15
KABANATA 8 MGA GUNITA Ang sinasakyan ni Ibarra ay napadaan sa pinakamasayang distrito ng Maynila; ang kanyang gabing nagdaan ay nakapagpalungkot sa kaniya, ngunit ang liwanag ng araw ay nakapagpapangiti sa kanya, kahit hindi niya ibig. Ang walang tigil na galawan sa lahat ng dako, ang maraming matutuling sasakyan na paroo’t parito, ang mga karumata, kalesa, ang mga Europeo, ang mga Insik, ang mga tagarito, na ang bawa’t isa ay nakasuot ng kanilang katutubong kagayakan, ang mga babaing naglalako ng mga prutas, ang mga eskinita, ang hubad na kargador, ang mga nagtitinda ng kakanin, ang mga ponda, mga restaurant, mga tindahan, pati mga karitong batak ng hindi natitigatig at walang pakialam na mga kalabaw na parang bang nagpapalipas oras lamang sa paghila ng mga mabibigat na dalahin samantalang nag-iisip , 1 ang lahat na, ang ingay, ang dagundong, pati na ng araw, isang amoy na natatangi, 2 ang matitingkad na kulay, ay naglalarawan sa 1 MGA PALIWANAG Ang komersiyo ng Pilipinas ay itinulad ni Rizal sa kariton na hila ng kalabaw. Ang kariton ay simbolo ng komersiyo na hinihila ng mga taong walang paki-alam na nagpapalipas lamang ng oras sa paghila ng mabibigat na dalahin. 2 Ang mahusay na paglalarawan ni Rizal ay nakapagpahatid pa sa ating panahon hindi lamang sa larawan ng Maynila sa kaniyang kapanahunan, maging ang amoy ng Maynila - Noon pa man pala ay natatangi na ang amoy ng Kamaynilaan – magkahalong baho at bango. (Ongoco) 100

Noli Me Tangere Deciphered-kab08

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

KABANATA 8 MGA GUNITA

Ang sinasakyan ni Ibarra ay napadaan sa pinakamasayang distrito ng Maynila; ang kanyang gabing nagdaan ay nakapagpalungkot sa kaniya, ngunit ang liwanag ng araw ay nakapagpapangiti sa kanya, kahit hindi niya ibig.

Ang walang tigil na galawan sa lahat ng dako, ang maraming matutuling sasakyan na paroo’t parito, ang mga karumata, kalesa, ang mga Europeo, ang mga Insik, ang mga tagarito, na ang bawa’t isa ay nakasuot ng kanilang katutubong kagayakan, ang mga babaing naglalako ng mga prutas, ang mga eskinita, ang hubad na kargador, ang mga nagtitinda ng kakanin, ang mga ponda, mga restaurant, mga tindahan, pati mga karitong batak ng hindi natitigatig at walang pakialam na mga kalabaw na parang bang nagpapalipas oras lamang sa paghila ng mga mabibigat na dalahin samantalang nag-iisip,1 ang lahat na, ang ingay, ang dagundong, pati na ng araw, isang amoy na natatangi,2 ang matitingkad na kulay, ay naglalarawan sa kanyang dili-dili ng lubhang marami sa namamanhid pang mga gunita.3

1MGA PALIWANAG

Ang komersiyo ng Pilipinas ay itinulad ni Rizal sa kariton na hila ng kalabaw. Ang kariton ay simbolo ng komersiyo na hinihila ng mga taong walang paki-alam na nagpapalipas lamang ng oras sa paghila ng mabibigat na dalahin.

2 Ang mahusay na paglalarawan ni Rizal ay nakapagpahatid pa sa ating panahon hindi lamang sa larawan ng Maynila sa kaniyang kapanahunan, maging ang amoy ng Maynila - Noon pa man pala ay natatangi na ang amoy ng Kamaynilaan – magkahalong baho at bango. (Ongoco)

3 Sa kabanata 4 ay inilarawan ang Kamaynilaan sa gabi at sa kabanatang ito ay sa araw. Pansinin ang husay ni Rizal sa pagpapakita ng kapaligiran at higit sa lahat ang nakatagong layer ng mga pahiwatig.Bakit mapapansin na marami siyang nais na ipahiwatig dito?“ang matitingkad na kulay, ay naglalarawan sa kanyang dili-dili ng lubhang marami sa namamanhid pang mga gunita.”

