34
Magandang Araw Po!

Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Magandang Araw Po!

Page 2: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

CONCHITA F. TIMKANGMT-I

BEST PRACTICEIN

FILIPINO

Page 3: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PAG-IIBIGAN TEKNIK

CONCHITA F. T IMKANGMT-1

BEST PRACTICE Para sa Pag-unlad sa

Kasanayan sa Pagbasa

Page 4: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

TEKNIK SA PAGTUTURO PARA SA MGA MAG-AARAL NA NASAFRUSTRATIONLEVEL

Page 5: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Sa panahon natin ngayon hindi maipagkaila na naging kakompetensya na ng guro ang makabagong teknolohiya sa pagkuha ng atensiyon sa mga estudyante. Hindi na mapipigilan ang pag-usbong ng social media at paggamit ng cellphone sa loob ng silid-aralan.

I. RASYONALE

Page 6: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Ayon kay Gan, 2014 hindi nagiging pare-pareho ang progreso ng pagkalinang ng kasanayan at kakayahan sa pagbasa. Kahit na kung minsan ang may mataas na I.Q. ay nagkaroon din ng problema na naging sagwil at balakid sa pagkalinang ng kasanayan sa pagbasa.

Maraming sanhi at salik na nakakaimpluwensiya sa pagtamo ng kakayahan sa pagbasa.

Page 7: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Kaya hinahamon tayong mga guro kung hanggang saan ang ating kakayahan sa pagkamalikhain at ang ating pagiging mapanuri .

Ito ang dahilan na kahit nasa modernong panahon na ngayon hindi kailan pa man mapapalitan ng modernong teknolohiya ang guro.

Page 8: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Sa puntong ito para mabigyan ng katugunan ang ninanais na tagumpay sa pagtuturo, kailangang mas masaya, kawili-wili, kanais-nais, kaaya-aya at mahihikayat ang mga estudyante na makinig, magbasa at magsulat. ‘Yong hindi sila nababagot, sa halip na nakaupo lamang sa gilid, sumasali at nakikiayon na rin.

Ayon kay Unera, KC, 2015 dapat mapanatili ng mga guro sa Filipino ang paggamit ng istratehiyang intrinsik bilang pagganyak sa mga mag-aaral .

Page 9: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Sa panahon ngayon kakaunti na lamang sa mga mag-aaral na magbasa ng aklat at makikinig ng mga kwentong hindi naman akma sa kanilang panahon. Lalo na sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa.

Kailangan ng guro na tumuklas ng mga tekniks na maipapasok niya sa isang estratehiya upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa.

Page 10: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Kailangang maalis ang kanilang pagkamahiyain at maibsan ang takot sa pagharap sa klase.

Batay sa mga resulta ng (NAT) National Achievement Test mula 2010-2014 pataas, pababa, pataas naman ang marka na nakuha sa Filipino.

Page 11: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Mababa ang marka sa bawat pasulit.

Marami ang nasa antas na pagkabigo o (frustration level),kakaunti lang ang nasa malayang antas o (independent level)

Kaya sinubukan kong maglaro sa klase gamit ang mga meta cards sa kaparaanang naiiba.

Page 12: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Dito nabuo at naisilang ang tinatawag na Pag-iibigan Teknik.

Page 13: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Pagbibigay Kahulugan Ang Pag-iibigan Teknik ay ginagamit sa pagbibigay kahulugan ng mga salita, pagdugtong-dugtong ng mga taludtod sa isang tula, pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento at sa pagtatambal ng mga parirala o pangungusap.

Page 14: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Inaasahang maiangat ang kasanayan sa pagbasa at maiangat ang resulta ng National Achievement Test (NAT)

1.Maiaangat ang instruksyunal at malayang pagbasa ng mag-aaral.2.Maisasagawa ang pagsasanay sa pagbasa dalawang araw sa isang Linggo.3.Maipamamalas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa gamit ang aklat, diyaryo, e-book o watpad

II. LAYUNIN:

Page 15: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

III. MEKANIKSPAG-IIBIGAN TEKNIK A. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat,isang grupo ng mga lalaki at isang grupo rin ng mga babae. Maaari tiglilima lamang sa bawat pangkat.

Page 16: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MEKANIKS PAG-IIBIGAN TEKNIK B. Ibigay sa mgalalaki ang mga mahihirap na salitang isa-isang nakasulat sa “meta cards.”

Page 17: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MEKANIKS PAG-IIBIGAN TEKNIK C.Ibigay naman sa mga babae ang mga kahulugan ng mga salitang mahihirap .

Page 18: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MEKANIKS PAG-IIBIGAN TEKNIK D. Pagkatapos tatalikod ang mga babae upang idikit nila ang meta cards sa kanilang mga dibdib at hihintayin ang mga lalaki na lumapit upang hanapin ang sagot . Haharap silang muli upang mabasa ang katambal na salita.

Page 19: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MEKANIKS PAG-IIBIGAN TEKNIK

E . Kapag nahanap na ang kahulugan ng salitang kanyang hawak, agad niya itong hingin sa babae ang kamay , tapos sabay taas ang kamay, palatandaan na sila ang naunang nakabuo at basahin nila ito sa harap.

Page 20: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MEKANIKS PAG-IIBIGAN TEKNIK F. Magpatuloy ang

prosesong ito hanggang lahat ay may kapares na. Dito babasahin nilang sabay-sabay ang mga nakasulat sa meta cards.

