104

K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
Page 2: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Masdan Mo!

Tingnan ang larawan sa ibaba. Suriin at sagutin ang mga tanong sa ibaba ng larawan.

Mga Tanong:

1. Ilarawan ang bata sa unang larawan: ikalawang larawan

2. Sa iyong palagay bakit masaya ang bata sa unang larawan?; Bakit malungkot ang bata sa

ikalawang larawan?

Aralin 1 KALUSUGANG PANSARILI (Kalusugang Mental, Emosyonal at Sosyal)

Pag-usapan Natin

A B

Pag-aralan Natin

May tiwala ako sa sarili!

1

Page 3: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Ang kalusugn ng isang tao ay hindi lamang sa pisikal na anyo makikita. Maraming aspeto ang isinasaalang-

alang upang masabi na ang isang tao ay malusog. Ito ay ang kalusugan sa pag-iisip o mental, kalusugang

emosyonal at kalusugang sosyal.

Kalusugang pangkaisipan (mental health) ay ang ating abilidad na makapagsaya sa ating

buhay at malampasan ang mga pasanin ng pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang mabuting kalusugang pangkaisipan (mental health) ay nagpapahintulot sa iyong

maging kapakipakinabang, ang magkaroon ng katuparan sa mga relasyon sa ibang tao, at

ang umangkop sa mga pagbabago at malampasan ang mga panahon ng kahirapan.

Emosyonal na kalusugan ay maaaring humantong sa tagumpay sa trabaho, relasyon at

kalusugan.

Kalusugang sosyal ay tumutukoy sa isang tao na may mabuting pakikisama sa kapwa.

Mga katangian ng isang indibidwal na may kalusugang mental,emosyonal at sosyal

May positibong pananaw sa buhay

Masayahin

May pananalig sa Diyos

Marunong manimbang sa paggawa ng desisyon

May tiwala sa sarili

Nakapaglilibang

May pagpapahalaga sa trabaho

Nakikisalamuha sa kapwa

May positibong pagtanggap sa puna ng kapwa

Pagpapahalaga sa sarili at pagkamaalam sa sarili

Diyeta at ehersisyo

May magandang relasyon sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho

Maayos na pananalapi

Pakikisangkot sa komunidad

Paano mo pinamamahalaan ang stress

Paano mo ipinahihiwatig ang iyong nararamdaman

Sagutin Mo Ako! Tukuyin kung ang mga pangungusap sa ibaba ay nagsasaad ng kalusugang mental, kalusugang

emosyonal at kalusugang sosyal. Isulat ang sagot sa patlang.

____________________1. Si Nelia ay hindi sumusuko sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang

buhay. Siya ay may positibong pananaw sa buhay.

Pagsikapan Natin

2

Page 4: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

____________________2. Si Darwin ay mahilig umawit. Ipinapakita niya ito sa pamamamagitan ng

pagsali sa mga patimpalak.

___________________3. Isang masayahing bata si Red kaya naman marami siyang kaibigan.

____________________4. Maraming proyektong ipinapatupad sa aming baraanggay. Nais kong makiisa

upang madagdagan ang aking kaalaman at mapaunlad ang aking kakayahan.

____________________5. Tinanggap ni Roel ng maluwag sa kalooban ang mga payong ibinigay sa kanya

ng kaniyang guro.

Tayo’y Magpangkat!

Pangkatin ang klase sa tatlo.

Miyembro 1: lider/tagapag-ulat

Miyembro 2: kalihim

Miyembro 3: tagapagpatahimik

Panuto:

Ang bawat pangkat ay may 5 minuto upang pag-usapan ang gawaing nakatala sa ibaba

Ang bawat miyembro ay magbabahagi ng kanilang kaalaman/karanasan sa pangunguna ng lider

Itala ang sagot sa manila paper

May 2 minuto ang lider ng bawat pangkat upang iulat ang sagot sa klase

Magtala ng sariling karanasan bilang mag-aaral na naipapakita ang kalusugan ng isipan, emosyon at

sosyal.

Unang Pangkat – Kalusugang Mental/Pang-kaisipan

Ikalawang Pangkat – Kalusugang Pandamdamin/Emosyon

Ikatlong Pangkat – Kalusugang Sosyal

Pagyamanin Natin

3

Page 5: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Ulat Pangkalusugan Sagutin ng buong husay ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot.

1. Bukod sa pisikal na aspeto, ano-ano pa ang mga katangian ng isang tao na may malusog na

pamumuhay?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

2. Bilang mag-aaral, paano mo mailalarawan ang isang taong nagtataglay ng kalusugang sosyal?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Magtala sa ibaba ng 3 katangian ng taong may kalusugang:

Mental Emosyonal Sosyal

Magtala ng limang (5) paraan upang mapanatili ang iyong iyong mental at emosyonal na kalusugan.

Pagnilayan Natin

Takdang Aralin

4

Page 6: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Itanong:

1. Ano ang ipinakikita ng larawan?

2. Bakit nagkakaroon ng kasiyahan ang isang pamilya?

3. Mahalaga ba ang pagmamahal ng pamilya sa pag-unlad ng kalusugang emosyonal ng isang bata?

Bakit?

Basahin at unawain ang dayalogo. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Aralin 2 KALUSUGAN MO, PANGALAGAAN MO!

Pag-usapan Natin

Suriin…………Suriin…………..

Pag-aralan Natin

5

Page 7: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Mga Tanong:

1. Ang mga pahayag ba sa usapan ay hindi naiiba sa iyo? Sa iyong palagay, ano ang problema ng

dalawang bata sa itaas?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________

2. Daapat ba nilang panatilihin ang ganitong pag-uugali? Bakit?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

May mga bisita ang aking magulang noong isang araw. Nang pumunta ako sa sala at lahat ay nagsabi ng “hello”, ako ay biglang kinabahan. Nanginginig ang aking mga binti at ako ay labis na pinagpawisan kung kaya’t mabilis akong tumalikod at bumalik sa aking silid.

Ako man ay may ganyang karanasan. Sa tuwing nasa isang silid ako na may maraming tao, takot na takot akong magsalita. Natatakot ako na kapag ibinuka ko ang aking bibig, may isang tao sa silid na iyon ang titingin sa akin habang ako ay nagsasalita.

6

Page 8: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Mga paraan sa pagpapaunlad at pangangalaga ng kalusugang mental/pangkaisipan, emosyonal at sosyal:

Pangkaisipan

Pakikipagbiruan o pagtawa - ang pagbibiro ay nagbibigay sa atin ng tamang pagtingin sa mundong

ating ginagalawan.Binibigyan nito tayo ng dahilan upang baguhin ang ating mga hindi kanais-nais

na pag-uugali sa tuwing tayo ay nakararanas ng mga suliranin. Binabago ng biruan ang ating pag-

iisip. Ito ay nagdudulot ng halakhakan. Matapos nating tumawa, gumagaan ang ating pakiramdam.

Pananampalataya sa Diyos - isang gawain na maaaring makatulong sa pagkakaroon ng maayos na

pananaw sa buhay. Ang mga taong madalas na nagdadasal ay mas matagal na nabubuhay at mas

malusog sa katawang pisikal at emosyonal. Sila ay nagkakaroon ng paninindigan sa kanilang mga

buhay. Ang pagdadasal ay nagbibigay sa kanila ng lakas at kaginhawaan sa bawat araw.

Optimism - Ang mga taong positibo ang pananaw ay mas madalas na nagsasagawa ng mga

preventive health measure dahil naniniwala sila na ang kanilang mga gawain ay may magandang

maidudulot sa kani-kanilang buhay. Kapag may mga hindi kanais-nais na pangyayari sa kanilang

buhay, mas maganda ang kanilang pananaw sa mga ito at gumagawa sila kaagad ng paraan upang

malutas ang mga ito.

Emosyonal at Sosyal

Magandang relasyon o pakikitungo sa iba – maging maalahanin, mabait, matulungin,

mapagkakatiwalaan at tapat.

Social Network/Pakikipagkaibigan - Ang mga kaibigan ay mainam na lunas. Ang mga ito ay

nagbibigay ng suporta sa panahon ng pagbabago, iniiwasan ang pag-iisa at pagkalungkot. Bahagi

ng sosyal na suporta ang pagkakaroon ng isang kaibigan na iyong maasahan sa lahat ng bagay.

Hindi mo kailangang lutasin ang mga problema mo ng nag-iisa. Ang mga kaibigan ay maiinam na

suporta sa oras ng matinding pagkapagod at pagbabago.

Pagkakaroon ng tiwala sa sarili – ito ay nakatutulong upang matuto tayong humarap sa tao.

Nalilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga kaibigan at pamilyang susuporta sa iyong

mga desisyon at tutulong sa paglinang ng iyong mga kakayahan.

Pakikipag-usap ng maayos - kailangan ng mga tao ang mabuting komunikasyon upang maipahayag

nila ang kanilang mga ideya, opinyon, saloobin, o upang makakuha ng

impormasyon, payo at suportang emosyonal sa isa’t isa. Ang komunikasyon ay mahalaga din sa

pagbubuo at pagpapanatili ng pagkakaibigan.

Ang pagkakaroon ng malusog na isip, emosyon at relasyon sa pamilya at kapwa ay nagiging daan tungo sa isang malusog na pamumuhay.

7

Page 9: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Halina’t Unawain!

Mga Tanong:

1. Batay sa talata, ano-ano ang mga pangunahing pangangailangan ang ibinibigay ng pamilya?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga emosyonal na pangangailangan ang kailangan ng batang tulad mo?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pamilyang may konsiderasyon, mapagpaumanhin at

mapang-unawa?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Paano mo ilalarawan ang iyong pamilya?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Pagsikapan Natin

Ang pamilya mo ay mahalaga. Binibigay nila sa iyo ang lahat ng mga pangunahing pangangailangan mo. Lalo na noong ikaw ay bata pa, lahat ng pangangailangan mo kagaya ng pagkain, damit, proteksyon at pag-aaruga ay ibinigay sa iyo. At ang mas mahalaga, ipinakita nila sa iyo ang mga emosyonal na pangangailangan mo tulad ng pagmamahal, paglalambing at pakikisama. Ang iyong pagkatao ay makikita sa klase ng pamilya na iyong kinalakhan. Ang pagmamahal at atensyon na ibinigay sa iyo ng mga magulang mo ay nakakaapekto sa pagtingin mo sa iyong sarili. Ang mga pamilyang may konsiderasyon ay nagbubunga ng mga miyembro na madamdamin sa pangangailangan ng ibang tao. Ang isang pamilya na mapagpaumanhin at mapang-unawa ay magbubunga ng miyembro na mabubuti ang personalidad.

8

Page 10: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Artista Ka!

Pangkatin ang klase sa tatlo.

Panuto:

Magsagawa ng Role Playing na nagpapakita ng mga sumusunod na sitwasyon:

a. Sitwasyon 1 – Malusog ang Aking Kaisipan!

b. Sitwasyon 2 – Pamilya Ko-Mahal Ko!

c. Sitwasyon 3 – Ikaw, Ako, Tayo ay Magmahalan!

Ulat Pangkalusugan Ipaliwanag:

Pagyamanin Natin

Pagnilayan Natin

1. Ano ang maaari mong gawin upang panatilihin ang iyong mental na kalusugan? _________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Ano ang maaari mong gawin upang panatilihin ang iyong emosyonal at sosyal na

kalusugan?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Takdang Aralin

Iguhit ang larawan ng iyong pamilya. Sumulat ng maikling talata na nagsasaad ng iyong pasasalamat dahil sa pagmamahal na ipinadarama nila sa iyo. 9

Page 11: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 3

Mga Palatandaan ng Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Iba

Ang pakikisalamuha sa iba ay isa sa mahahalagang bahagi sa buhay ng bata. Marami siyang

natutunan at nagagawa kasama ang mga tao sa paligid niya. Naranasan mo na bang

makisalamuha sa iba? Ano ang pakiramdam mo?

Pag-usapan Natin

BUUIN MO

Ayusin ang mga pantig na nasa card at buuin ang salita. Ipaskil ang mga ito sa pisara.

1. - ______________________

2. - ______________________

3. - ______________________

4. - ______________________

5. - ______________________

Pag-aralan Natin

MASDAN MO

Tingnan at suriin ang mga larawan. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

PA SA LA KI MU KI HA

NI KAS YON MU KO

WA LA TI

PAG LANG GA

PAT TA

A B C

10

Page 12: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?

2. Ano ang maitutulong ng mga ito sa pagkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan/

pakikisalamuha sa iba?

Pagsikapan Natin

GAWAIN 1

Ang pakikipag-ugnayan ay maaaring mabuti o di-mabuti.

Ang mabuting pakikipag-ugnayan/pakikisalamuha sa iba ay nagdudulot ng

kasiyahan samantalang ang di-mabuting pakikipag-ugnayan ay nagdadala ng

kalungkutan.

Mga Palatandaan ng Mabuti at Di-Mabuting Pakikipag-ugnayan sa Iba

MABUTI DI-MABUTI

Maganda ng pakiramdam mo sa iyong sarili

kapag nasa paligid mo ang ibang tao. Malungkot, may galit, takot at nag-aalala

Hindi pinapangunahan ang desisyon ng isa’t isa. Kinikontrol ang isa sa mga nais nitong gawin

May tiwala sa isa’t isa. Walang tiwala sa isa’t isa

Masaya kung magkasama ngunit nakagagawa

din ng ibang bagay na magkaiba. Ayaw makisalamuha sa iba

Nakakakilos ka ng walang pagkukunwari. Nakakakilos ng normal

Iginagalang ang opinyon ng bawat isa. Ipinagpipilitan ang sariling opinyon.

Hindi natatakot sa ibang tao May takot at walang tiwala sa sarili

Sagutin ang mga tanong.

1. Anu-ano ang palatandaan na maayos ang pakikitungo mo sa iyong kapwa?

2. Ano ang iyong ginagawa na nagpapakita ng maayos na pakikipag-ugnayan sa

kapwa?

3. Bakit kailangang mayroong maayos na pakikipag-ugnayan sa kapwa?

GAWAIN 2

Laruin ang larong “Raise a Red Flag”.

Makinig ng mabuti sa mga kaisipang babasahin ng guro.

Ibigay ang mga paraan at panuntunan sa paglalaro.

11

Page 13: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

SURIIN MO

Pagmasdan ang mga larawan at alamin ang mensaheng ipinararating nito. Isulat sa

notebook ang iyong sagot.

Pagnilayan Natin

Paano ka magkakaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan/pakikisalamuha sa iba?

Ilagay sa loob ng organizer ang iyong sagot.

Masaya kang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan

Pinipilit mo ang iyong kaibigan na sumama sa iyo.

Ikaw ang namimili ng damit na isusuot ng kapatid mo.

May tiwala ka sa ginagawa ng iyong kapwa.