Manhid na ala-ala – ang ibig sabihin, dahilan sa paglipas ng panahon ay

100

Page 2: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

Ang mga daang iyon ay hindi pa nalalatagan ng mga bato. Kapag sumikat nang magkasunod sa dalawang araw ay nagiging alikabok na tumatakip sa lahat ng mga bagay, nakapagpapaubo at nakakapuwing sa mga nagdaraan:  kapag umulan naman nang isang araw ay nagiging isang lawa na kasisinagan ng mga ilaw ng mga sasakyang dumadaan kung gabi, at nagpapatalsik ng putik sa layong limang metro sa mga naglalakad sa makikitid na bangketa.  Ilang babae ang nakaiwan ng kanilang mga sinelas na may burda sa putikang iyon!4 

Sa mga sandaling iyon ay may mga bilanggo na nagpipison at nakahanay, kinalbo ang ulo, ang suot na baro ay maikli ang manggas at ang salawal ay hanggang tuhod na may mga bilang at titik na kulay asul.5 Sa kanilang mga hita ay may mga kadenang nababalutan ng basahang marumi upang mawala nang kaunti ang kiskis o ang lamig ng bakal; magkakabit na tig-dadalawa; mga sunog sa araw, hina ang katawan sa init at pagod at pinalalakad at pinapalo ng isa ring bilanggo, na marahil ay nagpapalubag sa kanyang loob dahil sa nakapagpapahirap sa iba.6  Sila ay mga taong matatangkad na marahas ang mukha at hindi man lamang makikitahan ng isang ngiti. Gayunpaman, ang kanilang mga pananaw ay lumiliwanag din, kapag ang tungkod ay lumalagpak sa kanilang mga balikat, o kapag hinahagisan sila ng mga nagdaraang tao ng isang upos ng tabako na basa-basa at gutay:   dadamputin iyon ng pinakamalapit, at itatago sa

halos nakalimutan na, ngunit nagugunita kapag tayo ay napapadaan sa isang lugar na pinangyarihan. MAARING ISANG NOSTALGIA LAMANG ANG GINAWA NI IBARRA – SUBALIT SA MGA NOSTALGIA NA IYAN, AY MAYROONG GIGISINGIN SI RIZAL – ANG ALALA SA MGA NAUNANG KASAYSAYAN NG PAKIKIBAKA NG BAYAN PARA SA PAGKAKARON NG ISANG MALAYANG LIPUNAN – Na nangyari bago pa man siya maging isang ganap na binata at maari pang ilang dekada pa man bago siya isilang. –

4 Sa paglalarawang ito ay ipinakita ang kalagayan ng kalsada sa Pilipinas. Maaring maliit na bagay ang kaniyang inilalarawan, subalit ang kalsada ang ugat na dinadaluyan ng mga kalakal ng bayan.

5 Inilalarawan ni Rizal ng buong detalye ang kaayusan ng mga bilanggo na pinagtatrabaho para sa mga gawaing bayan.

6 Nagkakaroon ng kasiyahan at importansiya ang isang api, kung may higit na mga aping napapailalim sa kaniya at sa ganoon ay nakokontento na sa isang mapanupil na kinagawian. Bigyan ng pagkakataon na makapang-api ang isang api at ipagtatanggol ng “pribilihiyadong api” ang lipunan na umaapi sa kanila.

101

Page 3: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

kanyang salakot:7  ang mga kasamahan ay napapatitig na may kakaibang tinging sa ibang nangaglalakad.8

Parang naririnig pa niya ang ingay nila dahil sa pagdurog ng batong itinatabon sa mga lubak at ang masayang taginting ng mabigat na tanikala sa kanilang mga namamagang bukong-bukong.  Nangingilabot si Ibarra na maala-ala ang isang pangyayaring nakasugat noon sa kanyang kamusmusan. Noong bata pa siya, isang tanghaling ibinabagsak ng araw ang kanyang pinakamainit na sinag.  Sa ilalim ng isang karitong kahoy ay isang sawimpalad ang nakatimbuwang na patay at ang mga mata ay nakadilat nang kaunti; ang dalawa namang kasamahan ay gumagawa ng papag na kawayan na paglalagyan ng bangkay; ang dalawa ay walang imik, walang ngitngit, walang lungkot, walang pagdudumali, na gaya ng inaakalang taglay na ugali ng mga katutubo rito.9  “Ikaw ngayon, bukas ay kami naman,” ang maaring ay sinasabi

7 Makikita ang labis na kadustahan ng mga bilanggo sa Pilipinas – pinagtatrabaho, pinapalo at ang kaligayahan na maaring matamo ay ang mahagisan ng isang upos ng tabako na basang-basa at gutay at iniingatan pa nito. Isang tahimik na kondemnasyon sa hindi makataong sistemang penal sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Sa Mga huling kabanata ay ilalarawan ni Rizal ang bilangguan ng Pilipinas sa isang simbolikal na paraan.

6 Ang kontrata ng pagpapakain sa mga bilanggo sa Bilibid ay nakuha ni Kapitan Tiyago na isang taong labis ang pagiging tuso, ano kaya ang aasahan mong pagkain na maaring ibigay nito sa mga bilanggong pinagkaitan ng pagpapahalaga ng lipunan.

8 Ang tingin ng ibang bilanggo sa ibang mga naglalakad ay maaring may halo ng inggit sa kalayaan o pagkagalit sa lipunan.

