5
John Anthony B. Teodosio BSED-4 ISANG PAGSUSURI SA NOLI ME TANGERE NI DR. JOSE P. RIZAL 1. Anong mga simbolo sa obra ang maiuugnay sa kasalukuyang panahon at paano? 1.Bahay ni Kapitan Tiyago (Simbolo ng maling pamamahala) • Bahay na pinagdarausan ng handa at may kababaan at di-gaanong wasto ang kayarian sanhi marahil sa di-mabuting pagkakasipat ng arkitektong nagtayo o di kaya'y sa mga nagdaang lindol o bagyo. ◘ Ang kababaan ng bahay ni Kapitan Tiyago ay sumisimbolo sa babang moralidad ng mga Espanyol sapagkat nagawa nilang tapakan ang mga Pilipino na siyang may-ari ng bansa. 2. Bayan ng San Diego (Simbolo ng walang kaunlaran) • Ang inaani ng mga magsasaka tulad ng asukal at bungangkahoy ay ibinibili ng mga intsik sa murang halaga. Madilim ang gubat dahil sa kakapalan ng mumunti. ◘ Ang bayan ng San Diego, bagaman may pinagkukunang yaman, sapat pa rin ito para sa pangaraw-araw na kinakailangan ng mga magsasaka. At sa muling pagbalik ni Ibarra pagkatapos ng pitong taon, wala pa rin itong pagbabago. 3. Sisa (Simbolo ng Pamilyang Pilipino) • Unti-unting binibili o ipinagbili ng asawa ni Sisa ang mga alahas niya at tinitiis niya ang pananakal nito. ◘ Malaki ang ginagampanan ng isang asawa at ina. Tinitiis nito lahat sa pag-aakalang dapat tiisin ang sinimulan at ito ay lalabanan. Maaari rin siyang sumisimbolo sa bansang Filipinas sapagkat patuloy pa rin tayong sunod nang sunod sa mga inuutos ng mga

Noli Me Tangere, isang pagsusuri

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere, isang pagsusuri

John Anthony B. TeodosioBSED-4

ISANG PAGSUSURI SA NOLI ME TANGERE NI DR. JOSE P. RIZAL

1. Anong mga simbolo sa obra ang maiuugnay sa kasalukuyang panahon at paano?

1.Bahay ni Kapitan Tiyago (Simbolo ng maling pamamahala)

• Bahay na pinagdarausan ng handa at may kababaan at di-gaanong wasto ang kayarian sanhi marahil sa di-mabuting pagkakasipat ng arkitektong nagtayo o di kaya'y sa mga nagdaang lindol o bagyo.

◘ Ang kababaan ng bahay ni Kapitan Tiyago ay sumisimbolo sa babang moralidad ng mga Espanyol sapagkat nagawa nilang tapakan ang mga Pilipino na siyang may-ari ng bansa.

2. Bayan ng San Diego (Simbolo ng walang kaunlaran)

• Ang inaani ng mga magsasaka tulad ng asukal at bungangkahoy ay ibinibili ng mga intsik sa murang halaga. Madilim ang gubat dahil sa kakapalan ng mumunti.◘ Ang bayan ng San Diego, bagaman may pinagkukunang yaman, sapat pa rin ito para sa pangaraw-araw na kinakailangan ng mga magsasaka. At sa muling pagbalik ni Ibarra pagkatapos ng pitong taon, wala pa rin itong pagbabago.

3. Sisa (Simbolo ng Pamilyang Pilipino)

• Unti-unting binibili o ipinagbili ng asawa ni Sisa ang mga alahas niya at tinitiis niya ang pananakal nito.◘ Malaki ang ginagampanan ng isang asawa at ina. Tinitiis nito lahat sa pag-aakalang dapat tiisin ang sinimulan at ito ay lalabanan. Maaari rin siyang sumisimbolo sa bansang Filipinas sapagkat patuloy pa rin tayong sunod

nang sunod sa mga inuutos ng mga banyaga at patuloy na pang-aalipin sa atin. Katulad ng pagdikta ng bansang Amerika sa pagpapatigil at pagkakaroon ng mapayapang pamamaraan ng pag-uusap sa pinag-aagawang teritoryo ng Filipinas at Tsina.

TUNGKOL SA PABALAT NG LIBRO....

Paa ng PrayleInilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulokat sumasakop sa halos mahigit sa kalahati ng paanan ng tatsulok. Angsimbolismo ay ginamit upang ipabatid ni Rizal kung sino angnagpapalakad ng bayan sa kaniyang kapanahunan.

Page 2: Noli Me Tangere, isang pagsusuri

Sapatos sa Paa ng PrayleAng paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paa ngprayle ay pagbubunyag ng pagiging maluho ng pamumuhay ng mgaprayle sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Isa sa sinaunang mgakautusan sa mga Pransiskano ay ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.

Nakalabas na Binti sa Ibaba ng AbitoPagpapahiwatig ni Rizal sakalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na hayagangtinalakay niya sa loob ng nobela. Maari rin na ang nakalabas nabalahibo sa binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sanakalabas na balahibo ng lobo/wolf na nakabihis ng damit ng kordero. Helmet ng Guardia SibilSimbolo ng kapangyarihan ng kolonyal nahukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang pantao ngmga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizalang helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng prayle.

