17
Aralin 8 ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG MALWARE AT COMPUTER VIRUS

Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Aralin 8

ANG MGA PANGANIB NA DULOT NG MALWARE AT

COMPUTER VIRUS

Page 2: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Taglay mo na ba ang sumusunod na kasanayan? Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

1. Naipaliliwanag kung ano ang virus at malware. 2. Natutukoy ang computer na may virus. 3. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagkalat ng malware.4. Nakakapag-scan ng files.5. Naiisa-isa ang mga paraan kung paanomakaiiwas sa virus at malware.6. Nakagagamit at nakapagsasagawa ng updateng anti-virus software.

Page 3: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Sagutin ang sumusunod na tanong: naranasan mo na bang magkasakit tulad ng sipon o ubo? 1. Paano mo ito nakuha? 2. Nahawa ka lang ba? 3. Ano ang iyong pakiramdam nang magkaroon nito? 4. Paano ka gumaling sa iyong sakit? 5. Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng sipon at ubo?

Page 4: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Nagkakasakit din ang computer tulad ng tao. Kung paanong

nagkakasakit ang tao nang dahil sa virus,

gayundin ang computer. Tinatawag itong computer virus

at malware.

Page 5: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal at pagre-restart ng iyong computer?

2. Ano ang ginawa mo nang maranasan mo ito?

3. Ano sa iyong palagay ang dahilan ng pagbagal at pagrerestart ng iyong computer?

Page 6: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Ang malware o malicious

software ay idinisenyo upang

makasira ng computer.

Sa pamamagitan ng malware,

maaaringilegal na makuha ang sensitibong

impormasyon mula sa computer.

Ang mga halimbawa ng

malware ay virus, worm, o trojan.

Page 7: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Ilang Karaniwang Uri ng Malware

Virus-Program na nakapipinsala ng computer atmaaaring magbura ng files at iba pa. Masmatindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nitoay W32 SFCLMOD.

Worm- Isang nakapipinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network. Halimbawa: W32 SillyFDCBBY, W32Trresba.

Spyware- spyware Malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila alam.

Adware- Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga anunsiyo o advertisement sa computer.

Keyloggers- Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at ipinadadala angmga ito sa umaatake upang magnakaw ngmga password at personal na data ng mgabiktima.

dialers - Software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang dial-up modem ang gamit na internet connection.

trojan horse- Isang mapanirang program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski Trojan.

Page 8: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Ano ang computer virus?

Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng

mga lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit

at nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang

pahintulot mula sa gumagamit o user.

Page 9: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Paano ba malalaman na ang isang kompyuter ay may virus? Basahin at pag-aralan ang ilang paraan sa pagtukoy na may virus ang computer.

Page 10: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Gawain A: Malware . . . Iwasan!Ang sumusunod ay mga paraan kung paano maiiwasan angpagkakaroon ng malware sa computer. Sagutan ang tseklist saibaba. Lagyan ng tsek () kung naisasagawa at ekis (X) kung hindi.

Mga Paraan kung Paano Maiiwasan ang Pagkakaroon ng Malware sa Computer Oo

Hindi

1. Pag-update ng computer at software. 2. Paggamit ng account na hindi pang-administrator. 3. Pagdadalawang-isip bago mag-click ng mga link o

mag-download ng anumang bagay. 4. Pagdadalawang-isip bago magbukas ng mga attachment

o larawan sa email. 5. Hindi pagtitiwala sa mga pop-up window na humihiling

na mag-download ng software. 6. Pagiging maingat sa pagbabahagi ng files. 7. Paggamit ng anti-virus software.

Page 11: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Gawain B: Pag-usapan Natin!

1. Makinig sa paliwanag ng guro tungkol sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng virus at malware ang computer.

2. Magsulat ng tala sa iyong kuwaderno.

3. Punan ang diagram ng mga dahilan ng pagkakaroon ng virus at malware sa computer. Isulat ito sa mga pahabang piraso ng kartolina. Idikit ang mga pirasong ito sa diagram.

Page 12: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Gawain C: Puwede o Di-puwede? Banggitin ang salitang “Puwede” kasabay ng thumbs up na senyas kung ang pahayag ay

mabuting gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng computer virus/malware. Sabihin naman ang “Di-puwede” kasabay ng thumbs down na senyas kung hindi ito nararapat gawin.

Pag-scan nang regular sa iyong kompyuter.

Paglalagay ng anti- virus na mapagkakatiwalaan

Panonood ng malalaswang palabas sa internet.

Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.

Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o mensahe nahindi alam ang pinanggalingan o hindi kilala ang sender.

Pag-iwas sa pagbukas ng mga email o mensahe na kahina-hinala.

Pag-iwas sa pag-download ng mga ilegal na kopya ng kanta,pelikula, at iba pa mula sa internet

Pagbubukas ng isang attachment sa email na naglalaman ng malware.

Pagpapanatiling updated ng kompyuter at software. Pag-i-install o paglalagay ng libreng mga programa o toolbars ng mga browsers.

Page 13: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Gawain D: Mag-Scan Tayo . . . 1.Panoorin ang guro habang siya ay na magsagawa

ng scan sa files na nasa flashdrive gamit ang anti-virus software na naka-install sa computer.

2. Pakinggang mabuti ang paliwanag ng guro habang nag-iiscan ng files. 3. Gawin ng grupo ang paraan sa pag-iiscan ng computer gamit ang anti-virus software.

Page 14: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa malware at virus sa kompyuter. Ang paglalagay ng anti-virussoftware at regular na pag-i-iscan ng mga dokumento atpagbubukas lamang ng websites na kapaki-pakinabang aymalaking tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware atvirus sa ating kompyuter.

Page 15: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

Subukin Mo:Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M kung mali._____1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-lipat samga document o files sa loob ng computer._____2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan namay virus ito._____3. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ngimpormasyon mula sa mga tao nang hindi nila nalalaman._____4. Ang malware ay anumang uri ng software na idinisenyoupang manira ng sistema ng computer._____5. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa nanagkukunwaring isang kapakipakinabang na aplikasyon.

Page 16: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

KAYA MO NA BA?Maglagay ng tsek (/) sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

1. Naipaliliwanag kung ano ang virus at malware. 2. Natutukoy ang computer na may virus. 3. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagkalat ng malware.4. Nakakapag-scan ng files.5. Naiisa-isa ang mga paraan kung paanomakaiiwas sa virus at malware.6. Nakagagamit at nakapagsasagawa ng updateng anti-virus software.

Page 17: Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus

SALAMAT SA PAKIKINIG!!! MARY ANN M. ENCINAS