9 Walang pagdudumali/pagmamadali - Inaakala ng mga Espanyol na ang mga katutubo sa Pilipinas ay likas na tamad. Aasahan kaya ng sigasig sa pag-gawa ang mga alipin, na ang ani ay pakikinabangan lamang ng kanilang mga mapagsamantalang panginoon.PANSININ ANG MGA SALITANG ITO AT MAYROON KAYONG MAKIKITANG NAKATAGONG MENSAHE SI RIZAL.“Sa ilalim ng isang karitong kahoy ay isang sawimpalad ang nakatimbuwang na patay at ang mga mata ay nakadilat nang kaunti; ang dalawa namang kasamahan ay gumagawa ng papag na kawayan na paglalagyan ng bangkay; ang dalawa ay walang imik, walang ngitngit, walang lungkot.”Mga Tanong:Ilan ang bilanggo?Tatlo – ang bangkay ng nasawi, at ang dalawa pang bilanggo.Ano ang ikinamatay ng unang bilanggo?Maaring binitay sa pamamagitan ng bigti – wala sa inilarawan ang dugo.Ano ang reaksiyon ng dalawa pang bilanggo?Walang imik - alam nila na iyon din ang kanilang magiging kapalaranWalang ngitngit - walang pagkamuhi o sinisisi

102

Page 4: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

sa kanilang mga sarili.10  Patuloy sa matulin paglalakad ang mga tao na hindi iyon inaalintana, nagdaraan ang mga babae, titingin sandali at pagkatapos ng pag-uusisa ay magpapatuloy rin sa kanilang paglakad; ang karaniwang tanawing iyon ay ay nagpapakalyo na sa kanilang mga puso,11 tumatakbo ang mga sasakyan na sa kanilang ma kikintab na katawan ay kumikinang ang sinag ng araw na nasa langit na walang kaulap-ulap; sa kanya lamang na noon ay batang lalabing-isang taon, na kagagaling sa kanyang bayan, nakapangingilabot ang gayon, siya lamang ang binangungot dahil doon, sa kinagabihan.12

           Wala na doon ang mabuti at tapat na Puente de Barcas, ang tulay na tinawag na mabuting-pilipino na gumawa ng abot kaya upang makapaglingkod kahit na siya ay may mga kasiraan; tumataas at bumababa ayon sa kapritso ng ilog Pasig na hindi lamang ilang beses na siya ay inaabuso at sa bandang huli ay nagwasak dito.13

Walang lungkot - walang pinanghihinayangan Sa paglalarawan mapapansin na ang mga bilanggo ay hindi mga

kriminal. Sa ganitong paraan namamatay ang tunay na martir na naniniwala na kanilang natugunan ang kadahilan ng kanilang naging eksistensiya.

10 Sa pananalitang ito ng bilanggo sa paukol sa namatay na kasamahan ay mababakas ang patalistikong pananaw ng mga sawimpalad sa buhay. Subalit sa ilalim ay ipinapakita ni Rizal na alam nilang pagkatapos ng kamatayan ng nauna ay sila naman ang susunod. Kaya walang pagdudumali.

11 Ang pagiging karaniwan ng kamatayan dahilan sa pagpapahirap ay nagbibigay daan upang kalyuhin ang puso ng mga tao. Subalit ang nakatagong kaisipan na ikinalulungkot ni Rizal ay parang walang anuman sa mga Pilipino ang kinasapitan ng tatlong bilanggo.

12 Sa katulad na edad (11 taon) si Rizal mismo ay mayroong hindi malimutang pangyayari, ito ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 na sinundan ng pagbitay sa tatlong prominenteng bilanggo ng kolonyal na pamahalaan. Ang pangyayaring iyon ang nagbukas sa isipan niya sa kalagayang panlipunan. Sa sulat ni Rizal kay Mariano Ponce ay kaniyang sinabi na:

“sa kabila ng aking kabataan ay nakita ko na ang kawalan ng katarungan at nagpasiya sa aking sarili na ipaghihiganti ang mga biktima ng kawalang katarungan. Ang Diyos ang magbibigay sa akin ng pagkakataon upang magawa ko ito.”

Ngayon kaibigan, na nagbabasa ng aking pag-aaral – kilala mo na ba ang tatlong bilanggo na inilalarawan ni Rizal? Walang iba kundi ang GOMBURZA.

13 Sa loob ng ilan dantaon, ang Maynila at Binondo ay iniuugnay ng Puente Grande at noong ito ay wasakin ng lindol noong 1863 ay pinalitan ng Puente de Barcas na ang kahabaan nito ay nakasalalay sa salansan ng mga bangka upang lumutang ang tulay sa tubig at ginamit hanggang 1876 nang ito ay mapalitan ng isang tulay na bato na tinawag na Puente

103

Page 5: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

          

Ang mga punong talisay sa liwasan ng San Gabriel ay hindi lumaki, maliliit na gaya ng dati. Ang Escolta sa palagay niya ay pumangit, gayong ang matandang bodega na dating nakatayo sa isang lugar ay napalitan na ng isang malaking bahay na may palamuting malalaking bustong babae.  Napuna niya ang bagong tayong Puente de Espaňa; ang mga bahay sa dakong kanan ng pampang ng ilog na napapalibutan ng kawayanan at mga punongkahoy, doon sa dakong ang Escolta ay nagtatapos ay nagsisimula naman ang Isla del Romero,14 na nagpaalaala sa kanya noong masasarap na umagang sila

de Espaňa (kinaroroonan ng Jones Bridge ngayon). Ang Puente de Barcas dahilan sa pagiging mahina at maraming mga kasiraan ay nagagawa pa niyang makapaglingkod ng napakahabang panahon sa mga tumatawid na mga tao at sasakyan, sa kabila ng malaking kasiraan na inirereklamo ng mga mananawid.

