Pansalubong na Pakete TagalogPansalubong na Pakete Pasilidad ng
Pinamamahalaang Pagbubukod sa New Zealand
TAGALOG VERSION 6|JULY 2021
” Amohia ake te ora o te iwi, kia puta ki te wheiao” Ang kagalingan
ng mga tao ang pinakamahalaga. N H.M KIINGI TUHEITIA POOTATAU TE
WHEROWHERO VII
Ang tongikura na ito ay ipinagkaloob sa MIQ mula sa Hari at
gagabayan tayo sa ating pagsisikap na panatilihin kang ligtas at
ang Aotearoa New Zealand.
Mga nilalaman Tungkol sa pinamamahalaang pagbubukod (managed
isolation)
02 Nau mai, haere mai: tuloy po kayo 02 Ang pamamalagi sa isang
pinamamahalaang pagbubukod ay tutulong mapigilan ang pagkalat 03
Ang mga pasilidad ng Pinamamahalaang Pagbubukod at Kuwarentena ay
ligtas 03 Kailangan kang mamalagi nang minimum na 14 na araw 04 Mga
Matatawagan 05 Ang iyong 14-na araw sa isang tingin 06 Ang aming
pangkat na nagpapanatiling ligtas sa iyo 06 Paano ka nila
pinapanatiling ligtas 08 Sa isang emerhensya 09 Ilang makatutulong
na mga salita para maunawaan mo sa buong panahon ng iyong
pamamalagi
Mga serbisyo at mga tuntuning susundin
11 Mga serbisyo sa inyong mga pasilidad 14 Mga tuntuning
susundin
Pagsusuri sa kalusugan at para sa COVID-19
18 Karaniwang pagsusuri sa kalusugan at para sa COVID-19 18 Nasal
swab test 19 Kung tatanggihan mo ang isang pagsusuri 19 Kung ikaw
ay may anumang mga sintomas 19 Kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 sa
pasilidad
Kalusugang pangkaisipan at kagalingan
21 Pangangalaga ng iyong kalusugang pangkaisipan at kagalingan 24
Okey lang na humingi ng tulong
Mga bayarin at iksemsyon
30 Mga singil sa pinamamahalaang pagbubukod 32 Mga iksemsyon mula
sa pinamamahalaang pagbubukod
Paghahanda sa pag-alis
33 Pag-alis sa pasilidad ng pagbubukod makaraan ang 14 na
araw
Mga papuri, komento at reklamo
35 Survey ng karanasan sa MIQ 35 Mga reklamo
Pagkaalis mo sa pasilidad
37 Subaybayan ang iyong kalusugan pagkaalis mo
41 Appendix 1: COVID-19 Impormasyon tungkol sa pagsusuri para sa
COVID-19 44 Appendix 2: Pagtalakay sa iyong mga plano sa
paglalakbay 45 Appendix 3: Mga ligal na karapatan 46 Appendix 4:
Paano ang ligtas na pagsusuot at pagtatanggal ng face mask
MAIKLING PAALAALA: Ang mga sintomas ng COVID-19 ay:
Lagnat Ubo Masakit na lalamunan
Pangangapos ng hininga
Tumutulong sipon o
Pananakit ng katawan
1
Lahat ng likhang sining ni Ruby Jones mula sa ‘Thanks from Iso’, ay
kinomisyon ng Accor Hotels.
Pagtatanggi
Ang dokumentong ito ay isang gabay lamang. Hindi ito dapat gamitin
bilang pamalit sa batas o ligal na payo. Ang Ministri ng Negosyo,
Inobasyon at Pagtatrabaho ay hindi mananagot para sa mga
kalalabasan ng anumang mga aksyon na isinagawa batay sa impormasyon
na nasa dokumentong ito, o para sa anumang mga pagkakamali o
pagkaligta.
Nakalimbag: ISBN 978-1-99-100836-7Online: ISBN
978-1-99-100837-4
Hulyo 2021
©Crown Copyright
Ang materyal na nilalaman sa ulat na ito ay napapailalim sa
proteksyon ng Crown copyright (karapatang-sipi ng Crown) maliban
kung may naiibang pahiwatig. Ang materyal na protektado ng Crown
copyright ay maaaring kopyahin nang walang bayad sa anumang format
o media nang hindi nangangailangan ng tiyak na pahintulot. Ito ay
sa kondisyong ang materyal ay kokopyahin nang tama at hindi
gagamitin sa isang paraang mapanira o mapanlinlang. Kapag ang
materyal ay ilalathala o ibibigay sa iba, ang pinagkunan at
katayuan ng copyright ay dapat kilalanin. Ang pahintulot na
kopyahin ang materyal na protektado ng Crown copyright ay hindi
iginagawad sa anumang materyal sa ulat na ito na kinilala bilang
copyright ng ikatlong partido. Ang awtorisasyon upang kopyahin ang
ganitong materyal ay dapat kunin mula sa mga may hawak ng
copyright.
TU N
G K
N )
Nau mai, haere mai: tuloy po kayo Kia ora, maligayang pagdating sa
Aotearoa New Zealand, nasisiyahan kami na naririto ka. Habang ang
pandemyang COVID-19 ay nagpapatuloy sa buong mundo, kami sa
Aotearoa New Zealand ay kumilos nang matindi at maagap upang
limitahan ang mga epekto ng COVID-19 sa aming mga komunidad.
Kabilang dito ang istriktong pag-lockdown sa buong bansa at
pagsasagawa ng aming 4 na antas ng COVID-19 Alert system.
Sa kasalukuyan, ang New Zealand ay may napakakaunting mga kaso ng
COVID-19 at sinisikap naming panatilihin itong ganito. Upang
tulungan kaming panatilihing ligtas ang bansa, lahat ng dumarating
sa New Zealand, maliban ang mula sa mga bansa na may mga kaayusan
sa New Zealand na paglalakbay nang walang kuwarentena, ay
inaatasang mamalagi sa isang pasilidad ng Pinamamahalaang
Pagbubukod o Kuwarentena (MIQ).
May ilang mga pasilidad sa New Zealand na itinatag ng pamahalaan
upang pangasiwaan ang pagbubukod ng mga taong pabalik buhat sa
ibang bansa. Ito ay isang hakbang sa ating hangganan upang matiyak
na ang mga taong papasok sa New Zealand ay hindi magdadala sa
komunidad ng COVID-19 mula sa ibang bansa.
Karamihan sa mga tao ay mamamalagi nang 14 na araw sa
pinamamahalaang pagbubukod. Kung may dahilan upang paniwalaang ikaw
ay nalantad sa COVID-19, ikaw ay ilalagay sa isang lugar o
pasilidad ng kuwarentena. Kakailanganin mong mamalagi nang mga 10
araw man lamang makaraang magsimula kang magpakita ng mga sintomas
ng COVID-19, o mula sa petsa ng iyong pagsusuri (kung hindi ka
nagkaroon ng mga sintomas). Ikaw ay dapat wala nang mga sintomas ng
COVID-19 sa loob ng minimum na 72 oras at naaprubahang makaalis sa
pasilidad ng isang Medical Officer ng Kalusugan o Health Protection
Officer.
Kung ikaw ay isang malapitang kontak o nasa isang bubble sa
paglalakbay ng isang tao na may COVID-19, ikaw ay maaari ring
sabihang mag-kuwarentena. Maaari rin naming patagalin ang iyong
pamamalagi kung may matutuklasang mga kaso sa pasilidad na
nangangailangan ng karagdagang imbestigasyon. Ito ay upang bawasan
ang panganib na makalabas sa komunidad ang COVID-19.
Ang pamamalagi sa isang pinamamahalaang pagbubukod ay isang ligal
na kahingian sa ilalim ng 2020 Kautusang Tugon sa COVID-19 ng
Pampublikong Kalusugan (Pagbubukod at Kuwarentena). Sa panahong
ito, ikaw ay hindi pahihintulutang umalis sa pasilidad.
Ang pamamalagi sa pinamamahalaang pagbubukod ay tumutulong
mapigilan ang pagkalat Ang mga tao ay maaaring magkahawahan ng
COVID-19. Dahil sa naglakbay ka buhat sa ibang bansa, ikaw ay
maaaring may panganib na may dalang virus. Maaaring hindi ka
magkasakit kaagad at maaaring magtagal bago ka magkaroon ng mga
sintomas.
Ang pamamalagi sa isang pasilidad ng Pinamamahalaang Pagbubukod sa
minimum na 14 na araw ay magpapahintulot sa amin na ibukod ka
sakaling ikaw ay may virus, pigilan ang pagkalat nito sa komunidad
ng New Zealand at panatilihing ligtas ang lahat.
Ang mga pasilidad ng Pinamamahalaang Pagbubukod at Kuwarentena ay
ligtas Ang mga pasilidad ng pinamamahalaang pagbubukod at
kuwarentena ay ligtas at maraming suporta para sa iyo at sa iyong
whnau (pamilya). Ang mga pasilidad na ito ay may pangkat ng mga
propesyonal ng kalusugan, mga kawani ng hotel at mga tauhan ng
pamahalaan.
Mula noong Marso 2020, mahigit 150,000 mga tao ang matagumpay na
dumaan sa pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena at ligtas na
nakapasok sa komunidad.
Ang mga pasilidad ay tumatakbo sa ilalim ng kapaligirang Alert
Level 4 na katulad ng kapaligiran ng lockdown. Ibig sabihin, may
istriktong mga kondisyon sa sinumang namamalagi rito. Ang ilang mga
tuntunin para sa COVID-19 na inaasahang susundin mo ay mga ligal na
kahingian, at ang paglabag sa mga tuntuning ito ay maaaring
humantong sa pag-aksyon ng Pulisya. Kung hindi mo susundin ang mga
tuntunin, maaaring magka-konsekwensya gaya ng karagdagang panahong
nakabukod.
Bagama't ang pasilidad na ito ay nasa isang hotel, hindi ito
gumagana gaya ng karaniwang hotel. Ikaw ay bibigyan ng malawak na
suporta at gagawin namin ang aming makakaya upang gawing
komportable ang iyong pamamalagi hangga't maaari.
Habang ikaw ay narito, mangyaring mag-magandang loob sa mga kawani
ng hotel, mga tauhang pangkalusugan at iba pa at sundin ang
kanilang mga payo, patnubay at direksyon.
Kailangan kang mamalagi sa minimum na 14 na araw Ikaw ay ligal na
inaatasang mamalagi sa pasilidad ng pagbubukod sa minimum na 14 na
araw. Magsisimula ito sa oras at petsa ng pagdating mo sa New
Zealand.
Halimbawa, kung dumating ka nang 11am, oras sa New Zealand (NZT)
noong ika-1 ng Enero, ang oras at petsa ng iyong pag-alis ay 11am
NZT sa ika-15 ng Enero, ibig sabihin, matapos mong makumpleto ang
14 na araw ng pagbubukod. Ang araw ng iyong pagdating ay
bibilanging 'Day zero'.
Sa halos lahat ng mga kaso, kailangan ng negatibong resulta ng
pagsusuri sa COVID-19 at kumpirmasyon mula sa isang Medical Officer
ng Kalusugan o Health Protection Officer na ikaw ay may mababang
panganib ng pagkakaroon o pagkakalat ng COVID-19 bago ka makaalis
sa pasilidad.
Kabilang sa mababang panganib ng pagkakaroon o pagkakalat ng
COVID-19 ang pagkumpirma na ikaw ay:
› namalagi sa pinamamahalaang pagbubukod nang di-kinulang sa 14 na
araw
› walang temperaturang 38°C o mas mataas o nagpakita ng anumang iba
pang mga sintomas ng COVID-19
› sa halos lahat ng mga kaso, negatibo ang pagsusuri para sa
COVID-19.
Maaaring kailanganin mong mamalagi hanggang sa kabuuang 28 araw
kung tatanggihan mo ang isang pagsusuri para sa COVID-19 o hindi ka
itinuturing na may mababang panganib ng isang doktor.
Dapat mong matugunan ang mga panukat na ito upang makaalis sa
pasilidad. Kailangan mo ring magkumpleto ng isang Final Health
Check Form (Form ng Huling Pagsusuri sa Kalusugan). Tutulungan ka
ng nars dito at tatapusin ito. Kapag natapos mo na ang lahat ng mga
kahingian, tatanggap ka ng liham na nagkukumpirmang nakumpleto mo
na ang pinamamahalaang pagbubukod.
Ang pamamalagi sa isang Pasilidad ng Pinamamahalaang Pagbubukod ay
isang ligal na kahingian sa ilalim ng 2020 kautusang COVID-19
Public Health Response (Pagbubukod at Kuwarentena). Inilalapat ang
kahingiang ito kahit na nabakunahan ka na laban sa COVID-19.
Tumutulong ang mga bakuna na protektahan ang mga indibidwal laban
sa mga epekto ng virus at nagpapasalamat kami sa iyo sa paggawa ng
tama. Gayunpaman, lubhang napakaaga pa upang makumpirma kung ang
isang tao ay nagpapasa pa rin ng COVID-19, ito ang dahilan kung
bakit inaatasan kang mamalagi sa Pasilidad ng Pinamamahalaang
Pagbubukod at sumunod sa mga tuntunin.
Tungkol sa pinamamahalaang pagbubukod
32
DAY 0 Pagdating sa pasilidad. Magkaroon ng pagtasa sa kalusugan at
kagalingan.
Gawin ang iyong day 0/1 na pagsusuri para sa COVID-19 sa loob ng 24
na oras ng pagdating (kung naaangkop).
Manatili sa iyong kuwarto hanggang sa makatanggap ka ng negatibong
resulta ng pagsusuri.
DAY 4 Mga resulta ng pagsusuri sa Day 3 at arawang pagsusuri sa
kalusugan.
