, ano mang kurso ang kunin nila pagdating sa colegio, ito ay siguradong gagamitin nila para sa ikaluluwalhati ng pangalan ng Diyos.

Ang isang nakalulungkot na balita sa ating bansa ay ang napakataas na drop-out rate sa elementary school pa lamang. Umaabot sa 30% ang hindi nakaaabot sa grade six sa ilang lalawigan. Ano ang kahihinatnan ng mga batang ito? Paano sila magiging productive citizens ng ating bayan? Ang nakababahala pa kamo ay ang buntot ng balitang ito na ang mga drop-outs na ito ay nauuwi sa masasamang gawain tulad ng drug-running, pagnanakaw, child prostitution, o ahente sa jueteng kapag hindi na nila kayang buhayin ang sarili sa pamamagitan ng pagpapalimos. Sa kabilang palad, nakatutuwa namang malaman na mayroong programa ang ating gobyerno na tumutulong sa mga kabataang hindi nakapagtapos na nais makakuha ng high school diploma. Subalit hindi dapat isipin na ito ang solusyon sa problemang ito. Dapat alamin ng pamunuan ng ating bayan kung bakit tila baga suko na ang mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak. Dahil ba sa wala na silang pag-asa? At wala na silang nakikitang pag-asa para sa kanilang mga anak? At ang mga estudyante, wala na ba silang sapat na matutuhan sa ating mga public schools? Nawalan na ba sila ng motivation para pumasok? Bakit? Bakit isang milyon na ang mga kabataang Pilipino ang hindi na pumapasok sa eskwelahan?

Ang karunungan ay ang sukdulan, kaya nga mag-ari ka ng karunungan, kahit na gugulin mo ang lahat mong kayamanan kumuha ka ng pang-unawa (Proverbs 4:7). Ito ang payo ng Bibliya para sa lahat. Ito ay dapat panghawakan ng mga magulang ano man ang kanilang palagay sa kinabukasan ng bayan. Kung nawalan man sila ng compiyansa sa gobyerno, dapat nilang malaman na ang karunungan ay nakakamtan sa pamamagitan ng pag-aaral ng Salita ng Diyos. Dapat nilang sikapin na makipisan sa pag-aaral nito. Ang mga iglesya-lokal ay dapat isaala-ala ang kahalagahan ng pagtuturo ng mga aralin mula sa labi ng Panginoong Jesus.

Mayroon ngang ginto at marami ang mga ruby, subalit ang mga labi na nagsasabi ng karunungan ay pambihirang uri ng mamahaling bato (Proverbs 20:15). Ang kawikaang ito ang sagot sa tanong na: Ano ang mas mahalaga, kayamanan o karunungan? Makasisiguro ang magulang ng magandang kinabukasan para sa kanyang anak kung siya ay tuturuan ng Salita ng Diyos.

Pagbulay-bulayan: Ano sa palagay mo ang solusyon sa problema ng school drop-out ng ating mga kabataan?

Step 6: Ipagpatuloy ang pagmamahal sa anak subalit pabayaang mamuhay ng sarili pagdumating na ang takdang panahon.

Day 18 Sinasabi sa Genesis 2:21-24 na: Hinayaan ng Panginoong Diyos na makatulog nang mahimbing si Adan. Habang siya ay tulog, kinuha ng Diyos ang isang tadyang ni Adan at muling isinara ang kanyang tagiliran. At nilikha ng Diyos ang babae mula sa tadyang na kinuha sa lalaki. Inilapit ng Diyos ang babae sa lalaki. Ang sabi ng lalaki: Ito ay buto ng aking buto, laman ng aking laman; tatawagin siyang babae sapagkat siya ay nagmula sa lalaki. Dahilan dito iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina upang makiisa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isang laman.

Philippine Biblical Worldview Institute 12

Sa talatang ito, inihahayag ang isang napakahalagang kalooban ng Diyos tungkol sa pagiging mabuting magulang - - na darating ang takdang araw na dapat nang humiwalay ang anak sa magulang upang ito ay magsarili at magpamilya ng kanya. Kasama sa pagpapalaki ng mga anak ang sila ay ihanda sa araw na ito. Ang pagbibigay ng magandang halimbawa kung paano magmahal sa asawa, ang pag-unawa sa tamang kalikasan ng anak at ng mundong kanyang ginagalawan, ang paglalaan ng tahanan at tamang pagkain, ang pagtuturo, pagsasanay at pagbibigay ng direksyon, at ang paghahanda sa kanyang kinabukasan, ang limang hakbang na ito ay ginagampanan upang sa takdang panahon ang anak ay malayang hihiwalay sa magulang na may malaking pagtanaw ng utang na loob.