Iginagalang mo ang opinyon ng iyong kaklase sa bisa

ng halamang gamot.

MABUTING

PAKIKIPAG-

UGNAYAN

12

Page 14: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Sanggunian:

https://www.google.com.ph/search?q=boy+and+girl+clipart&biw=1366&bih=667&tbm

https://www.google.com.ph/search?q=mga+batang+naglalaro+ng+basketball+clip+arts&biw=1366&bih

https://www.google.com.ph/search?q=mga+batang+nagtatanim+clipart&biw=1366&bih

13

Page 15: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 4

Kahalagahan ng Mabuting Pakikipag-ugnayan

sa Pagpapanatili ng Kalusugan

Ang magandang pananaw sa buhay at mabuting pakikipag-ugnayan sa iba ay nakatutulong

upang mapanatili ang kalusugan ng bata. Paano ka nakikipag-ugnayan sa iyong kapwa?

Pag-usapan Natin

Sagutin ang mga tanong ayon sa larawang nakapaskil sa pisara.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawang nabuo ninyo?

2. Sa palagay mo, paano ito makatutulong sa iyong pang-araw araw na pakikisalamuha

sa kapwa?

Pag-aralan Natin

MASDAN MO

Masdan at suriin ang mga larawan. Sagutin ang kasunod na mga tanong.

a. Ano ang ginagawa ng mga bata sa larawan?

b. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang mensaheng ipinakikita ng bawat isa?

c. Nais mo bang maging katulad nila? Bakit?

Pagsikapan Natin

GAWAIN 1

Bumuo ng dalawang pangkat at isadula ang mga sitwasyon.

Pangkat I - Nakikipaglaro ng basketball/volleyball sa mga kaibigan

Pangkat II - Nagtatanim sa Gulayan sa Paaralan

GAWAIN 2

Magbigay ng reaksyon sa ipinakita ng bawat pangkat. (Pasalita)

14

Page 16: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

GAWAIN 1

Lagyan ng kung ang nakasaad na pakikipag-ugnayan ay makapagpapanatili ng

iyong kalusugan.

____ 1. Nag-eehersisyo ka tuwing umaga kasama ang mga kaibigan mo.

____ 2. Tuwing tanghali, ikaw at ang iyong mga kaibigan ay naglalaro ng takbuhan.

____ 3. Ikaw at ang mga kapatid mo ay nagtatanim ng gulay sa inyong likod-bahay.

____ 4. Kumakain ka ng junk foods at ipinamimigay ang iba sa mga kaklase.

____ 5. Masaya kayong nagkukwentuhan sa harap ng bahay nang biglang

magkaayaang maligo sa malalim na ilog.

GAWAIN 2

Ipahayag Mo

1. Nakita mo ang kaklase mo na nag-iisa sa oras ng tanghalian. Hindi siya kumakain at

nang kausapin mo siya, sinabi niyang wala siyang baong pera o pagkain. Ano ang gagawin

mo?

2. Pinaglalaruan ng iyong kapatid ang isang bola habang siya ay kumakain. Nakita

mong pagulong-gulong ang bola sa putikan. Ano ang gagawin mo?

Pagnilayan Natin

Punan ng angkop na salita upang mabuo ang talata.

kapwa pamumuhay pakikipag-ugnayan

kalusugan kakayahan buhay masaya

Kapag ang isang bata ay _____________sa kanyang pang araw-

araw na _____________, nangangahulugan ito na siya ay may mabuting

_____________ sa kanyang _____________.

Mahalaga ito sa pagpapanatili ng _____________ ng isang bata

dahil nalilinang nito ang _____________ niya na magkaroon ng

positibong pananaw sa _____________.

15

Page 17: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Sanggunian:

https://www.google.com.ph/search?q=boy+and+girl+clipart&biw=1366&bih=667&tbm

https://www.google.com.ph/search?q=mga+batang+tapat+cliparts&biw=1366&bih

https://www.google.com.ph/search?q=mga+batang+malusog+cliparts&biw=1366&bih

16

Page 18: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 5

Mga Pamamaraan Upang Mapabuti

ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

Bawat bata ay may karapatang makipag-ugnayan sa kapwa, maging ito man ay kaklase,

kaibigan, kapitbahay, o kapamilya. May mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang di-

pagkakaunawaan sa pagitan nila. Naranasan mo na bang magkaroon ng kaaway?

Pag-usapan Natin

IARTE MO

Bumuo ng mga pangkat na may 4-5 miyembro. Isadula ang sitwasyon na mababasa sa

Scenario card na ibibigay ng guro.

Matapos maipakita ng bawat pangkat ang inihandang role play, sagutin ang mga

tanong.

a. Ano ang ipinakikita sa role play?

b. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang karakter o ugaling ipinakita ng bawat isa?

Pag-aralan Natin

ISIPIN MO

Sagutin ang mga tanong.

a. Ano ang napulot mong magandang aral sa mga sitwasyong ipinakita?

b. Kanino maaaring lumapit o humingi ng tulong kapag nakaranas ng di-

mabuting pakikipag-ugnayan?

c. Paano mapapabuti ang iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa?

a. nambu-bully ang iyong kaklase

b. nangopya ang iyong kaklase kaya mataas

ang nakuha niya sa exam

c. nag-aaway ang mga nakababata mong

kapatid

17

Page 19: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

BASAHIN MO

Pakikipagkapwa-tao

may respeto o paggalang sa pakikitungo sa iba

may pakikinig at kabukasan( open-mindedness) sa opinyon at pananaw

ng iba

marunong tumanggap ng puna at pagkakamali

may mapayapang disposisyon

may paniniwala sa pagkakapantay-pantay ng lahat ( walang paghuhusga

maging sa relihiyon, kulay, kasarian, o lahi)

Pagsikapan Natin

Mga Taong Makatutulong Upang Mapabuti

ang Pakikipag-ugnayan sa Kapwa

Kapatid at Magulang

Kaibigan

Guro

Punungguro

Guidance Counselor

ITAPAT MO

Pagtapatin ang larawan ng taong makatutulong upang mapabuti ang iyong pakikipag-

ugnayan sa kapwa at ang katawagan dito.

1.

2.

3.

magulang

kaibigan

guro

18

Page 20: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

GAWAIN 1

Lagyan ng kung ang nakasaad ay makapagpapabuti ng pakikipag-ugnayan sa

kapwa.

____ 1. Nakikipaglaro ka sa iyong mga nakababatang kapatid.

____ 2. Nakita mong nangongopya ang iyong kaklase at sinabi mo ito sa iyong guro.

____ 3. Pinagsabihan mo ang kaklase mong nambu-bully.

____ 4. Pinaiiyak mo ang iyong kapatid para hindi sumali sa inyong laro.

____ 5. Nagpapaalam ka nang maayos sa iyong magulang kung mayroon kang gustong

puntahan.

Pagnilayan Natin

Dapat bang maging maayos ang pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa? Bakit?

Sanggunian:

https://www.google.com.ph/search?q=guro+cliparts&biw=1040&bih=619&source=lnms&tbm=isc

h&sa=X&ved=0ahUKEwi_oJ_k5u7MAhUB5aYKHWoUA2sQ_AUIBigB

https://www.google.com.ph/search?q=parents+cliparts&biw=1040&bih=575&source=lnms&tbm

=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiB6qHY5-

7MAhWBGpQKHUeGB7sQ_AUIBigB#tbm=isch&q=friends+cliparts

https://www.google.com.ph/search?q=parents+cliparts&biw=1040&bih=575&source=lnms&tbm

=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiB6qHY5-7MAhWBGpQKHUeGB7sQ_AUIBigB#imgrc=-

67OG3XT7_WukM%3A

19

Page 21: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 6

Kalusugang Pangkaisipan, Emosyonal, at Sosyal

Pag-usapan Natin

MASDAN MO

Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga tanong.

a. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?

b. Ano ang mensaheng ipinakikita ng ng mga ito?

Social Anxiety - nagpapahiwatig ng matinding self-consciousness at takot na

nagdudulot ng pagkamahiyain ng isang bata

Mood Swings - mabilis na pagbabago ng pakiramdam ng isang tao

Teasing - panunukso o panunudyo

Bullying - pang-aasar o panloloko na humahantong sa pagsasakitan

Harassment - paggawa ng hindi kaaya-ayang gawain sa ibang tao sa pamamagitan ng

pamimilit o paggamit ng dahas

Emotional and Physical Abuse – pang-aabusong pisikal at emosyonal (damdamin o

nararamdaman)

20

Page 22: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-aralan Natin

KALUSUGANG PANGKAISIPAN (MENTAL HEALTH)

Ang kalusugang pangkaisipan ay ang ating abilidad na makapagsaya sa ating buhay at

malampasan ang mga pasanin ng pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang mabuting kalusugang pangkaisipan ay nagpapahintulot sa iyong maging

kapakipakinabang, ang magkaroon ng katuparan sa mga relasyon sa ibang tao, at ang

umangkop sa mga pagbabago at malampasan ang mga panahon ng kahirapan.

Maraming mga kadahilanan ang nag-aambag sa kalusugang pangkaisipan:

Pagpapahalaga sa sarili at pagkamaalam sa sarili

Diyeta at ehersisyo

Mga relasyon sa pamilya, mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho

Mga pananalapi

Paano mo ipinahihiwatig ang iyong nararamdaman

KALUSUGANG EMOSYONAL (EMOTIONAL HEALTH)

Paano Mabibigyan ang mga Bata ng Kalusugang Emosyonal

1. Magkaroon ng panahon upang MAKINIG SA MGA BATA at mararamdaman nilang

mahalaga sila, makakapag-isipsila ng mahusay, makakahanap sila ng mga tamangparaan

upang malutas ang kanilang mga problema.

2. IGALANG ANG MGA BATA. Lalaki silang may paggalang sa sariliat sa kapwa.

3. PURIHIN ANG MGA BATA ang kanilang pagkatao,ang hitsura at anyo nila,

ang pagkakaroon nilang sariling kaisipan at kagustuhan.

4. PAYAGAN SILANG MATAKOT AT MAGALIT. Ang pag-iyak at pag-alboroto ay nakakabuti.

Naalis nilaang lungkot, pagkayamot at pagkabigo, at alam ng mgabata ito. Tayong lahat ay

natatakot kung minsan, atnabibigo, at kailangan nating umiyak paminsan-minsan.

5. MAKIPAGLAROSA MGA BATA Natututo, sumisibol at nagmamahal sila habang

nakikipaglaro. Pabayaan mong sila ang pumiliat mamuno ng laro.

6. HAYAANG SILA ANG MAG-ISIPNG SARILI NILANG DESISYON hangga’t maari sa

ganyang paraan, lalaki silang may kumpyansa at marunong magdisisyon.

7. MAGTAKDA NG MAKATUWIRANG HANGGANAN at alalahaning ang pagpuri aymas

mabisa kaysa parusa!

21

Page 23: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

KALUSUGANG SOSYAL (SOCIAL HEALTH)

Ang paglalaro ay isang natural at kinakailangang gawain para sa mga bata anumang

edad. Ito ay nakakatulong para sila ay lumaki, matuto at mabuo ang pagkatao.

Ang paglalaro ay magpapayaman ng kalusugang piskal at kaisipan at nagpapaunlad ng

aspetong sosyal at intelektuwal.

Kung ang mga bata ay naglalaro, natututunan nilang alamin ang kapaligiran. Nagiging

malikhain mag-isip at marunong tumanggap ng pag subok at anumang mga pagbabago sa

buhay.

Halos lahat ng bata ay naglalaro depende sa edad, personalidad, kakayahan at mga

karanasan.

Pagsikapan Natin

GAWAIN 1

Punan ang tsart ng mga gawain na makalilinang sa kalusugang pangkaisipan,

emosyonal at sosyal. Isulat sa tapat ng tamang kahon.

PANGKAISIPAN EMOSYONAL SOSYAL

Nakakapagdesisyon para sa sarili

Gumagastos ng naaayon sa pangangailangan

Naigagalang ang kagustuhan ng iba

Nakikisalamuha sa kapwa

Nakikipaglaro nang maayos

Nakauunawa ng mga aralin sa paaralan

22

Page 24: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

GAWAIN 1

Isulat sa patlang ang tamang sagot. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.

_______________ 1. Ito nagpapahiwatig ng matinding self-consciousness at takot na

nagdudulot ng pagkamahiyain ng isang bata.

_______________ 2. Ito ay panunukso o panunudyo sa kapwa.

_______________ 3. Ito ay paggawa ng hindi kaaya-ayang gawain sa ibang tao sa

pamamagitan ng pamimilit o paggamit ng dahas

_______________ 4. Ito ay pang-aabusong pisikal at emosyonal (damdamin o nararamdaman).

_______________ 5. Ito ay pang-aasar o panloloko na humahantong sa pagsasakitan.

_______________ 6. Ito ay ang mabilis na pagbabago ng pakiramdam ng isang tao

Pagnilayan Natin

Dapat bang iwasan ang panunukso sa kapwa? Bakit?

Social Anxiety Teasing Harassment

Emotional and Physical Abuse Mood Swings Bullying

23

Page 25: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Sanggunian:

http://tagalog.inmylanguage.org/article.aspx?cat=MENHEALTHADD&docid=2272464

https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=PFFCV7iSCp2T9QWYhIHABg&gws_rd=ssl#q=kalus

ugang+emosyonal&start=10

https://www.google.com.ph/?gfe_rd=cr&ei=PFFCV7iSCp2T9QWYhIHABg&gws_rd=ssl#q=kalus

ugang+sosyal

https://www.google.com.ph/search?q=kalusugang+sosyal&biw=1366&bih=667&source=lnms&t

bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiWxtWs--

7MAhXDHpQKHejhCYUQ_AUIBygC#tbm=isch&q=kalusugang+pangkaisipan+cliparts

https://www.google.com.ph/search?q=kalusugang+sosyal&biw=1366&bih=667&source=lnms&t

bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiWxtWs--

7MAhXDHpQKHejhCYUQ_AUIBygC#tbm=isch&q=mga+batang+nakikipaglaro+cliparts

https://www.google.com.ph/search?q=kalusugang+sosyal&biw=1366&bih=667&source=lnms&t

bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiWxtWs--

7MAhXDHpQKHejhCYUQ_AUIBygC#tbm=isch&q=emosyonal+na+kalusugan+cliparts

https://www.google.com.ph/search?q=kalusugang+sosyal&biw=1366&bih=667&source=lnms&t

bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiWxtWs--

7MAhXDHpQKHejhCYUQ_AUIBygC#tbm=isch&q=mood+swings+cliparts&imgrc=EoDKsfFO-

A_QcM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=kalusugang+sosyal&biw=1366&bih=667&source=lnms&t

bm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiWxtWs--

7MAhXDHpQKHejhCYUQ_AUIBygC#tbm=isch&q=bullying+cliparts

24

Page 26: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin7: Kalusugan ng Kaiisipan, Emosyonal at Social

Pag-usapan Natin

Basahin ang talata.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang binasang talata?