Ang mga nagpositibo sa pagsusuri ay ililipat sa kuwarentena.
DAY 5 - 11 Arawang pagsusuri sa kalusugan at pag-access sa mga sona
para sa sariwang hangin at mga lugar ng paninigarilyo sa
naaprubahang iskedyul ng oras.
DAY 12 Day 12 na pagsusuri para sa COVID-19 at arawang pagsusuri sa
kalusugan.
Kumpletuhin ang survey ng karanasan sa MIQ at ipaalam sa amin kung
paano ang aming paggampan.
DAY 13 Mga resulta ng pagsusuri sa Day 12 at arawang pagsusuri sa
kalusugan.
Ang mga nagpositibo sa pagsusuri ay ililipat sa kuwarentena.
DAY 14 Huling pagsusuri sa kalusugan.
Kung makumpirmang mababa ang panganib, umalis sa pasilidad.
Ang iyong 14 na araw sa isang tingin
DAY 3 Day 3 na pagsusuri para sa COVID-19 at arawang pagsusuri sa
kalusugan.
Pagplano nang abanse para sa iyong pag-alis Sa panahon ng iyong
pamamalagi, tatawagan ka ng mga kawani sa sityo upang talakayin ang
iyong mga plano sa paglalakbay. Upang tumulong sa tawag na ito,
hinikayat ka namin na simulang pag-isipan ang iyong pag-alis, saan
ka pupunta at paano ka makapupunta roon.
Mangyaring tiyakin na tama ang mga detalye ng kontak pagkaalis mo
upang ikaw ay makontak pagkaalis mo sa pasilidad.
Sundin ang mga tuntunin upang panatilihin kang ligtas Upang
panatilihin kang ligtas, manatili sa iyong kuwarto hangga't maaari,
magsuot ng mask kapag nagbubukas ng iyong pintuan at habang nasa
labas ng iyong kuwarto, magpanatili ng 2 metrong distansya,
maghugas at mag-sanitise ng iyong mga kamay nang madalas.
Matapos umalis Kasunod na pagsusuri sa kalusugan sa pamamagitan ng
email ng Ministri ng Kalusugan.
Abisuhan kaagad ang kawani kung ikaw ay magkaroon ng anumang mga
sintomas ng COVID-19 Kung sa anumang oras sa panahon ng pamamalagi
mo ay nagkaroon ka ng anumang mga sintomas ng COVID-19 na lagnat,
ubo, pangangapos ng hininga o masakit na lalamunan, mangyaring
manatili sa iyong kuwarto at agad ipaalam sa kawani gamit ang
telepono. Aasikasuhin nila na ikaw ay matasa ng propesyonal sa
kalusugan sa sityo.
COVID-19
KEY
Pagsusuri para sa COVID-19
COVID-19
Ito ay isang gabay lamang sa malamang na mga araw ng pagsusuri at
mga aktibidad sa panahon ng iyong 14 na araw na pamamalagi sa
Pinamamahalaang Pagbubukod. Maaaring maiba ang iyong
karanasan.
DAY 1 hanggang 2 Day 0/1 na mga resulta ng pagsusuri at pagsusuri
sa kalusugan
Ang mga nagpositibo sa pagsusuri ay ililipat sa kuwarentena.
Kung negatibo ang mga resulta ng pagsusuri, ikaw ay maaaring
makalabas ng iyong kuwarto para sa sariwang hangin o makapunta sa
mga lugar ng paninigarilyo sa naaprubahang mga iskedyul ng
oras.
COVID-19
Mga Matatawagan Magkakasama tayo sa bagay na ito at kami ay
nakatuon na gawing komportable ang iyong pamamalagi hangga't
maaari. Kung ikaw ay may tanong, reklamo o kailangan ng tulong,
mangyaring kontakin muna ang pangkat sa sityo. Kabilang dito ang
reception sa pasilidad, ang pangkat pangkagalingan sa sityo o ang
mga kawani ng New Zealand Defence Force sa sityo. Maaari mo silang
tawagan gamit ang telepono sa iyong kuwarto.
May iba pang mga lugar na makukunan mo ng impormasyon:
Ang website ng pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena para sa
impormasyon tungkol sa MIQ, mga bayarin at mga iksemsyon
www.miq.govt.nz
Para sa mga papuri, komento at reklamo Sumangguni sa pahina
35
Para sa impormasyon at mga alert level, paghihigpit at
suporta
www.covid19.govt.nz
www.health.govt.nz
Para sa impormasyon tungkol sa mga bagay kaugnay sa imigrasyon,
kabilang ang proseso ng iksepsyon sa hangganan at mga indibidwal na
kasong pang-imigrasyon
www.immigration.govt.nz/about-us/covid-19
Ang mga banyaga ay maaaring makipag-ugnay sa kanilang Embahada,
High Commission o Konsulado upang humingi ng tulong kapag nasa New
Zealand.
Humanap ng isang Embahada o kinatawang panlabas sa New Zealand sa:
www.mfat.govt.nz/en/embassies
Kung naniniwala ka na may isang tao na hindi sumusunod sa mga
tuntunin o kumikilos sa isang paraang malamang magkalat ng
COVID-19, mangyaring isumbong ito sa nasa sityong pangkat. Maaari
ka ring magsumbong ng anumang isyu sa
www.covid19.govt.nz/compliance.
Sa buong panahon ng iyong pamamalagi, ikaw ay may karapatang
kumunsulta sa isang abugado, na ikaw mismo ang magbabayad (tingnan
ang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan sa Appendix
3).
Credit: Ruby Jones.
D
Ang aming pangkat na nagpapanatili sa iyong ligtas Sa paggalaw mo
sa aming sistema ng Pinamamahalaang Pagbubukod at Kuwarentena,
makikilala mo ang maraming mga tao na nangangalaga sa iyo, upang
tulungan kang manatiling ligtas, at panatilihing wala sa ating mga
komunidad ang COVID-19.
Sila ang aming frontline na tanggulan laban sa COVID-19, at sila ay
mula sa iba't ibang mga organisasyon.
› Ang New Zealand Defence Force (NZDF) ang nangungunang ahensya sa
bawat sityo. Sila ay responsable sa pagpapatakbo ng pasilidad ng
pinamamahalaang pagbubukod, kabilang ang pamamahala ng sityo,
pangasiwaan at mga lohistika.
› Ang mga kawani ng hotel ang nagbibigay ng lahat ng mahalagang mga
serbisyo na inaasahan sa isang hotel, kanilang ang pangasiwaan,
front of house, catering, paglilinis at pagmementena.
› Ang mga kawani ng District Health Board (mga nars at mga doktor)
ang nagsasagawa ng pagsusuri para sa COVID-19, arawang pagsusuri sa
kalusugan, at pagsusuri sa kalusugan ng mga paparating at papaalis,
na may suporta sa sityo mula sa nga dalubhasa sa paghadlang at
pagkontrol ng impeksyon.
› Ang mga tauhang pang-seguridad mula sa mga ahensya ng pamahalaan
at mga pribadong kompanya ay pinananatiling ligtas at may seguridad
ang aming mga sityo at pinananatiling protektado ang aming mga
komunidad.
› Ang New Zealand Police ay nagbibigay ng suporta sa sityo at
on-call para sa mga sitwasyong nangangailangan ng pagpapatupad ng
batas o mga tuntunin.
› Ang aming mga opereytor ng transportasyon ay maglilipat sa iyo sa
iyong mga biyahe sa eroplano at sa mga pasilidad na pamamalagian
mo.
Paano ka nila pinananatiling ligtas Ang aming mga kawani sa mga
pasilidad ng pinamamahalaang pagbubukod ay mga kailangang-
kailangang manggagawa sa paglaban sa COVID-19 sa Aotearoa. Kami ay
nakatuon na panatilihing ligtas sila at ang kanilang mga pamilya,
mga mahal sa buhay at mga komunidad.
Ang aming mga tauhan ay:
› sumusunod sa mabuting kalinisan ng kamay at mga kaugaliang
pisikal na pagdistansya, at nagsusuot ng personal protective
equipment (PPE) (kagamitan sa pansariling proteksyon)
› may arawang pagsusuri sa kalusugan at pag-access sa mga kawaning
nars na nasa sityo 24/7
› hindi pumapasok sa trabaho kung masama ang kanilang
pakiramdam
› regular na sinusuri para sa COVID-19 at sila ay nabakunahan
na
› nagtatala ng kanilang mga paggalaw at mga malapitang kontak
(katulad ng lahat ng taga-New Zealand) habang wala sa
trabaho.
Mangyaring sundin ang kanilang payo
Ang aming mga manggagawa ay nasa frontline ng tanggulan ng New
Zealand laban sa COVID-19, ginagawa ang mahalagang trabaho upang
matiyak na makukumpleto mo ang iyong pamamalagi nang ligtas at
komportable. Araw-araw, inilalagay nila ang kanilang sarili sa
pagitan natin at ng virus, upang panatilihing ligtas ang mga
bumabalik na taga-New Zealand at ang ating komunidad. Sila ay
mabait at matulungin.
Kapag hinilingan ka nila na gawin ang isang bagay, ito ay para sa
kabutihan mo at ng lahat. Mangyaring makipagtulungan sa kanila at
igalang ang trabahong kanilang ginagawa.
Kung nais mong magpakita ng iyong pagpapahalaga at pasasalamat,
mangyaring gamitin ang www.miq.govt.nz/feedback
TU N
G K
N )
Ilang makatutulong na mga salita na dapat mong maunawaan sa panahon
ng iyong pamamalagi
PAGKAKAIBA NG MGA PASILIDAD NG PINAMAMAHALAANG PAGBUBUKOD AT
KUWARENTENA Ang mga pasilidad ng pinamamahalaang pagbubukod ay para
sa mga taong nasuri na sa pagdating nila sa New Zealand, nagpakita
na walang sintomas ng COVID-19 at natasang may mababang panganib ng
pagkakaroon ng COVID-19 pagdating sa New Zealand.
Kung may pinapaniwalaang dahilan na ikaw ay nalantad sa COVID-19,
ikaw ay ilalagay sa isang lugar o pasilidad ng kuwarentena.
PAGHADLANG AT PAGKONTROL SA IMPEKSYON Sa mga pasilidad ng
pinamamahalaang pagbubukod, ito ay tumutukoy sa mga kahingiang
pisikal na pagdistansya at lubusang paglilinis na istriktong
sumusunod sa mga pangkalusugang gabay, paggamit ng personal
protective equipment (PPE) gaya ng mga mask, mabuting kaugalian sa
kalinisan ng kamay at arawang pagsusuri sa kalusugan.
SWAB Ang swab ay tila katulad ng isang maliit na coªon bud ngunit
may mas mahabang patpat. Ito ay ginagamit upang kumolekta ng sampol
mula sa iyong ilong kapag nagpapasuri ka para sa COVID-19.
CO VID -19
BUBBLE Ang salitang 'bubble' ay ginamit sa pagtugon ng New Zealand
sa COVID-19 na naglalarawan ng isang tao o grupo ng mga tao na
nakikisalamuha lamang sa isa't isa.
Ang iyong bubble ay tumutukoy sa iyong pamilya at iba pang mga
kasama na maaaring kasama mong namamalagi sa iyong kuwarto.
PAGLABAG Kung ikaw ay nalapit sa mga tao na hindi bahagi ng inyong
bubble, o hindi sumunod sa mga tuntunin sa pasilidad, gaya ng hindi
pagsusuot ng mask o walang 2 metro ang layo sa iba kapag nasa labas
ng iyong kuwarto, ito ay itinuturing na paglabag. Sa madaling
salita, ikaw ay hindi sumunod sa mga tuntunin.
Alam namin na ikaw ay may magandang loob, ngunit mangyaring huwag
makisalo ng anumang bagay sa sinumang nasa labas ng iyong bubble.
Kabilang dito ang mga lighter, sigarilyo, laruan, papel, telepono,
atbp. Mapapanatili nitong ligtas ka at ang iba pa sa pasilidad.
Kung nalapit ka kaninuman na maaaring nakakahawa, ang pamamalagi mo
sa pasilidad ay maaaring patagalin pa.
GRUPO Ito ay tumutukoy sa isang grupo ng mga tao na nakabiyahe mo
sa paglipad o iba pa na dumating sa pasilidad sa loob ng 96 na oras
na pagitan.
MALAPITANG KONTAK Kung ang kasalo mo sa kuwarto ay isang tao na
nagpositibo sa COVID-19, ikaw ay ituturing na isang malapitang
kontak.
Maaari ka ring ituring na malapitang kontak kung ikaw ay nagpunta
sa mismong lugar kasabay ng isang tao na kumpirmado o hinihinalang
nakakahawa ng COVID-19.
Kung itinuring kang malapitang kontak, ikaw ay maaaring hilingang
magbukod sa iyong kuwarto at sundin ang mga payo ng pangkat sa
sityo.
Sa isang emerhensya Bawat pasilidad ay may tiyak na plano na dapat
mong sundin sa isang emerhensya. Ang floor plan at daanang palabas
sa isang emerhensya ay nakadispley sa likuran ng iyong pintong
pasukan. Mangyaring gawing pamilyar ito sa iyo at gawin ang
hihilingin ng mga kawani sa sityo.
Kapag lumilindol, dumapa, sumuklob at kumapit
Kung kailangan mong lumikas (umalis) ng iyong kuwarto dahil sa
isang emerhensya gaya ng sunog o lindol, ikaw ay dapat:
MAGSUOT NG MASK Mag-sanitise ng iyong mga kamay at mag-suot ng mask
bago mo lisanin ang iyong kuwarto.
