4
Pagsulat - Makrong Kasanayang Pangwika - Isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. - Isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan. - Isang proseso na nagsisimula muna sa isip bilang idea o karanasan bago aktwal na itala ng lapis o bolpen o makinilya sa papel o ng kompyuter sa memorya nito sa tamang panahon at lugar para maibahagi sa iba. Mga Layunin ng Pagsulat: 1. Makapagbigay-impormasyon 2. Makapanghikayat 3. Makapagbigay-lugod 3.1 Komikal 3.2 Sensuwal 3.3 Inspirasyonal 4. Makapagpahayag ng sarili Iba’t ibang Anyo ng Pagsulat: 1. Deskriptibong Pagsulat 2. Ekspositoring Pagsulat 3. Naratibong Pagsulat Mga Hakbang sa Proseso ng Pagsulat: Bago magsulat: Pagpili ng paksa at pagsasaliksik ng mga impormasyon upang mapalawak ang kaalaman ukol sa paksa. Pagpaplano sa pamamagitan ng pagbabalangkas. Pagsaalang-alang sa metodo o pamamaraan ng pagtatalakay. Pagsulat ng Borador o Raf Draft Ilang mga tips sa paggawa ng Raf Draft: Sumulat nang parang nakikipag- usap lamang Alamin ang paksa Maging matapat sa sarili Kasiyahan ang pagsusulat Panatagin ang loob Pagrerevisa Ilang mungkahi sa pagrerevisa Iwasan nang magdagdag pa ng mga bagong impormasyon Kaltasin ang mga di kinakailangang katibayan at detalye Ilagay lamang yaong mga impormasyong pinakaposible Ilagay ang bawat bahagi sa dapat kalagyan Di kailangang pamuli pang isulat ang buong komposisyon, yaong kaunting kinakailangan lamang Pag-i-edit at Pagwawastong-basa: Pinakahuling hakbang na dapat isakatuparan para maging ganap ang proseso ng pagsulat

Pagsulat

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Hand-out in Fili101

Citation preview

Page 1: Pagsulat

Pagsulat

- Makrong Kasanayang Pangwika

- Isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo.

- Isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

- Isang proseso na nagsisimula muna sa isip bilang idea o karanasan bago aktwal na itala ng lapis o bolpen o makinilya sa papel o ng kompyuter sa memorya nito sa tamang panahon at lugar para maibahagi sa iba.

Mga Layunin ng Pagsulat:

1. Makapagbigay-impormasyon 2. Makapanghikayat 3. Makapagbigay-lugod

3.1 Komikal 3.2 Sensuwal 3.3 Inspirasyonal

4. Makapagpahayag ng sarili

Iba’t ibang Anyo ng Pagsulat:

1. Deskriptibong Pagsulat 2. Ekspositoring Pagsulat 3. Naratibong Pagsulat

Mga Hakbang sa Proseso ng Pagsulat:

Bago magsulat: Pagpili ng paksa at pagsasaliksik ng

mga impormasyon upang mapalawak ang kaalaman ukol sa paksa.

Pagpaplano sa pamamagitan ng pagbabalangkas.

Pagsaalang-alang sa metodo o pamamaraan ng pagtatalakay.

Pagsulat ng Borador o Raf Draft

Ilang mga tips sa paggawa ng Raf Draft: Sumulat nang parang nakikipag-

usap lamang Alamin ang paksa Maging matapat sa sarili Kasiyahan ang pagsusulat Panatagin ang loob Pagrerevisa Ilang mungkahi sa pagrerevisa Iwasan nang magdagdag pa ng

mga bagong impormasyon Kaltasin ang mga di kinakailangang

katibayan at detalye Ilagay lamang yaong mga

impormasyong pinakaposible Ilagay ang bawat bahagi sa dapat

kalagyan Di kailangang pamuli pang isulat

ang buong komposisyon, yaong kaunting kinakailangan lamang

Pag-i-edit at Pagwawastong-basa: Pinakahuling hakbang na dapat

isakatuparan para maging ganap ang proseso ng pagsulat

Pag-i-edit Pagtama sa mga naging kamalian

sa gramar at sa mekaniks gaya ng mga bantas, malalaking titik, at ispeling

Ipinapabasa sa mga taong inaakalang may sapat na kaalaman sa pagsulat na makakapayo o makapagbibigay–opinyon tungkol sa manuskrito

*manuskrito: tawag sa final na kopya, kadalasang makinilyado na ito.

