Upload
patricia-joie-clamonte
View
699
Download
78
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Parusang Kamatayan:
Isang Katarungan o Kasalanan?
INIHARAP NI:
Patricia Joie M. Clamonte
CAS-22
Kay:
Gng. Merlinda Cumbe
Marso 6, 2012
Unibersidad ng Araullo – PEN
Cabanatuan City
1 | P a g e
INTRODUKSYON
Kilala ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang nakasentro sa paniniwala sa
Diyos at pagsunod s autos nito. Ngunit sa kabila nito hindi pa rin maiiwasan ang mga karumal
dumal na krimeng gawa ng mga taong walang takot sa Diyos at sa batas, mga krimeng
kinabibilangan ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba. Ang bawat
krimeng ito ay may katumbas na kaparusahan kung saan ang sintensyang pagpatay ang
pinakamalupit na kaparusahan. Ilang taon lang ang nakalipas ng ang batas sa pagpatay ay
patayin, ipinawalang bisa.
Ang pagbalik sa batas na ito ay muli na namang umalingawngaw kamakailan lang,
marami nanamang isyu at usapan ang nagkalat. Ang balita ukol rito ay siya mong maririnig sa
radio, makikita sa pahayagan at mapapanuod sa telibisyon. Isang malaking komosyan idinnulot
pag-asa sa mga naghahanap ng hustisya at kasawian sa mga nagkasala.
Ang Republic Act No. 7659 o mas kilala bilang ang Death Penalty Law, isang
kaparusahan na syang ipinapataw para sa mga taong nagkasala at lumabag sa batas,
pinakamataas na parusa na wala sinuman ang nagnanais. Ito’y isang sintensyang nalimot na sa
nagdaang panahon ngunit ngayo’y nais magbalik. Sa batas na kaya na ito malilinis an gating
bansa o wala lang ito sa mga criminal.
Sa muling pagalingawngaw ng parusang ito, maraming isyu ang bumulalas, mga panig
na may iba’t ibang pananaw ukol rito. Sa pananaliksik na ito hahanapin natin ang tunay na
kahulugan ng batas na ito, ang sintensyang kamatayan. Katarungan nga ba ang dulot nito para sa
mga naghahanap ng hustisya, paglabag sa karapatang pantao o isang kasalanan sa mata ng Diyos.
2 | P a g e
LAYUNIN
Pangunahing Layunin
Malaman ang pananaw ng mamamayan ukol sa sintensyang kamatayan.
Tiyak na Layunin
1. Mailahad ang kahulugan at kasaysayan ng sintensyang kamatayan sa ating
bansa.
2. Alamin ang pangunahing dahilan ng sintensyang kamatayan gayun din
ang mga pangunahing pagtaliwas rito.
3. Alamin ang panig ng mga pangunahing sangkot sa isyu ng pagbabalik ng
sintensyang kamatayan.
a. Ang simbahan
b. Ang pamahalaan
c. Ang mga naghahanap ng hustisya
d. Ang isang ordinaryong mamamayan
4. Alamin kung ano nga bang pananaw ukol dito ang nakakalamang dulot
nga ba nito’y katarungan o isang kasalanan.
3 | P a g e
REPRESENTASYON NG DATOS
Kahulugan
Ang Republic Act No 7659, ang parusa ng kamatayan ay isang parusa para sa mga
krimen na kasuklam-suklam, matindi, at kamuhimuhi kung saan, ipinakita nila ang kasamaan,
kabangisan, kalupitan, at nakapangipangilabot na gawa kumpara sa karaniwang pamantayan ng
pamayanan at lubusang pag taliwas sa utos ng lipunan. ."Ang parusa ng kamatayan ay
isang malupit, walang halaga at mapanganib na kaparusahan para sa isang malubhang dahilan na
dumadaan sa prosesong pang hukuman.
Kasaysayan
Panahon ng Kastila (1521-1898)
• Ilan sa paraan ng parusang kamatayan na ginamit ng mga Kastila ay pagsunog,
pagpugot ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa.
• Sa Codigo Penal ng 1848, ipinataw ang sentensyang kamatayan sa mga Pilipinong tutol
sa pamamahala ng mga Kastila.