Maghanda ng isang mask para sa ganitong mga sitwasyon sa
pamamagitan ng paglalagay ng isang reserbang mask malapit sa iyong
pinto. Ang pagsusuot ng mask ay tutulong mabawasan ang panganib ng
pagkalat ng virus.
IWANAN MO ANG IYONG MGA ARI-ARIAN Ikaw ay mas mahalaga kaysa sa
iyong mga ari-arian– ang iyong kaligtasan ay aming
prayoridad.
MAGPANATILI NG 2 METRONG PISIKAL NA DISTANSYA SA IBANG TAO Sa oras
ng paglikas, magpanatili ng pisikal na pagdistansya sa ibang tao at
iwasang humipo sa ibabaw ng mga bagay.
Isang paglabag ang sadyang maging sanhi ng di-totoong alarma sa
sunog o ang hindi pagsunod sa mga tagubilin ng pasilidad sa oras ng
isang emerhensya. Kailangan mong magsuot ng iyong wristband kapag
lalabas ka sa iyong kuwarto upang maka-access sa mga lugar ng
sariwang hangin o paninigarilyo o para sa pagsusuri.
DUMAPA SUMUKLOB KUMAPIT
98
Mga serbisyo sa inyong pasilidad Bagama't ang pasilidad na ito ay
nasa isang hotel, hindi ito gumagana gaya ng karaniwang hotel.
Mayroong ilang mga batayang serbisyo na ibinibigay ng pasilidad na
ito.
PANGANGALAGANG MEDIKAL Isang pangkat ng mga propesyonal ng
kalusugan ang laging nasa inyong pasilidad. Kung masama ang iyong
pakiramdam, kontakin ang pangkalusugang pangkat ng pasilidad ay
makipag-ayos ng pagsusuri sa kalusugan. Ang mga kawani sa sityo ay
maaari ring makatulong sa anumang gamot at mga resetang
kinakailangan.
Kung masama ang iyong pakiramdam, kailangan ng pangangalagang
medikal o nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19, manatili sa
iyong kuwarto at tawagan ang pangkat sa sityo (reception, pangkat
ng mga nars, o Manedyer ng Sityo).
PAGKAIN Ang iyong almusal, tanghalian at hapunan ay ihahatid at
ilalagay sa labas ng iyong pintuan. Anumang karagdagang pagkain ay
kailangang bayaran.
Ipaalam sa pangkat sa sityo kung ikaw ay may anumang mga alerdyi sa
pagkain o kondisyong medikal na nangangailangan ng mga espesyal na
pagkain.
Gagawin namin ang aming makakaya upang matugunan ang anumang mga
kahingian sa pagkain, gayunpaman, maaaring hindi namin mapagbigyan
ang lahat ng iyong mga gugustuhin. Maaaring may mga opsyon sa
online upang maka- order ng pagkain at maihatid ito sa iyo.
Makipag-usap sa pangkat sa sityo tungkol sa mga opsyon ng lokal na
paghahatid.
Sa New Zealand, ligtas inumin ang tubig sa gripo. Lahat ng mga
manlalakbay na namamalagi sa isang pasilidad ay maaaring uminom ng
tubig nang diretso mula sa gripo. Mahalagang uminom ng tubig sa
panahon ng iyong pamamalagi.
MGA SERBISYO NG TELEPONO (LANDLINE) AT WIFI SA LOOB NG KUWARTO Ang
mga pagtawag sa loob ng pasilidad, sa pagitan ng mga kuwarto at
para sa mga serbisyo ng hotel, ay libre.
Kailangan kang magbayad para sa anumang mga tawag sa telepono para
sa labas ng pasilidad na sisingilin sa presyo ng hotel (kada
minuto). Makipag- usap sa mga kawani ng pasilidad upang paganahin
ang serbisyo.
Libre ang Wi-Fi. Iminumungkahi namin na tumawag gamit ang mga app
na batay sa internet katulad ng Face Time, Messenger, WhatsApp at
iba pang katulad na mga app kung nais mong iwasan ang sa loob ng
kuwarto na mga singil.
LIBRENG LINYA NG TELEPONO PARA SA MORI PHARMACISTS Ng Kaitiaki o Te
Puna Rongo o Aotearoa – ang Mori Pharmacists Association (MPA) ay
may isang libreng linya ng telepono upang sagutan ang mga tanong na
maaaring mayroon ang kaumtua o whnau tungkol sa kanilang mga
gamot.
Makipag-usap sa pangkalusugang mga kawani sa sityo kung kailangan
mo ng agarang payong medikal.
Mga serbisyo at mga tuntuning susundin
Maghugas ng iyong mga
ng balkonahe
1
3
2
4
1110
A TU
N TU
N IN
G SU
SU N
D IN
PAGHAHATID NG MGA PAGKAIN AT KALAKAL Hindi ka maaaring lumabas sa
pasilidad, ngunit maaari kang magpahatid ng mga bagay sa inyong
pasilidad – kabilang dito ang pagkain o personal na mga
pakete.
Ang mga paghahatid ay hindi maaaring maglaman ng anumang labag sa
batas na mga bagay o mga bagay na nagdudulot ng panganib sa
kalusugan o kaligtasan. Kabilang dito ang de-koryenteng mga
kagamitan sa pagluluto, mga lutuang gas, mga kandila, mga heater,
toaster, grill top oven, mga bagay na may buhay na apoy, at mga
bagay na masusunog. Kung naniniwala ang kawani na ang inihatid sa
iyo ay may lamang anumang bagay na nagpapakita ng panganib sa
kalusugan at kaligtasan, maaaring humingi sila ng patunay na ito ay
ligtas.
Kung mayroon kang isang bagay na nagdudulot ng panganib sa
kalusugan at kaligtasan, maaaring itabi ito ng hotel para sa iyo
hanggang sa iyong pag-alis o kaya ay ibalik ito sa nagpadala.
Hindi ka maaaring magpadala ng anumang mga pakete sa iyong pamilya
o mga kaibigan.
MGA SERBISYO NG PAGSASALING- WIKA Kung kailangan mo ng interpreter,
mangyaring makipag-usap sa pangkat sa sityo at maaari nilang ayusin
ito para sa iyo.
Maaari ka ring humiling ng mga serbisyo ng interpreter ng
Ezispeak.
Ang Ezispeak ay isang serbisyo na makapag-uugnay sa iyo sa isang
tao na nagsasalita ng inyong wika kung kailangan mo ng tulong o
kung ikaw ay may mga tanong sa panahon ng iyong pamamalagi. Maaari
mong tawagan ang reception at hilingan silang iugnay ka sa serbisyo
ng Ezispeak at ipaalam sa kanila ang wika na kailangan mo. Maaari
ka nang magtanong pagkatapos o humingi ng tulong sa pamamagitan ng
interpreter sa telepono sa reception. Ang serbisyo ng Ezispeak ay
libre.
MGA ALARMA SA USOK Ang iyong kuwarto ay may alarma sa usok upang
panatilihin kang ligtas. Ang mga alarma sa usok ay maaaring
paganahin ng alikabok, singaw, usok at iba pang mga aso at singaw.
Labag sa batas na sadyang paandarin ang alarma kung wala namang
sunog, at ang paggawa nito ay maaaring humantong sa pag-uusig. Ikaw
ay hindi dapat: › humipo sa mga alarma sa usok › manigarilyo o
mag-vape, o magluto sa iyong
kuwarto › sobrahan ang karga ng mga power point › gumamit ng
anumang apoy o pampainit na
elemento na hindi aprubado ng pangkat sa sityo
› maglagay ng tuwalya o mga materyales na madaling masunog sa
ibabaw ng mga heater upang patuyuin.
Kung tutunog ang alarma sa sunog, sundin ang paraan ng paglikas at
makinig sa mga tagubilin ng mga kawani ng pasilidad at pangasiwaan.
Tandaang lumayo ng 2 metro sa iba at magsuot ng mask habang
lumilikas.
PAGLILINIS AT PAGLALABA Hindi maaaring pumasok sa iyong kuwarto ang
mga kawani ng pasilidad, mapapanatili ka nitong ligtas at ang aming
mga kawani. Ikaw ay bibigyan ng ilang mga produktong panlinis upang
malinis mo ang iyong kuwarto.
May makukuhang mga serbisyo sa paglalaba sa panahon ng iyong
pamamalagi. Ang malilinis na mga tuwalya at mga kumot ay ibibigay
kapag hiniling (ang mga ito ay iiwan sa harap ng iyong pintuan).
Mangyaring basahin ang impormasyon ng pasilidad para sa mga detalye
tungkol sa mga serbisyong basura, labada at linen.
HUWAG LUMABAS NG IYONG KUWARTO AT PUMUNTA SA RECEPTION DESK. Kung
kailangan mo ng tulong para sa anumang bagay, mangyaring kontakin
ang reception gamit ang telepono sa iyong kuwarto. May isang tao na
naroroon 24 na oras araw-araw.
CCTV SA MGA PASILIDAD NG MIQ Para sa iyong kaligtasan, maaaring may
pinapatakbong CCTV sa loob ng inyong pasilidad. Ang mga kamera ng
CCTV ay nasa lahat ng pampublikong mga lugar at mga hagdanan. Ang
mga kamera ay hindi nakainstala sa anumang kuwarto ng mga panauhin.
Ang iyong pribasya ay poprotektahan sa lahat ng oras sa panahon ng
iyong pamamalagi.
HINDI PINAPAHINTULUTAN ANG MGA PAGHAHATID NG ALAK Makatwirang dami
lamang ang maaaring ma-order para sa sariling pag-inom. Mangyaring
uminom nang responsable, magbigay ng konsiderasyon sa ibang mga tao
at mga kawani ng pasilidad na ito at tiyaking naaangkop ang iyong
pag-uugali. Ikaw ay dapat makatugon sa mga kawani sa isang
emerhensya (gaya ng paglikas sa sunog) pati na rin ang pagsunod sa
mga tuntunin sa PPE at pisikal na pagdistansya – maaaring
maapektuhan ng alak ang iyong kakayahang mapanatiling ligtas ang
iyong sarili at ang ibang tao.
Inirerekomenda ng mga patnubay ng Ministri ng Kalusugan ang di
hihigit sa dalawang istandard na inumin kada araw para sa mga
kababaihan (di hihigit sa 10 istandard na inumin kada linggo) at
tatlong istandard na inumin kada araw para sa mga kalalakihan (di
hihigit sa 15 istandard na inumin kada linggo).
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa:
www.alcohol.org.nz/help-advice/advice-on-alcohol/low-risk-alcohol-drinking-advice
Nililimitahan namin ang paghahatid ng alak sa bawat taong nasa
gulang na (18 taong gulang pataas), kada araw sa:
› anim na 330ml lata ng beer (6-9 na istandard na inumin), o
› isang bote ng alak (7-8 istandard na inumin), o
› apat sa isang pakete, hanggang 330ml ang bawat isa, ng mga RTD
(7-8 istandard na inumin)
› ang paghahatid ng spirits ay hindi tatanggapin.
Kung mas higit dito ang ihahatid sa iyo, na nilalayong iinumin ito
sa loob ng ilang araw, ang mga ito ay itatabi ng mga kawani at
ibibigay sa iyo sa panahon ng iyong pamamalagi.
Kung ikaw o ang mga tao sa iyong bubble ay mangangailangan ng
suporta at paggamot upang mabawasan ang pag-inom ng alak, tawagan
ang Alcohol Drug Helpline sa 0800 787 797.
Credit: Ruby Jones.
A TU
N TU
N IN
G SU
SU N
D IN
Mga tuntuning susundin sa panahon ng iyong pamamalagi Habang ikaw
ay nakabukod, mahalagang sundin ang ilang batayang mga tuntunin
upang panatilihin kang ligtas at malusog. Ang ilang mga tuntunin
para sa COVID-19 na inaasahang susundin mo ay mga ligal na
kahingian, at ang paglabag sa mga tuntuning ito ay maaaring
humantong sa pag-aksyon ng Pulisya. Kung hindi mo susundin ang mga
tuntunin, maaaring magka-konsekwensya gaya ng karagdagang panahong
nakabukod.
Ang pagkilos sa labas ng iyong kuwarto ay pinahihintulutan lamang
sa isang istrikto at kontroladong paraan. Mangyaring igalang at
sundin ang mga protokol, patnubay at direksyon ng mga kawani sa
iyong pasilidad.
MAGSUOT NG MGA FACE MASK Dapat ka lamang magsuot ng minsanang-gamit
na naitatapong mga mask na ibinigay sa iyo ng Pasilidad ng
Pinamamahalaang Pagbubukod. Dapat kang magsuot ng mask: › bago
buksan ang iyong pintuan upang kolektahin ang pagkain, labada o iba
pang mga bagay na
iniwan sa iyong pintuan › kung naglalagay ng bag ng labada, basura
o iba pang mga bagay sa labas mismo ng iyong pintuan
para makolekta › para sa mahalagang medikal na pangangalaga,
kabilang ang pagsusuri para sa COVID-19 › kapag may isang tao na
kailangang pumasok sa iyong kuwarto para sa anumang pagmentena ›
kapag lalabas ka ng iyong kuwarto upang maka-access sa mga lugar ng
sariwang hangin o
paninigarilyo. Dapat ka ring magsuot ng mask kung pabalik ka sa
iyong kuwarto › kapag kailangan mong lumabas ng iyong kuwarto dahil
sa isang emerhensya gaya ng sunog.
Ang karagdagang impormasyon kung paano magsusuot at magtatanggal ng
mask ay makukuha sa Appendix 4. Mangyaring itapon ang lahat ng
personal protective equipment (PPE) gaya ng mga guwantes at mga
mask sa angkop na mga bin na malapit sa mga istasyon ng PPE. HUWAG
hayaang nakabalandra sa paligid ang mga PPE.
