19
MGA AKDANG TULA NI RIZAL: ISANG PAG- AANALIZA SA MGA TERMINONG GINAMIT SA TULA ANG LIGPIT KONG TAHANAN Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin, Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin, Ang munti kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim Ng mga halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin. Aking dinudulang sa katabing gubat na masalimisim Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin. Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan, Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan, Sa kubo kong ito ay walang bahangin may kahalagahan, Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan. Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos Sa mga batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod; Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod, kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok, At kung araw naman, ang langit ay parang ibig na maabot. Kung ang kalangita'y payapang- payapa, agos ay banayad, Panay ang taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas, Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad, Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad, Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat. Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw, Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan; Doo'y di kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang Na susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan; Ako'y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang. Ang dagat, ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin, Kung dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin, Sa akin, ang kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang nagmamaliw, At kung dapit-hapong ang pananalig ko'y parang nagmamaliw,

Tula Ni Rizal

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Iba't ibang tula

Citation preview

Page 1: Tula Ni Rizal

MGA AKDANG TULA NI RIZAL: ISANG PAG- AANALIZA SA MGA TERMINONG GINAMIT SA TULA

ANG LIGPIT KONG TAHANAN

Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,

Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,

Ang munti kong kubo'y doon itinirik, sa saganang lilim

Ng mga halamang nakikipaglaro sa ihip ng hangin.

Aking dinudulang sa katabing gubat na masalimisim

Ang katiwasayang panlunas sa hapong isip ko't damdamin.

Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan,

Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan,

Sa kubo kong ito ay walang bahangin may kahalagahan,

Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan

Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan.

Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos

Sa mga batuhan, magmula sa gubat sa may dakong likod;

Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod,kung gabing tahimik ay may

bulong siyang nakapag-aantok,At kung araw naman, ang langit ay

parang ibig na maabot.

Kung ang kalangita'y payapang-payapa, agos ay banayad,

Panay ang taginting ng kanyang gitarang hindi namamalas,

Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad,

Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong

malapad,Sa di mapipigil na kanyang

pagtakbong patungo sa dagat.

Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw,

Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan;

Doo'y di kilala ang tinig ng taong palalo't mayabang

Na susunu-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan;

Ako'y naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang.

Ang dagat, ah, ito ay siya ngang lahat kung para sa akin,

Kung dumadaluhong mula sa di tanaw na mga pampangin,

Sa akin, ang kanyang ngiti kung pananalig ko'y parang

nagmamaliw,At kung dapit-hapong ang

pananalig ko'y parang nagmamaliw,

Siya ay may bulong na inihahatid sa akin ng hangin.

Pagdating ng gabi, dakilang palabas ng kahiwagaan,

Malaking liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang

Ang doon sa langit ay nakalaganap sa kaitaasan;

Habang dinadalit niyong mga alon ang saklap ng buhay,

Dalit na malabo pagka't nilulunod ang sariling ingay.

Page 2: Tula Ni Rizal

Isinasalaysay ang ayos ng mundo nang unang sumikat

Ang araw sa langit, at sila'y laruin ng kanyang liwanag;

Nang mula sa wala'y dami ng kinapal ang biglang kumalat

Sa kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat,

Sa lahat ng dako na abot ng halik ng mayamang sinag.

Nguni't kung sa gabi'y magising ang hanging malikot, mailap,

At ang mga alon, sa galit na dala'y susugod, lulundag,

Mayrong mga siagaw na sa aking puso'y nagbibigay-sindak

, Mga tinig waring nagsisipagdasal, o nag sisiiyak,

Nagsisipanaghoy sa kailalimang kadilima'y ganap.

At saka uugong ang marahang taghoy na mula sa bundok,

Mga punungkahoy at ang mga damo'y nagsisipangatog,

Pati mga pastol ay nababalisa't pawang mga takot,

Sapagka't, anila, ang mga kalulwa'y noon sumisipot

At nag-aanyayang sa kanilang handa sila ay dumulog.

