2
Sa pamamagitan ng pagpiling magparehistro sa Programang Self-Exclusion ng Charitable Gaming, gumagawa ka ng isang mahalagang pangako sa iyong sarili. Para sa marami, ang Self-Exclusion ay isang mahalagang unang hakbang tungo sa paggawa ng kontrol sa kanilang pagsusugal. Ang dokumentong ito ay magbibigay ng impormasyon at suporta na makukuha upang matulungan kang mas mabuting maintindihan ang iyong pangako. “Nabawi ko ang aking pagpapahalaga sa sarili. Napaglabanan ko ang problema at mabuti na muli ang pakiramdam ko sa sarili. Hindi ko ikinahihiya kung sino ako noon, ikinararangal ko kung naging sino ako.” Terry Finn, naka-enrol sa Self-Exclusion na programa Hiniling kong magparehistro para sa Self-Exclusion. Ano ang mga susunod kong hakbang? Kapag hiniling mong magparehistro para sa Self- Exclusion sa isang Sentro ng Charitable Gaming, kukuhanin ng tauhan ang iyong pangalan at impormasyon ng kontak. Ikaw ay aalukin ng Kaagad na Pagbabawal mula sa Sentro ng Charitable Gaming. Kung tatanggapin mo ang Kaagad na Pagbabawal ikaw ay kukuhanan ng litrato at ikaw ay bibigyan ng abiso sa ilalim ng Trespass to Property Act (Batas ng Walang Pahintulot na Pagpasok sa Pag-aari) na ikaw ay hindi na maaaring pumasok sa Sentro. Ikaw ay kokontakin ng OLG sa loob ng tatlong araw ng trabaho upang magtakda ng isang pagpupulong para sa pagpaparehistro sa Self-Exclusion. Sa pagpupulong na iyon ikaw ay mamimili ng isang taning: anim na buwan, labindalawang buwan, o walang taning. Ikaw din ay pipirma ng pormularyo ng rehistrasyon para sa Self-Exclusion, magpapakuha ng litrato, at kung interesado, makikipag-ugnayan sa mga lokal na mapagkukunan sa komunidad para sa karagdagang tulong. Para makuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika pakitawagan ang 1-800-387-0098 obumisita sa: PlaySmart.ca 1-888-230-3505 www.problemgamblinghelpline.ca PlaySmart.ca #PlaySmartOLG Pagkuha ng higit na kapakinabangan sa Programang Self-Exclusion ng OLG Charitable Gaming ANONG SUSUNOD? WN-T(C) v2.8

RG PlaySmart cGaming WhatNext 2016 Brochure TAG · PDF filepagpapahalaga sa sarili. ... Ang mga hakbang na ito ay nilalayon upang suportahan ... Charitable Gaming sa pamamagitan ng

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: RG PlaySmart cGaming WhatNext 2016 Brochure TAG · PDF filepagpapahalaga sa sarili. ... Ang mga hakbang na ito ay nilalayon upang suportahan ... Charitable Gaming sa pamamagitan ng

Sa pamamagitan ng pagpiling magparehistro sa Programang Self-Exclusion ng Charitable Gaming, gumagawa ka ng isang mahalagang pangako sa iyong sarili.

Para sa marami, ang Self-Exclusion ay isang

mahalagang unang hakbang tungo sa paggawa ng

kontrol sa kanilang pagsusugal. Ang dokumentong

ito ay magbibigay ng impormasyon at suporta na

makukuha upang matulungan kang mas mabuting

maintindihan ang iyong pangako.

“Nabawi ko ang aking pagpapahalaga sa sarili. Napaglabanan ko ang problema at mabuti na muli ang pakiramdam ko sa sarili. Hindi ko ikinahihiya kung sino ako noon, ikinararangal ko kung naging sino ako.”