2. Ano ang naidudulot ng mahusay na pakiramdam ng katawan sa isipan ng isang tao?

3. Ano- anong ang dapat ginagawa ng isang taong gulo ang isipan?

4. Ano-ano kaya ang maari mong isagawa upang magin malusog ang iyong isipan at

katawan

B. Pag- aralan Natin

Punan ang tsart.

Katangian Ng May Malusog

Na Pag-Iisip

Katangian Ng May Malusog

Na Emosyonal

Katangian Ng May Malusog

Na Social

Ano ang kaugnayan ng kalusugan ng katawan sa kalusugan ng kaisipan? Maraming

bilang ng mga pananaliksik ang nagsasabi na ang kalusugan ng katawan at kaisipan

ay tutoong magkaugnay. Kung mahusay ang pakiramdam ng inyong katawan,

kadalasan ay mas mahusay ang nararamdaman ng inyong kaisipan, at kung minsan

ang mga sintomas ng karamdaman ng katawan ay maaaring magbigay ng ideya na

may sakit ito sa kaisipan kahit naturingang wala. Ibig sabihin nito, mahalaga na ang

mga taong may sakit o gulo ang kaisipan ay tumanggap ng de kalidad na pag-aalaga

sa katawan at kaisipan. Kung kayo ay gumagamit o kliyente ng mga serbisyo sa

kalusugan ng kaisipan, mas makatwiran na parehong isaalang-alang ng mga serbisyo

sa kalusugan ng kaisipan ang kalusugan ng inyong katawan sa pagbibigay ng pag-

aalaga sa inyo

25

Page 27: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

C.Pagsikapan Natin

Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang mga sumusunod na pahayag ay

nakakaapekto sa kalusugan ng tao at ng kanyang pagkatao.

__1. May positibong pananaw sa buhay

__2. Marunong makisama sa mga taong nakapaligid sa kanya

__3. May malusog na pag-iisp.

__4. May bukas na puso at isipan

__5. May respeto sa nararamdaman ng iba.

D.Pagyamanin Natin

Kaya natin.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalaga na ang isang bata ay mayroong malusog na pag-iisip?

2. Paano nakatutulong ang malusog na pag-iisip,emosyonal at social sa kalusugan ng

isang bata at sa paghubog ng kanyang pagkatao?

3. Ano-ano an maari mong gawin upang magkaroon ka ng malusog na

kaisipang,emosyonal at social?

E.Pagnilayan Natin

Tandaan Mo!

Isulat sa “House Organizer” ang lahat ng iyong natutunan tungkol sa epekto ng

malusog na kaisipan,emosyonal at social.

26

Page 28: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 8 :

Pag-iwas sa Pang bubully, Panunukso at Pang-aabuso

A. Pag- usapan Natin

Ano-ano ang inyong napansin sa larawan?

Sino sa inyo ang nakaranas na na mabully o di kaya ay matukso ng inyong mga ka

klase?

Anu-anong mga hakbang ang inyong ginawa matapos ang panunukso?

B. Pag- aralan Natin

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

Ang Batang Maikli Ang Isang Paa

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon at

nakakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga magulang sa mahuhusay

na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw

magiging lumpo si mutya. Labis na nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.

Lumaki si mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan ng panunukso

nang magsimula na siyang mag-aral.

"O, hayan na si pilantod! Padaanin ninyo!" tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa kanya. Lumaki

siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang

malaking pananalig sa diyos kaya naman nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang

maluwag sa loob niya.

Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba't ibang

instrumento sa uwido lamang. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano. At

natuklasan ni mutya na kulang man siya ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika.

Maraming mga guro sa musika ang humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging

estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang piyanista. Nakarating

na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga

siya sa palasyo ng hari ng espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon.

27

Page 29: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano- anong panunukso ang naranasan ni Mutya habang siya ay lumalaki?

2. Paano niya ito nilabanan?

3. Nakahadlang ba kay Mutya ang kanyang kapansanan? Patunayan.

C.Pagsikapan Natin

Laruin ang larong, paano kaya kung...........

May nakita kang kaklaseng inaasar at pinipikon ng isa pang kaklase

Minura ka ng iyong kaklase

Nasaktan mo ang damdamin ng isa mong kaklase.

Nakita mo na ang kaklase mo ay minamaltrato ng tatay niya

D.Pagyamanin Natin

Kaya natin.

Isadula ang mga paraan kung paano makakaiwas sa mga pang bubully, panunukso at pang-

aabuso.

Unang Grupo: Huwag mag react at huwag gumanti

Ikalawang Grupo: Huwag lumapit sa mga bully at huwag gumanti sa mga bully

Ikatlong Grupo: Magpatawa at Umalis sa mga taong nambubully

Ika-apat na Grupo: Magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at magsumbong sa guro.

28

Page 30: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

E.Pagnilayan Natin

Gawin.

Kompletuhin Mo Ito....

Dagdagan ng salita o lipon ng mga salita upang makabuo ng makabuluhang pangungusap sa pag-

iwas sa mga bully, panunukso at pang-aabuso.

1. Kapag ako ay nakakita ng batang tinutukso agad ko itong_____________________________

2. Ang mga batang nang bubully ay dapat isumbong sa guro upang sila ay__________________

3. Maiiwasan ko na ako ay mabully o tuksuhin sa kung ako ay________________________

4. Malalabanan natin ang bullying kung tayo ay_______________________________________

5. Ang bullying, panunukso at pang-aabuso ay bagay na di ko gagawin dahil ito ay

____________________________.

F. Takdang Aralin.

Mag-interview sa inyong lugar ng mga batang nakaranas nang mabully, tuksuhin at abusuhin.

Ipatala sa kwaderno kung anong hakbang ang ginawa nila paraito ay maiwasan.

29

Page 31: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 9 : Mga Bagay at Taong Nakatutulong sa mga Problemang Pangkalusugan

Pag-usapan Natin

A. Tingnan ng mabuti ang mga larawan

Itanong:

a. Kilala ba ninyo ang nasa larawan? Sino – sino ang mga nasa larawan?

30

Page 32: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

b. Saan natin sila madalas nakikikita?

c. Sino sa inyo ang may karanasan nang makapag pa-konsulta sa mga nasa

larawan? Isalaysay ang iyong karanasan.

B. Pagsikapan Natin

Balikang muli ang mga larawan sa Pag-usapan Natin. Ang bawat grupo ay pipili

ng isang larawan. Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa maari nilang maitulong

kung sakaling makaranas ka ng problema sa kalusugan ng pag-iisip, emosyonal, sosyal

at iba pang mga usaping pangkalusugan .

C.Pagsikapan Natin

Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang mga sumusunod na kasangkapan o

bagay ay nakatutulong upang maging malusog ang ating isipan, damdamin at ang

kalusugang pang sosyal.

__1. ____2.

31

Page 33: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

__3. __4.

___5.

D. Pagyamanin Natin

Laruin ang “ Hulaan mo Kung Sino Ako”

E. Pagnilayan Natin

Punan ng angkop na salita o lipon ng mga salita ang mga sumusunod na

pangngusap upang maging makabuluhan.

32

Page 34: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

1. Kapag ako ay nakararanas ng hindi maganda sa aking katawan, ako ay agad

na________________________________________________________.

2. Kapag naramdaman ko sa aking sarili na ako ay nalulungkot , agad

akong______________________________________________________.

3. Upang lagi kong mapanatiling malusog ang aking isipan at katawan ako ay palaging

___________________________________________________________.

33

Page 35: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
Page 36: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 1

Mga Pagbabagong Nagaganap sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Basahin ang sumusunod na artikulo at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na

pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang

magparami nang sekswal. Ito ay pinasisimulan ng mga hudyat ng hormones mula sa utak

patungo sa gonad: ang mga obaryo para sa mga babae at testes naman para sa mga lalaki.

Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas ng hormones na maguudyok ng libido

at ng paglaki, gampanin at ang pagbabago ng utak, mga buto, kalamnan, dugo, balat, buhok,

dibdib, at ari. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati ng

pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong

katawan.

1

Page 37: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10 hanggang 11.

Samantala ang mga lalaki ay nagsisimula naman sa gulang na 11 hanggang 12. Ang mga

babae ay karaniwan ring dumadaan sa ganap na pagdadalaga sa gulang na 15-17, habang ang

mga lalaki ay ganap na nagbibinata sa gulang na 16-17. Isang mahalagang hudyat ng

pagdadalaga ang menarche, ang panimulang regla, na karaniwang sumisibol sa gulang na 12-

13; para sa kalalakihan, ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng semilya na karaniwang

nagaganap sa gulang na 13. Noong ika-21 na siglo, ang karaniwang gulang kung saan ang

mga bata, lalo na sa kababaihan, na dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung

ihahambing sa ika-19 na siglo, kung saan 15 ang gulang ng mga babae at 16 sa mga lalaki. Ito

ay maaaring dulot ng ilang salik, kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa

matuling paglaki ng katawan, pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba, o di kaya’y

pagkakababad sa endocrine disruptors tulad ng xenoestrogens, na maaaring dahil sa

pagkonsumo ng pagkain o iba pang pangkapaligirang salik. Ang pagdadalaga o pagbibintang

na mas maagang nagsisimula ay tinatawag ding precocious puberty. Ang pagdadalaga o

pagbibinatang nahuhuli ay delayed puberty.

Pag-aralan Natin

Mga Tanong:

1. Ano ano ang mga pagbabagong pisikal nagaganap sa panahon ng pagdadalaga?

2. Ano ano ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahon ng pagbibinata?

3. Normal ba na makaranas ka ng ganitong pagbabago? Bakit?

Pagsikapan Natin

1. Anu-anong pagbabagong pisikal ang nakikita sa:

a. Nagdadalaga?

b. Nagbibinata?

Pagyamanin Natin

1. Gumawa ng isang scapbook ng iyong sarili mula sa pagiging sanggol sa

hanggang sa paglki.

2. Lagyan ng makabuluhang salita ang bawat pagbabagong naganap sa iyo.

*Kaya Mo Yan

Sa huling pahina ay dugtungan ang mga pariralang ito:

c. Ang nais ko sa aking paglaki....

2

Page 38: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

________________________________________________________________

________________________________________________________________

______________________________________________________________.

d. Ang aking pangarap ay...

________________________________________________________________

________________________________________________________________

_______________________________________________________________.

Pagnilayan Natin

Normal sa isang bata ang magkaroon ng mga pagbabago sa sarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga. Kailangang pahalagahan at pangalagaan nang wasto ang sarili sa panahong ito.

1. Bilang isang nagbibinata at nagdadalaga paano mo pahahalagahan at pangangalagaan

ng wasto ang iyong sarili sa panahong ito?

Sanggunian:

Ventura, Ana B. , Deliarte, Evelyn D. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Copyright 2006 Adriana Publishing Co, INC Cubao, Quezon City Philippines https://tl.wikipedia.org/wiki/Kabagungtauhan

http://know-your-body.wonderhowto.com/how-to/early-puberty-affects-health-young-girls-

0156515/

3

Page 39: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 1: Mga Pagbabagong Emosyonal at Sosyal sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Ang pagbabago sa ugali ng mga nagbibinata at nagdadalaga ay kapansin-pansin. Totoong napapahilig sila sa pakikipagkaibigan ngaunit ang pagiging mapag-isa kung ninanais ay dapat pahalagahan dahil ito ang panahon upang makapag-isip ng mga dapat at di dapat para sa sarili. Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay nagiging mapili na rin sa gustong kagamitan. Hindi lamang sila nagiging maayos sa sarili kundi gayundin sa mga damit at iba pang kagamitan. Mamamasid din sa kanila ang kasipagan at paggawa nang may kusa. Ang pagiging matulungin at mapagkalinga sa kapwa ay makikita sa kanilang pakikitungo sa mga kaibigan at kapatid. Ang pagtanggap ng responsibilidad ay isang hudyat ng pagtitiwala sa sarili na gusto rin nilang pahalagahan. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay naapektuhan din ang damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata. Ang mga kabataang ito ay nagiging palaayos sa sarili ay normal na bahagi at dahil dito ay nagiging palahanga sa mga taong mapag-ayos at may magandang tikas ng katawan na nagiging idolo nila sa paglak. Maging sa sarili ay mapaghanap sila ng pansin mula sa kapwa at mga magulang. Dito rin maigting ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali kaya’t ang pakikisama ay dapat nilang matutunan at pahalagahan. Sa panahong ito, ang pagtitiwala sa sarili ay makatutulong sa pagiging matatag na siyang susi upang maging maunlad at malawak ang pag-unawa sa buhay. Ang mga kasambahay at kaibigan ay dapat namang magpakita ng pag-unawa, pagkilala, at pagtitiwala na siyang makatutulong sa pagpapaunlad ng mga nagbibinata at nagdadalaga.

4

Page 40: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

A. Pagusapan Natin Bumuo ng dalawang grupo at pagusapan ang mga pagbabagong emosyonal at

sosyal sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga. Saguting ang sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang mga pagbabagong emosyonal ang nararanasan ninyo sa inyong pagdadalaga / pagbibinata?

2. Anu-ano ang mga pagbabagong sosyal ang nararanasan ninyo sa inyong pagdadalaga / pagbibinata?

B. Pagaralan Natin Lagyan ng Tsek (/) kung pagbabagong emosyonal at ekis(x) kung pagbabagong sosyal. ___1. Pagiging mapili ng kagamitan. ___2. Paghahanap ng pansin mula sa kapwa ang magulang. ___3. Pagtanggap ng responsibilidad mula sa iba. ___4. Maigting ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali sa iba. ___5. Pagiging maitin ang ulo sa ilang mga sitwasyon.

C. Pagsikapan Natin

Anu-anong pagbabagong sosyal at emosyonal ang nakikita sa:

a. Nagdadalaga?

b. Nagbibinata?

D. Pagyamanin Natin Kaya mo Yan Magsadula ng ilang mga sitwasyon na nagpapakita ng mga pagbabagong emosyonal at sosyal sa panahon ng Puberty at kung ano ang tamang gawin upang malampasan ang mga ito.

E. Pagninilay Pangkalusugan

1. Anu-ano ang mga dapat na gawin sa mga pagbabagong nagaganap sa iyo bilang

isang nagdadalaga at nagbibinata?

F. Takdang Aralin

Gumawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga pagbabagong emosyonal at

sosyal sa mga nagbibinata at nagdadalaga.

