22

Click here to load reader

Noli Me Tangere Deciphered-kab059

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

KABANATA 59ANG INANG BAYAN AT ANG MGA KAPAKANAN

  Ang balita ay lihim na inihahatid ng telegrama sa sa Maynila,1 pagkatapos na makaraan ang tatlumpu’t anim na oras ay ibinalita na ng mga pahayagan ang nangyari, na binalot ng maraming hiwaga2 at babala; na ginutay, inayos at dinagdagan ng tagasuri.3  Samantala naman, ang mga balitang dala ng ibang tao, na galing sa mga kumbento, ay siyang unang palihim na kumalat, na ikinatakot ng bawat makaalam.4 Ang pangyayari, na nag-iba ng ayos dahil sa ilang libong bersiyon, agad na pinaniniwalaan o hindi ayon sa udyok ng kalooban ng isa’t isa.5 Kahit ang katahimikang-bayan ay hindi nagagambala,6

1MGA PALIWANAG Ang ganitong paraan ng paghahatid ng lihim na balita ukol sa kaguluhan sa San Diego ay katulad halos sa naganap na Pag-aalsa sa Cavite noong Enero 20, 1872. Nagkaroon ng mga serye ng telegrama mula sa Cavite na ipinapaalam sa mga kaganapan sa pagsugpo ng hukbong Espanyol sa mga nag-aalsang sundalo at mangaggawa sa arsenal ng Cavite. Isa sa mga telegrama na galing sa Cavite ay humihiling sa GH na ipag-utos na dakpin si Padre Jose Burgos.2

Ang pag-aalsa sa San Diego ay nakabalot sa misteryo na tulad sa Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. – Nakatago ang lihim na kamay ng mga prayle sa likod ng kaganapan.3

Ang mga balitang ipinararating sa mga tao ay ayon sa nais o kagustuhan ng tagasuri. Sa kasalukuyan maging ang ating pahayagan at iba pang instrumento sa pagbabalita ay dapat suriing kritikal, ang mga inihahatid na balita o inpormasyon - tandaan natin na ang mga ito ay mayroong mga sariling mga interes na pinoprotektahan.4

Ang balita (higit na ibig sabihin ay kuwento) mula sa mga kumbento ay dinagdagan ng higit na nakakasindak na detalye sa layunin na higit na matakot ang mga nakikinig at lumabas na sikat ang mga prayle.5

Ang balita sa Pilipinas, maliban sa pahayagan ay mayroon pang ibang pinagmumulan – mapupuna dito na ang epekto ng mga lihim na balita ay higit na nakakasindak sa mga tao. Pansinin ang epekto ng pakikinig ng balita at pakikinig sa mga sali-salitan. Ang kawalan ng kredibilidad ng pahayagan ang siyang pinagmumulan ng mga sali-salitaan at lalo pang nagiging kapani-paniwala kung ang pinagmumulan ng balita ay pinagkakatiwalaan/pinapaniwalaan ng mga tao.6

Tahimik ang kabuuan ng Pilipinas, ngunit pinalaki naman ang kaguluhan na para bang epektado ang buong Pilipinas. Ito rin ang

668

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

ngunit parang ang kapayapaan ng mga tahanan ay nahahalo, na gaya ng isang tangke:  samantalang ang ibabaw ay walang kagalaw-galaw, ngunit sa ilalim ay nagsisigapang, naglalanguyan at naghahabulan ang mga piping isda. Ang mga krus, mga condecoracion,7 mga ensigna sa balikat, mga trabaho, kabantugan, kapangyarihan, kahalagahan, kataasan, atbp., ay nagliparan na parang mga paruparo, sa isang ginintuang liparan, ayon sa nakikita ng isang bahagi ng mga mamamayan.  Sa isang bahagi naman ay isang madilim na ulap ang pumaitaas, na sa kanyang abuhing kulay ay namumukod na parang maiitim na anino, ang mga rehas na bakal ng kulungan, mga tanikala at marahil ay maging ang nakapangingilabot na bitayan.  Parang naririnig ang mga pagsisiyasat, mga kahatulan, ang mga sigaw na bunga ng pagpapahirap; ang Marianas at Bagumbayan ay namamalas na balot ng isang marumi at madugong talukbong:8  ang mga mangingisda at isda ay nagkakagulo.  Sa imahinasyon ng mga taga-Maynila ay inilalarawan ng Kapalaran ang pangyayari, nang kaayos ng ilang pamaypay na galing sa Tsina:   ang isang mukha ay may bahid na itim at ang isa ay puno ng burda, matitingkad na kulay, mga ibon at bulaklak.9

Sa mga kumbento ay namamayani ang higit na malaking kaguluhan.  Nagsitigil ang mga karawahe ng mga provincial na bumibisita sa isa’t isa, palihim na nag-uusap. Nagtungo sa mga palasyo upang maghandog ng kanilang tulong sa Pamahalaang nasa panganib.10 

kaligiran ng nagaganap sa buong Pilipinas, pagkatapos ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872.7

Mga sagisag ng gantimpala na katulad ng ating medalya sa kasalukuyan8

Ang bahaging ito ay katulad ng pangyayari sa Pag-aalsa sa Cavite kung saan ang maraming mga napagbintangan ay ipinatapon sa Marianas at ang tatlong paring martir ay binitay sa Bagumbayan. 9

Sa mga hindi karaniwan at malalaking mga kaguluhan ay mayroong mga nakikinabang at mga biktima. Sa kaso ng Pag-aalsa sa Cavite ng 1872, maraming mga Pilipinong negosyante, abogado, pari at iba pang ang ipinatapon sa Marianas. Na ang kanilang mga iniwang kayamanan at katungkulan ay napasalin sa ibang kamay.10

Sa kagipitan ng pamahalaan, noon pa mang panahon ng Espanya ay nagpupunta na sa palasyo ang mga tagasuporta ng GH na nasa panganib. Wala ng bago sa nakikita ngayon, kapag ang pangulo ng

669

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

Muling nabanggit ang mga kometa,11 mga parunggit, mga sundot, atbp.            “Isang Te Deum,!” sabi nang prayle sa isang kumbento, “walang liliban kahit isa sa koro!”  Hindi maliit na awa ng Diyos ang nakita, panahong ito, ito ay kung gaano ang kahalagahan natin!”12

            “Sa pangyayaring ito ay marahil napapakagat-labi ang generalillo Mal-Aguero”13 sagot ng isa.            “Ano kaya ang nangyari sa kanya kung wala ang mga corporacion ng prayle?”            “At upang maidaos na lalong mabuti ang kapistahan ay ipagbilin sa lay brother na tagaluto sa procurado na… Gaudeamus sa loob ng tatlong araw!”

