9

Pagsulat Ng Isports

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsulat ng Isports

Citation preview

Page 1: Pagsulat Ng Isports
Page 2: Pagsulat Ng Isports

1. Pamatnubay- sumasagot sa tanong na: Sinong nanalo? Kanino? Anong iskor/ round/ oras/ set/paraan?Kailan? Saan? Kahalagahan ng laro : championship, final slot, paghihiganti sa natalong naunang laban?

Page 3: Pagsulat Ng Isports

2. Pansuportang talata- naglalarawan paano nilaro ang laban at paano natapos.

3. Katawan ng Balita- magpokus sa yugto ng pagkapanalo, mga tuwirang sabi ng coach at best player, pinakamahusay na bahagi / laban ng natalong koponan, ilarawan paano sinamsan ng nanalong pangkat ang ang laban hanggang maipanalo ito.

Page 4: Pagsulat Ng Isports

4. Kongklusyon- maaring tahasang sabi sa pinakamahusay na manlalaro o sa coach ng nanalong laro o pagbabalita sa susunod na laban.

Page 5: Pagsulat Ng Isports

• Ateneo De Manila University tinalo ang De La Salle University kahapon.

• Ginanap ang laban sa Araneta coliseum sa iskor na 69-61 para saGame 1 ng Best-of -Three Finals ng 71st UAAP Men’s Basketball Tournament.

• Ang susunod na laban ay sa Huwebes gaganapin sa parehong lugar.

• Ayon kay Coach Franz Pumaren, “ We were down but we’re not out.” Babalik kami sa Thursday para makakuha ng panalo.

• Sinabi naman ni Coach Norman Black na sisiguruhin niyang makuha ang kampeonato sa game two. Dinagdag pa nito na hanga siya sa determinasyong manalo sa kanyang mga players na hindi kinabahan nang magtangkang humabol ang DLSU.

• Base sa mga iskor ng mga player, bumuo ng kapana-panabik na balita.

• ADMU- Al-Hussaini 31 points, Buenafe 12, Reyes 12, Baclao 5, Long 3, Tiu 2, Salamat 2,

• DLSU- Casio 20, Maierhofer 17, Malabes 6, Barua 6, Mangahas 5, Revilla 3, Villanueva 2, Ferdinand 2.

• Iskor ng bawat querter: 15-12, 36-29, 55-45,69-61.

Page 6: Pagsulat Ng Isports

A. PAUNANG BALITA ( Advance News)• nagbabalita ng napipintong labanan• naglalaman ng nakaraang paglalaban ng bawat

koponan at mga manlalaro.- gaya ng kanilang kakayahan at kahinaan- na maaring saligan upang hulaaan ang magiging

kalabasan ng laban.Sa pagsulat ng paunang balita , karaniwang isinasama ang mga sumusunod.

1. Kahalagahan ng laro2. Kasaysayana ng laro3. Mga manlalaro

Page 7: Pagsulat Ng Isports

4. Kahinaan ng bawat manlalaro o koponan sa nakaraan na laro5. Kalagayang pisikal ng manlalaro6. Paraan ng paglalaro sa bawat panig7. Pook at kapaligiran 8. Tinatayang manonood9. Manlalarong nakakalamang

Page 8: Pagsulat Ng Isports

B. Kasalukuyang Balita ( Actual Coverage)•naglalahad ng nagaganap na laroNaglalaman ito ng mahalagang ulat tulad ng:1.Kinalabasan ng iskor. Sino ang nanalo? Ilang ang iskor ng bawat koponan? Nagkaroon ba ng kaguluhan? Nagkaroon ba ng patas (tie)?2.Kahalagahan ng kinalabasan. Sinong nagkamit ng tropeo?3.Natatanging laro. Bakit nagwagi ang koponan? Banggitin ang huling sandali ng garambolahan.4.Paghahambing ng koponan o manlalaro. Sa anong bahagi ng paglalaro nakakalamang ang mga nagwagi?5.Natatanging Manlalaro o Tampok ng manlalaro. Sino ang nagdala ng koponan upang manalo.? Paano niya ito ginawa?6.Kalagayan ng panahon7.Manonood at Pagdiriwang. Magulo ba ang mga manonood?

Page 9: Pagsulat Ng Isports

umarangkada, tumipak, sinelyuhan, pinagharian, dinomina, malakidlat, binomba, sumabak, natudla, naiposte, giniba, nasikwat, nakopo, naikamada, naibulsa, nasungkit, di natinag, nalusutan, naligtasan, naungusan, pinitik, kinapos, dinurog, niyanig, inilampaso, pinabagsak,pinulbos, pinatumba,tinambakan, pinayuko.