References: Ventura, Ana B. , Deliarte, Evelyn D. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Copyright 2006 Adriana Publishing Co, INC Cubao, Quezon City Philippines

5

Page 41: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Health Grade V

KAGAMITAN NG MAG-AARAL

YUNIT II

Aralin 5: Mga Pangkalusugang Isyu at Usapin sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Bakit Ako Mahihiya?

Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang nagdadallaga at nagbibinata

ay hindi dapat ikahiya dahil ito ay normal lamang. Mapapansin natin na kapag ang mga

kabataan ay umabot na sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng isyu o usapin na labis na

nakakaapekto sa kanyang paglaki bilang indibidwal.

Bilang mga kabataan na magdaraan sa ganitong sitwasyon, dapat niyong

tanggapin at unawain ang mga pagbabagong ito. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga

isyu/usapin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Mga isyung pang-nutrisyon

Pagbabago-bago ng kasalukuyang emosyon

Di kanais-nais na amoy

Pangangalaga sa ngipin at iba’t-ibang bahagi ng bibig

Pagkakaroon ng tagiyawat

Pagkahukot

Mga usapin sa pagreregla ng babae

Maaga at di-inaasahang pagbubuntis

Sexual Harassment (Abusong Sekswal

Nahihiya akong ideretso ang katawan ko, lumalaki kasi ang dibdib ko.

Bakit kaya lumalaki ang boses ko? Hindi naman dati ganito ah!

6

Page 42: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-usapan Natin

Tingnan ang mga larawan. Sagutan ang mga tanong tungkol ditto.

Mga Tanong:

1.) Ano ang masasabi mo sa unang larawan?

2.) May pagbabago bang naganap sa pisikal na kaanyuan ng ikalawang larawan?

3.) Ano ang iyong masasabi sa ikatlong larawan? Ano pa ang ibang pagbabagong

nagaganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata maliban sa pisikal na anyo?

Pag-Aralan Natin

Basahin ang talata na nasa ibaba. Sagutin ang sumusunod na mga tanong

Mga Isyu at Usapin sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Kapag ang batang lalaki o babaeay dumating na sa eda 10-16, siya nasa

“Puberty Stage” na. Ang mga nagaganap na pagbabago ay nagsisimulang mapansin sa

kaanyuan, pangangangatawan at pagkilos.

Pagkalito at pagkabahal ang kanilang nararanasan lalo na pagdating sa

pangkalusugang aspeto. Nagkakaroon ng maraming usapin/isyu tungkol dito.

7

Page 43: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay naapektuhan din ang kanilang damdamin.

Ang mga kabataang ito ay nagiging mahiyain at maramdamin, madaling mabugnot at

palakain. Ang pagkakaroon ng di kanais-nais na amoy ng katawan dulot ng pagiging

aktibo ng kanilang “sweat glands”. Nagiging hukot ang porma ng katawna ng isang

babae dahil nag-aalangan siya sa paglaki ng kanyang dibdib kasabay ang mga sintomas

ng pagkakaroon ng regal ng babae.

Ang pinaka-malaking isyu/usapin sa panahon ng puberty ay ang maaga at di

inaasahang pagbubuntis ng isang babae na madalas na nangyayari kung hindi mag-

iingat. Nakakaranas din ng “Sexual Harassment” o abusing sekswal ang mga batang

nagdadalaga at nagbibinata.

Mga Tanong:

1.) Anong edad ng lalaki at babae ang nasasakop ng puberty stage?

2.) Magbigay ng ilang pagbabago sa katawan ng babae sa panahon ng pagdadalaga.

3.) Nagkakaroon bar in ng pagbabago sa damdamin ang mga lalaki sa panahon ng

pagbibinata? Magbigay ng halimbawa.

4.) Kailan masasabi na ang isang nagdadalaga at nagbibinata ay nakakaranas ng sexual

harassment?

5.) Bigyang depinisyon ang “early/unwanted pregnancy”.

Pagsikapan Natin

Hatiin ang klase sa 3 grupo. Hikayatin ang bawat grupo na ipakita ang mga

pangkalusugang isyu/usapin sa pamamagitan ng mga sumusunod. (Pumili lang ng isa.)

Dula o role play

Skit

News report

Awitin o sayaw

Pagsasalarawan

8

Page 44: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

Kaya Natin! Magtala ng 5 isyu/usapin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinta na sa palagay mo

ay nangangailangan ng pag-iingat at pag-aalaga.

1.) __________________________________________________

2.) __________________________________________________

3.) __________________________________________________

4.) __________________________________________________

5.) __________________________________________________

Pagnilayan Natin

(Ulat Pangkalusugan) Ipaliwanag kung bakit kailangan nating tanggapin ang lahat ng pagbabago sa

atig katawan, kaisipan at damdamin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Takdang Aralin

Mag-interview ng isang adult at itanong ang mga sumusunod.

1.) Ilang taon ka nagkaroon ng menstruation? (kung babae) Nagpatuli? (kung lalaki)

2.) Ano-anong mga pagbabagong pisikal, mental at emosyonal ang nararanasan mo

noong nasa puberty age ka?

3.) Alin sa mga pangkalusugang isyu/usapin ang hindi mo nagustuhan? Ipaliwang

kung bakit.

4.) Paano mo ito nalampasan at natanggap na ito ay normal lamang sa isang

nagdadalaga at nagbibinata.

9

Page 45: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Health Grade V

Kagamitan ng Mag-aaral

Yunit II

Aralin 6: Nailalagay ang Sarili sa Sitwasyon ng mga Kabataang Nakakaranas ng mga

Usapin at Suliranin Dulot ng Pagdadalaga at Pagbibinata Tulad ng maaga at Di-

Inaasahang Pagbubuntis

Pag-Usapan Natin

Makinig sa guro habang nagsasalaysay tungkol sa larawan.

Mga Tanong:

1.) Batay sa istorya/larawan, anong usapin ang kinahinatnan ng batang babae?

2.) Sa iyong palagay, maaari ba itong maiwasan ng mga babaeng menor de edad?

3.) Kung ikaw ang nasa sitwasyon sa larawan, ano ang gagawin mo para maiwasan ito?

10

Page 46: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-aralan Natin

Menor De Edad!

Maraming paraan para maiwasan ang maagap na pagbubuntis ng isang menor de edad

at isa sa pinakamabisang paraan ay ang sekswal na pagpipigil o yung pag-iwas sa

pakikipagtalik sa murang eded. Ngunit paano ito magkakaroon ng katuparan?

Sa puntong ito, malaki ang maitutulong ng tamang pag-gabay ng mga magulang sa

bata. Pangalawa, ang pangaral/sermon na nakukuha o naririnig sa simbahan at siguro ay mas

makakatulong kung magkakaroon ng school curriculum tungkol sa “sexuall abstinence” tulad sa

ibang bansa.

Pagsikapan Natin

Pangkatang Gawain

Ano ang Aking Gagawin?

Lagyan ng tsek ang mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang

maagap at di-inaasahang pagbubuntis.

1.) Makinig sa payo ng mga magulang.

2.) Makipagbarkada at makipaglasingan sa mga lalaki.

3.) Magsimba tuwing lingo.

4.) Makipagrelasyon sa may asawa.

5.) Unawain ang leksyon ng guro tungkol sa “Reproductive System”.

11

Page 47: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

Pumili ng isa sa mga sagot mo sa “Pagsikapan Natin”. Ipaliwanag kung

bakit ito ang napili mong pinakamabisang paraan.

Pagnilayan Natin

(Ulat Pangkalusugan)

Isulat ang sagot sa manila paper.

Free Discussion sa bawat grupo. Talakayin ang mga negatibong epekto

ng maagap at di-inaasahang pagbubuntis ng isang babae. Magbigay ng

isang paraan para maiwasan ito.

Takdang Aralin

Mag-interbyu ng isang prpesyonal/bihasa (guro, doktora o ina ng tahanan

na may karanasan na). Hingan ng impormasyon o kro-kuro kung paano

matatanggap o maiiakma ng mga kabataan ang kanilang sarili sa mga

pangkalusugang usapin at isyu sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

12

Page 48: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

ARALIN 9 : Pangangalaga sa Sarili sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Pag-usapan Natin

Tukuyin Natin...

Anu-ano ang mga pagbabagong pangkasarian ang pangunahing nagaganap sa isang

nagdadalaga at nagbibinata? Hayaang magbagi ang mga mag-aaral ayon sa sarili nilang

karanasan.

Pag-aralan Natin

Suriin ang nasa larawan. Ano ang napansin mo sa larawan?

Anu-ano ang mga wastong pangangalaga ng sarili sa panahon ng pagdadalaga at

pagbibinata? Itala sa pisara ang lahat ng sagot,lagyan ng tsek ang tama at ekis ang mali.

13

Page 49: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagsikapan Natin

Sagutan Natin

1. Isa-isahin ang mga paraan ng pangangalaga sa katawan sa panahon regla at kapag

bagong tuli.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2. Bakit kailangan ang pag-iingat at kalinisan ngkatawan sa panahon ng pagdadalaga /

pagbibinata? Paano ninyo isinasagawa?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Tayo’y Magpangkat!

Bumuo ng 2 grupo,ibigay ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa sarili.

Unang Grupo – Panahon ng Pagdadalaga

Ikalawang Grupo – Panahon ng Pagbibinata

Tandaan Mo!

A. Isulat ang K kung katotohanan at O kung opinyon ang mga sumusunod.

______1. Iwasan ang pagkain ng mga maaasim at makatas sa panahon ng regla o bagong tuli.

______2. Gawin ang mga dating ginagawang tungkulin sa bahay kung may regla.

______3. Maligo araw-araw kung may regla.

______4. Manatiling nakahiga kapag may regla.

______5. Ang regla ay isang sakit.

B. Magbigay ng mga paraan ng pagsasagawa ng pangangalaga ng inyong sarili kapag

kayo’y may regla / bagong tuli.

Pagyamanin Natin

Pagnilayan Natin

14

Page 50: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Gumawa ng slogan tungkol sa pangangalaga ng sa ating sarili (pisikal man o

emosyunal) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Takdang-Aralin

15

Page 51: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

ARALIN 10

(SEX AND GENDER) AT MGA TUNGKULING KAAKIBAT NITO

Ang bawat tao ay may pagkakaiba-iba. Ang mga pagkakaibang ito ay depende sa

kinabibilangang pamayanan ng isang indibidwal base sa kultura, tradisyon at paniniwala ng

naturang pamayanan. Ang mga ito ang nagdidikta kung ano ang mga dapat at hindi dapat

gawin ng isang tao upang siya ay maging katanggap-tanggap sa mata ng lipunan. Ang mga ito

rin ang humuhubog sa buong pagkatao ng isang indibidwal at ng kanyang pagka-lalaki o pagka-

babae.

16

Page 52: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-usapan Natin

Picture, Pictue…

1. Ano-ano ang iyong mga napansin sa mga larawan?

2. Ano ang pinagkaiba ng bawat larawan sa isa’t-isa?

3. Sang-ayon ba kayo sa mga larawan na ito?

Pag-aralan Natin

SEX – ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng pagkakaiba ng

chromosomes, hormonal profiles, panloob at panlabas na ari.

GENDER – naglalarawan ng mga katangian ng lalaki at babae na kung saan ang kultura,

tradisyon at paniniwala ng isang lipunan ang nagdidikta ng pagka-lalaki o pagkababae ng isang

tao.

17

Page 53: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

GENDER IDENTITY – ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki , babae

o transgender batay sa kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.

GENDER ROLES – ay tumutukoy sa mga kaugalian, kaisipan, responsibilidad at gawain ng

mga lalaki at babae batay sa idinidikta ng kultura, tradisyon at paniniwala ng isang lipunan.

Bakit nga ba nagkakaroon ng pagkaka-iba ang mga ginagampanang tungkulin ng mga lalaki at

babae?

MGA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA GENDER IDENTITY AT GENDER ROLES

1. PAMILYA. Sa loob ng pamamahay unang-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng

bagay na may kinalaman sa kaniyang sarili at kanyang mga tungkulin sa pamilya. Dito unang

hinuhubog ang mga bata sa pamamagitan ng mga itinakdang obligasyon sa kanila ng kanilang

mga magulang tulad ng:

a. Pag-iigib ng tubig para sa mga lalaki at paghuhugas naman ng mga pinggan sa mga babae,

at

b. Pagtulong ng lalaking anak sa kaniyang tatay sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa

bahay habang ang mga babae naman ay tumutulong sa kanilang nanay na maglinis ng mga

kagamitan sa bahay.

2. MIDYA. Ang panunuod ng telebisyon ay isa sa libangan ng buong pamilya sa tahanan. Dito,

ang mga bata ay nagkakaroon ng mga makabagong ideya na nakadaragdag sa pagkabuo ng

kanilang pagkatao. Anuman ang mapanuod ng mga bata sa telebisyon ay maaari nilang tularan,

taglayin at angkinin upang maging basehan nila ng kanilang mga ikikilos na magiging

katanggap-tanggap sa lipunan.

3. RELIHIYON. Ang iba’t-ibang relihiyon ay may kani-kaniyang alituntunin na sinusunod. Sa

kadahilanang ito, ito rin ay nagdidikta sa mga tao kung ano ba ang dapat at hindi dapat upang

maging katanggap-tanggap sa paningin ng kanilang kinabibilangang relihiyon.

4. PAARALAN. Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga bata. Dito ay

marami na silang mga nakakasalamuhang kapwa nila mga bata at ang kanilang guro na

18

Page 54: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

gumagabay sa kanila sa lubusang pagkilala nila sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga

tungkulin na dapat gampanan sa lipunan.

Pagsikapan Natin

Isulat kung LALAKI o BABAE ang karaniwang gumagawa ng mga tungkuling nasa ibaba.

GAWAIN Karaniwang ginagawa ng mga…

1. Pag-iigib ng tubig

2. Paghuhugas ng plato

3. Pananahi ng damit

4. Pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa bahay

5. Pagsisibak ng kahoy

6. Paglalaba

7. Pamamalantsa

8. Pagluluto

9. Pangangahoy

10. Paghahakot ng mga mabibigat na bagay

Pagyamanin Natin

Bumuo ng isang dayalogo na nagpapakita ng mga tipikal na sitwasyon sa pamilya,

simbahan, paaralan, at pamayanan.

Pagnilayan Natin

1. Bakit magkaiba ang mga gawain ng mga lalaki sa mga gawain ng mga babae?

19

Page 55: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

2. Sang-ayon ba kayo na ang mga gawaing pang-lalaki at pang-babae ay hindi dapat o kayang

gawin ng mga babae? Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat sa loob ng kahon

Takdang Aralin

Kapanayamin ang inyong mga magulang o mga lolo at lola tungkol sa kanilang mga

tungkuling ginagampanan noong kanilang mga kapanahunan. Isulat ang mga ito sa inyong

kwaderno.