May pamilya na ang aking anak ngunit ayaw pa ring humiwalay sa aming mag-asawa. Ito ang reklamong madalas kong marinig mula sa aking mga dating kamag-aral. Sa akin nakatira ang aking apo dahil parehong nagtatrabaho ang aking anak at manugang. Pakiramdam ko ba ay parang balik-lampin ako. Gusto ko mang tumulong sa kanila pero suko na ako. Eto naman ang pahayag ng isang nanay na nag-attend ng isang Parenting Seminar na ginanap sa aming barangay hall. Sa ating cultura, pangkaraniwan ang mga ganitong sitwasyon. Ang batang bahagya pa lamang lumalakad ay naka-intrega na sa lolo at lola dahil kailangang mag-abroad ng mag-asawa upang kumita ng pera. Para sa kanila, ito lang ang kasagutan upang maiangat ang kanilang kabuhayan.

Pagbulay-bulayan: Sa iyong palagay, bakit humahantong sa multi-family dwelling ang ating mga bahay? Bakit hindi nahihiya ang mga anak na umasa pa sa magulang kahit sila ay matatanda na? Tama ba na ang sisihin lagi ay ang kahirapan? Hindi kaya dahil sa walang pagpipigil sa sarili ang ating mga kabataan sa kasalukuyan?

Day 19 Ang mag-asawang Benjie at Beth ay parehong malayo sa kanilang pamilya. Si Benjie ay seaman na naglalakbay sa iba-ibang parte ng mundo. Si Beth naman ay physical therapist sa isang ospital sa Saudi. Pinayuhan si Beth ng kanyang kapatid na bumalik na dito sa Pilipinas dahil maganda naman ang kinikita ng kanyang asawa bilang seaman. Ayaw ni Beth dahil gusto niyang makapagpatayo muna sila ng bahay bago siya bumalik. Maliit na raw ang kanilang tirahan para sa kanilang pamilya. Naisip ni Susie, na kapatid ni Beth, na napakaraming magandang bagay ang hindi nasasaksihan ng kanyang kapatid habang lumalaki ang kanyang anak. Subalit nakikita rin niyang lumalaki ang kanyang mga pamangkin na walang disiplina; ang lahat ng gusto ay sinusunod nina Lolo at Lola sapagkat may sapat na ipinadadala namang pera para sa kanila ang magulang na parehong OFW. Nakikita-kita na ni Susie na malaking problema ang haharapin nina Benjie at Beth pagbalik nila dito sa Pilipinas.

Ang pagtulong sa mga anak ay natural sa magulang kahit na ito’y may sariling pamilya na. Ito ang kanilang paraan nang pagpapakita ng pagmamahal sa anak. Ngunit dapat isipin ng magulang kung kailan siya tunay na nakatutulong at kung kailan ang pagtulong ay hindi nakabubuti. Ang mga anak na may pamilya na at nakatira pa sa mga magulang ay dapat unti-unting itinutulak palabas ng bahay. Hindi nila matututuhang pagsumikapan nang husto ang pagsasarili kung comportable sila sa pakikipisan sa kanilang mga magulang. Darating ang panahon na magkaka-friction ang magulang at ang anak o at ang manugang. Hindi maiiwasan ng magulang ang manghimasok at makialam sa problema ng mag-asawa kung ito ay lantad sa kanya. At mahirap namang ikubli ang problema ng mag-asawa sa magulang na kasa-kasama sa bahay. Ang pagsusumiksik ng mga anak na may pamilya na sa tahanan ng kanilang magulang ay nagiging dahilan ng overcrowding. At kung maliit lang ang lugar, ang mga bata ay siguradong hahantong sa kalye at doon maglalaro, iistambay at magpapalaboy-laboy.

Pagbulay-bulayan: Daang libo na ang mga tinataguriang street kids dito sa ating bansa; mga batang kalye. Ano kaya ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Hindi kaya sila nanganganib sa mga human-traffickers?

Day 20 Ang pagpapamilya ay pinaplano. Bahagi sa responsibilidad ng magulang ang maituro ito sa

Philippine Biblical Worldview Institute 13

kanilang mga anak. Kung matuturuan muna ang mga anak tungkol sa mabigat na responsibilidad ng pagpapamilya at pagsasarili, maiiwasan ang mga ganitong senaryo. Maiiwasan ang pag-aasawa nang wala sa panahon. Maiiwasan din ang pagpapakasal na hindi pinagplanuhan at pinaghandaang mabuti.

Ang anak na naihanda sa mabuti at tamang paraan patungkol sa pagsasarili ay mayroong magandang kinabukasang hinaharap. Ang lumalagay sa tunay na tahimik ay may kabuhayan, may matitirhan at may potential sa pag-asenso sa buhay sapagkat sila ay may educasyon. Sila ay hindi sasandal sa magulang at magiging pabigat sa mga ito.

