10
Victorio C. Edades Si Victorio C. Edades (1895–1995) ay ginawaran ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal noong 1976 dahil sa kaniyang pambihirang ambag sa larangan ng pagpipinta at pagguhit ng mga larawan Juan Luna Si Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Painters n Artists

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Painters n Artists

Citation preview

Page 1: Painters n Artists

Victorio C. EdadesSi Victorio C. Edades (1895–1995) ay ginawaran ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining para 

sa Sining Biswal noong 1976 dahil sa kaniyang pambihirang ambag sa larangan ng pagpipinta at pagguhit ng mga larawan

Juan LunaSi Juan Luna y Novicio (23 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) ay isang Pilipinong pintor at bayani. 

Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Page 2: Painters n Artists

Fernando AmorsoloSi Fernando Cueto Amorsolo (30 Mayo 1892- 26 Febrero 1972) ay isa sa pinakakilalang

Pilipinong pintor at ang unang Pambansang Alagad ng Sining ngPilipinas. Kilala siya para sa kanyang mga dibuho na pinapakita ang kaggandahan ng Pilipinas, lalo na ng mga babaeng Pilipina.

Jose JoyaSi Jose Tanig Joya (1931-1995) ay isa sa mga Pilipinong pintor na naunang gumawa ng abstrak na mga dibuho. Noong 2003, isa siya sa ginawaran ng titulongPambansang Alagad ng Sining.

Page 3: Painters n Artists

 

                    Nakawalang Manok People Power Monument

Eduardo CastrilloEduardo Castrillo (ipinanganak Oktubre 31, 1942) ay isang batikang iskultor na Pilipino. Siya ay isinilang sa Santa Ana, Maynila, ang pinakabata sa limang mga anak ni Santiago Silva Castrillo, isang mag-aalahas, at Magdalena De Los Santos, isang nangungunang artista sa Zarzuelas at Mahal na Araw Pageant sa Makati, Pilipinas. Castrillo ng Republic Cultural Heritage awardee. Siya ay isa ring alahas artist at designer.

Napoleon AbuevaSi Napoleon Veloso Abueva, sa gulang na 46, ang

pinakabatang Pilipino na nakatanggap ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining. Siya rin ay kilala bilang Ama ng Makabagong Iskultura sa Pilipinas. Nagamit na niya halos lahat ang iba't ibang uri ng materyal, mula sa matigas na kahoy (molave, acacia, langka, ipil, kamagong at kawayan) hanggang adobe, metal, bakal, semento, marmol, tanso, atbp.

Pinagmulan at Edukasyon

Ipinanganak siya noong 26 Enero 1930 sa Bohol at supling nina Teodora Abueva at Purificacion Veloso. Siya ay ikinasal kay Sergia Valles kung saan siya ay may tatlong anak, isa na rito si Mulawin na isa ring iskultor.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1953; at nagkamit ng Master of Fine Arts sa

Cranbrook Academy, Michigan, sa Estados Unidos ng Amerik

Page 4: Painters n Artists

                 Oblation Bonifacio Shrine

Guillermo TolentinoSi Guillermo Estrella Tolentino (1890-1976), isang guro at eskultor, ay Pambansang Alagad ng

Sining sa Eskultura ng Pilipinas. Makikita sa kanyang mga gawa ang pagiging makabayan dahil na rin sa isa siyang tagahanga ni Rizal.

Buhay

Ipinanganak si Tolentino noong 24 Hulyo 1890 sa Malolos, Bulakan at supling nina Isidro Tolentino at Balbina Estrella. Si Mrs. H. A. Bordner ang unang nagturo sa kanya na gumuhit sa Malolos Intermediate School.

Nagtapos siya sa Manila High School at natamo ang kanyang Batsilyer sa Sining sa fine arts sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong 1915. Nagpunta siya sa Estados Unidos noong 1919 at doon, nag-aral siya sa ilalim ng isang scholarship sa Beaux Arts School sa New York. Matapos niyang makumpleto ang kanyang kurso sa Beaux Arts, lumipad naman siya patungong Europa kung saan pumasok siya sa Regge Instituto di Belle Arti.

Naging propesor siya sa UP School of Fine Arts noong 1926 at kinalaunan ay naging kalihim at direktor ng unibersidad.

Page 5: Painters n Artists

MichaelangeloMichelangelo (buong pangalan Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni) (Marso 6, 1475 - Pebrero 18, 1564) ay isang eskultor,arkitekto, pintor, at manunula noong Renaissance.

