19
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Ang Sampung

Natatanging Nobelang

Filipino

Page 2: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo mayroong 30 kabanata

sumasalamin sa mga istoryang pumapailanlang sa ating lipunan na alam nating tunay na nagaganap pa hanggang sa ngayon.

Si Nyora Tentay, may kaya sa buhay at tanging siya ang nilalapitan ng karamihan upang

mangutang, ngunit nay maruming katauhan. Si Caridad de los Angeles, ang anak na si Junior at ang pamilya ay nagbalik sa Canal de la Reina, upang muling makita ang lupang ipinamana sa

kanya.

Page 3: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Nagakaroon ng isang malaking pagbaha sa Canal de la Reina. Ang malaking sakunang ito ay naging hudyat para sa pagbabago ng bulok na sistema ng lipunan rito.

Page 4: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Mga Ibong MandaragitNi Amado V. Hernandez Isinulat noong 1969, isang mahabang salaysaying

hinahangad ang pagbabago at pagaangat ng kalayaang lipunan.

Si Mando “Andoy” Plaridel ang pangunahing tauhan sa nobelang ito. Alejandro Pamintuan ang kanyang tunay na pangalan, ngunit ng sumapi siya sa kilusan ay ginamit niya ang pangalang Mando. Si Don Segundo Montero, bilang mayamang may lupa at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng katayuan sa lipunan.

Page 5: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Binuksan ang nobela sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Si Mando, na kilala rin sa palayaw na Andoy, ay katulong sa tahanan ng pamilyang Montero. Lilisanin ni Mando ang kaniyang bayan upang ipaglaban ang kalayaan ng bansang sinakop ng Hapones, at pagkaraan ay magbabalik na taglay ang kayamanang mula sa itinapon sa dagat ni Padre Florentino na tauhan sa El Filibusterimo. Isusulong ni Mando ang dalawang mithi. Una, ang pagtatatag ng malayang pamantasan, at ikalawa, ang pagbubunsod ng malayang pahayagang tinawag na Kampilan.

Page 6: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Madaling Arawni Iñigo Ed. Regalado

Inilathala noong 1909.

ito’y masalimuot at mabalasik ang na mga tagpo ng pag-aaklas ng mga manggagawa.

paghihimagsik ni Juan Galit laban sa mga Amerikano na ang sukdulan ay ang pagpatay kay kabisang Leon na tuta ng Imperyalista.

Sa katapusan, nagpaliwanag si Galit na ang kamatayan ni Kabisang Leon ay hudyat ng pagtatapos ng kadilimang dinadanas ng bansa ngunit hindi nangangahulugang lubusan na itong lumaya. Para sa kanya, nasa “madaling araw” o maagang yugto pa lamang ang tinatamasang kahirapan at maaari pang kailangang gawin upang masigurong magtutuloy-tuloy ito.

Page 7: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Banaag at SikatNi Lope K. Santos

isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying pampanitikan na isinulat sa wikang Tagalog  noong 1906, bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya“ ng mga manggagawang Pilipino.

umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan : ang sosyalismo ,kapitalismo , at mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa.

Page 8: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Ang salin sa Ingles ng pamagat na Banaag at Sikat ay kumakatawan sa katagang “mula sa maagang pagbubukang-liwayway hanggang sa ganap na pagkalat ng liwanag” ng araw (From Early Dawn to Full Light), na nagmula sa isang pagsusuri nina Patricio N. Abinales at Donna J. Amoroso.

Page 9: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Lalaki Sa DilimNi Benjamin M. Pascual

Si Rafael ang sentro ng kuwento. Mayaman, edukado, ophthalmologist, tomador, at higit sa lahat, babaero.

Si Ligaya, ang bulag, di-nakapag-aral, at biktima ng gahasa. Sa dulo’y mababatid na ang pisikal na pagkabulag ni Ligaya ang siyang nagbigay liwanag sa katauhang-dilim ni Rafael. Nagwakas lamang ang siklo nang kapwa luminaw ang paningin nina Rafael (dahil sa pag-ibig) at Ligaya (dahil sa matagumpay na operasyon). Samantala’y nagsanib din ang dalawang lunan na kinakatawanan nina Rafael (maykaya) at Ligaya (maralita) at nagluwal iyon ng bagong pag-asa sa dalawang tauhan.

Page 10: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Tungkol kay Benjamin A Pascual

Taong 1953 ay inilabas ang kanyang maikling kwentong pinamagatang “Ang kalupi” o tinatawag ngayong “pitaka”, madalas ito mapabilang sa mga textbook o antolohiya. Tungkol ito sa batang napagkamalang nagnakaw ng kalupi. Madami ng librong nagawa si Benjamin Pascual tulad ng “Lamok sa Loob ng Kulambo” (1984) , “Babaeng Misteryosa”, “Landas ng Bahaghair” (1965), “Di ko Masilip ang Langit” (1981), “Tuta ng Tuta” (1972).

Dahil sa talento at talino ni Pascual sa pag sulat, napabilang na siya bilang isang manunulat at naging editor ng Liwayway.

Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor ng popular na Valentine Romances.

