The Four Bad Boys and Me

  • Upload
    pusaa13

  • View
    3.775

  • Download
    148

Embed Size (px)

DESCRIPTION

I do not own anything. credits to the owner. (blue_maiden). Enjoy!

Citation preview

The Four Bad Boys And Me. by blue_maidenGwapo sila, mayaman, maangas at sikat. Ako? isa lang akong dakilang nobody, nerd, weird at forever alone. Sino bang mag aakala na magkakatagpo pa yung mga landas namin? Yung tahimik kong buhay nabago na at naging magulo lahat yun dahil sa FOUR BAD BOYS ng school namin.Inspired by Boys Over Flowers.For sure kilala niyo naman yung F4 di ba?Meron din niyan dito sa school namin. Tawag namin sakanila, APAT. Jeydon Lopez. Ang leader ng grupo at ang pinaka bad boy sa kanilang lahat. Siya 'daw' yung hari ng school kaya tinitingala siya ng halos lahat ng mga studyante. Gwapo, mayaman, sikat, habulin ng mga babae at ang Captain ng basketball team. Siya ang numero unong bully sa school namin, mapang asar at napaka yabang. Malakas mag yosi at uminon ng alak. Siya yung taong pinaka kinaiinisan ko sa lahat.Troy Mendoza. Siya ang best friend at palaging kasama ni Jeydon. Cute, mayaman at sobrang kulit. Siya ang wonanizer sa kanilang apat dahil siya ang pinaka mahilig sa mga babae at ang 'boyfriend ng campus' dahil sa dami ng girlfriend niya. Napaka dami na niyang babaeng pina iyak. Isa din siya sa kinaiinisan kong tao sa school.Charles Gonzales. Ang pinaka matanda sa grupo. Siya ang basagulero sa kanilang apat, walang alam kundi makipag away. Gwapo, mayaman, sobrang mapang asar at kinakatakutan sa school. Hindi lang siya sa school expert mang bully pati sa buhay ko. Unfortunately kapatid ko siya, mahal ko siya pero naiinis din ako sakanya.Marky Lim. Siya ang huling kukumpleto sa grupo nila. Siya yung silent type sa grupo nila na parang may sariling mundo palagi. Gwapo, masunget tska snobero. Sabi nila siya daw yung pinaka player sa kanilang apat pero hindi ako naniniwala kasi crush ko siya eh. Ang galing galing niya kasi kumanta tska napaka gwapo pa. Siya lang ata yung gusto ko sakanila. Ako?Ako si Candice Gonzales.Im just a nobody..Nerd..Weird..Forever alone.. Kaso lang lahat yan nag bago, yung tahimik kong buhay. GUMULO!Lahat yun kagagawan ng FOUR BAD BOYS. --Inspired by Boys Over Flowers and Tame.The Four Bad Boys and MeWritten by blue_maidenAll Rights Reserved. Copyright 20131. First Kiss "Ang gwapo ng apat! lalo si Jeydon nuh?""Oo nga eh! Gosh! kinikilig ako sakanya!""Look girls, papunta sila dito!"Papalapit na nga sila Jeydon sa lugar namin kaya parang mga kabute yung mga fangirls nila na nagsilitawan. Akala mo may dumating na artista, eh studyante lang naman sila dito ah? Naglalakad silang APAT nung may isang babae na pumunta sa harap ni Jeydon Lopez."Hi Jeydon!" sabi nung babaeng makapal yung make up tapos sobrang ikli ng palda. "I'm Stella by the way." inabot niya yung kamay niya kay Jeydon pero imbis na makipag kamay siya dun sa Stella, tinitigan lang niya yun na may blankong ekpresyon ng mukha."Can you get away from me? You ugly creature."Lahat sila nagtawanan sa sinabi ni Jeydon, nangingibabaw yung tawa ng tatlong mga babae na nag uusap kanina. Lahat sila pinag tatawanan yung Stella, kawawa naman siya. Umatras na lang siya para makadaan si Jeydon at yung tatlo. Pupusta pa ako hindi na siya papasok pa ulit dito sa kahihiyan na nangyari sakanya ngayon. "Bagay lang sakanya yan! Ambisyosa!""Feeler kasi! Haha!""How dare her, hindi sila bagay ni Papa Jeydon. Masyado siyang gwapo." Gwapo? Oo gwapo nga masama naman ugali.Ang yabang niya! akala mo kung sino siya! Porket siya 'daw' yung hari ng school na 'to. Isang malaking kalokahan! At kung makapag pahiya ng iba, akala mo kung sino siya. Ewan ko ba bakit ang daming nag kaka gusto sa mokong na yan, ang sama sama naman ng ugali. Sinasayang lang niya yung itsura na binigay sakanya. 'Bakit gustong gusto ng mga babae yung mga bad boy?' Yan na lang yung nasabi ko sa sarili ko, walang iba kung hindi ako. Oo, kinakausap ko yung sarili ko pero hindi ako baliw. Wala akong kaibigan dito sa school, sabihin na lang natin na forever alone ako dito. Para kasi sa mga schoolmate ko, isa lang akong nerd, weird, manang at walang kwenta kung makikipag kaibigan lang sila sakin. Psh! eh di wag nuh! hindi ko naman sila kaylangan. Masaya naman mag isa eh, tahimik lang yung buhay mo. Kahit kapatid ko si Charles Gonzales, isa sa APAT, hindi pa din yun naging dahilan para maging sikat din ako dito sa school. Hindi kami palaging nag uusap dito sa school, hindi ko alam kung kinakahiya niya ako o sadyang hindi lang nagkikita yung landas namin. Sa totoo lang isa siyang malaking bully sa buhay ko pero masaya na din ako na naging kapatid niya ako. Dahil sa kapatid ko siya, hindi ako na bu-bully masyado dito sa school, hindi katulad ng ibang katulad ko na nerd.Tinignan ko yung relo ko, pumunta na ko sa class ko na mag sisimula, five minutes from now. Tumakbo na lang ako na para bang wala ng bukas, ayokong ma late noh.Pag kadating ko dun, nandun na yung mga classmates ko pati yung teacher ko, lahat sila napatingin sakin. Nagulat ako nung tumawa ng malakas yung teacher ko. Alam ko na ako yung pinag tatawanan niya dahil sakin siya naka tingin. "Candice, mahangin ba sa labas?" Dahil sa sinabi niya nagtawanan pati mga classmates ko, for sure yung buhaghag kong buhok mas lalong naging buhaghag. Akala ko mga students lang may masamang ugali dito sa school. Pati pala teacher, nako naman. Kasalanan ko bang tumakbo ako papunta dito para hindi ako malate sa klase niya? Loko to ah! Hindi ko na lang siya pinansin. Daily routine na ata nila yan eh, hindi man ako yung inaasar nila nasanay na ko sa ugali nilang yan. Tska isang taon na lang naman titiisin ko dito sa school na to, at graduate na ko ng High School.Pagkatapos ng isang oras na torture sa class netong mapanglait na teacher ko, nag bell na din sa wakas, at syempre lahat sila excited na sa lunch. Ako? hindi katulad ng isang tipikal na studyante dito, sa library lang ako pupunta. Ayoko kasi ng madaming tao. May pagka anti-social kasi ako, haha! Syempre joke lang. Ayoko ko kasi sa canteen, puro tsismis lang meron dun. Mas mabuti pa dito sa library, tahimik tska makakapag basa pa ako. Tska for sure andun yung APAT, ayoko makita yung mga yun. Kung nasan sila, nandun din yung mga fan girls nila. Yung mga babaeng patay na patay sakanilang apat."Hi candice!""Ay kalabaw!" napahawak ako sa dibdib ko, nakakagulat siya."Ay sorry nagulat ba kita?"Ay hindi ako nagulat, ineexpect nga kita eh. Grabe naman 'to si ate oh! papatayin ata ako sa gulat. Tinignan ko lang siya, maganda siya, masiyahin tapos ang laki ng ANO niya. Witwew! oy hindi ako tomboy ah! eh sa ang laki eh, nanliliit yung sakin."Bakit?" tanong ko sakanya, bakit kaya niya ako kakausapin?"Ah.. kasi.. ano.." hinitay ko yung sagot niya pero hindi siya nag salita. Bumalik ulit ako sa libro na binabasa ko, eh kasi ayaw naman niya sabihin kung anong kelangan niya, na iistorbo kaya ako. Hello? hehe arte lang."May sasabihin ka ba? kasi nag babasa ako eh.""Ay sorry.. kasi pwede ba akong humingi ng favor sayo? please?" hinawakan niya yung braso ko, nag mamaka awa. Hala siya! ngayon ko pa nga lang siya nakilala tapos favor na agad?"Ano yun?""Pwede bang ibigay mo 'tong letter na 'to kay Troy?""Bakit hindi ikaw?""Eh kasi hindi naman niya ko kilala! eh ikaw kapatid ka naman ni Charles eh, please naman oh!" so ibig sabihin si Troy Mendoza nga yung tinutukoy niya. Yung womanizer na lalaki na yun.Sinara ko yung libro ko, tumayo ako tska umalis. Ayoko nga! bakit hindi siya mag bigay? utusan niya ba ako? tska ayoko makipag usap sa mga yun, gumulo pa buhay ko dito sa school. Hinabol naman niya ako kahit nasa labas na ako ng library. Amp ate wag ako! iba na lang."Please?" nag puppy eyes siya sa akin.Sa totoo lang okey lang naman sakin gawan siya ng favor, eh sa ganun ako kabait eh! Kaso yung lalapit ako sa APAT na yun?! NO WAY HIGH WAY!"Please naman oh.. crush na crush ko kasi si Troy eh! huhu please.. kapag kaharap ko siya nauutal ako eh! please." parang iiyak na siya. Nakaka awa naman, sa lahat ba naman ng lalaki, kay Troy Mendoza pa siya nag ka gusto? bulag ata siya. Ang ganda ganda pa naman niya tska mukha naman siyang mabait eh. Hindi sila bagay na dalawa.Kinuha ko yung letter, umalis ako agad dun ng hindi nag sasalita. Medyo bastos lang eh nuh? hehe, hindi ko kasi hobby na mag salita, forever alone nga eh. Habang papalayo na ako narinig ko siyang nag thank you sakin. Mag thank you ka talaga ate kasi ang laking favor netong gagawin ko para sayo. Haharap ako sa APAT na yun? tama ba itong gagawin ko?Hinanap ko agad kung tambayan nila sa canteen, dun naman sila lagi nakatambay eh. Nakita ko naman sila agad dun, sa private area nila. Sakanila lang yun, para kasi silang F4 ng school namin eh.Lumapit ako sakanila, pinag titinginan pa ko ng mga schoolmate kong babae sa canteen. For sure sinumpa na ko ng mga yan o sabihin na natin na baka sinasabunutan na nila ko sa isip nila. Inabot ko na lang agad yung sulat nung makaharap ko yung Troy na yun. Lahat sila nag tinginan sakin, yung parang nandidiri lang. Bakit nga ba kasi ako pumayag dun sa babae? hayss. "Ano yan?" sabi ni Troy.Malamang sulat. Ano ba naman 'to."Wow Troy! may gusto sayo yung kapatid ni tandang Charles oh! HAHA ewww ha!" sabi ni Jeydon. Ang yabang talaga! Leche plan! Hindi naman siya kausap ko eh! EPAL din siya eh noh."Meet my nerdy sister Candice." tapos tumingin siya sakin "My dear sister anong kalokohan naman yan? kahit mag bigay ka ng sulat kay Troy hindi ka pa din magugustuhan niyan, ang manang manang mo eh!" ang sweet talaga ng kapatid ko."Pinapabigay..""Sino namang nag papabigay?" tanong naman ni Marky. Napatingin ako sakanya, parang mag kaka heart attack ata ako kasi tinignan niya ko. Ang gwapo niya kaya, bakit ba? hihi."Walang kaibigan yan dude, forever alone yang kapatid ko." sabi ni kuya Charles.Wow thanks for reminding me kuya, oo forever alone ako.Nilapag ko na lang yung sulat sa table nila, tapos umalis na ko. Pumunta na lang ako sa next class ko. Wala eh, sira na yung moment ko sa library, kasi yung babae na yun eh! Ano bang pangalan nun? hindi ko pa na tanong, sabagay okey lang din. Hindi naman ako makikipag kaibigan sa kanya eh, as if naman na gusto din niya kong maging friend. Ginamit niya lang ata ako eh, user siya! haha joke. Badtrip! nakakainis naman! napansin pa ko ng mga yun! kasi naman yung babae na yun talaga eh! Sana lang hindi nila ko pag tripan, pagkatapos ng ginawa ko.Pag kadating ko sa classroom, nag si datingan na din mga classmates ko at yung teacher namin sa math. Nag lecture na agad siya, tapos mga 30 minutes na, dumating naman to si. Jeydon. Bakit andito yan? Lower Section yan eh."Ah class, magiging classmate niyo pala si Jeydon starting today."Bakit? tumalino ba siya bigla?"Masyado kasi siyang nag eexcel sa class niya sa math kaya mas mabuti kung dito siya sa section niyo." papatawa ba siya? si Jeydon?! hindi ko ma imagine.Naghanap siya upuan, at ang malas ko sa tabi ko pa."Hi kapatid ni Charles."May pangalan ako! STUPID! Candice!"Ano?" tanong niya sakin, napalakas ata pag kakasabi ko sa isip ko, buti hindi niya narinig ng malinaw. I just shook my head no. Ayoko makipag usap sakanya nuh! I HATE HIM."Sus ang sunget! panget naman!" tanggg!! sana lalaki na lang