17
retorika,balarila,at kung ano ano! WIKA -WIKA -ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa kominukasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.—Henry Gleason KATANGIAN NG WIKA 1. Masistemang balangkas Ponolohiya/ ponema—ang nagtuturo sa atin kung anong tunog ang makabuluhan sa isang salita at kung paano binago ng pagbigkas ang kahulugan ng isang salita Morpolohiya/ morpema—ito ang tumatalakay sa pagbuo ng salita Sintaksis—tamang ugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusap Semantika—pag-aaral ng kahulugan ng mga salita Diskurso—pagpapalitan ng pahayag sa pagitan ng dalawang tao 2. Sinasalitang tunog *hindi lahat ng tunog ay maaaring tawaging wika, dapat ito ay nagbibigay ng kahulugan; maituturing lamang ito na wika kung ito ay may kaisipan 3. Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary 4. Nabibilang sa isang kultura 5. Ginagamit sa komunikasyon 6. Dinamiko Dinamiko—wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon Language Variation—pagbabago ng wika mula sa isang wika mula sa isang wika Language Change—etimolohiya/kasaysayan ng isang salita RETORIKA --nagmula sa salitang Griyego na “rhetor”, isang guro at mananalumpati o tagapagsalita sa isang pagpupulong --isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao. **Ito’y isang bahagi o sangay ng diskurso na nauukol sa panghihimok o persweysyon—ARISTOTLE **Ito’y ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo— KENNETH BUKE **Ito’y isang siyensa o agham ng persweysyon—SOCRATES **Ang sining ng argumento ng pagsulat—RICHAD WHATTLEY **Ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo—DR. VENANCIO L. MENDIOLA Persweysyon—kakayahan ng isang tao na makaimpluwensya sa kanyang kapwa Tatlong Uri ng Persweysyon Ayon kay Aristotle 1. Talumpating Panghukuman/ Forensic o Judicial—naglalayong patunayan ang pagiging matuwid o di matuwid na ibinunga ng mga nakaraang pagkilos ng mga tao. 1

retorika.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

research

Citation preview

Page 1: retorika.docx

retorika,balarila,at kung ano ano!WIKA-WIKA -ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa kominukasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.—Henry GleasonKATANGIAN NG WIKA1. Masistemang balangkasPonolohiya/ ponema—ang nagtuturo sa atin kung anong tunog ang makabuluhan sa isang salita at kung paano binago ng pagbigkas ang kahulugan ng isang salitaMorpolohiya/ morpema—ito ang tumatalakay sa pagbuo ng salitaSintaksis—tamang ugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusapSemantika—pag-aaral ng kahulugan ng mga salitaDiskurso—pagpapalitan ng pahayag sa pagitan ng dalawang tao2. Sinasalitang tunog*hindi lahat ng tunog ay maaaring tawaging wika, dapat ito ay nagbibigay ng kahulugan; maituturing lamang ito na wika kung ito ay may kaisipan3. Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary 4. Nabibilang sa isang kultura5. Ginagamit sa komunikasyon 6. DinamikoDinamiko—wika ay nagbabago sa paglipas ng panahonLanguage Variation—pagbabago ng wika mula sa isang wika mula sa isang wikaLanguage Change—etimolohiya/kasaysayan ng isang salitaRETORIKA--nagmula sa salitang Griyego na “rhetor”, isang guro at mananalumpati o tagapagsalita sa isang pagpupulong--isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.**Ito’y isang bahagi o sangay ng diskurso na nauukol sa panghihimok o persweysyon—ARISTOTLE**Ito’y ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo—KENNETH BUKE**Ito’y isang siyensa o agham ng persweysyon—SOCRATES**Ang sining ng argumento ng pagsulat—RICHAD WHATTLEY**Ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo—DR. VENANCIO L. MENDIOLAPersweysyon—kakayahan ng isang tao na makaimpluwensya sa kanyang kapwaTatlong Uri ng Persweysyon Ayon kay Aristotle1. Talumpating Panghukuman/ Forensic o Judicial—naglalayong patunayan ang pagiging matuwid o di matuwid na ibinunga ng mga nakaraang pagkilos ng mga tao.2. Pampubliko/ Deliberative—naglalayong pakilusin ang madla o hadlangan ang napipintong pagkilos ng tao3. Ayon sa Okasyon/ Epideictic—ang talumpating binibigkas depende sa okasyon tulad ng sa mga lamay, dedikasyon, atbp.Tatlong Paraan ng Persweysyon1. Logos—paggamit ng pangangatwirang umaapela sa isipan2. Pathos—paggamit ng pangangatwirang umaapela sa emosyon3. Ethos—ito ay tumutukoy sa karakter o raport na taglay ng isang mananalumpatiMGA KANON O BATAS NG RETORIKA1. Imbensyon—tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo

1

Page 2: retorika.docx

Induktibo—pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiranDeduktibo—tumutukoy sa pangangatwiran sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga impormal na anekdota2. Pagsasaayos—proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas ng bahagi ng isang talumpati ayon sa ss:Introduksyon o panimula

Narasyon/paglalahad ng mahahalagang puntoPaghahain ng mga patunay sa kasong tinalakayPagpapabulaan/tunggalianKonklusyon

3. Istilo—proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya.4. Memorya—tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko5. Deliberasyon—tumutukoy sa aktwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati BALARILA (grammar)--bala ng dila—LOPE K. SANTOS--tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; tamang gamit ng mga salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.GRAMATIKA--inaaral ang kayarian ng isang salita--pag-aayos-ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap/ sintaksis--tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusapLinguistic Competence—kabihasaan sa paggamit ng salitaPaggamit ng mga retorikal na kagamitan o transisyunal na pananalita:IDYOMA--pagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan na di-tuwiran; ang kahulugan ay nasa pagitan ng salitang ginagamit.

Hal.Naglalako ng asin—nagyayabang; Makati ang dila—tsismosaSALAWIKAIN--nasa anyong patula, may sukat at tugma at talinghaga kaya’t kaiga-igayang pakinggan--naglalaman ng mga paalala at pilosopiya sa buhay

Hal. Pag may itinanim, may aanihin; Kung ano ang puno, siya ring bunga

KASABIHAN--ito’y gumagamit ng mga talinghaga at himig panunudyo; may payak na kahulugan--nasasalamin dito ang kilos at gawi ng isang tao

Hal. Utos sa pusa, utos sa daga; Malakas ang loob, mahina ang tuhodKAWIKAAN--nagsisilbing tagapagpaalala rin ang mga kawikaan sa mga dapat ugaliin at maging asal ng mga kabataan--may sukat, tugma at kariktan din

Hal. Ang magagawa ngayon, huwag nang ipagpabukas Walang halaga ang yaman, sa araw ng kamatayan

2

Page 3: retorika.docx

TAYUTAY/ TALINGHAGA--sa paggamit nito,nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan ang isang pahayag na karaniwang makaaakit sa sinumang nakikinig--paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salitaIba’t Ibang Uri ng Tayutay1. Pagtutulad (Simile)—paghahambing ng dalawang tao, bagay o pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad, para, wari .. etc.

hal. Singkinis ng labanos ang kutis ni TJ.2. Pagwawangis (Metaphor)—tiyakang paghahambing

hal. Mapupulang makopa ang mga pisngi ni Justine.3. Pagbibigay katauhan/padiwantao (Personification)—pinakikilos/ pinagagawa na tulad ng mga tao ang mga bagay

hal. Naghahabulan ang mga alon sa karagatan.4. Pagmamalabis (Hyperbole)—nagpapahayag ng sitwasyong labis-labis

hal. Umulan ng piso ang bahay nina JV nang dumating si Lara.5. Pauyam (Irony)—mga pananalitang pangungutya sa tao o bagay.