Tandaan: Ang mga taong may mga kondisyong medikal na pumipigil sa
kanila na magsuot ng mga face mask, mga batang wala pang 6 na taong
gulang, o sinumang hindi makakapagsuot ng mask nang walang tulong,
ay maaaring exempt sa pagsusuot ng mga mask. Kailangang kumpirmahin
ng isang doktor na ikaw ay exempt sa pagsusuot ng mask.
MANATILI SA IYONG KUWARTO Dapat kang manatili sa iyong kuwarto
hangga't maaari sa panahon ng iyong pamamalagi. Mapapanatili ka
nitong ligtas at ang iba pa mula sa anumang pagkalantad at
mahahadlangan ang pagkalat ng COVID-19.
Pinapayagan ka lamang sa labas ng iyong kuwarto:
› kung mayroon kang medikal na appointment › para sa iyong
nakaiskedyul na oras ng sariwang hangin o paninigarilyo. Aabisuhan
ka ng inyong
pasilidad kung paano mag-ayos ng iyong nakaiskedyul na oras para
maka-access sa mga lugar ng sariwang hangin o paninigarilyo
› sa isang emerhensya, halimbawa, sunog o para sa kaligtasang mga
dahilan upang maiwasang masaktan o upang makaligtas sa panganib ng
pinsala.
Kung kinakailangan kang magpasuri sa loob ng 24 na oras ng iyong
pagdating, hindi ka papahintulutang lumabas sa iyong kuwarto
hanggang sa malaman ang mga resulta ng pagsusuri.
Ang iyong pintuan ay dapat manatiling nakasara sa lahat ng iba pang
mga oras. Bago mo buksan ang pinto: › hugasan ang iyong mga kamay
at magsuot ng mask › kung mayroon kang mga bukas na bintana o pinto
sa balkonahe sa iyong kuwarto, tiyaking sarado
ang mga ito bago mo buksan ang pinto. Mababawasan nitong maitulak
ang hangin sa iyong kuwarto palabas sa mga pasilyo, na tutulong
panatilihing ligtas ang mga kawani at iba pang mga
nagsibalik.
MAGPANATILI NG 2 METRONG DISTANSYA Laging magpanatili ng 2 metrong
distansya sa iba maliban kung sila ay nasa iyong bubble (iyong
kapamilya/ partner). Ang COVID-19 ay naikakalat ng mga aerosol o
maliliit na patak, kaya ng paglayo sa iba at pagsunod sa sumusunod
na tamang kalinisan ay magpoprotekta sa iyo laban sa anumang
pagkalat ng COVID-19.
MAGHUGAS. MAGHUGAS. MAGHUGAS. Maghugas ng iyong mga kamay nang
madalas gamit ang sabon at tubig (mga 20 segundo) at lubos na
patuyuin o regular na mag-sanitise ng iyong mga kamay. Tingnan ang
pahina 21.
Iwasang hipuin ang iyong mukha, kabilang ang iyong mga mata, ilong
at bibig kung hindi malinis ang iyong mga kamay. Ang mga ibabaw ay
maaaring may nakakahawang mga maliliit na patak.
MAG-EHERSISYO SA INYONG MGA KUWARTO HANGGA'T MAAARI Ang pag-access
sa mga lugar ng sariwang hangin ay maaaring makuha sa inyong
pasilidad. Aabisuhan ka ng inyong pasilidad kung kailangan mong
mag-book ng oras upang maka-access sa lugar.
Maaari ka lamang gumamit ng mga lugar ng sariwang hangin sa
naaprubahang mga oras para sa magaang pag-ehersisyo gaya ng
paglalakad. Para sa mga layuning paghadlang at pagkontrol
(infection prevention and control - IPC), ang ehersisyo na sanhi ng
mabibigat na paghinga ay maaaring hindi pahintulutan at maaari
naming limitahan ang kagamitan na mailalabas sa mga lugar ng
sariwang hangin.
Dapat kang magsuot ng minsanang-gamit na mga mask, mga wristband at
ugaliin ang pisikal na pagdistansya at kalinisan ng kamay kapag
papunta at pabalik sa sona ng sariwang hangin, at kapag ginagamit
ang lugar. Kung masama ang iyong pakiramdam, kontakin ang
pangkalusugang pangkat sa sityo upang talakayin ang mga
opsyon.
Gagawin namin ang aming makakaya upang bigyan ka ng access sa mga
lugar ng sariwang hangin minsan man lamang sa isang araw. Maaaring
may mga oras na hindi mo maa-access ang mga sonang iyon sa mga
kadahilanang gaya ng may mga bagong dating, may papaalis, may
kumpirmadong kaso sa pasilidad o iba pang mga dahilan.
Nagpapasalamat kami sa iyong pag-unawa kung ang mahalagang mga
aktibidad na ito ay di- inaasahang nakagambala sa iyong
nakaiskedyul na oras ng pag-access sa sariwang hangin.
WALANG MGA BISITA SA PASILIDAD O SA IYONG KUWARTO Hindi ka maaaring
bisitahin ng pamilya o mga kaibigan. Hindi ka dapat magkaroon ng
mga bisita sa iyong kuwarto sa anumang oras. Huwag kang papasok sa
kuwarto ng sinumang wala sa iyong bubble. Mapapanatili ka nitong
ligtas at ang iba pa mula sa anumang pagkalantad at mahahadlangan
ang pagkalat ng COVID-19.
Nag-aalok ang pasilidad ng libreng Wi-Fi upang makausap mo sila sa
online kung nais mo.
ANG TUNTUNIN SA SIKO Umubo o bumahing sa singit ng iyong siko o
takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang mga tisyu. Itapon kaagad
ang mga ito sa basurahan at maghugas o mag-sanitise ng iyong mga
kamay.
MAGSUOT NG IYONG MGA WRISTBAND KAPAG NASA LABAS NG IYONG KUWARTO
Kailangan mong magsuot ng iyong wristband kapag lalabas ka sa iyong
kuwarto upang maka-access sa mga lugar ng sariwang hangin o
paninigarilyo o para sa pagsusuri. Kung hindi mo isusuot ang iyong
wristband maaari kang mapagkamalang isang nagbalik na dapat
nakabukod sa kuwarto at maaari kang sabihan ng mga kawani na
bumalik sa iyong kuwarto.
14 15
M G
A SER
B ISYO
A TU
N TU
N IN
G SU
SU N
D IN
WALANG PAGKUHA NG LITRATO, PAGGAWA NG PELIKULA O PAG-REKORD NG
AUDIO NANG WALANG PAHINTULOT Mangyaring igalang ang pribasya at
personal na mga sirkumstansya ng mga tao sa pasilidad na ito kapag
pinag-iisipang kumuha ng litrato, mag-rekord ng mga audio o video.
Walang pinapahintulutang paggawa ng pelikula sa alinman sa mga
abalang bahagi ng pasilidad gaya ng lobby o mga lugar para sa mga
nars.
Mangyaring huwag mag-rekord ng ibang mga panauhin nang hindi mo
muna sila tatanungin. Kung nais mong mag-rekord ng iyong mga
pakikipag- ugnay sa mga kawani, mangyaring kausapin muna
sila.
PAKIKIPAG-UGNAY SA MEDIA May malaking interes ang publiko sa mga
pasilidad ng pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena. Maaaring
kontakin ka ng media at ito ay pasya mo kung makikipag-usap ka sa
kanila.
Mangyaring tandaan na ang mga mamamahayag ay hindi maaaring pumasok
sa pasilidad. Kung sasang- ayon ka sa isang panayam, kailangan mong
gamitin ang mga opsyong remote gaya ng sa telepono o video
calling.
Hindi ka dapat magkaroon ng mga bisita sa iyong kuwarto sa anumang
oras. Hindi ka dapat makisalo:
› ng mga li¥ (elebeytor) sa sinumang nasa labas ng iyong
bubble.
› ng mga bagay sa pagitan ng mga kuwarto maliban kung sila ay nasa
iyong bubble. Kabilang dito ang mga laruan ng mga bata, papel,
telepono, charger, pagkain, atbp.
› ng mga lighter, sigarilyo, kagamitan sa vaping o
e-cigare¦e.
Mapapanatili nitong ligtas ka at ang iba pa sa pasilidad. Kung
nalapit ka kaninuman na maaaring nakakahawa, ang pamamalagi mo sa
pasilidad ay maaaring patagalin pa.
16 17
PA G
SU SU
-19
Huwag manigarilyo o gumamit ng vape sa iyong kuwarto Ang
paninigarilyo o paggamit ng vaping o e-cigareªe ay hindi
pinapahintulutan sa loob ng iyong kuwarto. Ang iyong kuwarto ay may
alarma sa usok na maaaring paganahin ng alikabok, singaw, usok at
iba pang mga usok at singaw. Ang sadyang pagpapagana na magiging
sanhi ng di-totoong pag-alarma sa usok ay maaaring magresulta sa
pag-uusig. Ikaw ay pinapahintulutang manigarilyo lamang sa isang
itinalagang lugar ng paninigarilyo sa pasilidad. Ang paggamit ng
lugar ng paninigarilyo, at ang haba ng oras na maaaring gugulin mo
dito, ay maaaring limitado, depende sa espasyo. Kung kailangan,
ipapaalam sa iyo ng iyong pasilidad ang nakaiskedyul na mga oras
para sa paninigarilyo o kung paano magbu-book ng oras.
Ikaw ay maaaring samahan sa pagpunta at pag-alis mula sa lugar ng
paninigarilyo. Kailangan mong magsuot ng mask at wristband kapag
lalabas ka at babalik sa iyong kuwarto.
Lahat ng mga lugar ng paninigarilyo ay sinusubaybayan.
HABANG NANINIGARILYO SA ISANG ITINALAGANG LUGAR NG
PANINIGARILYO:
Magpanatili ng 2 metrong distansya sa iba na hindi kasama sa iyong
bubble.
Maglinis ng iyong mga kamay bago mo tanggalin ang iyong mask at
pagkaraang muling magsuot ng mask o kapalit na mask.
HUWAG makisalo ng mga sigarilyo, mga lighter o mga kagamitan sa
vaping o e-cigareªe.
Patayin ang iyong (mga) sigarilyo at itapon ang mga ito sa
itinalagang mga basurahan.
Tanggalin lamang ang iyong face mask upang manigarilyo.
Nicotine Replacement Therapy (NRT) May mga oras na hindi ka
pahihintulutang lumabas ng iyong kuwarto, maliban sa isang
emerhensya (halimbawa, kung magpapasuri ka para sa COVID-19 sa day
0/1, hindi ka makalalabas ng iyong kuwarto sa pagitan ng iyong
pagdating hanggang sa makuha na ang mga resulta ng iyong
pagsusuri). Kung ikaw ay naninigarilyo o vaper, nangangahulugan ito
na hindi ka makakapanigarilyo o makakapag-vape sa mga oras na
ito.
Makakatanggap ka ng paunang pagsusuri sa kalusugan sa loob ng unang
48 oras ng iyong pamamalagi. Sa panahon ng pagsusuri sa kalusugang
ito, maaari mong talakayin sa nars ang anumang suporta sa
paninigarilyo na maaaring kailanganin mo. Maaari ka ring bigyan ng
kawani ng Nicotine Replacement Therapy (NRT) (Paggamot na Pamalit
sa Nikotina). Ang NRT ay tumutulong na pahupain ang pagnanasa sa
nikotina at iba pang mga sintomas na maaaring dinaranas mo kapag
kindi ka makapanigarilyo.
May isang hanay ng makukuhang mga opsyong NRT kaya mangyaring
kausapin mo ang mga kawani kung paano ka pinakamagaling na
masusuportahan ng mga ito.
Karaniwang pagsusuri sa kalusugan at para sa COVID-19 Habang ikaw
ay nasa pinamamahalaang pagbubukod, makakatanggap ka ng regular na
mga pagsusuri sa kalusugan nang harapan o sa telepono. Ang mga
pagsusuri sa kalusugan at para sa COVID-19 ay mahalaga para sa
iyong kagalingan at para sa ibang tao na nasa paligid mo. Ito ay
makakatulong din sa amin na magamot ka kung ikaw ay nalantad sa
virus o mayroon kang iba pang mga alalahaning pangkalusugan.
Dapat mong sundin ang mga tagubilin mula sa Medical Officer ng
Kalusugan o Health Protection Officer sa panahon ng iyong
pamamalagi. Kasama sa pagsusuri para sa COVID-19, ikaw rin ay
kailangang magkaroon ng pagtasang medikal. Kung hihilingan kang
magsuot ng personal protective equipment (PPE) gaya ng mga face
mask (isinuplay sa iyo) sa anumang oras sa panahon ng iyong
pamamalagi, dapat mo itong gawin.
Ikaw ay susuriin nang mga tatlong beses para sa COVID-19
Day 0/1: Kung ikaw ay dumating mula kung saan maliban sa Antarctica
at karamihan sa Pacific Islands, ikaw ay susuriin para sa COVID-19
sa loob ng 24 na oras ng iyong pagdating sa pasilidad (day 0/1).
Kailangan mong manatili sa loob ng iyong kuwarto hanggang sa ang
iyong pagsusuri ay magkaroon ng negatibong resulta.
Day 3: Nagsusuri kami sa day 3, dahil ang karaniwang panahon ng
pagkakaroon ng impeksyon ng mga tao matapos malantad ay 5 araw, at
isinasaalang-alang namin ang 2 araw ng paglalakbay.
Day 12: Nagsusuri ulit kami sa day 12 dahil maaaring matagal
magkaroon ng impeksyon ang ilang mga tao. Ang pagsusuri ring ito ay
isa sa mga pagsusuring aming ginagamit upang alamin kung ang isang
tao ay nasa mababang panganib at maaaring makaalis sa pasilidad
makaraan ang 14 na araw.