Ang tunay na dahilan ng kasiraan ng Puente de Barcas ay dahilan sa pagsunod sa kapritso at pang-aabuso ng ilog Pasig. Itinulad sa mga mamamayang Pilipino na sa kabila ng napakaraming mga kapintasan ay patuloy na naglilingkod sa kaniyang mga dayuhang panginoon at mapagsamantalang mga kababayan.

14 Isla de Romero – wala na ang pulong ito na nasa pagitan ng isang maliit

104

Page 6: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

ay nagdadaan doon sakay ng bangka upang tumungo sa mga paliguan sa Uli-Uli.

Nakatagpo siya ng maraming karwaheng batak ng mahuhusay na kabayong maliliit:  nakasakay sa mga sasakyang iyon ang mga empleyadong halos inaantok pa, patungo marahil sa kanilang mga opisina, mga militar, mga Insik na anyong nagyayabang at nakakatawa, mga walang kaimik-imik na prayle, mga kanonigo, atbp.15  Sa isang magandang karwaheng victoria ay tila namataan niya si Padre Damaso16 na matigas ang mukha at nakakunot ang kilay, at pagkatapos na makaraan, ay masaya naman siyang binabati mula sa isang karetela ni Kapitan Tinong,17 na kasama ang asawa at dalawang anak na babae.  

Nang makababa sa tulay ay nagtungo ang mga kabayo na tungo sa Sabana.  Sa dakong kaliwa ay maririnig sa pabrika ng tabako sa Arroceros ang ingay ng pagpukpok ng mga sigarera sa mga dahon ng tabako.  Si Ibarra ay napangiti sapagkat naalala niya na dahil sa sa matapang na amoy na umaalingasaw kung ikalima ng hapon sa Puente de Barcas na nakahihilo sa kanya noong siya ay bata pa.  Ang masiglang usapan, ang mga tudyuhan, ay mabilis na naglipat sa kanyang alaala sa nayon ng Lavapies sa Madrid na nagkaroon ng kaguluhan ang mga sigarera at nagbibigay ng malalaking kasawian sa mga bantay lansangan, atbp.

na estero dahilan sa tinabunan na. Maraming mga lugar sa matandang Kamaynilaan ang nawala na, dahil sa hindi planadong pagdami ng mga tao. 15 Ang pagkakaroon ng sariling sasakyan ay isa nang status symbol sa kapanahunang iyon.

16 Ang victoria ay isang modelo ng karwahe na mayroong apat na gulong at ang pinakabubong ay gawa sa leather, sa loob ng sasakyan ay dalawang tao ang maaring makasakay at sa unahan sa labas ay may upuan para sa kutsero (Glosaryo). Ipinapansin dito ni Rizal na si Padre Damaso ay nakasakay sa magarang Victoria – pagpapakita ng karangyaan ng mga prayle sa kabila ng pagkakaroon nila ng panata ng kahirapan.

17 Ito ang ikalawang pagkakataon na nagkita sina Ibarra at Kapitan Tinong – tandaan lamang ang bilang na iyan, dahilan sa napakahalaga nito para sa mga huling kabanata.

105

Page 7: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

Ang Jardin Botanico18 ay nakapawi sa kanyang magagandang pag-aalaala:  ang tukso ng pagkukumpara ay nakalantad sa kanyang mata, sa mga sandaling iyon, ang mga jardin botanico sa Europa, doon sa mga lupaing kailangan ang malaking pagsisikap at maraming salapi upang mapasibol ang isang dahon, at mapamukadkad ang isang bulaklak; samantalang sa mga bayang sakop, na kaiga-igaya at mabuti ang pagkakaalaga at nakabukas upang pumasok ang kahit sino.19 

Inilayo doon ni Ibarra ang kanyang mata, tumingin sa dakong kanan at namalas ang matandang Maynila na napapaligiran ng kanyang mga pader at mga hukay sa paligid ( moat ) na para bang isang masakiting dalaga na nakabihis ng damit noong panahong kabataan ng kanyang lola.20

Ang dakong kalautan ng dagat ay napapawi sa malayo. “Sa kabilang ibayo, naroroon ang Europa!” ang pumasok sa isip

ng binata.  Ang Europa, na kasama ang kanyang magagandang bansa na walang tigil sa pagkilos, sa paghanap ng kaligayahan, na sa bawat bagong umaga ay nangangarap at nawawalan ng pag-asa sa paglubog

18 Jardin Botanico - isa sa pinakasikat na lugar ng Maynila. Sinasakop nito ang lawak ng daang P. Burgos, Concepcion, Arroceros. Ang halamanan ay naglalaman ng mga di karaniwang mga halaman at kulungan ng mga hayop para magamit sa aralin sa botanica ng noon ay Paaralang Pang-agrikultura ng Pilipinas. Nasira ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaan ng sirain ng mga Amerikano ang Maynila – Ang nalalabing bahagi nito ay kilala na sa tawag na na Mehan Garden ng lungsod ng Maynila na kinaroroonan ngayon ng Unibersidad ng Maynila.

