59
PAGSASALITA JEFFREY T. DE LEON

Pagsasalita

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PAGSASALITA

Citation preview

  • PAGSASALITAJEFFREY T. DE LEON

  • Kahulugan ng PagsasalitaAng pagsasalita ay nagtataglay ng 35 porsyento sa kabuuan gawain ng isang tao.Nagagawa nitong maging konkreto ang anumang bagay na tumatakbo sa ating kaisipan kasama na ang ating nararamdaman.Ang husay sa pagsasalita ay isang kailanganin tungo sa pagiging matagumpay ng isang tao;Sa pagbibigay paliwanang sa mga kompleks na konsepto at pananawPag-aplay sa trabahoPanunuyo ng isang panliligaw o sa nagawan ng kasalananPaghingi ng anumang uri ng tulong ng tulongSa pagpapatupad ng palisi, pagpapasunod ng tao

  • URI NG PAGSASALITA1. Pagbasa ng isang Itinakdang PapelHal: pagbasa sa hatol sa korte2. Memoryadong PagsasalitaHal: valediktoryan speech3. Impromptu .Hal: magbibigay ng mensahe sa bertdey4. Ekstemporenyus.

  • 4. Pagpapakahulugan/ Pag-alalaTumutukoy ito sa pagbibigay ng interpretasyon o kahulugan sa mga tunog na naririnig na maaaring positibo o negatibo; ang pagbibigay ng kahulugan ay depende sa paraan ng pagkakasabi o paghahatid ng mensahe sa mga tagapakinig.

  • 5. EbalwasyonIto ay ginagawa ng mga aktibong tagapakinig; tinitimbang ang mga patunay, iniaayos ang mga impormasyong katotohanan at opinyon at natutukoy ang pagkakaroon o pagkawala ng bias sa isang mensahe.

  • 6. PagtugonNagkakaroon na ng reaksyon ang tagapakinig sa tagapagsalita na maaaring paglilinaw sa nilalaman ng mensahe na hindi gaanong naunawaan ng tagapakinig. Dito masusubok kung naging matagumpay ang paghahatid ng mensahe.

  • Mga Elementong Nakaiimpluwensya sa PakikinigEdad o GulangAng komprehensyon sa pakikinig ay may ibat-ibang antas at depende rin ito sa edad ng isang tao.2. KasarianMay pagkakaiba ang tagapakinig na babae sa lalaki. Sinasabi ng ilan na mas mahaba ang pasensya ng mga babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki.

  • 3. OrasMalaki ang impluwensya ng oras sa pakikinig.4. TsanelTumutukoy ito sa midyum o instrumento sa paghahatid ng mensahe gaya ng paggamit ng telepono, cellphone, mikropono, at iba pa.5. KulturaNagkakaiba-iba ang kultura ng mga tao kaya nagkakaiba rin sa pagbibigay ng interpretasyon sa mga tunog na naririnig.

  • 6. Konsepto sa sariliNakaiimpluwensya sa pakikinig ang paniniwala o konsepto ng tao sa kanyang sarili. Ang pansariling pang-unawa ng tagapakinig sa napakinggang mensahe.7. Lugar Ang lugar na maingay, mabaho, mainit at marumi ay hindi mainam na lugar sa pakikinig sapagkat nawawala ang konsentrasyon ng sinumang nakikinig. Ang lugar na tahimik, malamig, malinis at maluwang ay mainam para sa isang gawaing pampakikinig.

  • 8. Preperensya sa pakikinig. Ang mga taong people oriented ay may higit na pokus sa emosyonal na aspeto ng komunikasyon, ang mga taong content oriented naman sa pakikinig ay nagbibigay pansin sa mga kompleks na impormasyon samantalang ang mga taong time oriented naman ay nais makinig sa maiikling mensahe lamang.