Hal. Ang laki mo naman Jaime. =P6. Patalinghaga (Allegory)—pahayag na di tumutukoy sa literal na kahulugan ng mga salita

hal. Nahasik sa matabang lupa ang binhing isinabog ng Panginoon.7. Pagtatambis (Antithesis)—pagpapahayag ng mga bagay na magkasalungat para bigyang bisa ang natatanging kahulugan

hal. Hindi ko maunawaan si Gester, pag mabait ka sa kanya, aawayin ka; pag hindi mo pinansin, aawayin ka pa din. AP talaga.. haha8. Pagpapalit-tawag (Metonymy)—nagsasaad ng pagpapalit ng katawagan na mga bagay sa may kaugnayan dito

hal. Magagandang bulaklak ng nayon (dalaga) ang kanilang mga panauhin.9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)—pagbanggit sa isang bahagi na sumasaklaw sa kabuuan

hal. Si Majesty ang bisig at ulo ng Arsi Tutu.10. Pagtanggi (Litotes)—pagpapahayag na ginagamitan ng salita o panangging hindi upang bigyan diin ang mahahalagang pagsang-ayon

hal. Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.11. Pagdaramdam (Exclamation)—nagpapahayag ng pagkabigla/di karaniwang damdamin

hal. Tuwang tuwa ako nang manalo ka Megan! Binabati kita!12. Pagtatanong/pasagusay (Rhetorical Ques)—tanong na di nangangailangan ng kasagutan

hal. May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap?13. Pagtawag (Apostrophe)—pagtawag sa isang tao o bagay sa animo’y kaharap gayong wala naman.

Hal. Paglimot! Nasaan ang awa mo?PANGUNGUSAP--salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa/kaisipan--isang sambitlang may panapos na himig sa dulo—DR. ALFONSO O. SANTIAGOInuri niya ang mga ito sa ss:1. Eksistensiyal—mga pangungusap na nagsasaad ng pagkamayroon ng isa o mahigit na bagay na tinutukoy

3

Page 4: retorika.docx

hal. May tao sa silid-aralan.2. Mga pangungusap ng paghanga. Hal. Ang galing mo!

3. Nagpapahayag ng matinding damdaminhal. Aray!

4. Nagsasaad ng panahonhal. Bumabagyo.

5. Pormulasyong Panlipunan—mga pangungusap na nakagawian na ng ating lipunanhal. Tao po.

Paksa (simuno)—pinag-uusapan sa pangungusapPredikatibo (panaguri)—nagsasabi ng tungkol sa paksaPangungusap Ayon sa Gamit1. Pasalaysay/ Paturol2. Pautos/ Pakiusap3. Patanong4. PadamdamPangungusap Ayon sa Kayarian1. Payak—binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa

hal. Nag-aaral ng judo-karate si Genalyn. Nagtanim at nag-ani ng kamote sina Mean at Bern.2. Tambalan—dalawa o higit pang sugnay na kapwa makapag-iisa

hal. Nagbigay ng lecture si MaEl ngunit siya ay nawala pagkatapos ng semester.3. Hugnayan—isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa

hal. Nagkuquiz kami nang dumating si Itchan.4. Langkapan—dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at ng isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa

hal. Pag nag-utos si Cathy, sundin mo agad, matutuwa siya sa iyo at siya ay magkacart-wheel.UNIT IISophist—maibigin sa karunungan; “man of learning”Corax at Tesias—gumawa ng mga talumpati na binibigkas ng mga tao sa parliamento ng sinaunang Gresya; nagsilbing tagapayo o guro ng kanilang mga kababayan hinggil sa nararapat na gawin sa kanilang pagdulog sa parliamentoCoraxà mahalaga na ang bawat pahayag ay umaapela sa damdamin sa halip na sa isipanSocratesà hindi lamang umaapela sa damdamin bagkus humahamon din sa isipanDayalektik—isang uri ng pangangatwiran kung saan ang mali ay naitatama at ang tama ay maaaring ipamali.—SOCRATESISTILO--paraan ng pamumuhay, pananamit, pananalita at pagsulat--nagbibigay distinksyon sa isang indibidwal--sumsaklaw sa pagiging makabago, makaluma, marahas o karaniwan--tono o punto de bista--kasanayan sa pag-oorganisa ng pangungusap patungo sa talata--sasalamin ng katangian ng isang indibidwal--manipulasyon ng mga indibidwal na salitaTeoryang Behaviorist

4

Page 5: retorika.docx

--nakasaad dito ang reyalidad sa lipunang ginagalawan ng tao ang siyang pangunahing tagahubog ng kanyang mga kilos o pag-uugali—B.F. SKINNER