Kinakailangan kang magpasuri sa day 0/1, 3 at 12 kahit na hindi ka
nagpapamalas ng mga sintomas. Maaari ka ring suriin sa iba pang
oras kung nagpapakita ka ng anumang mga sintomas ng COVID-19.
Pagsusuri sa kalusugan at para sa COVID-19
1918
A SA
CO V
ID -19
Nasal swab test Ang pagsusuri ay kinapapalooban ng pagpahid sa
likuran ng iyong ilong (nasopharyngeal testing). Para sa karamihan
ng mga tao, ito ay tila isang kiliti, sa iba naman ito ay medyo
hindi komportable, ngunit hindi ito nakakapinsala. Tumatagal ito
nang 10 segundo upang makolekta ang sampol. Ang mga bata ay
kinakailangan ding sumailalim sa nasal swab. Ang mga sanggol na
wala pang 6 na buwan ay hindi kinakailangang sumailalim sa
pagsusuring nasopharyngeal, maliban kung sila ay may mga sintomas o
naging malapitang kontak ng isang kumpirmado o maaaring kaso. Sa
lahat ng mga kaso, maaaring maglapat ng klinikal na
pagpapasya.
Ang sampol ay ipadadala sa laboratoryo at susuriin upang malaman
kung may taglay na anumang genes mula sa SARS-CoV-2 virus – virus
na sanhi ng COVID-19.
Tingnan ang Appendix one para sa karagdagang impormasyon tungkol sa
pagsusuri at mga resulta.
Kung tatanggihan mo ang isang pagsusuri Sa pagpapasuri, tumutulong
kang pigilan ang pagkalat ng COVID-19 at napoprotektahan laban sa
virus ang iyong sarili, mga mahal sa buhay at ang komunidad ng New
Zealand.
Iginagalang namin ang iyong karapatang tanggihan ang isang
pagsusuri, gayunpaman, upang protektahan ang lahat ng taga-New
Zealand laban sa COVID-19, kung tatanggihan mo ang isang pagsusuri
o ikaw ay hindi itinuturing na nasa mababang panganib, ang iyong
pamamalagi ay maaaring tumagal nang hanggang 28 araw.
Kung ikaw ay may anumang mga sintomas Mahalaga na ikaw ay maging
matapat tungkol sa iyong kalusugan sa panahon ng iyong pamamalagi
sa pinamamahalaang pagbubukod. Ito ang pinakamahusay na paraan
upang mapamahalaan ang iyong kalusugan at kagalingan. Laging may
isang pangkat ng mga propesyonal ng kalusugan sa inyong
pasilidad.
› Kung masama ang iyong pakiramdam, mangyaring manatili sa iyong
kuwarto at tumelepono sa pangkat na nasa sityo. Papayuhan ka nila
kung ano ang susunod na gagawin.
› Kung sa anumang oras sa panahon ng iyong pamamalagi ay magkaroon
ka ng anumang mga sintomas ng COVID-19 na lagnat, ubo, pangangapos
ng hininga o masakit na lalamunan, o may di-karaniwang mga sintomas
gaya ng pagtatae, sakit ng ulo, myalgia (pananakit ng kalamnan),
pagduruwal/pagsusuka, o pagkalito/pagkamayamutin, mangyaring
manatili sa iyong kuwarto at ipaalam kaagad sa kawani sa
pamamagitan ng telepono. Aasikasuhin nila na ikaw ay matasa ng
propesyonal ng kalusugan sa sityo.
Kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 sa pasilidad Kung sinuman sa
inyong pasilidad ang hinihinalang may COVID-19, ikaw ay hihilingang
manatili sa iyong kuwarto hanggang sa mabago ang abiso. Nauunawaan
namin na ito ay maaaring makasama ng loob ngunit prayoridad namin
ang iyong kaligtasan. Ang mga tao na nagpositibo ang pagsusuri ay
ibubukod bago sila ilipat sa isang lugar o pasilidad ng
kuwarentena.
Kung ikaw ay malalamang positibo sa COVID-19 sa panahon ng iyong
pamamalagi sa Pinamamahalaang Pagbubukod (o naging malapitang
kontak ng isang kaso), lalo na sa kalaunan ng iyong pamamalagi,
ikaw ay maaaring kailanganing mamalagi nang mas matagal kaysa 14 na
araw.
Maaari rin naming patagalin ang iyong pamamalagi kung may
matutuklasang mga kaso sa pasilidad na nangangailangan ng
karagdagang imbestigasyon. Ito ay upang bawasan ang panganib na
makalabas sa komunidad ang COVID-19.
Ang pagpapanatili ng 2 metrong pisikal na pagdistansya sa iba sa
panahon ng iyong pamamalagi at pag-iwas sa malapitang pagkontak sa
sinumang nasa labas ng iyong bubble ay tutulong na protektahan
ka.
Paano ang paghuhugas ng kamay
Basain ng tubig ang mga kamay at gumamit ng sapat na sabon
upang
masabunan ang lahat ng bahagi ng kamay
Kuskusin ang mga kamay, palad sa palad, hanggang sa at pati
ang
mga pulso
Kanang palad sa likod ng kaliwa na magkakawing ang mga daliri at
gawin
din pakabila
Palad sa palad na magkakawing ang mga daliri
Ang likod ng mga daliri sa kabilang palad na magkakawing ang
mga daliri
Paikot na pagkuskos ng kaliwang hinlalaki na hawak sa kanang palad
at
gawin din pakabila
Paikot na pagkuskos nang mariin, na sarado ang mga daliri ng kanang
kamay sa kaliwang palad at gawin din pakabila
Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang tubig
Patuyuing mabuti ang mga kamay gamit ang tuwalyang-papel
1
4
7
2
5
A G
A LIN
G A
NPangangalaga ng iyong pangkaisipang kalusugan at kagalingan Normal
lang na hindi maayos ang pakiramdam sa lahat ng oras sa panahong
ito ng pagbubukod. Hindi madaling pumunta sa New Zealand at hindi
magawa kaagad ang gusto mong gawin. Kauna-unawa ang makadama ng
kalungkutan, pagkabalisa, pag-aalala, pagkalito, o
pakabahala.
Ang mga oras na ito ay mahirap at mapanghamon. Lahat ay tutugon
nang magkakaiba: ang ilan ay maaaring mas mahirapan kaysa sa iba.
Kaya, mahalagang pangalagaan ang iyong pangkaisipang kalusugan,
pati na rin ang iyong pisikal na kalusugan.
Upang tulungan kang makaraos sa pinakamahusay na paraan, mayroon
kaming ilang mga simpleng mungkahi.
Ang mahihirap na panahon ay umaapekto sa bawat isa sa atin nang
magkakaiba. Ang pagsasali ng mga simpleng aksyong ito sa ating
pang-araw-araw na buhay ay talagang nakakatulong, at maaaring
makagawa ng malaking pagpapabuti sa ating mga kaibigan at
whnau.
Kalusugang pangkaisipan at kagalingan
allright.org.nz
Tough times aect each of us dierently. Building these simple
actions into our everyday lives can really help, and can make a big
dierence to our friends and whnau.
Connect / Me whakawhanaunga Talk and listen, be there, keep in
touch. Our relationships can really top us up. Me korero, me
whakarongo, me whakawtea i a koe, me rongo i te
whanaungatanga.
Give / Tukua Share a smile, kind word or gesture. Kindness boosts
the way we feel too. Me aro tonu ki ng mea mm noa, i ngkau harikoa
ai koe.
Keep learning / Me ako tonu Try new things or enjoy a favourite
pastime. Be curious. Go for it! Awhitia te wheako hou, kimihia ng
ara hou, me ohorere koe i a koe an.
Take notice / Me aro tonu Tune in. Notice the little things. Take a
moment to breathe. Te w ki a koe, kupu, ko koe tonu
Be active / Me kori tonu Moving our body can move our mood. Just do
what you can – every bit counts. Whia te mea ka taea e koe, kia
prekareka tu i whai ai, kia pai ake piropiro.
Find wellbeing ideas and share your own at: allright.org.nz Humanap
ng mga ideyang pangkagalingan at ibahagi ang sa iyo sa:
allright.org.nz
Makipag-ugnay / Me whakawhanaunga Magsalita at makinig, maging
naroon, makipag-ugnay. Talagang maaari tayong paligayahin ng ating
mga pakikipagrelasyon. Me krero, me whakarongo, me whakawtea i a
koe, me rongo i te whanaungatanga.
Magbigay / Tukua Magbahagi ng isang ngiti, mabait na pananalita o
pagkilos. Ang kabutihan ay nagpapasigla rin ng ating nadarama. Me
aro tonu ki ng mea mm noa, i ngkau harikoa ai koe.
Patuloy na matuto / Me ako tonu Sumubok ng bagong mga bagay o
masiyahan sa isang paboritong libangan. Maging interesado. Subukan
mo! Awhitia te wheako hou, kimihia ng ara hou, me ohorere koe i a
koe an.
Pansinin / Me aro tonu Makisali. Pansinin ang maliliit na mga
bagay. Maglaan ng sandali para huminga. Te w ki a koe, kupu, ko koe
tonu.
Maging aktibo / Me kori tonu Ang paggalaw ng ating katawan ay
maaaring magpabago ng lagay ng ating loob. Gawin mo lang ang
makakaya mo – makakatulong gaano man kaliit. Whia te mea ka taea e
koe, kia prekareka tu i whai ai, kia pai ake piropiro.
2322
N
Okey lang na humingi ng tulong Okey lang na paraanin ang mga
bagay-bagay nang paisa-isang araw. He waka eke noa – magkakasama
tayong lahat sa bagay na ito.
Maraming tngata/mga tao ang nakakatuklas na ang pagkakaroon ng
isang krero o talanoa/ pakikipag-usapan sa isang tagasuportang tao
ay talagang nakakatulong.
Ang inyong pangkat ng rehistradong mga nars sa sityo ay naroroon 24
na oras isang araw, 7 araw isang linggo upang suportahan ka, kung
nagsisimula kang mag-alala tungkol sa pisikal o pangkaisipang
kagalingan ng iyong sarili o ng iyong whnau o may anumang
partikular na mga pangangailangang pangkalusugan. Maaari mo ring
ma-access ang isang clinician ng pangkaisipang kalusugan sa inyong
pasilidad na may suporta ng inyong rehistradong mga nars sa sityo
kung kailangan.
Gumawa kami ng listahan ng makakatulong na mga serbisyo na
matatawagan mo at ang website at mga app na maaari mong gamitin
upang pangalagaan ang iyong kagalingan.
Mangyaring punahin na ang mga mapagkukunang nakalista sa ibaba ay
para sa tiyak na payong pangkagalingan. Para sa lahat ng mga tanong
at mga alalahanin tungkol sa inyong pasilidad o pamamalagi, dapat
mong kontakin ang pangkat sa sityo.
SUPORTA SA TELEPONO AT TEXT
Tumawag sa 1737 Tumawag o mag-text sa Telehealth sa 1737 upang
makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo para sa suporta sa
pagdadalamhati, pagkabahala o pangkaisipang kagalingan. Ang
serbisyong ito ay libre at makukuha 24 na oras isang araw, 7 araw
isang linggo.
Lifeline Tumawag sa 0800 543 354 o mag-text sa HELP (4357) upang
makipag-usap sa isang tagapayo o sinanay na mga boluntaryo.
Samaritans Tumawag sa 0800 726 666 para sa isang tao na
makikinig.
Depression Helpline Tumawag sa 0800 111 757 o mag-text nang libre
sa 4202 upang makipag-usap sa isang sinanay na tagapayo.
Mga serbisyo para sa pamilyang Asyano Tumawag sa 0800 862 342 upang
maka-access sa tulong sa sampung wika, kabilang ang Mandarin,
Cantonese, Koreano, Vietnamese, Thai, Hapon, Hindi, Gujarati,
Marathi at Ingles.
Ang helpline ay nagbibigay ng libre at kompidensyal na mga serbisyo
sa buong bansa mula Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng
9am-8pm.
Alcohol Drug Helpline Tumawag sa 0800 787 797 o mag-text nang libre
sa 8681 o online chat sa alcoholdrughelp. org.nz para sa suporta sa
alak o iba pang mga problema sa droga.
OUTLine NZ Tumawag sa 0800 688 5463 para sa kompidensyal, libreng
suporta sa LGBTIQ+ mula sa isang sinanay na boluntaryo. Ang
serbisyong ito ay makukuha mula 6pm hanggang 9pm gabi-gabi.
