13
Kabanata XLV ANG PINAG- UUSIG

Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

Kabanata XLV

ANG PINAG-UUSIG

Page 2: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

EliasPiloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.Mang PabloPinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

TAUHAN

Page 3: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig
Page 4: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

Magalugad ang lugar – marating

Nayuyungyungan ng mga dahon – nalililiman

Binalingan ang dalaga - hinarap

Talasalitaan

Page 5: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

“Sa wakas ay natagpuan ni Elias si Kapitan Pablo sa isang yungib sa kagubatan pagkatapos ng anim na buwan na hindi pagkikita. May dalawang linggo na rin ang nakalipas nang malaman ni Elias ang sinapit ng kapitan. Malapit ang loob niya sa matanda at itinuturing niya itong ama. Pareho rin silang nag-iisa na sa buhay.

Sinubukang kumbinsihin ni Elias ang Kapitan na maisama ito sa mga lupain ng katutubo. Malayo man ito sa sibilisasyon ay makakapamuhay ng mapayapa ang matanda at makakalimot sa sinapit ng kanyang pamilya. Tinanggihan naman ito ng matanda at matiim itong nanindigan na ipaghiganti ang masaklap na nangyari sa kanyang mga anak sa kamay ng mga dayuhan. Hindi siya matatahimik hanggat hindi nagkakaroon ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng kanyang pamilya.

Page 6: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

Tatlo ang anak ni Kapitan Pablo, isang babae at dalawang lalake. Pinagsamantalahan ng isang alagad ng simbahan ang kanyang anak na dalaga. Ang isa niyang anak na lalaki ay nag-imbestiga sa nangyari kung kayat nagpunta ito ng kumbento. Tila nagkaroon naman diumano ng nakawan sa kumbento kung kaya't pinagbintangan ang kanyang anak na lalaki. Hindi man napatunayan ang nasabing nakawan, hinuli pa rin ito at ibinitin at nakatikim ng pagpapahirap sa kamay ng mga awtoridad. Hindi tinugon ni Kapitan Pablo ang mga sigaw ng pagtawag ng kanyang anak sapagkat noon ay mas nanaig ang kanyang kaduwagan at pagnanais sa mapayapang buhay. Ang kura naman ay hindi man lamang naparusahan kundi inilipat lamang ng panibagong lugar. Ang isa naman niyang anak na lalaki ay pinaghinalaang maghihiganti. Sa kasamaang palad, may isang pagkakataon na hindi nito nadala ang kanyang sedula kung kaya't hinuli ito ng mga sibil. Pinahirapan din ito at ng hindi na makayanan ay kinitil nito ang sariling buhay.

Page 7: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

Kung kaya para kay Kapitan Pablo, wala nang mahalaga sa kanya kundi ang ipaghiganti ang sinapit ng kanyang mga anak. Lulusob sila sa bayan sa tamang oras, kasama ng iba pang mga kapus-palad na pinag-uusig ng pamahalaan. Lubos naman itong nauunawaan ni Elias, kaya't ang simpatya niya ay nasa matanda. Minsan na ring hinangad ni Elias ang paghihiganti, ngunit sa kagustuhang wala ng madamay pa sa kanyang paghihiganti, kinalimutan na lamang niya ito. Ayon kay Kapitan Pablo, madali itong gawin para kay Elias sapagkat magkaiba naman sila ng sinapit. Si Elias ay bata pa at walang namatay na mga anak. Pinangakuan naman niya si Elias na walang madadamay na inosente sa gagawin nilang paghihiganti.

Page 8: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

Isinawalat din ni Elias kay Kapitan Pablo ang naging pagkikita at pagkakaibigan nila ni Ibarra. Ikinuwento rin nito ang mga katangian ni Ibarra at ang pang-aaping sinapit ng pamilya nito sa kamay ng pari. Sinabi nito kay Kapitan Pablo na makakatulong si Ibarra sa pagpapa-abot sa Heneral tungkol sa mga hinaing ng bayan. Sumang-ayon naman ang matanda at malalaman niya ang resulta ng pakikipag-usap ni Elias kay Ibarra tungkol dito pagkatapos ng apat na araw. Ang mga tauhan ni Kapitan Pablo ang kakatagpuin ni Elias upang maipag-bigay alam sa matanda ang sagot ni Ibarra. Kapag sumang-ayon si Ibarra, magkakaroon ng katarungan ang kanilang mga hinaing at kung hindi naman, nangako si Elias na sasama sa kanilang layunin”

Page 9: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

MGA PALIWANAG

Page 10: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

∞Naliliwanagan ng buwan - kagubatan-Kahit na madaming pagsubok sa kagubatan meron parin makikitang pag-asa

∞Rebolber - Kapangyarihan-Pinapakita na hindi lahat ng tao ay pinagkakatiwalan

∞Pagsensyas - kapangyarihan-nakuha kaagad ng kanyang mga kasama ang ibig sabihin ni Kapitan Pablo∞Telang pula ng may bahid ng dugo-Pinapahulugan na may masamang nangyari kay Kapitan Pablo kaya may dugo - Paghihiganti

∞Elias-Pag-asa dahil siya ay naniniwalang hindi pa malala ang lahat. Maaari pa itong solusyunan.

Page 11: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

∞“…Maaari po ba iwan na ninyo ang pamumuhay na ito at sumama na kayo sa akin? Ako’y ituring na ninyong anak at ngayo’y itututring ko naman kayong ama sapagkat wala na rin akong kaanak.” (Elias)-Nais tumulong ni Elias kay Kapitan Tiago dahil ayaw ni Elias na gumawa pa si Kapitan Pablo ng masama dahil lamang sa pag-hihimagsik sa kanyang pamilya.

∞“…Ngayon ako ay tulad sa isang punong kahoy na walang lilim…”(KapitanPablo)-Nawalan na siya ng pag-asa dahil nawala na ang lahat sa kanya

∞“…Ang naging parusa lang ng paring iyon ay ilipat ang destino sa ibang bayan…”-Kahit na masama ang nagawa ng kura, hindi pantay ang pagbibigay parusa lalo na kapag ikaw ay makapangyarihan.-Rason kung bakit ililipat si Padre Damaso sa ibang bayan(ito ang naging parusa sa kanya)

Page 12: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

∞Talata19-Ang mga kura ay hindi katulad ng dapat talaga nilang gawin bilang mga alagad ng Diyos dahil inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan upang makapag-higante or gumawa ng masama

∞Talata21-Hindi niya hinayaang gumawa ng masama ang kanyang mga anak kahit na dapat nila itong gawin

∞“…ngunit sapamamagitan ng apoay at dugo at ng kanyang sariling kamay ay ipaghihiganti ko kayo, aking mga anak.”(KapitanPablo)-Hanggang sa dulo ay nais parin na ipaghiganti ang kanyang anak sa madugong paraan

Page 13: Noli Me Tangere Kabanata 45 Ang Pinag-uusig

TAPOS....• Maraming Salamat sa Pakikinig at

Pagpalain sana

tayo ng Diyos!!!Ginawa Ni: Maria Carmella C. Surmieda