  • 9. Pisikal at sikolohikal na estadoAng pisikal at sikolohikal na estado ng isang tao ay nakakaapekto sa kanyang pakikinig. Isang kondisyong pisikal at sikolohikal na nakakaapekto sa nakikinig ay ang istres(w.p. , onlayn).

  • MGA URI NG PAKIKINIGDeskriminatiboLayunin nito ang matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. Binibigyang pansin sa uring ito ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

  • Halimbawa nito ay pakikinig sa isang kilalang panauhing tagapagsalita. Pinagtutuunan ng pansin dito ng tagapakinig ang kasuotan, paraan ng pagtindig at paraan ng pagsasalita ng tagapagsalita.2. Komprehensibo/ImpormatibAng pinagtutuunan ng pansin ng tagapakinig sa bahaging ito ay ang nilalaman ng mensahe ng tagapagsalitaAng halimbawa nito ay ang pakikinig sa seminar.

  • 3. Paglilibang/PangkasiyahanIto ay ginagawa upang libangin o aliwin ang sariliAng halimbawa nito ay ang pakikinig sa musika o sa himpilan ng radyo.

    4. SimpatetikSa pamamagitan nito, natutulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatya sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.

  • Nagpapakita tayo ng pag-aalala sa isang tao kaya naman nakikinig tayong mabuti at nagpapahayag ng ating kalungkutan sa sakit na nararamdaman ng kausap o kasiyahan naman para sa kasiyahang nararamdaman nila.Ang halimbawa nito ay ang pakikinig sa suliranin ng isang kaibigan.

  • 5. KritikalIto ay uri ng pakikinig na gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.Ang halimbawa nito ay pakikinig sa panayam ng guro sa agham.

  • 6. EbalwatibNagbibigay ng paghuhusga hinggil sa sinasabi ng isang tao; tinataya ang katotohanan ng sinasabing pahayag ng tagapagsalita; hinuhusgahan kung ang napakinggan ay salungat sa ating pagpapahalaga. Ang ebalwatib na pakikinig ay naglalayong mahikayat ang tagapakinig, upang mabago ang ating kilos at maging ang paniniwala

  • 7. EmpatikLampas sa simpatetik na pakikinig kung saan nangangailangan ito ng mahusay na pagbibigay tuon sa tiyak na emosyon na nararamdaman ng tagapagsalita; sa empatik na pakikinig, nararamdaman natin ang nararamdaman ng nagsasalita

  • Mga Elementong May Kinalaman Sa Mabuting Pakikinig

    1. Ang kapaligiran ng silidAng tahimik, maayos at malayo sa mga nagsisidaan na tao ay nakatutulong sa mabisang pakikinig. Kailangan ang tahimik at sapat na bentilasyon para sa mainam na pakikinig.

  • 2. Kakayahang pangkalusugan Mahalaga na walang anumang dinaramdam at malaya sa anumang nakagagambala sa kanyang isipan upang masuri ang narinig.

    3. Ang konsentrasyon sa pakikinig Ang pagkakaroon ng sapat na konsentrasyon ay mainam upang makuha ng nakikinig ang bawat detalye ng kanyang pinakikinggan (Mangahis, et al., 2008)

  • Mga Elemento Sa Pakikinig 1. Pakikinggang mensaheIto ay maaaring magtaglay ng anumang paksa sa buhay.2. TagapakinigAng kawalan ng kaalaman sa sosyo-kultural, wikang ginagamit ng tagapagsalita, kaalamang pangwika ay makahahadlang sa pag-unawa ng tagapakinig sa mensaheng pinakikinggan.

  • 3. Kalagayang pisikalAng mga ingay na naririnig sa kapaligiran ay isa sa maaaring makahadlang sa pakikinig kaya naman nararapat na idaos ang anumang seminar, klase at kumperensya sa lugar na tahimik, malamig at may maayos na sound system.