Gabi'y bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig,

At sa dagat nama'y bughaw't lunting apoy ang pasilip-silip;Pag ngiti ng araw'y payapa na

naman ang buong paligid,At mula sa laot, yaong

mangingisda ay napagigilid,Sugod na ang lunday at ang mga

alon ay nananahimik.

Ganyan ang buhay ko sa aking

payapa't ligpit na tahanan;Sa mundong nang dati ay kilala

ako, ako'y pinapanaw,Nasapit kong palad, sa ngayon ay

aking binubulay-bulay;Isang bato akong binalot ng lumot

upanding matakpanSa mata ng mundo ang mga

damdaming sa puso ay taglay.

Dahil sa naiwang mga minamahal, ako'y nangangamba,

Mga ngalan nila'y di ko nalilimot sa laot ng sigwa;

May nangagsilayo at mayroon namang nangagsipanaw na;

Nguni't sa lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa.

Kaibigan iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling

Sa gitna ng lumbay ay nagpapasigla sa diwa't damdamin;

Sa gabing tahimik, siya'y nagtatanod at nananalangin,

Kasama-sama ko sa pagkakatapong malungkot isipan,

Upang kung manlaming ang pananalig ko ay papag-alabin.

Yaong pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap

Sa dakilang araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas;

Kung makalipas na itong kamataya't labanang marahas,Ay may ibang tinig, na lalong masigla at puspos ng galak,

Na siyang aawit ng pananangumpay ng matwid, sa

lahat.

Aking natatanaw na namumula na ang magandang langit,

Gaya noong aking bukuin sa hagap ang una kong nais;

Page 3: Tula Ni Rizal

Aking nadarama ang dati ring hangin sa noong may pawis,

Nararamdam ko ang dati ring apoy na nagpapainit

Sa tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip.

Ang nilalanghap kong mga simoy dito'y nagdaan marahil

Sa mga ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin;

Sa pagbalik nila ay kanila sanang ihatid sa akin

Ang buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling,Pahatid na mula sa pinagsanglaan

ng unang paggiliw.

Kung aking mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag.

Nararamdaman kong ang sugat ng puso'y muling nagnanaknak;

Naaalaala ang sumpaan naming kami'y magtatapat,

Ang dalampasigan, ang bukid at saka arkong may bulaklak,Ang buntong-hininga, ang

pananahimik at ang piping galak.

Isang paruparong hanap ay bulaklak at saka liwanag,

Malalayong bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap;

Musmos na musmos pa, tahana'y nilisa't ako ay lumayang,

Upang maglimayon, na ang diwa'y laya at walang bagabag - -

Ganyan ko ginugol ang mga pili kong panahon at oras.

At nang mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan,

Kagaya ng isang ibong nanghina na sa kapanahunan,

May nag bagong sigwang malakas, mabangis na parang

halimaw;Ang mga pakpak ko'y nagkabali-

bali't tahana'y pumanaw,Ang aking tiwala'y ipinagkanulo't

lahat na'y nagunaw.

Sa pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig,

Ang hinaharap ko'y madilim na lubha't walang tatangkilik:

Pamuli na namang susungaw ang aking mga panaginip,

Tanging kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis;

Mga pananalig niyong kabataang matapat, malinis.

Dapwa't kung ikaw ma'y umaasa ngayong iyong makakamtanYaong gantimpalang hindi

magmamaliw magpakailan man,Hindi ka na paris ng dating magilas

at buhay na buhay;Sa hapis mong mukha'y may bakas

na hindi mapagkakamalanYaong pananalig na dapat mahalin

at ipagsanggalang.

At upang aliwin, handog mo sa aki'y mga panaginip,

Nagsaang panahon ng kabataan ko'y ipinasisilip;

Kaya nga salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit,

Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip,

Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig.

Sa tabi ng dagat na humahalik pa sa tiping buhangin,

Malapit sa paa ng bundok na pelus kung pagmamalasin,

Aking nasumpungan ang isang tahanang sagana sa lilim,

Aking natuklasan sa katabing

Page 4: Tula Ni Rizal

gubat na masalimsimAng katiwasayang panlunas sa

hapong isip ko't damdamin.

