16

Pag Lala Had

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pag Lala Had
Page 2: Pag Lala Had

Paglalahad

Page 3: Pag Lala Had

Layunin

nabibigyang-kahulugan ang paglalahad at ang uri nito;

masigasig na nakikisali sa talakayan; nasasagutan ang mga katanungan sa

gawaing pang-upuan; nakapaglalahad ng mga proseso sa

paggawa ng isang produkto; at aktwal na nakapagpapakita ng

demonstrasyon sa isang produkto.

Page 4: Pag Lala Had

Katuturan

itinuturing din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon. Iba’t ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo’t sa paraang pasalita o pabigkas.

Page 5: Pag Lala Had

1. Pagbibigay-depinisyon

2. Paghahambing at Pagtatambis

3. Problema at solusyon

4. Pag-iisa isa

5. Pagpapakilala ng Pinagmulan, Sanhi, at Bunga

6. Pagsunod-sunod

Pamamaraan ng Paglalahad

Page 6: Pag Lala Had

Gawaing Pang-upuan

Panuto: Kilalanin ang sumusunod na talata. Alamin kung sa anong pamamaraan ng paglalahad ito nabibilang. Ito ba ay pagbibigay-depinisyon, pag-iisa-isa, pagsusunod-sunod, paghahambing at pagkokontrast, problema at solusyon, sanhi at bunga.A. Maraming nasalanta sa pagdaan ng bagyo sa lalawigan ng Quezon noong taong 2004. Bukod sa bagyo ay gumuho pa ang kabundukan na ikinamatay ng maraming mamamayan. Natabunan sila ng umaagos na tubig, lupa, malalaking bato at mga troso. Ang trahedyang ito ay isinisisi sa iligal na pagtotroso. Dahil sa kalbo na ang bundok, gumuho ang lupa nito dahil wala nang kumakapit sa lupa na tulad ng mga puno.

Page 7: Pag Lala Had

B. Napakataas ng presyo ng bilihin sa panahong ito. Kulang na ang badyet sa pang-araw-araw dahil hindi naman tumaas ang sweldo o kinikita. Ang dating napagkakasyang salapi sa isang araw ay hindi na sapat kaya kailangang magdagdag. Dahil dito, kailangang magtipid ng buong mag-anak. Kung hindi naman kailangan ang isang bagay ay huwag nang ilaan ang pera rito bagkos itabi ito upang makapag-impok. Sakaling may biglaang pangangailangan ay may madudukot na salapi.

C. Ang isang set ng komyuter ay binubuo ng mga sumusunod: CPU o central processing unit, monitor, mouse, keyboard at AVR o automatic voltage regulator. Ang mga opsyunal na bahagi nito ay ang printer at scanner. Ibig sabihin, maaaring wala ang mga kagamitang ito.

Page 8: Pag Lala Had

D. Ang istetoskowp ay isang uri ng instrumentong pangmedisina upang pakinggan ang daloy ng hangin sa baga at gayundin ang tibok ng puso ng may karamdaman. Kalimitang ginagamit ito ng mga duktor sa medisina at mga nars sa ospital. Napakahalagang instrumento ito ng mga tagapangalaga ng kalusugan ng sangkatauhan.

E. Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal at parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa presidensyal ay tinatawag na pangulo samantalang sa parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister. Gayunpaman, parehong demokrasya ang pinaiiral na dalawang uri ng pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan, kapayapaan at hustisya ay pinangangalagaan din sa dalawang anyo ng pamahalaan.

Page 9: Pag Lala Had

F. Halos lahat ng epkio ay nagtataglay ng mga sumusunod na pangyayari. Una, isisilang ang isang bayani na sa murang edad pa lamang ay magpapamalas na ng mga kagila-gilalas na kapangyarihan. Ikalawa, makikipagsapalaran ang bayani. Karaniwang sa isang digmaan mapapasuong ang bayani. Ikatlo, magtatagumpay ang bayani at siya ay magbabalik sa kanyang bayan. Sa ilang epiko, ang bayani ay iibig pa at magpapakasal.G. Tumaas ang presyo ng lahat ng bilihin ngayong taon. Dahil kasi ito sa pagtaas ng dagdag na buwis na ipinataw ng pamahalaan sa lahat ng mga bilihin.