Panahon ng Amerikano (1989-1934)
• Ginamit ang parusang bitay sa kampanyang “pacification” ng mga Amerikano at upang
supilin ang mithiing pagsasarili ng mga Pilipino. Ipinasa ang Sedition Law, brigandage Act,
Reconcentration Act at Flag Law upang pagtibayin ang marahas na parusa, kabilang na ang
death penalty, sa mga makabayang Pilipino.
• Nang rebisahin ang Codigo Penal noong 1932, idinagdag sa lista ng capital offense
(mga krimeng mapaparusahan ng bitay) ang treason, parisidyo, pamimirata, kidnapping, murder,
panggagahasa at robbery with homicide.
4 | P a g e
Japanese Occupation (1941-1945)
• Walang nakatalang nabitay sa panahong ito dahil laganap naman ang extrajudicial na
pagpatay.
Pagkatapos ng Ikalawang Digma
• Idinagdag ang espionage sa mga krimeng may parusang bitay. Sa ilalim ng Anti-
Subversion Law, ang mga lider Komunista ay papatawan ng parusang kamatayan.
Presidente Marcos (1965-1986)
• Nadagdagan at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan, kabilang na ang
subersyon, arson, hijacking, Illegal fishing, cattle rustling, unlawful possession of firearms,atbp.
• “Deterrence” ang nagging opisyal na kadahilanan sa pagpataw ng death penalty. Ito rin
ang gagawing batayan
sa pagpataw ng Batas Militar noong 1972.
Presidente Corazon Aquino (1986-1992)
• Sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahat ng
sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong 1988, nagsimulang mag-
lobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para sa mga krimeng kaugnay ng insurgency.
Presidente Fidel Ramos (1993-1998)
• Bilang reaksyon sa mga krimeng “high-profile”, nagkarooon ng sapantahang tumataas
ang karumal- dumal na krimen.
• Ipinasa ang RA 7659 noong Disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing
tumataas na kriminalidad.
• 46 na krimen ang nakalista sa RA 7659 na maaring patawan ng kamatayan.
• Lethal injection ang magiging paraan ng sentensyang kamatayan.
5 | P a g e
Presidente Joseph Estrada (1998-2001)
• Sa harap ng malawakang kampanya laban sa death penalty, itinuloy ang pagpataw ng
parusa kay Leo Echegaray noong Pebrero 1999. Anim pang iba ang sumunod kay Echegaray.
• Noong 1999, kung kailan naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang
bilang ng krimen sa bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon.
• Nag-isyu ng de facto moratorium sa pagbitay si Presidente Estrada kaalinsabay sa
pagdaos ng Jubilee Year.
Presidente Gloria Arroyo (2001-2010)
• Sinabi ni Arroyo na hindi siya pabor sa parusang kamatayan.
• Dala ng tumataas na bilang ng krimeng may kaugnayan sa droga at kidnapping,
inanunsyo ni Arroyo na ibabalik niya ang pagbitay “para matakot ang mga kriminal.” Noong
Disyembre 5, 2003, tinanggal ni Arroyo ang moratorium sa bitay.
• Noong Hunyo 2006, nilagdaan ni Arroyo ang batas na nagpapawalang-bisa sa parusang
kamatayan.
• Noong Septyembre 2006 naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol
sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito
ang karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang
pagpataw ng parusang kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang lumagda sa
nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng death penalty.
Mga pangunahing pagsang-ayon sa sintensyang kamatayan
Ang pagkakakulong mayroong tatlo itong pangunahing dahilan, una ito ay naghihiwalay
sa cmga criminal sa mamayan para sa kaligtasan ng nakararami. Pangalawa, ito ay isang
kaparusahan at pangatlo ito ay isang rehabilitasyon para sa pagbabagong buhay ng mga criminal
6 | P a g e
sa kanilang paglaya. Ang lohika ng kaparusahang kamatayan rito ay ang kulungan ay para
lamang sa mga taong lalaya at ito ay hindi sa mga taong hindi na lalaya, kaya ang parusang
kamatayan ay para hindi na magtagal pa ang mga kriminal sa kulungan gayong hindi naman na
sila lalaya pa.