“Amen!  Amen!  Mabuhay si Salvi!  Mabuhay!”             Sa isa pang bahay-pari ay iba naman ang usapan.            “Nakita na ninyo?   Si Ibarra ay nag-aral sa mga Jesuita; sa Ateneo lumalabas ang mga pilibustero!!”14 ang sabi ng isang prayle.            At ang mga kalaban ng mga prayle.15

bansa ay nanganganib sa tungkulin.11

Ipinapakita ng mga provincial ng orden relihiyoso sa GH ang mga hula o babala sa mga bagay na maaring mangyari.12

Ipinagmamalaki ng mga prayle ang kanilang kahalagahan sa pamahalaan, kung hindi sa kanila ay bumagsak na raw ang pamaalaan. Para bang ang kaguluhan na naganap sa San Diego ay sapat na para pabagsakin ang kapangyarihan ng Espanya. Sa maliit na kaguluhan, ang tunay na nakinabang ay ang mga prayle na nagkaroon ng higit na pagkakataon na takutin ang pamahalaan, at mapalawak ang inpluwensiya ng mga alagad ng simbahan.13

Mal-Aguero - Ang kahulugan ay masamang tanda at tumutukoy kay Heneral Joaquin Jovellar, na nagsilbing GH noong 1883 - 1885. Isang butihin at matandang opisyal ng hukbo na nagnais na maglatag ng reporma sa kapuluan at sa ganito ay hindi siya nagustuhan ng mga prayle.14

Ang mga paring ordeng relihiyoso ay mayroong tunggalian sa isa’t isa ngunit ang mga prayle ay nagkakaisa ng kanilang hindi magandang opinyon sa mga Jesuita. Pinagbibintangan ng mga prayle na ang makabagong paraan ng pagtuturo ng mga Jesuita ay nagbubunga ng filibusterismo. - Si Ibarra at Elias ay kapwa estudyante ng Ateneo.15

Ang mga pari mula sa iba’t ibang korporasyong relihiyoso ng simbahan tulad ng Agustino, Dominicano, Recoletos, Pransiskano, at iba pa ay nakilala ng mga Pilipino iisang katawagan na mga prayle. Ang mga Jesuita na isa ring korporasyong relihiyoso ay natangi dahilan

670

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

            “Sinasabi ko na:  ang mga Jesuita ay nagpapasama sa bayan, sumisira sa kabataan; nguni’t pinababayaan sila sapagka’t gumagawa ng ilang guhit kapag lumilindol.”16

            “At batid ng Diyos kung papaano ang pagkakayari!”            “At tutulan ninyo sila!  Kapag ang lahat ng bagay ay yumayanig at umuuga ay sino ang makaguguhit?  Wala, si Padre Secchi…”17

            At  nagngingitian nang pakutya.  “At ang mga unos?  At ang mga bagyo?” ang tanong na paalipusta ng isa, “hindi ba iyan ay gawa ng Diyos?”            “Kahit sinong mangingisda ay nakaaalam niyan.”            “Kapag ang namamahala ay isang hangal… sabihin mo sa akin kung ano ang palagay ng ulo mo at tuturan ko sa iyo kung ano ang iyong paa!  Datapwa’t tingnan ninyo kung di nagkakatulungan ang mga magkakaibigan; halos hinihingi ng mga pahayagan na bigyan ng isang mitra si Padre Salvi.”18

            “Magkakaroon siya!  Kukunin niya agad iyon!”            “Sa akala mo?”19

            “Bakit hindi!  Ngayon ay ipinagkakaloob ang mitra sa kahit na anong dahilan.20 Mayroon akong nalalaman na isang nagkaroon:  sumulat lamang ng isang kathang walang kabuluhan, ipinakita lamang na ang mga Indio ay walang ibang

sa napanatili nila ang kanilang indibidwalidad at tinawag na Jesuita. Ibinibintang ng mga prayle ang pagiging kritikal ng mga Pilipino ay produkto ng pag-aaral sa Ateneo.16

Sa pananaw ng mga prayle ang tanging halaga ng mga Jesuita ay sa larangan ng pag-aaral ng astronomiya at lindol sa Pilipinas.17

Isang paring Jesuitang Italyano at astronomo. Sa panahon ng Espanya sa Pilipinas, ang mga Jesuita ang namamahala ng Obserbatoryo ng Maynila na nagtatala at gumagawa ng pag-aaral sa kalagayan ng panahon – mula sa Obserbatoryo ng Maynila na sakop ng Ateneo, nag-umpisa ang Weather Bureau at sa bandang huli sa kapanuhan natin ay naging PAG-ASA.18

Nagseselos din ang mga kapwa prayle sa naging katanyagan at maaring maging promosyon sa katungkulan ni Padre Salvi – hinihiling ng pahayagan na pagkalooban ng mitra si Padre Salvi (gawing obispo ng simbahan). 19

Nagdududa ang mga kasamahang pari ni Padre Salvi sa kakayahan nito na maging isang obispo.20

Para sa mga kapwa pari na hindi naniniwala kay Padre Salvi ay Nakukuha ang posisyon dahilan lamang sa mababaw na kadahilanan at hindi sa kahusayan.