19 Natatangi ang kagandahan ng matandang Jardin Botanico ng Maynila dahil dami at yabong ng mga halaman – samantalang gumugugol ng malaking salapi sa pag-aalaga at pagsasaliksik upang mapasipot at mamulaklak ang isang halaman sa mga Jardin Botanico ng Europa.

20 Ang pader ng Maynila ay ipinatayo ng mga Espanyol sa mga unang siglo ng kanilang pananakop – mataas ang pader at naliligiran ng mga hukay na puno ng tubig upang hindi mapasok ng kaaway. Ang katagang ginamit ni Rizal ay parang masakiting dalaga na nakabihis ng damit noong panahong kabataan ng kanyang lola – ito ay dahilan sa ang pader ay nagsilbing taguan at tanggulan ng mga Espanyol kung magkakaroon ng kaguluhan. Alam ni Rizal na ang matandang pader ng Intramuros ay wala ng bisa sa makabagong pakikipagdigma. Napatunayan ito ng kasaysayan noong ang Maynila ay isuko sa mga Amerikano noon Agosto 1898, at sa malakihang pagkawasak nito bunga ng panganganyon ng mga kawaal Amerikano para mapasuko ang mga nagkakanlong na mga kawal Hapones sa loob ng Intramuros..

106

Page 8: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

ng araw… mapalad sa gitna ng kanyang mga kasawian!21  Oo, sa kabilang ibayo ng walang katapusang dagat ay naroroon ang mga bansang makadiwa na gayunman ay hindi naman humahalay sa mga bagay-bagay na may katawan, higit   pa silang makadiwa kaysa nagpapanggap na sumasamba sa espirito…22

Subalit ang mga isipang iyon ay napawi nang makita ang munting burol sa Bagumbayan.  Ang munting bundok na nag-iisa sa tabi ng Luneta ang umagaw ng kaniyang pansin at nagiging sanhi upang alalahanin ang nakaraan.23 Naalaala niya ang taong nagbukas sa kaniyang isipan at nagpakilala sa kaniya kung alin ang mabuti at makatarungan.  Ang mga kaisipang itinuro sa kanya’y hindi gaanong marami, ngunit hindi mga paulit-ulit na kaalaman na walang kabuluhan; ang mga iyon ay matitibay na pananalig na hindi maaring magdilim kahit na isama pa sa lalong malalaking liwanag ng tinatawag na progreso.  Ang taong iyon ay isang matandang pari,24 at ang mga

21 Ang namamayaning damdamin sa Europa ay ang patuloy nilang paggawa para sa pagsulong (ang mga Pilipino noon pa man hanggang sa kasalukuyan ay nangangarap lamang). Sinasabi ni Rizal na mapalad ang Europa sa kabila ng kaniyang kasawian (sa textong espanyol ang ginamit ay catastrofes), dahil ang Europa sa panahon ng kanilang kasaysayan ay nagdanas ng maraming mga digmaan at kalamidad, ngunit hindi naging pesimistiko ang mga Europeo na bumangon pagkatapos ng mga kasawian na sa pana-panahon ay kanilang nararanasan. Maging sa nakalipas na siglo ang Europa ay pininsala ng Dalawang Digmaan Pandaigdig, subalit pagkatapos noon ay ang kanilang paggawa para sa rekonstruksiyon ng kanilang lupalop. Samantalang tayong mga Pilipino – pagkatapos ng Ikalawang Digmaan ay pinanatili natin sa ating mga kaisipan ang mitolohiya ng kasaganaan noong peace time (katawagan ng mga Pilipino sa kapanahunang hindi pa nagaganap ang pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas).

22 Ang ginamit ni Rizal sa textong Espanyol ay condenan. Isang kaisipan ni Rizal na nagpapakita na ang mga bansang liberal ng Europa ay higit na mapagparaya sa karapatan ng kanilang mga mamamayan at nasasakupan, kaysa sa mga relihiyosong Espanya. Parunggit ni Rizal sa mga prayle sa pamamagitan ng pagpaparamdan sa kanila na ang mga Europeo ay hindi panatiko sa relihiyon ngunit makatao, at sa Pilipinas ay relihiyoso, ngunit hindi sapat sa pagiging makatao.

23 Ang Burol sa Bagumbayan upang alalahanin ang nakaraan - Ang bahaging ito ang susi na nagbubukas sa kahulugan at kabuluhan ng pamagat ng kabanata – MGA ALA-ALA. Bago pa man isilang at bitayin si Rizal sa nasabing lugar ay marami ng mga bayani na nauna sa kaniya ang naghandog ng buhay sa nasabing lugar.