Kaligtasan, karaniwang ang mga taong naisasailalim sa kaparusahang ito ay mga biolente
inaasahang sila ay magdudulot lamang ng kaguluhan at pasakit sa kanilang mga kasama sa
kulungan.
Karapat dapat na kaparusahan, isa sa pinakasikat na kasabihan ay ang “mata sa mata at
ngipin sa ngipin” sa pagpataw ng kaparusahan ito ay isa ring matinding basehan kahit nung una
pa man. At pinaniniwalaan kung ano ang ginawang kasalanan ng isang criminal ay dapat rin
nyang tanggaping kaparusahan. Kung ito ay pumatay ay kamatayan rin nya ang kaparusahan.
Mga pangunahing pagtaliwas sa sintensyang kamatayan
Hindi makatao, ito ang pangunahing dahilan ng pagtaliwas sa sintensyang kamatayan.
Pinaniniwalaan ang pagpatay sa isang tao ay hindi makatao kahit ang papatayin any hindi
makatao.
Pagkakapantay, isinasaad na hindi mapagbabayaran ng kamatayan ang isa pang
kamatayan at hindi maitatama ang kasalanan ng isa pang kasalanan.
Maling hatol, may mga taong nahahatulan ng batas ng kamatayan para sa kasalanang
hindi naman nila ginawa, sa pagpataw na parusang kamatayan rito ito ay mamamatay ng wala
naman siyang kasalanan.
Karapatang pantao, sinasabing ang parusang kamatayan ay lumalabag sa karapatang
mabuhay ng isang tao. Ngunit wala namang saktong depinisyon ang karapatang pantao ito ay
nananatiling pinagtatalutalunan.
7 | P a g e
Panig ng mga sektor sa pagbabalik ng sintensyang kamatayan
Ang Simbahan
Ayon sa CBCP “Ang isang tao ay hindi lamang isang kasapi ng lipunan ito ay isang
miyembro ng isang buhay na katawan. Habang ang isang tao ay dapat mabuhay para sa ikabubuti
ng lipunan, ang lipunan ay umiiral upang isulong ang kagandahan ng isang indibidwal.
Ang isang tao ay may halaga sa kanyang sarili at sa mga layunin ng
lipunan Kaya, ang isang kriminal ay dapat tratuhin lamang tulad ng isang may sakit.” Sinabi rin
nila na ang mga nagtutulak sa sintensyang kamatayan naghahanap lamang ng madaliang
pagresolba ng mga krimen.
Sa panig ng mga relihiyoso, ipinaglalaban ng mga tagapaglunsad ng karapatang pantao
ang karapatan ng tao sa kanyang buhay. Mula nang ibalik ang parusang kamatayan sa sistema,
matatag na silang nagpahayag ng pagsalungat dito. Ayon sa kanila, sa pagbibitay, ang parating
nadedehado at madalas na napagbibintangan ay ang mga mahihirap, ang mga maliliit sa lipunan.
Ilan din sa kanila, ang naniniwalang lumilikha lamang ito ng isang ilusyong may ginagawa ang
pamahalaan sa lumalalang kriminalidad sa bansa, gayong pakitang-gilas lamang ito. Sapagkat sa
sistema, kung sino ang may kapangyarihan at nakaaangat, siya ang napapawalang-sala. Kung
sino nga naman ang dapat nasa kulungan, siya ang malaya.
Ang Gobyerno
Ayon kay Aquino, bagaman hindi agad-agad na makakapagdesisyon ang Palasyo na
ibalik ang bitay, panahon na upang magkaroon ng malawakang konsultasyon dito at pakinggan
ang pulso ng taumbayan.
Noon pa man ay tagasuporta na si Aquino ng death penalty subalit nagbago ito ng
kanyang posisyon ng maging Presidente dahil na rin sa nakikita nitong ‘imperfect justice
8 | P a g e
system’. Gayunman, kung ibabalik anya ang bitay na hindi perfect ang justice system ay baka
mabitay ang isang inosenteng tao.Kaya mahalagang ma-perfect umano ang justice system bago
ibalik ang death penalty.