Page 2: Pagsulat

Pagwawastong-basa o Proofreading Masingsinang pagbasa sa final na

kopya ng manuskrito upang makatiyak sa kanlinisan nito

Ginagamitan ng masisimbolong pananda o pangmarka

Elemento sa Pagsulat Ang Pagtatalata Kayarian ng Alinmang Sulatin Ang isang sulatin ay binubuo ng

paksang pangungusap at ng mga talata

Paksang Pangungusap Nagsasaad ng pangunahing

kaisipan o ng pinakadiwa ng talata na agarang ipinapakita o tahasang ipinapahiwatig ng may-akda sa mambabasa

Dalawang Uri ng Paksang Pangungusap:

Lantad: ang paksa kung saan unang tingin pa lamang ay nakikita o napapansin na ng mambabasa

Di-Lantad: ang paksa ay padetalyeng ipinahihiwatig lamang

Talata - Isang pangungusap na nagsasaad ng isang buong diwa.

- Mga lipon ng pangungusap na ang bawat inihahayag na kaisipan ay nafofokus sa pagbuo ng isang diwa

Mga Uri ng Talata :

Panimulang Talata- Dito nakikita ang paksa ng talata

at ang layunin ng may akda

Talatang Ganap Talatanag Paglilipat-diwa

- Tangkang lagumin ang diwa ng mga sinusundang talata o nagsisilbing tagapag-ugnay ito ng

mga sinusundang at ng sumusunod pa.

Talatang Pabuod- Tawag sa pangwakas na talata

Mga dapat tandaan sa Pagbuo ng isang Talata:

1. Simulang makatawag pansin ang talata

2. May isang paksang pangungusap dapat sa bawat talata

3. Bawat pangungusap sa talata ay tumutulong sa pagpapaliwanag sa paksang panugnusap

4. Ayusin sa lohikal na pagkakasunud-sunod ang mga pangungusap

5. Mabisang iklian lamang ang mga pangungusap para madaling malinawan

6. Tapusin ang talata sa efektibong pamamaraan din

Kahilingan ng isang mabuting Talata: Kaisahan Kakipilan Imfasis Mga Uri ng Sulatin Personal na Sulatin

Hindi sinasaklaw ng anumang kumbensyong pampagsusulat kaya naman kinaiinteresan tangkaing sulatin ito ng mga kabataanIlang mga halimbawa

Talaarawan o diary Jornal Alaala o memoir Liham Pangkaibigan Personal na sanaysay atbp

Transaksyunal na Sulatin

- Isang komunikatibong aktibidad

- May kumbensyong dapat sundin ang pagsasagawa ng mga ito na ginagabayan ng edukasyon

Page 3: Pagsulat

- Nakabalangkas ang kabuuang kaayusan

- Formal ang karaniwang mateknikal na rejister

- Pili ang eksikyusyon at direkta sa puntong modo

- Obhektibo ang pananaw

Ilang mga halimbawa ng Transaksyunal na Sulatin:

Liham-pangangalakal Memo Minits ng mga miting Instruksyon o panuto Ulat Mga patakaran at tuntunin Proposal Plano Patalastas Balita

Ang Malikhaing Sulatin

- Makasining ang anyo ng mga sulatin

Ginagamitan ng:- Matayog sa guniguni - Mapamaraang pag-iistruktura- Maiistilong paggamit ng wika- Ilang mga halimbawa ng jenrang

panliteratura

o Ang mga di-fiksyon (Tula, Awtobayografiya, Bayografi)

o Ang mga fiksyon (mga Kwentong-bayan)

Mga Tip sa Mabisang Pagsulat 1. Napapanahon ang ideya 2. Orihinal na estilo

3. Organisadong ideya 4. Malinaw na layunin sa pagsulat 5. Payak at simpleng salita 6. Gumamit ng bullet sa mga tiyak na

ideya 7. Isaalang-alang ang awdiyens

(edad, edukasyon, propesyon,kasarian,

relihiyon, gawi, interes atbp.)

MGA DAPAT IWASAN!1. Iwasang maging maligoy.2. Iwasan ang jargon o

espesyalisadong salita.3. Iwasan ang paggamit ng cliches’ o

gasgas na paliwanag.4. Iwasan ang maling baybay

o maling gramatika.