20

Page 56: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
Page 57: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 1: Gateway Drugs

Pag- usapan Natin

Suriin ang mga produktong makikita sa larawan. Piliin ang mga produktong may

sangkap na caffeine, tobacco at alcohol. Pangkatin ang mga ito ayon sa sangkap

na taglay nito.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Anu- ano ang mga produktong may sangkap na caffeine? Tobacco?

Alcohol?

b. Ano ang pagkakaiba ng mga inumin o pagkaing may sangkap na caffeine

sa iba pang pagkain?

c. Anu- ano ang mga produktong may tobacco o nicotine?

d. Mayroon bang miyembro ng inyong pamilya na gumagamit ng mga

produktong ito?

e. Anu- ano naman ang mga produktong may sangkap na alcohol?

f. Mayroon bang miyembro ng inyong pamilya ang komukunsumo ng mga

produktong may sangkap na alcohol?

Caffeine Tobacco Alcohol

1

Page 58: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

g. Makabubuti ba ang pagkain o pag- inom ng mga pagkaing may sangkap na

alcohol o caffeine?

Pag- aralan Natin

Mahalaga ang mga ‘To

A. Basahin ang dayalogo at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Bihira sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

tulad ng heroin o cocaine, ang hindi nakatikim ng gateway

drugs. Unang hakbang sa paggamit ng mga ipinagbabawal

na gamot ang paggamit ng mga gateway drugs tulad ng mga

pagkaing may caffeine, tobacco at alcohol. Para sa

maraming tao, ang pag- inom ng kape ay karaniwang inumin

lamang ngunit lingid sa kanilang kaalaman, nagiging daan ito

sa pagkagumon. Unang hakbang ang pag- inom ng kape,

ang pagkonsumo ng higit sa 100mg nito ay nagdudulot sa

pagkadepende ng isang tao sa pag- inom nito,ang pag- inom

ng mga inuming may alcohol tulad ng beer at alak ay

nagdudulot dn ng adiksyon, gayundin ang paggamit ng

sigarilyo ay nagiging daan sa paggamit ng marijuana at iba

pang ipinagbabawal na gamot.

Maraming tao ang inihahalintulad ang

paninigarilyo sa pag- inom ng kape. Madalas ito

ang nagiging sanhi o simula ng paggamit ng

ipinagbabawal na gamot. Ang taong natutong

manigarilyo, karamihan ay nauuwi sa paggamit

ng ilegal na droga, at karaniwang nagiging sanhi

ito ng pagkalulong. Sa pinakabagong pag-aaral,

ang paggamit ng E- cigarette ay hindi

nakatutulong upang maiwasan ang paninigarilyo

kundi mas nagiging pangkaraniwang gawain pa

ito lalo na sa mata ng mga kabataan.

Nagpapakita lamang ito na kapag naninigarilyo

ang isang kabataan, nauuwi ito sa paggamit ng

ibang ipinagbabawal na gamot.

2

Page 59: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

1. Ano ang gateway drugs ayon sa binasang dayalago? 2. Anu- anong produkto ang itinuturing na gateway drugs? 3. Legal ba ang pagbibili ng gateway drugs? Pangatwiranan. 4. Paano natuto ang isang indibidwal na gumamit ng gateway drugs? 5. Ano ang maaaring panganib na dulot ng gateway drugs? 6. Paano maiiwasan an paggamit ng gateway drugs?

Ang beer, alak at iba pang inuming may alcohol ay isa

sa malawakang inuming kinukunsumo sa maraming

bansa sa mundo. Katulad ng tabako, ang alcohol ay is

a sa mga legal na gateway drugs na pinagsisimulan

upang ang isang tao ay malulong sa ipinagbabawal na

gamot. Sa simula, ang pag-inom ng alak ay ginagawa

sa tuwing may mga okasyon lamang ngunit sa

pagtagal, ang pag- inom ng alak ay nagiging

karaniwang gawain at libangan. Kahit ang isang tao ay

hindi maitutring na alcoholic, malaki ang posibilidad na

matuto rin siyang gumamit at malulong sa

ipinagbabawal na gamot. Nangyayari ito, tuwing siya

ay lasing o nagiging gawi dahil nakararanas siya ng

kasiyahan sa paggamit nito.

Ang paggamit ng gateway drugs ng isang

miyembro ng pamilya ay hindi

nangangahulugan na siya ay magiging drug

addict pagdating ng araw. Kinakailangan

lamang na magkaroon ng kasiguruhan na

alam ng inyong kapamilya ang panganib na

dulot nito at mag- alok ng tulong kung sakaling

may problema o dinaramdam ang isang

kapamilya. Kadalasan,ang pagiging

problemado ang nagiging dahilan ng paggamit

ng ipinagbabawal na gamot. Maiiwasan ito

kung palaging mayroong miyembro ng pamilya

na palaging handang tumulong at makinig.

3

Page 60: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

B. Pag-usapan ang dahilan ng pagkahikayat ng mga tao sa gateway drugs.

Pangkat 1 Dahilan

Caffeine

Pangkat 2 Dahilan

Tobacco

Pangkat 3 Dahilan

Alcohol

Pagsikapan Natin

Matuto Tayo

A. Lagyan ng tsek ang mga produktong maituturing na gateway drugs.

1. Beer

2. Coffee

3. Chocolate Drink

4. Sigarilyo

5. Gin

6. Vodka

7. Energy Drink

8. Rum

9. Tabako

10. Tsaa

B. Gumawa ng dula- dulaan hinggil sa pagkagumon sa mga pagkain at inumin na

may caffeine at alcohol, gayundin sa tobacco.

4

Page 61: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

Kaya Mo Ito

1. Pumili sa kahon ng salitang ilalagay sa loob bilog upang mabuo ang konsepto ng

gateway drugs.

2. Ano ang papel na ginagampanan ng gateway drugs sa pagkagumon ng mga tao

sa ipinagbabawal na gamot?

3. An ano ang dahilan kung bakit nahihikayat ang mga tao na gumamit ng gateway

drugs?

Pagnilayan Natin

Isulat sa notebook ang inyong saloobin sa tanong na “Sang-ayon ka ba na legal ang

pagbibili ng mga gateway drugs sa mga tindahan at supermarkets? Bakit?”

Gateway

Drugs

Caffeine Tobacco Energy Drink

Carbohydrates Alcohol

5

Page 62: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 2: Gateway Drugs

Pag- usapan Natin

Pag-aralan at suriin ang bawat larawan at sagutin ang mga tanong sa Talakayin.

Talakayin:

1. Anu- ano ang mga produktong makikkita sa larawan?

2. Saan karaniwang mabibili ang mga produktong nasa larawan?

3. Kailan karaniwang iniinom ang mga produktong ito?

4. Ano ang pagkakatulad ng mga produktong ito?

Pag-aralan Natin

Mahalaga ang mga ‘To

Basahin ang dayalogo at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na

matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng

halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na

pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ang caffeine ay

itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa

ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging

aktibo ng isang indibidwal.

Ang caffeine ay matagpuan sa maraming inumin tulad ng kape,

tsokolate, at maraming soft drinks, gayundin sa mga pain

relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait

ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang

proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait

ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit

mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim

na oras.

6

Page 63: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Inumin/ Pagkain/

Gamot

Dami ng Inumin/

Pagkain Dami ng Caffeine

SoBe No Fear 8 ounces 83 mg

Monster energy drink 16 ounces 160 mg

Rockstar energy drink 8 ounces 80 mg

Red Bull energy drink 8.3 ounces 80 mg

Jolt cola 12 ounces 72 mg

Mountain Dew 12 ounces 55 mg

Coca-Cola 12 ounces 34 mg

Diet Coke 12 ounces 45 mg

Pepsi 12 ounces 38 mg

7-Up 12 ounces 0 mg

Brewed coffee (drip

method) 5 ounces 115 mg*

Iced tea 12 ounces 70 mg*

Cocoa beverage 5 ounces 4 mg*

Chocolate milk

beverage 8 ounces 5 mg*

Dark chocolate 1 ounce 20 mg*

Milk chocolate 1 ounce 6 mg*

Ang caffeine ay itinuturing na diuretic,

nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng

mga taong kumokunsumo nito.

Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili

sa mga botika, sari- sari stores, groceries at maging sa

convenience stores. Maraming pagkain at inuming may caffeine

tulad ng nasa listahang inihaanda ko.

7

Page 64: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Tanong:

1. Ano ang caffeine?

2. Bakit maituturing na isang gamot aang caffeine?

3. Ano ang halimbawa ng mga pagkain o inumin na may sangkap ng caffeine?

4. Ilarawan ang caffeine.

5. Ilang oras ang epekto ng caffeine sa katawan ng isang taong komunsumo nito?

6. Anu- ano ang mga produktong may caffeine ayon sa talaan?

7. Makabubuti bas a katawan o sa kalusugan ang pagkonsumo ng mga pagkaing may

caffeine?

Pagsikapan Natin

Ating Sagutin

Lagyan ng tsek ang mga produktong may caffeine.

Jolt gum 1 stick 33 mg

Cold relief medication 1 tablet 30 mg*

Vivarin 1 tablet 200 mg

Excedrin extra strength 2 tablets 130 mg

*Nangangahulugan ng karampatang dami ng caffeine na maaaring ikonsumo.

8

Page 65: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagyamanin Natin

Ating Alamin

A. Magtala sa tsart ng mga produktong may caffeine na karaniwang mabibili sa mga

tindahang malapit sa inyong lugar at isulat ang karampatang dami ng caffeine na taglay

nito.

Pangkat 1

Mga Produktong may Caffeine Karampatang Dami ng Caffeine

Pangkat 2

Mga Produktong may Caffeine Karampatang Dami ng Caffeine

Pangkat 3

Mga Produktong may Caffeine Karampatang Dami ng Caffeine

Kaya Natin

Punan ang patlang ng mga salita mula sa kahon upang makabuo ng makabuluhang

pangungusap.

Ang caffeine ay itinuturing na __________ dahil sa nagpapagising ito sa ating

_________________________ na nagiging sanhi ng pagiging _____________ng isang

indibidwal. Ang caffeine ay itinuturing na _____________, nagiging sanhi ito ng madalas na

_______________ ng mga taong kumokunsumo nito. Ang halimbawa ng mga produktong may

caffeine ay ____________________, _____________________, ________________at

______________. Karaniwan itong mabibili sa mga tindahan sa ating __________________.

Komunidad gamot central nervous system kape

Aktibo prutas at gulay tsokolate noodles

soft drinks pain relievers vitamins

9

Page 66: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagnilayan Natin

Sundin si Dok

Punan ng tama o mali ang patlang upang makabuo ng angkop na pangungusap.

1. Ang pag-inom ng ng inuming may sangkap na caffeine ay ______________ at

makabubuti sa ating kalusugan.

2. _________________ang pagkonsumo ng higit sa 100 mg ng caffeine sa araw- araw.

3. _________________na magpakonsulta sa doctor kung sakaling may maramdamang

kakaibang reaksyon sa katawan dulot ng pagkonsumo ng mga pagkaing may caffeine.

4. _________________na suriin ang dami ng caffeine o anumang sangkap na taglay ng

pagkain o inumin.

5. ________________na maging maingat sa pagpili ng pagkain lalo na at may taglay itong

gamot tulad ng caffeine.

10

Page 67: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 3

Pinagmula ng Caffeine, Nikotina at Alcohol

Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano ang tawag

ninyo sa mga larawan? Saan madalas nakikita ang mga ito? Alam b ninyo na

nagtataglay sila ng mga mahahalagang substansya? Anu-anong mga larawan ang

makikita ninyo sa titik A, B at C? sa palagay ninyo ano ang maaring magmula sakanila

kapag sila ay idinaan sa mga proseso.?

A.

B.

C.

11

Page 68: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pangkatang Gawain. Bumuo ng talong pangkat, pag-usapan ang mga pinagmulan

ng mga sangkap na inihahalo sa mga produkto gaya ng kape ano ba ang mga sangkap

na nakapaloob dito. Ibibigay ng guro ang mga pag-uusapan (caffeine, alcohol at

nicotine).

Gumuhit ng kahon sa inyong kwaderno at isulat kung ano ang ibig sabihin ng

substansyang nabanggit at kung saan ito nagmula.

Nikotina, kapeina, at alcohol

Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant na tinatawag

ding Nicotiana tabacum. Ang ibang nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis, at talong, ay mayroon ding

nicotine ngunit mas mababa ang kanilang nicotine content kung ihahambing sa tabako. Ang nicotine ay

matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1

mg nicotine.

Ang caffeine o kapeina ay nilalaman ng ilang mga halaman at ito ay mapait. Kadalasang matatagpuan ito sa

maraming inumin na tulad ng kape, tsaa, soft drinks o soda, cacao o tsokolate, kola nuts at ilang mga gamot na

kung tawagin ay stimulants. Ito ay nagbibigay ng karagdagang enerhiya at pansamantalang tulong sa pagiging

alerto.

Alcohol ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented. Ang alcohol ay

parang tubig o Kristal dahil sa kulay nitong puti. Ang pagbuburo ay isang proseso na gumagamit

ng yeast o bakterya upang baguhin ang sugars sa pagkain sa alak. Ang Pagbuburo ay

ginagamit upang makagawa ng maraming mga kinakailangang mga item. Alcohol ay may iba't

ibang mga form at maaaring magamit bilang isang malinis, o isang antiseptiko, o di kayay isang

gamot na pampakalma.

12

Page 69: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Saan Ako Nagkamali

Panuto: Mula sa mga larawan ano ang naramdaman ninyo? May nais ba itong

ipahiwatig sa atin bilang tao?

a. _____________________________________________________________

_____________________________________________________________

b. Pagmasmasdan at suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga produktong

may sangkap ng caffeine, nikotina at alkohol. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_________________________________

________________________________

______________________________

13

Page 70: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Kaya Natin

A. Pagpupuno: Tukuyin ang mga uri ng prutas o gulay na pinagmulan ng mga substansya

na inihahalo sa ilang produkto gaya ng kape. Buuin ang salita sa pamamagitan ng

pagsulat sa patlang ng mga nawawalang titik.

1. Prutas na hugis puso at may kulay na pula, mayroong din berde ginagawang

alcohol

___a___s___na____

2. Ito ay prutas hugis bilog na maliliit na ginagawa ding alcohol ang katas

_____b_____s

3. Isang prutas na malabot maraming buto at kulay pula na pinagmulan din caffeine

K____m____ _____ I ______

4. Ito ay mahaba at may kulay ube na pinagmulan ng nikotina

_____ a _____ o ______ g

5. Halaman na may maliliit na dahon ginagamit na sangkap sa sigarilyp

_____ o ______a ______ o

Ikaw at Ako Sundin Natin ‘to

A. Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap sa inyong kwaderno.

