3
Fernando Amorsolo Si Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas. [1] Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan. [4] Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan, [5] nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag- unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino. [6] [7] Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas Napoleon Abueva Si Napoleón Isabelo Veloso-Abueva (ipinanganak noong 26 Enero 1930), na higit na nakikilala bilang Napoleon Abueva o Nap Abueva, [1] ay isang tanyag na iskultor na Pilipino. Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa taong 46, at kauna-unaha't natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal. Tumindig si Abueva ang hamon ng pagkamakabago sa kanyang guro na si Tolentino at sa pamamagitan ng kanyang palabunga at masigasig na likha, itiningadngad nang makabuluhan ang tuwanan sa ayon ng pagkamakabago. Ito'y nasa dekada 50 na itinatag nang lubos ang kanyang reputasyon bilang nangungunang modernista sa iskultura. Sa katagalan nang 30 taon sa pagiging iskultor, ang mga likha ni Abueva ay naikalat na nang malawakan sa mga galerya, paaralan, gusaling pambayan, tahanan, kampus, at mga liwasan dito sa bansa at sa ibayong dagat. Ang kanyang bersatilidad sa parehong midyum at himanting ay tumatalilis sa maalwan na pag-uuri. Gumagawa siya ng iskultura sa malawakang saklaw ng pagpapahiwatig: sa metal tulad ng bakal, tansong dilaw, tansong kape, at aserong di-nangangalawang; sa bato tulad ng adobe, marmol, alabastro, at korales; at sa kahoy tulad ng mulawin, nara, kamagong, ipil, at kawayan. Nguni't umamin siya na nakasaya gumawa na may punungkahoy ng Pilipinas, ipinapakita ang kanilang mabutil na hilatsa at likas

Alagad ng sining

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alagad ng sining

Fernando AmorsoloSi Fernando Cueto Amorsolo (Mayo 30, 1892 - Abril 24, 1972) ay isa sa mga pinakamahalagang artista ng sining sa Pilipinas.[1] Si Amorsolo ay isang pintor ng mga larawan ng mga tao at tanawing pambaryo ng Pilipinas. Kilala siya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Ipinanganak sa Paco, Maynila, nakatapos siya ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Bagaman nakapaglakbay sa ibang mga bansa, kung saan namulat ang mga mata ni Amorsolo sa mga dayuhang pamamaraan ng pagguhit at pagpinta, naging adhikain niya ang makalikha ng mga larawang makabayan at puno ng kasaysayan.[4] Sa panahon man ng kapayapaan o digmaan,[5] nanatili ang diwang ito sa isipan ni Amorsolo, na nagbunga naman ng mga dibuhong may pagpapahalaga sa paghubog, pag-unlad, at pagtatala ng tunay at natatanging katauhan, ngiti, damdamin at kaluluwa ng mga mamamayang Pilipino.[6][7]

Dahil sa mga gawa at gawain ng kaniyang malikhaing mga kamay, sa tulong ng pinsel at pintura, tinagurian si Amorsolo bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Napoleon AbuevaSi Napoleón Isabelo Veloso-Abueva (ipinanganak noong 26 Enero 1930), na higit na nakikilala bilang Napoleon Abueva o Nap Abueva,[1] ay isang tanyag na iskultor na Pilipino. Itinuring siyang Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas. Siya ang pinakabata sa taong 46, at kauna-unaha't natatanging Boholano na nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng Sining Biswal. Tumindig si Abueva ang hamon ng pagkamakabago sa kanyang guro na si Tolentino at sa pamamagitan ng kanyang palabunga at masigasig na likha, itiningadngad nang makabuluhan ang tuwanan sa ayon ng pagkamakabago. Ito'y nasa dekada 50 na itinatag nang lubos ang kanyang reputasyon bilang nangungunang modernista sa iskultura. Sa katagalan nang 30 taon sa pagiging iskultor, ang mga likha ni Abueva ay naikalat na nang malawakan sa mga galerya, paaralan, gusaling pambayan, tahanan, kampus, at mga liwasan dito sa bansa at sa ibayong dagat. Ang kanyang bersatilidad sa parehong midyum at himanting ay tumatalilis sa maalwan na pag-uuri. Gumagawa siya ng iskultura sa malawakang saklaw ng pagpapahiwatig: sa metal tulad ng bakal, tansong dilaw, tansong kape, at aserong di-nangangalawang; sa bato tulad ng adobe, marmol, alabastro, at korales; at sa kahoy tulad ng mulawin, nara, kamagong, ipil, at kawayan. Nguni't umamin siya na nakasaya gumawa na may punungkahoy ng Pilipinas, ipinapakita ang kanilang mabutil na hilatsa at likas na alinangnang sa paraan ng tuwirang paglililok. Nakapaglilok siya na may pinagsamang iba't ibang materyales, tulad ng kahoy na may metal at bato, at nakapaggawa sa mga aghimong naaangkop sa mga materyales na ginagamit.