Pagbulay-bulayan: Tama ba na payuhan ang mga kabataang babae ngayon na huwag mag-kakamaling mag-asawa ng lalaking walang trabahong matino at steady. Tama ba na payuhan sila na huwag na lamang mag-asawa o huwag na lamang mag-anak?

© Revised 2014

All rights reserved. No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means except for brief quotations for the purpose of review or comments, without the prior permission of the publisher, Philippine Biblical Worldview Institute.

Philippine Biblical Worldview Institute 14

Values Formation: Godly Parenting Homework (To be completed in separate sheets of paper) Day 1 1. Ano kadalasan ang katuwiran ng mga magulang na nagpapakasal ng anak kahit walang ipakakain ang magiging asawa? 2. Ano kadalasan ang pagkakamali sa pagtanto ng tunay na kahulugan ng pagmamahal o pag-

ibig? 3. Kung ang sukatan ay 1 Corinthians 13:4-8a, ano ang marka (0% - 100%) na ibibigay mo sa

iyong sarili patungkol sa iyong pag-ibig sa iyong kabiyak o kasintahan? Day 2 4. Sa anong mga aspeto ng buhay tayo nakararanas ng pagsubok? 5. Paano nasaktan ni Rod ang damdamin ni Nida sa ating kuwento? Day 3 6. Ano ang isa sa pinakamalaking problema dito sa ating bansa pagdating sa leadership sa

tahanan? At ano ang malungkot na consequence nito? 7. Ano ang kadalasang problema kapag hands-on ang lalaki sa pagpro-provide ng leadership? 8. Sa iyong palagay, saan nagkukulang ng leadership o support ang mag-asawang Pinoy? Day 4 9. Kung may sale sa SM; 50% discount. Ibig bang sabihin eh naka-save ka ng 100% kung

dalawang items ang bibilhin mo (50% + 50% = 100%)? 10. Ano madalas ang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa? Paano nangyayari ito? 11. Ano ang unang matututuhan ng anak sa magulang? Day 5 12. Ano ang nananahan sa bagong sanggol ayon sa Proverbs 22:15? Saan nagmula ang ating

pagiging makasalanan ayon sa Psalms 51:5? At saan nahihilig ang ating katauhan? 13. Mula pa saan ang ating pagnanasa na maging boss? 14. Kung ang anak ay hindi mahirap utusan, ano ang tamang pagpapalaking ginawa ng magulang?

Kung naman mautusan, saan sila nagkamali? Day 6 15. Ano ang makatutulong sa magulang upang hindi pagharian ng kalokohan ang anak? 16. Paano natututo ang bata kung sino ang dapat niyang lapitan sa kanyang magulang para

makamtan niya ang kanyang kagustuhan? 17. Sa paanong paraan naa-undermine ang authority ng isang magulang? Day 7 18. Ano ang formative years ng tao? 19. Wala na kayang pag-asang magbago pa ang mga matatanda. Ano sa palagay mo? Day 8 20. Sino ang naghahari sa mundong ito? 21. Ano ang silbi ng Sampong utos? 22. Kung ikaw ang counselor ng mag-asawang Rod at Nida, ano ang iyong mga magiging advices

para sa kanila? Kay Luisa at Lucky, ano ang iyong mga maipapayo? Ipaliwanag nang mabuti. Day 9 23. Kanino pinagkalooban ng Panginoong Jesus ang awtoridad sa tahanan? 24. Sa iyong palagay, epectibo ba ang ginagawang paglilipat ng mga squatters sa mga relocation

areas? Hindi ba gumagawa lamang ang gobyerno ng panibagong problema? Drugs, gang related

Philippine Biblical Worldview Institute 15

violence, prostitution, gambling? Ano sa palagay mo ang political, social at economic effects ng ganitong environment sa mga anak-mahirap?

Day 10 25. Hindi lahat ng pagkain ay mabuti sa katawan ng tao. Ano ang tunay na nagpapalakas sa ating

katawan? Anong uri nito ang kasama sa iyong diet? 26. Ano-anong pagkain ang nasa diet ngayon ng iyong pamilya na puwedeng-puwede bawasan o

iwasan, na makakatulong pa sa pagtitipid? Day 11 27. Kung masipag at matiyaga ang mga Pilipino, bakit marami sa kanilang mga anak ang

malnourished? Bakit marami sa kanila ay walang desenteng matirhan? Bakit marami sa kanila ang suot ay halos basahan na?