671

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

bagay na kayang gawin kundi maging manggagawa lamang… psh!  matatandang bulgaridad.”          “Siya nga!   Ang ganyang kawalan ng katwiran ay nakasisira sa Pananampalataya!”21 ang bulalas ng isa, “kung ang mga mitra lamang ay may mga mata at makikita nito ang ulong kinapapatungan niya …”22

“Kung ang mga mitra sana ay katulad ng kalikasan, ” ang pahumal na dugtong ng isa. “kinamumuhian ng Kalikasan ang bagay na walang laman”23.

            “Iyan nga ang dahilan kaya maraming nangunguyapit sa kanila; ang hungkag na butas ay nakaaakit na pasukan sila ng iba!” ang sagot ng isa pa. 24

            Ito at mga ibang bagay pa ang mga usap-usapan sa mga kumbento, at hindi na namin ipagkakaloob sa mga mambabasa ang iba pang nilang mga opinyon mga lahok na pulitika, metapisika o maaanghang.  Ihatid natin ang mambabasa sa bahay ng isang mamamayang walang katungkulan, at dahil sa iilan lamang ang kilala natin sa Maynila ay magtungo tayo sa bahay ni Kapitan Tinong, ang taong magandang -loob, na nakita nating pilit na nag-aanyaya kay Ibarra upang siya paunlakan nitong dalawin.            Sa mainam at maluwag na salas ng kanyang bahay sa Tundo ay nakaupo si Kapitan Tinong sa isang silya at malungkot na hinahaplus-haplos ang kanyang noo at batok samantalang ang asawang si Kapitana Tinchang ay umiiyak na pinangangaralan siya sa harap ng dalawang anak na babae, na nakikinig na walang imik, gulat at maiyak-iyak sa isang sulok.            “Ay Birhen sa Antipolo!” ang sigaw ng babae.  “Ay Birhen del Rosario at dela Correa!25 Ay!  Ay!  Nuestra Señora de Novaliches!”

21

Sa usapang ito ng mga prayle ay makikitang nakakaramdam sila ng pagkainis at inggit kapag mayroon isa sa kanila na napapataas sa puwesto ng hindi karapat-dapat.22

Insulto ni Rizal sa mga obispo – kung may mata lang ang mitra ay makikita niya ang pagkatao at isipan ng mga nagsusuot nito.23

Paliwanag “kinamumuhian ng kalikasan ang isang bagay na walang laman.” Nakakamuhi na ang isang tao ay mailagay sa mataas na puwesto na wala namang laman ang isipan.24

Ang taong walang isipan na nasa mataas na katungkulan ay nakakaakit ng mga taong katulad – tandaan ninyo na ang pinunong walang alam ay napapalibutan ng mga tauhang sipsip lamang.25

Ang Birhen de la Correa ay siyang patron ng mga prayleng Augustino.

672

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

            “Nanay!” ang hadlang ng pinakabata sa mga anak.            “Sinasabi ko na sa iyo!” patuloy ng babae, na labis na naninisi,

“sinabi ko na sa iyo!  Ay, Birhen del Carmen,26 ay!”            “Wala ka namang anumang sinasabi sa aking!” ang pangahas na naisagot ni Kapitan Tinong na napapaluha, “bagkus pa nga, ang sabi mo sa akin ay mabuti ang pagkakapunta ko sa bahay ni Kapitan Tiyago at pakikipag-kaibigan dito sapagkat… sapagkat mayaman… at ang sabi mo sa akin…”27

            “Ano?  Anong sabi ko sa iyo?  Hindi ko sinabi sa iyo iyan, wala kong sinabi sa iyo!  Ay, kung nakinig ka sana sa akin!”            “Ako ngayon ang binibigyan mo ng kasalanan!” sabing masama ang loob, na hinampas ang palababahan ng silya.  “Hindi ba ang sabi mo ay mabuti nga ang ginawa ko na siya ay anyayahang kumain dito sa atin sa dahilang mayaman… at ang sabi mo pa ay hindi tayo dapat na makipagkaibigan sa hindi mayaman lamang?  Aba!”            “Totoo ngang sinabi ko sa iyo ang gayon dahil… wala nang ibang paraan; wala kang ginagawa kundi purihin siya:  Don Ibarra dito, Don Ibarra doon, Don Ibarra saan man pumaroon, abaaa!  Ngunit hindi ko sinabi sa iyo ang makipagkita sa kanya, ni kausapin siya sa piging na iyon; hindi mo maikakaila ito.”           “Alam ko bang pupunta siya?”28

           “Dapat mo sanang inalam!”           “Papaano, sa hindi ko man nakikilala?”           “Kinilala  mo sana muna!”           “Ngunit Tinchang, sa noon ko lamang nakita at noon ko lamang narinig na siya ay nabanggit.”           “Dapat sanang nakita muna at narinig, sa ano at lalake ka, nagsasalawal at bumabasa ng El Diario de Manila…!”29 ang

26

Ang Birhen del Carmen ay nasa loob ng simbahan ng San Sebastian. 27

Natatakot si Kapitan Tinong, na masabit sa naganap sa pag-aalsa sa San Diego dahil nakilala niya si Ibarra sa piging sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa katotohanan ay hindi naman nanganganib si Kapitan Tinong na masangkot doon, naging matatakutin lamang siya dahilan sa kaniyang paniniwala na siya ay importanteng tao sa lipunan. Sa kabilang dako, ang pagkatakot na ito ni Kapitan Tinong ay may basehang historikal dahilan sa naging kaganapan sa Pag-aalsa sa Cavite, kung kailan ang,karamihan sa mga mayamang Pilipino na kaibigan ni Burgos ay dinakip at ipinatapon sa Marianas.28

Lumilitaw ang katotohanan na makikikain lamang si Kapitan Tinong sa piging ni Kapitan Tiyago na naganap sa Kanata 1-3.29