Vicente S. ManansalaSi Vicente S. Manansala (22 Enero 1910 - 1981) ay isang modernong Pilipinong pintor. Noong 1981, itinuring siyang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining (posthumous). Siya ang itinuturing na nagsimula ng estilong cubism sa bansa. Isa si Manansala sa Thirteen Moderns na pinangungunahan ni Victorio

Page 2: Alagad ng sining

C. Edades at isa sa Big Three ng modernist movement, kasama sina Cesar Legaspi at Hernando R. Ocampo. Dagdag pa rito, binuo niya ang grupo ng mga Neo-Realists kasama sina Romeo Tabuena at Anita Magsaysay-Ho. Ipinanganak si Manansala noong 1910 sa Macabebe, Pampanga, ikalawa sa walong anak. Isang taon bago siya mag-kolehiyo, nagtrabaho siya bilang tagapinta ng mga paskil para sa mga pelikula. Pinakasalan niya si Hermengilda Diaz noong 1937. Namatay siya noong 1981 sa Lungsod Makati. Si Manansala ay naging tagapinta ng billboard at naging isang manggagawa para sa Ipo Dam Construction noong 1930. Naging ilustrador siya noong 1941 para sa Opisinang Pangkultura ng gobyernong Hapon. Noong 1941 ay nanalo siya ng unang gantimpala sa UST National Art Exposition para sa "Pounding Rice". Ang una niyang solong pagtatanghal ay noong 1951, sa Manila Hotel. Pito pa ang sumunod dito. Nagturo siya sa UST School of Fine Arts mula noong 1951 hanggang 1958.

Jose Tanig JoyaSi Jose Tanig Joya (1931-1995) ay isa sa mga Pilipinong pintor na naunang gumawa ng abstrak na mga dibuho. Noong 2003, isa siya sa ginawaran ng titulong Pambansang Alagad ng Sining. Nagtapos si Joya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1953, na may kursong fine arts, at natamo ang pagkilala bilang kauna-unahang magna cum laude ng unibersidad. Noong 1954 hanggang 1955, ang Instituto de Cultura Hispanica ng pamahalaan ng Espanya ay ginawaran siya ng isang painting grant sa Madrid. Matapos ang isang taon, natapos niya ang kanyang pag-aaral sa pagkadalubhasa sa pagpipinta sa ilalim ng Fulbright-Smith-Mundt grant. Nakatanggap din siya ng grant mula sa

John D. Rockefeller III Fund at Ford Foundation, upang magpinta sa New York mula 1967 hanggang 1969. Gumamit si Joya ng mixed media at multimedia at gumawa rin ng mga print. Naging dekano siya ng Kolehiyo ng Fine Arts ng U.P. Inumpisahan niya ang abstrak na expressionism sa Pilipinas sa kanyang mga gawa sa pamamagitan ng action painting at gestural painting. Gumagamit siya ng impasto, malawak na brushstroke at rice paper collage sa kanyang mga gawa.

Benedicto CabreraSi Benedicto Reyes Cabrera o mas kilala bilang Bencab, ay isang pintor at Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal na kilala hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Makikita sa kanyang mga obra ang masining niyang pagsasalarawan ng mga panlipunang isyu, lalong-lalo na ang tungkol sa mga Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo. Ipinanganak siya noong 10 Abril 1942 at bunso sa siyam na anak nina Democrito Cabrera at Isabel Reyes.

Page 3: Alagad ng sining

Kumuha siya ng fine arts sa Unibersidad ng Pilipinas mula 1959 hanggang 1963. Una siyang nagtrabaho bilang ilustrador sa Sunday Times Magazine ng Manila Times, 1965-1968 bago siya hinimok nina Virgilio Aviado, Marciano Galang at Alfredo Liongoren na maging isang fulltime na pintor. Ang Aleman na pintor na si Kathe Kollwitz ang siyang naging pinakamalaking impluwensiya kay Bencab sa kanyang mga pinta tungkol sa mga pulubi, manggagawa at pati na rin sa tema na mother-and-child. Nagkaroon siya ng una niyang eksibisyon ng kanyang mga obra sa Indigo Gallery sa Ermita, Maynila noong 1960. Pagkatapos nito, nagkaroon pa siya ng ilang pagtatanghal sa London, New York, Macau at ilang bansa sa Europa. Habang nasa Europa, sumali siya sa ilang mga Philippine Art Shows tulad ng: Six Artistes Contemporains Philippines en Europe sa Paris; Philippine Printmakers sa Royal Festival Hall sa London; Philippine Graphic Art Exhibition sa Munich; at ang 8th Biennale Internationale de Arts sa Valparaiso, Chile.