24 Matandang Pari – ang pagbanggit ni Rizal sa matandang pari ay sinasapantahang si Burgos o kaya ay si Gomez – sa kabilang dako, hindi nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng masinsinan ni Rizal ang sinuman sa dalawa dahilan noong kainitan ng pagkilos ng GOMBURZA para sa sekularisasyon si Rizal ay nasa edad na 8-10 taon at 11 naman ng bitayin ang tatlong paring martir. Ang ugnayan ni Rizal at Burgos ay sa

107

Page 9: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

salitang sinabi sa kanya nang siya ay nagpaalam ay hindi pa napapawi sa kanyang pandinig:  “Huwag mong lilimutin na kahit ang karunungan ay pamana sa sangkatauhan, ang nagmamana nito ay iyon lamang may sapat na tapang,”25 ang paalaala sa kanya.  “Sinikap kong malaman mo ang natutunan ko mula sa aking mga naging guro:  sinikap kong madagdagan ang kayamanang ito sa abot ng aking kakayahan, at isinasalin ko sa mga sumusunod na henerasyon:  gayon din ang gagawin mo sa mga susunod sa iyo, at kung magagawa mo ay higit pang paghusayin26 sapagkat magtutungo ka sa mga bansang napakayayaman.”  At nakangiting idinugtong ang: “Sila ay pumaparitong ang hanap ay ginto, paroon naman kayo sa kanilang bayan at hanapin doon ang gintong ating kailangan!27 Nguni’t alalahanin mong hindi ang lahat ng kumikinang ay ginto.”  Ang paring iyon ay doon namatay. 28

pamamagitan lamang ng kaniyang nakakatandang kapatid na si Paciano na naging mag-aaral ni Burgos.

Sa kabilang dako, mayroong isang matandang pari na talagang direktang naka-inpluwensiya kay Rizal sa panahon pa man ng kaniyang kabataan hanggang sa pag-alis niya sa Pilipinas noong 1882, ito ang dating kura paroko ng Calamba na si Padre Leoncio Lopez.

25 Ang maaring magmana ng tunay na talino ay ang mga taong may sapat na tapang. Ang talino na walang sangkap na tapang ay talinong gagamitin lamang ng iba. Maraming mga marurunong na Pilipino, ngunit duwag na gamitin ito para sa kabutihan ng bayan – dahilan sa hindi nila kayang labanan ang pagiging makasarili.

26 Pananagutan ng mabuting guro na patuloy na mag-aral upang madagdagan ang kanilang mga kaalaman upang maibabahagi ito sa susunod na henerasyon.

27 Bakit nakangiti ang paring kausap ni Ibarra?Alam ng nasabing pari na ang mga dayuhan ay kaya lamang narito ay para makinabang sa yaman ng ating bayan, subalit gagamitin din niya ang kaalaman ng mga dayuhan sa pagpapalaya ng bayan. Hindi ngingiti ang isang tao sa pagsasabi ng kasawian, kung wala siyang nakikitang mahusay na solusyon.

Mapapansinan si Rizal ng bisyon sa pangangailangan na matuto ang mga Pilipino ng mga kaalaman mula sa mga mauunlad na bansa. Dapat tayong matuto mula sa kanilang pang-intilekwal at teknolohikal na kalamangan at mula sa malalaman natin ay gamitin naman natin sa paglikha ng isang bayan na mayroong malakas na sistemang kabuhayan at tunay na kalayaan – pangarapin natin ang pagsilang ng isang bayan na ang yaman ay pakikinabangan ng nakakarami nating mga mamamayan at hindi ng iilan lamang.

28 Si Padre Burgos ay binitay sa Bagumbayan, kasama ng kaniyang dalawang kasamahan na si Gomez at Zamora noong 1872. Si Padre Leoncio Lopez ay namatay noong 1882 sa kalye Concepcion na nakaharap sa pader ng Intramuros at malapit sa bisinidad ng Bagumbayan. (Craig).

108

Page 10: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

        Sa mga alaalang ito ay pabulong siyang sumagot: “Hindi, kahit na gayon ang nangyari, una muna ang Inang-Bayan, una muna ang Pilipinas, na anak ng Espanya; Hindi, ang pangyayaring iyon na isang kasawian ay hindi nakadudungis sa Inang-Bayan, hindi!”29

          Hindi nakatawag sa kanyang pansin ang Ermita, ang mga fenix na pawid na nagbangon sa kanyang abo, 30 sa anyong mga bahay na may pintang puti at bughaw, na nabububungan nang yerong may pinturang pula.  Hindi nakaakit sa kanyang paningin ang Malate, ni ang kuwartel ng caballeria 31 na may mga punongkahoy sa harapan, ni ang mga naninirahan doon, ni ang mga bahay-pawid na

Mapapansin na si Rizal ay gumagawa ng collage ng isang tauhan mula sa mga paring sina Burgos at Leoncio-Lopez. Ayon sa datos ang matandang kalye Concepcion na kinamatayan ni Padre Leoncio Lopez ay nagtatapos sa kanto ng tinatawag ngayong kalye Burgos. Pansinin ang Talababa 18 – at makikita na ang Jardin Botanico na dinadaanan ni Ibarra ay sa Daang Concepcion.