  • Tatlong Paraan ng Pakikinig 1. Kumpetitibong pakikinig Ito ay nangyayari kapag higit na binibigyang pansin ang pagpapahayag ng sariling pananaw kaysa sa pag-unawa sa pananaw ng ibang tao. Nakikinig sa mga kahinaan ng sinasabi ng tagapagsalita at naghihintay ng pagkakataon upang tuligsain ang sinabi ng nagsalita.

  • 2. Pasibong pakikinig Nagaganap ito kapag interesado sa pagdinig at pag-unawa sa pananaw ng ibang tao. Ipinapalagay ng nakikinig na narinig nang mabuti at naunawaan nang tama ang napakinggan ngunit nananatiling pasibo at hindi nakumpirma kung tama ang napakinggan.

  • 3. Aktibong pakikinigPinakamahalagang kasanayan sa pakikinig. Sa aktibong pakikinig, ang nakikinig ay interesado sa pag-unawa sa kung ano ang iniisip, nadarama at kahulugan ng mensahe. Nagagawang maulit ang mensaheng napakinggan pinapatunayan kung wasto ang napakinggan mula sa tagapagsalita (Nadig, 2010).

  • Mga Hadlang sa Mabisang PakikinigPagbuo ng maling kaisipanHindi nakatuon o nakapokus ang tagapakinig sa sinasabi ng tagapagsalita bagkus ang pokus ay nakatuon sa mga suliranin o iba pang mga bagay na pumapasok sa isipan ng tagapakinig.

  • 2. Pagkiling sa sariling opinyonKinakailangan ang malawak at bukas na pang-unawa sa anumang paksang pinakikinggan at hindi dapat mangibabaw ang sariling opinyon.3. Pagkakaiba-iba ng pakahuluganIto ay may kinalaman sa pagkakaiba ng nabubuong interpretasyon sa ating naririnig.4. Pisikal na dahilanAng epekto ng kapaligiran ay isa sa mga hadlang sa pakikinig.

  • 5. Pagkakaiba ng kulturaMay epekto ang impluwensya ng kultura sa pakikinig.6. Suliraning pansariliHindi gaanong mauunawaan ang pinakikinggan kung namamayani at umuukilkil sa isipan ang sariling problema.

  • Mga kabutihang naidudulot ng aktibong pakikinig:Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin.Madaling mauunawan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya.Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa wastong paraan.

  • 4. Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita.5. Madaling matutulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig.6. Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masusuri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig.

  • 7. Nakakukuha ng mga kinakailangang impormasyon. 8. Puhunan sa mabilis at mahusay na pakikipag-ugnayan sa kapwa. 9. Nakapagdedesisyon ayon sa hikayat ng pananalita at dating ng sinasabi.10. Napagaganda ang relasyon sa kapwa.11. Nakapagbibigay ng malinaw na fidbak sa mensaheng napakinggan.

  • PAGSASALITAIto ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang kinakausap

  • Kahalagahan ng Pagsasalitanaipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita,nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao, nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig,

  • 4) naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito, 5) madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.

  • Mga Kailangan sa Mabisang Pagsasalita

    1. Tiyak ang layunin at lubos ang kaalaman sa paksa.2. May tiwala sa sarili, matatag na damdamin at malawak na kaisipan. 3. May kasanayan sa wika, retorika at balarila

  • Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

    Tinig may bentahe ang isang tagapagsalita kung may kaalaman siya sa tamang pagtimpla ng tinig, kung kailan lumalakas at kailan humihina, nararapat na may timbre na siyang nakakakuha ng atensyon ng mga tagapakinig.

  • 2.Bigkas - ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbigay ng ibang kahuluguhan. Kailangang bigyang-pansin ng tagapagsalita ang bigkas ng mga salita kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensidad, bilis, intonasyon, diin, bagal at hinto ng pagsasalita.3.Tindig may bentahe ang isang tagapagsalitana nagtataglay ng kawili-wiling at kalugod-lugod na personalidad kaysa sa mga tagapagsalitang mukhang sakitin. Nararapat na ang tagapagsalita ay kagalang-galang tingnan, may tikas mula ulo hanggang paa.