Terry Finn, naka-enrol sa Self-Exclusion na programa

Hiniling kong magparehistro para sa Self-Exclusion. Ano ang mga susunod kong hakbang?Kapag hiniling mong magparehistro para sa Self-Exclusion sa isang Sentro ng Charitable Gaming, kukuhanin ng tauhan ang iyong pangalan at impormasyon ng kontak. Ikaw ay aalukin ng Kaagad na Pagbabawal mula sa Sentro ng Charitable Gaming. Kung tatanggapin mo ang Kaagad na Pagbabawal ikaw ay kukuhanan ng litrato at ikaw ay bibigyan ng abiso sa ilalim ng Trespass to Property Act (Batas ng Walang Pahintulot na Pagpasok sa Pag-aari) na ikaw ay hindi na maaaring pumasok sa Sentro.

Ikaw ay kokontakin ng OLG sa loob ng tatlong araw ng trabaho upang magtakda ng isang pagpupulong para sa pagpaparehistro sa Self-Exclusion. Sa pagpupulong na iyon ikaw ay mamimili ng isang taning: anim na buwan, labindalawang buwan, o walang taning. Ikaw din ay pipirma ng pormularyo ng rehistrasyon para sa Self-Exclusion, magpapakuha ng litrato, at kung interesado, makikipag-ugnayan sa mga lokal na mapagkukunan sa komunidad para sa karagdagang tulong.

Para makuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika pakitawagan ang 1-800-387-0098

obumisita sa: PlaySmart.ca

1-888-230-3505www.problemgamblinghelpline.ca

PlaySmart.ca

#PlaySmartOLG

Pagkuha ng higit na kapakinabangan sa

Programang Self-Exclusion ng OLG Charitable Gaming

ANONG SUSUNOD?

WN-T(C) v2.8

Page 2: RG PlaySmart cGaming WhatNext 2016 Brochure TAG · PDF filepagpapahalaga sa sarili. ... Ang mga hakbang na ito ay nilalayon upang suportahan ... Charitable Gaming sa pamamagitan ng

Ano ang mga responsibilidad ko habang naka-self-exclude?Habang nakarehistro sa Self-Exclusion ng Charitable Gaming ikaw ay hindi maaaring pumasok sa anumang Sentro ng Charitable Gaming sa Ontario.

Anong mangyayari kung pumasok ako sa isang Sentro ng Charitable Gaming habang naka-self-exclude?Kung ikaw ay makikita sa isang Sentro ng Charitable Gaming sa panahon ng iyong takdang Self-Exclusion, ikaw ay sasamahan palabas mula sa Sentro at maaaring ihabla para sa pagpasok nang walang pahintulot. Maaari ka ding magpadagdag ng panahon sa iyong taning sa Self-Exclusion. Ang mga konsikuwensiyang ito ay nilalayon para pigilan ka mula sa pagtatangkang lumabag sa iyong pangako.

Bagama’t nagbibigay ang OLG ng impormasyon tungkol sa kung paano makakuha ng karagdagang tulong at impormasyon mula sa mga propesyunal na tagapayo, tanging ikaw lamang ang maaaring magpasiyang lubos na makilahok at igalang ang iyong pangako na hindi pumasok sa mga Sentro ng Charitable Gaming.

Paano sinusuportahan ng OLG at mga Sentro ng Charitable Gaming ang aking Self-Exclusion?Itatabi namin ang iyong litrato at pangalan sa isang database ng mga self-excluded na indibidwal at ihihinto ang direktang pangangalakal sa iyo. Bilang karagdagan, hindi ka maaaring makapaglaro o manalo sa isang Sentro ng Charitable Gaming. Kung sakaling ikaw ay lumabag sa iyong pangako sa Self-Exclusion, sa pangyayaring malaman ng OLG na ikaw ay nanalo ng isang jackpot o premyo habang nasa self-exclusion, ang OLG ay hindi magbabayad ng premyo, gaya ng inaatas ng batas. Ang mga premyong hindi ibinayad ay ililipat sa isang hindi pangkalakal na organisasyon.