Nagkakaisa naman ang mga senador sa ideya na muling pag-usapan ang death penalty sa
Senado. Sinabi ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na iba na ang panahon ngayon dahil lumalabas
na wala ng takot sa batas ang mga kriminal. Ipinunto ni Revilla na kahit ang maliliit na krimen
ngayon gaya ng snatching at theft ay madalas na humantong sa pamamaslang. “Ngayon
nanakawan ka lang ng cellphone papatayin ka na. Ang buhay ng tao parang ang baba na ng
halaga,” sabi pa ni Revilla.
Kabilang si Revilla sa mga senador na bumoto para sa abolisyon ng death penalty noong
2006 pero ngayon ay isusulong nito ang pagbabalik ng parusang bitay dahil sa pagbabago umano
ng panahon. Sumusuporta rin sa pagbabalik ng parusang bitay sa bansa si Sen. Juan Miguel
Zubiri, pero kontra sa panukala sina Sens. Kiko Pangilinan at Miriam Defensor Santiago.
Ang mga naghahanap ng hustisya
Ang pagbabalik sa sintensyang kamatayan ay maaring isang magandang daan sa pananaw
ng mga pamilya at kaibigan na nagawan ng krimen na nagresulta sa pagkamatay o pagkasira ng
kanilang minamahal. Sa pagbalik ng sintensyang kamatayan ay sa pananaw nila ito’y
magbibiggay ng lubusang hustisya sa nagawan ng krime. Ito rin ay isang kanais nais na parusa
ganti sa kriminal na gumawa nito.
Ngunit kung susumahin may iba pa rin na kahit na namgamgailangan ng hustisya ay iba
ang pananaw. Sila ay nagnanais lamang na mapatunayan ang siyang may sala at makakamit ng
hustisya hindi nila ninanais na makaganti pa sa mga criminal at naniniwala silang ang kanilang
9 | P a g e
mahal sa buhay ay nananahimik na at ito may nanaising huwag ng kitilin ang buhay ng criminal
upang hindi narin maranasan ng pamilya nito ang naranasan ng kanilang pamilya.
Ang isang ordinaryong mamamayan
Una, ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay lumalabag sa karapatan ng isang tao
upang mabuhay. Artikulo III Seksyon 1 ng 1987 Saligang-Batas, "Walang tao ay dapat bawian
ng buhay, kalayaan, o ari-arian " Sa pamamagitan ng parusang kamatayan, ang karapatan ng
isang kriminal upang mabuhay ay nalabag.
Bukod dito, ito ay isang kilalang katotohanan na karamihan ng Pilipino ay Katoliko.tulad
ng sinabi, kami ay may isa sa mga pinakamalaking Kristiyanong populasyon sa mundo. Ayon sa
Sampung utos ng Iglesia, hindi kayo dapat pumatay.
Samakatuwid, walang karapatan ang sinuman para kitilin ang buhay ninoman. Kung ang
taong iyon ay isang kriminal o hindi, walang sinuman ang dapat tumayong Diyos at magpatakbo
ng buhay ng iba. Pilipino dapat “igalang at pahalagahan ang kabanalan ng buhay ng tao at
panindigan ang kabutihan at mga relihiyosong doktrina na ang inaasahan sa atin bilang isang
nangingibabaw na kristyanong bansa."
Pangalawa, ito ay isang napaka-malupit, hindi makatao at hindi katanggap tanggap na
pagsasanay. Ito ay masyadong malupit at dahil sa tao ang mga tao ay namamatay. Ito ay isang
patunay. Kapag ang isang tao ay namatay, ang gawa ay hindi maaaring baligtad.
Pangatlo,ang parusang kamatayan ay laban sa mahihirap. Sa isang bansa tulad ng
Pilipinas sa isang napaka-mabagal, minsan hindi sanay, hindi patas at hindi makatarungan na
panghukuman na sistema.Karamihan ng sa 1200 mga tao na nakahilera sa kamatayan ay
mahirap. Siguro, para sa ilan, yuon ang karapat-dapat sila. Ngunit para sa marami, ang kahirapan
na nagdala sa kanila doon. Hindi lahat ng nasa hanay ay dapat mamatay.Maraming mga nandoon
10 | P a g e
lamang dahil sila tumakbo laban sa ilang marumi, mayaman at makapangyarihang tao o sila ay
hindi kayang makakuha ng isang mahusay na abogado upang ipagtanggol ang mga ito.