ako para pwede ko siya suntukin. Mas panget siya, sama ng ugali niya! I hate him! I hate him! I hate him!Kahit na asar na asar na ako, hindi ko na lang pinansin tong Jeydon na to. Nag sulat na lang ako sa notebook o. Maasar lang ako sakanya lalo. Maya maya lumabas na siya ng room, sus panigurado, hindi na yan babalik. Palagi naman siyang nag ditch ng class eh, hindi ko nga alam kung bakit umabot siya ng fourth year.Nung nag bell na, wala pa din yung Jeydon na yun, see? I told you. At tska ano bang paki alam ko dun. Nag lalakad na ko papuntang locker ko. May humila sakin papasok ng janitor's room. Jusme! sino to? "Candice.." Ramdam ko yung hininga niya.. ang macho ng boses niya. Gusto ko siyang tignan, gusto ko tumalikod pero hindi ko magawa kasi nakayakap siya sakin mula sa likod ko!! Rape! Rape! Rape! Ay ambisyosa? Rape agad? Umayos ka Candice Gonzales. "Candice.." "Si-sino ka ha?" "Wag kang mabibigla sa gagawin ko ah." Hinarap niya ko sakanya, tapos ang sumunod na lang... HINALIKAN NIYA KO. Ang lambot ng labi niya. Kahit nanlaki yung mga mata ko, wala akong makita kasi ang dilim eh. Ganito pala pakiramdam na mahalikan?Natulala ako dito, narinig ko na lang, sumara yung pinto..Sino yun? ang FIRST KISS KO?Masampal nga muna sarili ko, teka baka nanaginip ako eh? OUCH, ang sakit. Hindi ito panaginip. At ano yung sabi niya? wag daw akong mabibigla?! eh siraulo pala siya eh! Sino ba siya?! ---Sino kaya yung humalik sakanya?2: Assuming Nakatayo lang ako dito, naka tanga. Ano ba yung nangyari? may humila sakin papasok dito sa janitor's room tapos hinalikan ako.HINALIKAN AKO?!Sino naman hahalik sakin at bakit niya gagawin yun? Kaylangan ko malaman kung sino yun! Kelangan ko siyang habulin. Nahirapan ako lumabas dahil hindi naka galaw ng maayos yung mga paa ko sa sobrang gulat. Paglabas ko ng janitor's room, hinanap ko agad yung lalaki na humalik sakin.Wala namang tao dito, teka! mali ako, meron pala. Nakatalikod siya sa akin at nag lalakad palayo. Hinabol ko siya tska ko siya sinigawan. "HOY IKAW!" Pag kaharap niya sakin, nanlaki agad yung mata ko. Siya nga ba talaga?SI JEYDON LOPEZ?Si Jeydon yung humalik sakin? Siya lang naman yung tao dito eh, hindi naman pwedeng mawala agad yung lalaking humalik sakin sa loob. Pakiramdam ko may kung anong bagay na bumagsak sakin. Hindi pwedeng sa isang katulad niya mapupunta yung unang halik ko. Sa isang napaka samang lalaki, mayabang, arogante, basta sa isang bad boy."Kapatid ni Charles! anong problema mo ha?!" tinatanong pa niya kung anong problema ko? Nang iinsulto ba siya?"Bakit mo ko hinalikan?!Nanlaki yung mata niya, parang nakakita siya ng multo. Maya maya bigla siyang tumawa ng malakas, napahawak na nga siya sa tyan niya eh. "HAHAHAHA!! ikaw hahalikan ko?!""Wag kang tumawa! hinila mo ko dun sa janitor's room! tapos.. tapos.." gusto ko sanang sabihin na 'HINALIKAN MO KO!' kaso pinigilan ko na yung sarili ko. Maiisip ko pa lang na hinalikan niya ako kinikilabutan na ko. "Ang sama mo!" sinuntok ko siya sa dibdib niya, kaso ang tigas pala talaga, feeling ko ako lang nasaktan. Sa inis at asar ko napa iyak na ko. Buiset na lalaki 'to! napakasama talaga niya."Hoy nerd na panget! wag ka ngang umiyak sa harap ko! wala akong ginawa sayo! ASA ka pang hahalikan kita! EW!" wala akong paki alam sa mga sinasabi niya. Siya yung humalik sakin! hindi ako pwedeng mag kamali. "Anong nangyayare dito?!" lumapit samin si Kuya Charles."Kausapin mo nga tong kapatid mo Charles, ang lakas mag ilusyon eh."Hinila ako ni kuya papunta sakanya at nakita niya akong umiiyak. Kahit Aso't pusa kami, ayaw niya akong nakikita na umiiyak. Hinawakan niya yung braso ko. Tinignan ko siyang galit na galit, ako naman parang tangang umiiyak pa din."Anong problema candice?""Si.. Si Jeydon!! hinalikan ako eh!!"Ngayon ko lang napansin na lahat pala silang apat andun na, pati mga classmates nila. Great. Ano to show?! please lupa kainin mo na ko ngayon, sana pala hindi ko na lang sinabi ng malakas yun. Sana hindi nila narinig yun pero mukhang dinig na dinig nila yung sinabi ko.Lahat sila natahimik, tapos nag tawanan."Candice, may sakit ka ba?" hinawakan niya yung noo ko. "Alam kong matinik tong si Jaydee sa babae, pero never kang hahalikan niyan! HOT GIRLS ang tipo niya eh. Tsk, gutom lang yan." ah ganun? wala na akong karapatan na halikan? porket ganito ako? I HATE YOU KUYA CHARLES!Umalis ako dun na umiiyak. Ang sasama nila! hindi ko naman sasabihin yun kung hindi naman talaga yun nangyari. Hindi ako isa sa mga fangirls ng Jeydon na yun para mag ilusyon at gumawa ng kung ano anong kwento. Kung pwede nga lang hindi ko na siya makita eh.Usually, sabay kami umuuwi ng kuya ko, ng MAGALING KONG KUYA. Sakay ng kotse namin, pero na iinis ako sakanya, alam ko hindi kami super duper close pero sana pinaniwalaan niya ko di ba? tska hindi pa pala uwian, nag ditch pa ko ng class! hays napaka ganda naman ng araw ko oh. Nice one Candice.Pag ka uwi ko, sinalubong agad ako ni cholo, yung chowchow namin."Roo.." parang moo ng cow yun na pinalitan ng R. Lumapit siya sakin tapos hinalikan ako."Cholo.. alam mo ba kung anong nangyare sa mommy mo ngayon? DISASTER! badtrip talaga!""Hi baby! aga mo ah? asan kuya mo?" tumanaw siya sa labas ng bahay. "Asan yung kotse? may nangyare na naman ba?" tinignan ko lang si mama, naiiyak na naman ako eh. *sob*"Mama.. yung first kiss ko." niyakap ko si mama, tapos umiyak na talaga ako. Close kami ni mama kaya lahat nasasabi ko sakanya. "Wala na! at si Jeydon pa yung kumuha nun!" hinarap ako ni mama, nag tataka siya. Teka wag mong sabihin na hindi din siya naniniwala sakin?"Baby naman, si Jeydon yun, hindi niya yun gagawin sayo." pati ba naman si mama?"Porket ba nerd ako? panget? hindi na ko pwedeng halikan ng gwapo?""Anak hindi naman sa ganun..""MAMA naman eh! Alam mo naman na NAPAKA BAD BOY NUN EH!" umakyat agad ako sa kwarto ko. Pati ba naman siya? hays naman oh! Hinabol ako ni mama sa taas, pero sinara ko na yung pinto ng kwarto ko. Tapos humiga ako sa kama ko. Bakit ba ayaw nila maniwala na hinalikan nga ako nung Jeydon na yun! Ganun ba ka imposible na halikan ako ng isang lalaki? ganun na ba ako ka panget?"Candice! buksan mo yung pinto anak!""LEAVE ME ALONE!"Hinarap ko yung kisame, ano nang mangyayari sakin ngayon?Kinuha ko yung phone ko, binuksan ko yung Facebook ko.Ano tong video na naka tag sakin? teka, AKO to ah? "Si... Si Jeydon!! hinalikan ako eh!!" Yung nangyari to kanina, pambihira! Sino naman kayang nag video neto? grabe naman. Naka tag pa talaga sakin. Huhu. Bakit pa nila kaylangan i video 'to? Ngayon, lahat ng tao sa school namin, alam na yung nangyari kanina!Ang daming likes at comment, binasa ko nga. ASA naman siya! hindi siya hahalikan ni papa Jeydon!Ang panget niya!Nanaginip ata siya ng gising eh! HAHA Great. Humiga ulit ako sa kama ko, nakatingin ulit sa kisame ng kwarto ko. What did just happen? Kanina lang, kinausap ko yung APAT na yun. May inabot lang naman ako kay Troy kaya ang akala ko okey lang kasi hindi naman nila ako mapapansin nun. Kaso ngayon naman, sinabi ko sa tapat ng madaming tao na hinalikan ako ni Jeydon! Paanong hindi nila ako mapapansin? Argh! ano ba namang kamalasan 'to?. Sana panaginip lang talaga to! parang sumasakit lang ulo ko eh! >...< Nag open na lang ko ng Facebook. Wala naman magawa eh, tinignan ko yung FB ni Marky.Here at Stacey's party. Gonna Make love tonight' >:)Like Share 12 minutes ago near Manila 47 people like this. Ugh. Marky, sana hindi ka na lang mahilig sa mga babae, sa mga sexy at maganda. Eh sino ba naman ako para mainis at magalit? hay ako lang naman yung panget na nerd na tatlong taon ng may gusto sayo >....< At kung totoo man, bakit naman ako ililigtas ni Marky?Isang MARKY LIM. Saksakan ng gwapo, habulin ng mga babae, mayaman, malakas yung dating, malakas yung sex appeal.. lahat na.Tapos ako? isang nerd, weird, panget na babae. Imposible naman. "Anong oras ba dadating si mama?""Kuya, tingin mo ba may mag kaka gusto sakin na gwapo?" Biglang naibuga ni kuya yung tubig na ininom niya, buti na lang malayo ako sakanya. "Ano?""Haha! syempre!""Talaga?""Syempre wala!" tapos tumawa siya ng malakas. Tss ano pa ba aasahan ko sa mokong na to?!"Ang sama mo talaga!" hinapas ko nga siya ng basahan."Im just telling the truth! tignan mo nga sarili mo! hindi ka mukhang tao! ang manang mo masyado! tapos gusto mo may mag ka gusto sayong gwapong lalaki?!""Tinanong ko lang naman ah!" magsasalita pa sana siya kaso biglang may nag doorbell. Tumakbo agad ako sa para tignan kung sino yung dumating. "YAYA!!!" niyakap ko agad siya, huhu miss ko na yung yaya ko eh."Hi baby girl. Na miss kita gyud.""Ako din! Kuya si yaya Linda andito na!" kinuha ko yung hawak niyang bag tapos pumasok kami sa bahay."Hi yaya! kamusta ang bakasyon?""Okey naman Charles! asan pala ang mama mo?""Umalis po, akin na yang bag niyo yaya, dalhin ko na sa kwarto mo." Tss gentleman kapag sa iba, kapag sakin hindi -__-"Samalat Charles." "Yaya! may pasalubong ka ba sakin?""Oo naman, para sa paborito kong alaga, tadah!" nilabas ni yaya yung mga damit na mukhang ewan."Yaya! hindi ako nag susuot ng dress at maiikli, tska fitted yan! hindi naman ako sexy!""Ano ka ba naman Candice! sexy ka kaya, alam mo nag bebenta kasi ng mga damit yung anak ko online, tapos sabi niya eto na lang ipasalubong ko sayo, bagay nga sayo eh, tignan mo.." hinarap niya sakin yung damit, ayoko ng ganyan, hindi din naman bagay sakin."Thank you yaya, pero hindi ko din yan magagamit.""Tama yaya!" bumalik na si mokong. Sinamaan ko nga ng tingin. "Ang mga type niyan pang manang! Haha!""Ang kapal mo! porket mahilig sa desenteng damit manang na?!""Hello? hindi naman pang pokpok yang dala ni yaya! sabihin mo natatakot ka lang isuot kasi hindi bagay sayo!""Sige isususot ko yan!" kinuha ko yung damit. "Sa ibang araw.." nag tawanan pareho sila yaya tska si kuya. "Aakyat na nga ako!" Umakyat ako sa kwarto ko, nakakainis si kuya lakas mang asar! grrr.Sinukat ko yung damit na binigay ni yaya Linda. Pag kaharap ko sa salamin, akala ko hindi ako, haha! Mukha na kong tao, de joke. Panget pa din ako -__- bahala na kung isusuot ko ulit to.Nag bihis agad ako, tapos humiga sa kama ko. Hindi ko pa din maalis sa isip ko kung sino ba talaga si Prince Charming, si Marky nga kaya? Hays. Imposible naman eh, bahala na nga.. nababaliw na ko kakaisip dito..Sa sobrang kaiisip, nakagat ko yung labi ko.. kinapa ko dumudugo.. >...< Tska ayoko, isusuot ko pa naman tong ewan na damit na to! T__T ** "Mama alis na po ako!""Teka! sabi ko isuot mo yung dala ni manang Linda di ba?""Mama naman!""Sabi mo yun kagabi..""Oo na po!"No choice na talaga. Ano kaya itsura ko, etong dress na lang na 1 inch above the knee yung pinili ko, stripe siya na black and white. Eto na yung pinaka mahaba sa mga dinala ni yaya, anong klaseng style ba meron yung anak niya? huhu."Ok na ba?""Wow! ang ganda mo anak! bakit kaya hindi ka bumili ng contact lens mamaya? para naman mawala na yang makapal na salamin mo sa mata?""Mama! ano to make over? ayoko po. Sige na alis na ko!""Teka ipapahatid kita sa kuya mo..""Wag na po! mag taxi na lang ako.. Sige po!" Tumakbo na ako agad palabas ng bahay, mamaya ano pa maisip ni mama. Kung ano ano yung pinapagawa sakin >.