16
Isang halimbawang awitin sa saliw ng Awiting Bayan na Leron, Leron Sinta TAYO, UPO, TAYO UPO, TAYO, UPO TAYO, LUNDAG, UPO TAYO, IKOT, UPO TAYO, IKOT, LUNDAG UPO, TAYO, UPO TAYO, UPO, TAYO LUNDAG, IKOT, UPO.

Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Isang halimbawang awitin sa saliw ng Awiting Bayan na Leron, Leron SintaTAYO, UPO, TAYOUPO, TAYO, UPOTAYO, LUNDAG, UPOTAYO, IKOT, UPOTAYO, IKOT, LUNDAGUPO, TAYO, UPOTAYO, UPO, TAYOLUNDAG, IKOT, UPO.

Page 2: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

PANDIWAMga Uri at Mga Aspekto

Page 3: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Layunin:1. Masuri ang pandiwa batay sa uri at aspekto nito.2. Magamit ang mga pandiwa sa paglalahad ng mga pangungusap na ginagawa ng isang responsableng mag-aaral sa tahanan man o sa paaralan.3. Magamit sa pangungusap ang mga pandiwa ayon sa aspekto nito.

Page 4: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

PANDIWA? bahagi ng pananalita nagsasaad ng kilos at

nagbibigay-buhay binubuo ng salitang-ugat at

panlapi

Page 5: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

2 URI NG PANDIWA1.Palipat2.Katawanin

Page 6: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Palipat Ang pandiwa ay may tuwirang

layong tumatanggap sa kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina”.

Page 7: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

PalipatHALIMBAWA:1. Si Pygmalion ay lumilok ng

estatwa.2. Ito’y kanyang sinuotan ng

damit at mamahaling alahas.

Page 8: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Katawanin Hindi na ito nangangailangan ng

tuwirang layong tatanggap ng kilos at nakatatayo na itong mag-isa.

Page 9: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

KatawaninHALIMBAWA:a. Pandiwang naglalahad ng

kilos, gawain o pangyayari1. Nabuhay si Galatea.2. Sina Pygmalion at Galatea ay

ikinasal.

Page 10: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

KatawaninHALIMBAWA:b. Mga pandiwang likas na walang simuno1. Umuulan!2. Lumilindol!

Page 11: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Mga Aspekto ng Pandiwa

1. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo3. Aspektong Naganap o Perpektibo Aspektong Katatapos

Page 12: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

Aspektong Katatapos ang kilos ay naganap PERO

katatapos pa lang gawin o mangyariPORMULA:ka + pag-ulit ng unang pantig ng salitang-ugatHALIMBAWA: LIGOka + liligo = kaliligo

Page 13: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

GAWAIN #1: Tukuyin ang URI, at ASPEKTO ng mga pandiwang may salungguhit sa pangungusap.

1. Ikinatuwa ng mga tao ang matagumpay na pag-iibigan nina Pygmalion at Galatea.

U: A:

Page 14: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

2. Ang mga nakabasa ay magsusulat din ng mitolohiya.U:A:3. Ipinansulat nila ang pluma.U:A:

Page 15: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

4. Ang paksa ay iginuhit ng mga manunulat.U:A:5. Pinupuntahan pa rin ng mga turista ang bansang Gresya.U:A:

Page 16: Mga Uri at mga Aspekto ng Pandiwa

GAWAIN #2: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na pandiwa at ang kanilang aspekto:1. Sakripisyo (kontemplatibo)2. Gawad (perpektibong katatapos)3. Talima (imperpektibo)4. Pangalandahan (perpektibo)5. Dinig (imperpektibo)