Philippine Songs

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    1/11

    AHAY TUBURAN

    Visayan Folksong

    Tubig nga matin-awGa ilig sa ubos

    Gikan sa ibabawKon ako cumacancion

    May dalang kamingaoAdios na ti adios

    Baya-an ta ikaw.Tubig na malinaw

    Umaagos paibabaGaling sa itaas.

    Kung aka ay umaawitMay dalang kalungkutan

    Paalam na o paalamIkaw ay aking iiwan.

    AKO AY PILIPINO

    by George Canseco/Bagayaua

    Ako ay PilipinoAng dugo'y maharlika

    Likas sa aking pusoAdhikaing kay ganda

    Sa Pilipinas na aking bayanLantay na Perlas ng Silanganan

    Wari'y natipon ang kayamananng Maykapal

    Bigay sa 'king talinoSa mabuti lang laan

    Sa aki'y katutuboAng maging mapagmahal

    Ako ay Pilipino, ako ay PilipinoIsang bansa, 'sang diwa

    ang minimithi koSa bayan ko't bandila

    Laan buhay ko't diwaAko ay Pilipino

    Pilipinong totooAko ay Pilipino, ako ay Pilipino

    Taas noo kahit kanino

    Ang Pilipino ay ako.Ako ay Pilipino, ako ay PilipinoTaas noo kahit kanino

    Ang Pilipino ay ako.

    AKO'Y KAMPUPOT

    by Velez

    Ako'y kampupot

    Na bagong sikatAng halimuyak

    Sadyang laganapKaligayahan sa bawa't oras

    Man din ang naisTanging paglingap

    Kaya't noong minsanAy napakinggan

    Isang binatangNananambitan

    Puso kong taglayLubhang pihikan

    Ay narahuyo sa panawagan.Refrain:

    Nasaan yung pangarapNg paglalambingan

    Tangan na ng aking hirangAlay ay kaligayahan

    Kay tamis nga namanMabuhay 'ta sa pagmamahal

    Kung ang ligaya ay makakamtam

    Sa habang buhay.

    ALAALA KITA SA PAGTULOG

    Tagalog Folksong

    Akala mo yata kita'y nililimotAlaala kita sa gabing pagtulog

    Ang inuunan ko luhang umaagosAng binabanig ko ay sama ng loob.

    Di ka na nahabag, di ka na naawa.Lusak na ang lupa sa patak ng luha.

    Buksan mo na neneng ang munting bintanaAt ako'y dungawin nagmamakaawa.

    ANO DAW IDTONG SA GOGON

    Bicol Folksong

    Ano daw idtong sa gogonGarong bulawan paghilngon

    Casu sacuyang duluconAy, ay burac palan nin balagon.

    Casu sacuya ng qui cu-a

    Sarong tingog ang nagsayumaHariman aco pagcua-aAy, ay burac aco ni Maria.

    ATIN CU PUNG SINGSING

    Pampango Version:Atin cu pung singsing,

    Metung yang timpucan;Amana que iti

    queng indung ibatan;Sangcan queng sininup

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    2/11

    keng metung a caban,Mewala ya iti,

    Ecu camalayan.Ing sucal ning lub cu,

    Susucdul quing banua,Picurus cung gamat

    Babo ning lamesa;Nino mang manaquit

    Queng singsing cung manaCalulung puso cu

    Manginuya que a .

    Tagalog Version:Ako ay may singsing

    May batong kay inamBinigay sa akin

    Ng mahal kong nanaySa tapat ng dibdib

    Iningat-ingatan

    Kung san nawaglit'Di ko na nalamanNawala ang singsing

    'Di ko na nakitaAbot hanggang langit

    Ang taglay kong dusaSino mang binata

    Ang makakukuhaAng abang puso ko

    Ay magiging kanyaInstrumental

    Repeat allCoda:

    Ang abang puso koAy magiging kanya

    AY, AY, AY, O PAGIBIG

    by Gonzalez

    Buhat nang kita'y makita

    Nadama ang pagsintaNg puso kong nagdurusa

    Giliw ko, maawa ka.

