27
Alternative Learning System Bahagi 4: Pagpapaunlad ng Sarili at Pagpapahalaga sa Komunidad at Pagtutulungan Inihandang aralin ni : Mirasol C. Rolluqui Volunteer Instruction Manager

Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Alternative Learning System

Bahagi 4: Pagpapaunlad ng Sarili at Pagpapahalaga saKomunidad at Pagtutulungan

Inihandang aralin ni :

Mirasol C. RolluquiVolunteer Instruction Manager

Page 2: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Makailang beses na tayo sinakop ng mga dayuhan:

Kastila

Hapon

Amerikano

Maraming buhay ang nabuwis at di na mabilangna mga labanan o rebolusyon ang sinuong paramakamit ang tinatamasang kalayaan. Nagpakita ngkatapangan ang mga bayani natin at dahil sa kanilatayo ay lalong tumapang at nagkaroon ng sarilingpaninindigan. Ngunit isang naiiba ang Rebolusyon saEDSA….

Page 3: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Maikling Dokumentaryo ng Rebolusyon sa EDSA

Page 4: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Aralin 1:

Balik-tanaw sa mga

Makasaysayang Ugat ng

Rebolusyong EDSA

Page 5: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos

(September 11, 1917-September 28, 1989)

•Pang 10th na president ng Pilipinas 1965-1986•Sa unang termino (1965-1969), madami siyangnagawa sa ating bansa. Ilan sa mga ito:

-Pagkakagawa ng North Luzon - Expressway at Maharlika Highway-Pagpapatayo ng imprastraktura kagaya ngkalsada, tulay, patubig, paaralan, LRT at ibapa. Ito ang dahilan kung bakit siyangtinawag na Infrastructure Man.-pagpapadala ng mga sundalo, inhenyero at doktor sa Vietnam para tumulong sa mgabiktima ng digmaan.

1. Pang aabuso ng administrasyong Marcos at paglulunsad ng Batas Militar

Page 6: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Ikalawang Termino(1969-1972)

Nagkaroon ng maraming mga sulirinan:

1. Pagsilang ng AktibismoNaging laman ng kalsada ng mga mag-aaral dahil sa

kanilang mga puna at batikos sa maraming bagay gayang pagtaas ng tuition fee, paglabag sa mga karapatangpantao, militirasyon at pananatili ng base militar ngEstados Unidos.

2. Suliranin sa Pambansang Kapayapaan at kaayusan.

3. Impluwensya ng komunista at pagsilang ng MNLF noongkalagitnaan ng 1970 ni Nur Misuari

4. Ang pag dedeklara ng Proklamasyon bilang 1081 o Batas Militar (Martial Law) noong September 21, 1972

Page 7: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Ang batas militar ay kadalasang idinideklara ng mga pinunong iba’t ibang bansa sa panahon ng pambansang kagipitan o ng digmaan. Kapag ito ay naideklara, ang mga militar, sailalim ng atas ng pangulo, ang umaako sa kabuuang kontrolsa bansa.

Ano ang Batas Militar?

Noong panahon ng Batas Militar, angmga sundalo, sa ilalim ng pangangasiwang Pangulo, ang nagkaroon ng kontrol satatlong mga sangay ng pamahalaan – angehekutibo, lehislatibo at hudisyal na mgasangay.

Nangyari sa ating bansa noong tayo ay nasa ilalimng Batas Militar:

Page 8: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Nasuspinde din ang Writ of Habeas Corpus, o angkarapatan ng isang indibidwal na naaresto na dalhin sa isangkorte upang malaman kung ayon sa batas o hindi ang pang-aaresto. Inaresto at pinatawan ng mga sundalo ang mgainosenteng sibilyan ng sedisyon (na nangangahulugan narebelyon o rebolusyon).

Nasa kontrol ng pamahalaan ang media. Ang mga kompanyang pahayagan. Ang radyo at telebisyon ay nasa pag-aari ngmga kaibigan ni Marcos. Maraming establisimyento angnagsara dahil sa banta o pananakot ng pamahalaan at ngmilitar.

Ipinagbawal ang karapatan na magpulong-pulong. Ipinatupad ang curfew, kung kaya’t maraming tao ang napiitsa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Ang mga nasa oposisyon na maimpluwensiya at kilala tuladsa kaso ni Ninoy, ay pinaalis, ipinatapon sa ibang bansa at hindi binigyan ng karapatan sa kanilang sariling bansa.

