16
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KAILGIRAN NITO 1. INTRODUKSYON Araw-araw ay mayroong iba’t ibang balitang nakikita, naririnig at nababasa. Hindi maiwasan na magbigay ng opinyon hinggil sa mga balitang lumalabas. Lalo na kung ito ay direktang nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan. Isang mainit na usapin ngayon ang panukalang gustong ipatupad ng administrasyon. Araw-araw ay malimit natin itong naririnig sa mga debate, usapin sa radyo, balita sa telebisyon, sa pahayagan at maski sa mga tao at estuyante sa paaralan. Ang panukalang ito ay tinatawag na RH Bill. Ang RH Bill ay may layunin malinang at mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa wastong pagpaplano ng pamilya. Ito ay tungkol sa pagkontrol ng patuloy na paglobo ng populasyon dito sa ating bansa, sapagkat kalakip ng patuloy na paglobo ng populasyon ang pagtaas ng demand sa ating ekonomiya, kawalan ng trabaho at higit sa lahat, kahirapan. Ang bill na ito ay tungkol sa pagkontrol ng panahon ng pagbubuntis o “child birth control” kung saan ang mga

Research Proposalf

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Research Proposalf

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KAILGIRAN NITO

1. INTRODUKSYON

Araw-araw ay mayroong iba’t ibang balitang nakikita, naririnig at nababasa.

Hindi maiwasan na magbigay ng opinyon hinggil sa mga balitang lumalabas. Lalo na

kung ito ay direktang nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayan. Isang mainit na

usapin ngayon ang panukalang gustong ipatupad ng administrasyon. Araw-araw ay

malimit natin itong naririnig sa mga debate, usapin sa radyo, balita sa telebisyon, sa

pahayagan at maski sa mga tao at estuyante sa paaralan.

Ang panukalang ito ay tinatawag na RH Bill. Ang RH Bill ay may layunin

malinang at mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan ukol sa wastong pagpaplano

ng pamilya. Ito ay tungkol sa pagkontrol ng patuloy na paglobo ng populasyon dito sa

ating bansa, sapagkat kalakip ng patuloy na paglobo ng populasyon ang pagtaas ng

demand sa ating ekonomiya, kawalan ng trabaho at higit sa lahat, kahirapan.

Ang bill na ito ay tungkol sa pagkontrol ng panahon ng pagbubuntis o “child birth

control” kung saan ang mga potensiyal na magulang ay binibigyan ng pagkakataon na

pumili ng pamamaraan kung paano nila ipapagpaliban ang pagbubuntis. Higit itong

isinusulong lalo na sa mga kabataan sapagkat maraming kabataan sa ating bansa ngayon

ay nasasangkot sa mga kaso ng “unwanted pregnancies” dahil na rin sa “pre-marital sex”.

Maaari nilang pagpilian ang paggamit ng kontrasepsiyon o ang normal na paraan. Ito rin

ang paraan upang maiwasan ang pagpapalaglag ng sanggol na nasa sinapupunan o

“abortion” at paglobo ng populasyon at demand na siyang dahilan ng pagbagsak ng ating

ekonomiya.

Page 2: Research Proposalf

Kapag tuluyan na nating nakontrol ang problema hinggil sa paglaki ng

populasyon sa bansa, makakatulong ito sa pag-unlad ng bansa dahil sa maayos nating

paggamit ng pondo para sa mga iba pang-sektor ng pamahalaan tulad ng edukasyon,

seguridad, pangkalusugan at imprastraktura.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito’y marami pa rin ang hindi sumasang-ayon sa

panukalang ito kaya’t hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapatupad ng tuluyan.

SULIRANIN:

Sa pag-aaaral na ito, layunin ng mananaliksik na alamin ang persepsiyon ng mga

estudyante na kumukuha ng kurso na BSN na nasa unang lebel sa WMSU hinggil sa

pagpapatupad ng RH Bill dito sa ating bansa.

Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod:

a. Gaano kalawak ang kaalaman ng bawat estudyante sa panukalang ito?

b. Ano ang magiging katayuan ng mga estudyante sa sa pagpapasa ng RH bill

matapos ipamahagi sa kanila ang mga impormasyon ukol dito?

c. Sila ba ay sang-ayon o tutol sa pagpapatupad nito?

d. Bakit sila sumasang-ayon o bakit sila tumututol dito?

LAYUNIN NG RH BILL

Layunin ng pananaliksik na ito ang pagtibayin, palawakin at liwanagin ang

kaalaman ng bawat estudyante tungkol sa RH Bill at makalap ang kanilang persepsiyon

ukol dito.

Page 3: Research Proposalf

KAHALAGAHAN NG RH BILL

 1. Protektahan ang kalusugan at buhay ng mga nanay

Ayon sa WHO (World Health Organization), ang 15% ng pagbubuntis ay nauuwi

sa komplikasyon na kayang magpaospital o pumatay sa babae. Mula lang sa higit 2

milyong pagluwal ng buhay na sanggol, may 300,000 komplikasyong nagaganap bawat

taon. Ito’y 7 ulit na malaki sa nabilang ng DOH na nagka-TB, 19 ulit sa nagkasakit sa

puso, at 20 ulit sa nagka-malaria na babae. Resulta, higit 11 babae ang walang saysay na

namamatay bawat araw.

Subok nang solusyon sa mga komplikasyong maternal ang sapat na dami ng

bihasang tagapaanak, at maagap na pagdala sa ospital na may pang-emerhensyang

pangangalaga sa buntis. Sa mga ayaw ng manganak, family planning (FP) ang

pinakamahusay na paraan ng pag-iwas. Lahat ng 3 ito’y bahagi ng RH.

2. Magligtas sa mga sanggol

Sa tamang agwat ng panganganak, mababawasan ang pagkamatay ng mga

sanggol. Ayon sa WHO, dapat magpalipas ng hindi bababa sa 2 taon mula sa

panganganak at sa susunod na pagbubuntis. Sa bansa natin, doble ang tsansang

mamatay ng sanggol na kulang sa 2 taon ang agwat ng pagsilang kaysa doon sa umabot

ng 3. Mas epektibo at akma ang gamit na FP, mas malaki ang tsansa na mabuhay ang

susunod na anak.

3. Tumugon sa nakararami na gusto ng mas maliit na pamilya

Mas gusto na ngayon ng tao ang mas maliit na pamilya. Nang ma-survey sa

gustong bilang ng anak, lampas nang kaunti sa 3 ang sagot ng mga babaeng nasa 40

pataas, pero halos 2 lang ang gusto ng mga teenager at nasa bandang 20 ang edad.

Higit pa, madalas mas malaki ang nabubuong pamilya kaysa sa gusto ng mag-asawa.

Halos 2 anak lang ang nais ng karaniwang Pinay pero 3 ang kinalalabasan. Sa lahat ng

Page 4: Research Proposalf

pamilya at rehiyon—anuman ang katayuan nila—lampas sa gusto ang nabubuong laki ng

pamilya, pero pinakamalala ang lampas sa hanay ng maralita.

4. Itaguyod and makatuwirang palakad para sa mahihirap

Sa mga sukatan sa RH, matindi ang lamang ng mayayaman sa mahihirap.

Halimbawa sa pagsilang, 94% ng pinakamayamang mga babae ang may propesyonal o

bihasa na tagapaanak, kumpara sa 26% lang sa mahihirap. Nasa 3 ulit ang mayayaman na

nakapagpatali (tubal ligation) kumpara sa mahihirap. Bahagi ito ng paliwanag bakit halos

eksakto sa gusto ang bilang ng anak ng mayayaman, habang sobra ng 2 ang sa mahihirap.

Halos 3 ulit ang pagkamatay ng mga sanggol ng maralita kumpara sa maykaya. Isa ito sa

mga dahilan bakit nagpaplano ng mas maraming anak ang mahihirap. Itataguyod ng batas

sa RH ang makatuwirang palakad sa kalusugan sa pamamagitan ng mas malakas na

pampublikong serbisyo na abot-kamay ng mahihirap.