    Huwag mo sanang pahirapanPuso kong nagdaramdamPagka't magpakailan man

    Ikaw ang tunay kong mahal.Ay, ay, ay, ay O pagibig

    Pagpumasok sa puso ay may ligaligAy, ay, ay, ay, ay hanggang langit

    Ang pangako ng pusong umiibig

    BANAHAW

    Tagalog Folksong

    Ang huni ng ibon, aliw-iw ng batisSa bundok Banahaw

    Ay inihahatid, ay inihahatidNang hanging amihan

    Kaya't yaring abang pusoSakbibi nang madlang lumbay

    Sa sandaling ito, sa sandaling ito'yNaliligayahan.

    Halina, irog ko at tayo'y magsayawSa kumpas ng tugtog, tayo ay sumabay

    Dini naman sa lumang kudyapiIkaw irog aking aawitan

    Sa saliw ng hanging palay-palaySa bundok ng Banahaw.

    BARONG TAGALOG

    Santiago S. Suarez

    Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik

    Ang barong Tagalog na sadyang makisig.Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip

    Na itoy damit ng bansang kay hirap malupig.Ang barong ito ay tatak Pilipinong talaga

    Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina.Sa sariling bayan natiy alinsangan

    Makapal na kayoy hindi kailangan.Ang barong Tagalog kahit sinamay lang

    Ginhawang gamitin sa lahat ng pagdiriwang.Nang maghimagsik itong ating bansa

    Dahil sa paglayaAng barong Tagalog natin ay dakila

    Pagkat siyang ginamitNg bayaning namayapa.

    BAYAN KO

    byJose C. de Jesus -- Constancio De Guzman

    Ang bayan kong PilipinasLupain ng ginto't bulaklakPagibig sa kanyang palad

    Nag-alay ng ganda't dilag.At sa kanyang yumi at ganda

    Dayuhan ay nahalinaBayan ko, binihag ka

    Nasadlak sa dusa.Ibong mang may layang lumipad

    Kulungin mo at umiiyakBayan pa kayang sakdal dilag

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    3/11

    Ang di magnasang makaalpas.Pilipinas kong minumutya

    Pugad ng luha ko't dalitaAking adhika makita kang sakdal laya

    CONDANSOY

    Visayan Folk Song

    Condansoy, inum tuba, Laloy.

    Dili ka ma-inom, tuba pait, aslom.Ang tuba sa bahay, patente mo angay.

    Talacsan nga diutay, pono ang malaway.

    DAHIL SA ISANG BULAKLAK

    by Ruben EscareLyrics by L. Celerio

    Inulila mo, sinta,ang puso kong nagmamahal,Ngayon ay nag-iisa

    at palaging nalulumbay.Di mo ba nababatid na ikaw ang mahal?

    Kung malayo ka ay aanhin, giliw,yaring buhay...

    Inulila mo ako, ano ang magagawaKung hindi ang magtiis

    sa pagsuyong nawala,Lagi nang namamanglaw

    ang pusong nag-iisa, Inulila mo, inulila mo ako, sinta.

    DAHIL SA IYO

    M. Velarde Jr. - D. Santiago

    INTRO

    Sa buhay ko'y labisAng hirap at pasakit

    Ng pusong umiibig

    Mandi'y wala nang langitAt nang lumigayaHinango mo sa dusa

    Tanging ikaw sintaAng aking pag-asa ...

    I

    Dahil sa iyoNais kong mabuhay

    Dahil sa iyoHanggang mamatay

    Dapat mong tantuinWala ng ibang giliw

    Puso ko'y tanunginIkaw at ikaw rin ...

    II

    Dahil sa iyoAko'y lumigaya

    PagmamahalAy alayan ka

    Kung tunay mang akoAy alipinin mo

    Ang lahat sa buhay ko'yDahil sa iyo ...

    DANDANSOY

    Visayan Folksong

    Visayan Version:Dandansoy, bayaan ta icaoPauli aco sa Payao

    Ugaling con icao hidlauonAng Payao imo lang lantauon.

    Dandansoy, con imo apasonBisan tubig di magbalon

    Ugaling con icao uhauonSa dalan magbobonbobon.

    Convento, diin ang cura?Municipio, diin justicia?

    Yari si dansoy maqueja.Maqueja sa paghigugma

    Ang panyo mo cag panyo coDala diri cay tambijon co

    Ugaling con magcasiloBana ta icao,asawa mo aco.

    DON'T YOU GO TO FARZAMBOANGA

    Traditional

    Don't you go oh dont you goTo far ZamboangaWhere you may forget

    Your darling far awayDont you go oh dont you go

    For it you leave meHow can I without you stay?