ISANG ALAALA NG AKING BAYAN

Nagugunita ko ang nagdaang arawng kamusmusang kong kay sayang

pumanawsa gilid ng isang baybaying luntianng rumaragasang agos ng dagatan;

Kung alalahanin ang damping marahan

halik sa noo ko ng hanging magaslaw

ito'y naglalagos sa 'king katauhanlalong sumisigla't nagbabagong

buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak

animo'y nagduruyan sa hanging marahas

habang sa buhangin dito'y nakalatag

ang lubhang maalon, mapusok na dagat

Kung aking samyuin sa mga bulaklak

kabanguhan nito ay ikinakalatang bukang liwayway na

nanganganinagmasayang bumabati, may ngiti sa

lahat.

Naalaala kong may kasamang lumbay

ang kamusmusan ko nang nagdaang araw

Kasama-sama ko'y inang mapagmahal

siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.

Naalaala kong lubhang mapanglawbayan kong Kalambang aking

sinilangansa dalampasigan ng dagat-dagatansadlakan ng aking saya't kaaliwan

Di miminsang tumikim ng galaksa tabing-ilog mong lubhang

mapanatagMababakas pa rin yaong mga

yapakna nag-uunahan sa 'yong mga

gubatsa iyong kapilya'y sa ganda ay

salatang mga dasal ko'y laging nag-

aalabhabang ako nama'y maligayang

ganapbisa ng hanging mo ay walang

katulad.

Ang kagubatan mong kahanga-hanga

Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha

sa iyong himlayan ay wala nang luha

wala nang daranas ni munting balisa

ang bughaw mong langit na tinitingala

dala ang pag-ibig sa puso at diwabuong kalikasa'y titik na mistulaaking nasisinag pangarap kong

tuwa.

Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw

dito'y masagana ang saya ko't aliwng naggagandahang tugtog at

awitinsiyang nagtataboy ng luha't hilahilHayo na, bumalik ka't muli mong

dalawinang katauhan ko'y dagling

Page 5: Tula Ni Rizal

pagsamahintulad ng pagbalik ng ibon sa hardin

sa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako'y magpupuyatako'y magbabantay, walang

paghuhumpayang kabutihan mo na sa aking

pangarapNawa'y daluyan ka ng biyaya't

lingapng dakilang Diwa ng maamong

palad;tanging ikaw lamang panatang

maalabpagdarasal kita sa lahat ng oras

na ikaw ay laging manatiling tapat.

SA MAHAL NA BIRHEN

Ikaw na ligaya ng tanang kinapal,Mariang sakdal tamis na

kapayapan,Bukal ng saklolong hindi

naghuhumpay,Daloy ng biyayang walang

pagkasyahan.

Mula sa trono mong langit na mataas,

Ako'y marapating lawitan ng habag,

Ilukob ang iyong balabal ng lingapSa daing ng aking tinig na may

pakpak.

Ikaw na Ina ko, Maraing matimtiman;

Ikaw ang buhay ko at aking sandingan;

Sa maalong dagat, ikaw ang patnubay:

Sa oras ng lalong masisidhing tukso,

At kung malapit na ang kamatayan ko,

Lumbay ko'y pawiin, saklolohan ako!

SA KABATAANG PILIPINO

Itaas ang iyong noong aliwalasngayon, Kabataan ng aking

pangarap!ang aking talino na tanging liwanag

ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhanmagitang na diwang puno sa isipan

mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay

at dalhin mo roon sa kaitaasan.

Page 6: Tula Ni Rizal

Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw

na mga silahis ng agham at siningmga Kabataan, hayo na't lagutin

ang gapos ng iyong diwa at damdamin. 

Masdan ang putong na lubhang makinang

sa gitna ng dilim ay matitiganmaalam na kamay, may dakilang

alaysa nagdurusa mong bayang

minamahal.

Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais

kagyat na lumipad sa tuktok ng langit

paghanapin mo ang malambing na tinig

doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap.