673

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

walang tigil na salita ng asawa, kasabay ng nakakatakot na tingin sa asawa.           Si Kapitan Tinong ay hindi makakuha ng isasagot. Si Kapitana Tinchang, na hindi nasiyahan sa gayong tagumpay ay lumapit sa asawa, at nakasuntok ang dalawang kamay na nagwikang:           “Kaya ba ako nagtrabaho at nag-impok sa mahabang panahon at dahilan sa kahangalan mo ay mawala ang lahat ng aking pinagpaguran?” ang sigaw sa lalake.   “Ngayo’y huhulihin ka upang itapon, kukunin sa amin ang lahat ng ating pag-aari gaya ng ginawa sa asawa ni…30 O, kung ako lamang ay lalake, kung ako lamang ay lalake!”           At nang makitang ang asawa’y tumungo na lamang ay nag-iiyak na naman nguni’t inuulit-ulit ang:           “Ay, kung ako’y lalake, kung ako’y lalake!”           “At kung naging lalake ka?” ang tanong ng asawa nang nayayamot na, “ano ang gagawin mo?”           “Ano?  Ngayon din ay pupunta ako sa Kapitan Heneral upang ihandog ko ang sarili na makikipaglaban sa mga nag-alsa, ngayon din!”           “Subalit hindi mo ba nabasa ang sinasabi sa El Diario ?   Basahin mo!   ‘Ang buktot na kataksilan ay kaagad nasugpo nang buong lakas at bagsik, at di malalaong ang mga lumaban sa tinubuang bayan at ang kanilang mga kasabwat ay mapapailalim sa bigat at katigasan ng mga batas…’31 Nakita mo?  Wala nang paghihimagsik.”           “Hindi kailangan, humarap ka pa rin gaya ng ginawa ng iba noong 1872 at sila ay nakaligtas.”

Pahayagan na kilala sa pagkakaroon ng makalumang opinyon sa mga kaganapan sa Maynila.30

Ang pagkatakot ni Dna. Tinchang na mawala ang kaniyang kayamanan ay mayroon ring basehang historikal. Sa pagkakadawit, pagkulong, at pagpapatapon sa mga ng mga mayayamang Pilipino na kaibigan ni Burgos na nasangkot sa Pag-aalsa sa Cavite ay isa sa naging aksiyon laban sa kanila ng pamahalaan ay ang pagkumpiska ng kanilang mga ari-arian. Isa na sa mga ito ay si Balvino Mauricio na ang tunay na bahay sa Binondo ang inilarawan ni Rizal sa kaniyan nobelang ito na bahay ni Kapitan Tiyago. Si Balvino Mauricio ay pagkatapos na makatakas sa Marianas ay namuhay bilang isang mahirap na tao sa Hong Kong kung saan siya ay nakita ni Rizal sa isang hikahos na kalagayan noong si Rizal ay dumalaw sa nasabing Kolonya noong 1888.31

Maaring ipinapakita dito ni Rizal ang nilalaman ng mga pahayagan sa Maynila ilang araw makaraan ang naganap na Pag-aalsa sa Cavite ng 1872.

674

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

“Siyanga!   Pero ganoon din ang ginawa ni Padre Burg …” Ngunit hindi natapos ang salita dahil tinakbo siya ng babae at tinakpan ang kanyang bibig.            “Sige!   Sabihin mo ang salitang iyan at bukas na bukas din ay mabitay ka sa Bagumbayan!”  Hindi mo ba alam na sapat na ang banggitin ang pangalang iyan upang hatulan nang walang paglilitis?  Sige!   Sabihin mo !”32

            Kahit na nais sanang sanang sundin ni Kapitan Tinong ay

hindi mangyayari:  sa tulong ng dalawang kamay ay takip ng babae ang kanyang bibig at iniipit ang kanyang ulo sa sandalan ng silya, at marahil ay namatay sa sakal kung hindi pumagitna ang isa kataong bagong dating.            Ito ay ang pinsang si Ginoong Primitivo33 na nakasasaulong buong-buo ng Amat, isang lalakeng may apat na pung taon, makisig ang gayak, malaki ang tiyan at may kaunting katabaan.            “Quid video?” 34 bulalas nang pumasok, “ano ang nangyayari?              “Ay, pinsan!”  ang sabi ng babae na tumakbong umiiyak sa kaniya, “ipinatawag kita sapagka’t hindi ko maalaman kung ano ang mangyayari sa amin…ano ba ang maipapayo mo sa

32

Sa panahong iyon ay mapanganib ang banggitin ang pangalan ni Burgos. Sa kabataan ni Rizal ay ipinagbawal ng kaniyang ama na banggitin sa loob ng kanilang tahanan ang salitang “Burgos at Cavite.”33

Napakaganda ng pangalan ni ibinigay ni Rizal sa tauhang – Primitivo - na nangangahulugang makaluma. Mapapansin na taglay ng kaniyang kaisipan ang esensiya ng kaniyang pangalan.34

Ano ang nakikita namamalas ko?  Bakit?