5. Iiwas ang kababaihan sa aborsyon

Halos lahat ng aborsyon ay dumaan muna sa di-sinadyang pagbubuntis. Sa mga

di-sinadyang pagbubuntis, 68% ay mula sa mga babaeng walang anumang gamit na FP,

at 24% ang mula sa gumagamit ng tradisyonal na paraan tulad ng withdrawal o de-

kalendaryo na pagtiyempo ng pagtatalik.

Kung lahat ng gustong mag-agwat o huminto sa panganganak ay gagamit ng

modernong FP, mababawasan ng 500,000 ang aborsyon—halos 90% ng tantyang dami.

Sa bansa natin na matindi ang pagtratong kriminal sa aborsyon, at kung saan 90,000

babae ang naoospital bawat taon dahil sa komplikasyon ng aborsyon, walang pakialam at

walang pusong patakaran ang hindi pagtiyak na makaiwas ang kababaihan sa

pamamagitan ng FP.

Page 5: Research Proposalf

6. Sumuporta at magtalaga ng dagdag na pampublikong komadrona, nurse at doktor

Kailangan ng RH saanman may mga tao na nagbubuo ng kanilang pamilya.

Halimbawa, ayon sa ulat ng UN MDG Task Force, kailangan ng 1 fulltime na komadrona

para sa 100–200 na pagpapaanak bawat taon. Kailangan ang iba pang tauhan para sa

ilang milyong serbisyong prenatal at postnatal, para sa mga sanggol na dapat serbisyuhan,

at para sa paghatid ng FP. Magsisilbi sa araw-araw na pangangailangan ng maraming

komunidad ang ganitong pagpundar ng mga tauhan para sa kalusugang pampubliko.

7. Tiyakin ang pondo para sa mga pasilidad sa kalusugan at patas na paggamit sa mga ito.

Dahil kailangan sa RH, masusuportahan ang pagpapahusay sa iba’t ibang antas ng

pasilidad. Mula ito sa mga barangay health station, para sa pangangalaga sa buntis, sa

sanggol at sa gustong mag-FP; mga health centers, para sa ligtas na pagpapaanak, mas

mahirap na serbisyong RH tulad ng pagpasok ng IUD, at paglunas sa mga impeksyong

naihahawa sa pagtatalik; at mga ospital, para sa pang-emerhensyang pangangalaga sa

buntis at kasisilang na sanggol, at FP na gumagamit ng operasyon. Ang malakas na

pasilidad pang-RH ay magiging gulugod ng isang sistema ng pampublikong pasilidad na

malakas at patas ang pagkakatalaga.

8. Magbigay sa kabataan ng tama at positibong edukasyon sa sekswalidad

Sa ngayon, karamihan ng kabataan ay pumapasok sa relasyon at maging sa pag-

aasawa na walang napulot na siste- matikong gabay mula sa anumang institusyon ng

lipunan. Dahil lang sa isang maling sekswal na desisyon, maraming kabataang babae at

lalaki ang nawawalan ng kinabukasan, ng kalusugan o maging ng buhay. Magiit tayo na

magbigay ng voters’ education sa bagong botante para sa isang aktibidad na nagaganap

minsan sa 3 taon, pero hinahayaan natin na halos walang paghahanda ang kabataan na

Page 6: Research Proposalf

humarap sa malalaking yugto ng buhay gaya ng pagdadalaga, pagbibinata at sekswal na

pagsibol.

9. Bawasan ang pagkamatay mula sa kanser

Ang pagpaliban sa sex, pag-iwas sa maraming katalik o pag-condom ay

makakapigil sa kulugo sa ari o impeksyong HPV na sanhi ng kanser sa cervix. Ang

pagkapa sa suso at Pap smear ay nakakatuklas ng maagang palatandaan ng kanser na

kayang pagalingin kung maagang lulunasan. Lahat ng mga ito’y bahagi ng RH na

edukasyon at pangangalaga. Hindi pinapatindi ng kontraseptibo ang panganib sa

kanser; pinapababa nga ng combined pills ang tsansa ng kanser sa obaryo at sa lining ng

matris.