Ikaw na ang himig ay lalong mairogTulad ni Pilomel na sa luha'y gamot

at mabisang lunas sa dusa't himuntok

ng puso at diwang sakbibi ng lungkot

Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan

matigas na bato'y mabibigyang-buhay

mapagbabago mo alaalang taglaysa iyo'y nagiging walang

kamatayan.

Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles

sa wika inamo ni Pebong kay rikitsa isang kaputol na lonang maliit

ginuhit ang ganda at kulay ng langit.

Humayo ka ngayon, papagningasin mo

ang alab ng iyong isip at talinomaganda mong ngala'y ikalat sa

mundoat ipagsigawan ang dangal ng tao.

Araw na dakila ng ligaya't galakmagsaya ka ngayon, mutyang

Pilipinaspurihin ang bayang sa iyo'y

lumingapat siyang nag-akay sa mabuting

palad.

Pinatutula Ako

Iyong hinihiling, lira ay tugtuginbagaman sira na't laon nang

naumidayaw nang tumipa ang nagtampong bagting

pati aking Musa ay nagtago narin.

malungkot na nota ang nasnaw na himig

waring hinuhugot dusa at hinagpisat ang alingawngaw ay umaaliwiwsa sarili na ring puso at damdamin.

kaya nga't sa gitna niring aking hapis

yaring kalul'wa ko'y parang

Page 7: Tula Ni Rizal

namamanhid.

Nagkapanahon nga ... kaipala'y, tunay

ang mga araw na matuling nagdaan

nang ako sa akong Musa'y napamahal

lagi na sa akin, ngiti'y nakalaan.

ngunit marami nang lumipas na araw

sa aking damdamin alaala'y naiwankatulad ng saya at kaligayahan

kapag dumaan na'y may hiwagang taglay

na mga awiting animo'y lumulutang

sa aking gunitang malabo, malamlam.

Katulad ko'y binhing binunot na tanim

sa nilagakan kong Silangang lupainpawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw

manirahan doo'y sayang walang maliw.

ang bayan kong ito, na lubhang marikit

sa diwa't puso ko'y hindi mawawaglit

ibong malalaya, nangagsisiawitmulang kabundukan, lagaslas ng

tubigang halik ng dagat sa buhangin

mandinlahat ng ito'y, hindi magmamaliw.

Nang ako'y musmos pa'y aking natutuhang

masayang batiin ang sikat ng arawhabang sa diwa ko'y waring

naglalatangsilakbo ng isang kumukulong

bulkan.

laon nang makata, kaya't ako nama'y

laging nagnanais na aking tawagansa diwa at tula, hanging

nagduruyan:"Ikalat mo lamang ang kanyang

pangalan,angking kabantugan ay

ipaghiyawanmataas, mababa'y, hayaang

magpisan".

Kundiman

Tunay ngayong umid yaring dila't puso

Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,Bayan palibhasa'y lupig at sumukoSa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa't muling sisikat ang araw,

Pilit maliligtas ang inaping bayan,Magbabalik mandin at muling iiral

Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo't babahaMatubos nga lamang ang sa amang

Page 8: Tula Ni Rizal

lupaHabang di ninilang panahong

tadhana,Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.

Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal,

O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay,

At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw,

Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging

nagbabantay,Inyong ibalita itong pananalig na sa

puso'y taglayNg abang lagalag na di lumilimot

sa nilisang bayan.

Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa,

Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na,

Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya,

At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa,

Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya.

Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway

Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw,

Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay

Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!"

Siya'y may bulong ding inaawit-

awit sa katahimikan,Kundiman ng puso na sa kanyang

wika'y inyong napakinggan.

At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na

Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga,

At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya

Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga,

Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya

Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga.

At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad

Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas,

Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas,

Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.

Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol,

Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,

At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom,

Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon.

Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,

Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw,

Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,Sa kababaihan ay binhi ng tapang

ang inyong itanim;Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak,

at inyong batiinAng mga mahal kong sa tahanang

Page 9: Tula Ni Rizal

banal ay kasama namin.