Ang mga hakbang na ito ay nilalayon upang suportahan ang iyong pagpili na humintong magsugal sa mga Sentro ng Charitable Gaming.

Gaano katagal ang aking taning sa Self-Exclusion?Maging ano man ang iyong piniling taning ikaw ay mananatiling naka-self-exclude hanggang ikaw ay aprubahan na bumalik sa isang Sentro ng Charitable Gaming sa pamamagitan ng proseso ng “reinstatement”(makabalik sa dati). Ang iyong piniling taning ang magpapasiya kung kailan ka magiging karapat-dapat upang mag-aplay para sa reinstatement. Halimbawa, kung pinili mo ang isang taong taning, ikaw ay mananatili na naka-self-exclude ng walang taning, bagama’t maaari kang mag-aplay para makabalik pagkatapos ng isang taon. Kung pinili mo ang walang taning na panahon, maaari kang mag-apply na makabalik pagkatapos ng anim na buwan.

Para sa maraming tao, ang Self-Exclusion ay nakakatulong para sa isang walang taning na panahon. Sa oras na makapagrehistro sa programa, pinipili nilang hindi na bumalik sa pagsusugal, kahit na matapos ang kanilang taning sa Self-Exclusion.

Kung ikaw ay magpasiyang bumalik, kailangan mong magbigay ng isang nakasulat na kahilingan sa OLG:

OLG Charitable Gaming Self-Exclusion Program Coordinator70 Foster Drive, Suite 800Sault Ste. Marie, ON, P6A 6V2

O

[email protected] ng OLG kung ikaw ay karapat-dapat para sa reinstatement batay sa iyong piniling taning at anumang mga paglabag na maaaring naidagdag na panahon sa iyong taning. Ikaw rin ay kailangang kumumpleto ng isang online na reinstatement tutorial

(tutoryal na makabalik sa dati), na magbibigay sa iyo ng impormasyon upang tulungan kang mas maalam na makabalik sa pagsusugal.

Mayroon pa akong mga tanong. Paano ko mas higit na malalaman?Sa anumang punto ng panahon sa iyong taning ng Self-Exclusion ikaw ay maaaring makipag-ugnayan sa OLG para sa higit na impormasyon. Mangyaring kontakin ang OLG sa pamamagitan ng telepono sa 1-800-387-0098 o mas higit na alamin sa PlaySmart.ca.

Saan ako maaaring makakuha ng karagdagang tulong at impormasyon?Ang tulong ay makukuha upang matugunan ang mga problema na kaugnay sa pagsusugal, gaya ng paghihirap sa pinansiya, utang at/o mga paghamon sa relasyon. Ang OLG ay nagbibigay ng impormasyon sa paghahanap ng tulong sa PlaySmart.ca.

Huwag pumasok sa anumang Sentro ng Charitable Gaming para sa karagdagang impormasyon.

Ang mga impormasyon at pagsasangguni sa mga serbisyong pangkomunidad ay ibinibigay ng Ontario Problem Gambling Helpline (OPGH) ng 24 oras sa isang araw. Ang OPGH ay maaaring makatulong sa iyo sa paghahanap ng lokal na tulong at mga mapagkukunan. Ang serbisyo ay libre, kumpidensiyal at ibinibigay sa mahigit sa 170 na mga wika. Ang OPGH ay maaabot sa:

TEL: 1-888-230-3505 WEb: www.problemgamblinghelpline.ca (kasama ang online chat)

Ang detailyadong impormasyon tungkol sa problemang pagsusugal, pagpigil at mga serbisyong pangsuportang ay makukuha din mula sa mahalagang mga mapagkukunan na ito:

The Problem Gambling Institute of Ontario at the Centre for Addiction and Mental Health

TEL: 1-888-647-4414WEb: www.problemgambling.ca

Responsible Gambling Council (Conselho do Jogo Responsável)

TEL: 1-888-391-1111WEb: www.responsiblegambling.org

Credit Canada

TEL: 1-800-267-2272WEb: www.creditcanada.com