Sa inyong natutunan sa araling ito ano ang iyong natuklasan at hindi nagustuhan?

Bakit? Ano ang kaya mong gawin upang hindi makasira sa buhay mo ang mga

sigarilyo, kape at alkohol?

1. Nalaman ko na ang kapeina pala ay galing sa __________________________

_______________________________________________________________

2. Ngayon ay alam ko na kung saan nagmula ang alkohol at ito ay ____________

_______________________________________________________________

3. Natuklasan ko na ang nikotina, alkohol at kapeina ay maari ding ____________

_______________________________________________________________

B. Magtala ng limang (5) produkto na maaring haluan ng mga alkohol, nikotina at kapeina

sa inyong papel.

1. 3. 5.

2. 4.

14

Page 71: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 4

Pangkalahatang Epekto ng Paggamit at Pag-abuso sa Caffeine, Nikotina at Alcohol

Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano ang tawag

ninyo sa mga larawan? Saan madalas nakikita ang mga ito? Alam b ninyo na

nagtataglay sila ng mga mahahalaga substansya o maaring kemikal na galing sa mga

ibat- ibang prutas o produkto? At ito ang mga inihahalo sa mga ilang produkto kagaya

ng kape, alak at sigarilyo. Ano ang substansyang sangkap ng alak?

.

Saan inihahalo ang alkohol?

Ano ang epekto nito sa taong nakatikim ng alcohol?

Ano ang nangyayari sa taong nakatikim ng caffeine?

May masama bang epekto ang nikotina sa ating katawa?

Magbasa Muna

Nikotina

Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa nightshade plants partikular sa tabako plant

na tinatawag ding Nicotiana tabacum. Ang ibang nightshade plants, gaya ng patatas, kamatis,

at talong, ay mayroon ding nicotine ngunit mas mababa ang kanilang nicotine content kung

ihahambing sa tabako. Ang nicotine ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong

tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine.

15

Page 72: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Ang nicotine ay mabilis na pumapasok sa katawan. Mula sa baga, dumadaan ito sa

bloodstream at sa loob ng pito hanggang sampung segundo ay pumapasok sa utak. Ang

reaction ng utak sa nicotine ang nagdudulot ng nicotine addiction.

Mabilis din ang reaksyon ng puso sa nicotine. Nagdudulot ito ng pagtaas ng blood pressure at

pagbilis ng pulso. Bumababa rin ang blood supply sanhi ng pagliit ng arteries. Bukod dito,

nababawasan ang panustos ng oxygen sa cells dahil sa carbon monoxide ng sigarilyo. Dahil

dito, ang nicotine ay ang tinuturong pangunahing sanhi ng cardiovascular disease at heart

attack sa mga naninigarilyo.

Caffeine

Ang caffeine o kapeina ay nilalaman ng ilang mga halaman at ito ay mapait. Kadalasang

matatagpuan ito sa maraming inumin na tulad ng kape, tsaa, soft drinks o soda, cacao o

tsokolate, kola nuts at ilang mga gamot na kung tawagin ay stimulants. Ito ay nagbibigay ng

karagdagang enerhiya at pansamantalang tulong sa pagiging alerto.

Mga epekto

Ayon sa mga eksperto, ang katamtamang konsumo ng kape (200 hanggang 300 milligrams,

mga dalawa hanggang apat na tasa) ay hindi nakakaapekto sa kalusugan ngunit ang malakas

na pagkonsumo nito (400 milligrams at mas mataas pa, mga apat pataas na tasa) ay

nagdudulot ng hindi kanaisnais na mga sintomas tulad ng mga sumusunod:

Insomnia o kahirapan sa o kakulangan ng tulog

Nerbyos

Pagkabagabag

Pagkairita

Pangangasim ng sikmura o gastroenteritis

Mabilis na pagtibok ng puso

Pangangatog ng kalamnan o muscle tremors

Depression

Nausea o pagkaduwal

Madalas na pag-ihi

Pagsusuka

16

Page 73: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Alkohol_____________________________________________________________________

Alcohol ay nilikha mula sa katas ng prutas, o gulay na tinatawag na fermented. Ang alcohol ay parang tubig o Kristal dahil sa kulay nitong puti. Ang pagbuburo ay isang proseso na gumagamit ng yeast o bakterya upang baguhin ang sugars sa pagkain sa alak. Ang Pagbuburo ay ginagamit upang makagawa ng maraming mga kinakailangang mga item. Alcohol ay may iba't ibang mga form at maaaring magamit bilang isang malinis, o isang antiseptiko, o di kayay isang gamot na pampakalma. Kapag ang mga ay tao uminom ng alak, ito ay buyo sa kanilang bloodstream. Mula doon, ito ay nakakaapekto sa central nervous system (utak at utak ng galugod), na kumokontrol sa halos lahat ng mga function ng katawan. Dahil ang mga eksperto ngayon nalalaman na ang utak ng tao ay pa rin ang pagbuo sa panahon ng ating kabataan, siyentipiko at pananaliksik sa mga epekto ng pag-inom ng alak ay maaaring magkaroon ng epekto sa mga utak ng mga kabataan.

Matuto Tayo (Magpakita ng mga larawan ayon sa mga katanungan)

Panuto: Mula sa talata na binasa sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang epekto ng pag-inom ng alak sa katawan?

_______________________________________________

_______________________________________________

2. Ano ang pangunahing Gawain ng atay sa ating buong katawan?

_______________________________________________

_______________________________________________

3. Kapag tuloy-tuloy ang pag-inom ng alak ano ang magiging sakit ng isang tao at paano

ito nangyayari?

Kaya Mo Yan

A. Pangkatin ang mga bata sa tatlong grupo. Gumawa ng isang eksena o sitwasyon kung

saan nagpapakita kung paano makakaiwas ang mga tao sa mga sa pagtikim ng mga

produktong may sangkap ng:

Unang grupo: caffeine

Panagalawang grupo: nikotina

Ikatlong grupo: alcohol

17

Page 74: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

B. Basahin ang mga pangungusap. Lagyan ng tsek ( / ) kung paraan ito ng pag-iwas sa

pagtikim ng mga produktong may sangkap ng mga gateway drugs.

______1. Pagkagising ni Maria ay nag-ehersisyo muna siya upang kapag napagod na

ay tubig ang kanyang iinumin at hindi kape.

______2. Naghanap ng maaaring mapagkakaabalahan si mang Nestor kaysa sa

paninigarilyo.

______3. Kapag walang ginagawa si mang Oscar ay tumatambay siya sa kanto kung

saan naroroon ang mga grupo ng mga manginginom at maninigarilyo.

______4. Ginagawa ni Canor na abala ang kanyang sarili sa simbahan upang hindi

malulong sa bawal na gamot sa kanilang lugar.

______5. Umiiwas si Randy sa mga nag uumpukan sa kanilang lugar.

Tandaan

Ang mga sangkap na ginagamit sa ibat-ibang produkto kagaya ng alak, sigarilyo at kape

ay ang caffeine, nikotina at alcohol. Ang alcohol ay mula sa mga katas ng ilang prutas

kagaya ng mansanas ito ay parang Kristal, mapait ang lasa nito at mabaho ang amoy

dahilan kung bakit nalalasing ang taong nakakatikim nito. Ang caffeine ay mula sa mga

pinatuyong buto kagaya ng kape at marami pang iba. Kapag nakatikim ang isang tao

nito siya ay mananatiling gising. Nikotina ay mula sa dahon o ugat ng tobaco. Itoy isang

sangkap na inihahalo sa sigarilyo. Ito rin ay maaring makalason nakakasira ito ng

nervous system.

Tukuyin ang mga sumusunod

1. Ito ay isang nakakalasong kemikal puti na parang tubig na nakalalasing mula sa mga

katas ng mga prutas kagaya ng mansanas at ubas._____________________

2. Isang sangkap na inihahalo sa kape. Ito rin ang dahilan kung bakit nanatiling gising

ang isang tao na nakatikim nito. _______________________

3. Namula ito sa dahon o ugat ng tobaco. Kung saan isang sangkap din ito sa pag

gawa ng sigarilyo.

18

Page 75: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

ARALIN 5 EPEKTO NG PAGGAMIT AT PAG-ABUSO NG GATEWAY DRUGS

A. PAG-USAPAN NATIN

DAPAT SUNDIN:

Tingnan, kilalanin at suriin ang mga nakalarawan.

Tanong:

1. Ano-ano ang mga nakita ninyo ? Bakit ang mga ito ay tinawag na gateway drugs?

2. Dapat bang gamitin ang mga ito?

3. Anu-ano ang mga epekto nito sa kalusugan ng bawat indibidwal, sa pamilya at

kumunidad?

B. PAG-ARALAN NATIN

Basahin ang dayologo at pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong.

Si Nena ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Ang kanilang gurong si Gng. Emerald ay

nagbigay sa kanila ng takdang aralin tungkol sa epekto ng caffeine, alcohol at tobacco sa

kalusugan ng isang tao, sa pamilya at sa kumunidad. Kung kayat nagtungo siya sa kanilang

school doctor upang magtanong tungkol dito. Narito ang kanilang usapan:

Nena: Magandang araw po doktora, maaari ko po ba kayong interbyuhin?

Doc. Martinez: Oo naman Nena, halika maupo ka. Tungkol saan ba yan?

Nena: Tungkol po sa aming takdang aralin sa Health. Nais ko po sanang malaman kung anu

ano po ang epekto ng caffeine, alcohol at tobacco sa isang tao?

Doc. Martinez: Ang epekto ng caffeine sa isang tao ay ang pagiging alerto, may pakiramdam na

laging gising at hindi madaling mapagod. Kapag sobra na ang caffeine sa katawan ng isang tao

maaari siyang magkaroon ng kalituhan at pagkahibang o nagiging dahilan ng pagkamatay sanhi

ng konbulsyon, maari ding magtae o magdiarrhea, labis na pagkauhaw, at madalas na pag-ihi,

nagiging dahilan din ito ng pagiging iritable o mainitin ang ulo at pagbilis ng pagtibok ng puso at

hirap sa paghinga, gayun din ang pagtaas ng presyon ng dugo. Ang alkohol ay nagiging

dahilan ng pagkakaroon ng chronic liver, kansers, cardiovascular disease, acute alcohol

poisoning at fetal alcohol syndrome. Nagiging dahilan din ito ng tinatawag na mouth & throat

cancer (larynx and pharynx), oesophageal cancer, bowel cancer (colon and rectum), liver

cancer and female breast cancer. Ang paninigarilyo ay nagiging dahilan ng sakit sa baga,

19

Page 76: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

kansers at cardiovascular disease. Kaya kung maari ay talagang iwasan ang paggamit ng

gateway drug sa dami ng masamang dulot nito sa ating katawan.

Nena: Naku doc. Nakakatakot po pala ang mga epekto ng gateway drugs. Ano naman po ang

epekto nito sa pamilya at sa kumunidad?

Doc. Martinez: Kapag ang isa sa pamilya ay madalas uminom ng kape o mga inuming kola,

naninigarilyo o may nagiinom, maaaring lahat ng miyembro ay gumaya na din sa kanilang

nakiklta sa mga magulang at matatandang kapatid. At maaring ang masamang epekto na

pweding maramdaman ng isa e lahat na miyembro ay makaranas na din nanagiging bunga ng

madalas na di pagkakaunawaan dahil mabilis uminit ang ulo at paggiging sakitin sa myembro

ng pamilya.

Sa kumunidad, hindi maganda ang epekto nito sapagkat dadami ang magiging problema

sa lansangan. Kung dadami ang bilang ng mga taong naninigarilyo at nag-iinum, pwedeng

magkaroon ng laganap na sakit tulad ng sakit sa baga at pag-kakaroon ng ibat-ibang krimen

tulad ng banggaan sa kalye kasi lasing ang driver, nanakit ng kapwa dahil nsa ispiritu ng alak di

alam na mali na pala ang ginagawa. Ang buong kumunidad ay mahihirapang umunlad.

Nena: Madami po akong natutunan sa mga sinabi po ninyo doc. Salamat po ng marami sa

tulong nyo para sa aking takdang aralin. Magpapaalam na po ako. Salamat po ulit doc.

Doc.Martinez: Walang anuman Nena.

Tanong:

1. Ano ang paksang pinag-usapan sa dayalogo?

2. Paano ang paggamit ng gateway drugs?

3. Anu-ano ang mga masamang dulot ng caffeine, alcohol o alak at paninigarilyo sa

kalusugan ng bawat indibidwal, sa pamilya at sa kumunidad?

4. Dapat ba ninyong gamitin ang mga ito?

C. Pagsikapan Natin

Suriin Natin:

Basahing mabuti ang mga sitwasyong nakalahad. Suriin kung ang epekto ng

gateway drugs ay sa Indibidwal, sa pamilya at kumunidad. Sabihin kung ito ay

epekto ng caffeine, alcohol at tobacco.

1. Madalas uminit ang ulo ni Mang Canor kahit sa maliit na dahilan lang kaya

madami siyang nakakagalit sa kanyang trabaho.Pag-uwi sa kanilang tahanan

tinutungo nya kaagad ang kanilang kusina upang magtimpla ng mainit na kape.

2. Madalas mag-inum si Tatay kaya naman lagi silang nag-aaway ni Nanay.

Nagtataklob nalang ako ng tenga upang di na ko marinig ang pagtatalo nila.

20

Page 77: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

3. Nagkaroon ng mahabang traffic sa kalsada.Bakit ayaw pa po umusad ng mga

sasakyan? Ano pong nangyari? Tanong ng driver ng jeep na sinasakyan ko.

Nagkabungguan ang dalawang sasakyan dahil lasing ang nagmamaneho ng

van.Ito ang sabi ng dumating na

pulis.

Gawin Natin:

Sumulat ng sanaysay tungkol sa nakalarawan sa ibaba. Ilahad ang inyong reaksyon

tungkol sa epekto ng pag-inom ng alak sa pamilya.

D. Pagyamanin Natin:

Magtulungan Tayo

Bumuo ng limang pangkat. Magsagawa ng duladulaan tungkol sa nagiging epekto ng

caffeine, alcohol at tobacco sa kalusugan ng isang tao, sa pamilya ay kumunidad.

Kaya Natin Ito:

Suriin ang mga negatibong epekto ng caffeine, tobacco at alcohol. Isulat sa patlang

kung ang mga ito ay pang-indibidwal, pangpamilya at pangkumunidad.

______________1. Ayon sa isang panayam mula sa nurse ng isanag ospital, karamihan

sa mga pasyente mula sa kanayunan ay may magkakatulad na karamdaman tulad ng

sakit ng ulo, pagkakaroon ng nerbyos, hirap sa pagtulog, at mataas na blood preasure.

Kung kayat nakipag-ugnayan ang ospital sa rural health personnel na nakatalaga sa

lugar na iyon.

21

Page 78: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

______________2. Si Anna ay nasa ikalimang baitang na. Nahihiya siyang

makisalamuha sa kapwa nya mag-aaral at kung minsan ay nawawalan siya ng tiwala sa

sarili. Sa kanilang tahanan ang kanyang ama ay kaharap na naman ang kanyang

kaibigan at masayang nag-iinuman. Samantalang ang kanilang ina na galing pa sa

palengke ay abalang naghahanda ng kanilang makakain na madalas pang sinisigawan

ng kanyang ama para lutuin ang kanilang puplutan.

_____________3. Si Aling Narda ay isang mabuting asawa at ina ng apat na mga anak.

Dala ng kahirapan, minabuti niyang mangibang bansa upang mabigyan ng magandang

kinabukasan ang kanyang pamilya. Naiwan si Mang Jose na siyang nag-aasikaso sa

kanilang mga anak. Subalit, nalulong sa paninigarilyo at alak si Mang jose. Di naglaon

ay nagkasakit siya ng Kanser sa baga at ito ang naging dahilan ng maaga nyang

pagkamatay.

______________4. Mahilig sa sodang inumin si Lenica. Sa maghapon ay nakakaubos

siya ng tatlong de bote. Mahilig din siyang uminom ng dark coffee. Sa kasalukuyan,

madalas siyang nagagalit sa kanyang mga kasambahay kahit sa isang maliit na

kadahilanan.

______________5. Mahilig sa sigarilyo si Sandy. Nakakaubos siya ng tatlong pakete ng

sigarilyo sa maghapon. Madalas siyang nakakaramdam ng hirap sa paghinga at pag-

ubo ng halos tuloy-tuloy. Nang magpatingin siya sa doctor, may tama na pala ang baga

niya.

E. PAGNILAYAN NATIN

Ating Alamin:

Isulat sa graphic organizer ang natutunan mo tungkol sa paggamit at pag-

aabuso ng gateway drugs.

Negatibong epekto sa paggamit at pag-aabuso

22

Page 79: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Ng gateway drugs

Caffeine alcohol Tobacco

Indibidwal Indibidwal Indibidwal

Pamily Pamilya Pamilya

Kumunidad Kumunidad Kumunidad

F. TAKDA

Sumulat ng isang sanaysay kung paano mo maiiwasan ang paggamit ng

caffiene, alcohol o alak at tobacco o paninigarilyo upang mapanatili ang magandang kalusugan

ng iyong katawan.

23

Page 80: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

ARALIN 6: PAG-IWAS AT PAGKONTROL SA PAGGAMIT AT PAG-ABUSO ng

GATEWAY DRUGS

A. PAGUSAPAN NATIN

Ipakita ang mga larawan ng isang masigla at malusog na pamilya na di

gumagamit ng gateway drugs.

Tanong:

1. Anong nakikita nyo sa nakalarawan?

2. Bakit sa palagay nyo masigla at ba ang buong mag-anak?

3. Anong masasabi mo sa kanilang ama at ina?

4. Magiging masigla at malusog ba ang isang mag-anak kung ang bawat miyembro ng

mag-anak ay gumagamit ng caffeine, alkohol at tabako? Bakit?

5. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan?

A. PAG-ARALAN NATIN

Basahin ang sanaysay at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

wag sayangin ang buhay 2

„wag „wag „wag sayangin sayangin sayangin ang ang ang buhay buhay buhay! ! ! Ano ang

buhay na hindi sayang? Paano hindi masasayang ang iyong buhay? Mapasaiyo man ang lahat

ng kayamanan sa mundo at sikapin mo mang gumawa ng maraming kabutihan, maaaring

masayang pa rin ang buhay mo. Seryosong usapan ito, kaya nga sinabi ni Jesus: “Sapagkat

ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang

kanyang buhay?” (Marcos 8:36)

Ang buhay ay mahalaga ito ay pinakamahalagang kaloob ng dyos sa atin. Ang ating

mga sarili ay kumakatawan sa templo ng dyos sapagkat siya ang lumikha nito. Dapat lamang

nating pahalagahan at wag sayangin. Iwanan at iwaksi na ang mga gawaing nakasanayang

gawin kung ito naman ay nakakasira sa ating katawan. Magkaroon ng disiplina sa sarili at suriin

ang mga pagkaing dapat ihain sa hapagkainan. Iwasan gumamit ng mga productong may

caffeine, alcohol at tobacco sapagkat nalalaman na naten ang masasamang epekto nito sa

ating kalusugan Kinakailangang matutong magdesisyon ng tama at di nagpapadala sa mga

sinasabi ng iba o mga kaibigan, kabarkada. Mahalaga din na magkaroon palagi na

pakikipagusap o kumunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya upang malaman ang kalagayan

ng bawat isa.

Tanong:

24

Page 81: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

1. Paano maipakikita ang pagiging malusog at masiglang pangangatawan?

2. Anu-anong kasanayan ng buhay ang dapat malinang upang makaiwas sa paggamit

ng gateway drugs?

3. Mahalaga bang linangin ang mga kasanayan ng buhay na ito? Bakit?

B. Pagsikapan Natin

Bumuo ng limang pangkat. Ipakita sa isang maikling duladulaan kung paano

mamuhay ng masaya, masigla at malusog ang isang pamilya na di gumagamit ng

caffeine, alkohol at tabako.

C. Pagyamanin Natin

Magtulungan Tayo.

Ibigay ang iyong disisyon sa mga sumusunod na pangyayari:

1. Birthday party ng kaibigan mo. Inaalok kang uminom ng alak habang masayang

nagsasayawan ang ibang mga bisita. Ano ang gagawin mo?

2. Pilit mong iniiwasan ang mga bisyong alam mong masama sa kalusugan mo. Subalit

nakikita mong ang iyong ama ay laging nag-iinum at naninigarilyo. Paano mo siya

mahihimok na tigilan na nya ang bisyo nya upang makaiwas sa anumang sakit na

maari nyang maranasan?

D. Pagnilayan Natin:

Ipagawa ang ating Alamin. Isulat ang natutunan mo sa araling ito.

Ang natutunan ko sa araling ito.

E. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga Polisiya ng paaralan at mga pambansang batas tungkol sa

pagbebenta at paggamit ng tabako at alkohol.

25

Page 82: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

ARALIN 7. PAGSUNOD SA PANUNTUNANG PAMPAARALAN AT BATAS

PAMBANSA (RA 9211)

A. PAG-USAPAN NATIN

Ilahad ang mga alituntunin ng paaralan at ang Batas Pambansa (RA 9211).

Tanong:

1. Anu-ano ang mga alituntunin sa paaralan?

2. Nasusunod mo ba ang lahat ng ito?

3. Mahalaga bang sundin ng bawat isa ang tuntunin sa paaralan? Bakit?

4. Ano ang nilalaman ng RA 9211?

5. Dapat bang sundin ang mga nakalahad sa batas na ito? Bakit?

B. Pag-aralan Natin

Suriin ang mga larawan. Lagyan ng tsek (/) ang nakasusunod sa mga alituntunin ng

paaralan at Batas Pambansa (RA9211).

26

Page 83: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

A. Pagsikapan Natin

Bumuo ng tatlong pangkat at magpakita ng duladulaan kung paano sinisunod ang

mga alituntunin ng paaralan.

B. Pagyamanin Natin

Sumulat ng isang talata kung bakit nararapat sundin ang mga alituntunin ng

paaralan at ang batas pambansa.

C. Pagnilayan Natin

Sumulat ng sanaysay. Paano mo maipakikita na ikaw ay sumusunod sa alituntunin ng

inyong paaralan?

D. Takda

Paano mo maipakikita na ikaw ay sumusunod sa alituntunin ng inyong paaralan?

.

27

Page 84: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)
Page 85: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 1 : Pinagmulan at Layunin ng mga Pangunang Lunas

Pag-usapan Natin

Tanong :

Ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?

Paano ito makatutulong sa isang tao?

Pag-aralan Natin

Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing

magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala

ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa

panahong maaari nang ibigay ang mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga

manggagamot. Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga payak, ngunit nakapagliligtas, na

kasanayang may kaugnayan sa panggagamot. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang

pangkaraniwang tao upang maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi

ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot. Maaari ring ibigay ang tulong na ito sa

mga hayop, ngunit ang artikulong ito ay tumutukoy lamang para sa magagawang paunang-tulong

na pantao.

Ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3 P (tatlong P)

ang mga sumusunod:

Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)

Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa

paglala ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)

Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

1

Page 86: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Bilang karagdagan, may ilang mga tagapagsanay na nagtuturo ng ika-apat na "P" -

ang Pag-iingat ng sarili, Protektahan ang sarili, o Pagpapananggalang ng sarili (Protect

yourself), bagaman sinasabi ng iba na kasaklaw at nakasukob na ito sa ilalim ng ikalawang "P"

na Pag-iwas mula sa mga karagdagang pinsala para sa kapakanan ng sarili, ng biktima o

pasyente, at ng iba pang tao. Kapag maingat ang sarili - ang tagasagip o tagapagligtas - ay may

kakayahan itong pangalagaan at magligtas pa ng ibang tao.

Mga Pangunahing kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas

May mga kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-lunas,

kahit saan pa man o paano man naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga tagapagbigay ng

pangunahing tulong panlunas na laging tatandaan ang ABC ng mga hakbang sa pagbibigay ng mga

paunang tulong-pansagip ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan:

Airway – Ang daanan ng hangin / Ang daanang panghininga / Ang daanang-hingahan

Breathing – Buga ng paghinga / Bantayan ang katangian ng paghinga

Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan

Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga

suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa

daanan ng hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang

anumang suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa

katawan). May ibang mga tagapagsanay o tagapagturo na nagdaragdag ng pang-apat na hakbang:

ang D para sa Duguan ba ang pasyente? O Dinudugo ba ang biktima?, o kaya ay ang pagbibigay

ng Depibrilasyon. Nakasalalay sa antas ng kasanayan ng tagapagbigay-lunas ang mga pagkakaiba sa

mga pamamaraan ng pasisipat at pagsusuri at pagpapanatili ng mga mahahalagang ABC ng taong

manlulunas. Kapag naiayos at napainam na ang mga ito, maaari nang magbigay ng mas masulong na

mga gawaing-panlutas ang mga taong tagapanagip, kung kinakailangan.

May ilang mga bansa na nagtuturo ng talong B (ang 3 B), na katulad ng ABC ang pagkakasunud-

sunod ng kahalagahan:

Breathing – Buga ng paghinga / Bantay-hininga

Bleeding – Balong ng dugo

Bones – Butu-buto o Buto o Baling buto

Nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutasin ng manlulunas ang anumang suliranin

kaugnay sa Buga ng Paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa Balong ng

dugo mula sa katawan ng pasyente o mga Baling Buto (na hindi naman ibig sabihin nito na dapat

nang kaligtaan ang mga huling mga suliranin sa mga panahong iyon – katulad ng mga pinsala

sa gulugod, kung saan magagamit ang pagbabago at kaibahan sa pamamaraang panlunas upang

makatulong sa pagbubukas ng daanan ng hininga).

https://tl.wikipedia.org/wiki/Paunang_tulong-panlunas

2

Page 87: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagsikapan Natin

Buuin ang mga letra upang makabuo ng mga salita

1. SRKLISUYANO –

2. KASUNA –

3. YUBAH –

4. ETASPNEY –

Bumuo ng tatlong grupo kung saan ang bawat grupo ay tatalakayin ang bawat layunin

ng pangunang lunas.

Pangkat I Pangkat II Pangkat III

Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng Pangungusap at Mali kung ang

isinasaad ay mali.

______1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.

______2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.

______3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa mga hayop.

______4. Dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning may

kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente.

______5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng pangunang lutas ay upang maisalba ang buhay.

Pagyamanin Natin

Pagnilayan Natin

3

Page 88: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Makipanayam sa mga “ Health Workers” sa Semtrong Pangkalusugan ng barangay

tungkol sa pgbibigay ng pangunang lunas sa mga sanggol at matatanda na biglang nagkasakit o

napinsala.

Takdang-Aralin

4

Page 89: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

ARALIN 2

MGA PANUNTUNAN SA PAGBIBIGAY NG FIRST AID (PAUNANG LUNAS)

Ang pagtulong sa kapwa ay isang kalugod-lugod na gawain sa mata ng Diyos lalung-lalo

na sa gitna ng matinding pangangailangan lalung-lalo na sa isang aksidente.

Ang mga bagay tulad ng isang aksidente ay hindi natin inaasahang darating sa ating

buhay ngunit sa pamamagitan ng paunang lunas (first aid) ay maaari tayong makapagsalba ng

mga buhay ng tao sa kabila ng isang mabigat na sitwasyon.

Ang pagbibigay paunang lunas (first aid) ay isang mabisang paraan upang maagapan

ang paglala pa ng mga karaniwang natatamong pinsala mga ng tao sa isang aksidente tulad ng

mga sugat, pagkabali ng mga buto,pagdurugo ng ilong, paso, pagkawala ng malay, at marami

pang iba.

Ang paunang lunas (first aid) ay maaring ibigay ng sinumang may wastong kaalaman

sa pagbibigay nito sa taong nangangailangan ngunit mayroon tayong mga bagay na dapat

isaalang-alang bago natin ito isagawa upang makasigurado tayo sa matagumpay na

pagsasalba ng buhay ng mga tao.

5

Page 90: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-usapan Natin

Picture, Pictue…

1. Batay sa mga larawan, ano-anong sitwasyon ang inyong nakita?

2. Ano-ano ang mga maaaring mangyari sa mga taong ito kung walang tutulong sa kanila?

3. Kung ikaw ay nasa paligid ng pinangyarihan ng mga sitwasyon sa larawan, ano ang

iyong gagawin upang makatulong sa mga taong ito?

6

Page 91: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-aralan Natin

MGA PANUNTUNAN NA DAPAT ISAGAWA SA ORAS NG BIGLAANG PANGANGAILANGAN

O (EMERGENCY ACTION PRINCIPLES)

1. HUMINGI AGAD NG TULONG SA IBA. Humingi ng tulong sa iba upang makatawag agad ng

ambulansya para sa mga biktimang may malalang kondisyon. Maaari ding humingi ng pag-

alalay mula sa iba kung kinakailangan.

2.SIYASATIN ANG PINANGYARIHAN NG AKSIDENTE. Unang-una ay isipin muna ang

pansariling kaligtasan. Mainam na magmasid muna sa paligid kung ito ba ay ligtas bago

magsagawa ng paunang lunas sa mga biktima. Maaring ilipat sa ibang pwesto o lugar ang

biktima kung kinakailangan ngunit dapat siguraduhin na ang biktima ay hindi magtatamo ng iba

pang pinsala sa katawan sa proseso ng paglipat ng pwesto o lugar.