IDEATION--masusing hinahabi o ipinoproseso ng utak ng mga ideya upang maisalin sa patutunguhan ang isang mensaheng nabuo--pagpili ng mga paraan upang maihatid patungo sa destinasyon ang nabuong mensaheCIRILO F. BAUTISTA--may-akda ng “The Beneficent of Doublespeak” sa kanyang kolum sa “Panorama” na nagpapaliwanag kung bakit likas ang pagkahilig sa eupimismo ng mga Pilipino.Tatlong Uri ng Doublespeak Ayon kay William Luntz1. Eupimismo/ Euphemism--tumutukoy sa pagiging malumanay sa paggamit ng wika upang maiwasang makapanakit ng damdamin ng kapwa2. Jargon--isang propesyonal na lenggwahe na nadebelop mula sa pangangailangan ng isang tiyak na propesyon tulad sa larangan ng negosyo at akademya--tumutukoy sa mga termino o parirala na eksklusibo lamang para sa isang tiyak na grupo3. Gobbledygook/ Bureaucratese--tumutukoy sa espesyal na lenggwahe na ginagamit upang pagandahin at pabanguhin ang imahen ng mga pulitiko sa tuwing nakagawa sila ng kapalpakan o masasangkot sa mga anomalyaParaan ng Pagbibigay Motibasyon sa Madla—Peter J. Daniels1. Kawalan ng Mapagpipilian2. Paggamit ng Pansariling InteresPersonal ng Interes—tumutukoy sa bayolohikal na pangangailangan ng tao upang mabuhay; nagtutulak sa isang indibidwal upang proteksyunan ang sarili at bigyang prayoridad nang personal na pangangailanganPagiging Makasarili—paghahangad ng labis-labis hindi lamang upang mabuhay kundi upang higitan sa anumang aspeto ang kanyang kapwa

Hal. “Kailangan natin…” “mahalaga para sa atin…”3. Paggamit ng Kaalaman--maaaring isang kwento o pangyayari na lantad sa kabatiran ng publiko knug kaya madaling magtagpo ang kaisipan ng dalawang panig4. May Himig ng Paninisi--nangangailangan ng kaukulang pag-iingat sa dahilang may kinalaman ito sa personal na emosyon ng tao

hal. “ano ang mararamdaman mo kung…” “Pa’no kung ikaw ay…”5. Paggamit ng Pananakot--uri ng negatibong motibasyon; kinakailangan lamang na ipahayag ito na may himig pagmamalasakit; karaniwang maririnig sa mga magulang o guro. Hal. “Ganito ang mangyayari kung…” “Maari kang mapahamak kapag...6. Pambubulabog ng Konsensya--mayroon ding himig ng paninisi kaya kailangan ang ibayong pag-iingat at dapat nasa tamang tyempo o pagkakataon ang paggamit nito

hal. “Huwag mong hayaan…” “Hahayaan mo na lang ba…”COMMUNICATIVE COMPETENCE--ang kaganapan ng pagiging manunulat ay ang makapaghatid ng mensahe sa paraang mauunawaan ng publiko—DEL HYMES“THE GREATEST SECRET IN THE WORLD” ni Og Mandino--naghain ng panukala kung paano dapat mangusap ang isang tao…(pp.48-49) =P“WHY WORRY” ni Dr. K. Sri Dhammananda--nagsabing ang labis ang kadalasang pinagmumulan ng panganib…

5

Page 6: retorika.docx

Paraan ng maling pagsasalita ayon kay Buddha:1. Pagsisinungaling2. Panlilibak—paglalagay ng salit sa bibig ng ibang tao3. Marahas na pagsasalita—tumutukoy din sa taong mahilig mang-akusa o likas na mapagbintang 4. Walang katuturang pahayag—tumutukoy sa mga taong ginawa nang libangan ang paglulubid ng buhangin sa tuwi-tuwina; may masabi lang.. KAHULUGAN NG MGA SALITA1. Kahulugang Konotatibo--tumutukoy sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intension o motibo ng taong gumagamit nito

--tinatawag na “emotional” o “intellectual” na impact ng salita2. Kahulugang Denotatibo--nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhektibong kahulugan ng mga termino; “dictionary meaning”