675

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

amin?  Magsalita ka, ikaw na nag-aral ng Latin at marunong mangatwiran…”           “Una muna’y quid quaeritis?  Nihil est in intellectu  quod prius non fuerit in sensu; nihil volitum quin praecognitum .”35

At umupo nang buong tiwasay.  Parang ang mga salitang Latin ay may bisa upang makakalma ng damdamin, kaya ang mag-asawang babae ay tumigil sa pag-iyak at lumapit na umaasa sa payo na magmumula kanyang labi, katulad ng ginagawa noong araw ng mga Griyego sa pangungusap ng  mga oraculo na nagliligtas sa kanila sa mga manlulusob na Persiyano.            “Bakit kayo nagsisiiyak?  Ubinam gentium sumus?”36

            “Batid mo na ang balita tungkol sa paghihimagsik…”            “Alzamentum Ibarrae ab alferesio Guardiae civilis destructum?  Et nunc?37 At ano?  May utang ba sa inyo si Ginoong Crisostomo?”           “Wala, ngunit dapat mong maalaman na siya ay inimbitahan na manghalian ni Tinong, pinagpugayan nang makita sa tulay na malaki… sa gitna ng liwanag ng araw!  Sasabihin ng mga tao na siya ay kaibigan niya!”           “Kaibigan?” ang bulalas ng naglalatin, na napatindig, “amice, amicus Plato ser magis amica veritas!38 Sabihin mo kung sino ang iyong kasama at sasabihin ko kung sino ka!  Malum est negotium et est timendum rerum istarum horrendissimum resultatum39 Hmm.”          Si Kapitan Tinong ay labis na namutla nang marinig ang gayong karaming salitang latin na nagtatapos sa um ; ang tunog na iyon ay parang naghahatid ng mga masamang babala.  Ang asawa niya ay nagdaop-kamay at nagsabing: “Pinsan, huwag ka munang maglalatin ngayon; batid mong kami ay hindi mga pilosopong tulad mo; kausapin mo kami sa wikang Tagalog o Kastila ngunit pagpayuhan mo kami.”          “Sayang at hindi kayo marunong ng Latin, pinsan!  Ang bagay na katotohanan sa wikang Latin ay mali sa Tagalog, gaya 35 Ano ang itinatanong ninyo?  Walang bagay na nasa isip na hindi muna dumaraan sa pandama.  Ang hindi kilalang bagay ay hindi nanaisin.36

Saan ba tayo naroon?

37 Ang pag-aalsa ni Ibarra ay nasugpo ng alperes ng guwardiya sibil; ano pa? 38

Si Plato ay kaibigan ko ngunit higit kong kaibigan ang katotohanan)! 39

Masama ang pangyayaring ito at natatakot akong baka humantong sa kakila-kilabot! 

676

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

sa halimbawa noong:  contra principia negatem fustibus est arguendum40, sa Latin ay isa itong katotohanang kasinlaki ng daong ni Noe; ngunit minsang isinagawa ko sa Tagalog ay ako ang nahambalos.41  Kaya kahina-hinayang na hindi kayo marunong ng Latin; ang lahat ng bagay ay maaayos sa wikang Latin.”           “Nakaaalam din naman kami ng maraming oremus, parcenobis at Agnus Dei Catolis,42 ngunit kung gagamitin namin sa ngayon ay hindi tayo magkakaintindihan.  Bigyan mo ng isang magandang dahilan si Tinong upang siya ay huwag nilang bitayin!”          “Masama ang ginawa mo, masamang-masama, sa pakikipagkilala sa binatang iyon!” ang sabi ng mahilig sa Latin, “ang mga mabubuti ay napaparusahan nang dahil sa masasama, parang ibig kong ipayo sa iyo na gumawa ka na ng testamento…!  Vae iilis!  Ubi est fumus ibi est ignis!  Similis simili gaudet; atqui Ibarra ahorcatur, ergo ahorcaberis!43             At pinailing-iling ang ulo na masama ang loob.          “Ano ang nangyayari sa iyo, Saturnino?” ang sigaw na takot na takot ni Kapitana Tinchang, “ay Diyos ko!  Namatay!  Tumawag ng manggagamot!  Tinong, Tinongoy!”          Dumalo ang dalawang anak na babae at silang tatlo’y nangag-iyakan.

40 Palo ang dapat gamitin sa pakikipagkatwiranan sa ayaw kumilala sa katotohanan.41

Ipinakita ni Rizal sa nakakatawang paraan ang satiriko ni Primitivo na - contra principia negatem fustibus est arguendum (Palo ang dapat gamitin sa pakikipagkatwiranan sa ayaw kumilala sa katotohanan), sa Latin ay isa itong katotohanang kasinlaki ng daong ni Noe; minsang isinagawa ko sa Tagalog ay ako ang nahambalos. – Kaya naman pala baligtad, dahilan sa Latin “Palo sa ayaw kumilala sa katotohanan” – sa Pilipinas pinapalo ang ang nagpapahayag ng katotohanan.

Ang pangyayaring ito ay katotohanan dahil mula sa sulat ni Paciano kay Rizal noong Hulyo 16, 1885 ukol sa kanilang kababayan na taga-Calamba na nangatwiran sa pamamagitan ng dalawang salawikaing Latin ukol sa kahirapn ng bayan sa harap ng paring bisitador ng hacienda at nakatikim ang kababayan nila ng isang suntok sa ulo.42

Ang alam lamang ng mga karaniwang tao na salitang Latin ay mga dasal at mukhang mali pa.43

(Sa aba nila!  Saan man mayroong usok ay may apoy.  Ang bawat isa ay humahanap ng kanyang kakasamahin kayat kung si Ibarra ay bibitayin ay mabibitay ka rin!

677

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

          “Nawalan lamang ng malay-tao, pinsan, nawalan lamang ng diwa!  Kung sa akin lang ay mabuti pa nga sana ang… ang… ngunit sa kasamaang-palad ay isang pagkawala lamang ng diwa.  Non timeo mortem in catre sed super espaldonem Bagumbayanis44  Kumuha kayo ng tubig!”          “Huwag kang mamatay!” ang sigaw na umiiyak ng babae, “huwag kang mamatay paparito sila para arestuhin ka!   Ay, paano kung mamatay ka ngayon at pumarito ang mga sundalo, ay, ay!”          Sinabuyan ng pinsan sa mukha at ang kahabag-habag na tao ay binalikan ng diwa.          “Siya, huwag kayong mag-iyakan!  Inveni remedium,45  Dalhin natin sa kanyang higaan; lakasan ninyo ang inyong loob!  Naririto akong kasama ninyo na taglay ang lahat ng karunungan ng mga tao sa una… Tumawag ng isang manggagamot; at ngayon din, pumunta ka pinsan, sa Kapitan Heneral at magdala ka ng isang handog; isang kuwintas na ginto, orasan, isang singsing… Dadivae quebrantant peñas;46 sabihin mong pamasko.  Isara ninyo ang mga bintana, ang mga pinto, at sa lahat ng magtatanong ay sabihin ninyong ang aking pinsan ay malubha.  Samantala ay susunugin ko ang lahat ng sulat, mga papel, upang walang matagpuang anuman, gaya ng ginawa ni Ginoong Crisostomo.  Scripti testes sunt!  Quod medicamenta non sanant, ferrum sanat, quod ferrum non sanat, ignis sanat.47