H. Laganap ang terorismo sa mga bansang mayayaman tulad ng Estados Unidos at ng Inglatera. Upang maiwasan ito’y kailangan higpitan ang seguridad sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga hinihinalang terorismo. Gayundin, kailangang pag-ingatin ang mga mamamayan at hikayating ireport sa kinauukulan ang mga di-mapagkakatiwalaang indibidwal.

Page 10: Pag Lala Had

I. Sina Martin Nievera at Gary Valenciano ay kapwa mahuhusay na mang-aawit. Taglay nila ang napakagandang tinig na kahit sinuman ay mabibighani. Halos lahat ng kanilang mga awitin ay sumikat at nakilala sa buong bansa. Nagtanghal na rin sila sa ibang bansa. Inaaliw nila ang kapwa Pilipino sa ibayong-dagat. Si Martin ay tinaguriang Concert King samantalang si Gary V. ay Mr. Pure Energy. Bagama’t pareho silang umaawit ng awiting nagpapatungkol sa pag-ibig, si Gary V. ay mas kilala sa mga awiting patungkol sa Panginoong Diyos.

J. Ang gitara ay isang uri ng instrumentong pangmusika na nahahanay o nauuri sa string. Upang tumunog ang instrumentong ito ay kailangang kalabatin ng kanyang kanang kamay at titipahin naman ng kaliwang kamay.

Page 11: Pag Lala Had

Kahingian sa Epektibong Paglalahad

Malinaw agad na mauuanawaan ng mambabasa o

tagapakinig at kanyang maikakapit ang kaalaman sa anumang bagay na ito ay magiging kapaki-pakinabang.

Tiyak Kailangang ituon lamang niya ang kanyang

atensyon sa paksang kanyang tinatalakay

Page 12: Pag Lala Had

May Kohirens mahalaga ang maayos na daloy ng

kaisipan.

Empasis Kailangang hindi malunod sa mga ideya

ang mga mambabasa o tagapakinig.

Page 13: Pag Lala Had

Uri ng Paglalahad

Sanaysay ito ang nagpapahayag ng isang manunulat ng

kanyang mga ideya, kaisipan, pananaw o damdamin kaugnay sa isang paksa.

Paglalahad ng proseso Masusing pagpahayag ng bawat hakbang na

nakapaloob sa isang proseso.

Suring-basa o rebyu maingat na pagbusisi ng isang manunuri sa bawat

detalyeng nakapaloob sa isang akda.

Page 14: Pag Lala Had

Editoryal naglalayong ipahayag ang pananw ng

isang pahayagan o ng isang manunulat na may mahalagang impak sa tao.

Balita Madalas na nababasa, napapakinggan o

napapanood sa pahayagan, radyo at telebisyon.

Page 15: Pag Lala Had

Tatluhang Gawain

Panuto: Pumili ng tatlong nais makasama sa gawain na ito. Mag-isip ng isang gawain na inyong ipaliliwanag sa klase. Bawat pares ay kailangang maglahad sa klase ng isang prosidyur. Bawat hakbang ay nararapat na malinaw na naipaliwanag. Ito ay aktwal na i-dedemo sa loob ng klase. Mangyaring maghanda ng isang power point presentation para sa inyong prosidyur.

Narito ang maaari ninyong mapagpilian:1. Pagluto ng pagkain2. Paggawa ng basahan3. Paggawa ng mga palamuti sa katawan4. Paggawa ng mga palamuti sa bahay5. at iba pa

Page 16: Pag Lala Had

Panukatan sa Gawain

Paglalahad ng Proseso ----------------------20 Kalinawan ng Boses Pagpapaliwanag Pagkasunod sunod

Pagtutulungan ng Pangkat ------------------10

Powerpoint Presentation ---------------------10

Pangkalahatang Impak ----------------------10