G. Papasok na dito ang tambalang pagtuturo sa bawat isa sa pagbasa, dahil pwede itong paulit-ulit nilang gawin.

Page 21: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MEKANIKS PAG-IIBIGAN TEKNIK

H. Sa araw na ‘yon sila na ang tatanghaling“couple of the day” at magkasama na sila sa lahat na gawain hanggang matapos ang isang sesyon. Ang pagtatambal nila ay isa sa kaparaanan ng pagkuha ng pangkatang gawain lalo na sa padugtungang pagbasa sa mga akdang pampanitikan.

Page 22: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Click icon to add picture

TAMBALANG PAGTUTURO

Paghanap sa salita na nakapaloob sa teksto. ( Love team teaching)

Page 23: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Makikita ang isang resulta sa pagkuha ng datos na nagpapatunay na ang teknik na ito ay nakadagdag tulong sa pagtuturo sa mga mag-aaral na may kahinaan sa pagbasa, dahil sa pag-angat ng bilang ng mga mag-aaral mula sa antas ng pagkabigo (frustration level) naging instruksyunal at malaya na pagdating (independent level)sa “post test”

Batay na isinagawang (ORPT) Oral Reading Proficiency Test bawat taon maihahambing ito mula 2011-2012, 2012-2013, 2014-2015. Ang antas ng pagkabigo noon hanggang 40% umaangat ito na 10% na lamang. Sa pagbasa ng tahimik mula 33.85% sa pre-test bumaba ito hanggang 5.28% Sy: 2013-2014.

IV. RESULTA

Page 24: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Sa pagbasa naman ng tahimik mas lalong bumaba ang antas ng pagkabigo mula 35.47% (frustration level) naging 2.99% na lamang. Tumaas naman ang antas sa malayang pagbasa mula 9.97% - 27.07% at mas marami ang nasa instruksyonal na antas 50.43%- 68.88%.

Dito ko po napatunayan sa pag-angat din ng NAT mula 51.21% SY 2010-2011, 60.38% SY:2011-2012, 55.89% - 69% . Sa markahang pagsusulit MPS: 69.47- 75.11% SY: 2013-2014.

Umaangat din ang sulat-kamay nila sa pamamagitan ng mga malikhaing awtput sa pagsulat. Pagbigkas ng palatunugan, tamang bigkas ng ponema higit sa lahat nahihikayat na po silang sumali pagganitong laro ang gagamitin.

RESULTA

Page 25: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Lubos ko na iminungkahi na mas mahalaga ang pagpapatupad sa sariling pamamaraan kung ano ang mas nakakahiyang ng isang guro.

Dapat na hindi maging limitado ang kanyang pagtuklas at paging malikhain na guro.

Hindi tayo titigil sa paglikha ng mga inobasyon sa pagtuturo .

Maaaring gamitin ang teknik na ito bilang pagsasanay na gagawin sa REMEDIAL Teaching .

Pwede itong gawin na panghikayat at sa ebalwasyon pagmalapit na ang markahang pasulit.

Marunong ang guro na kumilatis sa estratehiyang ginamit sa pagtuturo. Mahaba ang pasensiya at pang-unawa sa kapwa. Gagabayan sila sa kanilang mga pagkakamali. Gawing buhay na buhay at makabuluhan ang klase sa oras ng talakayan. Higit sa lahat gawin mo ito na may puso at walang kapalit dahil mahal

natin ang mga bata.

V. REKOMENDASYON

Page 26: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

Major Output Performance/Project Activities

Performance Indicator

AccomplishmentSY-2013-2015

Target SY- 2016

Time Frame

MOVSSOURCES & AMOUNT OF FUNDS

Increase of Independent reader from 0 non-readers to 75% Independent

ORPT Review

280 students more or less – 0% Non-reader

70% - Independent30% - Instructional

2012-20132013-20142014-2015

336 STUDENTSO-frustration10%-Instructional90%- Independent

June to March

AVM – Audio-Visual Media

PicturesPower point Presentation

Books Magazines

PTA

Personal

MOOE

Using Best Practices in every approaches and strategies

Reading Remediation

Evaluation

Pag-iibigan Teknik

2 – 3 pages every week

daily

2days everyweek 40min.

100% Independent level

August – Jan.

VediokePair –Tutoring

FB, TwitterBlogs

/ /

Ask Assistance from parents,NGOs.

Tutorial Activity

School-community partnership

10 students given time to read at home

EVERY YEAR

EVERYBODY A READER

During vacation

ACTIVITY CARD

Group Activity

Using meta cards,Meta stripsJigsawGames

PICTURES

/ /

IMPLEMENTATION PLAN

Page 27: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PHIL-IRI/ORPT NAT RESULT

Page 28: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PAGPAPANGKAT

PICTORYALS/ MOV’S

Page 29: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PICTORYALS/MOV’S

Page 30: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PICTORYALS/MOV’S

Page 31: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PICTORYALS/MOV’S

Page 32: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

PAGBASA AT PAG-UULAT

Pagsuri at pagbasasa kanilang mga sagot sa harap ng klase.

Malayang Talakayan

Page 33: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

HUWAG KALIMUTAN!!!

“Ang pagtuturo ng isang mahusay na guro ay hindi nagmula sa aklat ngunit mula sa kaibuturan ng kanyang puso.”

“ Kung ang isang guro ay may puso sa kanyang ginagawa walang mag-aaral ang mababagot sa kanyang klase at walang mag-aaral ang hindi matuto sapagkat gaano man kahina o kalikot ang isang mag-aaral, kung ang nagtuturo ay may pagmamahal sa kanila ay pahahalagahan niya ito.”

Wennie TM,2015

Page 34: Pag-iibigan Teknik/ Best Practice in Filipino

MARAMING SALAMAT PO

MAGANDANG BUHAY