10. Magtipid ng pera na magagamit pa sa dagdag na pagpondo sa mga pangangailangang

sosyal

Kung gagamit ng modernong paraan ang lahat ng nangangailangan nito, tataas

ang gastos sa FP mula P1.9 B tungo sa P4.0 B, pero ang gastos medikal para sa di-

sinadyang pagbubuntis ay babagsak mula P3.5 B tungo sa P0.6 B. Mga P0.8 B ang

matitipid sa dulo. May ebidensya rin na mas malaki ang pinopondo sa kalusugan at

edukasyon ng mga pamilyang mas kaunti ang anak..

IBA PANG KAHALAGAHAN

Ito ang sagot sa pagtaas ng kaso ng maternity-related deaths, unwanted teenage

pregnancy, HIV infection at iba pang Sexually Transmitted Diseases at tiyak susi sa

pangangalaga sa kalusugan ng mga kababaihan.

 Solusyon din ang RH bill para mapababa ang mga kaso ng abortion sa bansa.

Ang mga mahihirap na kababaihan na walang kakayahang bumili ng mga contraceptives

para maproteksyunan ang kanilang sarili ay makikinabangan ang RH Bill.

Page 7: Research Proposalf

SCOPE AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa persepsyon ng mga mag-aaral ng

kursong BSN ng WMSU na nasa unang lebel ukol sa RH Bill. Ang tatalakayin dito ay

ang lawak ng kanilang kaalaman sa panukalang ito at ang pangangatuwiran ng mga

estudyante hinggil sa isyung ito.

Page 8: Research Proposalf

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa website ng Wikipedia (2011), ang Reproductive Health Bill o mas kilala

bilang RH Bill ay isang Philippine Bill na ang layunin ay magarantisa ang universal

access sa mga paraan at impormasyon sa birth control at maternal care. Ang batas na ito

ay naging sentro ng pangkalahatang debate. Mayroong dalawang batas na may parehong

layunin. Ito ay ang House No. 4244 o ang An Act Providing for a Comprehensive Policy

on Responsible Parenthood, Reproductive Health, and Population and Development and

For Other Purposes na ipinanukala ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman at

ang Senate Bill No. 2378 o ang Reproductive Health Act na isinulong ni Senador Miriam

Defensor Santiago.

Ang Reproductive Health Bill ay naglalayong mapalaganap ang tamang kaalaman

tungkol sa ligtas na natural at modernong pagpaplano ng pamilya. Ang bill ay walang

anumang bias laban sa natural at modernong pagplano ng pamilya sapagkat parehong

may implikasyon ng contraceptive method. Ayon sa UN (2002), “Family planning and

reproductive health are essential to reducing poverty.” Samantala ayon sa UNICEF,

“Family planning could bring more benefit to more people at less cost than any other

single technology now available to the human race.”

Mayroong malaking debate kung saan ay ipinapanukala na ang pribadong sektor

at ang buwis ng mga Pilipino ang magiging pondo at gagamitin sa pagpapalaganap ng

iba’t ibang family planning devices tulad ng birth control pills (BCPs) at IUDs, habang

ang gobyerno ay patuloy sa pagkalat ng mga impormasyon kung papaano ito gamitin sa

mga health care centers. Ang mga pribadong kompanya kasama ang pampubliko at

pribadong paaralan sa antas ng elementarya at sekondarya ay kinakailangang makiisa at

sumali upang mapabilis ang disiminasyon ng mga impormasyon sa iba’t ibang paraan

upang makontrola ang populasyon ng Pilipinas.