Page 9: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Misteryosong nangawala ang maraming Filipino nalumaban sa mga kapritso ni Pangulong Marcos at natagpuan na lamang na mga patay. Masahol pa dito, marami sa kanila ang hindi na natagpuan.

Nagsagawa ang Pangulong Marcos ng iba’t ibangreferendum(na tumutukoy sa direktang pagboto ngmga tao sa isang isyu ng pambansang kahalagahan, tulad ng pagpapahaba sa panunungkulan ng mgapolitiko) upang malaman kung nais pa ng mga taona magpatuloy siya sa kanyang pagsisilbi mataposang kanyang termino. Ayon sa mga opisyal napagbibilang, bumoto ang mga tao na pahabain angtermino ni Marcos. Noong Hulyo 1973, 97.7% sa loobng 18 milyon na mga botante (tinatayang na 17 milyong mga Pilipino) ang nagnanais na manatili siMarcos sa kanyang kapangyarihan at pahabain angkanyang termino.

Page 10: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Senator Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr.

(November 27, 1932 – August 21, 1983)

Mayor sa Conception Tarlac – 1955 (22 taon gulang)Governor ng Tarlac – 1963 (31 taong gulang)Senador – 1967 (pinakabatansenador

sa edad na 35)

Ikinasal kay Corazon Conjuangco Aquinonoong October 11, 1954

Mga Anak: Maria Elena , Aurora Corazon, Victoria Elisse, Benigno

Simeon “Noynoy” at Kris Aquino

Kilala si Ninoy Aquino bilang pangunahing bumabatikos kay Marcos at karibal sa kapangyarihan. Siya ang pinakamalakas na impluwensiya at pinunong partidong oposisyon (LABAN) laban sa administrasyong Marcos. Walangtakot at walang lubay niyang ibinunyag ang katiwalian sa pamahalaan. Dahilsa kanyang katapangan, nagalit sa kanya si Pangulong Marcos.

2. Paghahanap ng hustisya para sa kamatayan niNinoy Aquino

Page 11: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

•Dalawang araw matapos maideklara ni Pangulong Marcos angbatas militar noong 1972, ay dinakip at ibinilanggo.• Noong 1975, nagsagawa si Ninoy ng 40 araw ng pag-aayunobilang protesta sa kautusang militar na pumipilit sa kanya nadumalo sa isang paghuhusgang militar na iniayos ngpamahalaan.

•Nahatulan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril. Hindi natuloy anghatol na kamatayan kay Ninoy dahil iniutos ni Pangulong Marcos na mulingbuksan ang kanyang kaso. •Noong 1978, ipinahayag ni Ninoy ang kanyang kandidatura para kumatawan saInterim Batasang Pambansa. Nasa bilangguan pa siya noon. Pero, natalo siyakay Imelda Marcos• Noong Mayo 8, 1980, pagkaraan nang pitong taon ng pagkabilanggo, pinahintulutan ni Pangulong Marcos na maglakbay si Ninoy sa Estados Unidospara magpaopera sa puso. •Noong Agosto 21, 1983, dumating siya sa Manila International Airport lulanang isang eroplano ng China Airlines. Ngunit habang bumababa si Ninoy sahagdan ng eroplano, ang mga putok ng baril ay narinig at isang bala angtumagos sa kanyang ulo. Namatay siya sa edad na 50.

Page 12: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

3. Ang Mabilisang Eleksiyon Noong 1986

Naramdaman ng lahat na ang asasinasyon kay Ninoy ay nagsindi ngapoy ng protesta sa mga Filipino. Ang lahat ng sektor ng lipunan, angmayayaman at panggitnang uri ay nagmartsa kasama ang mahihirap, ang mga propesyunal kasama ang mga manggagawa at walang trabaho. Ang mga protesta na isinagawa ng mga tao ay nagresulta sa isanglumalaking kaguluhan sa bansa. Ito ang nag-udyok kay PangulongMarcos upang magpahayag ng isang mabilisang eleksiyon noongNobyembre 3, 1985.Isang buwan bago ipahayag ni Marcos ang mabilisang eleksiyon, pinag-

iisipan na ng oposisyon na kumbinsihin si Cory upang tumakbo bilangpangulo. Inilunsad ni Joaquin “Chino” Roces ang (CAPM) o ang “Cory Aquino for President Movement”. Si Cory, sa kabilang dako, ay pumayaglamang na tumakbo kung magpapatawag si Marcos ng mabilisangeleksiyon at ang CAPM na kumalap ng isang milyong pirma na pabor sakanyang pagkakandidatura. Noong Nobyembre 30, ipinakita ng CAPM ang isang milyong pirma kay Cory. Pagkaraan ng isang araw, noongDisyembre 3, idineklara ni Cory ang kanyang kandidatura sa ilalim ngUnited National Democratic Organization (UNIDO), kasama angdating Senador Salvador Laurel.

Page 13: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Page 14: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Aralin 2:

Ang pagpapatalsik sa isang

Diktador

Page 15: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Unang araw:Sababo, Pebrero 22, 1986

Sa isang pagpupulong kasama ang midya, ipinahayag ng noo’y Vice Chief of StaffLt. HeneralFidel V. Ramos at Ministro ng Depensa na si Juan Ponce Enrile ang pag-aalis ng kanilang suporta kayPangulong Marcos. Kasabay nito, nanawagan silapara sa kanyang pagreretiro. Inilahad nila nanagkaroon ng malawakang pandaraya noongnakaraang eleksiyon. Idineklara din nila na si Cory Aquino ang tunay na nagwagi.

Tumawag si Ramos saSandatahang Lakas nasumanib sa kanilangrebelyon. Humingi ngsuporta si Enrile kayArchbishop Jaime Cardinal Sin.

Tumawag si Ramos saSandatahang Lakas nasumanib sa kanilangrebelyon. Humingi ngsuporta si Enrile kayArchbishop Jaime Cardinal Sin.

Page 16: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Libu-libong mga tao ang nagsimulangmagtipon sa labas ng mga kampo ngrebelde. Nagdala sila ng mga suplay at pagkain para sa mga sundalo. Gumawa rin sila ng mga barikada salabas ng mga bakod ng kampo upangharangan ang mga posiblengpagsalakay.

Ikalawang araw: Linggo, Pebrero 23, 1986

Ang tore ng transmisyon ng RadyoVeritas sa Malolos, Bulacan ay sinabotahe ng mga armadongkalalakihan. Nagresulta ito sakawalan ng balita tungkol sarebelyon sa Maynila at LungsodQuezon patungo sa mga lalawigan

Page 17: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Alas dose ng gabi, lumabas siPangulong Marcos satelebisyon at nagpahayag nahindi siya magbibitiw.

“Kaya kong wasakin ang rebelyong itokung nararamdaman kong sukdulan na.

Wala akong sakit. Malakas ako. Hindi akomagbibitiw. Ako pa ang mamumuno samga sundalo laban kay Enrile at Ramos.

Naaamoy ko ang pulbura ng baril tulad samatandang kabayong pandigma”.

Ikatlong Araw: Lunes, Pebrero 24, 1986

Noong araw na iyon, ang mga loyalistang sundalo ay umatake sa mga barikada ngtao gamit ang mga teargas at mga batuta malapit sa Kampo Crame. Ang mgausap-usapan ay kumakalat na si Pangulong Marcos at ang kanyang pamilya ay umalis na sa bansa at nasa Guam. Subalit, pinasungalingan ni Marcos ang usap-usapan na umalis siya sa bansa sa isang istasyon ng telebisyon, sa Channel 4. Idineklara niya na hindi siya aalis ng bansa at nagdeklara ng state of emergencyNaputol ang pagsasalita ni Marcos nang pasukin ng mga puwersangrebelde ang istasyon. Pagkaraan ng ilang oras, ang channel 4 ay nasa kontrol nang mga rebelde at tinawag itong “Radyo Pilipino.”.

Page 18: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Ang mga loyalista ni Marcos, sakabilang dako, ay nagsagawa ngkontra-atake at kinuha angpribadong channel 7.

Noong 7:30 ng gabi, hiniling ngpamahalaan ng Estados Unidos sa isangopisyal na pagpapahayag na magbitiw siMarcos upang maiwasan ang karahasan. Pagkalipas ng isang oras, sumagot siMarcos sa pahayag ng Estados Unidos nahindi siya magbibitiw at lalaban siyahanggang sa huling patak ng kanyangdugo.

Ipinatupad ang isang 6:00 n.u. hanggang 6:00 n.g. na curfew. Ngunit hindi ito pinansin ng mga tao at nagpatuloy sila na magtipon sa mga barikada.