  • 4.Kumpas mahalaga sa pagsasalita ang angkop na kumpas ng kamay o ng buong katawan. Kinakailangang ang kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas upang maging malinaw ang mensaheng ibig iparating ng tagapagsalita.5.Kilos at ekspresyon ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad sa kilos ng katawan at ekspresyon ng mukha. Siguraduhing angkop ang kilos at ekspresyon habang nagsasalita upang itoy di magdulot ng kalituhan sa mga tagapakinig.

  • Limang Kasanayan sa Pagsasalita

    1. Pakikipag-usap Sa pakikipag-usap:a. kailangang kakitaan ng paggalang sa isat isa, b. may matapat na layunin sa pakikipag-usap, c. kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita. d.ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng pag-uusap, ate.ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob.

  • 2. PakikipanayamSa kasanayang ito, kinakailangang tandaan ang mga sumusunod:a. pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin,b. pagbanggit sa kakapanayamin tungkol sa pangkalahatang paksa,c. pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin,d. Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras,

  • e. Maging magalang, makinig ng mataman at magpakita ng kawilihan,Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang, at g. Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu

  • 3. Pangkatang-talakayan Kung ikaw ay kalahok sa pangkatang talakayan:a. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan,b. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik,c. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan,

  • d. Magkaroon ng bukas na isipan, e. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami, at f. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama.

  • 4. PakikipagdebateTungkol sa pagtuligsa:a. Ipahayag ang kamalian ng kalabanb. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalabanc. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaband. Pahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban

  • Tungkol sa pagtatanong:a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalitab. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalitac. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.

  • 5. PagtatalumpatiUri ng Talumpatia. Impromptu Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda. Tandaan ang iyong panimula at wakas.Habang ikaw ay nagsasalita, maging mulat sa istilo at intonasyon.

  • b. Extemporaneous Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore:Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahanPagtatakda ng oras sa pagtatalumpati

  • c. Pinaghandaang Talumpati Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensyaIto ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

  • Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati

    1. Ang MananalumpatiDapat isaalang-alang ng mananalumpati ang kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig; ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mga salita, kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado, kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood ng mga tao.

  • 2. Ang TalumpatiKailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig.

  • 3. Ang Tagapanood/Tagapakinig Higit na mabuting malaman ng isang mananalumpati ang uri at antas ng kanyang tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring malaman kung sino ang tagapakinig upang maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila.

  • Katangian ng Isang Mahusay na Mananalumpati

    1. May magandang personalidad 2. Malinaw magsalita 3. May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay 4. May kasanayan sa pagtatalumpati 5. Mahusay gumamit ng kumpas

  • Mga Katangian ng Mabuting Kumpas

    1. Maluwag at maginhawa higit na magandang tingnan kung natural ang pagkumpas at hindi naninigas 2. May buhay at hindi matamlay iba-ibang sigla ang dapat taglayin ng mga kumpas 3. Tiyak tiyak ang pagtuturo sa tao o bagay na itinuturo

  • 4. Nasa pahanon nasa tayming ang kumpas, hindi nauuna o nahuhuli sa dapat nitong paglagyan 5. Angkop sa mga nakikinig iayon ang mga kumpas sa uri at antas ng tagapanikig at ang laki nito

  • Mga Kahinaan sa Pagtatalumpati

    1. nauumid, nauutal at hindi makapagsalita nang maayos kapag nakaharap sa maraming tao;2. masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig;3. hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan; at4. masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati.

  • Mga mungkahi kung paano makapagsasalita nang maayos sa harap ng madla

    1. Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita;2. Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla;

  • 3. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay; at4. Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.

  • Pamantayan ng isang usapan Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon ng kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng verbal o senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman.