13
PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE) MODULE 1: PRICEST

Filipino^module 1 pricest

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino^module 1   pricest

PRE-EMPLOYMENT ORIENTATION SEMINAR (PEOS ONLINE)

MODULE 1: PRICEST

Page 2: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

 

Handa ba akong iwanan ang aking pamilya ng pansamantala?

Sapat ba ang aking mga kaalaman, kakayahan, at kasanayan sa trabahong gustong kong pasukan sa ibang bansa?

Kaya ko bang magtrabaho at manirahan sa isang lugar na ang pamumuhay ay hindi ko nakasanayan?

Kaya ko ba ang pagsubok at panganib na maari kong harapin sa pagtatrabaho sa ibang bansa?

May sapat ba akong pera para sa processing fees at iba pang gastos sa aking pag-aapply.

Anu-ano ang mga bagay na kailangan kong pag-isipan ng mabuti kung nais kong magtrabaho sa ibang bansa?

Page 3: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

Pag-aralan natin ang mga ito ng mabuti.

Para sa iyong madaling pagsangguni, gumawa kami ng acronym para dito – PRICEST.

P - Physical Mobility

R - Relationships

I - Income & Expenses

C - Career Movement & Job Security

E - Environment

S - Skill Set

T - Time

Page 4: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Physical MobilityAng iyong kilos at galaw ay maaring malimitahan sakaling ikaw ay magtatrabaho sa ibang bansa. May mga lugar na bawal puntahan dahil sa kadahilanang may kinalaman sa relihiyon. May mga lugar sa Middle East na kung saan ang babaeng walang asawa ay bawal kumain sa restaurant ng mag-isa o makitang may kasamang lalaki na hindi niya asawa.

Ang tirahan na ibibigay sa iyo ay maaring ay maliit, masikip at may kasama ka pang ilan mga co-workers.

At depende sa klase ng iyong trabaho, posible rin na mabawasan ka ng oras para magpahinga o mamasyal.

Handa ka ba sa mga ganitong pagbabago?

Page 5: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Relationships

Nakaka-homesick ang magtrabaho sa ibang bansa. Malayo ka sa iyong pamilya at mga kaibigan. Kung sakaling magkasakit ang iyong asawa o anak, wala ka sa kanilang tabi para sila ay alagaan. Hindi ka makakadalo sa mga birthdays, anniversaries at iba pang mga mahahalagang okasyon. Ang desisyon na magtrabaho sa ibang bansa ay maraming kaakibat na pagbabago at adjustments sa iyong personal relationships.

Magiging handa ka ba sa kalungkutan na dala nito?

Page 6: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Income and Expenses

Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa para kumita ng mas malaking pera at para i-angat ang kalidad ng kanilang buhay.

Pero tandaan - kapag tumataas ang kita, tumataas din ang gastos.

May mga ilang bansa din na mataas nga ang pa-sweldo ngunit ang halaga ng mga bilihin naman ay napakamahal din! Makakaapekto ito sa maiipon mo at mapapadala na pera sa iyong pamilya.

Magkano nga ba ang matitira pagkatapos mong maglaan ng pera para sa savings at expenses?

Page 7: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Income and Expenses

TOTAL MONTHLY INCOME – SAVINGS = EXPENSES

Aralin at gamitin ang sample na ito sa pag-compute ng iyong mga gastusin.

OCCUPATION: ASSISTANT CHEF LOCATION: TORONTO, CANADA

COMPENSATION/EXPENSESAMOUNT

(CAD) REMARKS

BASIC MONTHLY SALARY 2,400.00 $15/hr x 40hrs x 4weeks

HOUSING ALLOWANCE

OVERTIME PAY OT rate is $22.5/hr in excess of 40hrs/week

ANNUAL LEAVE/SICK LEAVE/ MANDATORY HOLIDAY PAY 250.00 (11 public holidays x $15 x 8hrs x 1.5)

TOTAL MONTHLY EARNINGS 2,650.00

LESS TOTAL EXPENSES

TAXES/SOCIAL SECURITY/EL/CCPP 546.98 (541.44 (EI)+1252.35(CPP) + 4770 (TAX)/12

ACCOMODATION/HOUSE RENTAL & UTILITIES 300.00 $300/month (included in the contract)

Sample Expenses:

CP $70

Transport $100

Clothing $50;

Food $200

TOTAL EXPENES 1,226.98AVERAGE NET MONTHLY EARNINGS 1,423.02

PERSONAL NECESSITIES 420.00

Page 8: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Income and Expenses

• tama pa rin na iwan mo ang pamilya para magtrabaho sa ibang bansa?

• matutugunan ba ng iyong pangingibang bansa ang mga layunin mo sa buhay?

Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay hindi panghabang-buhay. Dapat ang una mong isipin ay kung paano ka makapag-ipon ang para sa inyong kinabukasan at ng iyong pamilya.

Ngayon na alam mo na ang maaring matirang pera sa iyo pagkatapos mong magtabi para sa savings at expenses, sa tingin mo ba ay…

Page 9: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Career Movement and Job Security

Kung ikaw ay magtatrabaho sa ibang bansa, kailangan mong gawin tuparin ang lahat ng mga kondition na nakasaad sa iyong employment contract.

Asahan mo rin na ang trabahong gagawin mo ay iyon at iyon din sa loob ng isa o dalawang taon ayon sa iyong kontrata.

Ikaw ba ay mapo-promote? Mae-extend kaya ang iyong employment contract? Ang desisyon na ito ay nasa kamay ng iyong employer.

Kung ikaw ay may 2 options – secured na trabaho sa Pilipinas na maliit ang sweldo vs. trabaho sa ibang bansa na temporary man ngunit malaki ang sweldo – alin ang iyong pipiliin?

Page 10: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Environment

Kailangan mo ring makisalamuha at makibagay sa kanila. Mahirap ang mag-adjust sa ugali ng mga tao na iba ang lahi.

Ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan ay isa ding pagsubok na iyong mararanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Hindi lang ang iyong physical environment ang magbabago kung ikaw ay magtatrabaho sa ibang bansa.

Bagong kultura, kakaibang klase at lasa ng pagkain, klima at paraan o klase ng pananamit ay ilan lamang sa mga maraming pagbabagong iyong mararanasan. Nandiyan din ang language barrier na madalas nagiging sanhi ng hindi problema sa employers lalo na kung hindi marunong mag-Ingles.

Page 11: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Skill Set

Kapag ikaw ay naghahanap ng mga mapapasukang trabaho sa ibang bansa, siguraduhin mo na ang iyong mga qualifications at skill set ay angkop sa iyong gustong aplayan.

Suriin mong ma-igi ang iyong mga qualifications at skill set.

Kung kinakailangan, i-upgrade muna ang mga ito bago mag-apply.

Page 12: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

“PRICEST” : Time

Ang ‘Filipino Time’ ay kailanman hindi uubra sa ibang bansa.

May mga employers na mahigpit sa oras ng simula at pagtapos ng trabaho. Ang bawat oras ay mahalaga. Sinusilit nila ang ipapasahod nila sa iyo.

Dapat productive ka sa bawat minuto na ikaw ay nagtatrabaho.

Page 13: Filipino^module 1   pricest

Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) Online - powered by JobStreet.comModule 1: PRICEST - What factors should I consider before deciding to work overseas?

- END OF MODULE 1 -