< Parang feeling ko tuloy kinakahiya niya yung itsura ko, hoho. Sino ba naman kasi mag kaka gusto sa ganitong itsura? pero ayoko mag bago.. sa ganito ako komportable eh.Pumara agad ako ng taxi. 30 minutes din yung byahe namin papuntang TriNoma. Ang laki laki ng mall na to, hindi ko makikita si Marky dito, Hindi pwede lalo na ganito suot ko. Hinanap ko agad yung shop ng tita ko, buti naman nakita ko agad.Pag dating ko dun, hindi pa daw tapos yung dress at mag hintay pa daw ako ng isang oras. Ang malas ko nga naman, huhu. Ayoko naman bumalik sa bahay, ang hassle nun eh, at ayoko din mag hintay sa loob ng shop na to, ang boring eh.Naisip ko na lang mag StarBucks, hindi ko naman siguro makikita si Marky dun eh.Malapit na ko sa SB sa taas ng TriNoma, bigla naman akong natapilok >....< **Hindi pa nag aalarm yung cellphone ko nagising na agad ako.Parang excited naman ako, gusto ko makita si Marky. Hihi. Kasi naman eh.. masamang kiligin? pagbigyan niyo na.. once in a lifetime lang ata ko kikiligin.After ko maghilamos, bumaba na ko ng kwarto ko."Good morning yaya! ang aga pa ah!" humarap sakin si yaya tapos ngumiti sakin."Hi nak, nag luluto kasi ako ng breakfast niyo, aalis din kasi ang mama mo.""Ah ganun.. sige yaya maliligo lang ako tapos kain na ko.""Okey sige, ang aga mo ata ha?""Hehe wala lang po.." excited lang, hehe. Naligo agad ako, wuu excited much hehe. Pagtapos ko maligo, dumeretso ako sa kwarto ko, humarap ako sa salamin.. ang panget ko talaga huhu.. malaking salamin sa mata, tapos buhaghag na buhok, makapal na kilay. Alam ko na, mag blower kaya ako? tama..After ng napaka tagal na pag blower ko, ganun pa din naman ako, medyo umayos lang itsura ko. Medyo lang talaga.Kinuha ko na lahat ng gamit ko tapos bumaba na ko para kumain, nakita ko na sila mama at kuya. Napatagal nga talaga pag blower ko, grabeng buhok naman kasi to eh."Goodmorning mama.. kuya.."Naka tingin lang sila sakin. Umupo ako, anong problema?"Candice.. nag ayos ka ng buhok?""Ahm.. opo mama?""Wahahaha!! panget mo pa din manang!" sinamaan ko nga ng tingin. Kahit kelan talaga ang sweet sakin neto ni kuya Charles."Tumigil ka nga Charles! baby ang ganda mo..""Mama, nag ayos lang naman ako ng buhok." si kuya pinipigilan pa din yung tawa niya. Si yaya naman naka ngiti lang. Inubos ko agad yung pagkain ko.Ano bang masama kung mag ayos ako ng buhok? huhu. Maka alis na nga lang."Bye ma! yaya!""Ingat ka Candice!""Ingat ka baby!" Ano naman ba kasing naisip ko bakit ako nag ayos ngayon? dahil kay Marky.. Pag dating ko sa school, ang dami nang tao. Oo nga pala, flag ceremony. Buti na lang maaga ako. Pumila na ko agad sa line ng section namin.Nilingon ko yung section nila kuya tska ni Marky. Wala pa si kuya, ang bagal talaga nun kumilos. Si Marky naman nakita ko.. waaaa! ang gwapo niya naman, tska na eye glasses siya pero ang gwapo pa din niya, mas okey nga kapag ganyan itsura niya eh. Naalala ko na naman tuloy yung kahapon. San kaya siya naka tingin? naka ngiti pa siya.Tinignan ko kung saan siya naka tingin.. ay sino pala.Yung babaeng ka date niya kahapon.. hays. Lahat tuloy ng saya ko nawala.. na realize ko kasi, trip lang talaga niya yun. Hindi niya ko gusto, lalo na gustong halikan.. ang gusto niya yung mga sexy at magagandang babae katulad nung babae na tinitignan niya.Wag ka na mag ilusyon Candice, utang na loob.Nag simula na yung flag ceremony, parang wala tuloy akong gana. Buti natapos na agad. Kahit sa first class ko wala din akong gana.. huhu. Hindi ko alam, lunch na pala? teka nga.. bakit wala si Jeydon sa math? at bakit ko ba siya iniisip?Tumambay ako sa corridor na tinatambayan namin ni Tiffany. Ang swerte ko kasi nakita ko siya."Hi friend Candice!""Hi Tiffany! bakit andito ka?""Wala lang, inaabangan kita, na miss kasi kita eh..""Talaga? hehe.." nakaka tuwa naman, na miss niya talaga ko?"Oo tska inaabangan ko si Troy, kita mo yung pinto sa tapat natin? room nila yan.. hehe" umupo ako sa tabi niya. Oo nga pala, yung about kay Troy, gusto ko sabihin kay Tiffany.. para kagaya ko hindi siya umasa sa wala pero nangako ako kay Troy na hindi ko sasabihin."Ikaw talaga..""Ay Candice, alam mo ba nakita ko si Marky tska si Abby kahapon sa Trinoma..""Abby?""Ahmm.." naka tingin lang siya sa sahig. "Yung girlfriend ni Marky..""Ah..." parang nadaganan pa yung lungkot ko sa narinig ko."Wag ka mag alala! hindi naman nag sesryoso yan si Marky, sigurado ako hindi din sila mag tatagal..""Okey lang.. sige punta lang ako sa locker ko..""Candice okey ka lang?" Nginitian ko lang siya. Ako okey? hindi.. Habang papunta ako sa locker ko, nakita ko si sir Jason."Hi Candice!""Hello sir, bakit po?""May good news pala ako sayo..""Ano po yun?" "Ikaw yung magiging representative ng last section para sa upcoming Ms. Campus.. How great right? Excited na ko.." Ako? hahaha.. bitch please.17: Yes or No? "But sir!""No Buts!""Hindi pa naman ako pumapayag ah! tska section one po ako! Sir dont do this to me." finally huminto na din siya. Salamat naman! kanina ko pa siya hinahabol eh."Yes hindi ka nga part ng section nila, pero sa subject ko section 11 ka so meaning part ka na din nila, isa pa naisulat na kita dun sa listahan, there's nothing we can do.""Sir naman eh!!"Tinignan niya ko ng masama. Huhu! sapilitan? Hindi pwede to! bago pa ko maka angal wala na siya.. hindi to fair di ba? pero kapag umangal naman ako baka mawala yung pagiging running for honors ko.Paano ko sasali sa isang beauty pageant?! eh wala naman akong BEAUTY!! huhu.Bumalik na lang ako sa room ko. Pag pasok ko sa room, ang ingay ng mga classmates ko. Kung hindi si Troy, si Marky, si Kuya Charles.. si Jeydon yung pag uusapan nila. Ganyan ba talaga sila? sa tagal ko kasi dito, hindi ko sila pinapansin eh. Kahit pala mga nerd na babae, pinag papantasyahan yung APAT na yun. And speaking of them.. malapit na dumating si Mr. Guzman, bakit kaya wala pa di Jeydon? hmm.. at bakit ko siya iniisip? tss.After mag turo ni Mr. Guzman, nag botohan yung mga classmates ko para sa Ms. Campus. Naiisip ko na naman tuloy yung sinabi ni Sir Jason, huhu.. why me? why on earth, ako pa? Oo alam ko naman na walang babae sa last section pero hindi ba siya pwedeng pumili ng iba? tsk."Okey, any volunteer? o kung may gusto kayong iboto?" sabi ng class president namin."Ako! Iboboto ko si Margot!"Karamihan sila sumang ayon. Kahit din naman ako eh mas gusto ko siya, siya naman kasi talaga yung pinaka maganda saming lahat dito tska pangalawa siya sa pinaka matalino, sunod sakin."Teka! teka! ako iboboto ko si CANDICE!" lahat sila nag tinginan sakin. Ako naman sa sahig lang naka tingin. Ang maldita talaga neto ni Bubbles, silang tatlo ni Blossom tska ni Annie, parang power puff lang nuh? Halata namang inaasar niya ko kaya niya ko binoto. Sila lang ata yung kilala kong nerd na maldita, oh baka kasi kayang kaya nila ako kaya inaasar nila ko.Lahat sila nag tawanan. Tapos bigla silang pumayag! Waaaaa!! ang sama nila, ako talaga? sobrang pang lalait na yun ah."Teka!" tumayo ako. "Hindi pwede! kasi..""Ang choosy mo naman! akala mo ang ganda ganda mo! wala ka ngang ganda eh! na vote ka lang, nag mamaganda ka na dyan! feeling!" sabi ni blossom.'KAYO KAYA BUMOTO SAKIN!'Gusto ko yan isigaw sa mukha niya eh. Ang yabang kasi, okey sige hindi na ko maganda pero maganda din ba siya para manglait ng ibang tao?! Nakakaloko lang di ba? tska hindi ako choosy. Kinalma ko yung sarili ko, ayoko ng gulo."Kinuha na kasi ako ni Sir Jason na representative para sa last section."Natigilan silang lahat tapos tumawa sila ng malakas na malakas. Buti na lang nag ring na, sign na next subject na. Buti naman hindi ako sa section na to sa next subject.Umalis agad ako sa room namin, lakas nila mang asar, at ayoko na marinig yung mga sasabihin nila, for sure hindi sila maniniwala tapos sasabihin nila nag iilusyon na naman ako. Pag ako gumanda, WHO YOU sila sakin! Haha syempre joke lang. Naisip ko tuloy, sasali na lang talaga ako sa contest para makita nilang hindi ako nag iilusyon, bahala na si batman kung anong mangyayari. Nagmadali akong pumunta sa room ng section 11. Malayo pa lang ako may mga kumpol na ng tao sa labas ng room.. mga babae. "Troy! please wag ka naman makipag break sakin!" hindi muna ko lumapit, may mga babae sa harap ni Troy, mga pito siguro, mga Juniors. "Babe! please wag.." lumuhod yung babae sa harap ni Troy, umiiyak. Yung mga lalaki naman sa section 11, nagtatawan."Never naging tayo.. i don't even know your name!" sabi ni Troy."We just make out last week.." make out?! what the hell? ang bata bata pa ng babaeng to, making out agad? kung kay Troy siguro maiintindihan ko pa pero siya? ganun ba niya ka gusto si Troy? "Babe please..""Pwede ba.. wag mo na ipahiya yung sarili mo. Go away!"Tinignan ko si Troy na parang nandidiri ako sakanya. Anong kagaguhan yang ginagawa niya? akala ko pa naman okey siya.. tapos ganyan. Napansin niya ata ako kaya tinulak niya yung mga babae tapos pumunta siya sakin."Hi Candice!" inakbayan niya ko pero tinanggal ko lang yung kamay niya.Dumeretso ako sa loob ng room. Yung mga babae, ang sama ng tingin sakin, yung mga classmates ko naman dito sa last section parang namangha pa na ginawa ko yun kay Troy, ano choosy na naman?! TSE.Umalis na din yung mga babae, tapos yung mga lalaki kong classmates pumasok na din sa loob. Si Troy naman papunta na sa upuan niya na katabi ko."Ano yun ha? akala ko friends na tayo?""Oo pero wala akong kaibigan na ganun kasama." tinaasan niya ko ng kilay tapos umupo siya sa tabi ko."Okey na intindihan na kita. Sorry okey?""Bakit ka nag so-sorry?" tinignan ko siya, parang nalungkot siya."Kasi sa ginawa ko..""Bakit sakin? bakit hindi dun sa babae?""Wala naman akong paki dun eh.. siya naman yung lapit ng lapit sakin, tska yung nangyari samin, siya yung may gusto nun.. kaya ako nag so-sorry kasi ayoko magalit ka sakin.. friends na nga tayo di ba?"Tumahimik lang ako. Oo galit ako sakanya, sa ginawa niya pero ano bang karapatan kong magalit? Tska ngayon ko lang na realize na BAD BOY nga pala siya.. nawala yun sa isip ko nung naging friends kami. Alam ko naman dapat nung tinanggap ko pa lang yung offer niya na maging mag kaibigan kami, dapat alam ko ng ganun siya.. isa pa nakaka tuwa yung nag sorry siya dahil ayaw niya kong magalit.. as if mahalaga ako sakanya."Sorry din.. hindi dapat ako nagalit.. siguro hindi lang ako sanay na ganun ka.""Alam mo nung hindi pa tayo mag kaibigan, mas malala pa nga mga ginagawa ko. Medyo bumait na nga ako eh! haha!""Bumait ka na nun ha?!""Oo naman.. hindi naman kami na turingan na bad boy dahil sa wala di ba?" sabay kindat. Sabagay, iniisip ko tuloy si Marky, ano kayang bad yung ginawa niya para mapasama siya sa APAT na bad boy? katulad din kaya kay Troy?"Oo nga.." gusto ko sana sabihin na wag na niya gawin yun pero wala nga naman akong karapatan di ba? pero sana nga wag na niya gawin. Dumating na Sir Jason.. parang may mali? "Good Morning Class..""Good Morning Sir!" sabay kaming dalawa ni Troy, napa ngiti tuloy ako. Tumingin samin si Sir Jason na naka ngiti din. Nagulat siguro siya sa ginawa ni Troy, haha.May sinulat si Sir sa board. Napatingin ako sa upuan ni Jeydon.. yun pala yung mali, wala siya."Asan si Jeydon?" parang nagulat pa si Troy nung tinanong ko."Bakit miss mo na?" kinindatan na naman niya ko, i wonder kung yang kindat na yan yung ginagamit niya sa mga chicks niya."Hindi nuh! nag tatanong lang eh..""Haha! okey lang naman eh, tayo tayo lang makaka