--literal na kahulugan ng salita na labas sa anumang emosyonal, politikal o etikal na insenwasyon na maaaring ikapit sa isang salitaLEBEL NG LENGGWAHEPormal na Lenggwahe--wikang ginagamit sa seryoso at komplikadong paksa kung saan kinakailangan ang maselan na lenggwahe

--ginagamit upang maging personally involved ang tagapagsalita o manunulat sa kanyang paksa

--nagtataglay ng paggalang at gamitin sa akademya, propesyon at liham pangangalakalImpormal na Lenggwahe--kaswal ang gamit ng wika at nasa himig ng pakikipag-usap lamang na gamit ang pang-araw-araw na lenggwahe at di ito particular sa batas ng gramatika.Lebel ng Wika Ayon kina Maxine Hairston at John J. RuszkiwiezMasyadong Pormal Legal na Dokumento Artikulong SayantipikTalumpating Pampulitika Sermon Editoryal at Kolum sa PahayaganPopular na Artikulo sa Magasin Pampersonal na Sulatin/Diary/JournalLiham Pangkaibigan Masyadong Impormal/Kolokyal o KaswalPormal ang gamit ng lenggwahe kapag…· Mahahabang pangungusap o talata · Abstrakt ang mga salitang ginamit· Minimal ang gamit ng pandiwa · Seryoso ang tono ng manunulatImpormal ang gamit ng lenggwahe kapag…· Maiiksing pangungusap at talataan · Paghahalo ng abtrakt at konkretong pangalan· Hitik sa mga personal na panghalip at pandiwa · May himig na seryoso at kaswalKomunikasyong BERBAL--ang talastasang nagaganap sa pagitan ng mga tao gamit ang mga salita

--anumang gawain ng paghahatid ng mensahe na ang ginagamit ay ang wika.Komunikasyong DI BERBAL--tinatawag na kilos at galaw, facial reaction, pagtaas ng kilat, pagsimangot, pagkunot ng noo, atbp. --hindi ginagamitan ng wikaNahahati ito sa tatlo ayon kina WELDON KRIS at JURGEN RUESCH:1. Sign Language—tumutukoy sa kumpas, senyas, kumpas o galaw ng kamay bilang pamalit sa salita2. Action Language—pagbibigay interpretasyon sa kinikilos ng tao3. Object Language—paggamit ng material na bagay sa pagpaparating ng mensaheMALINAW NA PAHAYAG/ KOMUNIKASYON

6

Page 7: retorika.docx

Ang palatandaan ng isang malinaw na komunikasyon ay ang pagtugon o pagsunod nito sa tamang organisasyon ng paghahanay ng mga kaisipan at ideya kung saan dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:1. Kaisahan/ Unity—iisa lamang ang paksang tinatalakay upang malinaw na mailahad ang kaisahan ng mga ideya sa pagbuo ng mga pangungusap at talata2. Pagkakaroon ng Ugnayan/ Coherence—tumutukoy sa pagkakaugnayan ng talata sa loob ng isang komposisyon3. Diin/ Emphasis—tinatawag na “kernel sentence”, “thesis statement”, o nangingibabaw na kaisipan sa bawat talata na maaaring nasa unahan o hulihang bahagi

Paraan ng Pagbibigay-Diin Ayon kina Casanova at Rubin:· Paglalagay ng punong kaisipan sa unahan ng talata, sa hulihan o dili kaya’y sa unahan at sa hulihan.· Pagbibigay ng malaking bahagi ng mga higit ng makabuluhang detalye· Pag-uulit ng punong kaisipan sa naiibang mga salita o paraan· Pagkakaroon ng patas na damdamin patungo sa kasukdulan, pag-aayos ng mga detalye mula sa di gaanong mahalaga patungo sa higit na mahalaga

“Ang wika ay sumusunod lamang sa lakad ng mga bagay. Kapag nagbago ang bagay, nag-iiba rin ang wika”—P.L. STRAWSON