Page 9: Research Proposalf

Sa artikulong ginawa ni Romero (2011) ng Philippine Daily Inquirer, unang

naipanukala ang RH Bill sa taong 1998. Nung 15th Congress, ang mga nagsulong ng RH

bill ay ang mga sumusunod: (1) House Minority Leader Edcel Lagman ng Albay, HB 96;

(2) Iloilo Rep. Janette Garin, HB 101; (3) AKBAYAN Representatives Kaka Bag-ao at

Walden Bello; HB 513 (4) Muntinlupa representative Rodolfo Biazon, HB 1160; (5)

Iloilo Representative Augusto Syjuco, HB 1520; (6) Gabriela Rep. Luzviminda Ilagan. At

sa senado, Si Sen. Miriam Defensor Santiago ay naghain ng kanyang sariling bersyon ng

RH Bill.

Ayon sa artikulo ni Fernandez (2008), ang simbahang katolika ay patuloy na

sumasalungat dito dahil ito ay pinapaniwalaan nila na nagtataguyod ng isang kultura ng

kamatayan at imoralidad. Idinidiin din nila na ito ang magiging sanhi ng talamak na

aborsyon sa bansa at pagkalulong ng mga kabataan sa premarital sex.

Sa nagawang artikulo naman ni Burgonio (2011) ng Inquirer, mayroon ding ilang

senador na di sumasang-ayon sa pagpapapasa ng RH Bill sa kongreso. Nabibilang dito

ang Senate President Juan Ponce Enrile, Majority Leader Vicente Sotto III at President

Pro Tempore Jinggoy Estrada.

Sa isang panayam kay Senador Miriam Defensor-Santiago inilahad niya na:

“Most senators will not commit at this time because they want to wait for developments in

public opinion. What for examples are the media reports or, if there are surveys on the

subject, what the results are will influence them.” “Remember senators are political

creatures. They will react to what they feel is the public pulse. If they felt for purposes of

the 2013 election that it would be necessary to vote in favor of RH, that’s what they’ll

do,” kanyang idinagdag.

Sa isang ulat ni Cheng (2011) sa ABS-CBN news, humabol pa ang People’s

Champ na si Cong. Manny Pacquiao sa kanyang mungkahing huwag nang ipasa ang

batas tungkol sa Reproductive Health. Iginiit niya na hindi solusyon ang RH Bill sa

kahirapan ng bansa kundi ay ang sugpuin na ang korupsyon sa ating gobyerno.

Nirerespeto naman ng Palasyo ang naging opinion ng kongresista at pound-for-pound

Page 10: Research Proposalf

champion tungkol sa isyu. Ayon sa tagapagsalita ng Palasyo na si Edwin Lacierda sa

isang press briefing, “We respect the opinion of Congressman Pacquiao. We believe that

his faith compels him to speak out his views on the reproductive health bill. We may have

divergent views. We respect his opinion”.

Samantala, isang sarvey ang naisinagawa ng Social Weather Stations o ang SWS

noong ika-24 ng Setyembre 2008. Layunin nitong maipakita ang porsiyento ng mga

Pilipinong may gusto na ituro ang family planning sa mga pampublikong paaralan at

porsiyento ng mga Pilipinong gustong isulong ang Reproductive Health (RH) Bill.

Lumabas na pitumpu’t anim na porsiyento ang may nais sa family planning education sa

mga pamplubikong paaralan at pito naman sa bawat sampung Pilipino ang nais maipasa

ang RH bill.

Ayon kay Lagman (2008), ang sarvey ng SWS ay nagpapatibay sa ginawang

resolusyon ng isang daan at labing isang mambabatas. Ang sarvey na ito ay ang

nagpapakita ng boses ng mga Pilipinong maniniwala sa kahalagahan ng pagpaplano ng

pamilya at may gustong magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol dito.

Page 11: Research Proposalf

Persepsiyon ng mga Estudyante na nasa Unang Lebel ng BSN sa WMSU Hinggil sa Pagpapatupad ng RH Bill

Chiong, Emely Christine

Dumular, Kim Carlo

Estero, Ma. Theresa

Guerra, Desiree

Unga, Abethe

Villanueva, Rubie Ann

BSN I-B

Ipinasa kay:

Bb. Girlie Cortes

Guro sa Filipino 2

Page 12: Research Proposalf

Ika-21 ng Mayo 2011