    Oh weep not, my dear PalomaOh weep not for Ill return

    Oh weep not my little darlingI shall remember and I shall yearn.

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    4/11

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    5/11

    Marinig ko lang sa labi mo, hirangNa ako'y iibigin lagi habang buhay.

    KUNG NAGSASAYAW KITA

    Tagalog Folksong

    Kung nagsasayaw kita at umiindak

    Puso koy sumisigla at pumipiglasDahil sa ikaw ang tangi kong nililiyag

    At pangarap ka ng puso ko sa magdamag.Bakit ba naman ikaw ay lumalayo

    Di pa tanggapin itong pagsuyo.Kung nagsasaya kita, dibdib koy kumakaba

    Sanay huwag matapos ang madlang sayaTunay na tunay ba? Pagsuyo koy tunay!

    Hanggang kailan nga ba? Hanggang may buhay!Di na magmamaliw ang naglahong araw

    Araw ng pagsuyo di mapaparam.

    LERON-LERON SINTA

    Tagalog Folksong

    Leron, leron sinta, buko ng papayaDala-dala'y buslo, sisidlan ng bunga

    Pagdating sa dulo'y nabali ang sangaKapus kapalaran, humanap ng iba.

    Gumising ka Neneng, tayo'y manampalokDalhin mo ang buslo't sisidlan ng hinog

    Pagdating sa dulo'y lalambalambayogKumapit ka Neneng, baka ka mahulog.

    Ako'y ibigin mo, lalaking matapangAng baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam

    Ang lalakarin ko'y parte ng dinulangIsang pinggang pansit ang aking kalaban.

    LAMBINGAN

    by Ignacio

    Ay kay tamis hirang nang pagsintang tunayAng lahat ay buhay lalo kita'y kapilingKung tayo'y mawalay palad ko'y hinirang

    At kung walang lambingan mabuti paMabuti pa tayo'y pumanaw.

    Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkotNapaparam, nagbabago ang lahat ng himutok

    At sa tuwi kong hahagkan ang pisngi mongmabango

    Ay tuluyang napaparam ang hirap ko.Kung tayo'y magkasayaw, magkayakap sa galak

    Ang langit ng bagong buhay ay maliwanagSa suyuang matimyas, nalilimot ang lumbay

    At patuloy ang sarap nang matamis na lambingan.

    LULAY

    Danza Filipina

    Anong laking hirap kung pagka-iisipinAng gawang umibig sa babaeng mahinhin

    Lumuluhod ka na'y di ka pa mandin pansinSa hirap ikaw kanyang susubikin.

    Ligaya ng buhay babaeng sakdal inamAng halaga niya'y di matutumbasan

    Kahinhinan niya'y tanging kayamanan.

    MAALAALAMO KAYA?C. De Guzman

    Huwag mong sabihing ikaw'y hamakkahit na isang mahirap,

    Pagka't ang tangi kong pagibigganyan ang hinahanap.

    Aanhin ko ang kayamanankung ang puso'y salawahan,

    Nais ko'y pagibig na tunayat walang kamatayan.

    Koro:Maalaala mo kaya

    ang sumpa mo sa akin,Na ang pagibig mo ay

    sadyang di magmamaliw.Kung nais mong matanto,

    buksan ang aking pusoAt tanging larawan mo

    ang doo'y nakatago.Di ka kaya magbago

    sa iyong pagmamahal?Hinding-hindi giliw ko

    hanggang sa libingan

    O. kay sarap mabuhaylalo na't may lambinganLigaya sa puso ko

    ay di na mapaparam.

    MABUHAY

    Patriotic Song

    Dutchland toasts with prozitSweden answers "scol"

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    6/11

    England says their cheerioAnd lifts the flowing bowl.

    Hawaii says "aloha"Japan shouts "bansai"

    But in the PhilippinesYoull hear this cheering cry --

    We say "mabuhay", we say "mabuhay"Under the blue skies where our friends sit by.

    A greeting of farewell, a toast that will wear wellWe raise our voices and we say "mabuhay!"

    MAGANDANG PILIPINAS

    by J. Balita

    Sa langit ng aking bayan

    Ang mga bituin kay inam tingnanDito'y may saganang lupa

    Sa paggiliw, walang papantay

    Magandang PilipinasSa biyaya ay mapaladLaging kaysaya ng buhay

    Pilipinas kong Inang Bayan

    MAGTANIM AY DI BIRO

    Tagalog Folk Song

    Magtanim ay di biro,Maghapong nakayuko

    Di naman makatayo,Di naman makaupo.