Naging kilala si Michelangelo sa paggawa ng fresco sa Kapilya ng Sistine, gayon din sa Huling Paghuhusga sa altar nito, at "Ang Pagkamartir ni San Pedro" at "Ang Pagbabagong-loob ni San Pablo" sa Cappella Paolina sa Batikano. Kabilang ang David at ang Piyeta, gayon din ang Birhen, Bacchus, Moises,

Rachel, Leah, at kasapi ng pamilyang Medici sa kanyang mga eskultura. Dinisenyo rin niya simboryo ng Basilika ni San Pedro.

Pablo PicassoSi Pablo Ruiz Picasso (25 Oktubre 1881

sa Málaga, Espanya – 8 Abril 1973) ay isang Kastilang pintor at eskultor. Isa sa mga

kinikilalang alagad ng sining ng ika-20 siglo, siya ang kilalang kasamang nagtatag, kabilang si Georges

Braque, ng cubism.

Salvador DaliIsang Spanish surrealist na pintor,

iskultor at manunulat.

Page 6: Painters n Artists

Leonardo Da VinciSi Leonardo da Vinci (Vinci, Italya, 15 Abril 1452 – 2 Mayo 1519, Cloux, Pransiya), na may kahulugang Leonardo ng Vinci, ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, embalsamadormusikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor,heometro, at pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.

Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam ang kanyang apelyido, "mula sa Vinci" ang ibig sabihin ng "da Vinci" — naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at iba pa. Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci". Tanyag si Leonardo sa kanyang mga pintura, katulad ng Mona Lisa atThe Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensiyang guhit katulad ng Vitruvian Man. Nagdisenyo siya ng mga imbensiyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya, katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, at calculator, atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay. Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral saanatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil. Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pintura niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksiyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda.

Mga Antigog Bagay

Bahay

Vigan Century Old Houses

Page 7: Painters n Artists

Ideneklara ng UNESCO bilang isang Pamanang Lugar sa Buong Mundo (World Heritage Site) Makikita sa Vigan, Ilocos Sur Tanyag dahil sa ‘Century Old houses” at pinakamatagal na kastilang siyudad na nanatiling ayos pa sa bansa.

Simbahan San Agustin Church (World Heritage Site)Kilala bilang Our lady of Mt. Carmel Parish, Isang simbahang katoliko na itinayo noong 1630 sa Malolos City, Bulacan. Ang iglesia ay naging tanyag para sa kanyang 'kumplikadong kisame at dingding at para sa pagiging commemorated sa perang sampung piso. Naging saksi ang simbahan para sa mahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng panunumpa ni Gen. Emilio Aguinaldo bilang Unang pangulo ng Republika ng Pilipinas at Joseph E. Estrada bilang ika – 13 pangulo ng bansa

BagayManunggul Jar

Natagpuan sa kweba ng Manunggul, Lipuun, Palawan noong 1960 at tinatayang may 890 – 710 taon bago kay Kristo ang tagal. 

Ito ay isang uri ng banga na ginagamit sa paglilibing.Sa itaas na bahagi ng palayok at sa takip nito ay may nakaukit na guhit na

kumokurba at pininturahan ng hematayt. Nakapatong sa takip ang isang bangka lulan ang dalawang tao - dalawang kaluluwang

naglalakbay patungo sa kabilang buhay. Ang bangkero ay nakaupo sa likuran ng taong nakakrus ang mga kamay sa dibdib. Ang ayos ng mga kamay ay isang kaugaliang Pilipino na ginagawa sa mga namatay. Ang bangang ito ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Pilipino sa buhay na walang hanggan.

PaaralanUnibersidad ng Sto.

Tomas

Page 8: Painters n Artists

Ang Unibersidad ng Santo Tomas (dinadaglat bilang UST),[1] na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas (Universidad de Santo Tomás) at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, O.P., Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas de Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Inocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.

Ang buong pangalan ng pamantasan ay "Ang Pontipikal at Maharlikang Unibersidad ng Santo Tomas, ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas". Ipinagkaloob ni Carlos III ng Espanya sa pamantasan ang titulong "Maharlikang Pamantasan" dahil sa ipinamalas na katapangan at katapatan ng pangasiwaan at mga estudyante laban sa paglusob ng mga kawal ng Inglatera sa Maynila. Iginawad niLeón XIII sa pamantasan ang titulong "Pontipikal na Pamantasan" sa taong 1902 at ipinagkaloob naman ni Pío XII dito ang titulong "Ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas" sa taong 1974.

Ang Unibersidad of Santo Tomas ay ang pinakamalaking pamantasang Katoliko sa buong mundo sa bilang ng mga mag-aaral sa isang kampus.