Click here to load reader

Aralin 11 negosyo at pag-aanunsiyo

  • View
    2.387

  • Download
    7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Text of Aralin 11 negosyo at pag-aanunsiyo

  • 1. Ano ang Negosyo? Anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo. Mga gawaing nakakalikha at nagbebenta ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao.
  • 2. Uri ng Negosyo Manufacturing pagbuo o paggawa ng kalakal Service pag-alok ng serbisyo sa mga mamimili Sales pagbebenta ng kalakal Wholesale Retail
  • 3. Organisasyon ng Negosyo Solong pagmamay-ari Korporasyon Kooperatiba Sosyohan
  • 4. Solong Pagmamay-ari Negosyong pagmamay-ari at pinamamahalaan ng iisang tao lamang. Kabutihan Di-Kabutihan May kalayaan sa pagpapatakbo Simple Mababang panimulang puhunan May benepisyo sa buwis Walang limitasyon sa pananagutan Kakulangan ng magpapatuloy Mahirap kumuha ng pondo Pagdepende sa iisang tao
  • 5. Sosyohan Negosyong pagmamay-ari ng dalawa o higit pang tao. Kabutihan Di-Kabutihan Mas maraming pinagsamang talento. Dagdag na pondo Madaling buuin Kaunting pangangailangang legal Walang limitasyon sa pananagutan Kakulangan ng magpapatuloy Kahirapan ng paglilipat ng pagmamay-ari Posibilidad ng tunggalian
  • 6. Korporasyon Negosyong nilikha ng Estado. Hiwalay ang nagmamay-ari, komokontrol at nagpapatakbo sa negosyo na may legal na pananagutan. Kabutihan Di-Kabutihan Limitadong Pananagutan Tiyak ang pagpapatuloy May propesyunal na pamamahala Madaling lumaki ang pondo. Posibilidad ng tunggalian sa pamamahala Malaking halaga sa pagsisimula. Maraming regulasyon Dobleng pagbubuwis
  • 7. Kooperatiba Isang uri ng samahan na ang pangunahing layunin ay matulungan ang mga kasapi nito. Kabutihan Di-Kabutihan Maliit ang panimulang puhunan Layunin ang kagalingan ng mga kasapi. Makatarungan ang pamamahagi ng kinikita at yaman. Maliit ang interest sa mga pautang. Mahirap ang pamamahala. Kawalan ng mga propesyunal na tagapamahala. Malaki ang posibilidad ng pagkalugi Mararing maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan
  • 8. Ano ang dapat na katangian mayroon ang isang entreprenyur upang maging matagumpay sa negosyo? PAGPAPAHALAGA
  • 9. UPANG MAGING MABENTA ANG ISANG PRODUKTO, KAILANGAN NA ITO AY MAIPAKILALA SA MGA MAMIMILI.
  • 10. Ano ang Anunsiyo? Ano mang gawaing pang-ekonomiya na may layuning hikayatin ang mga konsumer na bumili ng kalakal o paglilingkod.
  • 11. Paraan ng Pag-aanunsiyo Tuwiran ang kalakal ay tuwirang inaanalok sa mga mamimili. Di-Tuwiran gumagamit ng media upang ipaalam sa mga mamimili ang produkto. Poster at Billboards Radio, TV, internet Print Media
  • 12. Mga Uri ng Pag-aanunsiyo Brand Scary Testimonials Bandwagon Slogan
  • 13. Brand Ang tatak ng isang produktong kilala na o matagal nang pinagkakatiwalaan ay ginagamit sapagkat madali itong makaakit ng atensiyon sa mga mamimili.
  • 14. Testimonials Binabayaran ang sikat na tao tulad ng artista, pulitiko o manlalaro upang mag-endorso ng produkto. Malaki ang impluwensiya nila maging sa pagkonsumo ng kanilang mga tagahanga o tagasunod.
  • 15. Scary Ipinapakita nito ang negatibong bagay na maaring mangyari kung hindi tatangkilikin ang produktong inaanunsiyo. Layunin nito na mahikayat ang mga mamimili sa pamamagitan ng paghahasik ng takot.
  • 16. Bandwagon Ipinapakita sa anunsiyong ito na marami nang tao ang gumagamit at nagtitiwala sa produkto upang mahikayat ang iba na tangkilikin na din ang produkto.
  • 17. Slogan Ginagamit ang mga katagang madaling tandaan upang mahikayat ang mga mamimili.
  • 18. Sa iyong palagay, anong uri ng pag-aanunsiyo ang pinaka-epektibo sa mga mamimili? PAGPAPAHALAGA
  • 19. Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Search related