    Sa umaga pagkagisingAy agad iisipin

    Kung saan may patanimMay masarap na pagkain.

    Bisig ko'y namamanhidBaywang ko'y nangangawit,

    Binti ko'y namimitigSa pagkababad sa tubig.

    Koro:

    Halina, halina, mga kaliyag,Tayoy magsipag-unat-unat,Magpanibago tayo ng lakas

    Para sa araw ng bukas.

    MATUD NILA

    by Zubiri

    Visayan Version:Matud nila ako dili angay

    Nga magmanggad sa imong gugmaMatud nila ikaw dili malipay

    Kay 'wa ako'y bahandiNga kanimo igasa

    Gugmang putli mao day pasaligMaoy bahanding labaw sa bulawan

    Matud nila kaanugon lamangSa imong gugma ug paraig.

    Chorus:Dili molubad kining pagbati

    Bisan sa unsa nga katarunganKay unsa pay bili ning kinabuhi

    Kon sa gugma mo hinikawanIngna ko nga dili ka motuo

    Sa manga pagtamay kong naangkonIngna ko nga dili mo kawangon

    Damgo ug pasalig sa gugma mo.Coda:

    Damgo ug pasalig sa gugma mo

    Tagalog version:

    (IKAW NA LAMANG)

    Kalungkutan sa unang pagibigAng sinapit ng pusong sabik

    Ako raw ay walang maiaalayKahit kaunting ligaya

    Pagkat salat sa yamanNasugatan ang aking damdamin

    Nanghihinayang ako sa 'yo giliwKung sakaling sawi man ang puso

    Subalit tunay ang pagsuyoKayamanan ko hanggang pumanaw

    Ang pagibig mong tanglaw sa buhayBinabanggit kita sa panalangin

    Lumigaya ka pagpalainAy aking mahal ikaw na lamang

    Ang ligaya ko sa kalungkutanT'wing sasapit ang gabing tahimik

    Di kita malimot sa pagibig

    NGAYON AT KAILANMANGeorge Canseco

    INgayon at kailanman

    Sumpa ko'y iibigin kaNgayon at kailanman

    Hindi ka na mag-iisaNgayon at kailanman

    Sa hirap at ginhawa paAshang may kasama ka, sinta

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    7/11

    Naroroon ako tuwinaNgayon at kailanman

    IIDahil kaya sa'yo

    Nang maitadhanang ako'y isilang sa mundoUpang sa araw-araw

    Ay s'yang makapiling moUpang ngayon at kailanman

    Ikaw ay mapaglingkuran, hirangBakit labis kitang mahal

    Pangalawa sa MaykapalHigit sa aking buhay

    IIISa bawa't araw ang pagibig ko sa'yo liyag

    Laloang tumatamis, tumitingkadBawat kahapon ay daig nitong bawat ngayon

    Na daig ng bawat bukasIV

    Malilimot ka lang

    Kapag ang araw at bituin ay di na matanawKapag tumigil ang daigdig at di na gumalawSubalit isang araw pa

    Matapos ang mundo'y magunaw naHanggand doon magwawakas

    Pagibig kong sadyang wagasNgayon at kailanman

    Repeat III 2XLabis kitang mahal

    Tangi sa MaykapalNgayon at kailanman

    O ILAW

    Tagalog Folksong

    O, Ilaw

    sa gabing madilimWangis mo'y

    bituin sa langitO, tanglaw

    sa gabing tahimik

    Larawan mo Nenengnagbigay pasakitTindig at magbangon

    sa pagkagupilingSa pagkakatulog

    na lubhang mahimbingBuksan ang bintana

    at ako'y dungawinNang mapagtanto mo

    ang tunay kong pagdaing

    O KAKA, O KAKA

    Pampango Folksong

    O kaka, o kaka, San Fernando't WawaBetis at Baculud sakup ning Menila

    Karin pu ke kami dakal lang balugaMangayap la ke ka biasa lang mamana.

    O kaka, o kaka kabalat ka payaSabian mo ng patas nung ena ka bisa

    Karin pu kekami dakal lang balugama ngayap la keka biasa lang mamana.

    PAMAYPAY NG MAYNILA

    Pamaypay ng Maynila na aking tangan-tangan

    May ibig na sabihin na dapat mong pag-aralanAng bawat mga kilos sa padyak ng pamaypay

    Ay siyang nagsasabi ng damdamin niyaring buhay.