At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog,

Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot

Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot,

Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos

Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos.

Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay,

Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw,

Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman,

Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay;

Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan

Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.

Awit Ng Manlalakbay

Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,

Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;

Abang manlalakbay ay wala nang liyag,

Layuin, kalulwa't bayang matatawag.

Hinahabul-habol yaong kapalarangMailap at hindi masunggab-

sunggaban;Magandang pag-asa'y kung

nanlalabo man,Siya'y patuloy ring patungo kung

saan!

Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,Silanga't Kanlura'y kanyang

nililipad,Mga minamahal ay napapangarap,

Gayon din ang araw ng pamamanatag.

Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,

Siya'y maaaring doon na mamatay,Limot ng daigdig at sariling bayan,

Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,Ibong naglalakaby sa buong

daigdig,Hindi nila tanto ang laki ng hapis

Na sa kanyang puso ay lumiligalig.

Kung sa mga tanging minahal sa buhay

Siya'y magbalik pa pagdating ng araw,

Makikita niya'y mga guho lamangAt puntod ng kanyang mga

kaibigan.

Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,

Sa sariling baya'y wala kang katalik;

Bayaang ang puso ng iba'y umawit,Lumaboy kang muli sa buong

daigdig.

Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?

Ang luhang inyukol sa iyo'y tuyo na;

Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,

Page 10: Tula Ni Rizal

Sa hapis ng tao, mundo'y nagtatawa.

Sa Sanggol Na Si Jesus

O Diyos na Sanggol, paano ba kaya't

Ang sinilangan Mo ay sabsabang aba?

Diyata't di pa man ay pag-alipustaAng dulot ng Palad sa Iyong

pagbaba?

Kaylungkot! O hari ng Sangkalangitan,

Nagkatawang-tao't sa lupa'y tumahan,

Hindi Mo ba ibig na Haring matanghal

Kundi Pastol namin na kawan Mong mahal?

Huling Paalam

Paalam, bayan kong minamahallupa mong sagana sa sikat ng

araw;Edeng paraiso ang dito'y pumanaw

at Perlas ng dagat sa may Silanganan.

Buong kasiyahang inihahain kokahiman aba na ang buhay kong

ito.

maging dakila ma'y alay rin sa iyokung ito'y dahil sa kaligayahan mo.

Ang nakikilabang dumog sa digmaan

inihahandog din ang kanilang buhay.

kahit kahirapa'y hindi gunamgunam

sa kasawian man o pagtatagumpay.

Maging bibitaya't, mabangis na sakit

o pakikilabang suong ay panganibtitiising lahat kung siyang nais

ng tahana't bayang aking iniibig.

Mamamatay akong sa aking pangmalas

silahis ng langit ay nanganganinagang pisgni ng araw ay muling

sisikatsa kabila nitong malamlam na ulap.

Kahit aking buhay, aking hinahangad

na aking ihandog kapag kailangansa ikaririlag ng yong pagsilang

dugo ko'y ibubo't kulay ay kuminang

Mulang magkaisip at lumaking sukat

pinangarap ko sa bait ay maganap;ikaw'y mamasdan kong marikit na

hiyasna nakaliligid sa silangan dagat.

Sa bukas ng mukha'y, noo'y magniningning

sa mata'y wala nang luhang mapapait

wala ka ng poot, wala ng ligaligwalang kadungua't munti mang

hilahil.

Page 11: Tula Ni Rizal

Sa aba kong buhay, may banal na nais

kagaling'y kamtan nang ito'y masulit

ng aking kaluluwang handa nang umalis

ligaya'y angkin mo, pagkarikit-dikit.

Nang ako'y maaba't, ikaw'y napataas,

ang ako'y mamatay nang ikaw'y mabigyan

ng isang buhay na lipos ng kariktansa ilalim ng langit ikaw ay

mahimlay.

Kung sa ibang araw, mayroon kang mapansin

sa gitna ng mga damong masisinsin

nipot na bulaklak sa ibabaw ng libing

ito'y halikan mo't, itaos sa akin.