29 Mapapansin sa pananalita ni Ibarra na hindi sinisisi ni Rizal ang pamahalaang Espanya sa kamatayan ng tatlong pari, ngunit mayroon siyang patagong pinagbibintangan na kaniyang pinaniniwalaan na siyang tunay na nagpapatay sa GOMBURZA. MAHALAGA ANG ISTILONG ITO, DAHILAN SA GAGAMITIN ULI ITO NI RIZAL SA HULIHANG BAHAGI NG KABANATANG ITO - ANG PAGPAPAKITA NG ISANG BAGAY SA PAMAMAGITAN NG HINDI PAGPAPAKITA.

30 Fenix (phoenix) - maalamat na ibon na namamatay at mula sa kaniyang abo ay nabubuhay na mag-uli. Ginamit ang katagang fenix na pawid dahil sa pagiging malimit ng sunog sa nasabing lugar, na ang dahilan ay ang mga materyales na pawid na madaling matupok ng apoy, subalit katulad ng lahat ng mga lugar sa Pilipinas na nabibiktima ng sunog – muli na namang babangon ang mga bagong kabahayan mula sa kaniyang mga abo.

31 PAG-ISIPANG MABUTI ITO:Bakit hindi pinapansin ni Ibarra ang kuwartel ng caballeria sa Malate? Mautak talaga si Rizal, hindi niya ito pinapansin kay Ibarra upang lumitaw sa impresyon ng kaniyang mga mambabasa na mayroong ibang lugar na tinitingnan at pinag-uukulan ng ala-ala si Ibarra.

Ano ang maaring tinitingnan at pinagbubuhusan ng isipan ni Ibarra habang dumadaan siya sa Malate? Malaman sana na noong kapanahunan ni Rizal ay mayroong dalawang magkalapit na kuwartel militar sa Malate: Ang una ay ang kuwartel ng caballeria na binubuo ng mga sundalong nakasakay sa mga kabayo, mayroong higit na pagsasanay, at mahuhusay na sandata – subalit hindi ito pinapansin ni Ibarra. Ang ikalawa ay ang kuwartel ng infanteria o mga sundalong naglalakad lamang at ang nagtataglay ng mga mahihinang mga sandata at binubuo ito ng mga Pilipino na naglilingkod noon sa kolonyal na hukbo ng Espanya. Subalit hindi man lamang ito tinukoy ni Rizal sa kabila ng kahusayan niya ng paglalarawan sa lahat ng mga detalye.

Ano ang posibilidad na ang kuwartel infantria ang nais na

109

Page 11: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

ang bubong ay anyo piramide o kaya prismatiko, na natatabingan ng mga punong saging at bunga, na katulad ng mga pugad na niyari ng mga ama ng sambahayan. Ang sasakyan ay patuloy sa paggulong:  nakasalubong ng isang karumata na batak ng isa o dalawang kabayo, na ang mga arnes na abaka ay nagpapakita na nagmula pa sila sa mga probinsiya.  Pinagsisikapan ng kutsero na matanaw ang taong nasa loob ng makintab na sasakyan na walang kibo, ni hindi bumati.32 

Kung minsan ay isang karitong batak ng isang kalabaw na ang lakad ay banayad at walang pakialam sa anuman, ang nagbibigay-buhay sa malalapad at maalikabok na daang nasisikatan ng maliwanag na araw.  Sa malungkot at iisang tono ng awit ng naglalakbay, na

ipapansin ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa, sa pamamagitan ng hindi niya pagtukoy dito? Dahil alam ng mga tao sa Maynila na mayroong dalawang kuwartel militar noon sa Malate at sinumang matalinong mapag-usisa ay higit niyang titingnan ang kuwartel ng kabalyera na maraming mga kabayo at mayroong mga sopistikadong mga kagamitang pandigma. Kung ganoon ay magkakaroon ng interes ang mga mambabasa na itanong sa kanilang mga sarili kung bakit hindi iyon pinapansin ni Ibarra maging ang kapaligiran.

Bakit ang ang kuwartel ng rehimenteng pang-inpantriya ang lihim na nais ni Rizal na tingnan o hanapin ng kaniyang mga mambabasa at posibleng ito nga ang tinitingnan ni Ibarra? Tandaan sana na ang pamagat ng Kabanatang ito ay Mga Alaala – ang maaring tinitingnan ni Ibarra ang kuwartel ng rehimenteng pang-inpantriya dahilan sa higit na mayroon naganap doon na isang makasaysayang pangyayari.