Latigo ng AlperesSimbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal nahukbong sandatahan. Maging si Rizal ay naging biktima ng latigo ngalperes sa Calamba, Laguna. Ang paglalagay nito sa pabalat ng nobela ay nagpaparamdam sa atin na hindi niya nalilimutan ang ginawang pagpalosa kaniya ng latigo. Ang lupit ng latigo ay ilalarawan sa iba·t ibangkabanta ng nobela.Kadena ² Simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ngkolonyal na pamahalaan.Pamalo sa Penitensiya ² tinatawag sa ibang lugar na suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan angkanilang mga sarili (tinatawag na penitensiya) dahilan sa kanilangpaniniwala na ito ay isang uri ng paglilinis sa kanilang mga nagawangkasalanan. Para kay Rizal, wari bang hindi pa sapat sa mga Pilipino angpananakit ng mga guardia sibil at kailangan pang sila pa mismo angmagparusa sa kanilang mga sarili.

Lagda ni RizalMapansin sana na inilagay ni Rizal angkaniyang lagda sa kanang triyangulo upang ipakita samga mambabasa kung saan siyang panahon kabilang.Halamang Kawayan ² Isang mataas ngunit malambot nahalaman (sinasabi ng iba na puno at ang iba naman ay damo). Inilagay ni Rizal ang punong kawayan upang ipakita angpamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay ng mga Pilipino sa isangmapang-aping lipunan at ito ay ang pagsunod sa ihip ng hangin.Makikita ang katunayan nito sa Kabanata 25).

Bulaklak ngSunflower ang sunflow er ay isangnatatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito nasumunod sa oryentasyon ng sikat ng araw. Inilagay ni Rizalang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ngkaniyang mga mababasa na maging ugali na sumunod sapinagmumulan ng liwanag.

Simetrikal na Sulo ang sulo ay ginamit ni Rizal na bilangsagisag ngNoli Me Tangere . Kung papansining mabuti angdisenyo ng katawan ng sulo, mapupuna na hindi ginamit niRizal ang kawayan na siyang karaniwang sisidlan ngpanggatong na nagpapaliwanag ng ilaw at siyang karaniwangdisenyo sa paglalarawan ng sulo. Ang paguhit ni Rizal ng suloay mula sa disenyong simetrikal na ginagamit sa mga pabalatng libro sa kaniyang kapanahunan. Ipinapakita rito ni Rizalna ang panggatong na pagmumulan ng apoy o liwanag ay angmula sa loob ng isang aklat.

Page 3: Noli Me Tangere, isang pagsusuri

Ulo ng BabaeMaaring maitanong kung sino ang babaeng ito? Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ngpaglalagay niya harapan ng babae ng pinag-uukulan niyang kaniyang nobela ² A Mi Patria. Kung isasalin ito sa higit na angkop para sa ating wika ay higit nating ginagamit ang Inang Bayan.

KrusAng simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ngmga mamamayang Pilipino. Mapapansin na inilagay niRizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat.Ipinakikita nito ang mataas nitong katayuan ang kakayahan na makapaghari sa isipanm ng Inang bayan

Mga Dahon ng LaurelAng dahon ng laurel ay napakahalaga samatandang kabihasnang kanluranin. Ito ang ginagawang korona para sakanilang mga mapagwagi, matatapang matatalino, at mapanlikhaingmamamayan. Mapapansin na ang mga dahon ng laurel ay hindi panapipitas sa halaman. Isang paglalarawan ng pag-asa ni Rizal na sapagdating ng panahon ang mga dahon ng laurel na ito pipitasin atilalagay sa ulo ng mga natatanging mga anak ng bayan. Ang supang ngsuha at mga dahon ng laurel ang magpapasibol ng isang pambansangkonsensiya ng bayan na nais ni Rizal na sumibol sa kaisipan ng mgaPilipino na noon ay hinahadlangan ng kolonyal na simbahan.

2. Anong Teoryang Pampanitikan ang mayroon sa nobelang “Noli me Tangere”

Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Sa nobelang isinulat ni Rizal ay nagpapakita rito kung paano mamuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila. Ipinapakita na ang mga kalupitan at karangyaan ng mga nasa mataas na katungkulan ay nangyayari pa rin mapasahanggang ngayon. Naroon din ang hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa mga katutubo, maging sa isyung pangkasarian. Gayun din ang walang sawang pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya ang bansa sa kamay ng mga dayuhan.

3. Bilang guro, anong personal na kahalagahan ng pagtuturo ng Noli Me Tangere sa mga kabataan?

Bilang guro sa Filipino. May malaking kahalahagan ito sa mga mag-aaral ang obrang ito sapagkat dito nasasalamain ang mga isyung napapanahon partikular sa lipunan. Maging ang pag-ibig sa bayan at sa minamahal. Ito ay isang akdang nagpagising sa mga Pilipino at naghikayat sa kanila upang makamit ang kalayaan. Sa mga kabataan naman, itinuturo ito sa paraang lalong maging mapanuri at mapagmasid sa lipunang kanilang ginagalawan. Bilang guro, napapagalahagahan ang nobelang ito sa paraang maging liberal o maging malaya sa anumang nais nating gawin. Itinuturo sa mga kabataan na maging bukas o aware sa mga suliraning kinakaharap ng bansang Filipinas.