17
Maikling Kuwento MASARAP MAHIRAP

Maikling kuwento

Embed Size (px)

Citation preview

Maikling

Kuwento

MASARAP

MAHIRAP

M A I K L I NG K U W E N T O

Matagal ng nagkukuwentuhan ang mgaPilipino. May mga alamat at epiko ang mgakatutubo. Mayroon na rin naisusulat na mgakuwento ang mga rebolusyonaryo at mgailustrado noong Panahon ng Espanyol.

Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang kathangpampanitikan na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, mayisang pangyayari at may isang kakintalan.

- Genoveva Edroza-Matute

Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikliang kaanyuan.

Ang diwa ay nagpapalaman sa isang buo,mahigpit at makapangyarihang balangkas nainilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Tinawag itong “Maikling Kuwento” o “MaiklingKatha” nang dumating ang Panahon ngAmerikano. Napag-alab dahil sa pag-usbong atpaglaganap ng teknolohiya ng imprenta.

Binubuo ng 500 hanggang 2000 bilang ng mgasalita.

Binubuo ng 5 hanggang 20 pahina na shortbond paper, double space.

Naglalaman ng dalawa hanggang tatlongmajor characters.

Tumatalakay sa iisang paksa, tema at majorconflict o problema.

2 Uri ng Maikling

Kuwento1.F I C T I O N Kathang-isip lamang

2. NON-FICTION

Hango sa tunay na karanasan

GENRE Romance

Horror

Mystery

Action

Adventure

Science Fiction

Kuwento noongPanahon ng Amerikano

1. Gumagamit ng Unang Panauhan o first person;2. tumatalakay sa buhay-lungsod;3. may katimpian sa pagpapahayag ng damdamin

at paglalarawan;4. may kalabuan ng pangyayari dahil may

pagtatangkang hindi maging lantad;5. may paghahangad na pagandahin ang anyo; 6. malinis at tumpak ang pananagalog; at7. nabibilang sa iba’t ibang uri tulad ng

pangkatutubong kulay (story of local color), makabanghay (story of plot), makakaisipan(story of ideas), makakapaligiran (story of atmosphere), at makatauhan (story of character.)

Elemento ng Maikling Kuwento

1. Banghay – Ang maayos at wastongpagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

2. Paningin – Nagsasaang kung saan dapattalakayin ang paksa at kung sinong tauhanang dapat maglahad ng mga pangyayaringmakikita at maririnig niya.

3. Suliranin (Problem) – Ang problemangkinakaharap ng pangunahing tauhan at angkalutasan nito sa katapusan ng akda.

4. Paksang-diwa (Theme) – Ito ang pang-isipinginiikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong una,ang diwa ay nangangahulugan ng moral lessonsubalit ngayon iyon ay walang ibig sabihin kundi angmahalagang pang-isipin ng akda (significant idea).

5. Himig (Mood) – Ito ay tumutukoy sa kulay ngdamdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo,mapagpatawa, at iba pang magpapahiwatig ngkulay ng kalikasang damdamin.

6. Salitaan (Dialogue) – Ang usapan ng mga tauhan.Kailangan ang diyalogo ay magawang natural athindi artipisyal.

7. Kapanabikan (Climax) – Nalilikha ito ngpaglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhanlaban sa mga kasalungat niya. Ito angpinakapanapanabik na bahagi nanararamdaman ng mga mambabasa bunga nghindi hindi matiyak na magiging kalagayan ngpangunahing tauhan sa kanyangpakikipagtunggali.

8. Pagtutunggali (Conflict) – Ito ang paglalabanng pangunahing tauhan at ng kaniyang mgakasalungat na maaaring kapwa tauhan, o ngkalikasan o ng damdamin na rin niya.

9. Kakalasan (Disentangle) – Ito kinalabasan ngmga paglalaban ng mga tauhan.

10. Kasukdulan (Climax) – Ito ang pinakamataasna uri ng pananabik. Sa bahaging ito ng akdahumigit-kumulang malalaman na kungnagtatagumpay o nabigo ang pangunahingtauhan sa paglutas niya sa nasabing suliranin.

11. Galaw (Action) – Tumutukoy ito sapagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutasang suliraning ito sa wakas ng katha.

Paghahanap ng Ideya

Gabay sa Pagkuha ng Ideya1. Isa sa pinakamayamang maaaring pagkunan ng ideya

ay ang ting alaala. Kaya kung susulat ka ng kuwento,humango ka ng ideya sa sarili mong karanasan.Maaaring ito ay tungkol sa una mong pag-ibig,relasyon sa iyong ina o ama, pakikipag-away sa iyongnasunngit na guro o isang nakakatuwangpangyayaring kasama ang barkada. Halos lahat ngmagagandang short stories ay hango sa tunay nabuhay. Bukod kasi sa alam na alam ng writer angbuong detalye ng pangyayari, malapit pa sa kaniyangpuso ang pinagkukunan ng ideya kaya ramdam naramdam ng mambabasa ang kahalagahan atkagandahan ng kuwento.

2. Humango ng ideya sa mga kaalamang alam mo na.Halimbawa, kung may alam ka sa pagtatanim ng palay,gumawa ng kuwento tungkol dito. Siguraduhing ito’ymabibigyan mo ng sapat na detalye at maayos napagsasalaarawan dahil nga sa may nalalaman ka natungkol sa bagay na iyon.

3. Humango ng ideya sa mga bagay na mahahalaga atinteresting sa tao. Magbasa ng diyaryo, magazine atmanood ng sine. Alamin kung ano ang “in”. Alamin kungano ang kasalukuyang usapin. Dito ka humango ngideyang masusulat.

4. Humango ng ideya sa mga bagay na importante atmalapity sa iyong puso. Dahil kapag ang paksa sa iyongkuwento ay importante sa iyo, madali mo itongmaisasalaysay ng may pagmamahal at ibayonginspirasyon.

General Steps sa Pagsusulat1. Magdasal bago magsimula.

2. Gumawa ng outline (maging creative).

3. Simulan ang kuwento. Magsulat mula sa puso.

4. Basahin ang natapos ng trabaho (maging critical).

5. Mag-rewrite.