Ano ang mahalagang pangyayari na naganap sa Kuwartel ng rehimenteng infantria sa Malate? Ang kuwartel ng infantria ay minsang naging himpilan ng rehimenteng Tayabas, na noon ay nagnanais na makapaghiganti sa ginawa ng mga hukbong Espanyol na pag-masaker sa mga kasapi ng Cofradia de San Jose sa lalawigan ng Tayabas na pinamumunuan ni Apolinario de la Cruz –karamihan sa mga biktimang kasapi ng kapatiran ay kanilang mga kamag-anak. Noong Enero 20, 1843 ay naganap sa nasabing lugar ang mutiny ng Rehimenteng Tayabas na nakatalaga sa nasabing kuwartel at ang pagkilos ay pinamunuan ng isang sarhento na nagngangalang Samaniego. Sa nasabing mutiny ay pinatay nila ang kanilang mga opisyal na Espanyol at nagawang makontrol ang kuwartel. Pagkatapos na makontrol ang kuwartel ay nagmartsa ang rehimeng Tayabas patungo sa Intramuros at nakubkob ang Fort Santiago sa pakikipagtulungan ng mga kawal na taga Tayabas na nagkataong nagbabantay noon sa pangunahing kuta ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ayon sa ulat ng noon ay nakatalagang konsul na Pranses sa Maynila “Ito ang unang pag-aalsa sa Pilipinas na ang mga kalahok ay mayroon ng ideya at kanilang isinigaw ang paglaban para sa kalayaan ng Pilipinas”. (Corpus 1989, Vol.1: 492)

Huling KatanunganANO ANG KATUNAYAN NA ALAM NI RIZAL ANG NAGING KASAYSAYAN NA NAGANAP SA KUWARTEL NG REHIMENT PANG-INPANTRIYA SA MALATE?

Ang Malate ay ispesyal na interes ni Rizal, ang katunayan ay mayroon siyang isang akda na naglalarawan sa kasaysayan ng mga taong

110

Page 12: Noli Me Tangere Deciphered-kab08

nakasakay sa kalabaw, ay sumasabay ang langitngit ng tuyong gulong sa axle ng mabigat na sasakyang iyon; kung minsan ay ang lagaslas ng mga putpot na paragos, ito ang trineo sa Pilipinas , na umuusad nang lubhang mabagal sa ibabaw ng alikabok o lubak ng daan.  Sa nadadaanang mga bukirin, sa mga malalapad na damuhan ay kumakain ang mga hayop, na kahalubilo ng mapuputing tagak na mahinahong nakadapo sa pigi ng kalabaw na ngumunguya at nilalasap, na nakapikit ang mata, ang mga halaman ng kaparangan, sa dakong malayo, ang kawan ng mga kabayong babae ang nagsisipaan, naglulundagan at nagtatakbuhang habol ng isang kabayong lalaki na may mapusok na kalooban, mahabang buntot at malalagong kiling; ang kabayong lalaki’y humahalinghing at napapatilapon ng lupa sa tama ng kanyang matitigas na kuko.

Bayaan nating maglakbay ang binata na nag-iisip o nag-aantuk-antok; dahilan sa ang malamlam o masayang anyo ng kaparangan ay hindi makakuha ng kaniyang atensiyon; ang araw na iyon na nagpapakinang sa mga dahong pang-itaas ng mga puno. Ang mainit na araw na nagpapatakbo sa mga taong-bukid na ang mga paa ay napapaso sa lupang mainit kahit na may makapal na lipak sa talampakan, ang araw na iyon na nagpapahinto sa mga babaing taganayon sa mga lilim ng isang punong talisay o kawayanan at nakapagpapaisip sa kanila ng mga bagay-bagay na hindi mawari at hindi maipaliliwanag, ang araw na iyon ay walang kagandahan sa ating binata. Samantalang ang sasakyan ay gumugulong na pagigiray-giray, na parang isang lasing na naglalakad sa baku-bakong daan,33 habang tinatawid ang isang tulay na kawayan, inaakyat ang isang burol o matuling pumapanaog kaya sa isang dahilig.

Bumalik tayo sa Maynila.

nanirahan sa Malate sa kapanahunang 1635. Kung ang Malate noong 1635 ay alam na alam ni Rizal iyon pa kayang 1843 na higit na mas malapit sa kaniyang panahon, at sa panahon ng kaniyang pag-aaral ay mayroon pang mga nabubuhay na nakasaksi sa nasabing kaganapan. Lalo pa kung pagtutuunan ng pansin na ang mutiny ng Rehimenteng Tayabas at ang mutiny sa Cavite ay naganap sa magkaparehong petsa – Enero 20 ang una ay noong 1843 at ang ikalawa ay noong 1872. 32 Talagang likas na ang pagiging usisero nang mga Pilipino – ang katulad nito sa ating panahon ay pagpipilit natin na tingnan ang ginagawa ng mga taong nakasakay sa magagandang kotse. Kung mayroon kang ganitong pag-uugali, ingat ka sa pagtingin sa loob ng kotse lalo na kung tinted ang salamin – baka biglang itong bumukas at abutan ka ng piso.33

Naipakita relasyon ng sasakyan at masamang kalsada noong kaniyang kapanahunan at nakakalungkot na nanatili pa rin sa makabagong kapanahunan.

111