Sa bango ng iyong pagsuyong kay tamis

pagsintang sa dibdib may tanging angkin

hayaang noo ko'y tumanggap ng init

pagka't natabunan ng lupang malamig.

Hayaang ang buwan sa aki'y magmasid

kalat na liwanag, malamlam pa mandin;

Hayaang liwayway ihatid sa akinang banaag niyang dagling

nagmamaliw.

Hayaang gumibik ang simoy ng hangin

hayaan sa himig masayang awitinng ibong darapo sa kurus ng libing

ang payapang buhay ay langit ng aliw.

Hayaang ang araw na lubhang maningas

gawing parang ulap sa patak ng ulan

maging panganorin sa langit umakyat

ang mga daing ko'y kasama't kalangkap.

Hayaang ang aking madaling pagpanaw

iluha ng mga labis na nagmahalkapag may nag-usal sa akin ng

dasalako'y iyo sanang idalangin naman.

Ipagdasal mo rin mga kapuspalad,mga nangamatay pati naghihirap

mga dusa't sakit ina'y tumatanggap

ng tigib ng lungkot at luhang masaklap.

Ipagdasal mo rin mga naulilaat nangapipiit sakbibi ng diwa;

ipagdasal mo rin tubusing talagaang pagka-aliping laging binabata.

Kapag madilim na sa abang libingan

at nilalambungan ang gabing mapanglaw

walang nakatanod kundi pulos patay

huwag gambalain, ang katahimikan.

Magbigay-pitagan sa hiwagang lihim

at mauulinig wari'y mga tinigng isang salteryo, ito'y ako na rininaawitan ka ng aking pag-ibig.

Page 12: Tula Ni Rizal

Kung nalimutan na yaring aking libing

kurus man at bato'y wala na rin mandin

bayaang sa bukid lupa'y bungkalinat ito'y isabong sa himpapawirin.

Limutin man ako'y di na kailanganaking lilibuting iyong kalawakan

at dadalhin ako sa 'yong kaparangan

magiging taginting yaring alingawngaw.

Ang samyo, tinig at himig na masaya

kulay at liwanag may lugod sa mata

paulit-ulitin sa tuwi-tuwinaang aking taimtim na nasa't pag-

asa.

Ang Awit ni Maria Clara

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,

May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.

Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina

Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,

Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,

Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,

Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglawSa wala nang ina, wala nang

tahana't walang nagmamahal.

SA AKING KABABATANi Rizal

Sa lahat ng aking mga KababayanSana ay magustahan niyo

Isang Tula tungkol sa KalikasanAng inihahandog ko sa inyo.

O aking bansang sinilangan.Ikaw ang Perlas ng Silangan.

Angking ganda’y nakakawiling tingnan.

Bigay ay kasayahan sa bawat nilalang.

Maraming nalungkot ng ang Bagyong Ondoy ay nagdaan.

Ang sentro ng naapektuhan ay ang Kamaynilaan.

Lubhang napakarami ang nasalanta.

Paano nga ba makakaahon sa naiwan mong trahedya?

Ano kaya ang nasa isip ng iba sa inyo?

Isang pagsubok lamang ba ito?Ito ba’y isang paghihiganti ng

KalikasanDahil ito’y tila parang

napapabayaan.Sa kabila ng lahat ay nakakatuwa.

Nagtutulungan ang bawat isa.Mayaman, mahirap maging ang

Page 13: Tula Ni Rizal

mga sikat.Nagtutulong tulong upang muling

makaangat.Handa na ba kayo sa dalawang

bagyong paparating?Ang kasunod ay tinawag sa

katagang Pepeng.Maghanda ng mabuti, lahat ng

mamamayan.Makinig sa bawat anunsiyo na

ipapaalam.Salamat sa oras na ginugol ninyo.

Sa pagbasa ng simpleng tula tungkol sa kalikasan na ito.Sana ang lahat ay huwag

makalimot magdasal.Nawa’y ang Diyos sa atin ay

gumabay.