MGA TOOL (KAGAMITAN) SA ONLINE PARA SA PANGKAISIPANG
KAGALINGAN
TUMUTULONG SA: Pang-araw-araw na pangkaisipang kagalingan, pagharap
sa di- katiyakan, stress, pag-aalala, pagtulog, pag-unlad
Ang Mentemia app ay nagbibigay ng pagtuturo (coaching) sa
pangkaisipang kagalingan makaraang makilala ka nang bahagya sa
pamamagitan ng isang quiz sa personalidad at ang bagay na
pinagtutuunan mo, katulad ng mas mabuting pagtulog, di-masyadong
ma-stress, o pagtulong suportahan ang isang mahal sa buhay. Tampok
sa mga video si Sir John Kirwan at ang kanyang mga paraan ng
pagharap sa buhay na tumutulong sa kanya sa araw-araw.
www.mentemia.com/covid-19
TUMUTULONG SA: Kalungkutan at pagkabukod, Pag-unawa sa ating sarili
nang mas mahusay, Pagbabago sa pag-uugali, Mga paraan upang
pamahalaan ang lagay ng loob, mga Istratehiya upang pamahalaan ang
pagkabahala
Ang Melon ay may komunidad sa online kung saan ikaw ay maaaring
makisalamuha sa iba nang di-makikilala at makipag-ugnayan sa isang
pangkat ng mga tagasuportang manggagawa. Mayroon ding
pangkalusugang magasin, mga mapagkukunan, mga ehersisyong
pang-kagalingan at mga webinar. He waka eke noa (Magkakasama tayong
lahat sa bagay na ito).
www.melonhealth.com/covid-19
TUMUTULONG SA: Pagkabahala at Stress, Kompiyansa, Kamalayan sa
Sarili, Mga kasanayan sa paglutas ng problema, Pag-ugnay sa mga
bagay na mahalaga, Pagtulog, Pagrerelaks
Ang Staying on Track ay isang libreng kurso sa online na tutulong
sa iyo na matutong harapin ang pag-aalala at pagkabahala kapag
nagiging mahirap ang mga bagay-bagay. Maka-access sa madaling
gamitin, napatunayang mga istratehiya at mga kasanayan na
matututunan mo mula sa isang tagagamot, sa pribasya ng sarili mong
tahanan, sa anumang oras na nababagay sa iyo.
www.justathought.co.nz/covid19 2524
K A
LU SU
G A
N G
PA N
G K
A ISIPA
N
Ang Ge¦ing Through Together ay isang kampanya para sa pangkaisipang
kagalingan na nakatuon sa mga bagay na magagawa nating lahat upang
mapanatili ang ating pangkaisipang kagalingan sa panahon ng
pandemyang COVID-19, na may praktikal na mga mungkahi para sa
pangangalaga ng iyong sarili at ng iyong whnau.
www.allright.org.nz/campaigns/ge¦ing-through-together
Ang Sparklers at Home ay isang toolkit sa online para sa mga
magulang, puno ng kasiya-siyang mga aktibidad na sumusuporta sa
kagalingan ng mga estudyante sa primarya at intermediate.
www.sparklers.org.nz/parenting
Whakatau Mai: Ang mga Sesyon sa Kagalingan ay libre, nasa online,
mga pangkomunidad na mga kaganapan na maaari mong salihan sa
totoong oras (real-time). Bisitahin ang website upang magparehistro
para sa mga sesyon upang suportahan ang iyong kagalingan at
makipag-ugnayan sa ibang mga tao na may kaparehong pag-iisip.
www.wellbeingsessions.nz
Ang website ng Ministri ng Kalusugan ay may impormasyon, mga
mapagkukunan, mga tool at libreng mga app upang suportahan ang
iyong pangkaisipang kagalingan, pati na rin mga impormasyon tungkol
sa mga organisasyon na maaaring makatulong kung kailangan mo ng
karagdagang suporta.
www.health.govt.nz/covid-19-mental-wellbeing
SUPORTA PARA SA MGA BATA AT PANGKAISIPANG KALUSUGAN NG MGA
KABATAAN
The Lowdown
Ang The Lowdown ay isang website upang tulungan ang mga batang
taga-New Zealand na matukoy at maunawaan ang depresyon o
pagkabahala.
www.thelowdown.co.nz
Youthline
Ang Youthline ay nakikipagtulungan sa mga kabataan, sa kanilang mga
pamilya at sa mga sumusuporta sa mga kabataan. Sila ay nag-aalok ng
libreng 24/7 na serbisyong Helpline upang suportahan ang mga
kabataan.
www.youthline.co.nz
Kidsline (para sa mga wala pang 18 taong gulang)
Ang KIDSLINE ay isang serbisyo ng pagpapayo para sa lahat ng mga
bata hanggang sa edad na 18 taong gulang.
www.lifeline.org.nz/services/kidsline
Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, tutulungan ka namin at ang
iyong whnau/mga magulang/ guardian upang gawing komportable at
ligtas ang iyong pamamalagi. Maaaring may ilang mga natatanging
probisyong makukuha, halimbawa, upang makagawa ng gawaing
pampaaralan.
Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral
Maaari kang maka-access sa Home Learning TV sa tvnz.co.nz
on-demand. May mahigit 300 mga kabanata na may mga liksyon na
dinisenyo para sa lahat ng maagang pag-aaral at mga edad ng
estudyante. Mayroon ding isang hanay ng mga mapagkukunan ng
pag-aaral at kagalingan sa learningfromhome.govt.nz.
Maaari ka ring mag-aplay na magkaroon ng isang magulang o guardian
na makisali sa iyo sa pinamamahalaang pagbubukod sa pamamagitan ng
proseso ng iksemsyon. Ang impormasyon tungkol sa mga iksemsyon ay
nasa pahina 31 ng paketeng ito.
SUPORTA UPANG MAKADAMA NA LIGTAS MULA SA KARAHASAN
Itinuturing ng New Zealand na mabigat ang karahasan sa pamilya at
karahasang sekswal. Walang sinuman ang dapat makaramdam ng
pagkatakot o mapinsala ng iba. May tulong na makukuha para sa lahat
ng nasa gulang na at mga bata.
Tumawag sa 111 Kung ikaw ay nasa kagyat na panganib, tumawag sa
Pulisya sa 111. Kung hindi ka makapagsalita, pakinggan ang opsyong
idayal ang 55 - direkta kang ikokonekta nito sa Pulisya.
It’s not OK na helpline para sa karahasan sa pamilya Ang linya para
sa impormasyon tungkol sa karahasan sa pamilya 0800 456 450 ay
nagbibigay ng impormasyon at matatawagan pitong araw isang linggo,
mula 9am hanggang 11pm.
Safe to talk Isang pambansang helpline sa pinsalang sekswal na
maa-access gamit ang telepono at internet. Tumawag sa 0800 044
334
Women’s refuge (Kanlungan ng mga kababaihan)
Sumusuporta at tumutulong sa mga kababaihan at mga bata na
dumaranas ng karahasan sa pamilya.
Tumawag sa 0800 733 843 o bumisita sa womensrefuge.org.nz
He Waka Tapu Ang linya ng Heybro ay nilikha para sa mga kalalakihan
na sa kanilang palagay ay mananakit ng isang mahal sa buhay o
kapamilya. Matatawagan 24/7 upang makinig at tumulong
Tumawag 0800 439 276 o bumisita sa www.hewakatapu.org.nz
What’s Up Ang What’s ay isang libre, pambansang helpline na
makukuhang pagpapayo at serbisyong webchat para sa mga bata at mga
kabataan.
Ang serbisyong ito ay bukas Lunes-Biyernes, 12pm-11pm at
Sabado/Linggo, 3pm-11pm.
Tumawag sa 0800 942 8787 o bumisita sa whatsup.co.nz 2726
K A
LU SU
G A
N G
PA N
G K
A ISIPA
N
Ang kabuuang modelo ng kalusugan ng Mori, ang Te Whare Tapa Wh, ay
nagpapaaala sa iyo na pangalagaan ang lahat ng iba't ibang aspeto
ng iyong buhay upang suportahan ang iyong kagalingan.
Ang Te whare tapa wh ay isang modelo ng 4 na dimensyon ng
kagalingan na binuo ni Sir Mason Durie noong 1984 upang bigyan ang
mga Mori ng pag-unawa tungkol sa kalusugan. Sa 4 na mga dingding,
ang wharenui (lugar ng pagpupulong) ay isang simbolo ng apat na
dimensyong ito. Ang ugnayan ng wharenui sa whenua (lupain) ay
bumubuo ng batayan para sa iba pang apat na dimensyon.
Sa pag-aalaga at pagpapalakas ng lahat ng mga dimensyon,
masusuportahan mo ang iyong kalusugan at kagalingan, pati na rin
ang kalusugan at kagalingan ng iyong whnau.
Te Whare Tapa Wh Ang kabuuang modelo ng kalusugan ng Mori
Te taha whnau Kalusugan ng pamilya
Te taha hinengaro Kalusugang sikolohikal
Te taha wairua Kalusugang espiritwal
Te taha tinana Kalusugang pisikal
SUPORTA SA KAPAKANAN
May makukuhang tulong kung kailangan mo ng mahalagang impormasyon o
mga serbisyong pangsuporta, kabilang ang pag-aplay para sa
pinansyal na tulong (at iba pang suporta na maaaring kailanganin
mo).
Ang Ministri ng Kaunlarang Panlipunan ay maaaring makatulong sa
iba't ibang mga paraan at mga sitwasyion. Maaari mo ring hilingan
ang isang kawani sa sityo na isangguni ka. Magandang ideya na
pag-isipan mo nang maaga ang iyong mga opsyon sa iyong pamamalagi
upang ang tulong ay iyong makukuha kung kailangan mo nito sa
pag-alis mo sa pasilidad.
Pagtatrabaho Kung kailangan mo ng trabaho pag-alis mo sa pasilidad,
may mga tool sa online na nag-uugnay ng mga tagapag- empleyo sa mga
taong naghahanap ng trabaho. Kapag interesado ka sa nakita mong
trabaho, may tulong para sa iyo sa pag-aplay o pakikipag-usap sa
tagapag-empleyo. May makukuha ring tulong sa pagsasanay at
karanasan sa trabaho (work experience), sa iyong CV, panakip-liham
o pagkumpleto ng mga aplikasyon. Para sa karagdagang impormasyon,
bumisita sa: www.jobs.govt.nz or
www.workandincome.govt.nz/work
Pabahay Lahat ay marapat magkaroon ng isang lugar na matitirahan na
ligtas at malusog. Kung wala kang mapupuntahan kapag umalis ka na
sa pagbubukod, maaaring may makuhang tulong upang makahanap ng
matitirahan. Makipag-ugnay sa Ministri ng Kaunlarang Panlipunan
[email protected] Para sa anumang iba pang impormasyon, mangyaring
bumisita sa: www.workandincome.govt.nz
Pinansyal Kung ikaw ay walang trabaho o hindi ka makakapagtrabaho
sa malapit na hinaharap, maaari kang makakuha ng benepisyo o ilang
pinansyal na tulong.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pinansyal na suportang
maaari mong makuha, bumisita sa check.msd.govt.nz
Mga gastusin sa paglalakbay Maaaring may tulong na makukuha kung
kailangan mo ng suporta sa mga gastusin sa paglalakbay upang ikaw
ay makauwi. Hindi kailangang ikaw ay tumatanggap ng benepisyo.
Mag-email sa amin sa
[email protected]
Impormasyon sa buwis mula sa IRD Ang iyong IRD number ay tutulong
sa iyo na masubaybayan ang buwis na binabayaran mo at makakuha ng
tamang mga karapatan. Ito ay bukud-tanging sa iyo. Kung nagkaroon
ka dati ng IRD number ngunit hindi mo ito matandaan o baguhan ka sa
New Zealand, kami ay maaaring makatulong. Ang MyIR ay isang may
seguridad na serbisyo sa online at ito ay maaaring gamitin upang
magsagawa ng mga bagay katulad ng pagsasapanahon ng iyong mga
detalye ng kontak, pagsusumite ng iyong mga tax return at
pagpapadala sa amin ng mga mensahe, karamihan sa mga Kiwi ngayon ay
mayroong myIR. Kung ikaw ay mamamayan ng NZ o Australya/may NZ
Residency at kasalukuyang nasa NZ at mayroon kang mga anak na wala
pang 18 taong gulang na nasa iyong pangangalaga, maaari kang maging
marapat para sa mga kabayarang Working for Families upang tulungan
kang magpalaki ng iyong pamilya. Para sa pagtanggap o pagbabayad ng
suporta sa anak (child support), tingnan ang nilalaman ng aming
bagong website para sa mga pamilya. Kung ikaw ay may pananagutang
magbayad ng suporta sa anak, kontakin kami upang talakayin ang
iyong mga obligasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga paraan kung paano ka
matutulungan ng Inland Revenue na maging panatag sa paninirahanan,
bisitahin ang ird.govt.nz/welcome-home. 2928
M G
A B
AYA R
N
Mga singil sa pinamamahalaang pagbubukod Nakukuhang muli ng
Pamahalaan ang ilan sa mga gastos para sa pinamamahalaang
pagbubukod upang ibahagi sa mga tao sa New Zealand, at sa mga
umaalis at pumapasok sa bansa, ang pinansyal na bigat sa isang
paraan na makatarungang sasalamin sa mga benepisyo.
Sino ang magbabayad? Kung ikaw ay isang mamamayan o residente ng
New Zealand, mananagot ka sa isang singil kung:
› umalis ka sa New Zealand bago ang 12:01am noong ika-11 ng Agosto
2020, at
– pabalik ka ngayon sa New Zealand makaraan ang 12.01am noong
ika-11 ng Hunyo 2021, at
– mananatili ka nang kulang sa 180 araw (ito dati ay 90
araw).
› umalis ka sa New Zealand noon o makaraan ang 12:01am noong ika-11
ng Agosto 2020 (nang magkabisa ang mga regulasyon) kahit na ikaw ay
mananatili nang mahigit 180 araw.
› ikaw ay may hawak na pansamantalang visa, kahit kailan man
naaprubahan o inaplayan ang iyong visa
› Ikaw ay pumapasok sa hangganan na may eksepsyon bilang isang
kritikal na pangkalusugang manggagawa.
Magkano ang singil? Para sa mga mamamayan ng New Zealand, mga may
hawak na residence class visa, at mga kritikal na pangkalusugang
manggagawa, ang singil ay:
Una o nag-iisa lamang na tao sa kuwarto (nasa gulang man o bata)
$3,100
Bawat karagdagang tao na nasa gulang na $950
Bawat karagdagang bata (3-17 taong gulang, inklusibo) na
magkakasalo sa kuwartong iyon, lahat ay may singil na GST,
inklusibo.
$475
Walang singil para sa mga bata na wala pang 3 taong gulang.