Page 11: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Sa Mga Kuko Ng LiwanagNi Edgardo M. Reyes

Ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes ay unang lumabas bilang isang serye sa mga pahina ng Liwayway Magazine. Isinasalaysay nito ang kuwento nina Julio at Ligaya, kapwa galing sa probinsiya. kinakatawan nila ang libong kapuspalad na nakikipagsapalaran sa lungsod, maynila araw-araw.

Page 12: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Dugo Sa Bukang LiwaywayNi Rogelio Sikat Simon - may pagmamahal sa sariling bayan, masigasig,

naging mayaman dahil sa tiyaga at pagpupursige. Duardo – kakikitaan ng kahinaan ng loob, tahimik at minsa’y

napapagkamalang duwag, totoong kaibigan kay Simon, ngunit naniniwala siyang sina Ador at Simon lamang ang pagasa ng kanilang nayon at hindi siya.

Ador – nagsilbi sa kanilang nayon sa paniniwalang matutulungan niya ang karamihan subalit nabigo siya., nalugmok at nawalan ng pagasa. Subalit nanumbalik ang kanyang determinasyon dahil kay Simon.

Elena Regente – kapareha ni Simoun Alejandro Borja – kaaway ni Simon Tano at Melang – mga magulang ni Simon

Page 13: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Ang “Dugo sa Bukang Liwayway: ni Rogelio R. Sikat ay nagsasalaysay ng daigdig na kanyang kinamulatan.

Nailathala sa University of the Philippines Press noong 1989 Haligi ng Panitikang Pilipino ang nobelistang si Rogelio R.

Sikat Isang persodista, sumulat ng mga kolum sa Malaya at

Diyaryong FilipinoNagsilbi bilang isang Dean ng Kolehiyo ng Arte at Literatura

sa University of the Philippines.

Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay ng suliraning agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang agraryo. Samantalang wari'y namamaybay ang nobela sa kamulatan at sensibilidad ng bayan, na ang pangunahing motibo'y matuwid at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.

Page 14: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

PinaglahuanNi Faustino Aguilar

isang nobela ni Faustino Aguilar na may temang pag-ibig at iniluwal noong 1907. Ngunit piksyonal man, ang nobelang ito ay mayroong makatotohanan na pagsusuri sa lipunang Pilipino noong panahong iyon.

Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng manggagawa kundi maging ang itinitibok ng kaniyang puso: si Danding.

Page 15: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Muling inilathala ng Ateneo de Manila

University Press ang nasabing nobela, at

kasalukuyang ginagamit ngayong sangguniang

babasahin sa mga paaralan.

Page 16: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Maganda Pa Ang DaigdigNi Lazaro FraciscoNaglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at

dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto. Nakikilala niya si Kumander Hantik na hinimok siyang sumama sa kilusan upang wakasin ang bulok na sistemang agraryo. Tumanggi si Lino. Dumating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Ngunit dimating ang sandali na masasangkot siya sa gulo, at pagbibintangang pumatay sa isang lalaki. Nabilanggo siya, ngunit nakatakas, kasama ang iba pang bilanggo, at nagbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni Lino angnmagsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sumapi rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong maylupa. Nagwakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan. Pagkaraan, naihayag na walang sala si Lino na taliwas sa paratang na siya'y mamamatay-tao.

Page 17: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

Si Lazaro Francisco ay primyadong manunulat mula dekada ’30 hanggang ’60, sinusubaybayang kontribyutor ng Liwayway Magazine, at kinikilalang ama ng Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA)

Nabibilang ang mga akda ni Francisco sa tinatawag na romantic realism o panitikang tradisyunal ang pagkakalahad pero pumapaksa sa mga isyung panlipunan.

Isa sa pinakasikat na nobela ni “Ka Soro” ang “Maganda Pa Ang Daidig”, na seryalisadong inilathala sa Liwayway noong 1955 at talaga namang pumatok sa mga tagapagtangkilik ng naturang babasahin. Sinundan ito ng “Daluyong” noong 1962, isang pagpapatuloy ng “Maganda Pa Ang Daigdig” at pinakahuling akda ni Francisco.

Page 18: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

• Matapos ang digmaan ay nanatili pa rin si Pineda sa pagsusulat sa wikang Filipino habang nagtratrabaho bilang ingat-yaman sa Bulacan. Ang kanyang mga kwento at nobela ay nailathala o ginawang serye sa mga magasin tulad ng Malaya (na pinamatnugutan ni Teodoro A. Agoncillo), Liwayway, Tagumpay, at Aliwan.

• Ngunit lumala ang kanyang tuberkulosis, at pagdating ng 1947 ay napilitan siyang magbitiw sa kanyang trabaho dahil sa naturang sakit. Ang pagsusulat na lamang ang kanyang naging hanapbuhay, at siya ay nagsulat pa nang nagsulat para sa iba't ibang magasin, gaya ng kolum na, “Sabi ni Ingkong Terong” sa magasin na Daigdig, at ang horoscope na “Ang Iyong Kapalaran Sang-ayon sa mga Bituin,” para sa Liwayway. Dahil dito ay binansagan siya ni Agoncillo na nagtayo ng pabrika ng mga kwento sa kanyang bahay.

• Tuluyan pang nanghina sa sakit si Pineda, at pumanaw noong Agosto 2, 1950.

Page 19: Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino

MARAMING SALAMAT PO!!!

INIHANDA NI:Rey Clifford Marollano

BSED 4-O