TIMBA SA BAHA

Kung ang tirahan mo'y mababa Sa dakong yaon ng Maynila 

Aba'y dapat kang maging handa Pag langit na ang lumuluha. Kailangan mo na ng timba Upang limasin na ang baha Sa basang tirahang kaybaba.

USAPANG ISDA

Usapan ng isda sa dagat Dapat daw sila na'y mamulat Magpapahuli ba sa lambat? 

O sa mga pain kakagat? Pating ba ang dapat mabundat? 

O taong sa buhay ay salat? Ito ang usapan sa dagat.

KAYRUMI NA NG KARAGATAN

Kayrumi na ng karagatan Pagkat ginawang basurahan Mga plastik ay naglutangan At isda'y nagkakamatayan. 

Tayo'y dapat nang magtulungan Upang di dumuming tuluyan Ang mahal nating karagatan.

KAYTINDI NA NG POLUSYON

O, kaytindi na ng polusyon Ang hangin nati'y panay karbon 

Nakasusulasok sa ilong Nakakaawa itong nasyon. 

Hanapan natin ng solusyon Na hangi'y malinisan ngayon 

Nang maibsan na ang polusyon.

DAYUKDOK SA USOK

Bakit sa bisyo ninyong usok Ay tila kayo'y nadayukdok 

Kapara nito'y hanging bulok O tambutsong sumusulasok. 

Kung tila titigil ang tibok Ng puso't sumakit ang batok 

Aba'y tigilan ang pausok.

IBA PA...

Ingatan ang kapaligiranDahil ito ay ating yaman

Kung mayroon kang kaalamanIto ay iyong iingatan

Panatilihin ang pagtatanim

Page 14: Tula Ni Rizal

Sa sarili nating hardinAt kung mayroong tumingin

Sa mata'y masalamisim

Kalikasan – Saan Ka Patungo?

Nakita ng buwan itong pagkasira,Mundong kalisakasan ngayo’y giba-

giba,Ang puno – putol na, nagbuwal at

lanta,Ang tubig – marumi, lutang ang

basura.

Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan,

Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam,

At nakipagluhaan sa poong Maylalang,

Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.

Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon,

Nasira ng usok na naglilimayon,Malaking pabrika ng goma at

gulong,Sanhi na ginawa ng pagkakataon!

Ang dagat at lawa na nilalanguyanNg isda at pusit ay wala nang

laman,Namatay sa lason saka

naglutangan,Basurang maburak ang siyang

dahilan!

Ang lupang mataba na bukid-sabana,

Saan ba napunta, nangaglayag na ba?

Ah hindi… naroon… mga mall na pala,

Ng ganid na tao sa yaman at pera.

Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan,Ginawa na ng tao na basurahan,At kung dumating ang bagyo at

ulan,Hindi makakilos ang bahang

punuan.

Ang tao rin itong lubos na dahilan,Sa nasirang buti nitong kalikasan, 

At darating bukas ang ganti ng buwan,

Uunat ang kamay ng Poong Lumalang!

Page 15: Tula Ni Rizal

Sadyang maganda ang kalikasan na nagbibigay sa atin

ng buhay at kulay ,at nang ummabuso ang tao ,

hagupit ng kalikasan di maiiwasan, kpaligiran tuluyang

nasira at nawala ng parang bula.

">

kalikasan ba ay namatay?may pag asa ba itong

mabuhay ,kpabayaan ng tao di matatawaran , kawawang

"likas na yaman" ang tanging hinnahangad ay pag

papahalaga,pagiingat ang tanging susi sa ating

kaligtasan at kaligayahan.

">

sanay huwag tayung mawalan ng ppag asa . huwag natin ipag

damot ang pag mamahal sa kalikasan ,huwag tayung mag

tulog tulugan mamulat tayu ng masaksihan ang taglay na

kagandahan ng ating kalikasan . magtungan tayo

upang mapaunlad pa natin ng maigi ang ating "LIKAS NA YAMAN".kung hindi tayo

magtutulungan ay unti unti itong masisira ng dahil sa

atin.sana'y ma unawaan ninyo ang ating kalagayan