44

“Hindi ko kinatatakutan ang mamatay sa higaan ngunit kinatatakutan ko ang mamatay sa Bagumbayan” – binunot ni Rizal ang historikal na katotohanan ng pangungusap na ito – noong bitayin si Padre Burgos, ang pari ay umiiyak sa harapan ng garote.

Sa kaniyang sulat kay Mariano Ponce ay sinabi niya na

“Kung si Burgos sana ay nagpakita ng katapangan na katulad ng kay Gomez… sana ay iba ang mga Pilipino ngayon… Ngunit hindi ko siya masisisi sapagkat nakakamuhi ang mamatay sa bitayan, nang napakabata at ang ulo ay punong-puno ng mga kaisipan.”

45

Nakakita na ako ng remedyo.

46 Sa pamamagitan ng mga handog nakakaligtas sa mga panganib.

47 Ang ano   mang nasusulat ay nakapagpapatunay .  Ang hindi

678

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

          “Oo nga, narito, pinsan, sunugin mong lahat,” ang sabi ni Kapitana Tinchang, “narito ang mga susi, narito ang mga sulat ni Kapitan Tiyago, sunugin mo!  Huwag kang mag-iwan ng isa mang pahayagang galing sa Europa, sapagkat mapanganib.  Narito ang mga The Times na itinatago ko upang pagbalutan ng sabon at damit.  Narito ang mga aklat.”          “Pumunta ka sa Kapitan Heneral, pinsan,” ang sabi ni Ginoong Primitivo, “bayaan mo akong mag-isa in extremis extrema.48  Ibigay mo sa akin ang kapangyarihan ng isang director romano at makikita mong ililigtas ko ang bay…49 itong si Pinsan.”          At sinimulan ang utos dito at utos doon, hinalungkat ang mga lalagyan,  nagpunit ng mga papel, aklat, mga sulat, atbp. Hindi nalaon at isang siga ang naglagablab sa kusina; pinalakol ang mga matandang baril; itinapon ang mga rebolber na kinakalawang; ang alilang babaeng na nagtangkang magtago ng isang bumbong ng rebolber upang gawing pang-ihip sa kalan ay tumanggap ng isang sigaw. “Conservare etiam sperasti perfida!”50 Itapon yan sa apoy!          At ipinatuloy ang kanyang panununog.          Nakakita ng isang matandang aklat na ang takip ay katad at binasa ang pangalan:

“Revoluciones de los globos celestes por Copernico ” pfui ite maledicti, in ignem kalanis! (Pagkilos ng mga bituin ni Copernico – mangagdingas kayo, mga kasumpa-sumpa, sa kalan)” ang bulalas niyang sabay sa paghahagis sa siga.  “Mga Rebolusyon at si Copernico !   Patung-patong na pagkakasala !”51 “Kung hindi ako

mapagaling ng gamot ay mapagagaling ng bakal; ang hindi mapagaling ng bakal ay mapagagaling ng apoy.”48

Sa malaking panganib kailangan ang malaking panglunas.49

Nag-iilusyon si Primitivo na ang bayan ang kaniyang kaniyang ililigtas sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga aklat. Katulad ito ng ginawa ng mga taong simbahan sa mga nakalipas na panahon na pagsunog ng mga adbanseng aklat upang iligtas ang kaluluwa ng kaniyang mga tagasunod. O ILIGTAS ANG SIMBAHAN MULA SA KRITIKAL NA PANANAW.50

Talipandas!  Ibig mo bang itago pa?  51

Nagpapatawa si Rizal dahilan sa ang aklat ay tumatalakay sa pag-ikot ng mundo (revolucion) sa araw na sinulat ni Copericus. Para kay

679

Page 13: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

naparito agad…”La Libertad en Filipinas” Tatata!  Anong mga aklat!  Sa apoy kayo!”            At sinunog maging ang mga inosenteng aklat, na gawa ng mga simpleng manunulat.  Pati na ang aklat na Kapitan Juan, na kathang napakaaba, ay di nakaligtas.  Ang pinsang si Primitivo ay may katwiran:   ang mga mabubuti ay napaparusahan nang dahil sa masasama.52

            Makaraan ang apat o limang oras, sa isang pagtitipon sa loob ng Maynila, ay pinag-uusapan ang mga nangyari.  Ang mga nagkakalipon ay maraming matatandang babae at mga dalaga at, mga asawa o anak ng mga kawani, ang mga suot ay bata, nagpapaypayan at nangaghihikab.            Sa mga lalake, na gaya rin naman ng mga babae, na makikita sa kanilang pagmumukha ng kanilang pinag-aralan at pinagmulanay kabilang ang isang a, maliit at pingkok, na iginagalang ng iba, at tahimik na pagwawalang-bahala.            “Noong araw ay yamot na yamot ako sa mga prayle at guwardiya sibil dahil sa kawalang pinag-aralan,” ang sabi ng isang babaeng mataba, “datapwat ngayong nakita ko ang kanilang kabutihan at mga paglilingkod ay halos naiisip ko ang pakasal sa kaninuman sa kanila.53 Ako ay may pag-ibig sa bayan!”            “Ako din!” ang dugtong ng isang payat, “sayang at hindi ang hinalinhang Gobernador ang naririto ngayon!  Kung iyon ay iiwang kasinlinis ng patena54 ang lupaing ito.”