alam, hindi ko sasabihin kay JD." inaasar na naman niya ko! hmmpf."Hindi nga! bahala ka nga dyan..""Nakipag away eh, ayun kaya absent..""Away? pero hindi siya nakikipag away di ba? ibig kong sabihin physically?""Yun?! leader ng gang yun dati kaya sanay na yun.. pero tama ka, tumigil na siya pero ewan ko ba dun bakit nakipag away na naman.." tumigil? bakit kaya? at bakit naman ako interesado? tss.Tumingin sakin si Troy na naka ngisi.. "Interesado ka?""Hindi."Mag sasalita na naman siya kaso nag salita naman si Sir Jason. "Okey class.. aware naman kayo sa Ms. Campus di ba?""Yes Sir! Mga chicks!""Sir dapat manuod tayo!""Oo nga! madaming chicks na sasali dun!""Bilang adviser niyo.." kaya pala.. adviser pala siya ng section 11, kilala ko to si Sir, ayaw niyang papatalo yung class niya. "Syempre dapat may representative tayo..""Sir! wala naman babae dito eh!""Meron kaya.. ayan oh si Candice.."Lahat sila napatingin sakin.. Siguro mga ilang seconds din silang tahimik na nakatingin sakin, yung iba nag tataka pa. tapos ayun, tumawa sila ng malakas."Sir! babae ba yan!""Sir hindi yan mananalo!""Pumili ka naman ng maganda sir!"Tumayo si Troy."Sir okey ako kay Candice, for sure mananalo tayo!" tumingin siya sakin tapos kumindat na naman. Sure siya? anong pinag iisip neto?"Pero!""Troy naman!""Wag!""Papalag kayo?""Hindi..""Sabi ko nga si Candice na lang eh.."Umupo na siya, wow ha ang galing. Parang siya yung boss, okey humanga ako sakanya dun. Napangiti na naman si Sir Jason kay Troy."Okey so wala nang angal?" hindi na lang nagsalita yung mga classmates ko. Alam ko ayaw nila pero yun yung sabi ng boss nila eh."Pano mo nagawa yun? lahat sila sumunod sayo?""Nakalimutan mo na ba na isa ako sa APAT?" kumindat na naman siya."Mahilig ka kumindat nuh?""Syempre, gwapo ko nuh?" tumawa lang ako. Oo gwapo naman talaga siya eh. "So ano na pala balak mo sa pageant?""Ewan ko.. bakit kasi ako pa napili eh..""Wag ka na umangal! bet nga kita eh.""Ako? sa itsura kong to?""Haha! maganda ka naman eh, may kilala ako na makaka tulong sayo.." wow ha?! sinabi ba talaga niya na maganda ako? sus sinungaling porket ba friends na kami."Sino?" "Secret. Haha!" parang ewan lang, malalaman ko din naman. Tss. After nun, nakinig na kami kay Sir, nakakapanibago to si Troy, binati si Sir kanina tapos ngayon nakikinig na sa lesson.. baka ganito siya kapag wala si Jeydon?Kamusta na kaya yung unggoy na yun? SHOCKS! Bakit ko ba siya inaalala? erase erase.Nag ring na yung bell. Kinausap ako ni Sir Jason."Candice, may naisip ka na bang steps para sa upcoming Ms. Campus?""Wala pa po sir..""Bukas kelangan meron na ha, if you need something, just tell me..""Okey po sir." babalik na sana ako sa loob ng room para kunin yung gamit ko kaso pinigilan ako ni Sir Jason."Candice.. napapansin ko pala na nagiging okey na si Troy sa class ko and even sa ibang class niya.. naisip ko na dahil sayo yun, i think good influence ka sakanya. Just keep up the good work okey?""Okey sir." natuwa naman ako. Atleast improving si Troy di ba. Kinuha ko yung gamit ko, hays History class na naman at babalik na naman ako sa section na yun. Mas gusto ko pa ata sa last section kesa dun sa first section eh.Nung nasa corridor na ko, nakita ko na lang sa tabi ko si Troy."San ka pupunta?""Hahatid kita sa room niyo.""Ha?" iba na to eh, may nakain ba to si Troy?"Haha! wala.. sasabihin ko lang na, dun na lang tayo sa bahay namin mag aral mamaya. Gusto ka kasi makilala ni mom eh.. okey lang ba?""Makilala ako? bakit naman?""Kasi gumanda mga grades ko dahil sayo kaya ayun.. tska siya yung makaka tulong sayo sa problema mo.. sige na!""Eh? sige.. mag papa alam muna ko kay mama.""Ayun oh! sunduin na lang kita maya sa bahay niyo ah?""Okey sige."Nandito na pala kami sa room, kaya naman pala naramdaman kong madaming nakatingin sakin ng masama, yung mga classmates ko na babae."Bye Candice!" tapos sabay kindat. Pag pasok ko pa lang sa loob, nag parinig na naman yung mga classmates ko. Ano bang problema nila?! may galit ba tong mga to sakin? "Akalain mo yun, hinatid pa siya dito na Troy!""Oo nga eh, ano kayang ginawa niya?""Haha! ano ba kayo, malamang ginayuma niya.." sabi ni Blossom."Malamang! mukha naman siyang witch eh..""Nag iilusyon na naman nga siya eh, siya daw yung representative ng last section! Akalain mo yun nuh? yung section nila Jeydon at Troy pati ng mga pinaka gwapong lalaki sa school, siya yung naging representative, isang PANGET?" sabi ni naman ni Bubbles. Tapos nag tawanan sila.Tumigil lang sila nung dumating na yung teacher namin.Hindi ko na lang sila pinansin. Inisip ko, siguro na iinggit sila sakin, kasi yung panget na katulad ko, kinakausap ng pantasya nila. Eh ano sila ngayon? kahit anong parinig nila sakin, wala naman sakin eh, kasi sila lang nag mumukhang ewan. Alam ko naman na gustong gusto nila si Troy eh, kaya nag kakaganyan sila.Naisip ko tuloy parang gusto ko na talaga sumali, may gusto kasi akong patunayan sakanila, hindi yung para patunayan na hindi ako nag iilusyon, gusto kong patunayan na yung panget na lagi nilang inaasar at nilalait, kayang manalo sa isang beauty pageant. Hindi ko lang alam paano ako mananalo? tama kaya si Troy, matutulungan kaya talaga ako ng mommy niya? sana..Natapos na din yung class namin. Pumunta ako sa parking, nakita ko si kuya nakasandal sa kotse niya.. tulala, bakit kaya?"Kuya bakit?""Tumawag pala sayo si Serina?""Oo.. bakit tumawag na ba siya sayo?""Hindi.. yung mom niya, tinanong kasi ako kung pwede ko siyang sunduin sa airport next week.""Uuwi na siya?" parang gusto kong tumalon sa tuwa."Oo.. tara.." malungkot lang yung mukha ni kuya. Oo nga pala.. hindi nga pala maganda yung naging ending nila ni Ate Serina.. Ano kaya nararamdaman niya?Buong byahe tahimik lang kami, lalo naman si kuya. Dati pag ganito, aasarin niya ko. Ano kaya nasa isip niya? kahit nung makadating kami sa bahay, dumeretso siya agad sa kwarto niya eh. Nakakapanibago tuloy si kuya.."Candice anong nangyari sa kuya mo?""Kasi yaya, uuwi na si Ate Serina eh..""Ah.. bakit mahal pa ba niya si Serina?""Hindi ko alam yaya eh.. si mama nga pala?""Tumawag yung mama ni Troy dito kanina, may gagawin daw sila eh.""Ha?! ano naman yun?""Hindi ko alam, kumain ka na at sabi ng mama mo, susunduin ka daw mamaya ni Troy dito. Bakit boyfriend mo ba siya Candice? may boyfriend ka na ba?" haha! natawa naman ako kay yaya. Hindi ko naisip na magiging boyfriend ko si Troy nuh."Yaya talaga! hindi po! kain na nga lang tayo." Sinabayan ako ni yaya na kumain. Simula ng baby ako, siya na nag alaga sakin tuwing busy si mama sa business namin, tska parang pangalawang nanay ko na din siya.Pagtapos ko kumain, nag bihis agad ako, mamaya biglang dumating si Troy. Ano kayang ginagawa nila mama tska ng mama ni Troy? yun ba yung secret na sinasabi niya? tska alam na ba ni mama na kasali ako sa Ms. Campus? hindi ko na tuloy mahintay si Troy..Sakto naman, may bumusina sa labas, pag ka tingin ko sa bintana, Yung truck ni Troy, bakit ang gaganda kaya ng mga sasakyan nila? Rich kids kasi eh."Yaya! alis na po ako! Si cholo po, paki bigyan na lang ng food!""Sige! Ingat Candice!"Pag labas ko ng gate, nakita ko na si Troy, pag kasakay ko nakita ko si Jeydon sa harap. "Hi betty?" Nung makita ko siya.. for the first time hindi ako nainis, katulad dati na maisip ko pa lang siya naiinis na ko. Parang naawa nga ko kay Jeydon eh, may pasa kasi yung mukha niya. "Ahm.. hi.""Miss mo ko nuh? haha!""Hindi nuh!""Kita ko kaya sa mukha mo!" ayan na naman siya, pwede ba bawiin yung sinabi ko na hindi ako naiinis sakanya?"Pareho lang naman kayo eh, miss niyo yung isa't isa.. haha!""TROY!!" sabay pa kami ni Jeydon."Okey okey, tara na nga lang..""Mabuti pa nga.." Buti dala ko yung iPod ko, nakinig na lang ako ng music, mamaya asarin pa ko niyan ni Jeydon. For sure alam na niya na kasali ako sa Ms. Campus. Gusto ko tuloy makita reaksyon niya, haha. Papayag kaya siya katulad ni Troy?Huminto sa tapat ng mall yung kotse namin."Bakit dito? akala ko sa bahay niyo tayo Troy?""Dito daw tayo sabi ni mom eh..""Akala ko mag aaral tayo?""Hindi! haha excuse ko lang yun, andito tayo kasi ima-make over ka nila mom tska ng mama mo.." "MAKE OVER?!"18: Make Over "San ka pupunta?" hinila ako ni Troy, eh san pa ba eh di uuwi na!"Ayoko mag make over!""Ano ka ba para yun sa Ms. Campus! bakit ba ayaw mo?" bakit nga ba? hindi ko alam."Hayaan mo siya Troy kung ayaw niya eh di wag, wala naman mag babago kahit mag make over pa siya eh! Siya pa din yung panget na nerd." Ah ganun Jeydon?!"Ang yabang mo! sige tignan natin! sige papa make over na ko!""Si JD lang pala kaylangan eh, haha tara na nga!" Inakbayan kami ni Troy tapos pumasok na kami sa loob, hinanap namin sila Mama. Bakit nga ba ayoko? kasi baka mamaya kahit mag make over ako, panget pa din kalabasan -__-"Ayun sila oh!" tinuro ni Troy sila Mama, sa tapat ng salon."Hi Candice!" bati sakin ng mama ni Troy, ang ganda naman niya. Pareho sila ni mama, may edad na pero maganda pa din. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na yung girlfriend ni Troy matanda na din? well I mean mas matanda sakanya at may asawa na. "Im Tracey, just call me tita!""Hello po!""Mom, kayo na po bahala kay Candice, mag lilibot lang kami ni Jeydon.""Okey text ko na lang kayo kapag tapos na kami, bye JD!""Bye Troy, Jeydon!" si mama kakaiba yung ngiti kay Jeydon, ano na naman kaya nasa isip neto? mukhang nag iisip na naman ng malisya samin ni Jeydon."See you later po.. bye Betty!" kinindatan ako ni Jeydon, tss akala niya naman ang gwapo niya kapag kumikindat, hays oo nga gwapo nga. "So let's start?""Ano po gagawin natin tita?""We will do some magic baby.. haha!"Ay kalog din pala yung mama ni Troy, kakaiba yung tawa eh, haha! Si mama naka ngiti lang sakin, so alam na niya talaga. Sigurado ako si Troy nag sabi nun. Kinakabahan ako na excited sa magiging resulta. Nung umupo na ko sa may upuan, may lumapit sakin na bading."Hi Miss Candice! alam mo maganda sana tong buhok mo, hindi lang naaalagaan, dont worry kasi akong bahala dyan." anong gusto niyang sabihin? pabaya ako sa sarili ko? hindi lang naman ako mahilig mag ayos eh, huhu. Tumango lang ako.Tinanaw ko sila Mama, ayun nag papa salon din. Bakit kasi nadamay pa ko dito? pero okey na din to, mag papaka choosy pa ba ko? wahaha. Syempre gusto ko din umayos yung itsura ko.Nag simula na sila sa buhok ko, dalawa sila na nag aayos sakin. After i-shampoo ng buhok ko, may kung ano anong nilagay yung bakla sa buhok ko, minsan nga nangangati ako sa nilalagay niya eh. Ayoko naman umangal. Ang tagal ayusin ng buhok ko, i rerebond daw kasi nila eh. Habang inaayos naman nung isang bading yung buhok ko, yung isang babae naman, inahitan yung kilay ko. Makapal kasi yung kilay ko, hindi naman kasi ako nag aahit o nag bubunot ng kilay.Siguro mga tatlong oras na kami sa salon, hindi pa din daw tapos. Kukulayan pa daw nila ng kulay brown tapos lalagyan ng shape yung buhok ko.. Gutom na ko! asan kaya sila Mama?"Baby oh, kumain ka muna." speaking of."Thank you Ma, asan si Tita Tracey?" kinuha ko agad yung donut kay mama, nagugutom na kaya ako."Sabi ko kumain na lang siya dun sa donut shop kasama niya sila Troy.""Ah, paano niyo pala nalaman agad yung sa Ms. Campus? kay Troy?""Actually, sa Mom niya.. hindi ko nasabi sayo na close friends kami ni Tracey. Kaya ayun sa sobrang pag ka