Panghuli, ang parusang kamatayan ay hindi nabubuhay sa kanyang layunin.Ito ay hindi
upang maglingkod ang layunin nitong iwasan ang mga krimen at upang mapanatili ang
kapayapaan at pagkakasunod-sunod. Kung ang parusang kamatayan ay epektibo, mas mababa na
dapat ang krimen. Gayundin, walang kongkretong katibayan tulad ng pag-aaral o mga pagsubok
na maaaring magpatunayan na ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay talagang
humahadlang sa krimen at nagpagpapanatili ng kapayapaan at order sa bansa.
Sintensyang kamatayan : KATARUNGAN/HUSTISYA
Subalit ano nga ba ang hustisya para sa isang biktima? Kung iisiping mabuti, ang
tuluyang pagbitay sa isang napatunayang may sala sa ilalim ng paghuhukom ay hindi naman
talaga nangangahulugang makakamtan na ng biktima at ng kanyang pamilya, gayon din ng
pamilya ng nasasakdal ang hustiya nang ganoon na lamang. Kung ibabatay lamang natin ang
katarungan sa panandaliang gaan ng loob na madarama matapos makitang hindi na humihinga
ang sumira ng iyong pagkatao, masasabi pa rin bang nakamtan mo na nga ang hustisya? Kapag
sinindihan ko ang isang tambak ng basura sa gitna ng isang komunidad upang sa pagsisiga nito’y
tuluyan na itong maglaho, masasabi ko bang magtatagumpay ako? Hindi, sapagkat ang makapal
na usok na lilikhain nito’y walang hanggang mananalatay, kukupas, at magpapahina sa mga
baga, sa dugo at sa pangangatawan ng mga makalalanghap, lalung-lalo na ang mga kauna-
unahang maaabot nito. Gayundin sa parusang kamatayan: ang mga alaalang manggagaling sa
pagkitil ng buhay ng bawat isang nasasakdal ay magiging paulit-ulit naalaalang walang
hanggang tatatak sa puso’t isipan ng kanyang pamilya, ng pamilya ng kanyang nabiktima, at ng
kanyang biktima. Isang pagsisiga lamang ito na wala rin namang naidulot sa Pilipinas kundi
11 | P a g e
makapal na usok na dumurog at nag-iwan ng mapanglaw na lamat sa moralidad ng kanyang
naapektuhan.
Sintensyang kamatayan : KASALANAN
Ang parusang kamatayan ay nagpapakita ng di magandang asal ang pagkakaroon ng
parusang kamatayan sa isang bansa ay isang kasalanan. Ito ay isang kasalanan sa mata ng Diyos,
siya lamang ang kumokontrol sa buhay ng tao ngunit sa pagpataw ng parusang kamatayan ang
hukom ang lumalabas na Diyos.
"Tiyak, sa pangkalahatan, ang parusa ang dapat kapantay ng krimen. Ngunit sa
kabihasnan ng lipunan, itinatanggi ang, ang isang mata para sa isang mata,ang prinsipyo
ng literal na pagpataw ng parusa sa mga kriminal kung ano ang ginagawa nila sa kanilang
mga biktima. Ang parusa para sa panggagahasa ay hindi maaaring panggagahasa, o panununog
ng pagsunog. Hindi natin dapat, parusahan ang mamamatay-tao ng kamatayan. Kapag ang
gobyerno at ang paghihiganti ay nagsanib ang kahalagahan ng buhay ay nawawala.
Sa wakas, ang parusang kamatayan ay maling asal . Ito ay legal na pagpatay. Ang pamahalaan ay
walang karapatan na tapusin ang buhay ng isang tao o sabihin kung kalian ito dapat
magtapos. Ang parusa ay dapat na akma sa krimen. Kaya marapat na gugulin ng kriminal ang
kanilang buhay sa kulungan.
12 | P a g e
SANHI AT BUNGA
Sa panahong ngayon kung saan ang mga kriminal ay hindi mo na makikitaan ng
pagkakaiba sa mga tao. Laganap na laganp na krimen saang sulok man ng bansa, walang habas
ang mga kriminal sa paggawa ng kanilang mga di kanais nais na gawain.
