Upload
hayden
View
170
Download
40
Embed Size (px)
DESCRIPTION
PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO Philippine Human Rights Information Center (PhilRights). Layunin : Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay dapat: Maipaliwanag kung ano ang pagsubaybay; Maipaliwanag ang layunin ng pagsubaybay; - PowerPoint PPT Presentation
Citation preview
1
PAGSUBAYBAY AT PAGDODOKUMENTO
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights)
2
Layunin:
Sa pagtatapos ng sesyon, ang mga kalahok ay dapat:
• Maipaliwanag kung ano ang pagsubaybay;
• Maipaliwanag ang layunin ng pagsubaybay;
• Makapagbigay halimbawa ng ilang tiyak na layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao;
3
• Maipaliwanag kung paano susukatin ang gawain ng gobyerno sa promosyon at proteksyon ng karapatang pantao;
• Masabi ang kahalagahan ng dokumentasyon;
• Masabi ang pinagagamitan ng dokumentasyon;
• Mapag-iba ang 2 uri ng gawaing dokumentasyon.
4
PAGSUBAYBAY AT PAGDOKUMENTO
Balangkas ng mga Paksa:1. Ano ang Pagsubaybay Bakit kailangan ang pagsubaybaysa karapatang pantao• Lawak ng Pagsubaybay• Sino ang Sumusubaybay• Balangkas ng Pagsubaybay• Dalawang Uri ng Pagsubaybay sa
Karapatang Pantao
5
Balangkas ng mga paksa
Paano ang lapit sa pagsubaybay ng karapatang pantao
Paraan ng Pagsubaybay Produkto ng Pagsubaybay Inaasahang Resulta Mga Prinsipiyo/Panuntunan ng Pagsubaybay2. Ano ang Dokumentasyon Layunin ng Dokumentasyon 2 Uri ng Dokumentasyon
6
PAGSUBAYBAY
Sa usapin ng karapatang pantao, ang pagsubaybay ay isang masinsing pag-aaral sa isang sitwasyon o indibidwal na kaso upang matukoy ang problema at makagawa na nararapat na kalutasan.
Ang masinsing pag-aral ng isang sitwasyon o kaso ay maaaring gawin sa pamamagitan ng palagian o pana-panahong pag-iimbestiga at pagdokumento ng mga pagbabago.
7
Bahagi ng pagsubaybay ang pagkolekta o pagtanggap ng mga maramihang datos at pag-aanalisa nito na pangunahing nagsusukat ng mga kaso o sitwasyon kaugnay sa mga internasyunal ng mga pamantayan o kalakaran.
8
9
PROBLEMA ?ARAL, IMBESTIGA, KOLEKTA, ANALISANG MGA IMPORMASYON
Halimbawa ng isang sitwasyon sa komunidad
10
• HALIMBAWA NG ISANG INDIBIDWAL NA KASO
ARAL, IMBESTIGA, KOLEKTA, ANALISA NG MGA IMPORMASYON
PROBLEMA?
11
Bakit kailangang subaybayan ang Karapatang Pantao
UDHR ICESCR CRCCEDAW
ICCPR
ICERD
Pagkain
Edukasyon
Kalusugan Pabahay
Paggawa
Naipapatupad ba ang mga Internasyunal na Batas sa lokal na kalagayan?
12
Layunin ng Pagsubaybay
Ang kalahatang layunin ng pagsubaybay ay upang tukuyin ang problema sa isang sitwasyon o kaso at gumawa ng mga hakbang para mabigyang lunas ang sitwasyon.
13
Tiyak na mga layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao:
a. Tulungan ang gobyerno sa pag-aplay ng internasyunal na mga pamantayan.
b. Itulak ang gobyerno sa pagsang-ayun at pagpapatupad ng mga internasyunal na pamantayan.
c. Magkapagsagawa ng mga legal na aksyon tulad ng pagsasampa ng kaso sa korte.
14
Tiyak na mga layunin ng pagsubaybay sa karapatang pantao:
d. Makapagsagawa ng iba pang aksyon tulad ng pagkondena at kampanyang publiko na may layuning pilitin ang pamahalaan o magpataas ng pampublikong kamalayan.
e. Upang makatulong sa mga biktima.
f. Makapagbigay ng paunang babala sa mga lugar na may namumuong sigalot.