Primitivo ang kahulugan niya ng revolucion dito ay himagsikan at si Copernicus naman ay ang na bumago ng pananaw ng siyensiya ng astronomiya sa matagal na panahon ay hindi sinang-ayunan ng simbahan ang kaniyang pananaw na ang mundo ang umiikot sa araw. Higit na pinaniniwalaan ng mga taong simbahan sa matagal na panahon ang araw ang umiikot sa mundo.52

Isa sa mga lihim na paghahatid ni Rizal sa kaalaman ng kaniyang mga mambabasa na maraming mga naging biktima ng 1872 ay mga walang kasalanan.

53 Mapapansin sa pananalitang ito ng kaniyang hindi kilalang tauhan ang labis na kalupitan ni Rizal sa kaniyang panunuya sa mga kinikilala niyang mga salot sa bayan.

Noong araw ay yamot na yamot ako sa mga prayle at guwardiya sibil dahil sa kawalang pinag-aralan,”…“datapwat ngayong nakita ko ang kanilang kabutihan at mga paglilingkod ay halos naiisip ko ang pakasal sa kaninuman sa kanila.Siguro noong sinusulat ni Rizal ang bahaging ito ay halos napapatawa siya sa kaniyang sarili.

54 Bandehang ginto o pilak na pansalalay sa ostiya kung nagpapakinabang

680

Page 14: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

           “At mauubos ang lahi ng mga pilibusterilyo!”           “Hindi ba ang sabi ay marami pang mga pulo ang walang tao?  Bakit hindi itapon doon ang mga palalong Indiyong iyan?  Kung ako ang Kapitan Heneral…!”           “Mga ale,” ang sabi ng pingkok, “alam ng Kapitan Heneral ang kanyang tungkulin, at ayon sa narinig ko ay galit na galit sapagka’t ang Ibarrang iyan ay kanyang pinagkalooban ng maraming bagay.”           “Pinagkalooban ng maraming bagay!” ang ulit ng payat na muling namaypay, “tingnan ninyo ang kawalang-utang na loob ng mga Indiyo!55Maari ba silang pakitunguhan na parang tao?   Jesus !”56

           “At alam ninyo kung ano ang narinig ko?” ang tanong ng isang militar.           “Ano?  Ano iyon?  Ano ang mga sinasabi?”           “Mga taong mapaniniwalaan,” ang sabi ng militar, sa gitna ng malaking katahimikan, “ay nagpapatunay na lahat noong malaking balita ukol sa pagtatayo ng isang paaralan ay pakunwari lamang.”57

           “Jesus!  Nakita na ninyo?” ang bulalas ng mga babae na naniwala na sa isasalaysay.            “Ang paaralan ay isang dahilan lamang:   ang talagang ibig itayo ay isang kuta na kanilang pagkakanlungan, at nang doon ay makipaglabang mabuti, kapag nilusob namin sila …”58

55

Mapapansin na noong si Ibarra ay nasa mabuting kapanahunan ay inaangkin siya ng mga Espanyol bilang kalahi dahilan sa pagiging inapo ng Espanyol, sa panahon na siya ay nasabit sa kaguluhan ay tinatawag na siyang Indio. Sa pamamagitan ng pananalitang ito ay naipakita sa mga creole kung saang panig sila kabilang sa bakuran ng lipunan.56

Ipinakita ni Rizal, ang kaisipan ng mga Espanyol sa dapat na maging trato nila sa mga Indio.57

Sa panahon ng liberal na Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre isa sa mga panukala ni Burgos ay ang pagtatayo ng isang paaralan at pagkatapos ng pag-aalsa sa Cavite ay sinabi o ibinibintang na ang paaralan na panukala ni Burgos ay para magsanay ng mga pilibustero. Hindi man sinasabi ni Rizal, ngunit sa bahaging ito ang maestro ng San Diego ay dinakip dahilan sa pagkakadawit sa pag-aalsa na naganap sa bayan.58

Sa panahon ng liberal na Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre isa sa mga panukala ni Burgos ay ang pagtatayo ng isang paaralan at pagkatapos ng pag-aalsa sa Cavite ay sinabi o ibinibintang na ang paaralan na panukala ni Burgos ay para magsanay ng mga pilibustero.

681

Page 15: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

            “Jesus!  Anong kabuktutan!  Walang makakaisip ng ganyan kasama kundi isang Indiyo lamang,” ang bulalas ng mataba.  “Kung ako ang Kapitan Heneral ay makikita nila… makikita nila…”            “Ako man!” ang bulalas ng payat na ang hinarap ay ang pingkok, “huhulihin ko ang lahat ng abogadillo, cleriquillo, mangangalakal, at walang suri-suri ay ipatatapon ko o palalakaring bajo partida de registro .59 Dapat bunutin pati ang ugat ng kasamaan.”            “Sinasabing ang filibusterillong iyan ay anak ng Kastila!”60 ang sabi ng pingkok na walang tinutukoy na sinuman.           “Ah, siya!” ang bulalas na walang kangimi-ngimi ng mataba, “kahi’t kailan ay ang mga criollo ang pagmumulan ng gayon!61 Walang Indiyong may muwang sa paghihimagsik!  Mag-alaga ka ng uwak…”62

            “Alam ninyo ang narinig ko?” ang tanong ng isang criola, na sa gayon naputol ang salitaan.  “Ang asawa ni Kapitan Tinong… naaalaala ba ninyo iyon?  Iyong may-ari ng bahay na pinagsayawan natin at kinainan ng hapunan noong pista sa Tundo…”63

            “Iyong may dalawang anak na babae?  Eh ano?”