    Kung itoy nakatabing sa tapat ng mukha koAng ibig na sabihin may pag-asa sa puso koNgunit pag namasdan mo ang sulyap ko ay sa iyo

    Ang ibig na sabihin may pag-asa ang puso mo.Pag itoy pinamaspas na panay ang pagaspas

    Ako ay nagagalit, huwag mo sanang babatiinSubalit pagmalaya, may ibig alamin

    Ako ay umiibig, lapitan mo, aking giliw.Pamaypay ng Maynila kay sarap na gamitin

    Pang-aliw at panglunas sa mainit na damdaminBawat simoy ng hangin na dito ay nanggaling

    Ang hatid ay pag-ibig ng puso kong matampuhin

    PAMBANSANG AWIT

    Julian Felipe

    Bayang magiliw,Perlas ng Silanganan

    Alab ng pusoSa dibdib moy buhay.

    Lupang hinirang,

    Duyan ka ng magitingSa manlulupigDi ka pasisiil.

    Sa dagat at bundok,Sa simoy at sa langit mong bughaw

    May dilag ang tula at awitSa paglayang minamahal.

    Ang kislap ng watawat moyTagumpay na nagniningning

    Ang bituin at araw niyaKailan pa may di magdidilim.

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    8/11

    Lupa ng araw ng luwalhatit pagsintaBuhay ay langit sa piling mo

    Aking ligaya na pag may mang-aapiAng mamatay ng dahil sa yo.

    PAMULINAWEN

    Ilokano Version

    Pamulinawen

    pusoc indengam manToy umasasug

    agrayo ita sadiamPanunotem man

    Di ca pagintutulnganToy agayat

    Agrayo 'ta sadiam.Issem ta diac malipatan

    Ta nasudi unay nga nagan

    Uray sadin tayanlugar sadino manPusoc dina liclican

    Tanda niayat nga silalasbangNo malagip ca

    pusoc ti mabangaran.Panunotem man

    Di ca pagintutulnganToy agayat

    Agrayo 'ta sa diamIssem ta diac malipatan

    Ta nasudi unay nga naganUray sadin tayan

    lugar sadino manPusoc dina liclican

    tanda niayat nga silalasbangNo malagip ca

    pusoc ti mabangaran.Adu nga bitbittuen

    adu nga rosrosasTi addat disug

    Agrayo ita sadiam

    Panunotemmandi cas kenca nga limtuadSabong ni ayat

    sica't pagpasagac.Issem ta diac malipatan

    Ta nasudi unay nga naganUray sadin tayan

    Lugar sadino manPusoc dina liclican

    Tanda niayat nga silalasbangNo malagip ca

    Pusoc ti mabanga ran

    Tagalog VersionLyrics by Pastor de Jesus

    Huwag kang magtampo

    Iyon ay biro lamangDi na uulit

    Manalig ka HirangKung galit ka pa

    Parusahang lubusanAt 'yong asahang

    Hindi magdaramdamTunay ang aking pagibig

    At hindi biru-biro lamangAng puso ko'y sa iyo

    Huwag kang magalinlanganAt kung kulang pa rin

    Ay kunin mo pa yaring buhay

    'Yan ay tanda ngSukdulang pagmamahalKung galit ka pa

    Parusahang lubusanAt 'yong asahang

    Hindi magdaramdamTunay ang aking pagibig

    At hindi biru-biro lamangAng pso ko'y sa iyo

    Huwag kang magalinlanganAt kung kulang pa rin

    Ay kunin mo pa yaring buhay'Yan ay tanda

    ng sukdulang pagmamahal.

    PIPIT

    by San Pedro

    (1)May pumukol sa pipit sa sanga ng isang kahoy

    At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon

    (2)Dahil sa sakit di na makaya pang lumipadAt ang nangyari ay nahulog nguni't parang taong

    bumigkas(3)

    Mamang kay lupitAng puso mo'y di na nahabag

    Pag pumanaw ang buhay koMay isang pipit na iiyak

    (Instrumental)(Repeat(1), (2)

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    9/11

    Repeat (3) twice

    PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM

    Land of the morning,

    Child of the sun returning,With fervor burning,

    Thee do our souls adore.Land dear and holy,

    Cradle of noble heroes,Ne'er shall invaders

    Trample thy sacred shores.Ever within the skies

    And through thy clouds and o'er the hills and sea,Do we behold the radiance,

    Feel the throb of glorious liberty.Thy banner, dear to all our hearts,

    It's sun and stars alight,

    O never shall its shining fieldBe dimmed by tyrants' night!Beautiful land of love, O land of light,

    In thine embrace, 'tis rapture to lie,But it is glory ever, when thou art wronged,

    For us thy sons to suffer and die.