**Kailangan ang iba’t ibang gamit ng wika para sa iba’t ibang uri ng tagapakinig o sa bawat magkaibang pagkakataon**Ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ay dapat na iniaangkop sa uri ng tagapakinig o mambabasaKailan masasabing kaswal ang gamit ng lenggwahe?· Maikli ang pagkakabuo ng mga talata at pangungusap· Gumagamit ng mga eksaherasyon· Sagana sa mga personal na panghalip· Pagbanggit sa ngalan ng iba’t ibang personalidad· Katatagpuan ng mga salitang balbal· Hindi gaanong seryoso ang atake sa paksa· Taglay ang entertainment value at pagiging impormatiboPRINSIPYO NI PETER J. DANIELS SA PAGBUO NG ISTILO1. Tiyaking maayos ang simula.2. Lumikha ng kapanabikan.3. Pulsuhan ang madla.4. Bigyang dramatisasyon ang mga katotohanang ginamit.5. Ang pagbibigay diin na sinusundan ng pananahimik ay umani ng positibong pagtugon.6. Ilahad ang mensahe punto por punto.7. Maging maugnayinKOMUNIKASYON-tawag sa paghahatid at pagpapalitan ng mga ideya; kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo.-pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas.Uri ng Komunikasyong BERBAL ayon kay Carmelita S. Lorenzo1. Komunikasyon Pasalita—isinasagawa nang pabigkas tulad ng pakikipag-usap nang harapan ng dalawang tao, pakikipagpulong ng isang pinuno sa kanyang mga tauhan .. etc2. Komunikasyong Pasulat—pakikipag-unawaan o pakikipagpalitan ng ideya o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat. Hal. Telegrama, memorandum, pahayagan.. etc.

7

Page 8: retorika.docx

4K’s sa Mabisang Pagsulat1. KALINAWAN—tiyak at madaling mauunawaan ang mga gagamiting salita; maging direct to the point at iwasan ang pagiging maligoy sa pagbubuo ng kaisipan2. KAISAHAN—tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng isang pangungusap gayundin ng mga ugnayan ng mga ideya sa loob ng pahayag3. KAIKLIAN—taglay lamang ang mahahalagang datos na may kaugnayan sa paksang tinatalakay4. KAWASTUAN—laman lang ay tunay na detalye at impormasyonPaano Makabubuo ng Mahusay na Kasanayan sa Pagsusulat?1. Gawing kawili-wili ang pagsusulat

2. Magsulat nang magsulat3. Ibahagi ang mga mahuhusay na naisulatMga Dapat Isaalang-alang sa Pagsusulat1. Maging malinaw sa mga layunin at ilahad ito.2. Ipaliwanag kung ano ang nais maing tugon sa mambabasa.3. Sikaping magtaglay ng kredibilidad ang sulatin at nagpapakita ng pagkamagalang sa mga mambabasa.4. Gumagamit ng angkop na pamamaraan ng komunikasyonMga Dapat Isaalang-alang sa Pagpapahusay sa Komunikasyong Pasalita1. Pagsaalang-alang sa tagapakinig2. Paghahanay at pagbubuo ng mga impormasyon3. Pagsasaalang-alang sa pamamaraan ng masining na pagbigkas4. Maayos na pagpili sa mga salitang gagamitin5. Bumuo ng dayalogo sa pagitan ng tagapagsalita at ng mga tagapakinig

· Direktang katanungan· Makatawag-pansing pahayag· Karanasan· Anekdota o biro/joke· Demonstrasyon

6. Paggamit ng kilos at kumpasDISKORS--pagpapahayag ng ating iniisip at pagtugon sa ipinahhayag ng iba …PARAAN NG DISKORSA. Naratibong Pagpapahayag o Pagsasalaysay--isang paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari ay may layuning magkwento.--pinakamatandang anyo ng pagpapahayag, nagsisimula sa mga alamat, epiko at mga kwentong bayanpinagkukunan ng paksa: sariling karanasan, narinig, nakita, nabalitaan, kathang isipB. Deskriptibo Pagpapahayag o Paglalarawan--layon ay bumuo ng isang hugis o anyo ng isang tao, pook, pangyayari sa pamamagitan ng mga angkop at piling-piling salita Uri ng Deskriptibo· Karaniwan/Ohektibong Paglalarawan—di kasangkot ang damdamin at opinyon ng manunulat; nakikita ng mata· Masining/Subhektibong Paglalarawan—kung ginagamitan ng mga tayutay na naglalayong pukawin ang guniguni ng mambabasa sa tagapakinigC. Ekspositori o paglalahad--layon ay magbigay kaalanan, magpaliwanag at tumugon sa pangangailangang pangkarunungan