Punahin: ang bata na wala pang 3 taong gulang ay hindi maaaring
nasa isang kuwarto nang walang kasama.
Kung may pananagutan kang magbayad, ikaw ay sisingilin kada
kuwarto.
Para sa may mga hawak na pansamantalang visa (kabilang ang iba pang
kritikal na mga manggagawa, may mga hawak na work visa, at
international student visa) ang mga singil ay:
Una o nag-iisa lamang na tao sa kuwarto $5,520
Bawat karagdagang tao na nasa gulang na $2,990
Bawat karagdagang bata (3-17 taong gulang, inklusibo) na
magkakasalo sa kuwartong iyon, lahat ay may singil na GST,
inklusibo.
$1,610
Walang singil para sa mga bata na wala pang 3 taong gulang kung
sila ay nasa isang kuwarto na may kasamang isa pang tao.
Mga bayarin at iksemsyon
Kung kinakailangan kang magbayad ng mga singil sa pinamamahalaang
pagbubukod, tatanggap ka ng isang invoice (kuwenta) matapos kang
umalis sa pasilidad ng pinamamahalaang pagbubukod. Ipapaliwanag ng
invoice ang mga paraan ng pagbabayad, mga opsyon at kung gaano
katagal ka dapat magbabayad.
Hindi ka maaaring magbayad sa pasilidad ng pinamamahalaang
pagbubukod.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa
www.miq.govt.nz/charges
Mga iksemsiyon (exemption) at pagpapaubaya (waiver) Ang iksemsiyon
ay para sa mga tao na hindi kailangang magbayad para sa kanilang
pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena.
Ang pagpapaubaya (waiver) ay para sa mga taong may pananagutan sa
singil para sa kanilang pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena,
ngunit maaaring mag-aplay na alisin ang ilan o lahat ng mga
babayaran.
Sino ang may iksemsiyon mula sa mga singil? › Mga taga-New Zealand
na maninirahan sa New Zealand nang 90 araw o mas matagal pa (kung
pumasok
sila bago ang ika-1 ng Hunyo 2021) o 180 araw o mas matagal pa
(kung pumasok sila mula ika-1 ng Hunyo 2021), sa kondisyong hindi
sila umalis sa New Zealand noon o makaraan ang 12.01am noong ika-11
ng Agosto 2020.
› Mga partner, mga batang wala pang 18 taong gulang at mga ligal na
guardian na nagbubukod o naglalakbay kasama ng isang miyembro ng
pamilya na exempt sa pagbabayad ng mga singil (maliban kung sila ay
pumapasok sa ilalim ng eksepsyon sa hangganan bilang kritikal na
manggagawa, o ang taong exempt ay exempt lamang dahil siya ay wala
pang 3 taong gulang).
› Isang tao sa New Zealand na napunta sa pinamamahalaang pagbubukod
upang mangalaga para sa isang taong exempt mula sa mga
singil.
› Mga refugee, kabilang ang mga humihiling, mga protektadong tao at
mga aplikante sa ilalim ng special immigration category para sa mga
biktima ng karahasan sa tahanan, kapag pumasok sila sa New Zealand
sa kauna-unahang pagkakataon.
› Sinumang papasok sa New Zealand makaraan ang isang medikal na
paglipat gamit ang eroplano o pagsagip sa dagat.
› Mga pasyenteng naglalakbay patungong New Zealand bilang bahagi ng
High Cost Treatment Pool ng Ministri ng Kalusugan o ng New Zealand
Medical Treatment Scheme ng Ministri ng mga Ugnayang Panlabas at
Pangangalakal.
› Mga mamamayan ng New Zealand na karaniwang residente ng Cook
Islands, Niue o Tokelau na naglalakbay patungong New Zealand para
sa medikal na paggamot.
› Mga mamamayan ng New Zealand na karaniwang residente ng Cook
Islands, Niue o Tokelau, na naglalakbay buhat sa ikatlong bansa na
dadaan sa New Zealand (mamamalagi nang kulang sa 90 araw) upang
makabalik sa Cook Islands, Niue o Tokelau (mamalagi nang mga 180
araw man lamang).
› Mga tao na itinatapon (idini-deport) sa New Zealand, inilalarawan
bilang "nagbabalik na mga nagkasala" sa ilalim ng Returning
Offenders (Pamamahala at Impormasyon) Act 2015 at sinumang
mamamayan ng New Zealand na itinapon mula sa Australya.
› Mga diplomatiko at mga kawani ng konsulado, kabilang ang kanilang
mga pamilya, at opisyal na mga kinatawan ng pamahalaan ng ibang
bansa.
Kung ang iyong sitwasyon ay katugma sa isa sa mga dahilan na
nakalarawan sa itaas, mangyaring ipaalam ito sa pangkat sa
sityo.
Sino ang maaaring mag-aplay para sa isang waiver (pagpapaubaya)?
Sinumang nasa pinamamahalaang pagbubukod ay maaaring mag-aplay para
sa waiver ng mga singil (maliban kung ikaw ay pumasok sa New
Zealand bilang " isang iba pang kritikal na manggagawa"). Bawat
aplikasyon ay pag-aaralan nang kaso-sa-kaso.
Ang isang waiver ay maaaring ipagkaloob sa mga kaso ng labis-labis
na pinansyal na paghihirap o iba pang espesyal na sirkumstansya.
Maaaring kabilang dito ang: 30 31
› Isang taga-New Zealand na pumasok sa pinamamahalaang pagbubukod
dahil umalis siya ng New Zealand upang samahang pabalik sa New
Zealand ang isang tao na may kapansanan o hindi maaaring maglakbay
nang nag-iisa kung saan ang taong iyon ay hindi mananagot sa
pagbabayad para sa kanyang pinamamahalaang pagbubukod.
› Isang tao na kinakailangang maglakbay patungo o paalis sa New
Zealand upang makapagpagamot.
› Iba pang batay sa pagdamay na dahilan, kabilang kung ang isang
tao ay naglakbay upang bumisita sa isang kamag-anak na malubha o
malapit nang mamatay, o upang dumalo sa libing o tangihanga (sa New
Zealand man o sa ibang bansa).
Ang mga waiver ay mailalapat bago maglakbay, habang naglalakbay, at
makaraan ang pamamalagi ng isang tao sa pinamamahalaang
pagbubukod.
Para sa karagdagang impormasyon kung sino ang maaaring mag-aplay
para sa isang waiver at anong mga dokumento ang kakailanganin upang
suportahan ang aplikasyon, mangyaring bumisita sa
www.miq.govt.nz/charges.
Paano ang pag-aplay para sa isang waiver Upang mag-aplay para sa
isang waiver, kailangan mong punan ang Fee and Waiver Form mula sa
www.miq.govt.nz/charges. Kapag nakumpleto mo na ito, mangyaring
tiyakin na isinama mo ang mga dokumentong kailangan upang
suportahan ang iyong aplikasyon.
Mga iksemsyon mula sa pinamamahalaang pagbubukod Ang mga iksemsyon
mula sa pinamamahalaang pagbubukod ay naaaprubahan sa
napakakaunting mga sirkumstansya. Ang mga aplikasyon para sa
iksemsyon ay pinag-aaralan nang kaso-sa-kaso at ang kinakailangan
para sa pag-apruba ay napakataas. Aaprubahan lamang ang isang
iksemsyon kung kami ay may tiwala na ang pangkalusugang panganib ng
pagkahawahan ay napakababa.
Karaniwan, kailangan ang negatibong resulta ng pagsusuri para sa
COVID-19 sa day 3 at day 12 at isang kabuuang pagtasa sa kalusugan
bago ka pa isaalang-alang para sa isang iksemsyon. Maaaring maging
mas mahirap makakuha ng iksemsyon kung ikaw ay umalis buhat,
nag-transit, o kamakailan lamang ay nagpunta, sa isang bansa na
mataas ang mga pangkalusugang panganib ng COVID-19.
Karamihan sa mga iksemsyon ay ipinagkakaloob sa mga tao na
sinasamahan ang walang kasamang mga menor-de-edad, mga taong
naka-transit, o mga taong ang mga pangangailangang medikal ay
nangangailangan ng pangangalaga sa ospital.
Ang mga iksemsyon para sa mga pambihirang pangyayari, gaya ng
pagbisita sa isang kamag-anak na malapit nang mamatay, ay
inaaprubahan lamang kapag ang pangkalusugang panganib sa publiko ay
tinasang napakababa at maaaring mapamahalaan. Sa kaunting mga kaso,
ang mga iksemsyon ay naaprubahan para sa pansamantalang panahon at
kailangan mong bumalik sa pasilidad ng pinamamahalaang pagbubukod
upang kumpletuhin ang iyong 14 na araw.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng mga iksemsyon
at upang mag-aplay para sa iksemsyon, mangyaring bumisita sa
www.miq.govt.nz/exemptions.
Kung bibigyan ka ng iksemsyon upang pansamantalang umalis sa
pinamamahalaang pagbubukod, kailangan mo pa ring kumpletuhin ang
minimum na 14 na araw ng pagbubukod mula sa oras ng iyong pagdating
sa New Zealand.
Walang maaaring iksemsyon kung magkakaroon ka ng mga sintomas ng
COVID-19 sa panahon ng iyong pamamalagi sa pinamamahalaang
pagbubukod at inilipat ka sa pasilidad ng kuwarentena.
Pag-alis sa pasilidad ng pagbubukod makaraan ang 14 na araw Ikaw ay
inaatasang mamalagi sa pasilidad ng pagbubukod sa minimum na 14 na
araw. Magsisimula ito sa oras at petsa ng pagdating mo sa New
Zealand.
Halimbawa, kung dumating ka nang 11am, oras sa New Zealand (NZT)
noong ika-1 ng Enero, ang oras at petsa ng iyong pag-alis ay 11am
NZT sa ika-15 ng Enero, ibig sabihin, matapos mong makumpleto ang
14 na araw ng pagbubukod. Ang araw ng iyong pagdating ay
bibilanging 'Day zero'.
Maghanda ng plano sa paglalakbay Mahalaga na malinaw sa iyo kung
saan ka pupunta kapag nakumpleto mo na ang iyong pamamalagi. Sa
panahon ng iyong pamamalagi, tatawagan ka ng mga kawani sa sityo
upang talakayin ang iyong mga plano sa paglalakbay. Upang tumulong
sa tawag na ito, hinikayat ka namin na simulang pag- isipan ang
iyong pag-alis, saan ka pupunta at paano ka makapupunta roon.
Sumangguni sa Appendix 2 Pagtalakay sa iyong mga plano sa
paglalakbay.
Maging malinaw kung saan ka susunod na pupunta at paano ka
makapupunta roon Tutulong ito na ayusin ang iyong pag-check-out at
masusuportahan ka nang mas mahusay sa oras ng iyong pag-alis.
Mangyaring tulungan kami na makontak ka sa hinaharap, kung
kailangan, sa pamamagitan ng pagtiyak na ang mga detalye ng kontak
(email, telepono, tirahan, atbp.) ay kasalukuyan at tama.
Ayusin ang iyong paglalakbay Kung ikaw ay nakatira, o malapit, sa
mismong lungsod kung saan ka nagbubukod, kailangan mong ayusin at
bayaran ang sarili mong transportasyon mula sa pasilidad patungo sa
susunod mong akomodasyon.
Kung hindi mo maisasaayos ang iyong paglalakbay, mangyaring
kontakin mo ang mga kawani sa sityo para sa payo.
May makukuhang sasakyan patungo sa airport Kung ikaw ay aalis mula
sa isang pasilidad sa Auckland, may mga libreng tiket ng Skybus na
mahihiling upang ihatid ka sa Auckland airport. Mangyaring tandaan
na kailangan mong ayusin ang iyong pagpunta sa pinakamalapit na
hintuan ng Skybus.
Kung lumapag ka sa Auckland ngunit kinumpleto mo ang iyong
pagbubukod sa ibang lungsod, ikaw ay ihahatid namin sa Auckland
airport, maliban kung magsasabi ka ng iba dito. Ikaw ang mananagot
sa pag-aayos at pagbabayad para sa anumang pasulong na paglalakbay
mula sa airport.
Mahalaga na tiyak na ang iyong mga plano sa paglalakbay bago
mag-book ang aming pangkat ng iyong biyahe sa eroplano pabalik sa
Auckland. Ang mga flight booking ay hindi maaaring baguhin kapag
ang mga ito ay nai-book na (maliban sa isang emerhensya o dahil sa
pagkansela ng biyahe sa eroplano).
Credit: Ruby Jones.
Paghahanda sa pag-alis
3332
Sa pag-alis Mangyaring tiyakin na dala mo ang lahat ng iyong mga
bagahe. Mangyaring sumunod sa mga hakbang ng pampublikong kalusugan
na nakasaad sa liham ng pag-alis. Ikaw ay kinakailangang magsuot ng
face mask habang nasa anumang pampublikong sasakyan pati rin sa mga
biyahe sa eroplano.
Mangyaring ipaalam sa pangkat sa sityo kung ang iyong akomodasyon o
mga plano sa paglalakbay ay magbabago sa anumang yugto sa panahon
ng iyong pamamalagi.
Mangyaring tiyakin na ang mga detalye ng kontak sa iyong pag-alis
ay tama. Tutulong ito sa amin na makontak ka pagkaalis mo sa
pasilidad para sa iyong pagsusuri sa kalusugan matapos umalis at
patuloy na panatilihing ligtas ka at ang ating mga komunidad.
Huling pagsusuri sa kalusugan bago ka makaalis sa pasilidad Sa
halos lahat ng mga kaso, kailangan ng negatibong resulta ng
pagsusuri para sa COVID-19 para sa day 12 at kumpirmasyon mula sa
isang doktor na ikaw ay may mababang panganib ng pagkakaroon o
pagpasa ng COVID-19 bago ka makaalis.