15
Lawak ng Pagsubaybay
Nakabatay sa misyon o bisyon, o kakayanan ng isang organisasyon; maaaring maramihang karapatan o tiyak na mga karapatan lamang ang subaybayan.
Kinaugalian na, na ang sakop ng gawaing pagsubaybay ay nakatuon sa mga gobyerno na nakatali sa mga internasyunal na mga kasunduan na magrespeto at magpalaganap ng mga karapatang pantao.
16
Mga taga-subaybay
TREATY BASEDCOMMITTEES
REGIONAL
SPECIAL AGENCIES
HUMAN RIGHTS COUNCIL
NATIONAL HUMAN RIGHTS
COUNCILNGO
UNITED NATIONS
SPECIAL RAPPORTEUR/ REPRESENTATTIVE/working
group
17
Umiiral na Internasyunal at Lokal na Pamantayan Bilang Balangkas ng Pagsubaybay
UDHRICESCR CRC CEDAW
ICCPR
ICERD
CARL-1988
1987 PHIL. CONSTITUTION
IPRA 1997
Pagkain
Edukasyon
Kalusugan
Pabahay
Paggawa
Price Act NHA-1992
LABOR CODE OF THE PHIL
CHEAPER MEDICINE ACT
GOVERNANCE OF BASIC EDUCATION ACT
18
Umiiral na Internasyunal at Lokal na Pamantayan Bilang Balangkas ng Pagsubaybay
ICESCR ICCPR
UDHR
RIO DECLARATION ON ENVIRONMENT
AND DEVT-1992
UNDRD-1986
1987 PHIL CONSTITUTION
IPRA
KAUNLARAN
PAKIKILAHOK
SARILING PAGPAPASIYA IMPORMASYON
LUPAING NINUNO
MASIGLA AT MAAYOS NA KAPALIGIRAN
MABUHAY, KALAYAAN AT SEGURIDAD
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
SAPAT AT MAAYOS NA PAMUMUHAY
MAKATARUNGAN AT MABUTINGKALAGAYAN NG PAGGAWA
KARAPATANSA EPEKTIBONG REMEDYO
UNDRIP
19
2 Uri ng Pagsubaybay sa Karapatang Pantao
• Pagsubaybay sa Sitwasyon
• Pagsubaybay sa Kaso
20
Pagsubaybay sa Sitwasyon
1. Pagsubaybay sa kalagayan ng karapatang pantao sa mga komunidad.
21
Pagsubaybay sa Sitwasyon
2. Pagsubaybay sa paglabag sa karapatang pantao
22
Pagsubaybay sa Sitwasyon
3. Pagsubaybay sa paggawa at pagpapasa ng mga batas
23
Pagsubaybay sa Sitwasyon
4. Pagsubaybay sa pagsasakatuparan ng mga batas at patakaran
24
Pagsubaybay sa Sitwasyon
5. Pagsubaybay sa pagtatayo at pagsulong ng mga institusyong pangkarapatang pantao.
25
Pagsubaybay sa Kaso
1. Pagsubaybay sa legal na proseso na pinagdadaanan ng isang kaso.
2. Pagsubaybay sa mga serbisyong relip at rehabilitasyon na ibinibigay sa isang kliyente
3. Pagsubaybay sa iba pang anyo ng pakikialam sa isang kaso.
26
Daanan (approach) ng pagsubaybay sa karapatang pantao
1. “Paglabag” o “Pangyayari”
27
2. “Progresibong Pagkakamit” o “Palatandaan”
Adequate Health
Internasyunal na Pamantayan: pagbawas ng still-birth at infant mortality rate;at malusog na pag-unlad ng bata
2005 2006 2007 2008
Obligasyon ng Gobyerno
1. Magpatayo ng klinikang pambata at klinika sa panganganak sa mga barangay ng bayan ng A
•Target- bilang ng mga klinika 25% 50% 100%
Palatandaan:
• may programa sa pagtatayo ng mga klinika …
• Bilang ng naitayong mga klinika.
• Iba pa
Wala
wala
meron
25%meron
50%meron
100%
28
Halimbawa: Pamantayan – Karapatan
sa sariling pagpapasya.
Obligasyon ng Gobyerno– Paggalang sa karapatan ng mga katutubo.