3. IHANDA ANG MGA KAGAMITANG PANG-MEDIKAL. Upang mas mapadali ang pagbibigay

ng paunang lunas, makabubuti na ihanda ang mga kagamitang pang-medikal tulad ng

bandaging tools, mga gamot, stretcher at iba pa para sa natamong pinsala ng biktima. Kung

walang makitang mga gagamitan ay maaaring gumawa ng mga pansamantalang kagamitan

tulad ng bandage na gawa sa malinis na damit, stretcher na gawa sa dalawang kahoy (mas

mahaba sa biktima ng isang metro) at mga kamiseta.

4. ISAGAWA ANG PAGSISIYASAT SA BIKTIMA. Kung may malay ang biktima ay maaari

siyang kapanayamin tungkol sa mahahalagang detalye tulad ng kaniyang pangalan, tirahan, at

kung sino ang kaniyang mga kamag-anak na maaaring tawagan. Kung walang malay ang

biktima, tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tao tulad ng

temperatura ng katawan, tibok ng puso o pintig sa mga pulso, at paghinga. Upang malaman na

humihinga ang biktima, maaaring tingnan ang dibdib kung ito ay gumagalaw. Maaari din itong

pakinggan at pakiramdaman.

7

Page 92: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pagsikapan Natin

Iaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong ng katangian o

paglalarawan.

GINULONG TITIK NABUONG SALITA IBIG SABIHIN

EENTSIKAD

Isang pangyayaring hindi

inaasahan na nakapagdudulot

ng pinsala sa mga tao.

ITAMKIB

Tawag sa tao na napinsala ng

isang hindi inaasahang

pangyayari.

AYSMANABLU

Isang uri ng sasakyan na

ginagamit tuwing may

emergency tulad ng

paghahatid ng isang pasyente

patungong ospital.

SANTAGLIAK

Bagay na dapat nating

sinisugro at isinasaalang-

alang sa pang-araw-araw

nating pamumuhay upang

hindi tayo mapahamak.

GNLOUT

Abstraktong bagay na ating

ibinibigay sa mga taong

nangangailangan.

Mga Uri ng Aksidente at Pangkaligtasang Gawain sa Pagbibigay ng Paunang Lunas

Ano ang gagawin mo kung…

1. Nakakita ka ng isang kotseng nagliliyab at sa loob nito ay may isang tao na nawalan ng

malay.

2. Nabalian ang iyong kaklase sa paa dahil sa kanyang pagtalon-talon sa hagdan.

8

Page 93: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

3. Nabagok ang ulo ng isang ale habang siya ay naglalakad sa gitna ng kalsada at ito ay

nawalan ng malay.

4. Nakainom ng lason ang iyong kapatid.

5. Nakagat ng aso ang iyong kaibigan habang kayo ay naglalakad pauwi sa inyong tahanan.

Pagyamanin Natin

Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa mga sitwasyon na nabanggit sa Mga Uri ng

Aksidente at Pangkaligtasang Gawain sa Pagbibigay ng Paunang Lunas.

Pagnilayan Natin

1. Bakit mahalagang masiguro natin ang ating sariling pangkaligtasan bago natin isagawa ang

paunang lunas (first aid) sa mga biktima ng isang aksidente?

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabahagi ang iyong natutunan sa araling ito sa iba

pang kasapi ng iyong pamilya? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Takdang Aralin

Magtala ng mga pangkaraniwang mga uri ng aksidente na nangyayari sa bahay at

isulat ang mga wastong pamamaraan kung paano ito binibigyan ng mga paunang lunas

(first aid). Maaaring magtanong sa inyong mga magulang o sa inyong Barangay Health

Worker.

9

Page 94: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Aralin 3 Maging Laging Handa sa mga Karaniwang Pinsala

Pag-usapan Natin

Tingnan ang mga salita sa kahon. Ano ang kaugnayan ng mga salita sa larawan?

Mahalaga bang malaman natin ang kaugnayan ng mga ito?

Kahandaan

Pangunang Lunas

Karaniwang Pinsala

10

Page 95: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pag-aralan Natin

Karaniwang Pinsala at

Kondisyon Pangunang Lunas

1. Sugat

Karaniwang hindi nangangailangan ng daliang pagdadala sa

ospital. Maaaring gawin ang mga sumusunod na

pamamaraan:

a. Hugasan ang mga kamay na nasugatan ng malinis na

tubig at sabon.

b. Pagpapatigil sa pagdurugo gamit ang malinis na tela o

bulak.

c. Linising mabuti ang sugat mas mainam na patagalin ang

sabon sa loob ng sugat upang maiwasan ang mikrobyo,

banlawang mabuti.

d. Lagyan ng gamot o antibiotic.

e. Takpan ang sugat ng bandage.

f. Palagiang palitan ang mga bandage ng sugat isang beses

sa isang araw.

g. Kung malalim ang sugat nangangailangan itong tahiin sa

malapit na health center o ospital.

h. Suriing mabuti ang sugat at palagiang tingnan ang mga

sintomas o palatandaan ng impeksiyon. Kung may

impeksyon paturukan ng anti-tetanus ang pasyente.

2. Pagdurugo ng Ilong

Ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong ay isang karaniwang

kondisyon ng nangangailangan din ng karampatang lunas.

a. Umupo ng tuwid at idikit ang iyong likod sa sandalan ng

upuan. Kinakailangan ito upang mabawasan ang presyon ng

dugo sa veins ng ilong at maiwasan ang pagdaloy ng dugo

pabalik sa iyong katawan

b. I masahe ang ilong ng pasyente at huminga sa bibig

habang ito ay isinasagawa. Ito ay isinasagawa upang

maiwasan ang patuloy na pagdurugo ng ilong.

c. Upang maiwasan ang muling pagdurugo iwasan ang

pagsinga at huwag yumuko nangangailangan ang ganitong

kondisyon na mapanatili na mas mataas ang iyong ulo kaysa

sa iyong puso.

d. Sa patuloy na pagdurugo gumamit na ng nasal sprayer at

sumangguni sa doktor.

3. Kagat ng Insekto

Karamihang reaksiyon ng kagat ng insekto ay ang

pamumula, pangangati at pagkairitable.

a. Alisin sa lugar ang pasyente kung saan ito nakagat.

b. Hugasan ang bahaging nakagat ng insekto.

c. Maglapat ng cool compress o kaya ay isang tela na may

11

Page 96: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

malamig na tubig o puno ng yelo.

d. Ilapat ang isang cream, gel o lotion sa bahaging nakagat

upang maiwasan ang pangangati. Kung wala ka sa bahay

nito maaari ka ding gumamit ng baking soda.

e. kung tuluyang lumala ito dalhin sa pinakamalapit ng health

center o ospital.

4. Kagat ng Hayop

a. Kung ang sugat ay mababaw lamang at walang rabbies,

hugasan ang sugat ng may sabon at malinis na tubig, lagyan

ng antibiotic at takpan ang sugat.

b. Kung ang sugat naman ay malalim takpan ang sukat na

isang malinis na tela upang maampat ang dugo, talian ito at

daliang dalhin sa doktor.

c. Kung may mapapansin kang palatandaan ng may

impeksyon, tulan ng pamamaga, pamumula, nadagdagan

ang sakit, dalhin kaagad sa pinakamalapit na health center o

ospital.

5. Paso

Nangangailangan ng agarang pansin ang isang pasyenteng

napaso kung ito ay malubha at magdudulot sa pasyente ng

iritableng pakiramdam at labis ng sakit.

a. Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig

sa loob ng 10 minuto upang maibsan ang sakit.

b. Kung mayroong mga Iintos, huwag itong tusukin.

Panatilihin itong tuyo at malinis. Huwag bayaang

maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan ang

may pinsalang bahagi ng malinis na damit. Plantsahin muna

ito bago gamitin.

c. Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin

agad ang pasyente sa pinakamalapit na pagamutan. Huwag

gagawa ng anuman sa pasyente. Pahigain at takpan siya ng

malinis na damit upang manatiling mainit.

d. Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na

may asin sa loob ng 20 minuto pagkaraan ng 24 oras.

Haluan ng ½ tasang asin ang isang palanggana o kaya'y

isang timba ng mainit-init na tubig. Ibabad ang napasong

bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang

matuyo ang paso.

e. Sabunin at hugasan ang sabila. Dikdikin ito at katasin.

Lagyan ng katas ng sabila ang bahaging may pinsala

pagkatapos na maibabad sa malnit-init na tubig na may asin,

minsan isang araw.

6. Pagkalason sa Pagkain Ang pagkalason sa pagkain sa nagmumula o sanhi sa mga

12

Page 97: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

kagamitang ginamit at sa uri ng pagkaing kakainin. Narito ang ilang paraan upang bigyan ng pangunang lunas ang taong nalason. a.Tiyakin na nakainom ng maraming tubig upang mapanatili ang iyong katawan na hydrated at magpahinga. b. Kumuha ng isang basong mainit-init na tubig, magdagdag ng ilang patak ng lemon o kalamansi at lagyan ng kaunting asukal at asin, ipainom ito sa pasyente. c.Kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya upang mapigilan ang lason. d. Kung ngtagal pa ang pagsusuka at pagtatae ng higit sa isang araw sumangguni na sa doktor.

7. Pamumutla at Pagkahimatay

Ang pagkahimatay at pamumutla ng isang tao ay nangyayari kapag hindi sapat ang supply ng dugo sa iyong utak. Ito ay kalimitang maikling oras lamang. a. Kung sa iyo ito mangyayari, maaaring ikaw ay humiga o umupo upang dagliang mawala ang panlalabo at pagkahilo. b. Umupo at ilagay ang iyong ulo sa pagitan ng iyong mga tuhod. c. Kung nangyari naman ito sa ibang tao, itaas ang mga binti ng mas mataas kaysa sa ulo, paluwagin ang sinturon o collar ng damit ng pasyente. d. Buhatin ang pasyenteng nahimay ng dahan-dahan lamang. e. Maari ding gumamit ng gamot na ammonia na ipaaamoy sa pasyente.

8. Sprains/Bali

Ang sprain o bali ay isang pinsala sa isang litid na nagkakaroon ng siwang kung kayat nagkakaroon ng pamamaga. a. Ipahinga ang bahagi ng katawan na may sprains o bali. b. Lapatan ng yelo ang bahaging may sprain o bali ng 15 – 20 minuto upang maiwasan ang pamamaga. c. Balutan ng bandage ang bahaging may sprains o bali, siguraduhing masikip ang pagkakatali ng bandage d. Dalhin sa pinakamalapit na health center o ospital kung kinakailangan.

Pagsikapan Natin

Ikilos Mo!

Ipakita sa pamamagitan ng pagkilos ang mga pangunang lunas sa mga sumusunod na

karaniwang pinsala o kondisyon na nakasulat sa papel. Pumili lamang ng isa ang bawat grup0.

13

Page 98: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Sugat

Pagdurugo ng Ilong

Kagat ng Insekto

Kagat ng Hayop

Paso/Burn

Pagkalason sa Pagkain

Pamumutla at Pagkahimatay

Pagkabali

A. Isahang Gawain

Ilarawan ang maaari mong gawin kung ikaw ang kasama ng nasa larawan. Isulat ang

sagot sa kahon.

14

Page 99: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

B. Punan ang mga kahon ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagbibigay ng pangunang lunas.

Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Kaalaman sa Pagbibigay ng

Pangunang Lunas

15

Page 100: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

C. Pair Share Ipakita ang kasagutan sa iyong katabi. Pag-usapan ang naging paglalarawan at ibahagi ang naging kasagutan sa klase.

Pagyamanin Natin

Iarte Mo!

Pangkatang Gawain. Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang mga sumusunod na

sitwasyon.

Pangkat 1 Tapos na ang klase. Masayang umuwi ang magkakaibigan. Habang daan

ay nagkakantahan at nagtatawanan pa sila. Hindi nila namalayan ang asong

gala sa kalye na naapakan ni Andoy. Mabilis ang mga pangyayari kung kaya’t

nakagat siya ng aso. Walang ibang tao sa daan, ano ang maaari ninyong gawin

upang malapatan siya ng pangunang lunas?

Pangkat 2 Sobrang init ng maghapong iyon kung kaya’t walang tigil ng pagpaypay

ang magkakaklase sa loob ng kanilang silid-aralan. Sa di inaasahang pangyayari

naging masama ang pakiramdam na iyong katabi na si Joyce at nakita mong

nagdurugo ang kanyang ilong. Nagkagulo ang iyong mga kamag-aaral dahil

wala pa ang inyong guro, ang maaari mong maitulong sa kanya upang maibsan

ang pagdurugo ng kanyang ilong?

16

Page 101: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

Pangkat 3 Araw ng Sabado, walang klase kung kaya’t masayang naglalaro ng bato

bola ang magkakapatid na sina Mark, Liza, at Alex sa kanilang bakuran habang

pinapanood ni Mang Tonio at Aling Nena. Lumipas pa ang mga oras at mukang

napapagod na sila. Di napansin ni Liza ang kapatid na si Alex kung kaya’t

natapilok ito at nabuwal sa lupa. Agad siyang binuhat ni Mang Tonio, ano kayang

pangunahing lunas ang ibibigay nila kay Alex?

Pangkat 4 Nagkita-kita ang magpipinsan sa tabing ilog. Ugali na nilang maligo dito tuwing

walang pasok. Masaya silang lumangoy at naghabulan sa tubig. Hindi nila napansin ang

basag na bote sa tubig kung kaya’t nasugatan ang isa sa kanila. Medyo malayo ang

kanilang lalakarin upang magamot ang sugat. Ano ang maaari nilang gawin upang

malapatan ito ng agarang lunas?

A. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paano maiiwasan ang mga karaniwang pinsala o kondisyon sa mga sitwasyon na inyong ipinakita?

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ 2. Bakit kailangang lunasan kaagad ang mga karaniwang pinsala o kondisyon? ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

17

Page 102: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

B. Suriin ang larawan. Sa anong pinsala o kondisyon ginagamit ang mga sumusunod na mga bagay. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. 2.

3. 4.

5. 6.

7. 8.

18

Page 103: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

9. 10.

11. 12.

13. 14.

15. 16.

19

Page 104: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q4)

C. Gumawa ng isang talata na may lima hanggang pitong pangungusap sa temang, “Maging Alerto sa Pinsala, Pangunang Lunas Ihanda.”

Pagnilayan Natin

Kaya Natin ‘To

A.Kumpletuhin ang pangungusap sa loob ng medicine bag upang makabuo ng saloobin.

Upang makatulong sa iba sa oras ng pangangailangan, ako ay . . . __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________

B. Muling magpangkat pangkat ibahagi ang kasagutan sa kapangkat at piliin ang pinakamahusay na kasagutan. Ipakita sa buong klase sa pamamagitan ng pantomina.

20