excite ko pumunta agad kami dito sa salon, nag pa reserve kami ng aayos sayo.. Im so happy for you baby! sigurado ako gaganda ka ng bongga.""Parang ugly duckling turn into swan..""Ano ka ba! maganda ka Candice, hindi ka lang kasi nag aayos.. tska walang panget sa family natin!"Natawa naman ako kay mama, ang lakas maka boost ng confidence. Naniwala na lang ako kahit sa totoo lang parang hindi naman talaga ako maganda.After five hours, tapos na din yung kung anong ginawa nila sa buhok ko. "I told you Miss Candice, ako bahala sa hair mo, tignan mo! ang ganda ganda mo na."Tinignan ko na yung sarili ko sa salamin, sobrang straight na niya, tapos kulay brown.. tapos yung kilay ko manipis na.. dagdagan mo pa nung make up sakin nung babae kanina.. Nagtataka pa akong humarap sa salamin eh, para kasing hindi ako eh. Sa puntong yun, nakaramdam ako ng tuwa.. pwede palang maging ganito ka ganda yung itsura ko nuh? parang magic nga talaga.Napansin ko din ang manang ko pa din manamit, tska andito pa din yung makapal na salamin ko sa mata.. so hindi pa talaga ako nag babago ng buo. Napangiti pa din ako kasi atleast may konting improvement, ay teka.. hindi pala konti kasi sobrang laki ng inayos ng mukha ko, mukha na kong tao! Haha!Saktong pagkatapos namin dumating si Tita Tracey."Oh my.. you're so beautiful Candice.. you look like your mom na! Im so happy!" pumapalakpak pa si Tita Tracy. Ang cute parang bata ^__^"Thank you po Tita." "Kanino pa ba naman mag mamana? haha!" tapos nag tawanan silang dalawa. " So tara na sa next step natin?""Oh sure! i can't wait for the boys reactions! haha!" Ano naman kaya yun? parang pinag eexperimentohan lang ako eh nuh? Well, ayoko naman umagal kasi maganda naman yung kinalabasan nung unag step nila eh. Hihi, excited na tuloy ako. Bago kami umalis sa salon pinasalamatan muna namin yung bading na nag ayos sakin pati yung babae na nag make up sakin.Saglit lang kami nag lakad tapos nakita ko na agad yung isang boutique. Teka? kilalang bilihan to ng mga damit ah..Pag pasok namin dun, bumungad agad samin yung mga magagandang damit, pang artista nga eh. Tapos ang sophisticated pa. Pangarap ko din mag suot nito dati kaso nga, naisip ko hindi naman bagay sakin kaya kahit may pang bili ako, hindi ko naisip na bumili."Actually, andito yung may ari ng boutique na to.. si Jaycee."Lumabas dun sa isang pinto yung magandang babae.. napanganga na lang ako nung ma realize ko kung sino yun.. yung ate ni Jeydon.. yung girlfriend ni Troy.. Siya pala may ari neto? Wow ang galing. Kaso si Tita Tracy at Ate ni Jeydon na mag kasama? awkward -__-"Hi tita Tracey! Hi tita Candy, so I assume, siya si Candice?""Yes, and siya yung sinasabi ko na may kelangan ng experties mo sa fashion.""Sure tita.. lumibot muna kayo sa shop, ako na pong bahala sakanya.""Thank you Jaycee, I know I can count on you.." ngumiti si tita Tracey kay Ate Jaycee, ganun din siya. Ako naiilang sa tagpo nila.. alam kaya ni tita Tracey na si Ate Jaycee yung girlfriend ni Troy? tska ano naman? malay ko ba kung okey lang sakanya pero im sure naman na hindi eh, kasi may asawa na nga si Ate Jaycee >."Tara dun tayo sa stage, marunong ka ba mag gitara?" hinawakan niya yung kamay ko. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko. First time niya hinawakan yung kamay ko, shet panaginip nga to pero mamaya na lang ako gigising."Ah.. o-oo.." umayos ka Candice! para kang tanga na na-uutal."Haha nakakatuwa ka talaga.." ehh.. wag ka nga Marky! kinikilig ako, hehe."Nakilala mo agad ako?""Honestly nung una hindi, pero nung tinignan ko yung mata mo, alam ko na.. nakita na kasi kita dati na walang salamin kaya kilala ko yang mata mo..""Ahh.." yung ngiti ko pwede na umabot hanggang langit. Pag akyat namin dun, kumuha siya ng isa pang upuan. Pinaupo niya muna ko bago siya umupo, ang gentleman talaga niya. Kinuha niya yung gitara, tapos tumingin siya sakin, umiwas naman ako ng tingin, nahihiya kasi ako eh. Ganito pala yung pakiramdam ng ganito ka kalapit sakanya tapos kayong dalawa lang. Parang nung nasa mall kami, yung hahalikan niya sana ako..."Bakit pala andito ka? tska bakit nag tatago ka pa? pwede ka naman mag pakita sakin..""Ah narinig ko kasi yung boses mo kaya tinignan ko.. nahihiya kasi ako eh..""Wag ka na mahiya, gusto mo kada break punta tayo dito eh." hindi pa din ako maka tingin sakanya kahit gustong gusto ko talaga."Ah baka magalit yung girlfriend mo..""Sino si Abby?""Ah oo...""Haha! hindi yun! hindi naman selosa yun eh.""Ah.. sige, ikaw bahala.." Bakit kasi natanong ko pa.. ayan nasasaktan tuloy ako ngayon. Teka, eh ano bang karapatan ko na masaktan? hindi naman kami. Feeler ko kasi msyado.. hays.. nawala tuloy yung saya ko. Wrong move ginawa ko dapat pala hindi ko na lang inopen yung topic na yun para na enjoy ko yung moment."Okey ka lang Candice?""Ha? oo.." Hindi.. huhu! bakit ganun kapag ikaw kaharap ko wala akong masabi pero kapag si Jeydon ang ingay ingay ko, at bakit ko ba siya naiisip? yuck."Para kasing malungkot ka eh.. alam ko na kakantahan na lang kita.."Nung tinignan ko siya naka tingin siya sa gitara niya. Ano kayang kakantahin niya? [Music: Magasin by Eraserheads]"Nakita kita sa isang magasin.Dilaw ang 'yong suotAt buhok mo'y green.Sa isang tindahan sa may Baclaran,Napatingin, natulalaSa iyong kagandahan.Naaalala mo pa ba noongtayo pang dalwa?Di ko inakalang sisikat ka.Tinawanan pa kita,Tinawag mo akong walanghiyaMedyo pangit ka pa noonNgunit ngayon..."Ewan ko ba kung bakit ako napa ngiti, natawa pa nga ata ako. Iba kasi yung pag kaka kanta niya, halatang pinapatawa niya ko. Ngayong nakatingin na ko sakanya, parang hindi na ko naiilang. Naging komportable na din ako kasama siya kahit papano..Yung sumunod na lang dun, sinasabayan ko na pala siya kumanta."Iba na ang 'yong ngiti.Iba na ang 'yong tingin.Nagbago nang lahat sa 'yoooooh ohhh.Sana'y hindi nakita.Sana'y walang problemaPagkat kulang ang dala kong pera ahh."Hininto niya yung pag gigitara niya. Naka ngiti pa din siya sakin."Ayan eh di hindi ka na naka simangot.. mas maganda ka kapag naka ngiti ka eh.." mas maganda? sinabi niya ba talaga yun? nagagandahan siya sakin?"Bolero ka eh nuh.. ako maganda? hindi ah..""Kung hindi ako nagagandahan sayo, tingin mo ba gagawin ko yung sa mall? yung muntik na kitang halikan.." Alam ko nag sisinungaling lang siya, nung time na yun panget na nerd pa ko."Oo nga pala.. bakit mo yun ginawa?" hindi na naman ako maka tingin, nahihiya kasi ako eh."Nung nakita sa loob ng sinehan sinundan kita nun, hindi ko nga alam kung bakit eh.. tapos ayun..""Ah.. baliw ka pala eh, kung ano ano yung trip mo.""Haha! sorry ah.. pero kahit naman hindi dumating si JD, hindi kiya hahalikan.." ang awkward talaga ng pinag uusapan namin, tapos pinapa mukha pa niya sakin na hindi niya ko kayang halikan. Okey tanggap ko naman eh."Alam ko..""May respeto kasi ako sayo.. alam ko hindi ka katulad ng ibang girls dito sa school, na kulang na lang itapon nila yung sarili nila samin..""Ah ganun ba.. salamat Marky.." ginulo niya yung buhok. Napangiti naman ako sa sinabi niya, napaka gentleman niya. Kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng iba eh, alam ko mabait siya. Siguro minsan malakas lang mang trip.. hays bakit kasi may GF pa siya?"Ay teka.. picture tayo!""Ha?! wag na! ang panget ko!""Ano ka ba hindi ka panget, sige na.." kinuha niya yung iPhone niya tapos nilapit niya yung upuan ko sakanya. "Say cheese.." Nung nakita ko yung picture namin, parang gusto ko ipa frame ng malaki sa kwarto ko! hahaha. Kinurot ko yung pisngi ko, time na para gumising ako sa panaginip na to.."Ouch..""Bakit?""Ah wala.." Hindi pala ko nananaginip.. waaaaaa!! parang walang pag lagyan yung saya ko. Hehe.Kumanta pa ulit kami ng dalawang kanta, Brown Eyes tska What makes you Beautiful."Damn.. sobrang late na tayo sa class natin..""Ha?!" tinignan ko yung relo ko, 45 mins na kaming late. Ganun ko na ba katagal kasama si Marky? parang saglit pa lang eh.. huhu. "Oo nga nuh..""Sorry ah.""Okey lang, mag dadahilan na lang ako.. sige pupunta na lang ako sa Science class ko para hindi ako ma late dun.""Okey sige.. Thank you sa time Candice, nag enjoy akong kasama ka, si Abby kasi walang hilig sa music eh, buti ka pa..""Thank you din nag enjoy din ako.."Ginulo niya ulit yung buhok ko bago kami nag hiwalay. Sana wala ka na lang Girlfriend Marky.. sana tayo na lang nuh.. sana ako na lang yung girlfriend mo. Mangyayari pa kaya yun? pero kahit anong isipin ko ngayon, sobrang saya ko kasi nakasama ko si Marky for the first time. Parang nananaginip ako..Kaso paano kaya yung math class ko, lagot ako dun. Mag kaka detention slip na naman ako. Badtrip naman, okey lang sana sakin kaso parang hindi ko naman nakasama ng matagal si Marky..Pumunta muna ko sa locker ko, buti na lang pala may dala akong extra na shoes yung walang heels, ang sakit sakit na kasi ng paa ko eh. Paano kaya nakakatiis sila Stacey sa ganitong sapatos, kung tutuusin pa nga doble pa yung taas nung sakanila.Pag kasara ko ng locker ko, may nakita akong tumatakbo.. "Jeydon?"21: Kupal "Si Jeydon ba yun?"Susundan ko na sana siya kaso nag beep naman yung phone ko. Sino naman kaya to?From: Troy Asan ka na? ma late ka na.Shocks! ayoko na ng dalawang detention. Dalawang oras din yun. Bahala ka na nga dyan Jeydon. Ayoko ma late, buti na lang nag text si Troy.Tumakbo na ko pa punta sa room. Buti na lang naka flat shoes na ko. Bakit kasi papalit palit pa ko ng room at section? pero okey na din yun kesa palagi akong nasa section one. Mas madami pa atang nang aasar sakin dun eh. Isa pa kahit magulo yung last section mas masaya sila kasama.Pawis na pawis na ko nung maka dating ako sa room namin. Naiwan ko pa sa locker ko yung towel, hays. "Whoa.."Lahat ng mga classmates ko sa section eleven pinag kumpulan ako. Patay kang bata ka, hindi pa nila ko nakikita na ganito ako."Hi miss, bago ka ba dito?" sino nga ba to? Ginno ata name niya. Siya yung pang limang member ng basketball team eh."Ahm hindi..""Ngayon ko lang kasi nakita yang ganyang kagandang mukha eh.." sesyoso ba siya? eh dati lang siya yung malakas mang asar sakin. Ang panget panget ng tingin niya sakin dati. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang ako si Candice?"Miss?""Classmate niyo ko sa English.""Ha? pero wala namang babae samin sa English.." Sure ba siyang walang babae sakanila? eh ano kayang tawag niya sakin."Ako to si...""CANDICE!"Tumabi silang lahat para makadaan sakin si Troy. Mas nagtaka sila nung tinawag ako ni Troy."Candice? yung nerd na panget?" hindi makapaniwala si Ginno."Siya ba talaga yan?""Bakit nag iba yung itsura niya?" Pag lapit sakin ni Troy inakbayan niya ko. Ang angas pa ng tingin niya sa mga classmates namin."Oo siya nga si Candice. Ganda nuh?" "Grabe ang laki ng ginanda mo Candice." sabi naman ni Six, yung isa pang member ng basketball team namin. Tumango lang silang lahat."Mag sipasok na nga kayo sa loob!" sigaw ni Troy sakanila."Yes boss." sabi ni Ginno. Boss na boss talaga silang dalawa ni Jeydon dito. Sunod sila agad sa sinasabi ng dalawa na to eh.Bago sila pumasok nginitian muna nila ako. Nakaka pa nibago tuloy. Ang laki ng pinag bago nila ah. Hindi lang pala ako yung improving, pati sila! haha."San ka galing ha? pawis na pawis ka pa." tignan ko yung uniform ko, pawis na pawis nga. Amp kasi naiwan ko pa yung towel ko."Ha? wala dun lang sa locker ko." tinaasan niya ako ng kilay."Amp wala akong towel, hanap kita maya. Sa locker ka lang galing? Kaya pala hindi ka pumasok sa math?""Paano mo nalaman?" Sinabi kaya ni Marky? o ni Jeydon? May inabot na papel sakin si Troy. "Detention slip mo.""Ay badtrip talaga!"Ang sama ng tingin niya sakin. Sasabihin ko ba kay Troy na kaya ako nag ditch sa math class kasi kasama ko si Marky? pero hindi niya pa alam na may gusto ako kay Marky at mukha namang hindi pa sinasabi ni Jeydon. Mamaya asarin pa niya ko kay Marky eh.Bago pa ko makapag salita, nakita na namin si Sir Jason sa hallway kaya pumasok na kami sa loob ng room.Pag ka upo namin, tinignan ko ulit si Troy, mukhang itatanong na naman niya kung san ako galing. Dapat mag change topic ako.."Bakit wala pa si Jeydon?" mukhang nagulat siya sa tanong ko."Bakit miss mo na?" yung ngiti niya pang asar eh."Hindi nuh! nakita ko kasi siya kanina na tumatakbo..""Kunwari ka pa eh. Ayan na si Jeydon oh, JD!" Buti na lang may kausap Sir Jason kaya hindi niya napansin na late na si Jeydon. Pawis na pawis din siya. San kaya siya galing? tumatakbo pa siya. Pagka upong pag ka upo niya, tinapon niya sakin yung towel niya. Ang bango ng towel niya amoy lavander."Hoy Betty mag punas ka nga! nakikita na yung sando mo!"Tinignan ko yung uniform ko, Oo nga! huhu nakakahiya naman, feeling ko tuloy namumula ako. Pinunasan ko na lang yung uniform ko. Badtrip to si Jeydon! Isigaw daw ba?"Ganyan mo ba ka mahal si Candice pre? Imbis na mag punas ka ng pawis mo, mas inuna mo pa si Candice. Ayieeee!" Binato ni Jeydon ng notebook si Troy buti na lang naka ilag siya."Gagu! ang sagwa kasi tignan eh! muntik na nga akong masuka! Yuck!""Hoy ang kapal mo! Oh eh di ayan na yung towel mo!" hinagis ko sakanya yung towel niya."Thank you ah!" sarcastic pa yung pag kakasabi niya. Bakit sino ba may sabi na paheramin niya ko ng towel niya? Kupal talaga."Welcome!" sarcastic ko ding sinabi sakanya. Tapos tumalikod ako sakanya. Buti na lang nasa gitna namin to si Troy kundi inupakan ko na tong unggoy na to."LQ na naman kayo?" napalingon ako kay Troy."TSE!" Sabay pa namin sigaw ni Troy. Tapos tumalikod na ulit ako kay Jeydon. Sakto naman na pumasok na si Sir Jason. "Good morning class!""Good morning Sir!"Aba lahat kami binati si Sir Jason, Good mood? Kaso tong Kupal na Jeydon na to wala man lang reaksyon. Kups talaga niya."Aba good vibes ata ang class ko ah? Bakit? andito na ba si Candice?""Opo Sir! ang ganda nga niya eh!" sabi ni Six. Sakto naman nakita ako ni Sir Jason. Nanlaki yung mata niya tapos pumunta siya sakin."Wow Candice! ang ganda mo!""Yuck! ang panget niya kaya!" namumuro na talaga tong kupal na to eh."Ha? Im sure mananalo tayo sa Ms. Campus sa gandang yan ni Candice! right JEYDON?""Whatever." whatever niya mukha niya."Di ba class?""Yes Sir!" lahat sila sinigaw yun. Hindi ko naman mapigilan na mapa ngiti. Ang sarap pala sa pakiramdam na maganda yung trato nila sakin."Good. So mag simula na tayo sa class natin, let's discuss the pageant tomorrow." Nag sulat na sa board si Sir Jason. Habang naka talikod siya nag salita naman ulit si Troy."Bakit pala hindi ka pumasok sa math class niyo kanina Candice?" naka tingin sakin si Troy. Mahina lang yung boses niya para hindi kami marinig ni Sir."Ha? wala napatagal kasi yung kain ko eh.""Sinungaling." napatingin naman kami ni Troy kay Jeydon. Anong sinungaling? bakit alam ba niya kung nasan ako? kups talaga."Bakit? alam mo ba kung nasan siya kanina?""Oo. Kasama niya si Marky." Ha?! paano niya nalaman? kaya ba siya tumatakbo kanina? galing din kaya siya sa music hall?"Wow alam na alam ah? haha." ang sama ng tingin ni Jeydon kay Troy."Nakita ko lang sa fb! Muntik ko na nga maitapon yung phone ko eh, may panget kasi na kasama si Marky.""Teka! hind ko pa nakikita!"Kinuha agad ni Troy yung phone niya, binuksan niya agad yung Fb niya. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko yung picture naming dalawa ni Marky."Ah kaya ka pala late ha.." tinignan niya ko ng naka ngisi."Ah.. wala nag gitara lang kami..""Eh bakit sabi mo kanina natagalan ka lang kumain? hmmm.. ikaw ha.""Wala nga yan!" napalakas ata yung pagkakasabi ko. Napalingon kasi sa direksyon namin si Sir Jason. "Candice? may problema ba?""Ah wala po Sir!"Tinignan ko ng masama yung dalawa. Ang kulit nila. Nag sulat na lang ako sa notebook ko tapos nakinig na lang ako kay Sir. Yung dalawa may pinag uusapan pero hindi ko naman marinig.Nung nag bell na, biglang tumayo si Jeydon tapos lumabas ng room."Problema nun?""Ewan ko dun, bigla bigla na lang nag babago ng mood.""Kupal talaga nun. Sige punta na ko sa History class ko." Kinuha ko yung bag ko tapos umalis na din ako ng room. Mamaya ma late na naman ako."Bye Candice!" sabi nila Ginno. Ngumiti lang ako. Lakas nila maka bipolar, biglang bumait porket gumanda lang ako. Gumanda nga ba talaga ko? Habang nag lalakad ako pabalik sa section one, tinawag naman ako ni Troy."Oh bakit?""Wala lang.. may gusto lang akong itanong.""Ano yun? hindi ba yan makakapag antay?""May gusto ka ba kay Marky?"Natigilan ako. Sasabihin ko ba? eh kaibigan ko na naman siya eh, bakit hindi? Sige na nga.."Hindi ah!" bakit ganun? Contradicting talaga yung utak at bibig ko."Buti naman. Wag ha!""Ha?! bakit naman?""Kasi gusto kita eh.." Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang nanlaki yung mata ko na baka anytime lumuwa na siya, pero buti naman hindi."Haha! Joke lang! nakakatawa ka talaga!" pinalo ko nga siya ng notebook ko. Ang lakas ng trip niya! Gulat na gulat pa naman ako. Muntik pa ko maniwala. Gagu talaga. Ay ano ba yan? nagagaya ko na si Jeydon mag curse! -___-"Baliw ka! bakit ba?""Ahm wala lang.. baka kasi masaktan ka eh. Kaibigan kita kaya nag aalala ako sayo.""Wow concern ka pala sakin. Thank you ah pero mabait naman si Marky di ba?"May binulong siya. Ang hina ng boses niya hindi ko naintindihan. Ayaw niya ata talagang iparinig sakin."Teka kaibigan mo din naman si Marky, bakit ganyan ka?""Wala! Basta. Sige na baka ma late ka na, tara na nga hatid na kita."Hinila niya ko pa punta sa room. Pag dating namin dun wala pa yung teacher ko. Hay salamat! ayoko na ma detention ulit."May basketball game pala kami mamaya sa court ng school, punta ka ha?""Okey sige!""Okey Bye! See you later!" nag ba-bye siya tapos kumindat pa! baliw talaga. Pag lingon ko andun yung power puff girls. Nakikinig ba sila sa usapan namin? As usual ang sama na naman ng tingin nila sakin."San kayo pupunta ni Troy mamaya?" sabi ni Blossom.Sa bahay namin kasi mag aaral kami para sa Science subject. Yan sana yung gusto kong sabihin eh kaso ano bang paki alam nila?"Wala ka na dun." tinalikuran ko silang tatlo. Hinila naman ako ni Blossom."Wag mo kong tatalikuran! kinakausap pa kita!" galit na galit yung mukha niya."Ano bang problema mo?!""Aba nag mukhang tao ka lang, sumasagot ka na sakin?!" that time lahat na ng mga classmates ko sa section one naka tingin samin."Pareho lang naman tayong studyante dito ah!""Talagang sumasagot ka na ah!" "Anong nangyayari dito?" Lahat kami napa tingin kay Mrs. Cruz"Mam wala po.. di ba Candice?" tinignan niya ko ng masama."Opo mam.""Pumasok na kayo sa loob." Hanggang maka upo ako sa upuan ako, hindi pa din ako nilubayan ng tingin ni Blossom. Ano bang problema niya? bakit galit na galit siya sakin? Sa pag kaka alam ko, wala naman akong ginagawa sakanya.Hindi ko na lang siya pinansin. Nakinig na lang ako kay Mrs. Cruz."Class may meeting pa ko ngayon, pwede na kayong umuwi pag katapos niyong sagutan yang exam niyo."Pag ka alis ni Mrs. Cruz nag ingay na yung mga classmates ko. Yung tatlo naman lumapit sakin."Hoy Candice! Sagutan mo nga yung exam namin." sabi ni Bubbles."Bilisan mo ah, mag papa parlor pa kami." nakairap pa si Blossom nung sinabi niya yun sakin."Dapat kayo yung gumawa niyan, hindi ako." binalik ko sakanila yung papel nila."Ang kapal..""Blossom! Tignan mo to!" inabot ni Annie yung phone niya kay Blossom. Nanlaki yung mata nilang tatlo sa nakita nila."Ang landi mo din nuh! pag katapos kay Troy, si Marky naman? Sino yung isusunod mo?! Si Jeydon?!""Hindi ako malandi! Wala akong alam sa sinasabi niyo!"Niligpit ko lahat ng gamit ko. Umalis ako sa harap nila, nilagay ko na lang yung exam ko sa desk ni Mrs. Cruz. Ayokong makipag away sakanila. Hindi pa ko nakakalayo sa room namin, kinaladkad naman ako ni Blossom paharap sakanya."Sabi ko wag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita!" Sobrang lakas ng boses niya, lahat ng classmates namin lumabas ng roon. Pati yung mga studyante na dumadaan tinitignan kami."Bakit ba galit na galit ka sakin?""Kasi Feeling mo maganda ka! eh ang panget panget mo naman! siguro nag pa plastic surgery ka pa para umayos yang mukha mo!""Sino ba satin yung nag fi-feeling maganda? hindi naman ako ah.""Sabi ko sayo wag kang sasagot!" Sinampal niya ko. Sobrang lakas na kahit hindi ko tignan yung pisngi ko alam kong namumula siya."Dapat lang yan sa mga feelingera na katulad mo! Eto pa oh!"Sinampal na naman niya ko sa kabilang pisngi ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo sa malayo.. magtago, mag mukmok, umiyak pero hindi gumagalaw yung katawan ko. Ang daming naka tingin samin. Feeling ko yung iba naawa sakin, yung iba pinag tatawanan ako, yung iba walang paki alam sakin.Hindi ko na alam yung nangyayari. Bigla na lang may humila sakin.Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko na din makita kung sino siya kasi ang labo na ng mata ko dahil sa mga luha sa mata ko. Habang hinihila niya ko palayo unti unti naman na tumutulo yung luha ko. Kung sino man siya, nag papasalamat ako sakanya kasi kung hindi dahil sakanya malamang umiyak na ko sa harapan nila. Yun yung huling bagay na gusto kong makita nila, yung umiiyak ako.Nung nakalayo na kami, huminto siya. Binitawan niya yung kamay ko. "Bakit hindi ka lumaban?"Pamilyar yung boses niya pero hindi ko pa din siya makita ng malinaw kasi iyak pa din ako ng iyak. Bakit nga ba hindi ako lumaban?"Punasan mo nga yang luha mo ang panget mo eh. Oh.." inabot niya sakin yung panyo niya.Ilang segundo ko ding tinitigan yung panyo niya bago ko pinunasan yung mga luha ko.Pag angat ko ng ulo ko. Nakita ko na siya..."Okey ka na ba?"Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko siya. Umiyak na naman ako. Ano bang nangyayari sakin?"Bakit ganun? ang hina ko. Hindi ko man lang kayang ipag tanggol yung sarili ko." Hindi siya nag sasalita.Na realize ko nakayakap pa nga pala ako sakanya. Bumitaw agad ako."Sorry..""Sa susunod.. lumaban ka ah." Tinignan niya muna ako bago siya umalis. Nakita ko sa mata niya na nag aalala siya sakin. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. Bakit kaya niya ko tinulungan? Dapat nga masaya pa siya kasi umiiyak ako di ba? pwede niya akong asarin.. Ganun ba ako mukhang ka awa awa kaya tinulungan niya ko...Tska ano bang pumasok sa isip ko bakit ko siya niyakap?Bakit ka ba kasi ganyan kang kupal ka... "Jeydon.."22: Fianc Ang tagal ko ng naka titig sa panyo ni Jeydon. Bakit kaya niya yun ginawa? At bakit ko din yun ginawa?! bakit ko siya niyakap? ahhh!! ano bang kahihiyan yung ginawa ko? Bakit ko ba kasi naisipin na yakapin yung abno na yun eh. Mamaya isipin na naman nun may gusto ako sakanya. Kasi naman eh, nadala ako ng emosyon.. tska bakit parang naawa pa siya sakin kanina?Lakas ng saltik nung Jeydon na yun eh. Bipolar lang ang peg? minsan nakaka asar minsan naman nakakatuwa. Kung palagi siyang mabait baka pwede pa kaming maging mag ka ibigan. Kaso ayun babait?! Haha.. asa pa ko.Ang tagal ng detention na to. Mas okey na din pala yung na detention muna ako. Namumula pa din kasi yung pisngi ko eh. Ano na lang sasabihin ko kala Mama? Tapos si Kuya Charles pa, for sure magagalit yun. Medyo nawala na din yung bigat sa dibdib ko.Hays.. bakit kasi ganun sila Blossom sakin? Wala naman akong ginawa sakanila eh. Kahit pala umayos na yung itsura ko, trip pa din nila ko. Si Marky kaya bakit wala? late din naman siya kanina eh. Ang daya, hmpf. Kung andito sana siya baka hindi ako nababagot ng ganito dito! Hahaha! "Pwede ka na lumabas." Ayun oh! makaka uwi na din ako. Gutom na ko.Dumaan muna ko sa locker ko. Kinuha ko yung sapatos ko na may heels. Magagalit kasi yun si Mama kapag nakita niya na naka flat shoes lang ako. Iniwan ko na din yung iba kong gamit para hindi ako mabigatan pauwi. "Hoy Betty!""Anong ginagawa mo dito?!""Kasi dito po ako nag aaral Miss Genius." pilosopo talaga netong lalaki na to."Alam ko! eh bakit andito ka pa? uwian na!""Bulag ka ba? May laro kami, nakita mo namang naka jersey ako eh." Oo nga nuh hindi ko agad napansin. Sabi din pala sakin ni Troy may laban sila."Wala kasi akong paki sayo, hindi ko tuloy napansin suot mo.""Talaga? kaya pala kanina niyakap mo ko?" Lintek na lalaking to, pina alala pa. Nahihiya na nga ko sa ginawa ko eh."Ano ba kaylangan mo sakin?" Change topic na lang."Yung panyo ko.." anong panyo? ah! yung bingay niya sakin kanina. Kinapa ko muna sa bulsa ko kung nandito pa."Ah eto? Lalabhan ko muna.""Wag na! akin na!" hinablot niya bigla sakin yung panyo. Anong problema ng lalaki na to? Tska parang may naka lagay na something sa panyo niya? Ano kaya yun?"May sikreto ka ba dyan sa panyo na ayaw mong ipa alam sakin?" pinag papawisan siya. Siguro meron nga."Ha? wala.. baka kasi mamaya gamitin mo pa to para gayumahin ako! tama ayun!""Yuck! bakit ko naman gagawin yun!" tumawa naman siya."Kunwari ka pa! gustong gusto mo naman ako.""ASA!" sinara ko yung locker ko ng malakas para mabingi siya. Malapit kasi siya dun eh."Ouch!" buti nga. "Ganyan ka ba talaga mag pakita ng pag ka gusto sa isang lalaki?" Lumapit siya sakin, tinulak ko naman siya palayo. Ang lakas talaga ng saltik eh, abnormal masyado."Ganyan ako mag pakita ng pag ka inis sa isang tao!""Pagka tapos kitang tulungan.. tss.""Sino ba kasing may sabi na tulungan mo ko? Kung si Marky pa yun baka masaya pa ko.""Ay sorry ah tinulungan kita. Sana si Marky tinawag mo. Stupid." Tumalikod siya sakin.Ay ano ba yan! Sobrang na guilty naman ako dun. Ang mean ko msyado kay Jeydon. Dapat nga mag pasalamat pa ako sakanya sa ginawa niya.. nagalit ata siya?"Jeydon!" hinabol ko siya.Huminto siya pero nakatalikod pa din siya sakin."THANK YOU!"Hindi siya nag salita."Sabi ko Thank you!"Hindi pa din siya nag salita tapos umalis na lang siya. Kupal talaga nun! Hindi ba niya ko narinig? Hmm.. sana narinig niya. Bahala siya.Pauwi na sana ako kaso nakita ko ang daming tao sa may court ng school. Siguro yung laban yun ng basketball team namin.Lumapit ako kaso ang daming tao. Buti na lang naka singit ako.Mag sisimula pa lang yung game. Alam ko yung sa kabilang school lang yung kalaban nila eh. Kaya pala ang daming tao kasi present lahat ng mga Fan girls at Fans club ng APAT. May mga banners pa sila. Sila na!Nag start na yung game.Si Kuya Charles yung may hawak ng bola. Nag tilian naman agad yung mga schoolmates ko pag hawak pa lang ni Kuya Charles ng bola. Pinasa ni Kuya yung bola kay Troy, sabay tili na naman ng mga babae. Ang liksi ni Troy, nahihirapan yung bantay niya. Pinasa ni Troy kay Jeydon yung bola, mas malakas yung hiyaw nila kay Jeydon, sabagay siya yung Captain eh. Kaso lang dalawa yung nag babantay sakanya. Si Marky walang bantay, dapat ipasa ni Jeydon kay Marky yung bola! Lahat inaantay ipasa ni Jeydon yung bola pero hindi niya pinapasa. Anong problema niya? malapit na mag shot clock. Pinasa na lang niya kay Kuya Charles yung bola, buti na lang naka 3 points shoot ni Kuya.Nung pabalik na sila sa kabilang court may binulong si Troy kay Jeydon. Parang may mali sa laro nila? bakit kaya ganun si Jeydon? Ganyan ba siya mag laro? ang buakaw niya. Siya pa man din yung Captain.Nung nasa kalaban na yung bola. Lahat sila nag sisigawan ng 'Defense'. Titira na sana yung kalaban pero ma block naman ni Marky. Nag hiyawan na naman yung tao. Hindi ko na din napigilan na humiyaw eh! Haha ang galing kasi ni Marky.Habang humuhiyaw ako nag ka salubong yung mata namin ni Jeydon. Seryoso siya. Sabagay Captain siya kaya kaylangan mag seryoso siya pero iba yung tingin niya..Nung sila na naman yung may hawak ng bola, ang ingay na naman. Cheer dito, cheer dun. Si Kuya Charles na naman yung nag dala ng bola. Pinasa ni Kuya kay Marky yung bola. Mahigpit yung bantay ng kalaban niya sakanya. Mag sho-shoot na siya pero hindi pala, pinasa niya lang kay Jeydon yung bola kaya ayun napasok niya yung bola. Naghiyawan na naman yung buong school namin. Wala pang score yung kalaban. Ang galing ni Marky maglaro.Nakita ko na naman si Jeydon na nakatingin sa dereksyon ko.. parang sakin pa ata naka tingin eh. Yung itsura niya nag yayabang siya sakin. Sus eh dahil lang naman sa good assist ni Marky kaya siya naka shoot.Nung nasa kalaban na ulit yung bola, yung captain nila yung may hawak ng bola. Siya yung binabantayan ni Marky tska siya din yung nasupalpal niya kanina. Nung nasa side na sila ng kalaban biglang binantayan din ni Jeydon yung captain. Nakita tuloy ng kalaban na iniwan ni Jeydon yung point guard nila kaya pinasa niya dun. Dahil walang nag babantay sakanya naka shoot siya. Amp naman! ano ba kasing problema ni Jeydon? bakit kelangan pa niyang bantayan yun eh binabantayan na nga ni Marky yung Captain nila. Bigla naman ako nakaramdam ng gutom. Maka kain nga muna. Nakaka asar din kasi manuod. Baka mamaya okey na laro nila.. yung laro ni Jeydon. Pag punta ko sa canteen walang tao. Lahat kasi nasa court pero buti na lang may tinda pa din dito. Isang shift lang kasi kami dito sa school kaya after class wala ng tao. Dapat lang mag isang shift sila! ang mahal mahal ng tuition dito eh, akala mo nag co-college ka na. Sabagay puro mayayaman naman mga studyante dito.Bumili lang ako ng tuna sandwich.Nakita ko si Tiffany bumibili ng soda."Tiffany!"Lumingon siya pero hindi niya ko pinansin. Hinahanap niya kung sino yung tumawag sakanya. "Parang narinig ko yung boses ni Candice? wala naman siya." Kinuha niya yung binili niyang soda tska siya umalis. "Tiffany andito ako!"Napahinto siya. Ang tagal niya kong tinitigan bago siya lumapit sakin."Candice?""Oo! kanina pa kita tinatawag eh!""Wow ang ganda ganda mo!" umupo siya sa tabi ko. Titig na titig siya sakin. Parang kumikislap yung mata niya."Hindi naman. Nanunuod ka din ba ng game nila?""Oo! andun nga kami sa malapit eh. Ikaw? ang ganda ganda mo talaga Candice!""Andun lang ako sa taas. Wag ka nga, mas maganda ka kaya.""Ah basta mas maganda ka! tara dun tayo sa malapit! dali lika na!" hinila niya ko patayo. Buti na lang tapos na ko kumain."Nakakahiya kaya!""Ngayon ka pa ba mahihiya? eh ang ganda ganda mo kaya!"Tinabig ni Tiffnay yung mga tao para makadaan kami. Ang lakas pala netong babae na to. Pinag titinginan tuloy kami. Buti na lang naka lapit na kami agad. Pinag titinginan naman kami ng mga tao malapit samin."Woooo!! Go Troy!" wow todo cheer si Tiffany kay Troy. Haha nakaka tuwa siya.Napa tingin samin si Troy. Nung nakita niya ko ngumit siya sakin tapos kinindatan niya ko.Napatingin naman sakin si Tiffany. Hala? baka magalit siya. Nag pout lang siya."Buti ka pa pinansin ni Troy.""Hehe! wag ka mag alala papakilala kita sakanya.""Talaga? Thank you Candice! kaya gustong gusto kita eh!" Niyakap niya ko. Tapos nag cheer na ulit siya kala Troy.Ang saya saya niya. Parang na gui-guilty tuloy ako. Tama ba na ipakilala ko pa si Troy kay Tiffany? Parang pinapaasa ko lang sa wala si Tiffany kaso anong magagawa ko, ang saya saya niya dahil kay Troy? hays.Tinignan ko yung score. Ang laki na ng lamang namin sa kalaban. Tinignan ko ulit yung laro ni Jeydon. Bakit parang ganun pa din? hindi niya pa din pinapasa kay Marky yung bola? Ganyan ba talaga siya mag laro? Sa Tatlong taon ko dito kahit isang game nila hindi pa ko nakapanuod. Ang dami kasing tao eh."Bakit kaya ganun si Jeydon?""Bakit Tiffany?""Parang nakikipag kumpetensya kay Marky eh.""Oo nga eh.." atleast hindi lang ako yung nakakita di ba?"Hayaan mo na! panalo naman tayo eh! wooo!! Go Troy!" Natapos na yung game. 79-61 panalo kami. Magaling nga talaga sila katulad ng mga naririnig ko. Nagyon pa lang kasi ako nakapanuod ng game nila eh.Nung natapos na yung game lumapit sila Stacey tska Abby kala Kuya Charles. Si Abby niyakap agad si Marky. Ouch naman! sakit sa mata. Si Jeydon kinukulit ni Stacey, natatawa tuloy ako kasi iritang irita siya. Si Kuya naman kausap si Ginno yung center nila. Si Troy naman papunta sa pwesto namin.Habang papalapit siya kinukurot naman ako ni Tiffany."OMG! papunta siya dito!"Masakit yung kurot ni Tiffany pero hinayaan ko na lang, kinikilig eh. "Hi Candice!""Hello Troy!" tinignan ko si Tiffany, parang kinakabahan siya na ewan. "Si Tiffany nga pala, kaibigan ko..""Hi! Di ba ikaw yung kapatid ni Stacey?""Ha? ah.. ano.. o-oo.." tama nga siya na uutal siya kapag kaharap si Troy."Kapatid mo pala si Stacey?" hawig nga sila, ngayon ko lang napansin. Ngayon ko lang din naisip na mag kapatid sila kasi naman ang layo ng ugali nila sa isa't isa."Oo sorry Candice, hindi ko nasabi sayo..""Okey lang..""Gusto niyo ba sumama mamaya? Mag celebrate kami sa bahay.""Ah wag.." kinalabit ako ni Tiffany. Ay oo nga pala, okey na gets ko na yung ibig niyang sabihin. "Ay sige! punta kami mamaya.""Ayos! masaya to mamaya!" ang laki ng ngiti ng katabi ko. Ayoko naman pumunta eh kung hindi lang talaga dahil kay Tiffany eh. Nakita ko papalapit samin si Jeydon. Bigla ba namang nag paalam si Troy na aalis na tapos sinama pa si Tiffany? etong babae din na to abot langit yung saya! natawa tuloy ako. Haha. "Hi Betty! grabe nag cheer ka pa talaga sakin ah..""Asa ka! bakit naman kita i chi-cheer?! tska bakit ganun yung laro mo?!" tinaasan niya ako ng kilay."Galing ko nuh?" ang pogi sign pa si Abno."Anong magaling dun! ang damot mo sa bola! hindi mo man lang pinapasa kay Marky! Tss.""Bakit ano ba alam mo sa basketball?""Madami! sus! insecure ka ba kay Marky kasi mas magaling siya sayo?""Mas magaling?! Sino ba yung MVP? Sino ba yung Captain? Baka AKO?" Lumapit na naman siya sakin. Napalingon ako sa paligid, buti wala na masyadong tao. Baka ano na naman isipin ng mga schoolmates namin eh."Whatever!""Gaya gaya! Line ko yan ah!""Eh ano?" "Babe!" pareho kaming napalingon kay Stacey. Papunta samin, ang sama ng tingin sakin."Babe mo mukha mo! Yuck! Lumayo ka nga!" Hinawakan niya yung braso ni Jeydon."Bakit ba ganyan ka sa Fianc mo?" tapos nag pout siya. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jeydon. Hindi siya umangal? so ibig sabihin? "Fianc mo si Stacey?" Parang may iba akong naramdaman. Abnormal na din ata puso ko. -__-23: Party "Fianc mo si Jeydon?""Oo Fianc ko siya. Bakit may angal?" tinaasan niya ko kilay. Kapit na kapit siya kay Jeydon. Ano ba siya linta? tss."Yuck! Hindi kita Fiance!" parang diring diri pa si Jeydon kay Stacey. Tinutulak pa nga niya palayo si Stacey. Abnoy talaga to. -___-"Bakit ba ganyan ka?! How could you do this to me babe?" hinawakan ni Stacey yung mukha ni Jeydon."Yuck! babe yourself! lumayo ka nga!" tinutulak na naman niya si Stacey palayo sakanya. Muntik na matumba si Stacey pero buti nakakapit ulit siya kay Jeydon. Kanina ko pa pinipigilan yung tawa ko sa dalawang to."Babe naman!" Humarap siya sakin, "At ikaw babae ka! sino ka ba? bakit lumalapit ka kay Jeydon?!" lumapit siya sakin ang sama ng tingin."Ako lumapit kay JEYDON LOPEZ? Eww.""Hoy CANDICE GONZALES!""Teka teka!" Pumunta sa harap namin si Stacey. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Napahawak siya sa bibig niya.."Ikaw yung kapatid ni Charles?""Oo ako nga..""Di ba panget ka?! OMG! tska i remember, ikaw yung patay na patay kay Jeydon!""Ako? Ha-ha-ha! Asa! isaksak mo pa sa baga mo yan si Jeydon! bahala na nga kayo dyan."Tumalikod agad ako sakanila. Bagay talaga silang dalawa. Hindi ko nga alam kung sino yung mas kawawa sa kanilang dalawa kapag naging mag asawa na sila. Si Tracey ba o si Jeydon? pareho kasi sila ng ugali. Haha.Wala naman ako paki kung Fiance niya si Stacey. Mas mabuti nga yun, para hindi niya na ko inisin tska para siya naman yung mainis. Halata naman na ayaw niya kay Stacey eh at si Stacey habol naman ng habol sakanya. Natatawa nga ko kapag kinukulit siya ni Stacey. Hindi ko lang talaga alam bakit may naramdaman akong kakaiba kanina."Candice sumabay ka na sakin." Tumingin ako sa likod nakita ko si Kuya Charles."Himala ata? isasabay mo talaga ko?""Eh di wag!" umalis siga agad tapos pumunta sa may parking. Hinabol ko siya."Kuya Saglit!"Nakapasok na siya sa loob ng kotse, kumakatok ako pero hindi naman niya binubuksan. Sinilip ko siya sa loob inasar niya lang ako. Nung napalayo ako sa kotse, bigla naman niyang pina andar. Letsugas! nakaka asar talaga tong kapatid ko.Mag lalakad tuloy ako suot tong sapatos kong may heels. Ayoko naman mag taxi."Candice!"Pagka lingon ko nakita ko yung tatlo na papalapit sakin."Iniwan ka ni Charles? Haha! Sabay ka na samin pauwi." sabi Marky."Oo nga para maka uwi ka na agad! may party pa tayo mamaya! wooo!" inakbayan ako ni Troy. Binuksan niya yung pintuan sa likod ng kotse ni Marky.Ay sa likod ako? gusto ko katabi si Marky eh. Huhu.Pumasok na lang din ako sa likod. Pag pasok namin ni Troy nagulat ako nung pumasok din si Jeydon."Bakit andito ka?!""Bakit kotse mo? koste mo?" Epal talaga neto. Pwede naman siya umupo sa harap eh."Kdot." Pumasok na din si Marky tapos tumingin siya samin sa likod. Napapa gitnaan ako ni Troy at ni Abno."LQ kayo? haha.""HINDI!" Napasigaw ako. Ano ba nasa isip ni Marky? >...........< "Thank you Section Eleven." "Wala yun! Ikaw pa malakas ka samin eh!""Number one supporters mo kami!""Kaya mo yan Candice! Andito lang kami!""Thank you boys! Nakakatuwa naman na may unity na kayo.. and because of that dadalian ko ang exam ng Section Eleven para sa Second quarterly exam!" Lahat sila tuwang tuwa sa sinabi ni Sir Jason. Natawa naman ako. Nakakatuwa din kasi kung iisipin yung dating section na magulo, at nabansagang section na puro barumbado, eh tignan mo naman ngayon di ba? Nag kakaisa na sila. Taray!Teka nga pala, asan na yung apat? Si Jeydon, Troy, Ginno at Six?"We need to go. Boys lakasan niyo cheer niyo ha! Ten percent ang audience impact.""Yes Sir!"Pumunta na kami sa back stage. Sakto naman yung dating namin medyo maaga pa nga kung tutuusin. Nakita ko na din yung ibang contestants. Nginitian agad ako ni Margot nung nakita niya ako, kasama niya yung Powerpuff girls. Iniwas ko na lang agad yung tingin ko dun sa tatlo kasi parang kakainin nila ko ng buhay eh."Candice, bakit ganun tumingin yung tatlong yun sayo? Something wrong?" Tanong ni Ate Serina."Wala ate hayaan mo na lang..""If I caught them looking like that to you again, I'll grab their eyeballs." Warfreak nga pala to si Ate Serina, tska napaka protective niya din sakin parang si Kuya Charles. "Hehe yaan mo na lang po Ate." "Okey Lumabas na yung mga kasama ng contestants, the pageant will start in fifteen minutes!""Goodluck Candice, nasa harap lang kami nila Charles. Wag kang kakabahan." Goodluck talaga sakin. Huhu!"Opo Ate!""Goodluck Candice." Sabi naman sakin nila Sir Jason, Pepper at Salt. "Babalik kami kada break."Pag alis nila sakto naman na dumaan sa harap ko si Abby, Naka dress siyang itim with glitters tapos ang iksi nung dress, ang sexy niya sa suot niya. Nakatigin lang siya sakin, nung naka upo na siya sa upuan niya naka tingin pa din siya sakin. Naka ngiti siya sakin, kaso hindi friendly smile, parang nag tataray. Hindi ko na lang siya pinansin, hinanap ko na lang si Margot."Hi Candice!" Naka suot siya ng dress na tube tapos naka straight yung buhok niya."Hi Margot! Ang ganda mo naman.""Hindi naman, ikaw nga eh. Ang ganda ganda mo. Tska ang sexy mo sa suot mo." Bolera din siya eh nuh?"Sus parang hindi naman eh. Oo nga pala, salamat ah kasi sinabi mo kay Ginno na tulungan ako sa talent ko.""Wala yun, tska kahit hindi ko sabihin tutulong pa din yun. Mabait naman yun eh, maloko lang talaga." Naalala ko tuloy silang dalawa ni Six yung palaging nang aasar sakin dati nung nerd pa ko pero ngayon naman ang bait na nila sakin. Mabait naman talaga sila maloko lang talaga."Goodluck satin, kahit hindi ako manalo basta ikaw yung manalo okey na sakin." Nginitian niya ko tska niya hinawakan yung kamay ko."Ako din Candice ganun din yung gusto kong mangyari. Mas gusto kong ikaw yung manalo kesa kay Abby." Nagtawanan kaming dalawa, para namang narinig ni Abby yung pinag uusapan namin kasi tumayo siya tapos pumunta siya sa harap namin ni Margot."Wag na kayong umasa na mananalo kayo. Ako at ako lang ang may karapatan na maging Ms. Campus. Get it?"Hindi na lang kami nag salita ni Margot. Eh di siya na talaga. Sabi ko nga extra lang kami dito tapos siya yung bida eh."Okey contestants line up!"Buti na lang tinawag na kami. Umalis na naman si Abby sa harap namin pero bago yun, umirap muna siya. Tumayo na kaming walo tapos pumila na kami. Okey this is it pancit. Kinakabahan na ko.Unang lumabas sa stage yung third year na babae. Ang lakas ng palakpakan ng mga tao. Mas lalo lang akong kinabahan. Sumunod yung apat pang contests. Kami pala ni Margot tska ni Abby yung natira sa likod. Last na naman ako. Nauna lumabas si Margot, todo cheer din sakanya yung mga tao. Naiwan tuloy kaming dalawa dito ni Abby, nakatalikod siya sakin pero feeling ko nakairap pa din siya. Nung lumabas na siya grabe siya yung pinaka malakas na cheer. Crowd favorite talaga siya."Last but not the least, contestant number Nineteen."Unti unti kong nilakad yung paa ko. Kinakabahan ako pero hindi naman ako nanginginig. Dapat mag relax lang ako. Tama relax and stay focus.Paglabas ko sa stage nakita ko na yung mga tao. OMG lang, ang dami nila, buong school ata nandito. Ang ingay nila, mas malakas pa sa cheer kay Abby. Nabibingi tuloy ako. Napatingin ako sa harap, limang judge yung nakita ko kasama yung School Director. Nakita ko na din sila Ate Serina sa harap kasama sila Sir Jason tska si Kuya Charles din. Nandun na din si Mama at Yaya, kumay sakin sila Mama. For sure ang saya saya ni Mama na makita akong nakasali sa beauty pageant. Nandun naman sa kabilang side yung buong Section Eleven. Todo cheer sila tapos parang leader nila si Tiffany. Hindi ko pa din makita yung apat, asan na kaya yun? Pati si Marky hindi ko makita..Dumeretso ako sa microphone."You only live once but if you use it well, once is enough. Candice Gonzales nga pala ang Kathryn Bernardo ng Section Eleven." Lahat sila nag palakpakan. Pambihira anong speech ba yun pang comedy. Huhu si Ate Serina kasi nag isip nun eh. Dumeretso ako sa likod tumabi ako kay Abby. Naka ngiti na siya sakin, feeling ko plastic lang yung ngiting yun. Ngumiti na lang din ako tska ako nag wave.Pinabalik naman agad kami sa likod ng stage habang may production number yung mga first years. Sports wear yung next, bumalik naman sila Sir Jason para ibigay sakin yung susuotin ko. Pang basketball yung theme namin. Pagkapalit namin pinabalik na kami agad sa stage. Medyo nawala na yung kaba ko kasi hindi na ko naka high heels. Paglakad ko lahat naman sila nag che-cheer sakin. At sa wakas, nairaos ko naman ng maayos yung lakad ko na yun. Okey talaga talaga kapag hindi naka heels eh. Next na yung mag susuot kami ng night gowns namin. Dun lang ako kinabahan kasi mag high heels na naman ako. Huhu!Nag bihis agad ako para maayusan pa ako nila Pepper at Salt. Pagkatapos nila akong ayusan sakto naman na dumating sila Troy."Wow Candice ang ganda mo!""Thanks Troy.." Nag smile ako sakanya tapos napatingin ako kay Ginno na naka tingin naman kay Margot. Ha! Huli ka balbon. Lumapit ako kay Ginno."Ang ganda ng girlfriend mo nuh." Binulong ko lang yun sakanya baka kasi hindi pa alam nila Troy yung about sa kanila ni Margot. Nag blush naman si Ginno sa sinabi ko. Sakto napatingin samin si Margot kaya nag ka tinginan yung dalawa. Haha! Cute nila."Candice, ang ganda ng damit mo. Ang hot mo dyan!" Pagkasabi pa lang nun ni Six binatukan na siya agad ni Troy."Hoy Six! Wag mo mga manyakin si Candice!" Tapos nagtawanan sila, grabe to si Troy, minamanyak agad? Hindi ba pwedeng pinupuri lang? HAHA! Napansin ko naman si Jeydon sa may sulok, problema nun? nilapitan ko nga."Hoy Doraemon!""Yah! Wanna die?" Favorite niya yung line na yun eh nuh. Haha ang cute niya kapag inaasar ko siyang Doraemon, nag mumukha siyang pusa. Meow."Maganda ba yung suot ko?""Oo maganda ka.." Ang hina nung pagkasabi niya hindi ko din na gets."Anong sabi mo?" Siguro nilait niya ko."Sabi ko ang ganda ng damit, panget nga lang yung nag susuot!" Sabi na nga ba eh!"Wee ang yabang mo! Porket gwapo ka..""Ano?" Buti hindi niya narinig yung sinabi kong gwapo siya. "Wala! sabi ko mukha kang pusa! Haha! Meow!" Mukhang magagalit na siya, tumakbo ako palayo sakanya para hindi niya ko mabugahan ng apoy. Kaso nawala sa isip ko na naka heels pala ako.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi hindi ako nasubsob sa sahig o hindi. Kasi naman, sinalo ako ni Jeydon tapos ayun ang lapit na naman namin sa isa't isa. Hindi ko naman maiwasang tumigin sa mata niya. Napalunok na lang ako kasi bumilis na naman yung tibok ng puso ko."Sabi ko sayo mag iingat ka eh.""Eh?"Inayos ko agad yung sarili ko nung na feel ko na papalapit na sila Troy samin."Uy kayo ah? Ano yan?""Ha? Pinagsasabi mo?" Tapos tumawa sila nila Ginno."Bakit namumula ka Candice?" Weee? Di nga? Napahawak ako sa pisngi ko. Bakit hindi ako mamumula eh may make up ako. Argh! Loko to si Six ah."Ewan ko sa inyo. Maka alis na nga." Naramdaman ko ngang mag init yung pisngi ko. Pambihira!Umalis na ko dun. Tss trip na naman nila kami ni Jeydon. Hays, bakit ba bumibilis yung tibok ng puso ko kapag malapit ako kay Jeydon? Kaya nga ako lumapit sakanya para mawala yung kaba ko kasi alam ko aasarin niya ko eh."Candice mag line up ka na.. Goodluck""Thanks Sir Jason." Nakapila na kami. Hindi ko makausap si Margot kasi nasa gitna namin si Abby eh. Pag lumilingon si Margot sakin parang tinatarayan siya ni Abby kaya napapa iwas siya ng tingin sakin.Nag salita na yung emcee. Isa isa na silang pinalabas. Kaya ko to, nakaya ko na to dati eh. Huhu! Fi