Ang mababang panganib ng pagkakaroon o pagpasa ng COVID-19 ay
kabibilangan ng pagkumpirma na ikaw ay:
Nasa pinamamahalaang pagbubukod nang di-kinulang sa 14 na
araw
Walang nakitang mga sintomas ng COVID-19, na kinabibilangan ng
lagnat, masakit na lalamunan, ubo, o kahirapang huminga/kakapusan
ng hininga
Ikaw ay walang temperaturang 38°C o mas mataas pa
Sa halos lahat ng mga kaso, negatibo ang pagsusuri para sa COVID-19
sa day 12
Dapat mong matugunan ang mga panukat na ito upang makaalis sa
pasilidad. Sa pagkumpleto ng iyong 14 na araw ng panahon ng
pagbubukod at ang iyong huling pagtasa sa kalusugan, kakailanganin
mong magkumpleto ng Final Health Check Form. Tutulungan ka ng nars
dito at tatapusin ito.
Ikaw ay tatanggap ng isang liham na nagkukumpirmang nakumpleto mo
na ang pinamamahalaang pagbubukod at ikaw ay pinapahintulutang
maglakbay sa susunod mong destinasyon ayon sa iyong napagkasunduang
mga plano sa paglalakbay.
Kapag naghahandang lumabas ng iyong kuwarto, mangyaring sundin ang
impormasyon ng pasilidad o tawagan mo ang reception upang alamin
kung ano ang iyong magagawa upang maihanda ang iyong kuwarto sa
paglilinis.
Kung tatanggihan mo ang pagsusuri para sa COVID-19 sa day 12 o ikaw
ay hindi itinuring na may mababang panganib, ang iyong pamamalagi
ay patatagalin at ikaw ay maaaring hindi pahintulutang umalis sa
pasilidad. Maaaring atasan ka na mamalagi hanggang sa kabuuang 28
araw.
Maaari rin naming patagalin ang iyong pamamalagi kung may
matutuklasang mga kaso sa pasilidad na nangangailangan ng
karagdagang imbestigasyon.
Ito ay upang bawasan ang panganib na makalabas sa komunidad ang
COVID-19.
Mga papuri, komento at reklamo
Ang sistema ng pinamamahalaang pagbubukod at kuwarentena ng
Aotearoa New Zealand ay sumusuporta sa daan-daang libong mga tao
upang ligtas na sumailalim sa kanilang kinailangang pagbubukod o
kuwarentena bago makisalamuha sa komunidad.
Ang iyong kalusugan at kaligtasan ang aming pangunahing
prayoridad.
Ang aming pangkat ng mga propesyonal ng kalusugan, mga kawani ng
hotel at pamahalaan ay nakatuon sa pagsuporta sa iyo at pagtiyak na
maging komportable ang iyong pamamalagi.
Ipakita sa kanila ang iyong pagpapahalaga Kung nais mong ipakita
ang iyong pagpapahalaga at pasasalamat, mangyaring punan ang form
ng komento na makukuha sa www.miq.govt.nz/feedback.
Survey ng Karanasan sa MIQ Sa humigit-kumulang na day 12 ng iyong
pamamalagi, kung ikaw ay nasa edad na 18 taong gulang pataas, ikaw
ay makakatanggap ng email na nag-aanyaya sa iyo na magkumpleto ng
Survey ng Karanasan sa MIQ. Ito ay upang mangalap ng komento
tungkol sa iyong karanasan mula noong magplano kang maglakbay sa
New Zealand, hanggang malapit nang matapos ang pamamalagi mo sa
MIQ.
Nais naming marinig ang iyong komento kung ano ang gumana nang
mahusay at kung saan kami makagagawa ng mga pagpapabuti, upang
magawa naming maayos at komportable ang karanasan hangga't maaari.
Ikalulugod namin ang ilang minuto upang punan ang survey kapag
na-email na ito sa iyo.
Kung nais mong magreklamo Ang lahat ng mga reklamo ay
pinahahalagahan ng Pinamamahalaang Pagbubukod at Kuwarentena.
Naniniwala kami na lahat ay may karapatang makapagreklamo at ang
lahat ng natutukoy ay dapat tratuhin nang may kagandahang-loob at
paggalang, at bigyan ng lubos at patas na pagdinig.
Kami ay nakatuon sa patas, simple, mabilis at mahusay na paglutas
ng mga reklamo.
Kinikilala namin na ang anumang mga imbestigasyon ay dapat maging
kompidensyal at isagawa nang may mabuting layunin.
Gagamitin namin ang mga kalalabasang magmumula sa mga reklamo
bilang isang pagkakataon para matuto at pabutihin ang aming mga
proseso.
Ang likhang sining ng nagbalik na si Hamish ay nagpapasalamat sa
aming mga kawani at nagpapaalala ng magandang panahon nila sa
MIQ.
3534
Paano magbibigay ng komento Kung ikaw ay kasalukuyang nasa isang
pasilidad ng MIQ at ang iyong mga inaasahan ay hindi natutugunan,
dapat mo munang ipaalam ang iyong mga alalahanin sa Manedyer ng
Pasilidad o Koordineytor ng Kagalingan.
May ilang mga espesyalista sa sityo na maaaring humarap sa iba't
ibang mga isyu kabilang ang seguridad, kaligtasan, kalusugan at
kagalingan, pagkain at suportang pangkapakanan. Dapat kang
makipag-ugnay muna sa mga pangkat sa sityo upang makatulong sa
iyong mga alalahanin.
Kung hindi malulutas ang iyong alalahanin, maaari mong ipaalam ang
iyong isyu sa pamamagitan ng paggamit ng Form ng mga Reklamo
(Complaints Form) sa website ng MIQ.
Proseso ng mga reklamo Maaari kang magreklamo sa pamamagitan
ng:
Pakikipag-usap sa Manedyer ng Pasilidad o Koordineytor ng
Kagalingan sa sityo sa loob ng pasilidad ng pinamamahalaang
pagbubukod at kuwarentena.
Pagkumpleto ng complaints form sa website ng MIQ:
www.miq.govt.nz/contact
ANO ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI? Ikaw ay tatanggap ng sagot na email
sa loob ng dalawang araw ng trabaho pagkatanggap ng iyong
reklamo.
Ang proseso ng aming imbestigasyon ay kukumpletuhin nang mabilis
hangga't maaari at sa loob ng limang araw ng trabaho makaraang
maipadala ang sagot na email, maliban kung ang reklamo ay
kasiya-siyang nalutas samantala. Kung mangangailangan ng higit pang
oras ang imbestigasyon, ipapabatid namin sa iyo ang bagong mga
iskedyul ng oras at ang mga dahilan ng mga ito.
Ang Resolutions Team ay susulat sa iyo na nag-aabiso ng desisyon,
maglalarawan ng mga ebidensyang pinag-aralan, mga pangangatwiran,
at anumang aksyong isinagawa bilang resulta ng reklamo.
Kung ang iyong reklamo ay tungkol sa ibang organisasyon na
kasangkot sa MIQ, ang iyong reklamo ay isasangguni sa nauugnay na
organisasyon. Kabilang dito ang mga reklamo na mas angkop na
harapin ng New Zealand Defence Force, Ministri ng Kalusugan,
District Health Board, NZ Police o iba pang katuwang na mga ahensya
ng pamahalaan na kasangkot sa pamamahala ng aming mga
pasilidad.
Kung hindi ka nasiyahan sa kalutasan ng iyong reklamo Aabisuhan ka
rin ng Resolutions Team na maaari mong isampa ang kaso sa Tanggapan
ng Ombudsman o sa Tanggapan ng Komisyoner ng Pribasya (kung
naaangkop) kung hindi ka nasiyahan sa proseso. Para sa karagdagang
impormasyon, mangyaring bumisita sa:
www.ombudsman.parliament.nz
www.privacy.org.nz
Subaybayan ang iyong kalusugan pagkaalis mo Dalawang araw pagkaalis
mo, makikipag-ugnay sa iyo ang Ministri ng Kalusugan upang suriin
ang iyong kalusugan. Makakatanggap ka ng form sa email na
magtatanong kung dumaranas ka ng anumang mga sintomas ng COVID-19.
Mangyaring kumpletuhin ang form na ito sa lalong madaling panahon.
Tatawagan ka ng Ministri ng Kalusugan kung hindi sila nakatanggap
ng tugon. Mangyaring tingnan na tama ang iyong mga detalye ng
kontak upang makontak ka pag-alis mo sa pasilidad.
Kung ikaw ay may anumang kasunod na mga tanong tungkol sa iyong
kalusugan o magkaroon ng anumang mga sintomas ng COVID-19,
mangyaring tumawag sa Healthline sa 0800 358 5453 o sa iyong
GP.
Para sa anumang mga emerhensya, tumawag sa 111.
MAIKLING PAALAALA: Ang mga sintomas ng COVID-19 ay:
Ang ilang mga tao ay maaaring magpakita ng di-karaniwang mga
sintomas gaya ng pagtatae, sakit ng ulo, myalgia (pananakit ng
kalamnan), pagduruwal/pagsusuka, o pagkalito/pagkamayamutin.
Kung sa palagay mo ay hindi mo ito nakakayanan, mahalagang
makipag-usap ka sa isang propesyonal ng kalusugan. Kung kailangan
mo ng karagdagang impormasyon, bumisita sa
www.health.govt.nz/covid-19.
Mangyaring patuloy na ugaliin ang mabuting kalinisan ng mga kamay
sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng
hand sanitiser, at pag-ubo/pagbahing sa singit ng iyong siko.
Pagkaalis mo sa pasilidad
Pangangapos ng hininga
Tumutulong sipon o
Pananakit ng katawan
3736
Pagpapanatiling ligtas sa iyo at sa ibang tao Ang NZ COVID Tracer
app Ang NZ COVID Tracer app ay isang madali, pribadong paraan upang
masubaybayan mo kung saan-saan ka nagpunta. Ang iyong mga datos ay
nakaimbak sa iyong telepono, hanggang sa piliin mong ibahagi
ito.
Ang paggamit ng app ay isang bagay na magagawa nating lahat upang
tumulong pabilisin ang contact tracing kapag may natuklasang kaso
ng COVID-19, at mapigilan ang pagkalat ng virus.
I-download nang libre ang NZ COVID Tracer app sa iyong telepono
mula sa App Store o Google Play. Gamitin ang NZ COVID Tracer app
upang: › mag-scan ng mga QR code upang lumikha ng pribadong digital
na talaarawan ng mga
lugar na iyong binisita › i-on ang Bluetooth tracing upang
magkaroon ng walang pagkakakilanlang tala ng mga
tao na nalapitan mo › irehistro ang iyong mga detalye ng kontak
upang makipag-ugnayan sa iyo ang mga
contact tracer kung kailangan nilang gawin ito.
Lahat ng mga negosyo, mga serbisyo at mga kaganapan sa New Zealand
ay nagdidispley ng mga QR code para ma-scan mo gamit ang NZ COVID
Tracer App.
Kung bibisitahin mo ang mismong lugar na sabay bibisitahin din sa
halos kaparehong oras ng isang tao na malaunan ay nagpositibo sa
pagsusuri para sa COVID-19, ikaw ay tatanggap ng alerto sa
pamamagitan ng app na may impormasyon kung paano mananatiling
ligtas.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng NZ COVIT
Tracer app, bumisita sa covid19.govt.nz/nzcovidtracerapp
Kung hindi mo magagamit ang app, gumamit ng kahit anong paraan na
gagana para sa iyo, katulad ng NZ COVID tracer booklet o sarili
mong papel na notebook. Hikayatin ang iyong pamilya, whnau at mga
kaibigan na gawin din ito.
Inirerekomenda naming subaybayan mo ang 3 W: › Saan ka nagpunta ›
Kailan ka nagpunta doon › Sino ang nakasalamuha mo
I-print ang iyong NZ COVID Tracer booklet mula sa
covid19.govt.nz/nz.covid-tracer-booklet/
Alamin ang ating 4-tier na mga COVID-19 Alert Level Ang New Zealand
ay mayroong 4-tier na sistema ng COVID-Alert Level. Tiyaking alam
mo kung ano ang gagawin sa iba't ibang mga Alert Level. Para sa
karagdagang impormasyon, bumisita sa
Covid19.govt.nz/alertsystem
Mag-scan ng mga QR code, at i-on ang Bluetooth tracing
Covid19.govt.nz
38
O SA
PA SILID
A D
Magpabakuna laban sa COVID-19 pagkaalis mo sa pasilidad. Ang bakuna
laban sa COVID-19 ay libre, at makukuha ng sinumang 16 na taong
gulang pataas sa Aotearoa.
Kapag ikaw ay nagpabakuna, pinoprotektahan mo ang iyong sarili, at
tumutulong bawasan ang panganib ng pagpasa ng COVID-19 sa iyong
whnau, mga kaibigan at sa komunidad.
Kailan ka mababakunahan
Ang pagbibigay ng bakuna sa New Zealand ay kasalukuyang isinasagawa
at mayroong sapat na mga bakuna para sa lahat na 16 taong gulang
pataas. Ang pagbabakuna ay ibibigay nang payugtu-yugto, at ang mga
nasa mas malaking panganib ang mauunang mabakunahan.
Karagdagang impormasyon
Mahalaga ang pagkuha ng tamang impormasyon. Magkaroon ng kamalayan
sa mga hindi tamang impormasyon sa social media at iba pang
lugar.
Maaari kang makakuha ng tama at mapagtitiwalaang impormasyon
kabilang ang kung kailan ka mababakunahan sa
www.covid19.govt.nz/vaccines at www.health.govt.nz/covid-vaccine o
makipag-usap s