    POBRENG ALINDAHAW

    by Villaflor

    Ako'y pobreng alindahawSa huyuhoy gianod-anod

    Nangita ug kapanibaan ahaySa tanaman ug sa manga kabulakan

    Aruy, aruy, aruy, aruyAnia si bulak sa mga kahidlaw

    Aruy, aruy, di ka maluoyNing pobreng alindahaw.

    ROSAS PANDAN

    by Visayan Folksong

    Dalaga ay parang rosas

    Bumabango 'pag namumukadkadHabang hinahagkan ng araw

    Lalong gumaganda ang kulay.At ang ngumingiting talulot

    Nilalapitan ng mga bubuyogAng mutyang iyong nililiyag

    Ay tulad din pala ng rosas.Kahit na umula't kumidlat

    Kay ganda rin ng rosasLalong sumasariwa

    Sa tubig ng paglingap.Nguni't pag binagyo't ununos

    Ang rosas ng pag-irogSawi ang pagsuyong

    Nilanta nang paglimot.Ganyan ang dalagang

    Sawi sa kanyang irog.

    SAAN KA MAN NAROROON

    by Celerio/Umali

    Saan ka man naroroon sintaPag-ibig kong wagas ang 'yong madarama.

    Kailan pa man sa iyo'y di lilimotPusong uhaw sa iyong pag-irog.

    Saan ka man naroroon sinta

    Pangarap ko'y ikaw pagka't mahal kitaAsahan mong sa habang panahonAlaala kita saan ka man naroroon.

    SA GABING MAPANGLAW

    by De Leon

    Tumataghoy sa gabing mapanglaw

    Ang abang lagay ko O mutyang hirangSana'y dinggin ang hibik at daing

    Waring malalagot na ang buhay na angkin.Bago man lang ako maglaho ng ganap

    Dungawin mo itong abang naghihirapHKahit sulyap man lang kung tatapunan

    Langit ko nang ituturing ang libingan.

    SA LIBIS NG NAYON

    by Santiago S. Suarez

    Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon

    Taginting nitong kudyapi ay isang himatongMaligaya ang panahon sa lahat ng naroroonBawa't puso'y tumutugon sa nilalayon

    Puno ng kawayan ay naglangitngitanLalo na kung hipan ng hanging amihan

    Ang katahimikan nitong kaparanganPinukaw na tunay nitong kasayahan.

    Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhaySa libis ng nayon doon manirahan

    Taga-bukid man may gintong kaloobanKayamanan at dangal ng kabukiran

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    10/11

    Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituinAy nag-aalay ng aliw.

    kung ang puso'y ang hanap ay paglalambingAwit ng parang ay dinggin.

    Ang pagibig man din dito nagsuplingAt kapag nasiphayo'y luksang libing.

    Kaya't ang payo ko ay inyong susundinBukid ay dapat mahalin.

    SAMPAGUITA

    Tagalog Folksong

    Sampaguita mutyang halaman

    Bulaklak na ubod ng yamanIkaw lang ang siyang hinirang

    Na sagisag nitong bayan.At ang kulay mong binusilak

    Ay diwa ng aming pangarap

    Ang iyong bango't halimuyakSa tuwina ay aming nilalanghap.O bulaklak na nagbibigay ligaya

    Aking paraluman mutyang SampaguitaLarawang mistula ng mga dalaga

    Tanging ikaw lamngAng hiraman ng kanilang ganda.

    Ang 'yong talulot na kay gandaMga bubuyog nililigiran ka

    Kung sa dalagang sinisintaAraw gabi'y laging sinasamba.

    SAPAGKA'T MAHAL KITA

    by De Leon

    Giliw ikaw ang buhayPuso ay sa 'yo lamang

    Tanging ang iyong larawanAliw ng aking pagmamahal.

    Dahil sa 'yo may kulay ang daigdigPawang lahat ay may awit.