8

Page 9: retorika.docx

Sanaysay—malimit na gamitin dahil dito’y naipapahayag ng isang tao ang kanyang kuro-kuro hinggil sa paksa; kinapapalooban ng palagay ng sumulat ng paksaPangulong Tudling—isang kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan hinggil sa isang mahalagang balita; layunin nito ang mamamatnubay sa mga kuru-kuro ng madla at magbigat isyu o ng impormasyonD. Argumentatibo o Pangangatwiran--naghaharap ng patotoo o ebidensya upang ang isang proposisyon o paniniwala ay maging katanggap-tanggap sa iba; nahihimok natin ang iba na kumilos ayon sa nais natin

Mga Komposisyong PERSONAL1. Talaarawan--pagsulat ng ating masasayang sandali ng buhay, pati na rin ang kalungkutan o pagsubok ng buhay; naglalapit sa atin nang higit sa Dakilang Lumikha2. AwtobayograpiyaPANITIKAN o LITERARI--bungang isip na isinatitik; sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon, ngayon at bukas ng isang bansa—RUFINO ALEJANDRO at PONCIANO BP. PINEDA

--anumang nasusulat sa anyong tuluyan o patula sa isang particular na panahon, lalo na yaong nasusulat bunga ng imahinasyon at kritikal na pag-iisip, nagtataglay ng permanenteng kahalagahan o balyu at nagbibigay ng mabuting epekto sa damdamin—WEBSTER1. NOBELA--tinatawag ding kathambuhay; mahaba kaysa sa maikling kwento, kinasasangkutan ng kawili-wili at masalimuot na pangyayaring sumasaklaw sa isang mahabang panahon2. DULA--naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng entablado. URI NG DULA: komedya, melodrama, trahedya, parsa at saynete3. MAIKLING KWENTO--ang mga pangyayari ay payak lamang, may mga kilos na organisado, may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, may kasukdulan at may kakalasan o wakas4. SANAYSAY--naglalahad at tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at kuru-kuro ng may-akda; isa sa pinakamadaling isulat sapagkat sariling opinyon lamang ito ng manunulat5. KOMIKS--kwentong isinalarawan na nakapagpapalibang sa mga mambabasa6. TULA--nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga piling salita na maaaring may sukat at tugma, talinghaga at kariktan at maaari namang wala7. AWIT--tula na nilapatan ng himig at musika, inawit at pinatatanyag ng isang mang-aawit na nagpapasalin-salin sa mga dumarating na henerasyonMGA PANANALIG O TEORYANG PAMPANITIKAN1. Romantisismo—higit na nangingibabaw ang damdamin ng mga tauhan kaysa isipan2. Realismo—pinalulutang ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay3. Simbolismo—pamamaraan ng paglalahad ng mga bagay, kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga sagisag4. Eksistensyalismo—hinahanap ang kahalagahan ng personalidad ng tao at ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran

9

Page 10: retorika.docx

5. Feminismo—nagbibigay-diin sa karanasan at kakayahan ng mga kababaihan6. Naturalismo—pananalig na mailarawan ang kalikasan nang buong katapatan, kaya’t malimit na maipagkamali sa realismo7. Modernismo—tumutukoy sa paghihimagsik sa isang tradisyon, relihiyon, kaugalian, o paniniwala upang magkaroon ng puwang ang mga pagbabago8. Idealismo—paniniwala sa pinakamahusay na dapat gawin9. Klasismo—pinangingibabaw ang isipan laban sa damdamin10. Moralistiko—ipinalalagay na may kapangyarihang maglahad ang akda11. Marxismo—hindi lamang sa larangan ng pagsusuri ang sinasaklaw nito kundi gayundin ang larangan ng kultura, pulitika, ekonomiya at pilosopiya12. Surealismo—pangingibabaw sa pananalig na ito ang katotohanan sa kabila pa ng katotohanan

PAGSUSURI BATAY SA BISA1. Bisa sa Isip2. Bisa sa Damdamin3. Bisa sa Kaasalan4. Bisa sa Lipunan