Page 19: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Ikaapat na Araw: Martes, Pebrero 25, 1986

10:15 n.u. Kahit na may panganib sa pagbubuong bagong pamahalaan, si Cory Aquino ay iniluklok sa puwesto sa pamamagitan niSupreme Court Senior JusticeClaudioTeehankee bilang unang babae at ikalabingisang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Angpangyayari ay ginanap sa Club Filipino.

Samantala . . . Nanumpa siMarcos sa Palasyo ngMalacanang. Habangnagaganap angpanunumpa, angtransmisyon sa channel 2, 9 at 7 ay naputol nangkontrolin ito ng mgarebeldeng sundalo.

Page 20: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Sa payo ng Estados Unidosna lisanin ni Marcos angPilipinas, 9:50 ng gabi ngPebrero 25 umalis siya at pamilya sa bansa at nagtungo sa Hawaii kasama si Heneral Ver at ilan sa kanyang mga alalay.

Ipinagdiwang ng taumbayanang pag-alis ni Marcos. Sumisigaw ang mga tao “Arawng Kalayaan ngayon!” Sumiklab ang mga paputokhabang sumasayaw sa tuwaang mga tao.

Page 21: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Aralin 3:

Ang NagkakaisangTaumbayan Hindi Magagapi

Kailanman

Page 22: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Pamilyar ba sa iyo ang kantang “Magkaisa”? Kung pamilyar it o sa iyo, magaling. Natatandaan mo pa ba ang mga titik sa kanta? Ang kantang “Magkaisa” ay angpopular na temang kanta noong Rebolusyang EDSA 1986. Nilikha ito niSenador Tito Sotto at Homer Flores. Nakasulat sa ibaba ang mga titik ngkanta. Marahil ay maaari mong hilingin sa iyong tagapangasiwa o guro na iturosa iyo ang himig ng kanta

MagkaisaNgayon ganap ang hirap ng mundo

Unawa ang kailangan ng taoAng pagmamahal sa kapwa’y ilaan

Isa lang ang ugat ng ating pinagmulanTayong lahat ay magkalahi

Sa unos at agos ay huwag padalaPanahon na (may pag-asa kang matatanaw)

Ng pagkakaisa (bagong umaga, bagong araw) Kahit ito (sa atin Siya’y nagmamahal)

Ay hirap at dusa Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw) At magsama (bagong umaga, bagong araw)

Kapit kamay (sa atin Siya’y nagmamahal)Sa bagong pag-asa (sa atin Siya’y nagmamahal)

Ngayon may pag-asang natatanawMay bagong araw, bagong umaga Pagmamahal sa Diyos,

isipin mo tuwina

Page 23: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986
Page 24: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Bilang pagtataya sa ating mga nagingaralin, gumawa ng sanaysay patungkoldito.

Ang magiging paksa sa atingsanaysay:“ Sa tatlumpo’t isang taon ng pag-alala saRebolusyon sa EDSA, anu-ano ang mganaging kabuluhan nito sa mga kabataanat maging sa ating bayan.”

Page 25: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Maraming salamat sa inyongpartisipasyon sa ating nagingtalakayan!! Pagpalain tayong

lahat ng ating Panginoon!

Page 26: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

Inihandang aralin ni :

Mirasol C. RolluquiVolunteer Instruction Manager

Page 27: Aralin sa ALS: Ang rebolusyon sa edsa 1986

References: Alternative Learning System Module.Bahagi 4: Pagpapaunlad ng Sarili at Pagpapahalaga saKomunidad at PagtutulunganANG REBOLUSYON SA EDSA 1986

Online Reference(s): 1. Maikling Dokumentaryo ng Rebolusyon sa EDSA

https://www.youtube.com uploaded by Bxor Cloud/2. Magkaisa (EDSA theme song) by Virna Lisa OPMClassics

https://www.youtube.com/watch?v=5R-W35m551o3. Mga larawang ginamit:

www.google.com.ph: http://www.getrealphilippines.com . http://8list.ph/edsa-revolution-no-more http://adst.org/2015/02/the-end-of-an-era-handholding-ferdinand-marcos-in-exile/ http://www.top-destination-choice-the-philippines.com/ferdinand-marcos.htmlhttp://thelifeofninoyaquino.blogspot.com