28. Ano ang magagawa ng isang teen-ager na nakatira sa squatter area upang matulungan niya ang kanyang sarili?

Day 12 20. Malaking pananagutan ng magulang ang pabayaang maging tamad ang kanilang anak. Paano maiiwasan ito? 21. Ano ang nagsisilbing pagpapalakas ng katawan at ng kaluluwa? Day 13 22. May plano ba ang Diyos sa buhay mo at sa iyong anak? 23. Ano ang unang bahagi sa pangunguna sa anak? 24. Ano kadalasan ang tawag sa plano ng Diyos sa buhay ng tao? 25. Ikaw ba ay nasa tamang gawain? Kung mayroon kang sapat na kapangyarihan, ano ang iyong

gagawin sa mga sandaling ito upang makatulong sa iyong asawa’t mga anak? Day 14 26. Ano ang ikalawang bahagi ng pangunguna sa anak? 27. Ano ang pinagkakaloob ng Diyos sa atin upang matupad natin ang ating calling? 28. Patungkol sa pagbibigay ng mabuting pansin sa mga katangian na inilalahad ng anak sa takbo

ng kanyang buhay, ano ang dapat iwasan ng magulang? Day 15 29. Ano ang ikatlong bahagi sa pangunguna ng anak? 30. Tama lang ba na umasa ang magulang sa anak sa paghango sa kahirapan? 31. Ano-ano ang mga maling pananaw sa buhay ng isang ama o ina na umaasa sa isang mayaman o

makapangyarihang tao? Day 16 32. Para sa marami sa ating mga kababayan, ang kayamanan ang makapagdudulot ng kasiyahan sa

buhay. Ano ang tunay na pangangailangan ng kabataang Pilipino? 33. Bakit ang magulang ang kadalasang pumipili ng curso para sa anak? Tama ba ito? 34. Sa iyong palagay, ano ang tamang influence ng pera sa ating decision making process? Dapat ba

na ang pera ang driving force o by-product lamang ng ating gawain. Mas gagaling kaya ang ating trabaho o mas darami ang ating output kung mas malaki ang ating suweldo?

Day 17 35. Ano ang tamang educasyon na kailangan ng ating mga anak? 36. Ang mga maling paniniwala tungkol sa Diyos kalimitan ay nauuwi sa pagkawalang galang o

takot sa Kanya. Kung tayo ay walang takot sa Diyos, ano ang mangyayari sa atin? 37. Saan nagsisimula ang tamang educasyon para sa ating mga anak? 38. Ano sa palagay mo ang solusyon sa problema ng school drop-out ng ating mga kabataan?

Philippine Biblical Worldview Institute 16

Day 18 39. Ano ang ultimong dapat matutuhan ng mga magulang patungkol sa pagpapalaki sa anak na

taglay sa Genesis 2:21-24? 40. Sa iyong palagay, bakit humahantong sa multi-family dwelling ang ating mga bahay? Bakit

hindi nahihiya ang mga anak na umasa pa sa magulang kahit sila ay matatanda na? Tama ba na ang sisihin lagi ay ang kahirapan? Hindi kaya dahil sa walang pagpipigil sa sarili ang ating mga kabataan sa kasalukuyan?

Day 19 41. Ano ang costly consequence na madalas hindi napapansin ng mga matagal na nahiwalay sa

anak dahil sa pagtratrabaho sa ibang bansa o sa barko? 42. Daang libo na ang mga tinataguriang street kids dito sa ating bansa; mga batang kalye. Ano

kaya ang kinabukasang naghihintay sa kanila? Hindi kaya sila nanganganib sa mga human-traffickers?

Day 20 43. Paano maiiwasan ang biglaang pagpapakasal ng anak? 44. Ano ang tinatanggap na reward ng magulang kapag naihanda niya ng mahusay ang kanyang

anak patungkol sa pagpapamilya? 45. Tama ba na payuhan ang mga kabataang babae ngayon na huwag magkakamaling mag-asawa

ng lalaking walang trabahong matino at steady. Tama ba na payuhan sila na huwag na lamang mag-asawa o huwag na lamang mag-anak?

Evaluation (1= no; 5= absolutely)

a. Nakatulong ba sa iyo ang cell group leader? 1 2 3 4 5

b. Nakatulong ba sa iyo ang study exercise na ito? 1 2 3 4 5 c. Nakatulong ba sa iyo ang contents ng material na ito? 1 2 3 4 5

d. Irerecommend mo ba ang pag-aaral na ito? 1 2 3 4 5

e. Nais mo ba na maging bahagi ng values formation movement na ito? 1 2 3 4 5 Comment:

© Revised 2014

All rights reserved. No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means except for brief quotations for the purpose of review or comments, without the prior permission of the publisher, Philippine Biblical Worldview Institute.