    Yaong bukid maging hangin, sila'y naiinggit

    At ang batis ng pagsuyo ang s'yang dinadalit.Pag-ibig na kay tamis, di magmamaliw sintaKahit na tuluyang kang maglaho sa mata

    Kailan pa man sumpa'y di mag-iibaPagka't hanggang sa wakas mahal kita.

    SARONG BANGUI

    by Gregorio

    Bicolano VersionSarong bangui

    Sa higdaanNacadangog aco

    Hinuni nin sarong gamgam.Sa luba co

    KaturuganBaco cundi,

    simong tingog iyo palan.Dagos aco bangon si sacuyang mata iminuklat

    Sa kadikloman nin bangui aco nangagcalagSi acong paghiling biglang tinuhog paitaas

    Simong laog na magayon maliwanag

    Tagalog VersionIsang gabing maliwanag

    Ako'y naghihintay sa aking magandang dilag;Namamanglaw ang puso ko

    At ang diwa ko'y lagi nang nangangarap.Malasin mo giliw

    ang saksi ng aking pagmamahal

    bit'wing nagniningning, kislap ng tala'tliwanag ng buwanAng siyang nagsasabi na ang pag-ibig

    ko'y sadyang tunayAraw, gabi ang panaginip ko'y ikaw.

    Magbuhat ng ikaw ay aking ibigin,Ako ay natutong gumawa ng awit;

    Pati ng puso kong dati'y matahimik,Ngayo'y dumadalas ang tibok ng aking dibdib.

    SILAYAN

    Tagalog Harana

    Sa bawat sandali tayo ay magkapilingSa bawat lunggati pakinggan ang hiling

    Ang puso ko't budhi ay hindi sinungalingSana ay ulinigin damdamin ko, giliw--

    Asahan, pangarap nitong buhayLahat ng araw kita'y mamahalin

    Iwasan ang iyong alinlanganLahat ng araw kita'y mamahalin.

    Sa labi ng imbing kamatayan

    Itangi yaring pagmamahalTulutang magtapat sa 'yo hirangLahat ng araw kita'y mamahalin.

    TINIKLING

    Tayo irog ko magsayaw ng tinikling

    Tulad ng sayaw ng lolo't lola natinAng mga padyak kung di pagbubutihin

    Dalawang kawayan tayo'y iipitin.At sa tinikling na labis na panganib

  • 8/9/2019 Philippine Songs

    11/11

    Ang hindi maingat ay maiipitNguni't mahak ko ganyan din sa pagibig

    Ang hindi tapat ay maiipit.

    TUNAY NA TUNAY

    by Ramos/Silos

    Irog, di mo ba naririnig

    Ang himutok ng pagibig at awitNg puso galing sa dibdib?

    Langit, bakit di mo pakingganNais ko sana'y mapawi

    Ang hirap at dusang pinapasanAy.....

    Tunay na tunay, irog, ako'y balisaHirap na lamang ang laging nakikita

    Bakit ang puso ko ay walang ligayaO buhay niyaring buhay, maawa ka.

    U.P. BELOVEDNicanor Abelardo/Lyrics by Teogenes Veles

    U.P. BelovedThou Alma Mater dear,

    For thee unitedOur joyful voices hear;

    Far tho we wander,O'er islands yonder,

    Loyal thy sons we'll ever be,Loyal thy sons we'll ever be..

    Tagalog VersionU. P. Naming Mahal

    I

    U. P. naming mahalPamantasang hirang

    Ang tinig naminSana'y inyong dinggin

    Malayong lupainAmin mang marating

    Di rin magbabago and damdamin

    Di rin magbabago ang damdaminIILuntian at pula

    Sagisag magpakaylan manAting 'pagdiwang

    Bulwagan ng dangalHumayo't itanghal

    Giting at tapangMabuhay ang pag-asa ng bayan

    Mabuhay ang pag-asa ng bayan

    WALAY ANGAY

    I

    Walay angay ang kamingawAng magpuyo sing walay kalipay

    Pirme ang buot gumapung-awGuican sa walay pahuway nga pagtu-aw

    IIAng puso ko'y namamanglaw

    Pagkat ayawMong dinggin man lamang

    Araw, gabi dalangin koNa magbalik ang tunay na

    Pagsuyo moIII

    Di ka na nahabagDi ka na naawa

    Sa aking puso na nagdurusa

    Ng dahil sa 'yoHanggang may hiningaDi na magbabago

    Ang sumpang ikaw langAng iibigin ko