Palatandaan – 1. Self-governed
ancestral domain.2. Use of own system of
governance;justice3. Preservation of
habitats and culture.
29
Paraan ng pagsubaybay sa karapatang pantao
• Fact-Finding• Paggamit ng standard format, kontroladong
bokabularyo at data base• Sarbey• Pag-analisa ng badyet• Pag-analisa ng mga batas
30
Fact-finding ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon upang tukuyin ang mga paglabag sa karapatang pantao. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng interbyu at pagkolekta ng iba pang pinanggagalingan ng impormasyon sa mga tiyak na kaso ng paglabag sa karapatang pantao.
31
Ang paggamit ng standard format at isang sistema ng kontroladong mga bokabularyo, at paglikha ng database, ay nakakatulong sa pagbuo ng mga impormasyon kaugnay sa karapatang pantao sa isang paraan na madaling ibahagi , maunawaan at magamit ng ibang grupo na maaaring makatulong sa pagpapahinto ng mga paglabag.
32
• Survey - isang paraan ng pagkalap ng datos kaugnay sa kasalukuyang mga kalagayan. Ang paraan ay nakatuon sa pagtitiyak ng mga kalagayan na nangingibabaw sa isang grupo ng mga kaso na pinili para pag-aralan at isang kantitatibong paraan ng pagsasalarawan ng pangkalahatang katangian ng grupo.
33
Pag-analisa ng mga batas-
• Sakop ang pag-aaral ng mga batas ng bansa at pag-analisa kung into ay umaayon sa mga internasyunal na pamantayan.
• Pag-eksamen sa mga ulat kung paano aktwal na ipinatupad ang mga batas, patakaran, programa at plano.
• Pag-aaral sa mga desisyon ng korte.
• Pagmanman sa progreso ng komisyon ng karapatang pantao at sa pagsasanay ng mga opisyales ng gobyerno sa mga prinsipiyo ng karapatang pantao. (Huridoccs)
34
Pag-analisa ng Badyet - • Pag-aaral kung paano ang pambansang badyet
ay inilalaan o binabahagi. Ang Badyet ay hindi lamang mga dokumentong pampinansya, kundi nagpapakita ito ng mga prayoridad ng gobyerno at sumasalamin kung paano nila ninanais o di ninanais na protektahan at tugunan ang mga karapatang ekonomiko, sosyal at kultural ng kanilang mga mamamayan.
35
Produkto ng Pagsubaybay
• Kung ang mga impormasyon mula sa pagsubaybay ay nakalap, naproseso at na-analisa, ano ngayon ang gagawin dito?
• Mga Ulat - Ito ang pangunahing produkto ng gawaing pagsubaybay. Ang karaniwang anyo nito ay ang ulat ng sitwasyon.
36
Inaasahang Resulta
• Ang mga ulat ay hindi ang pinakamithiin ng pagsubaybay sa karapatang pantao. Ito ay isa lamang instrumento. Ang inaasahang mga resulta ay mga kongkretong aksyon tulad ng: pagbibigay ng kagyat na tulong sa mga biktima, pahahanap ng katarungan para sa kanila, pagtulong para sa kanilang rehabilitasyon at makagawa ng legal na aksyon.
37
Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
• Katumpakan, Walang-Kinikilingan at Kumpidensyal
• Ang pagbabago sa opinyon at pananaw ng publiko at sa kilos at ugali ng mga awtoridad ay higit na posible kung ang nagtutulak ay mula sa isang tumpak at walang-kiling na pananaliksik. (Ukwele)
38
Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
• Ang mga taga-bantay ay dapat magpakita na wala silang pinapanigang partido o grupo, hiwalay sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao.
• Ang kawalang-kinikilingan ay nangangahulugan din ng pantay na pagtrato sa mga biktima kahit anuman ang kanyang pulitika, nasyonalidad, relihiyon, kasarian, grupo o uri.
• ctivities of opposition groups.
• All violations should be reported, regardless of who committed them. •
39
Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
• Ang mga taga-subaybay ay kailangang seryosong analisahin at beripikahin ang mga datos at gumamit ng malawak na pinagkukunan ng impormasyon upang mapag-aralan ang katotohanan ng mga ito. Dapat malinaw na mapag-iba ang katunayan, alegasyon, haka-haka, tsismis. Ang mga kongklusyon ay dapat suportado ng ebidensya.