Matapos lamang ang ilang taon mula ng patayin ang batas ng pagpatay ay muli nanaman
itong nais ibalik ng ibang sektor ng lipunan. Sa kanilang pananaw ito ay magbibigay ng karapat
dapat na hustisya sa mga biktima at kaparusahan sa mga nagkasala.
Ang muling paglaganap ng usaping pagbabalik ng parusang kamatayan at mga isyu rito
ang pangunahing sanhi ng pananaliksik na ito. Isa pa sa nagging sanhi ng pananaliksik na ito ay
ang patuloy na pagdami ng mga pananaw ng mamayan rito. Kasama rin sa mga sanhi nito ay ang
paghanap ng lubusang pag-unawa sa parusang ito.
Ang muling pagtaas ng krimen sa Pilipinas ang syang sanhi ng nais na pagbabalik ng
parusang kamatayan. Sa pagdaan at hindi pagkaresolba ng mga kaso, nais na gawing panakot ang
parusang ito upang bumaba ang bilang ng krimen sa bansa.
Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito ay nawa lalo pang napayabong ang kaalaman
tungkol sa kaparusahang kamatayan. Nailahad na ang iba’t ibang panig ng mga pangunahing
sektor na syang may kaugnayan sa isyu na ito. Ito’y magbibigay linaw sa mga katanungan
nakaukit sa ating isipan. Sa pananaliksik na ito matutunan ang tunay na kahulugan ng parusang
kamatayan sa iba’t ibang pananaw.
Ang parusang kamatayan ay maraming bunga, ito’y maaaring makapagpababa ng bilang
ng krimen, makapagbigay ng hustisya, makapatay ng inosenteng buhay o maging kasalanan at
anu pa man ito’y mananatiling isang parusang walang magnanais na makkakamit.
13 | P a g e
REKOMENDASYON
Sa pagwawakas ng pananaliksik inaasahan na ito ay nagdulot at nagbigay ng bagong
kaalaman sa mambabasa.
Ipinapayo sa mga susunod na magaaral ukol sa paksa na ito na una, huwag lamang
mangalap ng mga impormasyon sa mga sulatin , mas magiging epektibo ang pag-aaral kung sila
mismo ang bubuo ng komposisyon para sa kanilang pananaliksik mula sa mga interbyu sa mga
taong may direktang kaugnayan sa paksa.
Pangalawa, magbigay ng mas maraming kaso o halimbawa ng mga taong may mga
kinalalaman sa sintensyang kamatayan, mas palawakin din ang sakop ng pag-aaral, maari ring
magsagawa ng mga sarvey upang mas malinaw na masukat ang pulso ng mamamayan ukol sa
isyu.
At huli, maglahad ng mga bago at kapanapanabik sa impormasyon ukol sa paksa, mga
impormasyong mahalaga sa katayuan ng isang ordinaryong mamamayan.
14 | P a g e
BIBLIOGRAPI
"The Death Penalty." 123HelpMe.com. 05 Mar 2012
<http://www.123HelpMe.com/view.asp?id=41089>.
“The Criminal Justice System and the Death Penalty,” Mamamayang Tutol sa Bitay-
Movement for Restorative Justice, 2006.
Bitay ibabalik!(2011, January 20). Andal Rudy, Escuedro Malou, pp. 1
David, Randy (2006 Hunyo-Nobyembre). Ang Pagpatay sa batas pagpatay. Matanglawin.
31, 21-23
De Castro, Mardane (2006). Helium – Where Knowledge Rules, Death Penalty in the
Philippines. Available at http://www.helium.com/items/68046-death-penalty-in-the-
philippines [2012, March 1]
Morelos, Carmelo. (1992 July 24) CBCP Statement on the Non-Restoration
of the Death Penalty. Statement presented at the CBCP’s Plenary Session, Tagaytay City
15 | P a g e
CURRICULUM VITAE
Name : Patricia Joie M. Clamonte
Address : H. Concepcion Cabanatuan City
Telephone : (044) 463-0576
Cell Phone : 09269552334
Email : [email protected]
Personal Information
Date of Birth : April 5, 1995
Place of Birth : Gapan City
Citizenship: Filipino
Gender : Female
Education
College of the Immaculate Conception (2000-2007)
Nueva Eciga High School (2007- 2011)
Araullo University (2011 to present)
16 | P a g e