59

Ang panukalang ito ng payat na Espanyol ay isang naganap na katotohanan - dahilan sa mga idinawit sa pag-aalsa ng 1872 ay mga abogado, pare, at negosyanteng malapit kay Burgos. Ang paghuli sa mga ito isang pagtatangka ni GH Isquierdo (humalili sa liberal na si de la Torre) na patahimikan ang mga liberal sa Maynila. 60

Mapapansin din ang katotohanan dito sa kaganapan noong 1872 dahilan sa marami sa mga liberal na hinuli at ipinatapon ay mga inapo ng mga Espanyol tulad nina Regidor, Paterno, Pardo de Tavera at marami pang iba.61

Ang salitang Creole ay tumutukoy sa mga inapo ng mga Espanyol sa kanilang mga kolonya, nagkaroon ng suspetsa ang mga Espanyol sa Maynila sa katapatan ng mga Creole sa bansang Espanya dahilan sa ang mga himagsikang pangkalayaan sa mga kolonya sa Timog Amerika ay pinamunuan ng mga Creole.62

Mula sa kasabihang Espanyol na "Mag-alaga ka ng uwak at tutukain ang iyong mata.” Nagpapakita kung gaano kapanganib para sa mga purong Espanyol, maging ang mga inapo ng Espanyol sa Pilipinas. 63

Pinakain na at pinatuloy sa bahay ay nagawa pang pag-usapan ang may-ari ng bahay na minsan nilang pinuntahan. Ipinapakita ni Rizal ang kawalang utang na loob ng mga Espanyol, na nagiging bisita ng mga Pilipino.

682

Page 16: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

            “Ang asawa ay nagdala ngayong hapon sa Kapitan Heneral ng isang singsing na magkakahalaga ng isang libong piso!”            Ang pingkok ay napalingon.64

           “Siya nga ba?  At ano daw ang dahilan?” ang tanong na nagniningning ang mata.           “Ang sabi ng asawa ay pamasko raw…”           “Isang buwan pa ang layo sa atin ng Pasko!”           “Natatakot sigurong mabagsakan ng makapal na ulap…” ang sabi ng mataba.           “Kayat kumakanlong na,” ang dugtong ng payat.           “Iyan ang tinatawag na pangungumpisal na ng kasalanan”           “Iyan nga ang naiisip ko; tumama ang daliri ninyo sa sugat.”           “Kailangang siyasating mabuti ang bagay na iyan,” ang wikang nag-iisip ng pingkok, “nangangamba akong baka kung ano ang itinatago niya.”           “Natatago, iyan nga!  Iyan nga sana ang sasabihin ko,” ang ulit ng payat.           “Ako man,” ang sabi ng isa na nakiagaw sa usapan, “ang asawa ni Kapitan Tinong ay napakaramot… hindi pa kami pinadadalhan ng anumang regalo, gayong naparoon na kami sa kanilang bahay.  Kaya kapag ang isang maramot at makamkam ay nagbibitiw ng handog na lilibuhing piso ay…”           “Ngunit totoo ba iyon?” ang tanong ng pingkok.           “Totoong-totoo!  Sinabi sa aking pinsan ng kanyang nobyo na ayudante ng Heneral; at inaakala kong iyon ang singsing na suot ng pinakamatanda sa magkakapatid noong araw ng pista.  Palagi na lamang na iyon ay puno ng brilyante!”           “Parang isang gumagalaw na estante ng mga alahas!”65

64

Pansinin na ang pingkok ay nagkaroon ng interest sa usapan ng mga babae – ang lalaking pingkok ay ipakikilala ko sa inyo sa Katapusang Kabanata ng Noli Me Tangere, ito ay dahilan sa labis niyang kahalagahan sa pamalaang kolonyal at higit sa lahat sa pagbubukas ng mahalagang susi sa nobela.

65 Ipinapakita ni Rizal na ang mga kapamilya ng opisyal sa pamahalaan ay minamatyagan ng mga tao sa kanilang luho o lifestyle. Maaring ang isang tiwaling opisyal ng pamahalaan ay magtago ng yaman, ngunit ang hindi niya nababantayan ay ang pagiging maluho ng kaniyang mga anak.

Papaano kumikita ng malaki ang Gobernador Heneral noong panahon ng paghahari ng Espanya sa Pilipinas?

Ang sugalan ang pangunahing pinagmumulan ng kayamanan ng

683

Page 17: Noli Me Tangere Deciphered-kab059

           “Iyon ang paraan niya, na gaya ng iba, sa pang-aakit!  Iyan ang ginagawa niya, kaysa bumili ng manikin o magbayad pa sa isang tindahan…”66

           Nagdahilan ang pingkok at iniwan ang pagtitipon.           At makaraan ang dalawang oras, nang ang lahat ng tao ay nakakatulog na, ang ilang naninirahan sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya sa pamamagitan ng mga sundalo… Hindi mapayagan ng Kapangayrihan na ang ilan kataong may mabuting kalagayan at may mga pag-aari ay mangakatulog sa kanilang mga bahay na walang bantay at maalinsangan:  sa Fuerza Santiago at sa iba pang bahay ng pamahalaan ay lalong matiwasay at nagpapalakas ng katawan ang pagtulog.  Sa mga taong nagtamo ng ganitong pabor ay kabilang ang kaawa-awang si Kapitan Tinong.

punong ehekutibo. Ang asawa ng gobernador heneral ay nakakakuha ng malaking pera sa mga may pasugalan sa pamamagitan ng paghingi sa mga pasugalan sa pagsasabing ang mga salaping hinihingi niya ay para sa kawang-agawa. Basahin ang artikulo ni Rizal na pinamagatangPapaano Pinamamahalaan Ang Pilipinas66

Ipinapakita ni Rizal na ang mga kapamilya ng opisyal sa pamahalaan ay minamatyagan ng mga tao sa kanilang luho o lifestyle. Maaring ang isang tiwaling opisyal ng pamahalaan ay magtago ng yaman, ngunit ang hindi niya nababantayan ay ang pagiging maluho ng kaniyang mga anak.

684