• Ang pagiging lihim ay napakahalaga upang maprotektahan ang mga tao na nagbigay ng mga impormasyon. Maging ang paglilimbag ng mga anonimos na impormasyon ay kailangan meron pa ring pagsang-ayon ng taong nagbigay nito.
40
Mga Prinsipiyo/Panuntunan sa Pagsubaybay
• Ang mga taga-bantay ay dapat maingat na nag-aaral ng partikular na mga sitwasyon at mga panganib bago sila lumantad sa publiko.
• Ang mga tagapagtanggol ng karapatan ay dapat mulat sa taglay na panganib ng kanilang gawain at gumawa ng mga hakbang para protektahan ang kanilang seguridad at ng mga taong pinagkukunan nila ng impormasyon.(Bagre & Clark)
41
DOKUMENTASYON
Ang dokumentasyon ay isang elemento ng pagsubaybay at tumutukoy sa isang proseso ng pagtatala ng mga impormasyon o sa isang proseso ng pangangalap at pag-oorganisa ng mga dokumento.
42
Mga Layunin ng Dokumentasyon ng Karapatang Pantao
1. Edukasyon at promosyon ng karapatang pantao
43
2. Tuwirang tulong sa mga biktima
44
3. Paghanap ng katarungan at kalutasan
45
4. Lokal at internasyonal na adbokasiya
46
5. Makagawa ng mga lokal na pamantayan o palatandaan
6. Makapaghanda ng mga ulat ng mga sitwasyon at ulat sa karapatang pantao
47
7. M akapag-lobby
48
8. Makagawa ng makasaysayang mga tala
49
SINO ANG MAGSASAGAWA NG DOKUMENTASYON?
• Mamamayang tuwirang apektado ng isyu. Sila, ang mga nasaktan, nalagay sa panganib o negatibong naapektuhan ng isang problema o aksyon ang dapat magdokumento ng bawat detalye ng kanilang karanasan. Ang ganung mga detalye ang maaaring magkapagbigay ng nakakakumbinsing suporta para sa isang aksyon, reklamo,adbokasiya o lobby.
50
SINO ANG MAGSASAGAWA NG DOKUMENTASYON?
• Mga lider-komunidad o iba pang mga respetadong tao. Ang inyong dokumentasyon ay madadagdagan ng lakas at kredibilidad kung ang iba dito ay nagmula sa mga tao sa komunidad na kinikilala ng lahat.
• Mga eksperto, tagapagtaguyod at suportang mga organisasyon. May nakikita ang mga eksperto na maaaring hindi ninyo iniisip na hanapin o hindi maunawaan kung bakit mahalaga ang isang partikular na pamamaraan.
51
2. Uri ng Dokumentasyon
1. Tipong Library – saklaw ang pangangalap ng mga dokumento
52
2. Pagdodokumento ng mga pangyayari – saklaw ang pagtatala ng mga impormasyon kaugnay sa nangyayari o nakaraang mga pangyayari
53
Tips:
• Ang pangangalap ng datos ay sumasaklaw sa pangagalap ng mga dokumento; obserbasyon; interbyu; inspeksyon ng lugar at pagtatala ng mga impormasyon, atbp. Ang dokumentasyon ay bahagi ng isang buong proseso ng pangangalap ng datos. Ito ay akto ng pangungulekta at pag-oorganisa ng mga dokumento at aktwal na pagtatala ng mga impormasyon batay sa mga dokumento, interbyu, obserbasyon, inspeksyon ng lugar o repleksyon upang makabuo ng bagong dokumento.
54
Mga Elemento ng Sistema ng Pagsubaybay at Pagdokumento sa
Karapatang Pantao• Istruktura• Pinagkukunan (Resources) - tao: (field documentor, encoders/data
processors/report writers)-technical: tools and instruments,
equipments (recorders, atbp.)-finances and finance
management/budgeting• Network• Monitoring and documentation agenda
(objectives and processes)
55
Summary o Pagbubuod
56
INTERNASYUNAL NABATAS SA KARAPATANG
PANTAO
IBA PANG INTERNASYUNAL NA
KASUNDUAN/DEKLARASYON
KONSTITUSYONLOKAL NA
MGA BATAS
ngos
United Nations
National
Regional
57
• Salamat po!