BAGO MAGSULAT …1. Bumasa2. Magsanay3. Pagbibigay pagkakataon/pagtuturo sa sarili4. Tumuklas ng mga papaksain at bigyan ng paglinang5. May layunin ang manunulat di lamang para sa kanyang sarili at higit sa lahat para sa kanyang mambabasa6. Magplano7. Magbalangkas8. Porma ng susulatin

Hakbang sa Pagsulat ng Talambuhay (Lincoln at Suid)1. Pagpili ng paksa2. Pagpasyahan ang mga bahagi ng paksa na ibig saklawin3. Gumawa ng balangkas hinggil sa gagawing pananaliksik4. Pagsasagawa ng pananaliksik5. Planuhin ang pagsulat ng talambuhay6. Simulan na ang pagbabalangkas at pag-eedit ng naisulat na talambuhay7. Pangwakas na pagsulat

Mga Maaaring Paghanguan ng Paksa ng Isang Sulatin1. Karanasan2. Nakita o Nasaksihan3. Narinig4. Nabasa

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat1. Isipin kung ano ang bago2. Kaalaman sa paksa3. Iwasan ang pagiging maligoy4. Iugnay ang mga kaganapan sa paligid sa paksang tinatalakay

Papel na ginagampanan ng manunulat sa lipunan (Casanova & Tiamson)1. tagapamulat ng isipan at damdamin ng kanyang panahon2. tagapagturo

10

Page 11: retorika.docx

3. tagapukaw ng isipan at damdamin ng madla4. taga-aliw

Istilo ng Pagsulat1. Personal2. Kumbersisyunal o nakikipag-usap lamang3. Sarkastiko4. Nagtatanong5. Salungatin

Paraan sa Pagbuo ng Panimula1. Pagtatanong2. Paggamit ng tuwirang sipi3. Pagbibigay diskripsyon4. Pagbibigay dipinisyon5. Paggamit ng anekdota6. Paggamit ng analohiya7. Paggamit ng isang panawagan8. Pagpapaliwanag ng paksa9. Pagpapaliwanag sa sariling opinyon o paniniwala10. Paggamit ng dayalogo

Paraan ng Pagbuo ng Gitnang Bahagi ng Sulatin1. Pag-uuri2. Pag-aanalisa

Paraan ng Pagbuo ng Wakas1. Pag-iiwan ng katanungan 2. Pagbubuo3. Paghihinuha4. Pagrerekap5. Pagbibigay ng siping pahayag (quotation)

Pinagkukunan ng tao ng kanyang mga isasalaysay (Casanova & Rubin)

1. karanasan2. mga nabasa3. mga napakinggan 4. mga naitala

Hakbangin sa Pagsulat ng Sanaysay1. paksa2. banghay3. tauhan4. tagpuan

Sanaysay--akdang pampanitikan na nauuri sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa—JOSE ARROGANTE

--pagsasalaysay ng isang sanay sa pagsasaysay—ALEJANDRO ABADILLAUri ng Sanaysay

1. Pormal o maanyo2. Di-Pormal o di-maanyo

Retorika

11

Page 12: retorika.docx

Ayon kay Sebastian(2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita. Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.* Galing sa salitang "rhetor" (Salitang Griyego) na nangangahulugang "guro" o mahusay na oradr/mananalumpati* Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.* Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.*Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralanAng isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.Bilang isang sining-Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at mambabasa.Isang Kooperativong sining-Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisan ideya.Isang pantaong sining-Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao ang retorika ay isa ring siniong at pantao.Isang Temporal na sining-Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at hindi bukas o kahapon.Isang limitadong sining-Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.Isang may kabiguang sining-Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.Isang nagsusupling na sining-Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.Saklaw ng retorika

Lipunan pilosopiya wikaiba pang larangan sining Gampanin

Nagbibigay daan sa komunikasyon-Ano man ang ating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao.Nagdidistrak-Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.Nagpapalawak ng pananaw-Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natinNagbibigay ngalan-Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.

12

Page 13: retorika.docx

Nagbigay-kapangyarihan-Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.Ano ang Tayutay at mga sangkapin nito-Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga Uri ng Tayutay

Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.

Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Pag-uulit Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.

13

Page 14: retorika.docx

Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

14